coffee industry primer

16
? Unang Serye Taon 2002

Upload: axel-pinpin

Post on 13-Oct-2014

528 views

Category:

Documents


35 download

TRANSCRIPT

Page 1: Coffee Industry Primer

? Unang Serye Taon 2002

Page 2: Coffee Industry Primer

Ang praymer na ito ay inihanda ngKalipunan ng mga Magbubukid saKabite (KAMAGSASAKA-KA) sapakikipagtulungan ng RURAL

MISSIONARIES OF THE PHILIPPINES-Southern Luzon Center at SIMBAHAN NG

MGA MAGSASAKA SA KABITE.Ang KAMAGSASAKA-KA ay maypansamantalang tanggapan sa Blk 3 Lot 20Fairplay St., Fairfields Camella Homes,Mambog, Bacoor, Cavite.Tel. blg. 0919.694.5495e-mail adres: [email protected].

Ang kabuuan o bahagi ng praymer na itoay maaring kopyahin at/o paramihin parasa mga pag-aaral at talakayan. Hinihikayatnamin ang mga mambabasa na magpadalang mga puna at opinyon para sa pagpapa-unlad pa ng praymer na ito. Unang Serye© 2002.

pambungad

A ng kape ay di na kukulangin sa isang libongtaon na kinikilala sa buong daigdig. Kahanga-hanga ang popularidad na inabot nito bilang

isang mahalagang inumin. Magkagayunman, dimaitatatwang sa kasalukuyan ay dumaranas ngmatinding krisis at banta ng tuluyang pagkalusawang industriya ng kape (In-Ka) sa Kabite, kundi mansa Pilipinas.

Upang maunawaan ang krisis, mahalagangbaybayin ang naging ambag ng In-Ka mula sapandaigdigang saklaw hanggang sa pambansangantas at kung paano tumagos sa lalawigan ngKabite ang tila di-maapulang krisis na bumabalot saindustriya.

Kailangang maunawaan na ang tuloy-tuloy napagbagsak ng presyo ng kape na nagpapatindi sakris is sa In-Ka ay normal na tunguhin ng mgabansang nakapailalim sa “globalisasyon”.

M a r a p a t l a m a n g n a d i -m a g p a k a k u n t e n t o s a i n i h a h a i n gpaliwanag ng mga “eksperto” sa kape nakailangan na di-umanong paunlarin angteknika at pamamaraan sa pagtatanim ngkape upang maitaas ang kalidad ng kapeat sa gayo’y muling mabuhay angindustriya – habang iniiwasan naman ngmga “ekonomista, burukrata atintelektwal” na pag-usapan angsabwatang papel ng gubyerno-GATT-WTOat ang monopolyong kontrol ng Nestlè saindustr iya. Sa dulo nito, walangkonkretong hakbangin na inihahapag angmga “eksperto” kung paano mapipigilanang pagbagsak ng presyo ng kape.

Page 3: Coffee Industry Primer

Layunin kung gayon ng praymer na ito napanimulang (at kumprehensibong) talakayin atmasuri ang kasalukuyang krisis ng In-Ka sa ilalim ngsabwatang rehimeng GMA-GATT-WTO at angpakikibaka ng magsasakang Kabitenyo upangmaisalba ang industriya mula sa imperyalistangglobalisasyon, pandarambong at pambubusabos napinag-uugatan ng krisis.

Sa pangunguna ng KALIPUNAN NG MGA MAGBUBUKID SA

KABITE (KAMAGSASAKA-KA), at pagtataguyod ng RURAL

MISSIONARIES OF THE PHILIPPINES-SOUTHERN LUZON at SIMBAHAN NG

MGA MAGSASAKA SA KABITE (isang Peasant Advocates Groupng mga taong s imbahan sa Diyosesis ng Imus),mapagpasya nitong hinarap ang hamon ngkalagayan ng In-Ka.

Naniniwala ang KAMAGSASAKA-KA na tanging samatalas na pagsusuri mula sa mismong kalagayanat kahilingan ng magkakapeng Kabitenyo at nglahat ng pwersa sa produksyon sa loob ng industriyawastong maiguguhit ang angkop na solusyon paramaibangon ang nakalugmok na In-Ka. Hangga’tbulag na nagpapatupad ang gubyerno ng mgaprograma at patakarang magsasalba sa industriyasanhi ng pag-i- isantabi nito sa direktangpartisipasyon ng apektadong sektor, mananatiling“matabang ang timpla” ng anumang programa at

pagsisikap nito.Tanging sa sama-samang pagkilos ng

magkakapeng Kabitenyo at lahat ng pwersasa produksyon sa loob ng industriya kasamaang malawak na masang magsasaka sabuong lalawigan maaring makamit anglayuning maisalba ang In-Ka sa Kabite.“Tanging sa mga bihasang kamay ngmagkakapeng Kabitenyo at masangmagsasaka muling manunumbalik angtapang, aroma at sigla ng industriya ng kapesa Kabite…”

Pasasalamat

Kina Kathy, Kitte, Nadia at Rose; mgamag-aaral ng UP ManilaSa mga seminarista ng Tahanan ngMabuting PastolSa Rural Missionaries of thePhilippinesKay Michelle Pantoja para sa mgadrowing

At sa lahat ng tumulong upang mabuoang praymer na ito

...lalo’t higit sa magsasakangKabitenyo.

grapiks@ley-awt ni Aksel

Page 4: Coffee Industry Primer

Ano angmahalagang

ambag ng In-Kasa daigdig?

