county ng alameda

539

Click here to load reader

Upload: phungkien

Post on 10-Dec-2016

1.251 views

Category:

Documents


534 download

TRANSCRIPT

  • COUNTY NG ALAMEDAC

    A L I F O R NI A

    CO

    UNT

    Y OF ALAME

    DA

    Halimbawang Balota At Librito NgImpormasyon Para Sa Botante

    Pangkalahatang Halalan

    Martes, lka-6 ng Nobyembre, 2012

    ANG MGA BOTOHAN AY MAGBUBUKAS NG IKA-7 NG UMAGA AT MAGSASARA NG IKA-8 NG GABI

    BABALA: ANG LUGAR NG IYONG BOTOHAN AY MAAARING NABAGO

    TINGNAN ANG LIKOD NA PAHINA PARA SA LUGAR NG BOTOHAN ATPAGHILING NG BALOTA SA PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO

    DALHIN ANG HALIMBAWANG BALOTANG ITO SABOTOHAN AT MARKAHAN NA PARA HINDI MAANTALA

  • XX-1

    Mga Pahayag ng mga KandidatoKINATAWAN NG ESTADOS UNIDOSIka-13 na Distritong Pangkongreso

    MARILYN M. SINGLETON Trabaho: DoktoraAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Ginugol ko ang buhay ko sa pag-aaral, pagtuturo, at bilang isang doktora sa panggagamot. Nagtatrabaho sa isang adbokasyang nagsusulong ng batas sa kalusugan, nilutas ko ang mga problema, hindi nagtuturo para manisi. Ako'y matagal ng residente ng East Bay na nababahala sa patuloy na kawalan ng trabaho, mapag-aksayang paggastos ng gobyerno, at mataas na bilang ng mga estudyanteng nagda-drop-out. Hindi ako isang career politician na may utang na loob sa mga magugulong samahan na may mga espesyal na interes o divisive special interest groups. Upang mabigyan ng halaga ang ating mga buwis na dolyar, magsusumikap ako na mapahinto ang corporate handouts, pag-isahin ang mga ahensiyang magkakapareho na ang trabaho, at pagandahin ang seguridad sa pagreretiro sa pamamagitan ng pagpapabuti ng Medicare at Social Security. Isusulong ko ang mga programang panlipunan na nagbibigay pag-asa. Maraming mga kasalukuyang programa ang hindi nagtataguyod ng respeto sa sarili. Ginagamot lamang ang mga sintomas, hindi ang sanhi. Mabababa ang pinag-aralan at kadalasan ay mga walang ama ang mga bata ay tumatandang walang trabaho at mababa ang respeto sa sarili o sa ibang tao. Maaari tayong magkaroon ng mas matatag na komunidad na may mas maraming mga oportunidad. Makakatulong ako na mapangyari ito. Ang mga nakabatay sa lokal na inobasyon o locally-based innovations ay makakapagbigay sa lahat ng mga bata ng akses sa isang de-kalidad na edukasyon. Ang isang matagumpay na kultura ay nagsusulong ng kakayahang tumayo sa sarili, panlipunang responsibilidad at nagbibigay daan sa magagandang trabaho. Ang mga trabaho ay nagtataguyod ng ligtas at matiwasay na komunidad at nagbibigay ng mas maraming kita sa buwis. Upang makalikha ng mga trabaho, magsusumikap ako na maiuwi sa atin ang mga perang nakatigil sa ibang bansa sa pamamagitan ng pag-aalis ng napakaraming dapat gawin o guesswork mula sa mga negosyo: gawing simple ang mga kodigo ng buwis at alisin ang mga regulasyong hindi epektibo. Ang paggawa ng patakaran ng Washington ay nagbabawas sa kapangyarihan at impluwensiya ng mga komunidad. Resulta ang gusto natin, hindi mga pamumulitiko tulad ng dati. Lilikha ako ng kaibhan sa pamamagitan ng paglalagay ng sentido komun sa ibabaw ng party line" o mga tuntunin ng isang partido kung saan ang mga miyembro nito ay inaasahang sumunod. Mas napapagsama-sama tayo ng marami kaysa hinahati tayo. Ako ay isang bagong tinig na nagsusumikap upang makuha ang inyong mga boto. Sa inyong suporta, dadalhin ko ang aking walang-kinikilingan, walang kabalighuan, kayang gawin na ugali sa Washington. Marapat lamang na magkaroon ang ating mga anak at ang ating mga sarili ng magandang kinabukasanwww.SingletonForCongress.org.

    BARBARA LEE Trabaho: Miyembro ng Kongreso Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Ipinagmamalaki kong tumira sa East Bay, ang may pinaka-magkakaibang kultura at pinakamasiglang lugar sa California. At bilang kinatawan ninyo sa Kongreso, nagsumikap ako upang isulong ang mga patakaran na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at katarungang pang-ekonomiya at panlipunan. Pero namumuhay tayo sa mga mapanghamong panahon. Nananatiling walang pag-unlad ang ating ekonomiya, na may napakaraming kapit-bahay na walang trabaho; ang halaga ng gastusin para sa pangangalagang pangkalusugan at ang akses pang-medikal ay isang krisis; ang mas mataas na edukasyon ay hindi maabot ng maraming pamilya; at, ang digmaan sa Afghanistan ay patuloy pa ring naglilihis ng mga pambansang yaman mula sa mga mahigpit na mga pangangailangan dito. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang matugunan ang mga paghamong ito sa mga bulwagan ng Kongreso ng Estados Unidos, uunahin ang batas na magtataguyod ng mga daan para sa pag-ahon sa kahirapan at ng mga oportunidad para sa lahat; magsasagawa ng mga patakarang makatarungan sa ekonomya at lipunan na nagsusulong ng kapayapaan, at nagtitiyak ng karagdagang pagpopondo para sa mga sentrong pangkalusugan sa komunidad. Mula sa inuupuan ko sa House Appropriations Committee, ginawa kong kapaki-pakinabang ang mga dolyar upang gawing mas ligtas ang ating mga kalsada, mas mahuhusay ang ating mga paaralan, at mas matatag ang ating ekonomiya. Ipagpapatuloy ko ang pakikibaka sa pagpapalago ng ating ekonomiya at maibalik ang mga tao sa trabaho; sa pagpoprotekta ng kapaligiran at sa pagpopokus sa mga problemang dulot ng pagbabago sa klima; upang matiyak na ang lahat ng Amerikano ay magkaroon ng akses sa pangangalagang pangkalusugan; at, mawakasan na ang digmaan sa Iraq at Afghanistan. Umaasa ako na aking nakuha ang inyong patuloy na pagtitiwala at ihahalal ninyo ako upang makapaglingkod akong muli sa inyo sa Kongreso. Salamat po. www.barbaraleeforcongress.org.

  • CD15-1

    Mga Pahayag ng mga KandidatoKINATAWAN NG ESTADOS UNIDOSIka-15 na Distritong Pangkongreso

    ERIC SWALWELL Trabaho: Tagausig/Konsehal ng Lunsod Edad: 31 Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Kailangan ng Amerika ang pagbabalik ng ekonomiya. Sa kasamaang-palad, magulo ang Kongreso. Masyadong maraming panahon ang ginugugol ng mga mambabatas sa pakikipagtalo ukol sa partidistang politiko, at napakaliit na panahon sa pagtatrabaho para sa inyo. Higit dito ang nararapat para sa inyo. Makikipagtulungan ako sa parehong partido upang makahanap ng mga solusyon sa mga problema ng ating bayan at maiangat ang pang-ekonomiyang hinaharap ng ating mga pamilya. Kailangan natin ng isang Kinatawan na totoong nakatira sa ating komunidad, hindi lumiliban sa pagboto, at mayroong sigla at mga bagong ideya upang lutasin ang mga problema. Bilang isang Miyembro ng Konseho ng Lunsod ng Dublin, nireporma ko ang plano para sa pensyon ng lunsod upang matugunan ang mga pangako natin sa mga retirado habang binabalanse ang badyet nang hindi nagsisisante o hindi nagpuputol ng mga serbisyo. Sa Kongreso, tatapusin ko ang mapag-aksayang paggastos at babawasan ko ang ating utang. Kung may isang kampeon sa Kongreso, ang ating komunidad ay makakalikha ng libu-libong bago, mataas na antas ng teknolohiya at mga renewable energy na mga patrabaho. Makakapaghatid tayo ng isang kodigo sa buwis na humihikayat ng Yari sa Amerika, hindi na gagantimpalaan pa ang mga kompanyang nagdadala ng trabaho sa ibang bansa, at pagbabayadin natin ang mga lubhang-mayayaman ng kanilang patas na bahagi. Poprotektahan ko rin ang Medicare at Social Security at magsusulong ng akses sa mas mataas na edukasyon. Magsusumikap ako na ibalik ang tiwala at pananagutan sa Kongreso. Nag-usig na ako ng libu-libong mga kaso, naging taga-usig ng mga krimeng dulot ng poot sa county at tumanggap ng isang gantimpala ng komunidad mula sa Mothers Against Drunk Drivers. Inindorso ako ng pulisya at ng mga kinatawang siyerip. Kilala ko ang mga tao at nalalaman ko ang mga isyu ng ating lugar. Nagboluntaryo ako bilang isang tagapamahala ng koponan ng soccer ng kabataan, nagtatag ng isang organisasyong pang-edukasyon, at naglingkod bilang tagapayo sa Tri-Valley Conservancy, isang grupo para sa konserbasyon ng lupa. Hindi ko kalilimutan kailanman ang aking pinagmulan at kung sino ang aking kinakatawan, kayo. www.swalwellforcongress.com

    FORTNEY PETE STARK Trabaho: Kongresista ng Estados UnidosAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Ang aking karanasan ay makakatulong sa pang-araw araw ng mga residente ng ika-15 na Distritong Pangkongreso. Iyan ang dahilan kung bakit nakuha ko ang pag-iindorso ni Presidente Obama at ni Senador Dianne Feinstein. Sa napakaraming tao na nangangailangan ng mga trabaho, pangangalagang pangkalusugan, edukasyon, pampublikong kaligtasan at transportasyon mangunguna ako sa pakikipaglaban para sa inyo. Nakapagdala ako ng inobasyon sa teknolohiyang medikal, green jobs, high tech na pagsasanay, at milyun-milyong dolyar na pamumuhunan sa bawat bahagi ng Distrito na ito. Walang makakakuha ng ganitong mga resulta kung walang maraming taong karanasan. Ipinagtanggol ko ang mga pangangailangan ng East Bay sa Kongreso, nanguna sa laban upang protektahan ang Social Security at Medicare, pangalagaan ang kapaligiran, isulong ang karapatan ng kababaihan sa pagpili, ipalaganap ang kapayapaan, at manindigan para sa mga nagtatrabahong pamilya. Bilang Tagapangulo ng Ways and Means Subcommittee on Health, tumulong ako sa paglilok ng President Obama's Groundbreaking Affordable Care Act na nagpapahintulot na masakop ang mga batang nasa gulang sa plano ng kanilang mga magulang hanggang sa edad na 26; na tumatapos sa abilidad ng mga taga-seguro na tanggihang masakop ang mga kondisyong dati nang umiiral; at gagarantiya ng pangangalagang pangkalusugan sa lahat ng Amerikano na abot-kaya at de-kalidad. Ang pinaka-nakalulugod sa akin ay ang pagtulong sa paglutas ng mga malalaki at maliliit na mga problema ng mga tao. Mula sa paghahanap ng nawalang tseke sa Social Security hanggang sa pagtulong sa mga alalahanin ng mga beterano, nangangako ako na maglingkod sa inyo. Isa akong beterano ng Hukbong Panghimpapawid. Nagtapos sa MIT at may business degree mula U.C. Berkeley. At ama ng pito at lolo ng walo nauunawaan ko ang kahalagahan ng pamilya at komunidad. Ang panahon na ito ng kahirapan ay hindi tamang panahon upang maglagay ng isang bagito sa Kongreso. Nagpapakumbaba po ako na humihingi ng inyong boto. www.petestark.com

  • CD17-1

    Mga Pahayag ng mga KandidatoKINATAWAN NG ESTADOS UNIDOSIka-17 na Distritong Pangkongreso

    MIKE HONDA Trabaho: Miyembro ng Kongreso Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Magmula nang ako'y unang ihalal sa Kongreso noong 2000, ikinarangal kong kumatawan sa patuloy na dumadaming magkakaiba-iba, aktibo at makabagong mga manghahalal sa buong Silicon Valley. Gayunman, nakita ko na rin kung paano patuloy na nagkakasundo-sundo at nagkakahiwa-hiwalay ang Amerika, na nagiging sagabal sa ating kolektibong kakayahang lumutas sa mga pinakamatitinding hamon sa ating bansa: pagsisiguro sa muling pagbangon ng ekonomiya, pagtugon sa mga pangangailangang pang-edukasyon ng bawat bata, pamumuhunan sa imprastraktura, at pagsisiguro ng akses sa pangangalagang pangkalusugan. Ako'y nakapaghatid na at patuloy pang maghahatid hindi lamang ng malalim na kaalaman at paninindigan sa aking distrito, kung hindi pati na rin ang kakayahan na pag-isahin ang dibisyong nangyayari para magkaroon ng solusyon sa isang bagay na para bang hindi na malulutas ng pulitika. Ang mga katangiang ito ay importante sa tungkuling muling itatag ang bansang ito at ibalik ang tiwala sa Washington. Bilang nakatataas na kinatawan sa Komite sa Badyet at Paglalaan ng Kapulungan o House Budget and Appropriations Committee, naging tungkulin at karangalan ko na maibalik muli ang daan-daang milyon ng pinaghirapang kinitang dolyar ng mga nagbabayad ng buwis sa ating mga distrito nang mabawi ang ating makatarungang bahagi sa pondong pederal. Ang aking walang-maliw na serbisyo sa ating komunidad ay malinaw at hindi pabago-bago. Bilang isang guro sa loob nang 30 taon; isang magulang at lolo; isang boluntaryo ng Peace Corps sa El Salvador; isang pederal, estado at lokal na mambabatas; at isang internee noong World War II, alam ko na kahit nagkakamali ang gobyerno, kaya pa rin nitong siguraduhin ang akses sa pangako ng Amerika sa lahat. Nangangako ako na ipagpapatuloy ko ang pangakong maging kinatawan ng mga lokal na pamilya sa pamamagitan ng pagtatrabaho araw-araw para muling pasiglahin ang ating ekonomiya sa loob at labas ng bansa, para maabot nating lahat at mapalawak ang Pangarap ng Amerikano.

