![Page 1: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/1.jpg)
Arts Unang Markahan – Modyul 4:
Pagkikilala ng Kulay ng
Iba’t-Ibang Bagay na Likas na
Makikita sa ating Kapaligiran
2
![Page 2: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/2.jpg)
Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating Kapaligiran Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo:
Writer; MARLINDA B. JUNIO
Language Editor: NELSON OLIVA
Content Editor: SATURNINO D. DUMLAO
Illustrator: MARLINDA B, JUNIO
Layout Artist: SELINE MARIE B. JUNIO
Tagapamahala:
NICOLAS T. CAPULONG, PhD, CESO V, Regional Director
LIBRADA M. RUBIO, PhD, OIC-CLMD Chief
MA, EDITHA R. CAPARAS, EdD, EPS II, LARMDS
NESTOR P. NUESCA, EdD, EPS II, Mathematics/ ADM
ENGELBERT AGUDAY, PhD, EPS II, MAPEH
FELEGINA BUGAY, OIC-CID Chief
JOSE C. TALA, EdD, EPS I, LRMDS/ADM
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Region III
Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
![Page 3: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/3.jpg)
2
Arts
Unang Markahan – Modyul 4:
Pagkikilala ng Kulay ng
Iba’t-Ibang Bagay na Likas
na Makikita sa ating Kapaligiran
![Page 4: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/4.jpg)
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Arts ,
Baitang 2 ng Alternative . Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay
na Likas na Makikita sa ating Kapaligiran
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,
nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay
ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto
na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at
oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
![Page 5: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/5.jpg)
iii
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts , Baitang 2 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagkilala
ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa
ating Kapaligiran.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na
dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman
mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.
![Page 6: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/6.jpg)
iv
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita
natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito
ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang
bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka
ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong
matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
![Page 7: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/7.jpg)
v
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing
para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng
gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
![Page 8: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/8.jpg)
vi
Tayahin
Ito ay gawain na
naglalayong matasa o
masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may
ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga
tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat
ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng
modyul na ito.
![Page 9: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/9.jpg)
vii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa
paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago
lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito.
![Page 10: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/10.jpg)
1
Alamin
Ang araling ito ay tungkol sa mga bagay na nakikita
sa ating kapaligiran. Ito rin ay pagpapaunlad ng sariling
kakayahan na maipapakita ang pag-unawa at
pagkatuto sa iba’t- ibang uri ng kulay, hugis at linya
gamit ang kulay sa obra o likhang sining.
Sa modyul na ito, ay inaasahang matatamo ang
mga sumusunod na kasanayan:
Natutukoy ang iba’t -ibang hugis na ginamit sa
likhang sining.
Naitutulad ang orihinal na kulay ng isang likhang
sining.
Naitutulad ang hugis sa hugis ng tunay na bagay.
Natutuhan mo sa araling ito na ang mga tunay na
iginuhit o ipininta ay tinatawag sa Sining na Still Life
(Buhay Pa).
![Page 11: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/11.jpg)
2
Subukin
Panuto:
Pagmasdan ang ating kapaligiran. Pangkatin ang
mga bagay na nakikita sa ating kapaligiran ayon sa
kanilang uri.
Halaman Sasakyan
Hayop Pandagat Panghimpapawid Panlupa
![Page 12: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/12.jpg)
3
Tingnan ang larawan.
Sagutin ang mga tanong:
1. Anong pangkat ang nakita mo sa larawan?
2. Anong mga bulaklak ang nakita mo sa larawan?
3. Ano ang kulay ng mga bulaklak?
4. Anong mga hugis ang nakita mo sa larawan?
5. Anong mga linya ang nakita mo sa larawan?
Ang pangkat ng mga tunay na bagay na iginuhit o
ipininta ay tinatawag sa sining na Still Life (Buhay Pa).
Maaaring gumamit ng mga prutas, mga bulaklak,
mga kagamitan, sa paaralan o iba pang bagay sa
kapaligiran sa paggawa ng Still Life (Buhay Pa).
Aralin
1
Pagkilala Ng Kulay Ng
Iba’t-Ibang Bagay na
Likas na Makikita sa Ating
Kapaligiran
![Page 13: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/13.jpg)
4
Balikan
Ano anong mga hugis ang iyong natutuhan sa
nakaraang aralin?
Tukuyin ang mga ito at isulat sa papel ang tamang
sagot. Ito ay kurbang linya o diretsong linya?
Tuklasin
![Page 14: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/14.jpg)
5
1. Ano-ano ang mga bagay na nakikita mo sa
ibabaw ng mesa?
2. Ang mga kagamitan bang ito ay ginagamit mo
sa paaralan araw-araw?
3. Pumili ka ng tatlong kagamitan na ginagamit
mo sa paaralan araw-araw at ito ay iyong
iguhit.
Maaaring ilagay ang ibang bagay sa harapan at
ang ibang bagay naman ay sa likuran. Ang iyong
nalikhang sining ay tinatawag na Still Life.
Suriin
Upang lubos na maunawaan ang pagguhit ng still
life, Gawin ang mga sumusunod.
Gumuhit ng limang paboritong prutas at kulayan
ayon sa orihinal na kulay ng mga nito.
1. 4.
2. 5.
3.
![Page 15: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/15.jpg)
6
Pagyamanin
Kulayan ang mga sumusunod na larawan ayon sa
tamang kulay ng mga ito.