11ula sa pagiging pinakasikat nainumin sa buong mundo, angkape ay pangalawa sap i n a k a n a n g u n g u n a n g

produktong kinakalakal sa daigdig, sunod salangis! Nakakapagpasigla at tilanakakapagpabuhay ang natatangi nitongaroma at lasa – sapat na mga dahilan paratangkilikin at magbigay kabuhayan sa 125milyong tao mula sa mahigit limampungbansang prodyuser ng kape.

Ang kape ay isa sa pinakamahalagangprodukto sa daigdigmula pa noong ika-19 na siglo. Angtaunang kalakalansa kape nan a k a s e n t r opangunahin sa mgabansang prodyuser atkonsyumer ay umabotsa halagang US$10bilyon noong hulingbahagi ng dekada 80.

Mahigit sa kalahating pandaigdigangproduksyon aynagmumula sa Brazil,Colombia at Mexico. SaAsya, Vietnam ang mayp i n a k a m a l a k i n gproduksyon ng kape,pangalawa ang Indonesia,sumunod ang India, at pang-apatang Pilipinas.

Taong 1994, Germany ang siyangnangunang may pinakamalakingimportasyon ng kape (32% ng kabuuangimport) mula sa pandaigdigang kalakalan,sumunod dito ang U.S. (27% ng kabuuangimport). Ang bansang Italya, Pransya, Aus-tralia at Japan ay kabilang rin sa mga major

coffee consumers sa mundo. At sa buongAsya, ang Pilipinas ang may pinakamalakingkonsumo ng kape.

Itinatayang ang pandaigdigangkonsumo ng kape kada isang araw ayumaabot sa isandaang milyong bag (60 kilona bag) o 6M MT kung saan ang 4.5M MTay nagagamit sa mga bansang konsyumerat ang 1.5M MT ay sa mga bansang

prodyuser. Noong 1989, ang kape aypangwalo sa may pinakamataas na valueof production sa mga produktongagrikultural. Taong 1989 din, pampitoito sa may pinakamalawak na saklaw

ng eryang taniman, at pang-apat namansa mga nangungunang agrikultural na

eksport batay sa laki ng kita. Kumikitaito ng abereyds na US$55 milyon kadataon mula 1981 hanggang 1990.

Sa biglang tingin, parang lumalabasna matatag ang In-Ka lalo na sa mgabansang konsyumer na mula sa mga de-veloping at first world country. Para sa

marami, masagana at di-kontrobersyalang kasalukuyang kalagayan ng In-Ka sa

daigdig. Subali’t sa reyalidad angpagdausdos ng presyo ng kapesa pandaigdigang kalakalan aynagdulot ng di-mapantayangkrisis sa mga bansangpangunahing nakaasarito – lalo’t higit ay sam g a m a g s a s a k a n gnagtatanim nito!

M

Page 5: Coffee Industry Primer

22 Ano ang kalagayan ng In-Ka saPilipinas?

Tinatayang nasa 300,000 Pilipino ang nakaasa sa industriya ng kapebilang pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay. Mayroong 164,139ektarya ng lupain sa Pilipinas ang nakatuon sa pagtatanim ng kape.

Naging pang-apat na pinakamalaking eksporterng kape ang Pilipinas sa daigdig (7.37% na ambag).Noong 1886-1888, sa halos anim na buwan, ang Pilipinasay kinilala bilang natatanging suplayer ng kape sapanahong iyon. Makaraan ng taong ito, bumagsak angproduksyon ng kape sa Pilipinas sanhi ng “coffee rust”.Naging importer ng kape ang bansa. Ang mga pagsisikapng gubyerno na maglunsad ng “coffee revival program”ay nanatiling bigo hanggang 1950.

1880 1900’sCoffee Revival Program:1 pamamahagi ng binhing kape sapamamagitan ng Dept. of Agriculture,2 pinalaganap ang pagtatanim ngRobusta variety dahil ito ay may malakasna resistensya sa coffee rust,3 treyning ng mga teknisyan sa GitnangAmerika para sa coffee growing &processing4 funding & credit program

Source: Bureau of Agicultural Statistics, Dept. of Agriculture

Produksyon ng Kape sa PilipinasRehiyon Produksyon

2001 P (kg)Area

2001 P (ha)

CAR 5,001,480 6,192Ilocos Region 50,376 266

Cagayan Valley 13,428,678 3,726Central Luzon 4,727,600 726

S. Tagalog 16,160,838 20,791Bicol 829,676 3,189

W. Visayaz 6,120,642 10,167C. Visayaz 122,960 366E. Visayaz 233,865 514

W. Mindanao 6,138,199 4,652N. Mindanao 19,987,698 25,436S.Mindanao 45,052,653 34,029

C. Mindanao 9,604,720 38,702CARAGA 3,244,734 5,349

ARMM 12,416,450 10,034Total 143,120,569 164,139

Pagkaraan na lamang ng 25 taon muling nakabangon ang In-Ka sa bansa dahilnoong 1975, tinamaan ng matinding frost ang Brazil na siyang pinakamalakingprodyuser ng kape.Sinabayan pa ito ng magkakasunod na kaguluhang pangsibil atpampulitika sa bansang Angola, isa ring malaking prodyuser ng kape. Nagkaroon

ng pandaigdigang krisis sa suplay ng kape; na siyang nagbigay daan upang muling magingnet exporter ng kape ang Pilipinas. Naging kasapi ng ICO ang Pilipinas (1980) at pumaloobsa isang International Coffee Agreement. Bunga nito, umabot ng US$585.6 M ang halagang eksport ng kape sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang kape sa Pilipinas ay itinuturing naisang high value commodity (HVC) na nag-a-ambag ng kitang P2-B taun-taon.

