arts · 2020. 9. 16. · arts – ikalawang baitang alternative delivery mode unang markahan –...

30
Arts Unang Markahan – Modyul 4: Pagkikilala ng Kulay ng Iba’t-Ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating Kapaligiran 2

Upload: others

Post on 27-Nov-2020

2 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

Arts Unang Markahan – Modyul 4:

Pagkikilala ng Kulay ng

Iba’t-Ibang Bagay na Likas na

Makikita sa ating Kapaligiran

2

Page 2: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating Kapaligiran Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo:

Writer; MARLINDA B. JUNIO

Language Editor: NELSON OLIVA

Content Editor: SATURNINO D. DUMLAO

Illustrator: MARLINDA B, JUNIO

Layout Artist: SELINE MARIE B. JUNIO

Tagapamahala:

NICOLAS T. CAPULONG, PhD, CESO V, Regional Director

LIBRADA M. RUBIO, PhD, OIC-CLMD Chief

MA, EDITHA R. CAPARAS, EdD, EPS II, LARMDS

NESTOR P. NUESCA, EdD, EPS II, Mathematics/ ADM

ENGELBERT AGUDAY, PhD, EPS II, MAPEH

FELEGINA BUGAY, OIC-CID Chief

JOSE C. TALA, EdD, EPS I, LRMDS/ADM

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Region III

Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando

Telefax: (045) 598-8580 to 89

E-mail Address: [email protected]

Page 3: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

2

Arts

Unang Markahan – Modyul 4:

Pagkikilala ng Kulay ng

Iba’t-Ibang Bagay na Likas

na Makikita sa ating Kapaligiran

Page 4: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Arts ,

Baitang 2 ng Alternative . Delivery Mode (ADM) Modyul

para sa araling Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay

na Likas na Makikita sa ating Kapaligiran

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,

nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at

pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng

mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K

to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay

ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto

na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at

oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral

upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo

habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng

paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin

ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at

itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang

pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,

inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga

gawaing nakapaloob sa modyul.

Page 5: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

iii

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng

paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin

ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at

itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang

pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,

inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga

gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Arts , Baitang 2 ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagkilala

ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa

ating Kapaligiran.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa

iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang

oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na

dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman

mo ang mga dapat mong

matutuhan sa modyul.

Page 6: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

iv

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita

natin kung ano na ang

kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo

ang lahat ng tamang sagot

(100%), maaari mong

laktawan ang bahaging ito

ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o

balik-aral upang matulungan

kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa

naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang

bagong aralin ay ipakikilala

sa iyo sa maraming paraan

tulad ng isang kuwento,

awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang

sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka

ng maikling pagtalakay sa

aralin. Layunin nitong

matulungan kang

maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Page 7: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

v

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing

para sa mapatnubay at

malayang pagsasanay upang

mapagtibay ang iyong pang-

unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto

ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi

ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung

anong natutuhan mo mula sa

aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng

gawaing makatutulong sa iyo

upang maisalin ang bagong

kaalaman o kasanayan sa

tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Page 8: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

vi

Tayahin

Ito ay gawain na

naglalayong matasa o

masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may

ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang

pagyamanin ang iyong

kaalaman o kasanayan sa

natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga

tamang sagot sa lahat ng

mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat

ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng

modyul na ito.

Page 9: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

vii

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa

paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag

lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang

bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa

pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago

lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa

modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang

bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa

pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto

ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa

iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o

tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng

pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga

gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang

konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa

nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga

kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging

itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,

makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at

makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay

na mga kompetensi. Kaya mo ito.

Page 10: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

1

Alamin

Ang araling ito ay tungkol sa mga bagay na nakikita

sa ating kapaligiran. Ito rin ay pagpapaunlad ng sariling

kakayahan na maipapakita ang pag-unawa at

pagkatuto sa iba’t- ibang uri ng kulay, hugis at linya

gamit ang kulay sa obra o likhang sining.

