mga likas na anyong tubig · 2020. 9. 23. · anyong tubig ang kapuluan ng pilipinas ay...
TRANSCRIPT
MGA LIKAS NA ANYONG TUBIG
Mga Layunin:
matutukoy ang mga likas na anyong tubig na nagpapaganda sa bansa
napaghahambing ang mga anyong tubig sa bansa
ANYONG TUBIG
Ang kapuluan ng Pilipinas ay napaliligiran ng mga anyong tubig na dapat nating pangalagaan.
Ang ilan sa mga ito ay ang karagatan, dagat, ilog, lawa, look, tangway, pulo, gulpo, kipot at talon.
Ang Tawi-tawi ay isang lalawigan sa Pilipinas na may tatlong pangkat ng mga pulo na binubuo ng 307 na malalaki at maliliit na pulo.
1. KARAGATAN – pinakamalaki at
pinakamalawak na anyong tubig sa
bansa. Malalaking barko ang
dumadaan dito
MGA ANYONG TUBIG
Karagatang Pasipiko – matatagpuan sa dakong silangan o kanan ng Pilipinas. Maalat ang tubig dito at maraming isdang tuna dito.
2. DAGAT – ang anyong tubig na
mas maliit kaysa karagatan. Maalat
din ang tubig dito. Mahuhuli dito
ang iba’t ibang isda, hipon, tahong,
kabibe at pusit.
MGA ANYONG TUBIG
Ang ilan sa mga halimbawa ng dagat ay ang Dagat Celebes, Dagat Sulu, Dagat Timog at iba pa.
3. LAWA – ito ay anyong tubig na
napapaligiran ng lupa. Matabang
ang tubig dito kaya matabang na
isda ang nahuhuli dito. Mainam din
itong pangisdaan.
MGA ANYONG TUBIG
Ang ilan sa mga halimbawa ng
lawa ay ang Lawa ng Laguna sa Laguna, Lawa ng Taal sa
Batangas, Lawa ng Buhi sa Camarines Sur kung saan matatagpuan ang isdang
sinarapan, at Lawa ng Lanao sa Lanao del Sur.
4. ILOG – ito ay anyong tubig na
umaagos o dumadaloy mula sa
kabundukan patungo sa dagat.
Matabang din ang tubig dito.
Ginagamit ng mga magsasaka ang
tubig dito.
MGA ANYONG TUBIG
Ilog Cagayan – ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas. Ang ilan pa sa mga halimbawa ng ilog ay ang Ilog Agno sa Pangasinan, Ilog Pasig ng Maynila, Ilog Angat sa Bulacan at Ilog ng Pampanga.
5. LOOK – bahagi ng dagat na
pasok sa baybayin at may mga
bahagi din ito na naliligiran ng lupa.
Ginagawa din itong daungan ng
mga sasakyang pandagat.
MGA ANYONG TUBIG
Look ng Maynila – ito ay isa sa pinakamagandang daungan sa buong mundo.
Ang ilan sa mga look sa ating
bansa ay ang Look ng Subic, Look ng Iligan sa
Lanao del Norte at Look ng Tayabas sa Quezon.
6. KIPOT – ito ay ang makitid na
anyong tubig. Nakukuha dito ng
mga yamang dagat tulad ng hipon,
isda pusit at iba pa.
MGA ANYONG TUBIG
Ang halimbawa ng kipot ay
ang Kipot ng San Bernardino.
7. SAPA – maliit na anyong tubig
ito na matatagpuan sa iba’t ibang
pook sa Pilipinas. Dito kinukuha
ang mga tubig para sa ating mga
palayan.
MGA ANYONG TUBIG
Ang tubig sa sapa ay kalimutang natutuyo kapag tag-init. Ito ay anyong tubig na dumadaloy..
8. BUKAL – isa rin itong anyong
tubig na matatagpuan sa iba’t
ibang bahagi ng ating bansa. May
mainit na bukal at mayroon din
namang malamig na bukal.
MGA ANYONG TUBIG
Ang ilan sa mga halimbawa ng
bukal ay ang Pansol Hot Spring sa Laguna at Bukal sa Supa, Alibinyog at San Jose sa Isla ng Samal.
9. TALON – ito ay ang anyong tubig
na bahagi ng ilog o sapa kung saan
bumabagsak ang tubig mula sa
mataas na lugar.
MGA ANYONG TUBIG
Talon ng Maria Cristina – ito ay matatagpuan sa Lanao del Norte na nagtutustos ng kuryente sa Mindanao, dahil dito nagmumula ang hydroelectric power.
10. GOLPO – ito ay anyong tubig
na bahagi ng karagatan. Ito ay nasa
bukana ng dagat.
MGA ANYONG TUBIG
Ang ilan sa mga halimbawa ng golpo sa Pilipinas ay ang
Golpo ng Leyte at Golpo ng Lingayen.