Ang pandaigdigang krisis sa In-Ka aymalaon nang tumama sa bansa.

1989Ang Estados Unidos na ikatlo sa

pinakamalaking mag-import ng kape sadaigdig, ay tumangging bumili sa mgabansang kaanib ng ICO. Dahil dito nawalaang kota ng Pilipinas at ng iba pang bansasa Ikatlong Daigdig na kasapi ng ICO.

Matarik ang pagbagsak ng eksportasyonng kape magmula ng 1990.

1995Mas lumala pa ito matapos lumagda

ang Pilipinas sa GATT-WTO. Singtarik ito ngpagbagsak rin ng presyo ng lokal na kapeluwal naman ng pagbaha ng imported atmas murang kape sa bansa. Dahil hindikayang makipagkumpetensiya ng lokal naprodukto laban sa produkto ng ibang bansa,lalong dumadausdos sa lupa ang presyo ngkape na ang pahirap ay pinapasan namanng mga maliliit na magsasaka.

Page 6: Coffee Industry Primer

Ang masaklap sagitna ng

pinakamalakingkrisis sa industriyang kape, ay ang

nagsasayangkumpanya ng

Nestlè...Pinupuno ng Nestlèang mga bodega

nito ng sobra-sobrang suplaypara sa isang

taon...Pinipili ng Nestlè

angpinakamahuhusay

na kalidad ngkape at siyang ine-

eksport at angnaiiwan dito ayiyong mababaang kalidad na

siyang ginagamitsa lokal na mgaprodukto nito...

Gayong mataaspa rin ang presyo

ng Nescafè salokal kaysa sapresyo nito sa

eksport...

Damang-dama rin ng mga magkakape sa bansaang monopolyo-kontrol ng Nestlè sa industriya. Ayonsa Nestlè, tinutulungan nila ang mga magsasaka parapaunlarin ang kanilang pamamaraan sa produksyon.Ngunit pagdating ng putihan, ang Nestlè angnagtatakda ng presyo at siyang bumibili ng ani. Bukodsa kontrol sa pamimili, ang Nestlè ang pinakamalakingeksporter ng kape sa bansa.

Isa sa sistematikong pamamaraan ng Nestlèupang makontrol ang industriya ay sa pamamagitanng contract growing. Noong 1980s pumasok sacontract growing ang Nestlès upang matiyak angsuplay ng kape sa presyong sila ang nagtatakda,habang sila rin ang nagsusuplay ng mgapangangailangang teknikal at pinansyal ng coffeecontract grower. Pangunahin itong ginagawa saMindanao, kung saan naroon ang 60% ng kabuuangpambansang produksyon. Sa contract growing,nakikipagkontrata ang Nestlè direkta sa mga

Nitong panahon ng anihan ng 2000-2001,sumadsad ang presyo ng kapeng tuyo sapinakamababang antas sa nakaraang 15 taon saPilipinas. Kung tutuusin, sumasalamin ito sa kabuuangkrisis at pagbagsak rin ng presyo ng kape sapandaigdigang pamilihan. Maging sa malalakingbansang prodyuser ng kape, gaya ng Brazil atColombia ay ininda ang pagbagsak ng presyo ng kape.

2001Ang batayang presyo ng kape sa New York

exchange ay hindi man lang lumampas sa US$0.50kada libra (pound), pinakamababang presyo sanakaraang 50 taon.

2002Isa pang manipestasyon ng krisis ay nang

buwagin ng Association of Coffee-ProducingCountries (ACPC) ang kanyang organisasyon.Nabigo ang ACPC na pangunahan ang pagsisikapna pataasin ang presyo ng kape sa pamamagitanng pagtatakda sa 15 kasaping bansa nito na ipitinang 20% ng kanilang kabuuang produksyon sapandaigdigang kalakalan.

Page 7: Coffee Industry Primer

S

Wala raw pondoang gubyerno para

sa In-Ka, peroalam n’yo ba naang nakalaangbudget para sa

foreign debtservicing ay P300-B

at sa militar ayP47.2-B mula saP800-B pondo sa

taong 2003?Nasaan ang

P1.4 bilyong ACEFpara sa In-Ka, nadiumano’y ilalaan

para sarehabilitasyon ng

industriya?Kung

kukuwentahin,sasapat ito para

ilaan sa farm inputna kailangan ngmagkakape ng

buong bansa o dikaya’y ilaan para

mabili samakatwirang

presyo ang lokalna kape.

a kasalukuyan, pilit inaampat ng pambansangpamahalaan ang sugat na dulot ng krisis saIn-Ka. Muling naglunsad ng mga Coffee Re-vival Program ang pamahalaan sa

pamamagitan ng kampanyang pagpataas sa coffeestandard para sa world market na itinatakda ng ICC/ICO-CA. Bukod pa rito, nagdagdag rin ang gubyernong may P318-M para sa rehabilitasyon ng In-Ka.Ang pondong ito ay karagdagan na sa P1.4-B naAgricultural Competetiveness Enhancement Fund(ACEF) na una nang inilaan para sa pagtatayo ngpasilidad pang-agrikultura, pagbili ng post-harvestequipment, pagpapautang, research & developmentat pagtutukoy ng mga bagong merkado.