![Page 16: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/16.jpg)
7
Isaisip
Tandaan na sa pagguhit ng Still Life (Buhay Pa)
dapat na:
A. Itulad ang kulay sa kulay ng tunay na bagay.
B. Itulad ang hugis sa hugis ng tunay na bagay.
C. Ayusin ang mga bagay: ang iba ay sa harap,
ang iba ay sa likod.
Isagawa
Gumuhit ng sariling disenyo ng mga paboritong
laruan at kulayan ayon sa orihinal na kulay nito.
![Page 17: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/17.jpg)
8
Tayahin
Isulat ang T kung tama ang kulay na binanggit at
M kung mali.
1. Pula ang kulay ng saging na hinog.
2. Kulay puti ang bulaklak ng sampagita.
3. Ang dugo ay kulay pula.
4. Kulay asul ang karagatan.
5. Kulay berde ang dahon ng malunggay.
![Page 18: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/18.jpg)
9
Karagdagang Gawain
Iguhit ang tamang hugis ng mga sumusunod na
salitang bagay.
Bola Lapis Kahon
Aklat Pisara
![Page 19: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/19.jpg)
10
Alamin
Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyong
kaalaman, kasanayan, at likas na pagkamalikhain na
iyong natutuhan sa nakaraang aralin. Maliwanag at
payak ang pagkakasulat ng paraan sa bawat gawain
upang madali mong maunawaan at masundan ang
mga ito nang malaya mong maipahayag ang iyong
imahinasyon at damdamin sa paglikha ng sarili mong
disenyo.
Sa modyul na ito ay inaasahang matutunan mo
ang mga sumusunod na kasanayan:
Natutuhan ang mga gawaing pagguhit gamit
ang imahinasyon.
Nakakaguhit ng iba’t-ibang linya sa pagbuo ng
isang obra.
Nakakagamit ng iba’t-ibang kulay sa isang
likhang sining o disenyo.
![Page 20: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/20.jpg)
11
Subukin
Suriin ang mga larawan sa baba at tukuyin ang mga
hugis at linya na makikita dito.
1. 4.
2. 5.
3
![Page 21: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/21.jpg)
12
Tumingin sa ating kapaligiran. Pumili ng isang uri ng
halaman na paborito ninyo, iguhit at kulayan ito ayon sa
orihinal na anyo.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang paborito mong halaman?
2. Bakit ito ang napili at nagustuhan mo? Iguhit ito.
3. Tama ba ang mga kulay na ginamit mo?
4. Anu-ano ang mga kulay at hugis ang ginamit
mo sa iyong iginuhit?
Aralin
2
Kulay at Hugis na Isang
Likhang Sining na Likas
na Makikita sa
Kapaligiran
![Page 22: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/22.jpg)
13
Balikan
Ano ang tawag sa likhang sining na iginuhit at
kinulayan ayon sa orihinal nitong anyo? Ano-anong
mga uri ng linya ang pwedeng gamitin sa pagguhit?
Tuklasin
Tingnan ang larawan sa baba.
![Page 23: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/23.jpg)
14
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano-anong mga bulaklak ang nakikita mo sa
larawan?
2. Mayroon ba kayong tanim sa inyong hardin
na mga bulaklak na gaya ng nasa larawan?
3. Ano ang paborito mong bulaklak? Iguhit
at kulayan ito ayon sa orihinal nitong
anyo.
Suriin
Kunwari ay malaki ka na, Iguhit at kulayan mo
ang magiging disenyo ng iyong bahay.
![Page 24: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/24.jpg)
15
Pagyamanin
Tukuyin ang linya o hugis na ginamit sa larawan na
nasa ibaba.
![Page 25: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/25.jpg)
16
Isaisip
Tandaan:
A. Sa pagguhit ng isang bagay, dapat itulad ito
sa orihinal niyang anyo.
B. Sa pagkulay ng isang obrang sining, dapat
itulad natin ito sa tunay niyang kulay.
C. Ayusin ang pagkulay at pagguhit, upang
mapukaw ang damdamin ng mga taong
tumitingin dito.
Isagawa
Iguhit ang kartoon karakter na iyong paborito at
kulayan ito.
![Page 26: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/26.jpg)
17
Tayahin
Panuto:
Iguhit ang paborito mong alagang hayop gamit
ang iba’t ibang uri ng linya at hugis at kulayan mo ito.
![Page 27: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/27.jpg)
18
Karagdagang Gawain
Ang isang batang katulad mo ay may paboritong
pagkain, Ano ang paborito mong pagkain? Iguhit at
kulayan ito.
![Page 28: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/28.jpg)
19
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
Maaaring iba-iba na
ang sagot ng bata
BALIKAN Pakurbang linya
Diretsong linya
TAYAHIN
1.M 2. T 3. T 4. T 5. T
SUBUKIN
1.Pabilog at pakurba
2. Tuwid na linya at bilohaba 3. Tatsulok at parihaba 4. Parisukat at tuwid na linya 5. Parisukat, parihaba at tuwid
na linya
TUKLASIN
Maaaring iba-iba na
ang sagot ng bata
![Page 29: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/29.jpg)
20
Sanggunian
Curriculum Guide sa Music, Arts, Physical Education and
Health - Ikalawang Baitang.p.16
Patnubay ng Guro sa Music, Arts, Physical Education and
Health- Ikalawang Baitang.pp. 120-121
Kagamitan ng Mag-aaral sa Music, Arts, Physical
Education and Health- Ikalawang Baitang.pp. 174
![Page 30: Arts · 2020. 9. 16. · Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala ng Kulay ng iba’t-ibang Bagay na Likas na Makikita sa ating](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022053115/60914fd3f8837b704d45de2f/html5/thumbnails/30.jpg)
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: [email protected] * [email protected]