    EVELYN LI Trabaho: Doktora sa Medikal Edad: 56Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Ang aking librong: What Makes Sense, www.evelynli.org, ay nagbabalangkas ng aking mga plano: Mungkahing Batas Para sa Reporma ng Makabagong Pangangalagang Pangkalusugan, Mungkahing Batas Para sa Pagpapabilis ng Produksyon ng Makabagong Trabaho at Mungkahing Batas ng USA Para sa Suporta sa Imigrasyon. (Putulin ang buwis para sa lahat ng mga sektor, ilagay sa tamang gamit ang paggastos ng gobyerno, ibalik ang mga trabaho sa Amerika, ireporma ang pangangalagang pangkalusugan, isulong ang hangaring maging pinakamahusay, gumamit ng mga two-tier na sistema ng imigrasyon, ibalik ang konstitusyon ng Amerika, at ibalik ang pananalig sa Diyos ng Kongreso). Kaya kong tulungan kayong muling itatag ang Amerika. Ang Amerika ay minsan nang naging lider ng mundo sa pagpapabago at maaari pa itong maulit. Mayroon tayong mga kayamanan na kinaiinggitan ng buong mundo. Mayroon tayong Silicon Valley na kinikilala noon bilang nangunguna sa teknolohiya. Nasa atin ang pinakamataas na bilang ng mga nanalo ng Nobel Prize. Nasa atin ang mga pinakamagagaling na unibersidad. Kung may tamang mga batas, tamang gobyerno kasama ang tamang mga lider, kaya nating itatag muli ang Amerika. Ibabalik natin ang integridad, pananagutan, kalinawan at pagiging matipid ng Kongreso at ibabalik din natin ang tiwala ng Amerika sa ating kinabukasan. Hinahangaan ko ang iyong tapang, talento, at integridad. Minsan mo na itong nagawa noong pinamunuan mo ang mga nangangasiwa sa isang buong ospital. Isinaalang-alang mo ang lahat para gawin ang sa tingin mo ay tama. Robert Weinmann, MD, Editor ng www.politicsofhealthcare.com, Nagtatag ng Unyon ng mga Amerikanong Manggagamot at Dentista. Isa akong doktor ng kardiolohiya, isang ina, at nagtatag ng maraming mga Organisasyong hindi naglalayong kumita. Matagumpay akong tumulong sa pagbabago ng mga batas upang makinabang ang mga naghihirap tulad ng pagpapaliban sa putol ng Medicare at pagpapatibay sa karapatan ng mga pasyente. Buong galang kong hinihingi ang boto ninyo sa darating na Nobyembre. Iboto si Evelyn Li para sa Kongreso, Ika-17 na Distrito ng Kongreso. Salamat.

  • SD7-1

    Pahayag ng KandidatoSENADO NG ESTADO

    Ika-7 na Distrito ng Senado

    MARK DESAULNIER Trabaho: Senador ng Estado / Negosyante Edad: 60 Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Ang pangalan ko ay Mark DeSaulnier, at tumatakbo ako para sa Senado ng Estado upang ipaglaban ang mga komunidad sa Tri-Valley. Ang malalim na interes ko sa patakarang pang-gobyerno at pampubliko ay batay sa isang simpleng prinsipyo: Naniniwala akong kailangan natin ng pamunuan na ang oryentasyon ay tungo sa pag-unlad at nakatutok sa pinakamahalagang mga isyu. Kaya naman, tumugon ako sa malalaking hamon bilang miyembro ng Senado. Lumaban ako para ireporma ang pamahalaan ng California, lumikha ng mga trabaho, pangalagaan ang kalikasan, magbigay ng de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan at protektahan ang kaligtasan ng publiko. Lubos akong naniniwala na ang kinabukasan ng California ay nakasalalay sa ganap na pagpopondo ng edukasyon. Bilang inyong Senador, nanindigan ako laban sa hindi pinag-aralang pagtatanggal ng mga tao sa trabaho at mga pagbabawas ng badyet sa mga kalapit nating mga paaralan. Ipinagmamalaki ko na makipagtuwangan kay Tom Torlakson na Superintendente ng mga Paaralan sa California upang mapataas ang akses sa mga mahahalagang programa pagkatapos ng iskuwela. Bilang Tagapangulo ng Transportasyon ng Senado at Komite ng Pabahay, lumaban ako para sa mas maraming pampublikong transportasyon at para sa kaligtasan at pagpapahusay ng mga lokal na daan/mga kalsada, mga tulay at mga highway. Nangunguna sa aking prayoridad ang pagbibigay ng pinakamataas na pamantayan sa serbisyo sa mga manghahalal sa ating pamayanan. Kasama ang aking mga kawani, nakatulong ako sa mga lokal na naninirahan para maiwasan ang mga pag-ilit at pagpuputol o cuts dahil sa red tape. Ang Tri-Valley ay karapat-dapat na magkaroon ng isang Senador na magtatrabaho ng walang sawa upang paglingkuran ang mga interes nito. Ito ang dahilan kung bakit ako tumatakbo para muling mahalal: para lumaban para sa ating mga komunidad, ating mga paaralan, at magsabatas ng tunay na mga reporma para sa pamahalaan ng ating estado. Nangangako ako na magiging matatag na tagapagtaguyod ng mga pamayanan sa Tri-Valley, at ikalulugod kong makuha ang inyong boto sa ika-6 ng Nobyembre. -Mark DeSaulnier markdesaulnier.com

  • SD9-1

    Pahayag ng KandidatoSENADO NG ESTADO

    Ika-9 na Distrito ng Senado

    LONI HANCOCK Trabaho: Senador ng Estado Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Isang karangalan ang maging kinatawan ng Ika-9 na Distrito ng Senado sa nakaraang apat na taon. Sa panahong ito na nahihirapan ang ekonomiya, nagamit ko ang aking karanasan sa pamahalaang lokal, pang-estado at nasyonal -- bilang opisyal ng edukasyon sa Administrasyong Clinton, dalawang termino bilang unang babaeng nahalal na Alkalde ng Berkeley, at tatlong termino sa Asembliya ng Estado upang ipaglaban ang pangmalawakang pangangalaga ng kalusugan, ang matatag na pangangalaga ng kapaligiran, at ang mahuhusay na paaralan. Hinahangad ko na muling maihalal upang ipagpatuloy ang gawaing iyon, at magpanukala ng isang mas mainam na pamahalaan ng estado na makapagtatatag ng isang ekonomiyang magbibigay ng ikabubuhay sa lahat ng mga taga California. Mayroon akong magandang rekord ng pagsuporta sa paglikha ng hanapbuhay sa Bay Area at nakapagsagawa ako ng mga batas na nagdala ng bilyon-bilyong dolyar sa pondo ng konstruksyon para sa bagong bahagi sa kanluran ng Bay Bridge, mga bago at modernong paaralan at mas pinagandang lokal na mga kalye. Bilang Assemblywoman, pinamunuan ko ang Komite para sa Natural na Kalikasan, na kamag-akda ng palatandaang batas/ o landmark legislation para labanan ang pagbabago sa klima, pangalagaan ang mga bukas na espasyo, at palawakin ang muling paggamit o recycling at itaguyod ang mga estratehiya sa mabuting pagpupuno ng siyudad. Iniindorso ako ng Sierra Club at ng League of Conservation Voters. Bilang inyong Senador, pinangungunahan ko ang Komite ng Pampublikong Kaligtasan sa Senado at pinangungunahan ko ang mga pagsisikap na bawasan ang populasyon ng mga nakabilanggo, at ilabas ang mga pondo para sa edukasyon, pangangalaga ng kalusugan at paglikha ng trabaho. Bilang may akda ng Batas para sa California Clean Money and Fair Elections Act, nagtatrabaho ako upang tanggalin ang perang pang-espesyal na interes mula sa mga eleksyon sa estado. May mga mabibigat na desisyon at mahihirap pa na trabaho sa hinaharap, at ikararangal kong makuha ang inyong boto.

  • AD16-1

    Pahayag ng KandidatoMIYEMBRO NG ASEMBLEYA NG ESTADO

    Ika-16 na Distrito ng Asembleya

    AL PHILLIPS Trabaho: Superintendente ng Unyon sa Konstruksiyon Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Ang pangalan ko ay Al Phillips at ako ay tumatakbo para sa ika-16 na Distrito ng Asembleya dahil naniniwala ako na kayang bumalik ng ating estado sa mga araw na mayroon tayong isang masiglang ekonomiya at isang matinding kagustuhang magtagumpay. Kailangan ng pamilya natin ang trabaho, at bilang karpintero ng unyon, direkta kong nakita kung paano nagpasa ng mga batas at regulasyon ang ating mga mambabatas sa Sacramento na nakasagabal sa pag-unlad ng ating ekonomiya. Pigilin natin ang tren na walang patutunguhan! Ang mga nagbabayad ng buwis ay sawa na sa paggamit ng estado ng mga mapanlinlang na eksplinasyon at gimik para mabalanse ang pondo; tayo ay may obligasyong mabigyan ang ating mga anak ng isang estado na inuuna ang edukasyon nang hindi sila bibigyan ng mga pasaning utang sa hinaharap. Bilang isang miyembro ng Bay Area Air Quality Management District at tagapangulo ng Energy and Environment Committee ng Lunsod ng Livermore, naiintindihan ko ang kahalagahan ng pagbabalanse ng ating mga pangangailangan para sa mga reyalistikong mga regulasyon sa kapaligiran na hindi magiging pampahirap sa mga responsableng negosyo. Isa itong malaking trabaho at hanggang sa ngayon, binibigo pa rin tayo ng ating mga mambabatas. Kapag ako ay nahalal, magtataguyod ako ng isang independiyenteng awdit ng lahat ng departamento ng estado para malaman kung nasaan ang mga problema sa paggastos at pagkatapos ay aayusin ang mga iyon. Kailangan nating gawing priyoridad ang ating mga pangangailangan at gawing unang-una sa listahan ang edukasyon, pangangalagang pangkalusugan at pampublikong kaligtasan. Kailangan nating gamitin ang ating buwis sa gasolina sa pagpapaayos ng ating mga daan at hindi para suportahan ang mga paboritong proyekto. Ikararangal kong makuha ang inyong suporta; bisitahin po ang www.voteforalphillips.com para sa karagdagang kaalaman. Salamat sa inyong konsiderasyon; umaasa akong mapaglingkuran kayo at magsumikap para sa California.

