1
01 Filipino Para sa mga Magulang
●02 Paano mag-enrol sa eskuwelahan
●03 Ang Sistemang pang-edukasyon ng Japan
●04 Ang Kindergarten
●05 Ano ang nangyayari sa loob ng eskwelahang pang-elementarya?(Buhay studyante)
●06 Ano ang nangyayari sa loob ng eskwelahang pang-elementarya?(pangyayari)
●07 Ano ang nangyayari sa loob ng eskwelahang Gitnang Paaralan?(Buhay studyante)
●08 Ano ang nangyayari sa loob ng eskwelahang Gitnang Paaralan?(pangyayari)
●09 Ang daan pagkatapos ng gitnang paaralan
●10 Ano ang High school?
●11 Ang mga patakaran sa pagkuha ng pasukan pagsusulit
●12 Pagkatapos ng mataas na paaralan
●13 Mga kagamitan para sa eskuwela
●14 Ang programa ng paaralan at munisipyo ukol sa pagsalin
●15 Listahan ng mga pang-internasyonal na paaralan
●16 Mga klase sa wikang hapon sa loob ng paaralan at sa komunidad
●17 Saan makakapagkonsulta tungkol sa mga problema sa pamumuhay, pagtratrabaho, pagpapagamot
at Edukasyon (Listahan ng mga opisina)
●18 Ang Sistema ng pagturo ng pambokasyon sa eskwela (Osaka Prefecture Human Resources Bank)
●19 Lugar kung saan makakakuha ng imporasyon tungkol sa trabaho (Listahan ng Hello work)
●20 Bukod sa mga karaniwang klase sa mataas na paaralan, mayroong mga paaralan na naghahandog
ng dalubhasang karunungan at pagsasanay sa kakayahan (Pagkuha ng kasanayan para
makapagtrabaho)
●21 Ano na pagkatapos ng gitnang paaralan? Malapit na kaming umuwi sa bansa namin. (Career ng
bata)
●22 Ayaw nang bata na pumunta sa eskwela. (Hindi pumapasok?)
2
Para sa pag-enrol sa eskuwelahan
02 Paano mag-enrol sa eskuwelahan TOP
◎Para sa mga baguhang papasok (papasok sa eskuwela mula sa unang baitang)
◆Kindergarten
1.Mga banyaga na na na-isyuhan na ng “Resident Card”, dalhin ito at magpunta sa dibisyon ng pamamayan
ng inyong munisipyo.
2.Humingi ng aplikasyon mula sa paaralang kindergarten kung saan gusto ninyong ipadala ang inyong anak.
Sagutin ang lahat ng tanong at isumite sa tanggapan ng kindergarten.
3.Pumunta sa kindergarten na inaplayan ninyo sa takdang araw na ibinigay.
◎Para sa mga baguhang papasok (papasok sa eskuwela mula sa unang baitang)
◆Para sa elementarya at gitnang paaralan
1.Mga banyaga na na na-isyuhan na ng “Resident Card”, dalhin ito at magpunta sa dibisyon ng pamamayan
ng inyong munisipyo.
2.Ipagpaalam sa Lupon ng Edukasyon, Dibisyon ng Pagngangasiwa ng mga paaralan, ang intensyon ninyo
na ipaaral ang bata. Pagkatanggap ng Gabay para sa pagpasok sa paaralan, sagutin ang lahat ng tanong at
isumite sa nararapat na tanggapan.
Para sa mga magulang o tagapag-alaga na dati ng naka-rehistro at naninirahan sa Osaka, papadalhan sila
ng Lupon ng edukasyon ng kopya ng gabay pagsapit ng bata sa wastong gulang upang mag-aral. Marapat
lamang na sagutin ito at isumite.
3.Sa takdang araw, ang bata, kasama ang kanilang magulang o tagapag-alaga ay tutungo sa eskuwelahan.
Huwag kalimutang dalhin ang permiso na naitanggap mula sa Dibisyon ng Pangangasiwa ng mga paaralan.?
Sa mga paaralan ng Hapon, ang baitang ng bata ay batay sa kanyang gulang.
Para sa mga nahihirapan pang makaintindi ng wikang Hapon sa loob ng mga klase sa elementarya o gitnang
paaralan, mayroon mga lokalidad na pinapayagan ang mga tagapag-salin na pumasok sa silid-paaralan.