Sa kabilang bahagi pa ng industriya ay angsadyang pagpapanatiling atrasado ng agrikultura sabansa upang maging baseng sosyal na mapagkukunanng murang hilaw na materyales ng mga kapitalistangbansa. Wala sa plano ng gubyerno na paunlarin angpamamaraan ng pagsasaka, partikular sa kapehan.Malinaw na manipestasyon nito, inililigaw lamang nilaang masang magsasaka sa pamamagitan ngdiumano’y pag-aalok ng mga bagong teknika atteknolohiya sa pagsasaka; habang iniiwasan at halositanggi ang mahalagang papel ng gubyerno sapaglalaan ng subsidyo at pagtitiyak sapagsasapamilihan ng produktong kape sa bansa. Angmilyong pisong inilaan para sa isang linggong PahimisFestival sa Amadeo noong nakaraang Abril, na isangengrande at magarbong pagdiriwang aynakakalungkot isipin na baka mapunta lamang sa wala.Lalo ngayon at pasapit na naman ang panahon ngputihan, wala pa ring tiyak na makatwirang presyong kape na inaasahan ang magkakape sa bansa.

magsasaka upang matiyak ang suplay ng kapepagdating ng anihan. Bukod sa natitiyak ng Nestlèang suplay na kakailanganin nila, kumikita pa ito sapamamagitan ng pagbebenta at pagsususplay ng mgaabono, kagamitan at iba pa sa mga magsasaka – naepektibong napagtutubuan rin nila!

Page 8: Coffee Industry Primer

Ang GENERAL AGREEMENT ON TARIFF AND TRADE-WORLD TRADE ORGANIZATION (GATT-WTO) ayisang pandaigdigang kasunduan ukol sakalakalan sa pagitan ng iba’t ibang bansa.Nakabalangkas ang GATT-WTO sa iskemang malayang kalakalan (free trade). Bilangisang pandaigdigang kasunduan, tinitiyak nitoang lubusang kaluwagan sa patakarangpangkalakalan ng lahat ng bansang lalagdarito. Pangunahing layunin ng kasunduan ayang pagtitiyak sa tuloy-tuloy na liberalisasyonsa pandaigdigang kalakal sa pamamagitanng pagpapatibay ng mga regulasyon atdisiplina na gagabay sa mga bansangpipirma sa kasunduan.

Ang GATT na pinirmahan noong Abril15, 1994, ay nangangahulugan ng pagsaklaw

sa mga patakarangmay kinalaman sap r o d u k s y o n a tpangangalakal ngp r o d u k t o n g

agrikultural. Nangangahulugan ito ngpagtatakda ng GATT ng mga patakarang maykaugnayan sa kabuhayan ng magbubukid atkalagayan ng mga agrikulturang sakahan;gaya ng mga sumusunod: a)Pagtanggal ngquant i ta t ive rest r ic t ions (QR) saimportasyon. Sa ilalim ng GATT, obligadoang Pilipinas na tanggalin ang import-ban oquota sa alinmang produkto. b)Pagbawasng taripa. Babawasan ang halaga ng taripapara sa imported na produkto at 10 taon mulapirmahan ang GATT wala nang sisingilingbuwis sa lahat ng imported na produkto.k)Deregulasyon. Binabawasan o tuluyangtinatanggal ng gubyerno ang anumangsuporta o subsidyo sa alinmang industriya/sektor.

Ano ang GATT-WTO at anoang epekto nito sa In-Ka?33

S a ilalim ng “globalisadong ekonomiya” na pinaghaharian ng mgakapitalistang bansa, ipinailalim ang industriya ng kape sa Pilipinassa kasunduan sa GATT-WTO, kung saan ay inobliga ang Pilipinas

na bumili ng minimum na dami ng kape o MAV (minimum access volume),sobra man o kulang ang lokal na produksyon taun-taon. Noong 1999,ang MAV sa kape ay umabot ng 36,000 MT (na nagkakahalaga ngUS$33M), gayong 20,000 MT lamang ang kakulangan noon sapambansang produksyon. Ang mahigit kalahati nito ay nakopo ng Nestlè,sa batayang “kulang ang lokal na produksyon.” At dahil may labis nasuplay na mula sa mas murang kape sa Vietnam at Indonesia, tuluy-tuloy ang pagdausdos ng presyo ng lokal na kape dahil sa mas magastosna produksyon nito kaysa sa ibang bansa.

Ang liberalisasyon sa agrikultura na idinidikta ng GATT-WTO aynagresulta sa pagbaha ng murang imported na kape at nagresulta sanapakababang presyo nito. Nitong nakaraang tatlong taon, bumagsakrin ang produksyon ng kape sa bansa gayong mataas naman ang suplaydulot ng importasyon. Nagpatindi pa lalo ito sa krisis ng In-Ka sa bansa.