  • AD18-1

    Mga Pahayag ng mga KandidatoMIYEMBRO NG ASEMBLEYA NG ESTADO

    Ika-18 na Distrito ng Asembleya

    ABEL GUILLEN Trabaho: Katiwala ng Kolehiyo ng KomunidadAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Lumaki ako sa isang lugar kung saan ang mga tao ay nasa kategoryang working class, anak ng isang panadero at ng isang tagapagluto; at una sa aming pamilya na nakatapos ng kolehiyo, na nagkamit ng masters degree mula sa UC Berkeley. Masuwerte ako na nagkaroon ako ng mga mahuhusay na guro, magagandang mga paaralan at nagkaroon ng mga oportunidad na magtagumpay. Karapat-dapat ang lahat na magkaroon ng parehong pagkakataon. Kung kaya't itinuon ko ang aking buhay sa pagbuo ng mga oportunidad para sa mga bata at mga pamilya, sa pagpapaayos ng ating mga paaralan, sa pagbibigay ng mga magagandang lokal na trabaho, at pakikipaglaban sa mga espesyal na interes ng korporasyon upang matiyak na ang ating komunidad ang laging una. Nagtrabaho ako bilang isang eksperto sa pananalapi ng paaralan sa loob ng 10 na taon. Nakatulong akong makalikom ng mahigit sa $2.5 bilyon upang magtayo, mag-upgrade at magpaayos ng mga pampublikong paaralan at mga kolehiyo ng komunidad sa buong California. Nanunungkulan rin ako sa aking ikalawang termino bilang isang Miyembro ng Lupon ng kolehiyo ng komunidad na kumakatawan sa Laney, Merritt, Berkeley City College at sa College of Alameda. Una akong tumakbo sa pampublikong opisina dahil sa mga pamiminsalang dulot ng pagbabawas sa badyet ng estado at mga espesyal na interes ng korporasyon sa ating mga paaralan. Tumulong ako sa pagrereporma sa distrito ng ating kolehiyo, pinangalagaan laban sa pagbabawas o cuts ang edukasyon at mga programa ng pagsasanay sa trabaho at pinigilan ang tiwaling pamamahala at pang-aabuso. Noong nalaman ko na naniningil ng malaking halaga ang mga Wall Street na bangko at gumagawa ng mga mapanganib na pamumuhunan gamit ang ating mga pondo sa kolehiyo, nanindigan ako laban sa mga malalaking bangko sa pamamagitan ng paglipat ng ating pera sa mga lokal at community-based na bangko na naglalagay ng ating mga dolyar pabalik sa East Bay para gamitin dito. Patuloy kong ipaglalaban ang ating komunidad sa Asembleya. Nakikiusap po ako na kayo'y sumali sa California Teachers Association, California Nurses Association, Sierra Club, Democrats at mga nagtatrabahong mga pamilya sa pagsuporta sa aming kampanya. abelforassembly.com

    ROB BONTA Trabaho: Bise-Alkalde; Kinatawang Abugado ng Lunsod Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Ikinararangal ko na ako ang opisyal na napili ng Partidong Demokratiko ng California at Miyembro ng Asembleya na si Sandr Swanson bilang inyong susunod na miyembro ng Asembleya. Ako'y napili dahil sa aking karanasan at rekord ng mga nagawa sa pagpapabuti ng mga buhay ng mga residente ng East Bay. Bilang Bise Alkalde, tumulong akong magreporma ng mga pensyon ng pulis at bumbero nang walang mga pagtatanggal sa trabaho at pagputol sa mga serbisyo. Nakuha ko sa pamamagitan ng reponsableng pamumunong ito ang suporta ng mga pulis at ng mga bumbero sa Oakland, Alameda at San Leandro. Ipinaglaban ko ang pag-unlad ng ekonomiya sa ating dating Naval Air Base na lilikha ng hanggang sa 9,000 mga lokal na trabaho. Kasama ang mga guro at mga magulang, pinalitan ko si Gobernador Schwarzenegger sa pagpapahinto ng mga pagputol sa badyet sa edukasyon, at tumulong na nakalikom ng $84 na milyong dolyar sa pagpopondo ng lokal na edukasyon na hindi maaaring kuhanin ng estado. Pinangunahan ko ang reporma sa edukasyon upang palawakin ang mga programang pang pre-school, pang-after school, mga programa para sa pagkatuto at mga kasanayan sa pang-araw araw na pamumuhay o learning and life skills programs para sa mag-aaral ng pampublikong paaralan sa Oakland, Alameda at San Leandro. Bilang anak ng isang imigranteng Pilipino na lumaki sa punong himpilan ng United Farm Workers (UFW), nagkaroon ako ng kagustuhang maglingkod sa publiko). Ang mga magulang ko ay dating mga tagapag-organisang kasama ni Csar Chavez. Sa pamamagitan ng tulong pampinansiyal at mga work study program, napag-aral ko ang aking sarili sa Yale University. Nakilala ko ang aking asawa 23 taon na ang nakakaraan sa orientasyon sa kolehiyo at ngayon kami ay mga magulang na sa aming tatlong anak na nasa edad na para mag-aral. Bilang isang nagsasanay na abugado, matagumpay akong nakipagtuwangan sa American Civil Liberties Union (ACLU) upang maiwasan ang racial profiling sa ating mga highway. Sa Asembleya, gagawa ako ng pagbabago para sa inyo at sa inyong pamilya. Para sa karagdang impormasyon, bisitahin ang www.robbonta.com. Salamat.

  • AD20-1

    Pahayag ng KandidatoMIYEMBRO NG ASEMBLEYA NG ESTADO

    Ika-20 na Distrito ng Asembleya

    BILL QUIRK Trabaho: Miyembro ng Konseho ng Lunsod/SiyentipikoAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Ikinararangal ko na ako lamang ang tanging kandidato na inindorso ng California Democratic Party at ng malawak na koalisyon ng mga organisasyon, kasama ang mga kumakatawan ng mga nars, bombero, guro, pulis, environmentalists at mga nagtatrabahong pamilya. Higit sa 250 mga inihalal at mga lider ng komunidad ay sumusuporta rin sa aking kandidatura. Alam nila na ang aking 30 taon ng serbisyong boluntaryo at 8 taon sa Konseho ng Lunsod ng Hayward, ay magagawa akong maging isang epektibong pinuno sa Asembleya mula pa sa unang araw ng aking trabaho. Ang aking mga prayoridad ay: pagbutihin ang mga paaralan, gumawa ng mga trabaho, tiyaking ligtas at malinis ang kapitbahayan. Sa Konseho ng Lunsod, ipinaglaban kong taasan ang pondo ng paaralan, balansehin ang ating badyet habang pinapanatili ang mga pulis sa lansangan at bukas na mga istasyon ng bumbero, at pasiglahin ang paglikha ng trabaho sa pagtaguyod ng maliit na negosyo at pagbawas at pag-ayos ng mga regulasyon. Sa Asembleya, lalaban ako para sa mga mapagkukunan para sa mga pampublikong paaralan, kolehiyong pangkomunidad at unibersidad upang turuan at sanayin ang mga Californians para makikumpetensya sa mga kinakailangang mga trabaho sa ika-21 na siglo. Susuportahan ko ang mga lokal na serbisyong pangsunog at pulisya sa pagtigil ng pagkuha ng estado sa mga pondo na para sa lokal na pamahalaan. Bilang isang siyentipiko, nag-aral ako ng pagbabago ng klima sa Lawrence Livermore Lab at NASA. Magdadala ako ng malalim na pananaw sa Sacramento para makinabang ang mga mamamayan, hindi ang mga may espesyal na interes. Ako ay PTA president noong nag-aaral ang aking mga anak sa lokal na publikong paaralan at aktibo pa rin ako sa Rotary, Friends of the Library, Sierra Club, at Neighborhood Watch. Sumali sa mga lider ng lokal na komunidad, sa California Democratic Party, mga nars, bombero, mga pulis at environmentalists sa pagsuporta sa akin sa Asembleya ng Estado. Tingnan ang www.electbillquirk.com o tumawag sa aking cell (510) 329-7475 para sa karagdagang impormasyon.

  • AD25-1

    Mga Pahayag ng mga KandidatoMIYEMBRO NG ASEMBLEYA NG ESTADO

    Ika-25 na Distrito ng Asembleya

    BOB WIECKOWSKI Trabaho: Miyembro ng Asembleya ng Estado Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Pagkatapos ng isang matagumpay na karera bilang may-ari ng isang maliit na negosyo at bilang isang miyembro ng Konseho ng Lunsod ng Fremont, ikinararangal ko ang mapaglingkuran ang ating komunidad sa Asembliya ng Estado nitong nakaraang dalawang taon. Ang karanasan ko sa pagtatatag ng mga koalisyon upang makakuha ng resulta sa lokal na antas ay napatunayang mahalaga kasabay ng paglaban ko upang baguhin ang status quo sa Sacramento. Nakahanda ako na magtrabaho agad, pagtuunan ng pansin ang paglikha ng trabaho, lulutasin ang mga problemang piskal ng ating estado, mamuhunan sa mga malinis na teknolohiya, at bawasan ang mga hindi kailangang regulasyon na naging dahilan kung bakit iniwan ng mga negosyo ang maganda nating estado. Sa una kong termino sa Asembliya, inilunsad ko ang Made in California Jobs Initiative upang palawakin ang pagmamanupaktura sa California, mamuhunan sa biotechnology at iba pang mga umuusbong na teknolohiya, at magbigay ng mga kredito sa buwis sa pagkuha n g trabahador para sa mga maliliit na negosyo. Bilang bahagi ng inisyatiba, nagsusumikap ako na maihatid ang mga makabagong negosyo at ang mga trabahong lilikhain ng mga ito sa ating komunidad. Noong nakaraang taon, bilang pagbuo ng aking trabaho sa lokal na antas, ini-akda ko ang isang palatandaang batas, na pinirmahan ni Gobernador Brown, upang matulungan ang mga lokal na pamahalaan na malutas ang mga problema nila sa badyet. Sa hindi ko pagpatol sa mga makapartidistang pagtatalo at sa pakikipagtulungan ko sa Democrats at sa Republicans upang makakita ng mga bagong solusyon, muli nating maisusulong ang California. Sa inyong patuloy na suporta, dadalahin ko ang isang bagong pamumuno upang makalikha ng mga lokal na trabaho, putulin ang pag-aaksaya sa gobyerno, ipaglaban ang abot-kayang mas mataas na edukasyon, at pagsamahin ang pribado at pampublikong sektor upang palawakin ang mga oportunidad sa pagsasanay sa trabaho. Mangyari pong samahan ang mga nars, bumbero, guro, pulis, mga environmentalist, mga may-ari ng maliliit na negosyo at mga nagtatrabahong pamilya sa pagbabalik kay Bob Wieckowski sa Asembliya ng Estado. www.BobWieckowski.com.

    ARLYNE DIAMOND Trabaho: May-ari ng Negosyo/Propesora Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Ang pinakamahusay na edukasyon sa bansa, na sinamahan ng kasiyahan at pagkamalikhain sa negosyong angat sa teknolohiya, ang mga dahilan kung kaya't ang California ang pinakakasiya-siyang tirahang lugar sa buong mundo. Nakatira na ako sa Silicon Valley simula pa noong 60s at nakita ko nang lumago ang kalidad ng ating buhayat ngayon, hindi ako maaaring tumayo lamang sa isang tabi at tingnan ang pagbagsak ng ating kapalaran. Wala nang mga trabaho. Bumagsak na ang kalidad ng edukasyong K-12. Kailangan natin ang pinakamahusay na pamumuno upang tayo ay tulunganat ang Californiana sumulong. Bilang isang may-ari ng maliit na negosyo at management consultant mula pa noong 1981, nagtrabaho ako sa mga pribado at publikong organisasyon upang matulungan ang mga tao na makapagtrabaho nang mas epektibo kasama ang isat isa. Bilang isang propesor sa unibersidad na nagtuturo ng mga kursong pang-MBA, ipinakita ko sa mga mag-aaral kung paanong ilalabas ang kanilang sariling kahusayan at sa ibang tao. Bilang isang residente na aktibo sa maraming lupon ng komunidad at mga komisyon, nagtatrabaho ako upang ang ating komunidad ay gawing isang mas maayos at mas malayang lugar para sa lahat. Bilang inyong Assemblywoman, lalabanan ko ang walang katuturang mga regulasyon at burukrasya upang bumalik ang mga trabaho sa California. Pangungunahan ko ang pagkilos upang ang karamihan ng pera natin mula sa buwis ay magastos sa silid-aralan at hindi sa administrasyong lumolobo na ang gastos, at magsusumikap ako upang makapagtakda at makapagpanatili ng mga pamantayan para sa kahusayan sa pagtuturo. Ang malawak kong karanasan bilang isang babaeng negosyante, Ph.D. at akademika ay magbibigay sa akin ng kakayahang maipakita na ang inobasyon at limitadong pamahalaan ay makakatulong upang ibalik ang kayamanan ng California. Sa inyong tulong, muli ay maaari tayong maging isang malayang bansa at oportunidad para sa lahat Hinihingi ko po ang inyong boto sa Asembliya, Distrito 25.

