department of education-cebu provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/fil-7-modyul... ·...
TRANSCRIPT
Filipino
Unang Markahan-Modyul 1 Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas 2020 Department of Education – Region VII - Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu Telefax: (032) 255-6405 E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Tagasulat : Faith Christy P. Almirante
Tagasuri : Myrna J. Mendaros, MAEd.
Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales
Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS Cebu Province Dr. Leah B. Apao, SDS Cebu Province Dr. Carteza M. Perico, SDS, Cebu Province Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province
Dr. Mary Ann P. Flores, Chief CID Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS
Mrs. Araceli A. Cabahug, EPSVR, Filipino
ii
Paunang Mensahe
Para sa mga Guro o Facilitator:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling panitikan na tumatalakay sa
kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong
batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa panitikang Ang Munting Ibon na isang kuwentong-
bayan. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
v
ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha
mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.
vi
iii
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha
o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
iv
Mindanao. Marahil maraming bagay ang papasok sa iyong
isipan kung maririnig ang salitang Mindanao. Ngunit gaano nga
ba ang iyong alam sa Mindanao?
Maraming panitikan ang inilimbag at inilathala na naging
bahagi na ng kamalayang Pilipino. Ngunit tulad ng nakasulat
sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi ganap ang pagsasalaysay sa
kahalagahan ng lahat ng bahagi ng bansa, maraming bagay pa
ukol sa Mindanao ang hindi batid ng marami: kasaysayan,
kultura at panitikan.
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga panitikang
Pilipino mula sa Mindanao. Sa pag-aaral ng mga panitikang Mindanaoan,
inaasahang higit mong mauunawaan at mapahahalagahan ang iyong pagka-
Pilipino. https://peac.org.ph/wp-content/uploads/2019/10/FilipinoGr7Qtr1-Reg.pdf
Ang panitikan na inyong mababasa ay isang kuwentong-
bayan mula sa lugar na ating nabanggit. Ang mga kuwentong bayan o poklor
ay mga kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi-tanging
salaysay ng kanilang lugar. Kadalasang ito ay nagpapakita ng katutubong
kulay (local color) tulad ng pagbabanggit ng mga bagay, lugar, hayop, o
pangyayari na doon lamang nakikita o nangyayari. Masasalamin sa mga
kuwentong bayan ang kultura ng bayan na pinagmulan nito. (https://www.rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%207%20Q1.pdf)
Sa pag-aaral ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar
na pinagmulan ng kuwentong batay sa mga pangyayari at
usapan ng mga tauhan (F7PN-Ia-b-1)
Sa huling bahagi ng modyul na ito, inaasahang matamu ang kaalaman sa
mga sumusunod na layunin:
naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan
ng salita ayon sa gamit sa pangungusap,
nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan ng
tradisyon at akdang pampanitikan batay sa nabasang
kuwentong bayan, at
naipapahayag ang mahalagang kaisipang natutuhang
maaaring magpabago sa pananaw, pakikitungo sa kapwa, at
pagharap sa buhay.
ALAMIN
1
I. Panuto: Suriin at isulat sa papel ang kasingkahulugan ng salitang
nakadiin ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
1. Lumalabas ang mag-asawa tuwing takipsilim
upang mangaso. 2. Gumagamit sila ng bitag upang makaakit ng mga
hayop.
3. Isang matabang usa ang kanyang nadale.
4. Sa halip na kumibo ay nag-isip na lang na ibang paraan ang babae.
5. Gayon na lang ang kanyang panggigilalas sa nakitang kakaiba.
II. Isulat sa papel ang kasalungat ng salitang nakadiin ayon sa gamit ng pangungusap.
1. Tumingala siya at nakita ang nakasabit na matabang usa.
2. Kitang-kita sa kanya ang pagiging tuso.
3. Matabang usa ang nahuli ng bitag. 4. Sinolo ng lalaki ang biyayang natanggap.
Aralin
1
SUBUKIN
2
5. Nagdaramdam siya sa ginagawang pagtrato sa kanya ng asawa.
I. Pagpuno sa Grapikong Pantulong Panuto: Sa grapikong pantulong sa ibaba, ilahad ang mga naaalala mong kuwento mula at ukol sa Mindanao. Maaaring ang mga ito’y nakuha
mo sa mga balita, narinig na kuwento mula sa ibang tao o kaya’y kamag-anak. Isulat sa papel ang iyong kasagutan.
Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong. Isulat sa iyong papel ang sagot.
