anyong lupa at tubig sa asya

12
10 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran Ang Pisikal na Kapaligiran ng Asya Aralin 1 KABANATA 1 Ang Kapaligiran at ang Likas na Yaman ng Asya 1. Saan matatagpuan ang kontinente ng Asya? 2. Anu-ano ang mga anyong-lupa at anyong-tubig na matatagpuan sa Asya? 1. heograpiya – isang larangan ng siyentipikong pag-aaral ukol sa katangiang pisikal at kultural ng mundo 2. lunas ng ilog (river basin) – isang mababang lugar kung saan umaagos ang malalawak na ilog Ang Asya Nahahati ang daigdig sa pitong kontinente. Ang mga kontinenteng ito ay ang Asya, Antarctica, Oceania, Europe, Africa, North America, at South America. Ang Asya ang pinakamalaki sa pitong kontinente ng daigdig. Saklaw ng Asya ang halos sangkatlong bahagi ( 1 3 ) ng kabuuang lupain ng mundo. Aabot sa halos 44 936 000 kilometro kwadrado (km²) ang lawak ng Asya. Kung ang pagbabatayan ay ang Europe, masasabing ang Asya ay nasa silangan. Para sa mga Griyego, ang salitang “asya” na hango sa salitang Griyego na asu ay nangangahulugang “pagsikat ng araw” o “silangan.” Sa matagal na panahon, hindi malinaw sa mga heograpong Europeo kung ano ang saklaw ng lupaing tinatawag na “silangan.” Tradisyunal na hangganan na humahati sa Europe at Asya ang Bulubunduking Ural na Ang lokasyon ng Asya sa mapa ng mundo

Upload: merlyn-sainz

Post on 23-Nov-2015

1.554 views

Category:

Documents


25 download

DESCRIPTION

module

TRANSCRIPT

  • 10 AngAsyanosaKanyangKapaligiran

    Ang Pisikal na Kapaligiran ng AsyaAralin 1

    Kabanata 1 Ang Kapaligiran at ang Likas na Yaman ng Asya

    1. SaanmatatagpuanangkontinentengAsya?

    2. Anu-anoangmgaanyong-lupaatanyong-tubignamatatagpuansaAsya?

    1. heograpiyaisanglaranganngsiyentipikong

    pag-aaralukolsakatangiangpisikalatkultural

    ngmundo

    2. lunasngilog (river basin)isangmababanglugar

    kungsaanumaagosangmalalawaknailog

    Ang AsyaNahahati ang daigdig sa pitong kontinente.

    AngmgakontinentengitoayangAsya,Antarctica,

    Oceania,Europe,Africa,NorthAmerica,atSouth

    America. Ang Asya ang pinakamalaki sa pitong

    kontinentengdaigdig.SaklawngAsyaanghalos

    sangkatlong bahagi (13) ng kabuuang lupain ng

    mundo. Aabot sa halos 44 936 000 kilometro

    kwadrado(km)anglawakngAsya.

    Kung ang pagbabatayan ay ang Europe,

    masasabingangAsyaaynasasilangan.Parasamga

    Griyego,angsalitangasyanahangosasalitang

    Griyegonaasuaynangangahulugangpagsikatng

    arawosilangan.Samatagalnapanahon,hindi

    malinaw samga heograpong Europeo kung ano

    angsaklawnglupaingtinatawagnasilangan.

    Tradisyunal na hangganan na humahati

    sa Europe at Asya ang Bulubunduking Ural na

    Ang lokasyon ng Asya sa mapa ng mundo

  • PagtanawatPag-unawa:Asya 11

    matatagpuansaRussia.Sakasalukuyan,angmga

    anyong-tubig na nagsisilbing hangganan ngAsya

    ay ang mga sumusunod: Karagatang Arktiko sa

    hilaga;KipotngBeringatKaragatangPasipikosa

    silangan;KaragatangIndiansatimog;atangmga

    dagatngRedatMediteraneosatimog-kanluran.

    Nahahati sa limang rehiyonangAsyabatay sa

    pagkakatuladngkatangiangheograpikal,kultural,at

    historikal.AngmgaitoayangTimog-silangangAsya

    (Southeast Asia),TimogAsya (South Asia),Silangang

    Asya (East Asia), Kanlurang Asya (West Asia), at

    HilagangAsya (North Asia).Samgasumusunodna

    aralinaypag-aaralanangmgarehiyongito.