Sa modyul na ito, ay inaasahang matatamo ang

mga sumusunod na kasanayan:

Natutukoy ang iba’t -ibang hugis na ginamit sa

likhang sining.

Naitutulad ang orihinal na kulay ng isang likhang

sining.

Naitutulad ang hugis sa hugis ng tunay na bagay.

Natutuhan mo sa araling ito na ang mga tunay na

iginuhit o ipininta ay tinatawag sa Sining na Still Life

(Buhay Pa).

Page 11: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

2

Subukin

Panuto:

Pagmasdan ang ating kapaligiran. Pangkatin ang

mga bagay na nakikita sa ating kapaligiran ayon sa

kanilang uri.

Halaman Sasakyan

Hayop Pandagat Panghimpapawid Panlupa

Page 12: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

3

Tingnan ang larawan.

Sagutin ang mga tanong:

1. Anong pangkat ang nakita mo sa larawan?

2. Anong mga bulaklak ang nakita mo sa larawan?

3. Ano ang kulay ng mga bulaklak?

4. Anong mga hugis ang nakita mo sa larawan?

5. Anong mga linya ang nakita mo sa larawan?

Ang pangkat ng mga tunay na bagay na iginuhit o

ipininta ay tinatawag sa sining na Still Life (Buhay Pa).

Maaaring gumamit ng mga prutas, mga bulaklak,

mga kagamitan, sa paaralan o iba pang bagay sa

kapaligiran sa paggawa ng Still Life (Buhay Pa).

Aralin

1

Pagkilala Ng Kulay Ng

Iba’t-Ibang Bagay na

Likas na Makikita sa Ating

Kapaligiran

Page 13: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

4

Balikan

Ano anong mga hugis ang iyong natutuhan sa

nakaraang aralin?

Tukuyin ang mga ito at isulat sa papel ang tamang

sagot. Ito ay kurbang linya o diretsong linya?

Tuklasin

Page 14: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

5

1. Ano-ano ang mga bagay na nakikita mo sa

ibabaw ng mesa?

2. Ang mga kagamitan bang ito ay ginagamit mo

sa paaralan araw-araw?

3. Pumili ka ng tatlong kagamitan na ginagamit

mo sa paaralan araw-araw at ito ay iyong

iguhit.

Maaaring ilagay ang ibang bagay sa harapan at

ang ibang bagay naman ay sa likuran. Ang iyong

nalikhang sining ay tinatawag na Still Life.

Suriin

Upang lubos na maunawaan ang pagguhit ng still

life, Gawin ang mga sumusunod.

Gumuhit ng limang paboritong prutas at kulayan

ayon sa orihinal na kulay ng mga nito.

1. 4.

2. 5.

3.

Page 15: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

6

Pagyamanin

Kulayan ang mga sumusunod na larawan ayon sa

tamang kulay ng mga ito.

Page 16: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

7

Isaisip

Tandaan na sa pagguhit ng Still Life (Buhay Pa)

dapat na:

A. Itulad ang kulay sa kulay ng tunay na bagay.

B. Itulad ang hugis sa hugis ng tunay na bagay.

C. Ayusin ang mga bagay: ang iba ay sa harap,

ang iba ay sa likod.

Isagawa

Gumuhit ng sariling disenyo ng mga paboritong

laruan at kulayan ayon sa orihinal na kulay nito.

Page 17: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

8

Tayahin

Isulat ang T kung tama ang kulay na binanggit at

M kung mali.

1. Pula ang kulay ng saging na hinog.

2. Kulay puti ang bulaklak ng sampagita.

3. Ang dugo ay kulay pula.

4. Kulay asul ang karagatan.

5. Kulay berde ang dahon ng malunggay.

Page 18: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

9

Karagdagang Gawain

Iguhit ang tamang hugis ng mga sumusunod na

salitang bagay.

Bola Lapis Kahon

Aklat Pisara

Page 19: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

10

Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyong

kaalaman, kasanayan, at likas na pagkamalikhain na

iyong natutuhan sa nakaraang aralin. Maliwanag at

payak ang pagkakasulat ng paraan sa bawat gawain

upang madali mong maunawaan at masundan ang

mga ito nang malaya mong maipahayag ang iyong

imahinasyon at damdamin sa paglikha ng sarili mong

disenyo.