1. Paano nakaimpluwensya sa iyong persepsyon sa Mindanao ang mga kuwentong inilahad mo sa grapikong pantulong?
2. Alin sa mga ito ang batid mong totoo? Bakit?
3. Paano mo higit na makikilala ang Mindanao?
BALIKAN
Kuwento Mula sa Mindanao
3
Pagbasa: Ang Munting Ibon
Kuwentong-Bayan ng Maranao
“Upang mapagtibay ang relasyon sa kapwa, maging magalang, matapat, at
mabuti ka.”
Noong unang panahon, may mag-asawang nanininrahan sa malayong bayan ng Agamaniyog. Sila sina Lokes a Babay at Lokes a Mama. Pangangaso
ang ikinabubuhay ng mag-asawa subalit hindi lang ang lalaking si Lokes a Mama ang nangangaso kundi maging ang kanyang maybahay na si Lokes a Babay. Bago sumapit ang takipsilim ay inilalagay na ng mag-asawa ang kani-
kanilang bitag sa gubat at ang mga ito’y kanilang binabalikan sa madaling araw.
Isang gabi, habang nahihimbing si Lokes a Babay ay dahan-dahang lumabas ng bahay si Lokes a Mama upang tingnan ang kanilang mga bitag.
Anong laking gulat niya nang makitang ang kanyang bitag na nakasabit sa puno ay nakahuli ng isang munting ibon samantalang ang bitag ng kanyang asawang nasa lupa sa tabi ng ugat ng isang malaking puno ay nakahuli ng
isang malusog na usa. “Hmmm, hindi maaari ito,” ang sabi ni Lokes a Mama sa sarili. “Matabang usa ang nahuli ng bitag niya samantalang ang sa aki’y
isang munting ibon lang ang nadale. Alam ko na. Pagpapalitin ko ang mga hayop na nahuli ng aming mga bitag,” ang nakangising wika ni Lokes a Mama
habang inililipat ang usa sa kanyang bitag at saka itinali ang ibon sa bitag ng asawa. Umuwi si Lokes a Mama nang nasisiyahan sa kanyang ginawa kahit alam niyang isang panloloko ito sa kanyang asawa.
Kinabukasan, maagang ginising ni Lokes a Mama ang asawa. Gusto
niya kasing sabay silang magtungo sa kagubatan upang sabay ring Makita ang mga huli ng kani-kanilang mga bitag. Gulat na gulat si Lokes a Babay
nang makita ang matabang using nakasabit sa bitag ng asawang nasa itaas ng puno samantalang ang kanyang bitag na nasa tabi ng puno ay nakahuli lang ng isang maliit na ibon. Ipinagtataka niya kung paanong ang bitag na
nasa itaas ng puno ang nakahuli ng isang usa subalit hindi na lang siya kumibo. Sa halip, iniuwi niya ang munting ibon at inilagay ito sa isang hawla.
Samantalang, iniuwi naman ni Lokes a Mama ang kanyang huli at saka
iniluto. Umaamoy sa kapaligiran ang nakakagutom na amoy ng nilulutong usa subalit nang handa na’y agad itong nilantakan ng lalaki nang hindi man lang nag-alok sa kanyang asawa. Sinolo niyang kainin ang buong usa sa loob
ng tatlong araw kahit alam niyang gusto rin ito ng kanyang asawa. Isa pa’y ang bitag naman talaga ni Lokes a Babay ang totoong nakahuli sa usa. Likas
siyang maramot at walang pagpapahalaga sa asawa kaya hanggang sa maubos ang usa ay hindi niya binigyan si Lokes a Babay na nanatiling walang
kibo sa kabila ng ginagawa ng asawa.
TUKLASIN
4
Nang maubos niya ang nilutong usa ay muling niyaya ni Lokes a Mama
ang asawa. “Gusto ko uling makatikim ng matabang usa. Halika, maglagay tayong muli ng bitag sa gubat,” ang kanyang paanyaya sa asawa. Muli,
naglagay ang dalawa ng kani-kanilang mga bitag. Subalit hindi marunong umakyat ng puno si Lokes a Babay at dahil hindi man lang siya tinulungan
ni Lokes a Mama ay inilagay na lang niya uli ang kanyang bitag sa tabi ng puno kung saan siya dating naglalagay.
Hatinggabi nang mamalayan ni Lokes a Babay ang kanyang asawang bumangon at dahan-dahang lumabas ng pinto. Nagkunwari siyang tulog.