    Ang Heograpiya ng Asya

    Mga Anyong-lupaBilang pinakamalaking kontinente sa buong

    mundo, matatagpuan sa Asya ang ibat ibang

    anyong-lupa.

    1.Bundok at Bulubundukinangbundokay

    ang anyong-lupa na nakaangatmula sa lebel

    ngdagat(sea level)atmaytaasnaumaabotsa

    mahigit 2 000 talampakan. Ang mahabang

    hanay ng mga bundok ay tinatawag na

    bulubundukin. Matatagpuan sa Asya ang

    naglalakihang bulubundukin. Pinakatanyag

    sa mga ito ang Himalayas na bumabagtas

    mula Pakistan hanggang Myanmar. Sa

    bulubundukingitomatatagpuanangBundok

    Everest, ang itinuturing na pinakamataas na

    bundoksamundo.KatabingHimalayasang

    Bulubunduking Karakoram. Sa dalawang

    bulubunduking ito matatagpuan ang halos

    lahatngpinakamatataasnabundoksadaigdig.

    Angibapangmahahalagangbulubundukinsa

    AsyaayangAltai,Kunlun,TienShan,Hindu

    Kush,Zagros,Caucasus,atUral.

    Ang tuktok ng Bundok Everest

    2.Bulkan ito ay biyak sa ibabaw ng lupa

    kung saan dumadaloy ang maiinit at tunaw

    na mga bato na tinatawag na lava o kung

    saannagmumulaangmakapalnaalikaboksa

    pagsabognito.Dahil samgapagsabog,daloy

    nglava,atpagtataponngalikabok,karaniwan

    sa mga bulkan ay nakabubuo ng hugis-

    balisungsong o hugis-apa na bundok, tulad

    ngFujisaJapanatMayonsaPilipinasdalawa

    samgakilalangbulkansaAsya.Angibapang

    tanyag na bulkan sa Asya ay ang Krakatoa

    at Tambora sa Indonesia. Ang Bulkang

    Pinatubo naman sa Pilipinas ang nagtala ng

    pinakamapanirang pagsabog nitong huling

    siglo.

    Ang Bundok Fuji sa Japan

  • 12 AngAsyanosaKanyangKapaligiran

    3.Burolitoayisangnakaangatnaanyong-lupa

    namasmababa kaysa bundok at karaniwan

    aybilugan.AngrehiyonngKwangsisaTimog

    China ay kilala dahil sa kamangha-mangha

    nitong mga burol. Tanyag din ang Chota

    Nagpur sa India dahil sa mga burol nito

    na inukit ng ulan mula noong panahong

    prehistoriko.

    Larawan na nagpapakita ng mga sundalong Amerikano na nakahimpil malapit sa burol ng Old Baldy noong Digmaang Koreano

    Dahil naman sa trahedyang dulot ng

    Digmaang Koreano, ang mga burol sa mga

    liblib na lugar sa Tangway ng Korea ay

    nagkaroon ng mga pangalang tulad ng mga

    sumusunod:BunkerHill,OldBaldy, Sniper

    Ridge, Capitol Hill, Triangle Hill, Pikes

    Peak, Jackson Heights, at Jane Russell Hill.

    Nagsilbing dambana ang mga burol na ito

    ng libu-libong sundalong Amerikano na

    nakipaglabansaDigmaangKoreano.

    4.Kapatagan ito ay pantay at malawak na

    anyong-lupa. Karaniwan sa mga kapatagan

    ay malapit sa mga baybayin. Ang mga

    kilalang kapatagan sa Asya ay matatagpuan

    sa kanluran at hilaga ng Siberia (Russia),

    silangang baybayin ng China, silangang

    bahagi ng Tangway ng Arabia, at gitnang

    bahagingIndochina.

    5.Talampas ito ay malawak na kapatagan

    sa tuktok ng isang mataas na anyong-lupa.

    Angmahahalagang talampas ngAsya ay ang

    mga talampas ng gitnang Siberia (Russia),

    Mongolia,Tibet,Deccan(India),atTurkey.