Kung mahirap pahintulutan ang tagapag-salin tuwing klase, maari naman nilang samahan ang mga
magulang o tagapag-alaga tuwing kailangan nilang bumisita sa paaralan, katulad ng tuwing pagpupulong
kasama ang guro at iba pang okasyon. Para sa karagdagang kaalaman, maaring magtanong sa guro. (Ito
ay maaring gawin kahit sa kindergarten at mataas na paaralan).
◆Para sa mataas na paaralan
Upang makapasok sa mataas na paaralan, kailangan na kumuha ng entrance exam. Para sa karagdagang
detalye pumunta sa bahagi tungkol sa daan pagkatapos ng gitnang paaralan at ang sistema sa pagkuha ng
pasukan pagsusulit.
◎Mga lilipat na estudyante (mga estudyanteng papasok sa mga paaralang Hapon sa baitang bukod
sa una)
◆Para sa elementarya
1.Mga banyaga na na na-isyuhan na ng “Resident Card”, dalhin ito at magpunta sa dibisyon ng
pamamayan ng inyong munisipyo.
2.Ipagpaalam sa Lupon ng edukasyon, dibisyon ng pangangasiwa ng mga paaralan, ng inyong lugar ang
inyong intensyon na lumipat ng paaralan. Makakatanggap kayo ng gabay sa pagpasok. Matapos sagutin
isumite sa nararapat na tanggapan.
3.Sa takdang araw, tumungo sa nakasaad na paaralan. Dalhin ang natanggap na permiso mula sa
3
dibisyon ng pangangasiwa ng mga paaralan.
◆Para sa mataas na paaralan
Para sa mga nagnanais na mag-aral ng buong araw sa mga mataas na paaralan sa Osaka, pareho ang
mga magulang o tagapag-alaga at ang mag-aaral mismo ay dapat residente ng Osaka. Para sa mag-aaral
lamang ng part-time, ang mag-aaral ay dapat residente ng Osaka at kasalukuyang nagtratrabaho.
Kailangan din isumite ang kanilang mga papeles mula sa dati nilang paaralan sa ibayong dagat.
1.Ipagpaalam sa Bureau ng Edukasyon ng Osaka (Grupo ng Pangasiwaan ng mga paaralan, Dibisyon ng
mataas na paaralan, Pagpapalawig ng Edukasyon) ang inyong intensyon na lumipat ng paaralan.
2.Sa Bureau ng Edukasyon, inaalam kung ang aplikante ay kwalipikado na lumipat ng paaralan. Matapos
tiyakin ang kakayahan niyang makaintindi ng wikang Hapon, ang susunod na hakbang ay ang
pakikipagkonsulta sa tanggapan para sa mga lilipat ng paaralan.
3.Ang mga pagsusulit sa paglipat ng eskuwelahan ay nagaganap palagi bago mag-umpisa ang bawat
termino. Magkaiba ang pagsusulit sa bawat paaralan ngunit ito ay karaniwang pagsusuri ng kakayahan na
matuto.
4. Ang aplikante ay maaring pumasok sa paaralan pagkapasa sa pagsusulit.
4
03 Ang Sistema ng pang-edukasyon ng Japan TOP
* May kurso ng apat na taon tulad ng pang-gabi na part-time, atbp.
5
04 Ang Kindergarten TOP
Ang Kindergarten ang kauna-unahang institusyong pang-edukasyon na maaring pasukan ng mga bata.
Mula anyos tatlo hanggang bago silang pumasok sa elementarya, maari silang makatanggap ng
magkaparehong uri ng edukasyon mula saanman sa Japan. (May mga paaralan din ang pumapayag na
ang mga batang nakaabot na ng tatlong taong gulang na pumasok sa gitna ng taon, at hindi na kailangang
maghintay para sa umpisa ng pasok tuwing Abril.) Ang Kindergarten, bilang pinaka-unang karanasan ng
mga bata sa pakikisama sa isang malaking grupo, ay nagpapalago ng kakayahan ng bawat mag-aaral.
Magkaiba ang kindergarten sa elementarya at gitnang paaralan dahil walang aklat ang ginagamit at ang
pag-aaral ay naka-sentro sa paglalaro. Mula sa ibatarya, maari silang makatanggap ng magkaparehong uri
ng edukasyon mula saanman sg kanilang bokabularyo, at ipagpahalaga ang kagandahan at misteryo ng
kalikasan. Mula dito naitatatag ang pundasyon ng pag-aaral sa elementaryo.
