document

1
Nararapat Ka Ba? ni Cythia Paulette Brotonel Isang salita, walong letra, apat na pantig ngunit may malalim na pakahulugan. "Kalayaan" ang tanging bagay na inaasam-asam na makamit ng ating mga ninuno. Kalayaang nagtulak sa kanila upang labanan ang kalupitan at karahasan ng dayuhang mananakop. Ngunit ang malaking tanong, nararapat ba tayo s kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno o mga dayuhan rin ba tayong walang pagpapahalaga sa sakripisyo ng ating mga bayaning iniidolo. Nabigyan tayo ng kalayaang maisawika ang ating saloobin, makapagpahayag ng ating mga nais sabihin. Kung ating babalikan ang nakaraan, ang nobela ni Gat Jose Rizal na tumutuligsa sa gobyernong kinabibilangan, ang nagdala sa kanya sa bingit ng kamatayan. Ngunit sa kasalukuyan, tayo ay mayroon ng kalayaang maihatid at maipagbigay-alam sa gobyerno ang ating mga saloobin, makapagsalita ng walang pangamba. Hindi ba't tunay na napakapalad natin dahil sa kalayaang ipinagkaloob sa atin. Binigyan tayo ng ating mga magulang ng kalayaang makihalubilo sa ibang tao, makalabas ng bahay at makipagliwaliw kasama ng ating mga kaibigan, ngunit mapapansing sa patuloy na pagbabago ng panahon, alinsabay niti ang makalimot sa ating mga limitasyon. Ang kabataan ngayon ay bihira nating makikita sa kanilang mga bakuran na naglilinis, nag-aaral, bagkus ay palaging gala o tambay sa pampublikong lugar, ika nga ng iba, tamad mag-aral at sakit sa ulo ng mga magulang. Nararapat ba tayo sa kalayaang ito? o abusado rin tayo, kung kaya't mas nararapatna ipagkait ito? Isa pa sa mga kalayaan natin ngayon, ako bilang isang babae, ay ang kalayaang makapagtrabaho na dati -rati'y hindi ipinahihintulot. May kakayahan tayong makapag-ambag ng tulong pinansyal sa ating pamilya. Kasama rin sa kalayaang ito, ang kalayaang makaboto lalo't higit ang maiboto sa mga pambansang halalan, maging mga halalan sa maliit na sektor ng komunidad. Kalayaang nasa kamay na natin. Huwag magpabaya! Sumigaw at sabihing, nararapat ako!

Upload: judith-fetalver

Post on 17-Aug-2015

219 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

document

TRANSCRIPT

Nararapat Ka Ba? ni Cythia Paulette BrotonelIsang salita, walong letra, apat na pantig ngunit may malalim na pakahulugan. "Kalayaan" ang tanging bagay na inaasam-asam na makamit ng ating mga ninuno. Kalayaang nagtulak sa kanila upang labanan ang kalupitan at karahasan ng dayuhang mananakop. Ngunit angmalaking tanong, nararapat ba tayo s kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno o mga dayuhan rin ba tayong walang pagpapahalaga sa sakripisyo ng ating mga bayaning iniidolo.Nabigyan tayo ng kalayaang maisawika ang ating saloobin, makapagpahayag ng ating mga nais sabihin. Kung ating babalikan ang nakaraan, ang nobela ni at !ose "i#al na tumutuligsa sa gobyernong kinabibilangan, ang nagdala sa kanya sa bingit ng kamatayan. Ngunit sa kasalukuyan, tayo ay mayroon ng kalayaang maihatid at maipagbigay-alam sa gobyerno ang ating mga saloobin, makapagsalita ng walang pangamba. $indi ba%t tunay na napakapalad natin dahil sa kalayaang ipinagkaloob sa atin.Binigyan tayo ng ating mga magulang ng kalayaang makihalubilo sa ibang tao, makalabas ng bahay at makipagliwaliw kasama ng ating mga kaibigan, ngunit mapapansing sa patuloy na pagbabago ng panahon, alinsabay niti ang makalimot sa ating mga limitasyon. &ng kabataan ngayon ay bihira nating makikita sa kanilang mga bakuran na naglilinis, nag-aaral, bagkus ay palaging gala o tambay sa pampublikong lugar, ika nga ng iba, tamad mag-aral at sakit sa ulo ng mga magulang. Nararapat ba tayo sa kalayaang ito? o abusado rin tayo, kung kaya%t mas nararapatna ipagkait ito?Isa pa sa mga kalayaan natin ngayon, ako bilang isang babae, ay ang kalayaang makapagtrabaho na dati -rati%y hindi ipinahihintulot. 'ay kakayahan tayong makapag-ambag ng tulong pinansyal sa ating pamilya.Kasama rin sa kalayaang ito, ang kalayaang makaboto lalo%t higit ang maiboto sa mga pambansang halalan, maging mga halalan sa maliit na sektor ng komunidad.Kalayaang nasa kamay na natin. $uwag magpabaya( )umigaw at sabihing, nararapat ako(