    6.Lambak at Lunas ng Ilog ang lambak

    ay kapatagang halos napalilibutan o

    napagigitnaanngbulubundukin.Karaniwan

    samga lambak aymga lunas ng ilog o river

    basin, isang mababang lugar kung saan

    umaagosang ilog.Angmahahalagang lunas

    ng ilog ng Asya ay ang Indus sa India at

    Pakistan; Huang He at Yangtze sa China;

    Irrawaddy sa Myanmar; Chao Phraya sa

    Thailand; at Mekong na dumadaloy mula

    TibethanggangVietnam.

    Larawan ng Ilog Huang He na kilala rin bilang Yellow River

  • PagtanawatPag-unawa:Asya 13

    7. Interyor ng kontinente kalakhan ng

    kalupaanngAsyaaymatatagpuansainteryor

    ng kontinente.Halos lahat ngmatatayog na

    bulubundukin ng Asya ay nasa interyor o

    malayosabaybayin.Sakatunayan,maraming

    bansang Asyano ang hindi napalilibutan o

    hinahanggananngdagatokaragatantuladng

    Laos,Mongolia,atNepal.

    8.Baybayinitoangtawagsamgaanyong-lupa

    namalapit sadagat.Maramingkapatagan sa

    Asyaangmalapitsabaybayin.

    9.Tangway ito ay kalupaang nakausli sa

    dagat at halos napalilibutan ng tubig. Ang

    mahahalagang tangway ng Asya ay ang mga

    tangwayngArabia, India,Malay, Indochina,

    atKamchatka.

    10. Isthmus ito ay isang makitid na lupain na

    nagsisilbingtulaynanagdurugtongsadalawang

    malalaking kalupaan. Isang halimbawa nito

    angIsthmusngSueznanagdurugtongsamga

    kontinentengAsyaatAfrica.

    11. Pulo ito ay isang lupaing napalilibutan

    ng tubig. Maraming pulo ang matatagpuan

    sa Asya. Kabilang sa mga ito ang Honshu

    at Hokkaido sa Japan; Sumatra at Java sa

    Indonesia; Luzon at Mindanao sa Pilipinas;

    atBorneonapagmamay-aringmgabansang

    Indonesia,Malaysia,atBrunei.

    12.Kapuluan o Arkipelago itoaypangkatng

    mgapulo.AngmgabansangJapan,Pilipinas,

    Indonesia, at Maldives ay mga kapuluan.

    Pinakamalaking arkipelago sa buongmundo

    angbansangIndonesianatinatayangmayroong

    mahigit13000pulo.

    Mga Anyong-tubigAng mundo ay may mahigit na 70%

    katubigan. Ang kontinente ng Asya ay hindi

    lamangnapalilibutanngmalalawaknakaragatan,

    marami ring anyong-tubig na matatagpuan sa

    loobannito.

    1. Karagatan at Dagat ang mga ito ay

    malalawak na katubigang-alat. Sa hilaga ng

    Asya matatagpuan ang Karagatang Arktiko.

    Malaking bahagi ng Karagatang Arktiko

    ang permanenteng nagyeyelo. Karugtong ng

    karagatang ito ang mga dagat ng Silangang

    Siberia,Laptev,Kara,Chukchi,atBarents.

    Sa katimugan ng Asya matatagpuan ang

    KaragatangIndian.KarugtongngKaragatang

    Indian ang Red Sea. Makikita naman sa

    silangan ng Asya ang Karagatang Pasipiko,

    ang pinakamalawak at pinakamalalim na

    karagatansabuongmundo.Itoaymaylawak

    na165384000km2.KarugtongngKaragatang

    Pasipiko ang mga dagat ng Timog China,

    SilangangChina, Japan,Okhotsk, at Bering.

    Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang

    PasipikomatatagpuanangMarianasTrench.Ito

    angpinakamalalimnabambangsadaigdig.

    2. Ilogitoanganyong-tubignadumadaloymula

    samataasnalugartuladngbundokpababasa

    lawaodagat,okayaaysumasanibsa ibapang

    masmalakingilog.SaAsya,angmgakilalangilog

    ayangOb,Yenisei,atLenasaRussia;Yangtzeat

    HuangHesaChina;GangessaHilagangIndia

    atBangladesh;IndussabandangTibet,India,at

    Pakistan;BrahmaputrasaBangladesh;Tigrissa

    bahagingTurkeyatIraq;Euphratessabahaging

    Turkey,Syria, at Iraq; IrrawaddyatSalween sa

    Myanmar;atJordansaSyria,Israel,atJordan.