Kahit na tinatawag ito na laro, sinisikap ng guro na pag-isipan kung ano ang mga karanasan na
kinakailangan para sa pagpapaunlad ng bawat bata at lumilikha ng plano patungo sa pagpapatupad nito. Sa
ganitong paraan, nakakasigurado ang patuloy na paggagabay.
【Mga baitang】
Ang mga klase ay nahahati sa 3 taon, 4 na taon at 5 taong gulang na mga seksyon.
【Mga guro】
Ang bawat guro ay humahawak ng klase na may 35 na estudyante o mas kaunti kaysa dito. Nariyan din
ang prinsipal at ang mga tauhan sa pagmamalakad ng paaralan.
【Mga distrikto】
Ang mga pampublikong paaralan ay nahahati sa mga distrikto. Ang mga pribadong paaralan ay walang
ganitong sistema.
【Mga bakasyon】
May bakasyon tuwing tag-init, taglamig at tagsibol na panahon. Ang mga pampublikong kindergarten ay
walang klase tuwing sabado.
Ang pagkakaiba ng pampubliko at pampribado na paaralan
Parehong pumapailalim sa awtoridad ng Ministeryo ng Edukasyon. Subalit ang bayarin para sa daycare
sa mga pampribadong paaralan ay masmagastos, may klase sa pagtuto ng Ingles, at maaring pahabain ang
oras ng daycare.
●Mga pangunahing kaganapan (maaring umiba sa bawat paaralan)
Abril – Panimulang seremonya para sa unang termino, Pagpasok na seremonya, pagbisita sa bahay
Mayo – Araw ng mga bata, Umpisa ng pagdala ng baon, Araw ng mga ina, mga field trip
Hunyo – Araw ng pagpapahalaga sa kalusugan ng ngipin, Araw ng mga ama, Pagsusuri ng doktor,
Pangwakasang seremonya para sa unang termino
Hulyo – Paglaro sa tubig, Piesta ng Tanabata, Magdamagang childcare, Pangwakas na seremonya para sa
6
unang termino
Agosto – Bakasyon sa tag-init
Setyembre – Araw ng paggalang sa mga nakakatanda
Oktubre – Paligsahan sa palakasan, Pag-ani ng patatas, field trip
Nobyembre – Piesta ng shichisango, Araw ng manggagawa
Disyembre – Pagtanghal ng mga gawa ng mga estudyante, Pasko, Ang paglinis bago mag-bagong taon,
Pangwakasang seremonya para sa pangalawang termino
Enero – Bakasyon sa taglamig, Panimulang seremonya para sa pangatlong termino
Pebrero – Piesta ng paghagis ng patani
Marso – Piesta ng Hina, Pangwakas na seremonya para sa pangatlong termino, Bakasyon sa Tagsibol
* Meron rin mga pang-eskwelahang iskursyon na kasama ang mga magulang, at mga iskursiyon na kasama
lamang ang mga guro. Isang beses bawat buwan, ipinagdidiwang ang kaarawan ng lahat na naisilang sa
buwan na iyon.
7
05 Ano ang nangyayari sa loob ng eskwelahang pang-elementarya?(Buhay studyante)
TOP
Sa prefektyur ng Osaka ang mga sumusunod ay nakatakdang mga patnubay. Maari ang mga ito ay
magkaiba sa bawat paaralan, kaya’y marapat na tanungin ang inyong mga guro.
◆Pagpunta sa Eskuwela
1. Ang daan papuntang eskuwela
Mayroon mga nakatakdang landas papunta sa bawat eskuwela upang makasigurado sa kaligtasan ng mga
mag-aaral. Ang mga tawag dito ay “tsuugakuro”. Ang mga landas na ito ay pinili bilang pinakaligtas na
daanan kaya marapat na ang mga ito ay gamitin.
2. Mga paraan sa pagpunta sa eskuwela
○Magkagrupo
Mga bata na nakatira malapit sa isa’t-isa ay lumalakbay papuntang eskuwela ng sabay-sabay.Manigurado
na makarating sa lugar ng pagtatagpo sa takdang oras.
○Sarilinan
Ang bata ay lumalakbay papuntang paaralan ng mag-isa o kasama ang kapitbahay.