  • Mga Pahayag ng mga KandidatoOHLONE COMMUNITY COLLEGE DISTRICT

    Katiwala, Lugar 2

    TERESA COXTrabaho: Katiwala ng Ohlone Community College DistrictAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Apat na taon na ang nakakaraan, inihalal ako upang maging kinatawan ninyo sa Namamahalang Lupon ng Ohlone Community College District. Tinupad ko ang mga pangako ko bilang inyong katiwala. Simple lamang ang naging layunin ko: magpatakbo ng world-class na sistema ng kolehiyo sa komunidad na nagbibigay ng akses sa edukasyon, pagsasanay at teknolohiyang kailangan ng mga mag-aaral upang magtagumpay sa trabaho at mga karera ng 21st century. Nagsumikap ako na matulungan ang Ohlone na tumayo sa panahon ng pinakamatinding krisis sa badyet ng Estado sa mga nakalipas na dekada. Ang ating Lupon ay may balanseng badyet, nakaiwas sa pagkawala ng akreditasyon, nakapagdagdag sa dami ng mga mag-aaral na lumipat sa mga kolehiyo at unibersidad na may apat na taon, nagpasa ng $349 na milyong panukalang bono upang isamoderno ang mga nalulumang pasilidad, at gumawa ng mga programa upang sanayin ang mga mag-aaral sa mga green job. Ang pagkatanggap ko ng kalidad na edukasyon ay nakatulong sa akin na makamit ang tagumpay sa trabaho at sa buhay. Ako ang unang Aprikano-Amerikanong babae sa bansa na umani ng degree sa nuclear engineering. Ako ay matagumpay na nagtransisyon mula sa pagiging inhinyero patungo sa isang maunlad na karera sa negosyo. Ako ang kasalukuyang tagapagpaganap para sa internasyunal na estratehiya ng isang pangunahing cloud computing na kompanya, at dati akong Tagapangulo ng Komisyon para sa Pag-unlad ng Ekonomiya para sa Lunsod ng Fremont. Marami pang trabahong gagawin Ako ay masigasig na magpatuloy. Lubos ko pong ikalulugod ang inyong boto. Salamat po. www.electteresacox.com

    KEVIN BRISTOW Trabaho: Pang-akademikong Tagapayo ng Unibersidad at Tagapangasiwa ng Programa, Tagataguyod ng Foster YouthAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Sa paglaki ko sa foster care at nang makakuha ng masters degree, nalaman ko kung papaano nakakapagpabago ng buhay ang may mataas na pinag-aralan. Tumatakbo ako para sa Lupon ng Ohlone College upang makatiyak na magkakaroon ng akses sa abot-kaya, de-kalidad na edukasyon para sa ating komunidad; at upang matulungan ang mga pinakamahinang estudyante na makamit ang kanilang mga pangarap. Naiintindihan ko ang mga paghamon na hinaharap ng mga estudyante ngayon. Sa nakalipas na 15 taon, ako'y nagtrabaho bilang isang pang-akademikong tagapayo at tagapangasiwa ng programa sa California State University, at nakatulong sa mga kabataan na galing sa foster care na magkaroon ng mataas na edukasyon. Ang natatanging pananaw at damdaming ito ang magbibigay-daan sa akin upang epektibong mapaglingkuran ko ang mga mag-aaral, guro, at kawani ng Ohlone College. Naniniwala ako na ang kinabukasan ng ating ekonomiya ay nakasalalay sa matibay na pamumuhunan sa edukasyon. Ang mga mag-aaral ngayon ang bumubuo sa kinabukasan ng puwersa ng manggagawa, na nangangahulugan na kailangan nating magbigay ng mga klase at pagsasanay na maghahanda sa kanila sa mga trabahong mataas ang kita sa hinaharap. Kailangan din natin matiyak na ang Distrito ng Ohlone ay may pananagutang piskal, at ginagamit ng tama ang mga kayamanan nito, upang mas mapaglingkuran ang ating mga estudyante. Iyon ang aking magiging pangunahing priyoridad. Mayroon akong mga kasanayan at karanasan na kinakailangan upang magsilbi bilang isang Katiwala ng Ohlone College. Salamat sa inyong boto sa ika-6 ng Nobyembre. www.BRISTOW4OHLONE.com

    GREG BONACCORSI Trabaho: Guro ng Agham-Matematika/NanunungkulanAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Ang mga pagbabawas sa badyet ng estado at ang bumabagsak na ekonomiya ay nagbabantang magpahina sa Ohlone College. Bilang isang Miyembro ng Lupon, naging listo ako sa pagtiyak na ang ating kolehiyo ng komunidad ay makapagpatuloy ng isang komprehensibong programa sa panahong ito na walang kasiguruhan. Ang ating ekonomiya ay hindi uunlad nang walang matibay na sistema ng pampublikong edukasyon na mayroong matatag na kolehiyo ng komunidad. Ang mga kolehiyo ng komunidad ay isang mahalagang pang-ugnay sa sistema ng pampublikong edukasyon. Ito ang nagsisilbing tanging akses sa kolehiyo para sa maraming mga mag-aaral sa ating komunidad. Nagbibigay din ito ng pagsasanay sa trabaho para sa mga estudyante na magtatapos ng high-school at para sa mga papasok muli sa kolehiyo na may edad na o naghahanap ng bagong trabaho. Bilang isang matagal nang guro sa Fremont at produkto ng ating mga pampublikong paaralan, patuloy na maririning ang aking malakas na tinig sa Lupon ng Ohlone. Ang mga magiging pokus ko ay ang: (1) Bantayan ang pagsasagawa ng mga proyekto ng pagtatayo upang maitaas ang kapasidad ng ating kolehiyo at maging daan sa mataas na edukasyon at karera/bokasyonal na pagsasanay, (2) Magpanatili ng mga de-kalidad na mga programang pang-edukasyon at mga serbisyo sa mga mag-aaral habang binabalanse ang badyet; at (3) Bumuo ng pakikipagtulungan sa mga mag-aaral, mga instruktor, administrasyon at negosyo upang maging responsable sa piskalya at may pananagutan ang Ohlone. Umaasa ako na maging bahagi sa kinabukasan ng Ohlone Community College District. Buong galang ko pong hinihingi ang inyong boto.

    BOB BRUNTON Trabaho: Sertipikadong Tagaplano ng PananalapiAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Dalawang pangunahing layunin ang ipinangako ko sa aking sarili: Paunlarin ang kalidad ng edukasyon sa Ohlone at maglagay ng lupon ng katiwala na mas madaling malalapitan, responsable at may pananagutan sa ating mga mamamayan at mga estudyante. Isusulong ko ang mga patakaran sa lupon na nagtatakda ng mataas na pamantayan piskal na maayos at maaasahan, na gumagastos sa abot lamang ng kanyang kakayanan, at naghahanda para sa hinaharap. Hihikayatin ko ang pag-aayos ng mga kontrata sa paggawa, na nagbibigay-daan para sa kakayahang umangkop at may pananagutan upang matugunan ang pangangailangang pang-edukasyon ng mga estudyante ngayon at sa hinaharap. Maghahanap ako ng mga paraan upang epektibong makipag-ugnayan sa pagitan ng ating mga estudyante sa kolehiyo at komunidad. Bilang isang matagal nang mamamayan ng Fremont, batid ko ang mahalagang papel ng Ohlone College sa ating komunidad. Gagamitin ko ang aking karanasan bilang isang dating katiwala, magulang ng mga dating estudyante, may-ari ng lokal na negosyo, at sertipikadong tagaplano ng pananalapi upang matiyak na ang Ohlone ay magiging handa sa pagbibigay ng abot-kaya, makabuluhan at de-kalidad na edukasyon at pagsasanay sa ating mga estudaynte at mga lokal na nag-eempleyo. Hinihingi ko po ang inyong boto Robert (Bob) Brunton

    OCC2-1

  • PCC2-1

    Mga Pahayag ng mga Kandidato PERALTA COMMUNITY COLLEGE DISTRICT

    Katiwala, Lugar 2

    JURENA L. STORM Trabaho: Miyembro, Lupon ng mga Gobernador ng Estado para sa Kolehiyo ng Komunidad ng CaliforniaAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Mayroon akong karanasan at kaalaman sa kung paano agad na magtatrabaho sa aking unang araw bilang isang inihalal na miyembro ng Lupon ng mga Katiwala ng Distrito ng Peralta Community College. Noong 2010-2011, nanungkulan ako bilang isa sa dalawang mga Katiwalang Estudyante sa Lupon ng PCCD at kasalukuyang nanunungkulan bilang isang itinalaga ng gobernador sa Lupon ng mga Gobernador ng Kolehiyo ng Komunidad ng California. Ang aking karanasan bilang isang kalahok sa pamamahala ng Kolehiyo ng Komunidad at paglikha ng mga patakaran ang nagkwalipika sa akin na magbigay ng matuguning pamumuno sa lupon. Bilang isang katiwala, ako ay: Aako ng kailangang uri ng pidusyaryong responsibilidad upang matiyak na ang Distrito ay nananatiling nakapaloob sa badyet. Magbibigay ng pamumunong may sinusunod na patakaran para sa edukasyon upang matiyak na ang mga mag-aaral ngayon at sa hinaharap ay tumatanggap ng makabuluhang turo at mga serbisyong sumusuporta sa mag-aaral na kinakailangan upang makamit ang tagumpay. Magsusumikap kasama ng Kanselor upang palawakin ang short list ng lupon upang isama ang mas kwalipikadong mga firm/ kumpanya na matatagpuan sa loob ng mga lunsod na bumubuo ng Distrito ng Peralta; at magtataguyod ng patakaran sa pangangalap na magbibigay ng kahalagahan sa pagkuha ng kwalipikadong mga instruksyunal at nauring tauhan at kawaning pinag-uri-uri na nakatira sa distrito at/o nagtapos mula sa isa sa mga kolehiyo na matatagpuan sa loob ng Distrito. Ikararangal kong makuha ang inyong boto. Inindoso nina: Mga Katiwala ng Peralta, na sina Guillen, Withrow, Gulassa, Yuen.

    MEREDITH BROWN Trabaho: AbugadoAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Nanirahan ako sa Lugar 2 sa loob ng mahigit sa 15 na taon, may dalawang anak at naging isang aktibong miyembro ng lupon ng mahigit sa 10 taon sa mga pambansa at lokal na organisasyong di-nagtutubo na tumatarget sa karunungang bumasa't-sumulat ng kabataan, sa palakasan para sa mga kabataan, mga iskolarship sa kolehiyo para sa mga estudyanteng may kakayahan pero kapos sa pera, at naging isang coach ng soccer ng kabataan. Ako ay nagtapos sa Cornell University at Boston University School of Law at nakapagtraho na kasama ang mga pampublikong entidad, nagsagawa ng mga pampublikong pagdinig at nagpanatili ng pagsunod sa batas at kalinawan sa pamahalaan. Nagtatag ako ng isang lokal na pagsasanay ng batas na nakatuon sa Edukasyon, Konstruksyon, at Trabaho at Empleo; mga larangang naghanda sa akin nang mabuti para sa Lupon ng Peralta. Nakapag-ayos ako ng mga kasunduan sa pampublikong ahensiya, naghanda ng mga pang-lehislatibong ulat at mga resolusyon at nagbalangkas ng isang Manwal sa Pagtatamo o Procurement Manual para sa mga pampublikong ahensiya na pinagtibay ng isang ahensiyang nangangasiwa sa piskalya bilang isang positibong kagamitan upang makatipid sa mga gastos at upang mapanatili ang responsibilidad sa piskalya taun-taon. Humaharap ang Peralta sa hamon na makapaglingkod sa mas marami kaysa sa binabayaran ng estado na mga mag-aaral at magkakaloob ako ng pamumunong may paninindigan upang makakita ng mga malilikhaing paraan upang ganap silang mapaglingkuran na gumagamit ng mas kaunti. Bilang isang Katiwala, ang aking mga priyoridad ay ang de-kalidad na turo, suporta sa mag-aaral, pangako para sa mga lokal na negosyo, pagkakapantay-pantay sa trabaho at gawing isang premyadong Distrito ng Kolehiyo ng Komunidad ang Peralta, sa kabila ng pagbaba ng pondo at iba pang mga hamon.

    TYRIENE AMEYTrabaho: May-ari ng isang Maliit na Negosyo sa isang Management Consulting Firm, Tagasanay ng Highschool Putbol, Humahaliling Guro, isang asawa at ama.Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Higit sa 15 taong pagsasanay at karanasan ang aking dadalhin sa lupon ng mga katiwala ng Peralta Community College. Ako ay may malalim na interes sa edukasyon at nais kong magsumikap nang husto upang gawing bukas para sa lahat ang edukasyon; nang ang lahat ng nais magkaroon ng edukasyon ay magkakaroon ng edukasyon. Nagtapos ako sa United States Military Academy sa West Point, isang opisyal na kinomisyon ng Pangulo ng Estados Unidos, at isang may kapinsanang beterano na may pinag-aralan, may kritikal na pag-iisip at kakayahang lumutas ng mga problema na kinakailangan bilang isang katiwala. Nangangako akong gagamitin ang aking kasanayan sa pangangasiwa ng proyekto, ang aking pinag-aralan, at ang aking karanasan sa pribadong sektor upang makapagbigay ng kinakailangang pangangasiwa at may kaalamang pananaw sa mga desisyon kung paano natin gagastusin ang ating mga dolyar mula sa buwis habang tayo'y kumikilos upang gawin na ang mga kolehiyo sa ating komunidad ay maging mas madaling magamit sa ating kapaligirang pabilis nang pabilis ang pagsulong. Naniniwala ako na ang mga pakikipagtulungan sa lokal na komunidad ng negosyo ay hindi lamang dapat na humantong sa pagkakaroon ng mas maraming mga mapagkukunan para sa mga mag-aaral, kundi makapagbigay rin ng mga kapaki-pakinabang na trabaho at mga oportunidad para sa mga estudyante ng medisina na residente sa ospital.