  • 14 AngAsyanosaKanyangKapaligiran

    Isang bahagi ng kahabaan ng Ilog Huang He

    3. Lawa ito ay malawak na anyong-tubig na

    nakukulong ng lupa. May dalawang uri ng

    lawa, ang maalat at ang tabang. Maraming

    malalawak na lawa na may tubig-alat at

    napagkakamalang dagat.Halimbawa ngmga

    itoangmgadagatngDead,Aral,Caspian,at

    Black.Samantala,angLawangBaikalnaman

    sa Siberia sa Russia ang pinakamalawak at

    pinakamalalimnalawangtabangsamundo.

    Isang bahagi ng Lawa ng Baikal sa Russia

    4. Kipotisaitongmakitidnakatubigannanag-

    uugnay sa dalawangmasmalalaking anyong-

    tubig. Ang Kipot ng Bering (Russia) ay nag-

    uugnay samga dagat ngBering atChukchi.

    Ang Kipot ngMalacca (Malaysia) naman ay

    nag-uugnay sa Karagatang Indian at Dagat

    Java.

    5. Golpo ito ay malawak na katubigan na

    karugtong ng dagat. Ang kabuuan ng golpo

    ay halos napaliligiran ng kalupaan. SaAsya,

    tanyagangGolpongPersiadahilsalangisna

    nakukuha rito. Ang iba pang kilalang golpo

    sa Asya ay ang Tonkin, Aden, Oman, at

    Thailand.

    Isang bahagi ng Golpo ng Persia

    6. Lookitoangkabaligtarannggolpo.Anglook

    ay hindi gaanong napaliligiran ng kalupaan.

    AngpinakamalakinglooksaAsyaayangLook

    ngBengalnahumahatisarehiyonngTimog

    atTimog-silangangAsya.

  • PagtanawatPag-unawa:Asya 15

    1. Paano mailalarawan ang kinaroroonan ng

    Asya?

    2. Paanomailalahadangibatibanganyong-lupa

    atanyong-tubigngAsya?

    3. Ipaliwanag ang kaibahan ng dagat sa

    karagatan,ngbundoksabulkan.

    1. Siyasatin ang mahalagang papel na

    ginagampananngkapaligiransapaghubogng

    lipunan.Bumuongisangpangkatatmagtalaga

    ng pinuno, kalihim, at tagaulat. Pumili ng

    isangbarangaynasusuriin.Magmasidukolsa

    pisikalnakapaligiranngbarangayatangbisa

    nitosapamumuhayngmgataongnaroroon.

    Kumuhangdatostungkolsamgaitomulasa

    talangbarangay hall.Suriinangmganakalap

    naimpormasyonatsagutinogawinangmga

    sumusunod:

    a. Anoangkatayuanngmgaanyong-lupaat

    anyong-tubigngbarangay?

    b. May kaugnayan ba ang pisikal na

    kapaligiran ng barangay sa karaniwang

    gawaingpangkabuhayanngmamamayang

    nakatirarito?

    c. Bilang isang pangkat, magpanukala

    kung paano mapangangalagaan ang

    pisikal na kapaligiran ng barangay at

    mapahahalagahanangbisanitosabuhay

    ngmamamayangnaroroon.

    d. Iulat sa klase ang kinalabasan ng pag-

    aaral. Magbigay rin ng kopya ng mga

    rekomendasyonsapunongbarangay.

    2. Magpangkat-pangkat.Gamitangmga recycled

    na bagay, gumawa ng mapang topograpikal

    ng isang rehiyon saAsya na nagpapakita ng

    kapaligirangpisikalnito. Ipakita angumbok

    ng mga bundok at lalim ng mga karagatan

    at lawa. Kung maaari, lagyan ng tubig ang

    nilikhang karagatan at lawa. Ang tagaulat

    angmagtatanghalsaklasesapamamagitanng

    pagtukoysamgapangalanatkinaroroonanng

    mgaanyong-lupaatanyong-tubig.

  • 16 AngAsyanosaKanyangKapaligiran

    Ang mga Pinaka sa Asya

    Ang Asya ay punung-puno ng mga kamangha-manghang katangiang pisikal. Ang ilan sa mga ito ay itinatampok natin ngayon sa Samut-saring Kwento.