Matalinong babae si Lokes a Babay at nahulaan niya ang ginagawa ng asawa. Subalit wala siyang intensyong sundan ito. “Alam kong niloloko mo lang ako,
pero hindi kita papatulan”, ang tahimik niyang naibulong sa sarili at saka niya pinilit makatulog kahit pa siya’y nagdaramdam sa ginagawang pagtrato sa kanya ng asawa.
Nang siya’y makatulog ay nanaginip siya. Napanaginipan niyang
pinakakain daw niya ng palay ang kanyang alaga at anong laking gulat niya nang mangitlog ito ng isang montias o isang mamahaling hiyas.
Nagising na lang siya dahil tinatawag na pala siya ni Lokes a Mama
para tingnan ang kanilang mga bitag. Subalit wala na siyang interes sa bitag.
“Ikaw na lang ang pumunta,” ang sabi niya sa asawa. “Masakit ang ulo ko at mas gusto ko pang magpahinga na lang.” ang dugtong pa niya.
“Bahala ka. Basta’t pag may nahuli ako ay hindi uli kita bibigyan.
Kanya-kanya tayo,” ang sabi ni Lokes a Mama habang pababa ng hagdan. Hindi sumagot si Lokes a Babay. Sanay na siya sa pagiging tuso at madamot ng kanyang asawa. Wala rin itong pagpapahalaga sa kanya at hindi niya
naramdamang mahal siya nito.
Pagkaalis ng kanyang asawa ay agad niyang pinuntahan ang kanyang munting ibon. Kumuha siya ng palay at ipinatuka sa ibon. Gayon na lang ang
kanyang panggigilalas nang makitang pagkalunok nito sa palay ay biglang nangitlog ng isang maningning na diyamante ang ibon. Dinampot niya ang diyamante. “Mayaman na ako! Mayaman na ako!” ang paulit-ilit niyang sabi
sa sarili habang itinatago ang mamahaling bato.
Tulad ng dati, pag-uwi ng kanyang asawa ay iniluluto nito ang kanyang huli at mag-isang kumakain nang hindi man lang nag-aalok. Subalit hindi na
ito pansin ni Lokes a Babay ngayon. Sa halip ay masaya siyang humuhuni ng paborito niyang himig habang gumagawa sa bahay na labis namang ipinagtataka ng kanyang asawa.
Araw-araw nga, pagkaalis ng kanyang asawa upang kunin ang
anumang nahuli ng kanilang bitag ay pinakakain naman niya ng palay ang ibon at saka mag-aabang sa ilalabas nitong diyamante. Walang kamalay-
5
malay si Lokes a Mama na marami na palang naiipong diyamante si Lokes a Babay.
Isang araw, habang mag-isa na namang kinakain ni Lokes a Mama ang
kanyang inilutong huli ay nagsalita si Lokes a Babay. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin.
Bukod pa riyan hindi ko na rin kayang tiisin ang pagiging maramot mo at kawalan mo ng pagpapahalaga sa akin,” ang buong kapaitan niyang sabi sa asawa na hindi man lang tumingala mula sa pagngasab sa niluto niyang ligaw
na pato. “Payag na ako sa dati mo pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin. Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin subalit
huwag na huwag mo na rin akong aabalahin.” ang pangwakas na sabi ni Lokes a Babay.
Medyo nakonsensya naman ang lalaki dahil totoong lahat ang sinabi
sa kanya ng asawa. Pero ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon.
Ngayon ay Malaya na siya. Matagal na niyang sinasabi kay Lokes a Babay na gusto niyang makipaghiwalay subalit hindi ito pumapayag. Ngayon ay heto at
pumapayag na siya sa kanyang kagustuhan.
Nag-impake si Lokes a Babay ng kanyang mga gamit at dala ang pinakamamahal niyang ibon at umalis siya ng bahay. Naiwan naman si Lokes a Mama at ipinagpatuloy lang ang kanyang pangangaso.
Samantala si Lokes a Babay ay bumili ng isang malawak na lupain at
nagpatayo ng isang torogan o malapalasyong tahanan. Kumuha siya ng mga guwardiya at mga katulong na magsisilbi sa kanya. Naging maayos at
masagana ang kanyang pamumuhay. Nabalitaan ni Lokes a Mama ang napakagangdang kalagayan sa buhay ng kanyang dating asawa kaya’t muli siyang nagplano.