Page 9: Coffee Industry Primer

Volume ng Produksyon, Suplay, Import at Eksport ng Kapeng Tuyo (1978-2000)

0

20

40

60

80

100

120

140

160

1978

1984

1990

1996

2000

Taon

Vol

ume

('000

mt)

Produksy on

KabuuangSuplayImport

Eksport

Source: Bureau ofAgicultural Statistics,

Dept. of Agriculture

Sanhi rin ng GATT-WTO, nahinto angeksportasyon ng kape na kungtutuusin ay isa sa mayor na salik atrelatibong nagpapasigla sa In-Kanoong panahong di pa nakapailalimang bansa sa GATT-WTO at di panaipapatupad ang R.A. 8178(Agricultural Tarrification Act). AngR.A. 8178 ang nagpawalang bisa saimport ban sa kape nanakasaad sa R.A. 2172.

K a y a h a b a n gn a s i s i y a h a n a n gmamamayan ng daigdig saaroma at lasa ng kape saaraw-araw at habangnabubundat ang mgakapitalista at internationalc o f f e t r a d e r s s adambuhalang tubo mula saIn-Ka - ang magkakape saPilipinas ay nanatilingbusabos at api!

Sinu-sino ang nakikinabang atkumokontrol sa In-Ka?44

Kontrolado ng Nestlè-Phils ang pamimili ng 90-95% ng kabuuang produksyon ng kapesa bansa na umabot ng 40,000 tonelada kada taon; ang balanse ay pinaghahatian na ng ibapang mas maliit na korporasyon at mga coffee shops.

Ang Nestlè bilang multi-nasyunal na korporasyon na nagpoproseso ng mga nagiling nakape (mula sa mga millers) upang gawin itong instant coffee ay malayang nakapagtatakdang presyo dahil wala rin naman talagang iba pang bibili ng kape kundi sila. Ito’y kungikukunsidera na maliit lamang ang pinaghahatian ng iba pang korporasyon gaya ng GeneralMilling (Kaffé de Oro), Universal Robina Corporation (Great Taste at Blend45 Coffee), atCommonwealth Food Inc. (Café Puro) na wala pang 5% ng pambansang produksyon angpinuprosesong kape.

Diumano ay nagtatakda ng standard of quality ang Nestlè; kung kaya sistematiko nitongnakokontrol at napapataas ang kalidad ng kanyang produkto. Ngunit ayon mismo sa mgamagkakapeng Kabitenyo, tinitiyak lamang ng Nestlè na i-imbudo sa kanila ang lahat ngproduktong kape sa napakababang halaga. Sa reyalidad, hindi partikular ang Nestlè sa quality,dahil mataas man o mababa ang kalidad nito ay sa itinakdang presyo pa rin ito bibilhin.

Ø Pagbagsak ng presyo ng kapeØ Pagkansela sa import ban sa kape na nagresulta

sa pagbaha ng murang imported na kapeØ Pagtanggal sa subsidyo sa In-Ka

Mayor na epekto ng GATT-WTOsa In-Ka:

Page 10: Coffee Industry Primer

Sa kabila nito, ang gubyerno ay may responsibilidad sa “legal na pagpapaubaya” samonopolyong kontrol ng Nestlè sa In-Ka. Maluwag at hinayaan ng gubyerno na makonsentraat makopo ng Nestlè ang pagpoproseso ng kape sa bansa magmula nang hikayatin ng unaang mga magkakape na magtanim ng kapeng Robusta na ginagawang Nescafè. Noong1979, ang Nestlè ay nagsimulang magpalaganap ng root cuttings o clone ng binhi ng Ro-busta mula sa Ivory Coast. Mula sa clone center nito sa Impasug-ong, Bukidnon, namahagiang Nestlè ng 500,00 root cutting sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, kabilang ang Kabite. Unti-unti, hinalinhinan ng Robusta ang tradisyunal na kape tulad ng arabica (kapeng Tagalog) atliberica (barako). Kalaunan, maraming magsasaka ang umaasa sa binhi ng Nestlè.

Katulad kung paano, ipinaubaya ng gubyerno ang mahahalagang industriya ng bansagaya ng langis, komunikasyon at enerhiya sa dayuhang kontrol; gayundin ang naging tunguhinng industriya ng kape sa bansa. Sa pagpasok ng gubyerno sa GATT-WTO, ang paglalaanng subsidyo para sa alinmang industriya/sektor ay lalabag sa kasunduan batay sa iskemangderegulasyon na nilalaman nito.

Pabor din ang mga patakarang liberalisasyon at deregulasyon ng GATT-WTO sa mgakorporasyong multinasyunal tulad ng Nestlè dahil natitiyak nila ang regular na daloy ngmurang hilaw na materyales tulad ng kape. Nababarat ang presyo ng lokal na kape atnapapalaki ang tubo ng mga dayuhang korporasyon tulad ng Nestlè.

Good Food...? Good Life...?Naging kaiga-igaya nga ba sa mamamayan ng daigdig ang mga

produkto ng Nestlè? Sa pagitan ng 1980 hanggang 1984, lumaganap angpagkadismaya ng maraming mamamayan sa daigdig sa mga produkto ngNestlè. Hanggang maagang bahagi ng 1990, lumaganap ang panawagang

boykot sa mga produkto ng Nestle sa buong daigdig, kabilang ang Nescafe samga produktong ito. Hanggang sa Pilipinas ay umabot ang protesta nang

pagboykot sa mga produkto ng Nestlè. Pinangunahan ito ng mga nakawelgangmanggagawa sa planta ng Nestlè sa Alabang at Cabuyao.