    RANDY REYNALDO MENJIVAR Trabaho: May-ari ng isang Maliit na NegosyoAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Ako ay lumaki sa patag na bahagi ng Oakland. Nakinabang ako sa pagbubunsod at etika sa trabaho ng aking mga magulang. Nagkamit ako ng digring batsilyer o Bachelor's Degree mula sa Saint Marys College. Kumuha din ako ng mga klase sa Laney at Merritt Colleges, kung kaya naman ako pamilyar sa Distrito ng Peralta, pareho bilang isang estudyante at bilang isang miyembro ng komunidad. Ang pagbabawas ng estado sa pagpopondo ay humantong sa pagtatanggal ng daan-daang seksyon ng mga klase, oras ng pagpapayo, at iba pang mga serbisyo para sa mga estudyante sa Distrito ng Peralta. Noong Hunyo 2012, inaprubahan ng mga botante ang Panukala B na buwis sa parsela na siyang dahilan ng $8 milyon na bagong kita sa buwis bawat taon sa loob ng 8 taon. Kung mahahalal, aktibong pagtatrabahuhan ko ang mga pondo ng Panukala B upang maibalik ang mga trabahong pang full-time at part-time, upang ang Distrito ay muling makapagbigay ng de-kalidad na edukasyon para sa mga bata at mas nakatatandang may sapat na gulang. Akin ring bibigyang-diin ang reporma sa badyet at makikipagtulungan sa iba pang mga Katiwala ng Peralta upang magkaroon ng kalinawan sa badyet ng Peralta. Pangangasiwaan ko ang pondo sa Panukala B ito upang tiyakin ang responsableng paggamit nito. Bibigyang-diin ko ang mga pagsisikap upang para sa pagiging matatag ng distrito. Madali akong malalapitan ng mga estudyante, mga empleyado, at mga miyembro ng komunidad, at ibabalik kong muli ang komunidad sa ating mga kolehiyo ng komunidad."

  • ALSC-1

    Mga Pahayag ng mga KandidatoALAMEDA UNIFIED SCHOOL DISTRICT

    Mga Miyembro ng Namamahalang Lupon

    TRISH SPENCERTrabaho: Magulang, Abugado, Boluntaryo sa Komunidad at Tagapagtaguyod ng mga Bata, kasalukuyang naglilingkod bilang Miyembro ng Lupon ng Alameda Unified School DistrictAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: B.A., U.C. Berkeley (Sociology); J.D., Western State University. Abugado. California School Board Associations Masters in Governance. Co-chair ng Alameda Collaborative for Children, Youth and Families, na naglilingkod sa 35+ na mga organisasyon. Dating Presidente ng Konseho ng PTA, nangangasiwa ng lahat ng AUSD PTA, at Kahaliling Guro sa halos lahat ng paaralan ng AUSD. Ang pokus ko ay sa paglikha ng isang kapaligiran kung saan ang bawat bata ay may oportunidad na magtagumpay. Mangangailangan ito ng mas maliliit na klase, mayamang kurikulum, at mga magkakaibang elective, advanced placement, career-technical, at bokasyonal na mga kurso. Sinusuportahan ko ng may pananagutang piskal ang magkasamang paggamit ng panglibangan na mga pasilidad: mga sprotsfield, mga pool, at mga parke. Malakas kong sinusuportahan ang edukasyong lumalaban sa pananakot sa lahat (may kakaibang kakayahan/may mga espesyal na pangangailangan, mga etnisidad, kasarian, LGBTQ, lahi, relihiyon) upang matiyak ang isang ligtas na kapaligiran para matuto. Mahalaga ang pananagutang piskal upang matiyak na ang bawat dolyar ay mahusay na ginastos at kung saan ang mga mag-aaral ang unang nakikinabang. Kaya bumoto ako laban sa isang makabuluhang dagdag sa sahod para sa Superintendente, pagpapaupa ng mga bagong opisinang pang-administratibo, at pangongontrata ng mga hindi kailangang Tagapayo.May karanasan ako na mangasiwa sa panahon kung kailan naghihirap ang ekonomiya, at hindi tulad ng iba pang mga miyembro ng Lupon, sinuportahan ko ang pampublikong pagsisiwalat ng mga gastos ng AUSD. Isa akong pinuno na may dedikasyon, maawain, at nakatuon sa bawat detalye. Magkakasama, mahaharap natin ang kalidad ng edukasyon, pagkakapantay-pantay, at ang mga hamon ng piskalya, habang nagsisilbing kinatawan para sa mga nagkakaiba-ibang interes. Ikararangal kong makuha ang inyong boto. www.votetrish.com

    NIELSEN TAMTrabaho: NanunungkulanAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Bilang isang guro at punong-guro (39 taon) sa Alameda Unified School District, magulang/lolo, at kasalukuyang Miyembro ng Lupon ng Paaralan, labis akong nasangkot sa kahusayan sa edukasyon sa loob ng AUSD sa loob nang 43 taon. Ang mahaba kong karanasan at makasaysayang perspektibo sa loob ng AUSD ay nagbigay sa akin ng karunungan, pagsasanay at paninindigan na kailangan upang pamunuan ang ating distrito sa kritikal na panahong ito. Dala ko ang karanasan ko sa pagtuturo sa elementarya at middle school at ang sa pamamahala sa masalimuot na paggawa ng desisyon. Patuloy kong igagalang, bibigyang-halaga at hihikayatin ang pagsali at kontribusyon ng mga magulang ng Alameda, mga mag-aaral at komunidad. Bilang pagbabalik sa aking komunidad, isa akong Miyembro ng Lupon ng Alameda Food Bank, Girls, Inc. at Alameda Point Collaborative. Naglilingkod ako sa mga Board ng Alameda Family Services, Alameda Community Fund, at sa Alameda Multicultural Center. Nasa Advisory Board of the Boys and Girls Club din ako, sa Commission on Disabilities, at Co-Chair para sa Alameda Youth Collaborative. Tinanggap ko ang Alameda Red Cross Award for Community Service at ang San Francisco Koshland Civic Unity Award. Sa mga tungkulin ko sa serbisyo, nagtatag ako ng isang pakikipagtuwangan sa AUSD, sa Lunsod, sa mga negosyo at sa komunidad. Ipinapangako ko sa inyo ang aking tuloy-tuloy na dedikasyon, at hinihingi ko pa ang inyong suporta.

    BARBARA KAHN Trabaho: Retiradong Manggagawang PanlipunanAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Pagkatapos nang halos 50 taong pagiging aktibo sa Alameda PTA at sa Childrens Defense Fund, nagdesisyon akong tumakbo sa Lupon ng Paaralan ng Alameda. Nasangkot na ako sa at nakita ko na ang distrito na ito mula pa noong 1970. Nagturo sa Alameda ang anak kong babae sa loob nang 20 taon. Nakakalungkot na makita na ang pokus ay lumipat mula sa pangangailangan ng mga bata papunta sa mga gusto ng mga matatanda. Tumatakbo ako sapagkat naniniwala ako na dapat na marinig ang isang tinig na sumusuporta sa mga bata. Bumoto kami sa buwis sa parsela sapagkat naniniwala kami na ang ating mga anak at mga guro ay kailangang gawin ito. Naglingkod ako sa Komite ng Panukala A oversight. Itinaas ng Lupon ang sahod ng mga superintendente pero tinanggihan ang pagtaas ng sahod ng guro. Inililipat ng lupon ang opisina ng distrito at umupa ng isang gusali sa halagang kalahating milyong dolyar taon-taon. May mga alternatibo, hindi nga lamang ganoon kaginhawa para sa mga matatanda. Kailangang gamitin natin ang ating limitadong napagkukunan sa mga silid-aralan kung saan talaga dapat ginagastos ang mga ito. Makikipagkolaborasyon ako sa mga guro, magulang, administrador at iba pang mga empleyado ng paaralan upang isulong ang pamumuhunan sa mga mas magagandang kapaligiran kung saan matututo at sa pagkakaroon ng magandang kondisyon sa trabaho, at gagamitin ko ang aking tinig upang i-pokus muli ang ating administrasyon sa kung ano ang talagang mas mahalaga,ang ating mga anak, ang pagtuturo at ang pagkakatuto. Hinihingi ko po ang inyong boto.

    ROBERT W. MANNTrabaho: Magulang/AbugadoAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: PhD, Genetics - UC Berkeley JD - UCLA School of Law, hinihingi ko po ang inyong boto para sa Lupon ng Paaralan ng AUSD upang mapanatiling mahuhusay ang mga paaralan ng Alameda. Isa akong katutubo ng East Bay, produkto ng pampublikong paaralan sa California, at magulang ng isang mag-aaral ng AUSD. Ang aking ama ay isang gurong pampubliko sa East Bay. Ang isang de-kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral ng Alameda ay nakasalalay sa paghihimok at pagpapanatili ng mga de-kalidad na guro. Gusto kong maipakita sa mga desisyon ng Lupon sa badyet ang priyoridad na ito. Higit pa sa pagkakaroon ng mga bukas na pagpupulong, gusto kong maging maagap na manghingi ng mga opinyon sa mga magulang at guro sa paggawa ng mga desisyon ng Lupon, at gawing mas matugunin ang Lupon sa mga pangangailangan ng komunidad. Bagamat nananatiling walang katiyakan ang pagpopondo ng paaralan sa hinaharap, gagawin ko ang sukdulan kong magagawa upang panatilihin ang isang de-kalidad na edukasyon para sa lahat ng mag-aaral, matatalino man o may mga espesyal na pangangailangan. Bagamat pagsusumikapan ko na pataasin ang mga score sa mga test at ang dami ng mga nagtatapos, hindi ko gustong lumihis ang mga programang pagpapayaman. Naniniwala ako na trabaho ng Lupon na pagyamanin ang isang kapaligiran sa edukasyon kung saan ang mga mag-aaral ang siyang nagtatagumpay, hindi lamang nakakagawa ng mga score sa test na tamang-tama. Samahan po ninyo ako na gawing pinakamagandang bahagi ng Alameda ang mga paaralan ng Alameda.

  • ALSC-2

    Mga Pahayag ng mga KandidatoALAMEDA UNIFIED SCHOOL DISTRICT

    Mga Miyembro ng Namamahalang Lupon

    RON MOONEYTrabaho: Magulang, Tagapagtaguyod ng Edukasyon, Pinuno ng PTA, Negosyante, NanunungkulanAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Bilang isang magulang ng dalawang bata na pumapasok sa pampublikong paaralan sa Alameda (elementarya at haiskul) at isang ikatlo sa kolehiyo, may damdamin ako para sa pampublikong edukasyon. Kailangang ibigay ng Alameda Unified School District ang pinakamahusay para sa ating mga anak, suportahan ang ating mga dedikadong guro at kawani at lumikha ng mga magtatapos na handa para sa kolehiyo o trabaho. Sa kabila ng mga paghihigpit sa badyet, kailangang lalo pa nating itulak ang ating mga paaralan upang makapagbigay ng mas magagandang pagpipilian ng mga magulang, abutin ang mga mas matataas na pamantayan, at mapabuti ang aming mga lugar. Bilang Presidente, nakiisa ako sa aking mga kasamahan upang makalikha ng isang Master Plan na ganoon nga ang magagawa, at upang matiyak na ang Panukala A at lahat ng pera ay ginastos nang mahusay at nang naaangkop. Patuloy kong aabutin ang kahusayan, itatanong ang mahihirap na tanong at hihingin ang kumpleto at malinaw na sagot. Napatunayan na ang trak rekord ko at karanasan sa pagsuporta sa edukasyon. Nakamit ko ang National Lifetime Achievement Award sa loob nang higit pa sa 12 taon sa mga PTA, at nagtrabaho ako kasama ang mga non-profit tulad ng AEF. Dagdag pa rito, ang karanasan ko sa AUSD at sa negosyo ay nagbigay sa akin ng isang kakaibang perspektibo sa pamumuno, pati sa muling pagdidisenyo ng ating paaralan na may pananagutan, epektibo at episyente sa mga susunod pang taon at dekada. Para sa pamumuno sa komunidad na may dedikasyon, pagmamahal at karanasan, hinihingi ko ang inyong boto, Ron Mooney.

    MICHAEL ROBLES-WONGTrabaho: Retiradong Tagapamahala ng NegosyoEdad: 62Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Naninirahan ako sa Alameda nang 25 taon. Ang panganay naming anak na babae ay isang alumni ng Hornet at ang kapatid niyang babae ay isang Jet via Nea Charter. Namuno ako sa komunidad nitong mga nakaraang panahon kasama na ang pagiging: Civil Service Chairperson; Presidente ng Komunidad ng Harbor Bay Isle; Campaign Chair ng Panukala A; at bilang ama ng lead plaintiff sa habla laban sa estado dahil sa pagkabigong mapondohan nang wasto ang mga pampublikong paaralan. Sa loob nang 33-taong career kung saan nagtrabaho ako sa ilang lokal na ahensiyang pampubliko, kasama sa mga naging reponsibilidad ko ang pangangasiwa ng pera at badyet, tagapagpaganap sa paghikayat, at mga ugnayan sa paggawa. Kung mahahalal, magsusumikap ako, magpo-pokus sa pagbabagong pro-active, at mamumuno upang pagyamanin ang konsensus sa pagitan ng mga guro, administrador, magulang, mag-aaral, at ang buong komunidad. Ang kontrata ng Superintendente at ang mabilis na pagkaluma ng mga paaralan sa kapitbahayan ay mga makabuluhang isyung kokomprontahin ng bagong Lupon. Kung naniniwala kayo sa pinaniniwalaan ko na kailangan ang isang may katwirang pag-aalinlangan at napatunayang kakayahang mamuno sa komunidad, iboto po ninyo ako. Salamat po.