    Pinakamalalim at pinakamatanda: Lawa ng BaikalAng malalaking lawa sa Asya ay may tubig-alat kaya napagkakamalan ang mga itong

    dagat, gaya ng Dagat Aral at Dagat Caspian. Pero iba ang Lawa ng Baikal (Russia) dahil tubig-tabang ang matatagpuan dito. Sa lalim na isang milya, ang Lawa ng Baikal ang pinakamalalim na lawa sa mundo. Ang lawang ito ay tinatayang 25 milyong taon na. Dahil dito, ito na rin ang pinakamatandang lawa ng mundo. Tahanan ito ng mahigit sa 2 400 uri ng mga halaman at hayop. Sa katunayan, karamihan sa mga hayop at halaman na ito ay matatagpuan lamang sa Lawa ng Baikal.

    Pinakamababa at Pinakamaalat: Dead Sea

    Isang bahagi ng Dead Sea

  • PagtanawatPag-unawa:Asya 17

    Batay na rin sa pangalan, ang Dead Sea ay itinuturing na isang patay na anyong-tubig. Ang tubig nito ay apat na ulit na mas maalat kumpara sa karaniwang tubig-dagat. Sa dami ng asin at mineral na natunaw sa tubig nito, hindi kayang mamuhay ng mga hayop o halamang-dagat dito. Dahil sa lalim na 400 metro, ang Dead Sea ang maituturing na rin na pinakamababang bitak sa mundong ibabaw. Noon namang 1947, natagpuan sa isang kweba malapit sa lawa ang Dead Sea Scroll na naging batayan sa pagpapatunay sa Bibliya bilang akdang historikal.

    Pinakamataas: Bundok Everest

    Isang bahagi ng Bundok Everest

    Pangarap ng bawat mountaineer na makaakyat sa tuktok ng Bundok Everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Matatagpuan ito sa Himalayas, sa mga bansang Nepal at China. Ang taas nitong 29 028 talampakan mula sa lebel ng dagat, matatarik na dalisdis, nagyeyelong taluktok, at baku-bakong daanan ang tunay na hamon sa mga mountaineer.

    Noong 1953, unang narating ang tuktok ng Bundok Everest ni Sir Edmund Hillary ng New Zealand kasama ang kanyang giya na isang katutubong Sherpa na si Tenzing Norgay. Kinikilala ang yumaong si Sir Edmund na isang bayani sa kanyang bansa. Simula noon, marami na ang nakaakyat sa tuktok ng Bundok Everest. Sa pagharap sa hamon ng bagong milenyo, narating ng mga mountaineer na Pilipino ang tuktok ng Himalayas bilang tanda ng pagsisikap ng lahing Pilipino na mapagtagumpayan ang anumang pagsubok.

  • 18 AngAsyanosaKanyangKapaligiran

    Isang Sulyap sa mga Bansang AsyanoAralin 2

    1. Anu-anoangmgabansangmatatagpuansakontinentengAsya?

    2. Anu-anoangmgabansangpangkontinente,pangkapuluan,attranskontinental?

    3. Anoangestadongmgabansangtranskontinental?

    1. Association of Southeast Asian Nations

    isang organisasyon ng mga bansa sa Timog-

    silangangAsya

    2. UnitedNations samahanngnagkakaisang

    mga bansa namay layuning panatilihin ang

    kapayapaansabuongmundo

    Mga Bansa sa AsyaSakasalukuyan,mayapatnaputwalong (48)

    bansa angmatatagpuan saAsya.Angmga ito ay

    angmgabansangpangkontinente,pangkapuluan,

    attranskontinentaloyaongmganasahangganan.

    Mga Bansang Pangkontinente Tatlumput walo (38) sa mga bansa sa Asya

    ang matatagpuan sa mismong kontinente ng

    Asya o samainland. Angmga ito ay tinaguriang

    bansang pangkontinente. Ang bawat bansang

    pangkontinente ay maaaring tawaging bansang

    baybayin o bansang looban. Ang mga bansang

    baybayinayyaongmgabansanamaydalampasigan

    oangbahaging teritoryoaynakaharapsadagat.

    Halimbawangmga ito angmgabansangChina,

    India,Myanmar,Pakistan,atTurkey.