MAGKAKAPETRADER/MILLER

4Malalaking Trader at Eksporter

4Coffe Shops, iba pang pamilihan

4Kaffe de Oro, Blend 45, atbp

PURCHASER / DIRECT BUYER ng Nestle

Imported nakape mulaVietnam,Indonesia atiba pang bansa

Page 11: Coffee Industry Primer

Bakit mahalaga ang In-Ka sa Kabite?55Ang lalawigan ng Kabite sa TimogKatagalugan ay isa sa may pinakamalakingproduksyon ng kape sa buong bansa. Panglimaang Kabite sa buong Pilipinas na maypinakamalaking produksyon ng kape.

Noong mga nagdaang taon (2000-2002),30% ng kabuuang pambansang produksyon ngkape ay nagmumula sa Kabite. Mayroon itongabereyds na aning 840 kg/ekt/taon, mas doble

pa sa abereyds na pambansang ani na 400/kg/ekt/taon.

Mula sa 23 bayan ng Kabite, siyam ditoang pangunahing nakatuon sa industriya ngkape (Silang, Maragondon, Magallanes,Tagaytay, Alfonso, Bailen, Amadeo, Mendezat Indang). Sa kabuuang lawak na lupain ngKabite na 142,706 ekt, (76,467.14 ekt ay lupangagrikultural), 13,357 ekt dito ay nakatuon sapagtatanim ng kape.

Sinasabi rin na ang bunga (coffee bean)ng kapeng Kabite ay may kalidad na DoubleAA, pinakamataas na klasipikasyon saitinakdang world market standards, rekisitoupang mai-eksport ito.

Ang di kukulangin sa 15 libongmagkakape sa lalawigan aykaraniwang nagmamay-ari lamang ng1 - 2 ektaryang lupang kapehan, omagkuminsa’y mas maliit pa sa rito.Nakasentro ang kalakhan nila sabayan ng Amadeo, Alfonso atMendez. May signipikanteng bilangpa rin ng mga magkakape ay mgatenante na sa bayan ng Silang atTagaytay karaniwang umiiral.Laganap rito ang bilang ng mga

magsasakang walang sariling lupa. Angsistemang partihan, hunos at buwisan aynagbabago depende sa kasunduan ng may-aring lupa at ng kasama.

Kalakhan sa magkakapeng Kabitenyo aysila ang personal na nag-aalaga atnangangasiwa sa kanilang kapehan. Mula sapagbibinhi, pagtatanim, hanggang sa paglilinisat pagkakapon, pag-aabono at pamumuti(pamimitas). Singkahulugan ang magkakapengKabitenyo ay direktang nakalahok saproduksyon, kung kaya’t nagpapatunay rin itong kanilang inabot na pagiging bihasa sapamamaraan at teknika ng pag-aalaga ng kape.Bagama’t relatibong “atrasado” angpamamaraan ng pagsasaka sanhi ngkakulangan sa mekanisado at makabagongkagamitang pangsaka, di naman maaringtuwirang sabihin na atrasado angteknolohiyang ginagamit sa lalawigan.

Laganap ang bilang ng manggagawangbukid sa mga kapehan sa lalawigan. Katunayan,maging ang mga magkakapeng may sariling lupaat tenante ay pana-panahon ring nagpapa-upaat “nagiging manggagawang bukid.” Satradisyunal na kultura ng magsasakangKabitenyo, ito ay luwal pa ng bayanihan at“tropahan”. Ngunit sa kasalukuyang sitwasyonng In-Ka sa Kabite, tumitingkad ang ganitong

10232

16562092

15779

8371

6176

1081

0

5000

10000

15000

20000

Blg

ng M

agsa

saka

Uri ng Tanim

Bilang ng Magsasaka sa Kabite Batay sa Uri ng Tanim

palaymais

pinyaka

pegulay

iba pa

ng

prutas cu

t

flowers

Page 12: Coffee Industry Primer

tunguhin ng “pagdami” ng bilang ngmanggagawang bukid sanhi ng pag-aagwantamaging ng mga magkakapeng may sariling lupaat tenante na maragdagan ang kanilang kita dahilnanatiling nakapako ang presyo ng kape sanapakababang halaga. Ang trabahong saklawng manggagawang bukid sa kapehan aykaraniwang paglilinis (gamas, sulasod),pagkakapon at pamumuti. Ang kasalukuyangpasahod ay P130 (karaniwan sa Silang)hanggang P150 (karaniwan sa Amadeo) kadaaraw. Nagbabago ito depende sa lugar atkalakaran.

Ang pagbagsak ng presyo ng kape nitongnakaraang 15 taon ay walang kaparis dahilnitong panahon ng anihan ng 2000-2001 sakapehan sa Kabite, sumadsad angpresyo ng kapeng tuyo sa P85-150kada balde - samantalang umabotito ng P700 kada balde bandang1987. Noong unang kwarto ng 2002,dumausdos pa sa P80-P115 angbawat balde ng tuyong kape.

Mula 1999 (P250/balde angpresyo ng kape), ebidente angpananamlay ng industriya. Bago pa

Ano anghinaharap ng In-Ka sa Kabite?66D ahil nagmumula sa Kabite ang 30% ng kabuuang pambansang

produksyon, ipinanukalang gawing “Coffee Capital of the Philippines”ang probinsya. Nagsimula rin itong maglunsad ng mga Coffee Revival

Program. Nitong ikalawang kwarto ng 2002, itinatag ang Cavite CoffeeBoard (CCB) na pinamumunuan ng gobernador ng lalawigan. Bahagi ngCCB ang mga kinatawan mula sa Dept. of Trade & Industry, Land Bank ofthe Philippines, non-government sector at mga eksperto at siyentista.