“Babalikan ko si Lokes a Babay para makasalo rin ako sa kanyang
kayamanan. Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang kanyang kayamanan subalit dapat lang na makinabang din ako,” ang sabi sa sarili ng tusong
lalaki.
Subalit napaghandaan na pala ito ni Lokes a Babay. Kilala niya kasi
ang pagiging tuso at manloloko ng asawa kaya’t pinabilinan niya ang kanyang mga guwardiya na huwag na huwag itong palalapitin man lang sa kanyang
magarang tahanan. Kahit anong gawin ni Lokes a Mama ay hindi na nagpaloko sa kanya ang asawa.
At magmula noon, namuhay sa bayan ng Agamaniyog si Lokes a Babay
nang maligaya, masagana, at payapa.
6
Ang mga kuwentong-bayan ng Agamaniyog ay kalipunan ng mga
kilalang pasalindilang panitikan sa lalawigan ng Lanao sa Mindanao. Ang Agamaniyog ay karaniwang ginagamit bilang tagpuan ng mga kilalang
kuwentong-bayan at pabulang Maranao bagama’t wala naman talagang ganitong lugar sa nasabing lalawigan. Ang agama ay isang salitang Sanskrit na hiniram ng mga wikang Maranao at Malay at nangangahulugang
“relihiyon” subalit ginamit ito ng mga Maranao bilang salitang tumutukoy sa mga byan o lugar na may lupain, mga tao, may moske, kayamanan at
kapangyarihan. Kapag idinugtong sa salitang agama ang niyog, nagiging Agamaniyog na ang ibig sabihin ay “Lupain ng mga Niyog.” Sa maraming
kuwentong-bayan Maranao, ang Agamaniyog ay isinalarawan bilang lupain ng karangyaan at kaluwalhatian. Iba’t ibang tauhan at banghay ang hinabi sa tagpuang ito upang makapanlibang o magturo ng aral tungkol sa mabuti
at masama. Sa binasang kuwentong-bayan ay muling ginamit bilang tagpuan ang Agamaniyog. (nakuha mula sa Pinagyamang Pluma sa Filipino 7)
SURIIN
Ang panitikang “Ang Munting Ibon” ay isang kuwentong mula sa bayan
ng Meranao, ang pangunahing tauhan ay ang mag-asawang sina Lokes
a Mama at Lokes a Babay. Mahihinuha sa kuwento ang kaugalian at
kalagayang panlipunan ng lugar kung saan nagmula ang kuwento. Ilan sa
mga kaugaliang ito ay ang mga sumusunod: pagpapahalaga ng asawang
babae sa asawang lalaki, kasipapagan, kabutihan ng puso, at labis na
kapangyarihan ng asawang lalaki sa pamilya. Karaniwan sa mga taga-
Meranao ay pangangaso ang hanapbuhay, umaasa sa kagubatan o
kapaligiran upang sila ay mabuhay. Naninirahan sa mabundok, magubat
at mapuno upang mapadali ang kanilang paghahanap ng makakain araw-
araw.
7
Gawain 1: Ilarawan ang pagsasama o relasyon mayroon ang mag-asawang
Lokes a Babay at Lokes a Mama gamit ang graphic organizer. Isulat sa papel ang sagot.
Gawain 2: Katangian ng Tauhan Panuto: Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa kuwentong bayan na
nabasa sa pamamagitan ng mga salitang naglalarawan sa mga kahong nakapalibot sa pangalan ng mga tauhan ng kuwentong bayang Ang Munting
Ibon.
Sagutin ang mga pamprosesong tanong at isulat ang sagot sa papel. 1. Anong uri ng pag-uugali si Lokes a Mama? Bakit?
2. Paano nakaapekto ang ugali ni Lokes a Mama sa relasyon nilang dalawa ni Lokes a Babay?
3. Anong uring asawa si Lokes a Babay? 4. Paano ninyo maihahalintulad ang relasyon ng mag-asawa sa mga
relasyon sa kasalukuyan.
PAGYAMANIN
Lokes a Babay Lokes a Mama
8
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang sagot sa iyong papel.
Gawain I. Panuto: Sa isang relasyon napakahalaga ng pagkakaroon ng
respeto at pagiging matapat.
Sa nabasang kuwentong-bayan, makikitang nasira ang relasyon ng mag-
asawang sina Lokes a Babay at Lokes a Mama sapagkat sa kawalan ng mga
bagay na ito. Baon ang aral at kaisipan mula sa kuwento, ano ang gagawin
mo sa sumusunod na sitwasyon? Isulat sa kahon ang iyong sagot.