    JON MURPHYTrabaho: Tagapagturo, Ed.D., Residente ng AlamedaAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Iboto po ninyo ako sa Nobyembre 6, 2012. Ako ay excited para sa mga mag-aaral na makamit ang kanilang pinakamataas na potensyal sa isang distrito kung saan ang mga magulang, guro at kawani ay nakikipagkolaborasyon upang mangyari ito. Ang pananaw ko para sa Alameda School District ay mapabuti: a) ang team building, b) mapaunland ang mga kawani, c) kamalayan sa teknolohiya at mga mapagkukunan at d) pananagutan/kalinawan ng administrasyon sa lahat ng antas. Ito ang mga pokus ng ika-21 na siglo sa edukasyon ng ating mga kabataan sa sistema ng pampublikong paaralan. Lumalapit po ako sa inyo bilang isang pinunong di-partidista na naglalayong isulong ang sining ng pagtuturo sa ating mga paaralan kung saan yinayakap ang isang panghabang-buhay na pagkatuto para sa ating hinaharap. Pabibilisin ko ang mga napagdesisyunang aksyon para sa mga pagpapabuti, lalong-lalo na kung saan kailangan sa apat na larangang ito. Ang kaalaman ko at karanasan bilang isang Senador ng Academic Senate Committee, bilang isang Direktor ng Programa sa isang CA State School, at bilang isang Co-Chair ng kanilang Komite ng Badyet ang naghanda sa akin para sa sunod na hakbang na ito, upang maglingkod bilang kinatawan ng inyong lupon ng paaralan.

    TOM LYNCHTrabaho: Magulang, NegosyanteAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Nararapat lamang na maitulad ang Alameda sa pinakamagagaling na mga Distrito ng Paaralan sa Bay Area Palo Alto, Cupertino, Piedmont at iyan ang dahilan kung bakit tumatakbo ako sa Lupon ng Paaralan. Ang mga priyoridad ko ay naka-pokus sa 1) kalidad ng edukasyon, 2) pagkakapantay-pantay ng edukasyon para sa lahat ng mag-aaral sa buong Lunsod natin, 3) aktibong suporta para sa ating mga guro, 4) pananagutang piskal ng Distrito, at 5) paghihikayat ng partisipasyon ng magulang sa edukasyon ng kanilang anak. Intensyon ko na harapin ang mga pangunahing hamon na haharapin ng Distrito sa loob nang susunod na apat na taon kabilang na ang: muling pagtatayo ng ating mga paaralan, kung saan ang ilan ay halos 100 taon na, pababain ang mga gastos natin sa operasyon, dagdagan ang kita at itaas ang sahod ng ating mga guro sa average na sahod na kinikita ng mga guro sa buong Alameda. Tutulong ako sa pagsusulong sa pagkuha ng maaasahang pondo para sa paaralan mula sa Estado, pagpapatibay ng Governor Browns weighted student funding, kahandaan ng Distrito sa bagong SMARTER Balanced Assessment Testing Consortium ng Estado, at sa kalusugan at kaligtasan ng mga bata. Ang 30 taon ko ng pamamahala, pagbebenta, at pag-iinhinyero ng sistema sa high tech na industriya, kasama ng malawak na kaalaman sa Estado at Lokal na pagpopondo, pagsunod sa State FPPC, dadgag pa ang malawak na pagboboluntaryo kong trabaho sa Alameda ang mga katangiang nagkakwalipika sa akin upang makapagdala ng pagbabago sa mga paaralan ng Alameda.

  • ALSC-3

    Mga Pahayag ng mga KandidatoALAMEDA UNIFIED SCHOOL DISTRICT

    Mga Miyembro ng Namamahalang Lupon

    KURT PETERSONTrabaho: NegosyanteEdad: 58Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Kung pagod na kayo sa katitingin sa mga tagapangasiwa ng Distrito ng Paaralan na pataas nang pataas ang sahod at lipat nang lipat sa mga bagong mamahaling pasilidad para gawin nilang opisina habang ang mga mag-aaral at guro ay nagtitiyaga sa mga pasilidad na walang mga pangunahing pangangailangan, ako ang inyong kandidato para sa Miyembro ng Lupon ng Alameda Unified School District. Ako ay naging isa nang matagumpay na lokal na negosyante sa loob nang 35 taon at may kaalaman kung paanong pagkakasyahin ang isang mahigpit na badyet. Naglingkod na ako sa Alameda Point Restoration Advisory Board at sa Alameda Open Government Commission. Ang dalawa kong anak na lalaki ay pumasok sa mga paaralan ng Alameda para sa kanilang edukasyong K-12 bago nagtapos ng degree nila mula sa UCLA at San Francisco State. Nalulungkot ako na makita ang mga binago sa mga patakaran sa distrito ng paaralan kung saan sila ay pumasok. Naniniwala ako sa mga patas at bukas na negosasyon sa lahat ng mga kontrata ng paaralan sa distrito. Wala nang iba pang mas mahalaga sa ating lipunan kaysa ang ihanda ang ating mga kabataan para sa isang mapanghamong kinabukasan na may isang matatag na edukasyon. Bilang residente ng magandang lunsod na ito, may karapatan kayo na malaman kung saan pumupunta ang mga dolyar na pinaghirapan ninyong kitain. Sa lahat ng mga nakaraang pagbabawas sa State Funding para sa mga paaralan, kailangang ibalik sa ating kabataan ang lahat ng nararapat na ibalik ng bawat dolyar. Upang maisakatuparan ito, nagpapakumbaba ko pong hinihingi ang inyong suporta at boto.

  • CVSC-1

    Mga Pahayag ng mga KandidatoCASTRO VALLEY UNIFIED SCHOOL DISTRICT

    Mga Miyembro ng Namamahalang Lupon

    KUNIO OKUITrabaho: TagapagtuosAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: CSUN (Northridge), BS sa Business Administration, Masters of Governance and Masters of Boardsmanship mula sa California School Boards Association. Ang kasaysayan ko bilang isang tagapagtuos/tagapagplano ng pananalapi ay nagbigay sa akin ng kakayahan na matulungan ang distrito ng paaralan sa pagpapanatili ng isang matatag na posisyon sa pananalapi. Sa pamamagitan ng masinop na pamamahala ng pananalapi, nagkaroon ang Distrito ng kakayahan na makapagpanatili ng isang programang pang-akademika na dapat tularan na may napakaliit na pagbawas sa badyet. Sa panahon ng aking panunungkulan, nagkaroon ng tatlong halalan para sa bono ang komunidad na pumasa at nagpondo sa istadyum ng haiskul at ng gusaling pang-agham, ang Sentro para sa mga Sining, gym ng Creekside Middle School, mga sentro ng agham sa elementarya at mga pagpapabagong pangseguridad at pang lindol. Naniniwala ako sa kinabukasan ng ating mga anak at sa kanilang hangarin na maging mahusay sa akademika. Ang mga iskor ng mga paaralan sa mga pamantayang pagsusuri ay kasama sa mga pinakamatataas sa county. Mahigit sa 80% ng ating mga paaralan ang napili bilang isa sa mga Kilalang Paaralan sa California. Ako ay residente ng Castro Valley mula pa noong 1975. Ang tatlo naming anak ay nagtapos ng pag-aaral sa Castro Valley High School. Dalawa sa aking mga apo ang pumasok sa Castro Valley Elementary School. Magpapatuloy akong maging mas masigasig at tumutugon sa mga pangangailangan at mga alalahanin ng ating komunidad. Upang matiyak ang patuloy na mataas na kalidad ng edukasyon para sa ating mga anak, iboto po ninyo ang isang may karanasan na at isang kasalukuyang nanunungkulan na matalino sa pananalapi.

    JOHN J BARBIERITrabaho: Miyembro ng Namamahalang Lupon ng Castro Valley Unified School DistrictAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Hinihingi ko po ang inyong suporta, pag-indorso at, pinakamahalaga sa lahat, ang inyong boto sa ika-6 ng Nobyembre. Sa pagkakaroon ng maraming taong karanasan sa negosyo at ilang taon bilang Miyembro ng Lupon at Komisyonado ng mga Nagtatrabaho na sangkot sa ibinabahaging pagdedesisyon, naging kwalipikado akong makapagbigay ng matuguning pamumuno. Malinaw sa publiko ang lupon tungkol sa mga natamo nito sa larangan ng akademika at sa katatagan ng pananalapi. Kinikilala ang distrito sa buong distrito ng mga paaralan sa California dahil sa kahusayan nito sa piskal na pamamahala batay sa pananaw nito para sa kahusayan sa edukasyon at pagiging responsable. Bilang inyong miyembro ng lupon, magpapatuloy akong magsumikap nang husto at makipagtulungan sa mga magulang, guro at kawani upang matiyak na ang makakamit o ang mararating ng estudyante ay mananatiling pinakamataas nating priyoridad. Patuloy akong makikinig at maghihimok ng mga magagandang ideya upang mapahusay ang edukasyon para sa ating mga anak. Hindi ko kayo isasawalang-bahala. Ang pagpapatuloy na pagbawas sa badyet ng estado para sa mga paaralan ay sumisindak sa akin. Kailangan natin suportahan ang estado ng mas magandang pagpopondo para sa edukasyon. Nangangako ako na magiging tapat sa publiko tungkol sa pananalapi ng distrito. Humahawak ako ng isang panghabang-buhay na kredensiyal sa pagtuturo at nakapagturo na ako ng matematika, ekonomika at pamamahala sa Chabot College, at nagtapos ako ng Masters sa Governance kung saan humarap ako sa mga pagsasanay sa pamumuno, pananalapi, mga pasilidad, pamamahala ng lupon at yamang-pantao. Iboto si John J. Barbieri

    JO A.S. LOSS Trabaho: Namamahalang Lupon ng Castro Valley Unified School DistrictEdad: 56Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Karapat-dapat na magkaroon ng pinakamahuhusay na pampublikong paaralan ang mga bata at ang komunidad ng Castro Valley. Sa panahon ng krisis na ito ng estado sa pananalapi, kailangan ng ating mga paaralan ng isang pamumunong may kaalaman at nakatuon na ipagpatuloy ang paggamit ng mga napagkukunan at mga oportunidad para sa ating mga mag-aaral at kawani. Maipagmamalaki ko na tayo ay nakapagpanatili ng pinakamataas na antas ng tagumpay sa akademika nang may de-kalidad na pasilidad at nakapagpakita ng masinop sa piskal na pamamahala. Ang mga paaralan ng Castro Valley ay patuloy na umuunlad nang may pokus sa pagganap na pang-akademiko ng bawat mag-aaral. Upang madagdagan ang mga kontribusyon ko, ako ay nagkamit ng Masters of Boardsmanship at Masters of Governance mula sa California School Boards Association. Naglingkod na ako sa PTA ng Estado ng California bilang Presidente, Hinalal na Presidente, Bise-Presidente ng Pamumuno at Bise-Presidente ng Edukasyon. Itinalaga ako ng Superintendente ng Estado ng mga Paaralan sa California P-16 Council (preschool hanggang kolehiyo). Naglingkod na ako bilang Presidente, Bise-Presidente at Kalihim/Ingat-yaman ng Alameda County School Boards Association. Mayroon akong napatunayang rekord bilang kampeon ng pampublikong edukasyon sa Castro Valley at sa buong estado. Ang boto ninyo para kay Jo Loss sa ika-6 ng Nobyembre ay magiging boto para sa isang malakas at kailangang-kailangang pampublikong edukasyon sa ating komunidad.