◆Simula ng klase
Nag-sisimula ang klase bawat araw ng mga 8:25 hanggang 8:30 ng umaga. Siguraduhing dumating sa
paaralan ng sampung minuto bago magsimula ang klase. Kapag hindi pumunta sa eskuwelahan bago ang
oras na ito itinuturing na “late” ang mag-aaral. Marapat na ipaalam sa eskuwelahan kung ang estudyante
ay mahuhuli o liliban sa klase buhat ng sakit o ibang dahilan
◆Oras ng pag-aaral
Ang bilang ng mga klase at oras ng labasan ay umiiba batay sa araw at baitang. Para sa ika-anim na
baitang, nagsisimula ang klase sa 8:30 at may 4 na klase sa umaga (bawat klase ay tumatagal ng 45
minuto). Pagkatapos ng tanghalian (maaring laan ng paaralan o baon), meron 2ng klase natitira sa hapon.
Sa isang araw, ang mga klase ay tumatagal ng 5 o 6 na oras sa kabuuan. Ang pag-aaral ay naka-sentro sa
direksyon ng guro.
◆Mga tanghalian linalaan ng paaralan o baon (tanghaliang dala mula sa bahay)
Halos lahat ng paaralang pang-elementarya sa Osaka ay naglalaan ng tanghalian para sa mga estudyante.
Sa tanghalian, ang mga bata ay pumapalit kung sino ang may tungkulin sa pagmamahagi ng pagkain at sa
paglilinis pagkatapos. Ito ang tinatawag na pagiging “kyushoku touban”.
May mga araw na walang nakalaan na tanghalian ang eskuwela, katulad ng unang araw ng pasukan o
tuwing may magaganap sa paaralan. Sa mga okasyon na ito, kinakailangan magdala ng baon. Magbibigay-
alam ng eskuwela ng maaga bago ito magaganap.
Kung merong mga pagkain na hindi makakain ng bata dahil sa kanyang relihiyon o dahil ito ay
nakakasama sa kanya, marapat na makipag-konsulta sa guro upang malaman ang maaring gawin.
Ang mga tanghalian linalaan ng eskuwelahan ay dapat bayaran ng mga magulang o ng tagapag-alaga. Ito
ay nagkakahalaga ng 3500 yen hanggang 4500 yen bawat buwan.
◆Oras ng paglilinis
May oras bawat araw na nakalaan sa paglilinis. Sa elementarya, ito ay nagaganap pagkatapos ng
tanghalian. Nililinis ng mga bata ang silid-aralan, ang hagdanan, ang pasilyo, ang palikuran at iba pa.
Linisin natin ng sama-sama ang lugar kung saan tayo’y nag-aaral ng sama-sama.
8
◆Uwian
Ang mga mag-aaral ay ginagamit ang parehong daan sa pag-uwi. Ang oras ng uwian ay umiiba batay sa
baitang at araw ng linggo. Naiiba din ito tuwing araw na may magaganap sa paaralan. Ipagpapaalam ng
paaralan ng maaga bago ito magaganap.
◆Damit pampaaralan
Halos lahat ng paaralan sa elementarya ay pinapayagan na suotin ng estudyante ang anuman na gusto
nila. Ngunit meron din mga eskuwela na may takdang uniporme.
Tuwing oras ng P.E. kinakailangan na magpalit ang mga mag-aaral sa kanilang P.E. uniform upang sila ay
malayang makakagalaw. Bukod sa mga pangsilid-aralan na mga sapatos, may mga paaralan na
kinakailangang magpalit ang mga mag-aaral sa mga sapatos na para lamang sa loob ng dyim.
Kung ang bata ang itinakdang mamahagi ng tanghalian para sa araw, kinakailangan niyang gumamit ng
takip sa mukha, epron, at sumbrero. Ang takip sa mukha ay dapat pangsariling-gamit lamang.
Tuwing klase ng palangoy sa panahon ng tag-init, kinakailangan na magsuot ng kasuotang panligo at takip
para sa ulo (swimsuit at swimming cap). Kapwang pangsariling-gamit lamang. Dapat sulatin ang pangalan
ng bata sa sariling kagamitan. Para sa karagdagang kaalaman, makipagusap sa paaralan.