    Angmgabansang loobanolandlockednaman

    ayyaongmgabansangnapagigitnaanngkalupaan

    at malayo sa dalampasigan. Halimbawa ng mga

    itoangmgabansangAfghanistan,Bhutan,Laos,

    Mongolia,atNepal.

    Pagdating sa lawak ng teritoryo, ang

    pinakamalakingbansasaAsyaayangRussia.Kung

    isasamaangbahagingteritoryongRussiananasa

    kontinentengEurope,aabot sa17098242km

    ang sukat nito. Pumapangalawa sa Russia ang

    Chinanamaysukatna9596961km.

    Mga Bansang PangkapuluanMay mga bansa rin sa Asya na biniyayaan

    ng maraming pulo bilang bahagi ng kanilang

    topograpiya. Ang mga ito ay tinatawag na

    mga bansang pangkapuluan. Ang kapuluan o

    arkipelago ay isang pangkat ng mga pulo kung

    saan ang mga dagat sa pagitan ng mga pulo ay

    itinuturingnamgadagat-panloob.

    Sa ilalim ng United Nations Convention

    on Law of the Seas (UNCLOS), isinabatas ang

    mga tuntunin sa pagmamarka ng teritoryo ng

    mga bansang pangkapuluan. Ipinahintulot

  • PagtanawatPag-unawa:Asya 19

    angpaglagayngmga tuwidna imaginary line na

    dumurugtongsamgapinakadulongdakongmga

    puloatanimoypadernapumapalibotsabuong

    kapuluan. Ang mga karagatang nakapaloob sa

    arkipelagoay itinuturingnamahahalagangbahagi

    ng teritoryo ng nasabing bansa. Halimbawa

    ng mga bansang pangkapuluan sa Asya ang

    Indonesia,Pilipinas,atJapan.

    Mga Bansang TranskontinentalTinagurian namang transkontinental

    ang mga bansang matatagpuan sa Asya na ang

    teritoryo, pamanang lahi, kapaligirang pisikal,

    o pakikipag-ugnayang pulitikal ay umaabot

    hanggang sa ibangkontinente.Kabilang samga

    bansangAsyanonamay teritoryong lumalagpas

    saAsyaatumaabothanggangsaibangkontinente

    angAzerbaijan,Georgia,Kazakhstan,Turkey,at

    Russia. Sa katunayan, mahigit 23% ng Russia,

    kasama ang kabisera nito, ay matatagpuan sa

    Europe.

    Samantala, bagamat Asyano ang bansang

    Turkey,malakingbahaginamanangginampanan

    ng bansang ito sa kasaysayan ng Europe. Ito ay

    dahilsakopngimperyongmgaTurkongOttoman

    ang Silangang Europe ng mahigit tatlong siglo.

    Sa kasalukuyan, pinaghahandaan ng Turkey ang

    pagigingganapnakasapinitosaEuropeanUnion

    (EU).

    1. Paanomailalahadangbatayangpagkakaibang

    mgabansangpangkontinente,pangkapuluan,

    attranskontinental?

    2. Bakit itinuturing na transkontinental ang

    bansangTurkey?

    3. Paano itinatakda ang mga teritoryo ng

    mga bansang pangkapuluan sa ilalim ng

    UNCLOS?

    1. Pagtalunan sa klase ang mga sumusunod

    na paksa.Gawingmalalim at kawili-wili ang

    debate.

    Nagtagumpay ba ang UNCLOS sa

    pagtatakda ng mga hangganan ng mga

    bansangpangkapuluan?

    Bilang isang makasaysayang bansang

    Asyano,nararapatbangibasuraanghiling

    ngbansangTurkeynamagingkasaping

    EuropeanUnion?

    Ang Moscow, na kabisera ng Russia, ay bahagi sa 23% lupain ng Russia na nakapaloob sa kontinente ng Europe.

  • 20 AngAsyanosaKanyangKapaligiran

    2. Pag-aralangmuliangmapangAsyaatpunanangmgapatlang.Huwagnangisamaangmgabansang

    nabanggitnasaunanghanay.

    Mga Bansang Baybayin Mga Bansang Looban Mga Bansang Pangkapuluan Mga Bansang Transkontinental

    India Afghanistan Maldives Cyprus

    Agawan sa Teritoryo

    Sino nga ba ang mas may karapatan sa Palestine, ang mga Hudyo o ang mga Arabe?