    CHARMAINE BANTHERTrabaho: Guro sa MatematikaAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Bilang isang guro sa isang pampublikong paaralan ng 25 taon, nasaksihan ko kung paanong maiaangat ng kapangyarihan ng edukasyon ang ganap na potensiyal ng mga batang mag-aaral. Sa kasamaang palad, ang mga matatagumpay na kasaysayan ng mga mag-aaral ay magiging konti lamang at malalayo pa ang pagitan kung hihinto tayo sa pamumuhunan sa pampublikong edukasyon. Nararapat lamang para sa mga mag-aaral ng Castro Valley ang edukasyong de-kalidad, at kung mahahalal ako sa lupon ng edukasyon, ako ay magiging isang malakas na tagapagtaguyod para sa mga maliliit na klase upang maisulong ang mas mahusay na pagkatuto. Susuportahan ko rin at patatagin ang mga pangunahing programang pang-akademika tulad ng matematika, agham at teknolohiya upang gawing mas handa ang ating mga mag-aaral para sa mga hamon ng 21st Century. Pumapasok man sa kolehiyo o sa pabago-bagong merkado ng trabaho, nararapat lamang para sa bawat mag-aaral ang isang edukasyong de-kalidad. Kung mahahalal, magsusumikap ako na tumingin sa labas ng kahon upang ang mga pondo at solusyon ay makapagpabuti ng mga kondisyon sa trabaho at ng mga kapaligiran kung saan matututo ang ating mga guro at mag-aaral. Makikipagtulungan ako kasama ng mga guro, magulang, punong-guro, tagapangasiwa at iba pang mga empleyado ng paaralan, upang makabuo ng matibay na pakikipagtulungan, upang matugunan ang mga hamong hinaharap ng ating distrito. Nararapat lamang para sa Castro Valley ang pinakamahusay, at nangangako ako na tiyakin ko na patuloy tayong magiging isang magandang lugar na matitirahan at pagpapalakihan ng ating pamilya. Buong galang ko pong hinihingi ang inyong boto.

  • CVSC-2

    Mga Pahayag ng mga KandidatoCASTRO VALLEY UNIFIED SCHOOL DISTRICT

    Mga Miyembro ng Namamahalang Lupon

    MARY PIPPITTTrabaho: EdukadorAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Bilang isang edukador na mayroong mahigit pa sa 30 taong karanasan, dadalhin ko sa Lupon ng Paaralan ng CVUSD ang isang malawak na pang-edukasyong perspektibo kabilang na ang pagtuturo sa silid-aralan, administrasyon, pagpapahusay ng pamumuno, at reporma sa paaralan. Nauunawaan ko ang mga pangangailangan ng mga guro, mag-aaral at paaralan. Panahon na para ang isang sanay na edukador ay umupo sa lupon; isang tao na may malalim na kaalaman at pang-unawa sa pagtuturo at instruksyon na nakuha mula sa pagtatrabaho sa loob ng mga paaralan. Ang mga karanasan ko sa mga mag-aaral, paaralan at mga distrito sa pagpapahusay ng pag-aaral ng mga mag-aaral, pagtatatag ng mga pangkat at pagbibigay ng positibong pamumuno ang gagabay sa aking pag-iisip at mag-iimpluwensiya sa mga desisyon patungo sa mga interes ng mga guro at mga mag-aaral. Kabilang sa mga priyoridad ko ang pagpapanatili ng mga superyor na guro at kawani, pagpepreserba ng mga kritikal na programang pang-edukasyon sa pamamagitan ng madiskarteng mga pagpaplano at pagbabadyet at pagtatatag at pagpapanatili ng tiwala, kalinawan at nagkakaisang mga layunin. Sa mga mapanghamong panahong ito sa pananalapi, kailangan nating kumilos ng nagkakaisa bilang mga miyembro ng lupon, mga tauhan ng distrito, guro at mga miyembro ng komunidad at nagtitiyak na ang mga mapagkukunan o resources ay maghahatid ng pinakamagagandang benepisyong pang-edukasyon para sa lahat ng mga mag-aaral. Ang pag-aangat ng komunikasyon sa isang antas na kagalang-galang, napapabilang, at tumutugon sa komunidad ay makakatulong upang makamit ang mga layuning ito. Pinili ko ang tumakbo sa Lupon ng Paaralan ng CVUSD dahil may pasyon ako, panahon, karanasan at lakas upang tiyakin na ang mga mapagkukunan ng paaralan ay makapaghatid ng pinakamahusay na benepisyong pang-edukasyon sa lahat ng mga mag-aaral.

  • DUSC-1

    Mga Pahayag ng mga KandidatoDUBLIN UNIFIED SCHOOL DISTRICT

    Mga Miyembro ng Namamahalang Lupon

    DAN CUNNINGHAMTrabaho: Katiwala, Dublin Unified School DistrictEdad: 49Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Sa panahon ngayon ng mahirap na lagay ng ekonomiya, importante na nakararanas ang ating mga paaralan ng mahusay na pamumuno na siyang gagabay sa kanila sa patuloy na hamong pampinansyal sa hinaharap. Bilang isang Katiwala para sa Dublin Unified School District, nakatulong ako sa paggabay sa distrito sa panahon ng pagsubok. Dahil sa matatag na pamumuno at mahusay na pangangasiwa ng pera ng gobyerno (fiscal management), hindi napilitan ang distrito natin na magbawas ng mga guro at ang mga test score ay patuloy na tumataas. Dagdag pa, tumulong ako upang masiguro na ang pondo para sa Panukala C ay ginamit ayon sa pangakong binitawan para sa mga botante ng Dublin. Dala-dala ko ang 20 taong karanasan bilang tagapagpaganap sa pananalapi. Bahagi ng aking karanasang pang-edukasyon ang matibay na karanasan sa finance at accounting sa pagkakaroon ko ng BA in Economics sa UC Santa Barbara at MBA sa CSU Long Beach. Mayroon akong tatlong anak na lalaki, ang isa ay kasalukuyang naka-enrol sa distrito at ang dalawa naman ay alumni ng Dublin High School. Dagdag pa, ang aking asawa ay isang guro ng wikang English sa Dublin High School. Bilang isang tagapagpaganap sa pananalapi at Katiwala, nangangako ako na ipagpapatuloy ko ang mga nagawa sa nakaraang apat na taon para masiguro na ang Dublin Unified School District ay mananatiling nakapokus para makamit ng lahat ng estudyante ang kanilang pinakamataas na potensyal. Suportahan ang kinabukasan ng ating mga paaralan at mga estudyante: sa Nobyembre 6, iboto si Dan Cunningham.

    GREG TOMLINSONTrabaho: Katiwala ng Lupon ng Paaralan, Dublin Unified School DistrictEdad: 48Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Nanguguna ang Dublin Unified School District sa pagkakaroon nito ng malakas at bihasang liderato at bilang katiwala at presidente ng Lupon ng Dublin Unified School District, ako, kasama ang katulad kong mga katiwala ay nakapagpakita ng mga resulta. Ina-upgrade natin ang lahat ng campus, niyayakap ang makabagong teknolohiya at binibigyan ang mga guro ng mahahalagang tools para higtan ng mga estudyante ang nagagawa ng iba, habang pinapanatili ang piskal na kakayahang makabayad ng utang. Kailangang suportado ang mga estudyante, inspirado at nahahamon. Nakapagpatupad na tayo ng mga inisyatiba para sa mga nahihirapan sa akademiko na estudyante, napahusay ang mga pamantayan sa pagtatapos at ang tumataas na mga test score ay pagpapatunay na gumagana ang pamunuan. Pinapahusay natin ang pokus sa totoong kaalamang may saysay sa buhay ng mga estudyante at hindi isa lamang pagtuturo para sa pagsusulit. Magkakaroon ako ng mga anak na naka-enrol sa Dublin Unified School District sa buong termino ng aking panunungkulan. Ipinapangako ko ang patuloy na pakikipagtulungan, pakikipag-ugnay at katapatan sa mga magulang, mga guro at mga estudyante para magkaroon ng isang positibo, naaangkop na kapaligiran para matuto na kumikilala sa bukod-tanging pangangailangan ng bawat estudyante. Bilang dating Komisyonado sa Pagpaplano at espesyalista sa konstruksyon sa Dublin, gagamitin ko ang aking karanasan sa pamamahala ng mga proyekto para siguruhin na ang ating mga pondo sa bono ay mahusay na nai-invest, hindi atrasado, para sa benepisyo ng lahat ng estudyante at lahat ng campus. Nagtapos ako na cum laude sa USC sa kursong Business Administration. Iniindorso ako ng dating Mayor na si Janet Lockhart,at kapag ako ay mahahalal muli bilang inyong trustee, magsusumikap ako para maipagmalaki ninyo ang Dublin Unified School District. www.gregtrustee.com.

    AUSTIN OGDENTrabaho: EstudyanteAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Naghahain ako ng kakaibang perspektiba bilang nag-iisang kandidato na nag-aral sa Dublin Unified School District,na nakatulong sa akin para matukoy ang mga mahahalangang pangangailangan natin dito sa ating mga paaralan. Aktibong miyembro ako ng mga grupo ng leadership at palakasan sa buong walong taon ko bilang estudyante sa Dublin, nanungkulan bilang DHS Rally Commissioner noong senior year ko. Hinihiling kong maipagpatuloy ang palilingkod ko sa ating paaralan bilang miyembro ng Dublin Unified School District Board of Trustees. Nakakuha na ako ng mahigit na dalawampung pag-iindoso galing sa mga guro ng DHS, mga opisyal sa klase, at valedictorians sa pamamagitan ng pagpapahayag ng aking hangarin at plataporma bilang kandidato. Kasama dito ang pagsuporta para kilalanin ang ibat-ibang estilo ng pag-aaral upang maiakma ang kurikulum sa pangangailangan ng mga estudyante, gawing pangunahing priyoridad ng mga klase ang ROP (Regional Occupational Program), pagpokus sa tunay na pagkatuto ng mga estudyante, at pagpapahusay ng kritikal na pag-iisip at pagiging malikhain ng mga estudyante sa buong distrito. Naniniwala ako na ang lupon ng paaralan ay kailangang ibat-iba para maging ganap na epektibo, at ang aking karanasan sa ating distrito ang magtatayo ng ganitong pagkakaiba-iba o diversity. Nasa akin ang sigla at enerhiya para makibahagi sa lahat ng K-12 sa paaralan ng Dublin, kaya hinihiling ko sa inyo na iboto si Austin Ogden para maging kinatawan ninyo sa Dublin Unified School District Board of Trustees.

    AMY MILLERTrabaho: Hinirang na Katiwala ng Lupon ng Paaralan, Dublin Unified School DistrictEdad: 43Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Bilang ina ng dalawang estudyante at trustee ng Dublin Unified School District na kasalukuyang nanunungkulan bilang vice-president, nagtrabaho ako sa loob at labas ng boardroom para unahin ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante. Kasama ang mga mahahalagang input mula sa ating mga stakeholder at mga pagsisikap sa pakikipagtulungan ng ating leadership team, ipinagmamalaki ko na ang Dublin Unified School District ay nanatiling piskal na kakayahang makabayad ng utang, napahusay ang mga programang suportang pang-edukasyon, napataas ang mga test scores, naging moderno ang mga pasilidad, at na-upgrade ang teknolohiya. Ang ating pagtuturo sa mga estudyante ay papunta sa bagong direksyon para makapagbigay ng edukasyon sa ika-21 siglo. Ang kolehiyo at kahandaan sa trabaho ay nangunguna sa mga priyoridad; naninindigan tayo sa tagumpay ng ating mga estudyante makalipas ang mahabang panahon na sila ay makapagtapos. Nagsilbi ako sa DPIE Tri-Valley Regional Occupational Program board at malaki ang papel na ginampanan sa paghanap ng pondo mula sa labas para masagip ang ROP nursing program. Hawak ang Masters of Science sa Educational Psychology and Counseling at ang PPS Credential, patuloy kong gagamitin ang aking mga karanasan sa pag-aaral at trabaho para siguruhin na ang bawat bata sa iba-t ibang dako ng distritong ito ay naaabot ang kanilang pinakamalawak na potensyal. Walang sawa kong itataguyod ang edukasyong pagkamakatao at pagkapantay-pantay na oportunidad para sa lahat. Ikararangal kong iboto ninyo para patuloy akong kumatawan sa inyo at aking mapaglingkuran ang mga estudyante ng Dublin Unified School District.

  • FRSC-1

    Mga Pahayag ng mga KandidatoFREMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT

    Mga Namamahalang Miyembro ng Lupon

    DESRIE CAMPBELLTrabaho: Tagapagpaganap na TagapangasiwaAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Napakaraming kailangang gawin, at nasasabik akong ibahagi ang damdamin ko at karanasan upang maharap ang mga pangangailangan ng ating mga anak. Ikararangal kong makamit ang inyong boto sa ika-6 ng Nobyembre, 2012. Naglilingkod na ako sa Lunsod ng Fremont bilang sibikong pinuno sa loob nang 10 taon. Sa kasalukuyan, naglilingkod ako bilang Presidente ng Fremont Education Foundation, miyembro ng School Districts Citizens Oversight Bond Committee, Human Relations Commissioner para sa Lunsod ng Fremont, at nagtapos ako ng kursong BS sa Business Administration. Bilang may-ari ng maliit na negosyo, mayroon akong propesyunal at kahusayang mamuno sa komunidad na kailangan upang makapagpatuloy sa aktibong pagtulong sa ating mga paaralan upang harapin ang mga kasalukuyang hamon. Ako ay dedikado at may malalim na interes sa edukasyon at sa kinabukasan ng ating mga anak at alam ko kung ano ang dapat gawin. Nangangako ako na makikipagtuwangan sa distrito ng paaralan, sa mga magulang at guro upang ang lahat nating anak ay tumanggap ng pinakamataas na kalidad ng edukasyon, sa kapaligirang ligtas at malinis. Naniniwala ako sa kapangyarihan ng negosyo at mga pang-edukasyong komunidad na sama-samang kumikilos upang tiyakin na makakamit ng lahat ng mga mag-aaral ang pinakamataas nilang potensyal. Iboto po si Desrie Campbell - FUSD School Board. Magkakasama, makagagawa tayo ng pagkakaiba!