Fig.1 - Padron ng Presyo ng Kape

ito, malaki na rin ang epekto ng patuloy napagtaas ng presyo ng input sa produksyon.Maraming magkakape ang unti-unti nang“nanawa” sa pagkalinga sa kanilang mgakapehan. Katunayan malaking bahagi na ng mgakapehan sa Kabite ay di na napangangasiwaan,mula sa paglilinis hanggang pagpupruning –malungkot pa, hindi naaabonohan!

Sa mahabang panahon, ang In-Ka angbumubuhay at nagpapakain sa maramingpamilyang Kabitenyo. Ito rin ang nagpapaaralsa libong kabataang Kabitenyo na ngayon ayparang itinapon sa kawalang katiyakan dahil sadi-mapantayang krisis na bumabalot sa In-Kasa lalawigan.

Page 13: Coffee Industry Primer

Kung tutuusin, mataas ang pangarap ng mga lokalat panlalawigang pamahalaan na ”muling buhayin” angIn-Ka sa lalawigan. Katunayan, noong nakaraang Abril,nagdaos ng isang magarbo, engrande at magastos naselebrasyon sa Amadeo na tinawag na “PahimisFestival”.

Subalit hanggang ngayon ay nanatiling “bigo” angmga pagsisikap na ito, dahil hindi pa rin kapansin-pansinang masiglang paglahok ng magkakapeng Kabitenyo sakampanya ng gubyerno. Kahit ipinagbawal ang pagpataysa mga puno ng kape, di maitatatwang laganap ito.Nakakaalarma rin ang pagpapalit-tanim at pagpapalit-gamit sa mga lupang-kapehan ng lalawigan.

Masaklap isiping mismong ang CCB, ay walang sapatna pondo at subsidyo mula sa gubyerno upang maipatupadnila ang kanilang mga hakbangin. Mawawalang saysayang lahat ng pagsisikap na ito kung mismong ang mgasiyentista at eksperto ay walang nakalaang sapat nainsentibo para sa kanilang proyekto. Ano pa kaya parasa mga magsasakang lumilikha ng kape?

Naglabas rin ang pambansang pamahalaan ngP1.4-B na pondo bilang bahagi ng AgriculturalCompetetiveness Enhancement Fund sa lokal naindustriya ng kape. Gagamitin ang pondo para sakonstruksyon ng mga pasilidad pang-agrikultura, pagbiling post-harvest facilities, pagpapautang at programa parasa research and development.

Sa kabila ng mga nabanggit na pagsisikap nggubyerno – wala pang ebidenteng resultang iniluwal angmga ito para muling sumikad ang industriya. Wari’ynalimutan na ang pinakamahalagang sangkap upangmagkaron ng katuparan ang mga pangarap na ito – angdirektang pagpapalahok sa magkakapeng Kabitenyo sapagbubuo at pagpapatupad ng mga programang ito.

Ang mga programa at patakarang ito ay tulad ngmga ga-higanteng tasa ng kape na hinihigop ng mgabuwaya sa gubyerno. Wala itong iniwan sa CoconutRehabilitation Program na pinagpasasaan niDanding Cojuangco at mga kakutsaba nito. Sing-anomalaya ito ng malalaking pruyekto tulad ng DMBoulevard.

Sa katutohanan, ang

desperadong

pagtatangka ng

gubyerno na

maampat ang sugat

na likha ng krisis sa

In-Ka ay walang

pakinabang at

ganansya para sa

magkakapeng

Kabitenyo.

Nakatakda itong

maitala bilang mga

bigong Coffee Revival

Program sa

nakaraan.

Page 14: Coffee Industry Primer

Makatwiran ba namanawagan parasa pagtataas ngpresyo ng kape?

Gastos sa Produksyon (GsP)Partikular na Gastusin Presyo Sub TotalAbono (20 sako)

Urea (10 sako) P390/sakoAmmosul (10 sako) P290/sako P 6,800

Linis/Pruning (20 katao, 3 beses)P130/araw 7,800Puti (500 balde kapeng sariwa) P30/balde 15,000

Kabuuang GsP P 29,600

Mga Kasong AralinNota: Ang mga Kasong Aralin na ihahapag ay panimulangkwentada sa mga batayang gastos at kita sa 1 ektaryanglantay-kapehan matapos ang putihan (cropping season).Ipinagpapalagay rin sa mga kwentada na ang mga punong kape ay ume-edad na sa 8-12 taon, edad kung saanmasagana ang bunga ng kape. Ang presyo ng abono aymaari ring hindi istandard, dahil may kalagayang Urea oAmmosul lamang ang ginagamit, kung kaya abereyds napresyo ang ginamit. Gayun din ang pasahod samanggagawang bukid ay nagbabago sa lugar. Bagama’tsa panimula, maari nang tumindig ang mga ihahapag nadatos.