1. Nakita mong kinuha ng iyong kaklase ang baon ng isa mong kaklase.
Napag-alaman mong ang kinuha niya ito sa dahilan na wala itong pera
pambili ng makakain at siya’y nagugutom na. Ano ang iyong gagawin?
2. Narinig mong nag-aaway ang iyong mga magulang, umiiyak na rin ang
iyong nakababatang kapatid dahil sa sigawan nila. Sa sitwasyong tulad
nito, ano ang gagawin mo?
ISAISIP
ISAGAWA
1. Paano makatutulong sa pagkaaroon ng maayos na relasyon sa kapwa ang paggalang o pagrespeto at pagiging tapat?
2. Ano ang gagawin mo kung tulad ni Lokes a Mama ay ikaw naman ang hindi
naging matapat at ito ay nakasira sa relasyon mo sa ibang tao?
9
3. Napag-alaman mong nagsinungaling ang iyong matalik na kaibigan sa iyo
at hindi ka na niya kinikibo sa dahilang nahihiya siya. Ano ang iyong dapat
gawin?
4. Nag-away kayo ng iyong nakakatandang kapatid dahil sa pinakialaman mo
ang kanyang gamit at nasira ito. Ano ang karapat-dapat mong gawin?
Gawain II. Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa iyong papel.
Panuto: Hinuhain ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar
na pinagmulan ng kuwentong- bayan batay sa mga pangyayari o usapan
ng mga tauhan. Isulat ang iyong sagot sa papel.
1. Pangangaso ang ikinabubuhay ng mag-asawa . Mahihinuha ang kanilang
lugar ay . . . . .
2. “Babalikan ko si Lokes a Babay para makasalo rin ako sa kanyang kayamanan. Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang kanyang
kayamanan subalit dapat lang na makinabang din ako,” Mahihinuhang si
Lokes a Mama ay . . . . .
3. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” ang tahimik
niyang naibulong sa sarili. Mahihinuhang ang si Lokes a Babay ay . . . . .
TAYAHIN
Ano ang mahalagang kaisipang
natutuhang maaaring magpabago sa
aking pananaw, pakikitungo sa kapwa,
at pagharap sa buhay?
10
4. Sinolong kainin ni Lokes a Mama ang buong usa sa loob ng tatlong araw kahit alam niyang gusto rin ito ng kanyang asawa. Isa pa’y ang bitag
naman talaga ni Lokes a Babay ang totoong nakahuli sa usa.
Mahihinuhang ang lalaki ay . . . . .
5. “Matabang usa ang nahuli ng bitag niya samantalang ang sa aki’y isang
munting ibon lang ang nadale. Alam ko na. Pagpapalitin ko ang mga hayop na nahuli ng aming mga bita,” ang nakangising wika ni Lokes a Mama habang inililipat ang usa sa kanyang bitag at saka itinali ang ibon sa bitag
ng asawa. Mahihinuha na si Lokes a Mama ay . . . . .
KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Gumupit at idikit sa papel ang larawan ng iyong mga magulang o kilalang hinahangaang mag-asawa o magkarelasyon. Ilarawan ang pagsasama o relasyon nilang dalawa. Isulat ito sa ibaba ng larawan.
11
SUSI SA PAGWAWASTO
Subukin
I.
1. hatinggabi 2. patibong
3. nahuli 4. magsalita
5. pagkagulat II 1. yumuko
2. mabuti 3. patpatin
4. ibinahagi
5. natutuwa
Balikan
Iba’t iba ang
kasagutan
Isaisip
Iba’t iba ang
kasagutan
Isagawa
Iba’t iba ang
kasagutan
Pagyamanin
Iba’t iba ang
kasagutan
Tayahin
Iba’t iba ang
kasagutan
Karagdagang Gawain
Iba’t iba ang
kasagutan
12
Sanggunian :
Baisa – Julian Ailene et. Al, Pinagyamang Pluma sa Filipino 7
Google Internet Information about the lessons
Google Internet Pictures/Icons
Modyul Blg.1: Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao (Pabula,
Epiko, Dula, Kuwentong-bayan at Maikling kuwento
Most Essential Learning Competencies (MELCS)
Unang Markahan Baitang 7 Supplemental Lesson Plan
https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%207%20
Q1.pdf https://peac.org.ph/wp-content/uploads/2019/10/FilipinoGr7Qtr1-
Reg.pdf
13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education- Region VII- Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
Email Address: [email protected]