Sa modyul na ito ay inaasahang matutunan mo

ang mga sumusunod na kasanayan:

Natutuhan ang mga gawaing pagguhit gamit

ang imahinasyon.

Nakakaguhit ng iba’t-ibang linya sa pagbuo ng

isang obra.

Nakakagamit ng iba’t-ibang kulay sa isang

likhang sining o disenyo.

Page 20: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

11

Subukin

Suriin ang mga larawan sa baba at tukuyin ang mga

hugis at linya na makikita dito.

1. 4.

2. 5.

3

Page 21: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

12

Tumingin sa ating kapaligiran. Pumili ng isang uri ng

halaman na paborito ninyo, iguhit at kulayan ito ayon sa

orihinal na anyo.

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang paborito mong halaman?

2. Bakit ito ang napili at nagustuhan mo? Iguhit ito.

3. Tama ba ang mga kulay na ginamit mo?

4. Anu-ano ang mga kulay at hugis ang ginamit

mo sa iyong iginuhit?

Aralin

2

Kulay at Hugis na Isang

Likhang Sining na Likas

na Makikita sa

Kapaligiran

Page 22: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

13

Balikan

Ano ang tawag sa likhang sining na iginuhit at

kinulayan ayon sa orihinal nitong anyo? Ano-anong

mga uri ng linya ang pwedeng gamitin sa pagguhit?

Tuklasin

Tingnan ang larawan sa baba.

Page 23: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

14

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano-anong mga bulaklak ang nakikita mo sa

larawan?

2. Mayroon ba kayong tanim sa inyong hardin

na mga bulaklak na gaya ng nasa larawan?

3. Ano ang paborito mong bulaklak? Iguhit

at kulayan ito ayon sa orihinal nitong

anyo.

Suriin

Kunwari ay malaki ka na, Iguhit at kulayan mo

ang magiging disenyo ng iyong bahay.

Page 24: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

15

Pagyamanin

Tukuyin ang linya o hugis na ginamit sa larawan na

nasa ibaba.

Page 25: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

16

Isaisip

Tandaan:

A. Sa pagguhit ng isang bagay, dapat itulad ito

sa orihinal niyang anyo.

B. Sa pagkulay ng isang obrang sining, dapat

itulad natin ito sa tunay niyang kulay.

C. Ayusin ang pagkulay at pagguhit, upang

mapukaw ang damdamin ng mga taong

tumitingin dito.

Isagawa

Iguhit ang kartoon karakter na iyong paborito at

kulayan ito.

Page 26: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

17

Tayahin

Panuto:

Iguhit ang paborito mong alagang hayop gamit

ang iba’t ibang uri ng linya at hugis at kulayan mo ito.

Page 27: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

18

Karagdagang Gawain

Ang isang batang katulad mo ay may paboritong

pagkain, Ano ang paborito mong pagkain? Iguhit at

kulayan ito.

Page 28: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

19

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN

Maaaring iba-iba na

ang sagot ng bata

BALIKAN Pakurbang linya

Diretsong linya

TAYAHIN

1.M 2. T 3. T 4. T 5. T

SUBUKIN

1.Pabilog at pakurba

2. Tuwid na linya at bilohaba 3. Tatsulok at parihaba 4. Parisukat at tuwid na linya 5. Parisukat, parihaba at tuwid

na linya

TUKLASIN

Maaaring iba-iba na

ang sagot ng bata

Page 29: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

20

Sanggunian

Curriculum Guide sa Music, Arts, Physical Education and

Health - Ikalawang Baitang.p.16

Patnubay ng Guro sa Music, Arts, Physical Education and

Health- Ikalawang Baitang.pp. 120-121

Kagamitan ng Mag-aaral sa Music, Arts, Physical

Education and Health- Ikalawang Baitang.pp. 174

Page 30: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]