Kung P200/balde ang presyo ng kape Kung P250/balde ang presyo ng kapeKK P56,000 KK P70,000GsP P29,600 GsP P29,600NK P26,400/taon NK P40,400/taon

P 2,200/buwan P 3,367/buwanP 73/araw P 112/araw

Kung P500/balde ang presyo ng kape Kung P700/balde ang presyo ng kapeKK P140,000 KK P196,000GsP P 29,600 GsP P 29,600NK P110,400/taon NK P166,400/taon

P 9,200/buwan P 13,867/buwanP 307/araw P 462/araw

Pansinin na kahit pa muling mag-P500/balde ang presyo ng tuyong kape, di pa rin aabot sa itinakdang halagang nakakabuhay na sahod kada araw ang isang pamilya ng magkakape na may anim na miyembro. Di pa natinkinukwenta ang mga batayang gastos ng isang pamilya araw-araw (pagkain, pamasahe, bayad sa kuryenteat tubig, atbp.) Upang magpang-abot ang P388.17/araw na kita ng isang pamilya ng magsasaka, kinakailanganitaas sa P605 kada balde ang presyo ng kape.

Kung P100/balde ang presyo ng kapeKabuuang Kita (KK) P28,000GsP P29,600Netong Kita (NK) (-) P 1,600

Kung: > GsP = P29,600> Aani ng 500 baldeng kapeng sariwa (1 ekt)

= 280 balde kapeng tuyo> P388.17/araw ang kailangang halaga ng

kinikita ng isang pamilyang may 6 namiyembro na umaasa sa agrikultura (ayonsa NSO at NEDA,2001)

77

Page 15: Coffee Industry Primer

Kagaya ng mga naunang karanasan ng pakikibakang magbubukid sa lalawigan at malawak na kanayunanng bansa, may mapagpasyang papel ang mga magsasaka upang maitaguyod at maigiit ang kanyang lehitimoat demokratikong karapatan. Walang imposible kung gayon, kung patuloy na kakalamapagin ang kasalukuyanggubyerno na ito na tugunan ang mga kahilingan ng mga magkakapeng Kabitenyo. Ang kailangan lamang aypagkaisahin ang hanay ng mga magkakape kasama ang lahat ng magsasakang Kabitenyo at patuloy namaging mapagsuri sa kanyang kalagayan. Mula sa pakikipag-dayalogo at paghahapag ng mga petisyon-paninindigan sa gubyerno mismo, hanggang sa pagmamartsa sa lansangan upang maipakita ang diskuntentoat pagkadismaya ng mga magsasaka ay kinakailangang gawin. Kahit ang kinatatakutang multi-nasyunal nakorporasyong Nestlè ay kayang bigyan ng matinding bangungot ng mga magsasakang Kabitenyo kungmakikipagkaisa lamang ito sa lahat ng nakikibakang sektor kabilang na rin ang mga apektadong mamamayan-konsyumer ng bansa at ng buong daigdig – na may nauna nang panawagan na i-boykot ang mga produktong Nestlè.

Kung gayon, ang kasagutan ay tanging sa pag-oorganisa at pagkakaisa pa rin bilang isang grupongpanlipunan upang ipaglaban ang mga sumusunod na hakbangin para sa tunay na pagpapa-unlad sa In-Ka:

Paano muling uunlad ang In-Ka?88P

Kung magkakaganito, muli nating maibabalik angminsang tinamasang sigla ng Industriya ng Kape saKabite at buong bansa.

� Itaas ang presyo ng kape, P700/balde upang maabot ang P388.17/araw nadaily cost of living.

� Wakasan ang dayuhang kontrol sa In-Ka. Isabansa ang produksyon, lokal nakalakalan at manupaktura at isabansa ang pasilidad-industriyal ng Nestle-Phils. Itatag ang sentrong planta sa pagpo-proseso ng kape.

� Wakasan ang dikta ng WTO sa In-Ka. Baklasin ang agrikultura ng bansa mulasa GATT-WTO. Alisin ang MAV sa kape.

� Protektahan ang lokal na In-Ka laban sa pagbaha ng imported na kape.Ibasura ang RA 8178 (Agricultural Tariffication Act).

� Maglaan ng tiyak na pondo ang gubyerno para sa subsidyo sa abono. Ibabang 50% ang presyo ng abono.

� Isulong ang pagpapaunlad sa produksyon, pagsasapamilihan atpagpaproseso. Isulong ang pagdedebelop ng bagong merkado.

� Suportahan ang mga lokal na taga-proseso/manupaktura ng kape.� Maglaan ng proteksyon at insentibo laban sa dayuhan/imported na kape.

Maglaan ng tulong pinansyal/insentibo para sa mga teknisyan/agrikultyurisna nagtataguyod sa pagpapa-unlad ng In-Ka.

� Itaas ang sahod ng manggagawang bukid sa kapehan.

ositibo ang pananatili ng malawak pa rin namang bilang ng magsasaka salalawigan na pangunahing pwersa sa produksyon na bumubuhay sa lipunan.Kung gayon may lakas at bisig pa para sa isang pakikibakang maaringmagwakas sa krisis na bumabalot sa In-Ka at buong kanayunan.

Page 16: Coffee Industry Primer

ISALBA ANG INDUSTRIYA NG KAPE SA CAVITE!PROTEKTAHAN ITO LABAN SA IMPERYALISTANG

GLOBALISASYON, PANDARAMBONG AT PAMBUBUSABOS!

TUTULAN AT LABANAN ANG SABWATANGREHIMENG GMA-ICO-GATT-WTO SA INDUSTRIYA NG KAPE!

WAKASAN ANG MONOPOLYONG KONTROLNG NESTLE SA INDUSTRIYA NG KAPE!

KAMAGSASAKA-KAKalipunan ng mga Magbubukid sa KabiteRMP-SLRural Missionaries of the Philippines-Southern LuzonSIMBAKASimbahan ng mga Magsasaka sa Kabite