    YANG SHAO Trabaho: Siyentista ng BuhayEdad: 44Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Bilang isang siyentista at ama ng dalawang mag-aaral sa FUSD, naiintindihan ko ang kahalagahan ng de-kalidad na edukasyon. Tulad ng marami, pumunta ako sa U.S. upang hanapin ang American dream, nagsumikap upang makuha ang Ph.D. ko sa Harvard at nagsimulang magtrabaho sa industriyang biotech na gumagawa ng mga pang-diyagnostikong gamit para sa pananaliksik ng kanser. Gusto kong matiyak na ang LAHAT ng mga mag-aaral natin ay mabibigyan ng parehong oportunidad na maabot ang kanilang mga pangarap. Bilang isang miyembro ng Lupon ng Paaralan, lalaban ako upang palakasin ang ating mga paaralan sa pamamagitan ng pagtatatag ng Student Achievement, Budget at Community Support. Ang Student Achievement ay isang malaking hamon dahil sa pagkakaiba-iba ng ibat ibang mga grupo ng mag-aaral. Titiyakin ko na ang pagkakapantay-pantay ay maidudulot at LAHAT ng mga mag-aaral ay mabibigyan ng oportunidad na makamit ang kanilang ganap na potensiyal. Nagpapatuloy ang krisis sa badyet at lalo pang lumala simula pa noong 2007. Ang mga paaralan ng California ay nagdurusa sa kanser sa piskalya. Sa pagsasanay ko sa pananaliksik sa kanser at mapanuring kakayahan, magsusumikap ako na makipagtulungan sa bawat isa upang mapabuti ang kalusugan ng piskalya ng ating mga paaralan. Ang suporta ng komunidad ay mahalaga para sa tagumpay ng ating mga paaralan. Sa dibersidad sa Fremont, nagiging natatangi at malakas ang ating distrito ng paaralan. Magsusumikap ako na makipagtulungan sa ating komunidad upang suportahan ang ating mga paaralan.

    ANN CROSBIETrabaho: Kahaliling Guro sa FremontAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Tumatakbo ako para sa Lupon n g Edukasyon sapagkat may karanasan ako sa edukasyon at adbokasya sa Fremont Unified upang makagawa ng kaibahan para sa mga mag-aaral ng Fremont. Ang aking pangunahing misyon ay ang matiyak na nakatutugon tayo sa mga pangangailangan sa edukasyon ng lahat ng mag-aaral at lahat ng magtatapos na mag-aaral ay handa para sa pandaigdigang puwersa ng manggagawa sa ika-21 siglo. Simula noong lumipat ako sa Fremont, ibinigay ko na ang aking panahon sa siyam na paaralan ng Fremont na pinasukan ng aking mga anak at naglingkod sa ilang komite ng distrito. Sa kasalukuyan ay isa akong kahaliling guro sa Fremont. Habang kinukuha ang aking Masters Degree sa Educational Best Practices, nag-aral ako ng mga paraan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral - kasama na ang mga may matataas na nakakamit, mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan, mga nag-aaral ng English at mga mag-aaral na ayaw nang mag-aral. Bilang Legislation Chair para sa Fremont Council PTA, itinaguyod ko ang Fremont sa Sacramento at kamakailan lamang ay nagtungo ako sa Washington, DC, sapagkat ipinadala ako doon ng National PTA upang maging kinatawan ng California sa pagtataguyod ng pagsasanay sa edukasyon. Mahalaga na makapagtatag ng malakas na samahan sa pagitan ng mga administrador, kawani, mga guro at magulang. Bilang Katiwala ng Ohlone College, nakikipag-tulungan ako, habang gumagawa ng mga mahihirap na desisyon. Tulungan po ninyo ako na matiyak na ang mga mag-aaral natin ay nagkaroon ng mayamang karanasan sa edukasyon at handa para sa ika-21 siglo. Iboto si Crosbie para sa mga bata.

    RESHMA KARIPINENITrabaho: Punong Opisyal sa Pananalapi, Magulang, NegosyanteAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Bilang magulang ng dalawang anak at isang residente ng Fremont nang higit pa sa 30 taon, nag-aalala ako sa epekto ng mahinang ekonomiya sa ating mga pampublikong paaralan. Ang mga presyur sa badyet ay lumikha ng masisikip na silid-aralan, di ligtas na pasilidad, at kawalan ng kasiyahan ng empleyado. Kinuha nito ang mga oportunidad para sa mga mag-aaral at lalong naging mahirap para sa mga guro ang magturo. Bilang isang propesyunal, may dedikasyon ako sa pagtatatag ng mga negosyong may kakayanang sustinihin ang pananalapi na nakakalikha ng mga trabaho at oportunidad para sa edukasyon. May kasanayan ako na makuha ang pinakamalaking makukuha kung maigting ang dolyar, at may karanasan na maibilang ang mga stakeholder sa proseso ng pagdedesisyon upang makabuo ng mga solusyong may pangmatagalang epekto. Bilang miyembro ng Lupon, magpo-pokus ako sa paggastos ng ating badyet sa matalinong paraan, maglo-lobi para sa mas maraming pondo ng estado, lilikom ng pera sa pamamagitan ng malikhaing paggamit sa kasalukuyang napagkukunan natin nito, at titiyakin ko na ang bawat bata ay mabibigyan ng oportunidad na maabot ang kanilang ganap na potensyal. Ang mga magulang ko ay mga imigranteng naniniwala sa edukasyon. Sa kanilang suporta at matinding pagsusumikap, nabiyayaan ako na makatanggap ng isang de-kalidad na edukasyon, pati na ang MBA mula sa Stanford. Naglingkod ako sa Fremont bilang isang tutor, job counselor, shelter at hospital volunteer. Nagpapakumbaba ko pong hinihiling ang inyong boto sa Nobyembre 6 upang maiangat ko sa sunod na antas ang aking serbisyo. Salamat po.

  • FRSC-2

    Mga Pahayag ng mga KandidatoFREMONT UNIFIED SCHOOL DISTRICT

    Mga Namamahalang Miyembro ng Lupon

    LILY MEITrabaho: NanunungkulanEdad: 42Ang aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Ikinararangal ko na maglingkod bilang kasalukuyang Presidente ng Lupon ng Fremont Unified School District sa mapanghamong panahong ito kung kailan kailangan nito ang aktibong pamumuno. Ang damdamin ko tungo sa tagumpay ng ating mga paaralan at ang dedikasyon ko para sa ating mga mag-aaral ang siyang nagtutulak sa akin na maglingkod sa ating komunidad. Upang matiyak ang isang epektibong pamamahala ng lupon, ipinilit ko ang pagiging malinaw ng piskalya, nagpanatili ng reputasyon ng ating distrito na nananalo ng mga gantimpala sa bawat larangang sinalihan nito, at sinuportahan ang mga programang pang-edukasyon para sa lahat ng mag-aaral upang maging handa sila para sa puwersa ng manggagawa sa ika-21 siglo. Sa Konseho ng Lunsod ng Fremont, isinulong ko ang responsableng pag-unlad sa pagpapabahay at nagpakita ng epekto ng paglago sa pagpapabahay sa mga pangangailangan para sa mga pasilidad sa paaralan. Ang aking aktibong pamumuno sa mga lokal na inisyatibo ay nagdala ng suporta sa komunidad para sa mga lokal na pondo upang mapanatili at maibalik ang mga naipagkakaloob ng edukasyon. Bilang isang kapwa magulang, ipinaglaban ko ang mga programang naka-pokus sa kakayahan ng mag-aaral. Bilang kinatawang pang-rehiyon para sa County ng Alameda, tumulong ako na itakda ang mga patakaran na sasalamin sa mga interes ng ating distrito ng paaralan. Bilang inyong katiwala sa Lupon ng Paaralan, magsusumikap ako na panatilihin ang mga napakahuhusay na pamantayan ng FUSD, makinig sa mga alalahanin ng mga residente, at magtatatag ng isang bukas na komunikasyon sa pagitan ng Lupon ng Paaralan at pamahalaan ng lunsod upang makabuo ng mga desisyon na ang ating mga anak ang priyoridad. Pinasasalamatan ko po ang inyong boto. Bisitahin ang www.LilyMei.org.

    HIU NGTrabaho: Retiradong Tagapagpaganap ng TeknolohiyaAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Hindi na kailangan ng ating distrito ng paaralan ang mas marami pang pulitika o pulitiko. Isa ako sa pinaka-aktibo at pinaka-sangkot na magulang sa Fremont na may malalim na kaalaman at karanasan sa ating distrito ng paaralan. Nagsumikap ako upang paghusayin ang ating mga paaralan sa pamamagitan ng paglilingkod sa Fremont Council PTAs Legislation Chair, at Health and Safety Committee Chair sa dalawang paaralan ng Fremont. Ang pinaka-iniingatan kong gantimpala ay ang Honorary Service Award mula sa California State PTA. Naglingkod din ako bilang Chair at/o Miyembro ng School Site Councils sa elementarya, junior high at high school. Siyam na buwan akong tumulong upang malikha ang Technology Advisory Committee para sa Fremont Unified School District. Bilang isang miyembrong nagtatag nito, nailigtas ko ang distrito ng paaralan sa paggastos sa higit pa sa isang milyong dolyar sa pamamagitan ng pagsalungat sa isang maling mungkahi, kung saan tinulungan ako ng iba pang mga miyembro ng komite. Dito, hinihingi ko po ang inyong suporta at ang inyong boto sa ika-6 ng Nobyembre, 2012 upang ihalal si Hiu Ng bilang isang School Board Member na hindi pulitiko. Higit kailan pa man, kailangang unahin ang mga bata. Hindi na sila maaari pang maputulan ng badyet ng distrito ng paaralan na hindi naman kailangan, hindi naaangkop at ibinatay lamang sa haka-haka. Kailangang tumanggap ang ating mga anak ng lubos at ganap na edukasyon upang maihanda sila para sa hinaharap. Maraming-maraming salamat sa inyong tulong.

  • HYSC-1

    Mga Pahayag ng mga KandidatoHAYWARD UNIFIED SCHOOL DISTRICT

    Mga Miyembro ng Namamahalang Lupon

    DR. ANNETTE WALKERTrabaho: Edukador/MagulangAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Utang natin sa mga anak ang ating komunidad na makapagbigay ng mga ligtas na paaralan na mayroong mga kuwalipikadong guro at mga pamamaraan upang matuto. Ang tagumpay ay nangyayari sa silid-aralan. Magagandang mga bagay ang nangyayari sa ating distrito, pero kailangan pa natin itong paghusayin. Isa akong guro na may 20 taon na serbisyo sa mga pampublikong paaralan mula kindergarten hanggang kolehiyo. Bilang isang bilingual na guro sa elementarya, tagapayo sa kolehiyo ng komunidad at tagapagturo, at ngayon ay college admissions specialist ng CSU Hayward, ako ay magiging tagapagtaguyod ng mga karapatan ng lahat ng mga estudyante upang makamit ang de-kalidad na edukasyon. Residente ng Hayward sa loob nang halos dalawang dekada at magulang ng isang anak na nag-aral sa mga paaralan ng HUSD, alam ko na ang ugnayan sa pagitan ng guro, mag-aaral at magulang ay mahalaga. Bilang inyong Miyembro ng Lupon, titiyakin ko na mayroon tayong mga mahahalagang programa para sa tagumpay ng mga estudyante kasama na ang mga nasa preschool, mas maliliit na mga klase, at suporta sa mga estudyante. Tumatakbo ako dahil naninindigan ako sa mga layunin ng tagumpay ng estudyante, pagiging handa sa kolehiyo at sa karera, pakikipagtulungan sa mga magulang at sa komunidad, at modernong pasilidad na kumpleto sa mga mapapagkunan ng mga pangangailangan ng mga estudyante upang magtagumpay sa 21st century. Ikararangal ko na paglingkuran kayo sa Lupon ng Paaralan. Magkasama, magagawa nating misyon ang tagumpay ng ating mga estudyante. www.annettewalkerforhayward.com.

    HEATHER REYES Trabaho: Tagapangasiwang Pambatas/MagulangAng aking edukasyon at mga kwalipikasyon ay: Ako at ang aking asawa ay mga magulang ng mga estudyanteng nasa ika-6 at unang grado na nag-aaral sa Hayward at kami'y mga stakeholders sa kinabukasan ng mga bata. Buong karangalan akong nagsilbi sa U.S. Navy, nagmay-ari ng isang maliit na negosyo at kasalukuyang nagre-reconcile ng mga dokumentong pinansiyal sa isang law firm. Palagi akong naghahanap ng mga paraan upang makapag-streamline para sa kahusayan