demand
DESCRIPTION
Proyekto sa Araling Panlipunan tungkol sa Konsepto ng Demand. Inihanda nina Mike Jezriel Leonen,Harry June Valdez,Noelle Jane Rojo at Maritony Ante.TRANSCRIPT
Ipinasa kay:
Gng. Leticia Balanon
Proyekto saAraling Panlipunan IV
KONSEPTO NG DEMAND
KONSEPTO NG DEMAND
Ano nga ba ang demand?
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais at
kayang bilhin sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
MGA PARAAN NG PAGLALARAWAN SA DEMAND• Demand Function - ito ay nagpapahayag ng mathematical equation ng dalawang variables :
Qd(Quantity demand) = dependent variableP(Presyo) = independent variable
kung saan ang Qd ay nagbabago sa bawat pagbabago ng P.
MGA PARAAN NG PAGLALARAWAN SA DEMANDAng Mathematical Equation ay:
Qd = Qpr -P
dami ng ayaw bilhin kapag mataas ang presyo
pagbabago ng Qd sa bawat pagbabago ng P.
Halimbawa:Qd = 50 - 2PQd = 50 – 2(23)Qd = 50 – 46Qd = 4 dami ng demand o bumibili ng produkto
MGA PARAAN NG PAGLALARAWAN SA DEMAND• Demand Schedule
- ito ay talahanayan ng dami ng handa at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo.
Halimbawa :
MGA PARAAN NG PAGLALARAWAN SA DEMAND• Demand Curve
- ito ay isang grapikong paglalarawan ng presyo ng bilihin at demand.
Halimbawa :
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND
• Ekspektasyon• Populasyon• Kita• Presyo ng Ibang Produkto• Kagustuhan o Panlasa• Okasyon
Paggalaw ng Iisang Kurba ng Demand
Ang pagbabago ng presyo ay naipapakita ng pagbabago sa dami ng handang bilhin ng mamimili. Ito a naipapakita sa paggalw sa
iisang kurba (movement along the curve) ,sapagkat ipinalalagay na ang ibang salik ay hindi nagbabago. Tanging ang presyo lamang ang
nakakaimpluwensya sa pagbabago ng dami ng handang bilhin ng mamimili. Kaya ito tinawag na paggalw sa iisang kurba dahil
mapapansin na ang bawat pagbabago at nakapaloob sa iisang kurba ng demand.
Pagbabago ng Kurba ng Demand
Ang pagbabago ng demand ay makikita sa paglipat ng kurba ng demand mula sa kanan papuntang sa kaliwa o vice versa.
Ang mga salik ay ang mga sumusunod:- Pagtaas ng kita- Pagkagusto sa isang produkto- Ekspetasyon o inaasahan- Pagdami ng maimili- Pagtaas ng presyo ng substitute goods- Pagbaba ng presyo ng complementary goods
Elastisidad ng Presyo ng Demand - pagsukat sa bawat pursyentong pagtugon ng dami ng demandsa pagbabago ng presyo.
Mga Uri ng Elastisidad ng Demand:
a. Elastik- kung ang pagbabago ay higit sa isa.b. Di-elastik- kung ang pagbabago ay maliit sa isa.c. Unitary- ang pagbabago ay eksaktong isa.
HALIMBAWA NG ELASTIK:
Kapag nagmahal ang mga inuming “in-can” , bibili o
kokunsumo na lang ng inuming tubig.
HALIMBAWA NG DI-ELASTIK:
Mga pangunahing bilihin tulad ng mga gulay,karne at mga
pampalasa.
HALIMBAWA NG UNITARY:
Kayang tumbasan ng pagbaba ng demand ng mamimili ang anumang
pagtaas ng presyo sa mga produktong tulad ng mga sitsirya,kendi at mga
damit pambata.
Kaugnayan ng Demand sa Presyo ng Kalakal at Paglilingkod
Ang kurba ng demand ay pabulusok kapag mababa ang halaga ng produkto maraming konsyumer ang makabibili kaya’t maraming produkto at serbisyo ang mabibili. Subalit kapag ang presyo ay mataas , mababa ang kakayahang makabili o hindi na makabili ang maraming konsyumer. Kapag mababa ang presyo malaki ang demand, subalit kapag mataas ang presyo ay nanaisin na lamang na bumili ng alternatibong pamalit.
MGA HALIMBAWA :
Dahil sa mataas na presyo ng mineral water,mas pipiliin ng mga mamimili na komunsmo na lamang ng malinis na inuming tubig galing sa mga gripo. At ang resulta nito ay ang pagbaba ng demand ng mineral water.
Mas mababa ang presyo ng mga tinapay nabibili sa unang litrato kumpara sa mga nabibili sa bakeshop sa ikalawang litrato. Mas mataas ang demand ng mga tinapay na nasa unang litrato.
Ipinasa nina:
Mike Jezriel Leonen
Noelle Jane RojoHarry June Valdez
Maritony Ante