    Ang mga Hudyo at Arabeng Palestino ay parehong may makasaysayang kaugnayan sa rehiyon ng Palestine na matatagpuan sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Dagat Jordan. Ang mga Arabe ang siyang unang nanirahan sa rehiyong ito sa loob ng maraming siglo. Nakasaad naman sa kasaysayan ang pandarayuhan dito ng mga ninuno ng mga Hudyo sa pagitan ng 1900 at 1700 bce. Nang lumaon ay kinilala ang mga Hudyong ito bilang mga Hebreo.

    Noong 586 bce, nagapi at sinakop ng mga taga-Babylonia ang mga Hudyo. Mula noon, nagkawatak-watak ang mga Hudyo at napadpad sa ibat ibang lugar. Noong pagpasok ng taong 1882, nagkalat ang halos sampung milyong Hudyo sa buong mundo. Ang ilan sa kanila ay nanirahan sa Palestine at determinadong buuing muli ang kanilang bansa. Bago maganap ang Unang Digmaang Pandaigdig, umabot sa 85 000 ang mga Hudyong naninirahan sa Palestine.

    Noong 1917, ipinahayag ng Britain ang suporta nito sa pagtatatag ng isang matatawag na tahanan ng lahing Hudyo sa rehiyon ng Palestine. Umalma rito ang mga Arabeng Palestino dahil nais din nilang magkaroon ng kasarinlan.

  • PagtanawatPag-unawa:Asya 21

    Noong 1933, nang mailuklok sa kapangyarihan ang Aleman na si Adolf Hitler na kilala sa kanyang pag-uuri sa mga tao, nagsimula ang diskriminasyon laban sa mga Hudyo. Tinawag ni Hitler ang mga Hudyo na parasitiko at intermenschen, o nabibilang sa uring mas mababa pa sa tao. Para kay Hitler at sa kanyang mga tagasunod na mga Nazi, ang paglipol sa mga Hudyo ang siyang tanging paraan upang malinis ang kulturang Aleman. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, halos anim na milyong Hudyo ang namatay sa piitan. Ang pangyayaring ito ay tinaguriang holocaust.

    Gayunman, lalo pang sumidhi ang pagnanais ng mga Hudyo na makabalik sa lupain ng kanilang mga ninuno lalo na nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nais nilang magkaroon ng sariling teritoryo subalit okupado ng mga Arabe ang Palestine, at ang pagpupumilit ng mga Hudyo ay nagdulot ng kaguluhan.

    Iminungkahi ng United Nations na hatiin ang Palestine sa dalawang rehiyon para sa dalawang lahi at ang Jerusalem, na isang

    mahalagang bayan, ay gawing pandaigdigang lungsod. Tinanggap ng mga Hudyo ang mungkahi. Ibinasura naman ito ng mga Arabe dahil mas malaki ang bahaging mapupunta sa mga Hudyo kahit na higit na kaunti ang bilang ng mga ito sa rehiyon.

    Noong ika-14 ng Mayo 1948, idineklara ang pagtatatag ng bansang Israel. Ilang oras lamang ang nakalipas matapos ang deklarasyon, inatake na ng mga karatig-bansang Arabe mula sa halos lahat ng direksyon ang Israel. Isang digmaan sa pagitan ng mga Israeli at ng mga Arabe ang nangyari. Pagkatapos ng digmaan, nahulog sa mga kamay ng mga Israeli ang halos ikatlong bahagi ng Palestine. Ang natira ay pinaghati-hatian ng mga bansang Egypt at Jordan. Ang mga Arabeng Palestino ay nawalan ng tahanan.

    Ang agawan sa teritoryo ang siyang dahilan ng mga digmaang Israeli-Arabe na sumiklab noong 1948, 1956, at 1967. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang digmaan ng mga Hudyo at Arabeng Palestino para sa teritoryo at kasarinlan.

    Sanggunian: Michael Berenbaum (ed.), Witness to the Holocaust (1997) Conor Cruise OBrien, The Siege: The Saga of Israel and Zionism (1988)

    Isang larawan ng lungsod ng Jerusalem. Ito ay itinuturing na banal na lunsod ng mga Hudyo.