◆Ang klase
Ang isang klase ay binubuo ng 40 na estudyante o mas mababa at isang moderator na guro. Bagama’t ang
moderator ang namumuno sa mga klase, maaring may ibang guro ang magtuturo ng arts and crafts, musika,
o karunungang pang-bahay. Posible rin na hindi lamang iisa ang itatakdang guro para sa mga ito.
※Ang bawat paaralan ay may kanya-kanyang tinatalakay, mga gawain sa umpisa at wakas ng klase, at iba’t-
ibang pagdiriwang ng paaralan. Kung may hindi malinaw o pagaatubili huwag mahiyang magtanong kaagad
sa guro.
◆Ang Kurikulum
Ito ay ang mga sabjek para sa bawat baitang.
1-2 na baitang: Wika (Hapon), Aritmetika, Buhay, Musika, Arts and Crafts, P.E., Natatanging sabjek “Moral
Values”
3-4 na baitang: Wika (Hapon), Aritmetika, Araling Panlipunan, Science, Musika, Arts and Crafts, P.E.,
Natatanging sabjek “Moral Values”, mga aktibidad sa wikang banyaga
5-6 na baitang: Wika (Hapon), Aritmetika, Araling Panlipunan, Science, Musika, Arts and Crafts, P.E.,
Karunungang Pambahay, Natatanging sabjek “Moral Values”, mga akitibidad sa wikang banyaga
※Bukod sa mga ito, mayroong oras para sa mga natatanging gawain (sa silid-aralan, sa konseho ng mag-
aaral, club, mga kaganapan ng eskwela) at pangkalahatang edukasyon.
Ang mga natatanging gawain ay masasabing katulad ng mga gawain ng konseho ng estudyante, na
pinapatupad mismo ng mga bata upang gawing mas maganda ang pamumuhay sa eskwela.
◆Mga gamit para sa silid-aralan
Ang mga aklat-pampaaralan ay libre. Ang ibang gamit na kakailanganin maliban sa mga aklat ay marapat
lamang na ihanda sa bahay. May mga klase na nangangailangan na dalhin ng mga estudyante ang sarili
nilang gamit.
Pambansang Wika (Hapon) – panulat na brush, tinta atbp.
Musika – Silindro na may teklado, rekorder atbp.
9
Arts and Crafts – akwarela, krayola, kraypas atbp.
Karunungang Pantahanan – mga gamit pantahi atbp.
Batay sa aralin, ang mga gamit na itinakdang kailangan ng paaralan ay sabay-sabay na binibili ng paaralan
para sa lahat kaya may kasong maniningil para sa mga sari-saring gamit.
◆Mga tagapagsalin
Para sa mga magulang o tagapag-alaga at kanilang mga anak na kasalukuyang nahihirapan makipag-usap
sa wikang Hapon, may eskuwelahan ng maaring ipagpatawag ang mga tagapagsalin. Para sa
karagdagang kaalaman, ikonsulta ang guro.
◆Mga pagsusuring medical
【Mga pagsusuring medikal】
Mga paaralan sa Japan ay itunuturing mahalaga ang pagsusuring medikal. Mayroong maraming uri ng
pagsusuring medikal.
- Pagsisiyasat sa kalusugan (pagkuha ng kasaysayan, pagsusuri ng kasalukuyang kalagayan)
- Pagsukat ng tangkad at timbang, pagsuri sa loob ng katawan (kondisyon ng tiyan), pagsuri sa mga mata
(tungkol sa kalusugan ng mga mata), pagsuri sa tenga at ilong (tungkol sa kalusugan ng tenga at ilong),
pagsuri sa ngipin (tungkol sa kalusugan ng ngipin), pagsuri sa paningin (tungkol sa antas ng paningin),
pagsuri sa pandinig (tungkol sa pagpaparinig ng tunog)
- Pagsusuri para sa TB (Tuberculin reaction test)
- Pagsusuri sa puso (ECG) Lahat ng mag-aaral ng unang grado ng elementarya ay kinakailangang
sumailalim sa pagsusuring ito.
- Pagsusuri ng ihi
※Mayroong din mga okasyon na kinakailangang sumailalim sa pagsusuri bago lumahok sa mga
nakakapagod na gawain, katulad ng paglalangoy, takbuhan, pag-akyat ng bundok at magdamagang
paglalakbay.
◆Ang talaan ng marka
Ang mga grado at pagsapi sa mga gawain ng paaralan ng bata ay nakatala dito. Natatanggap ito sa araw ng
Pangwakas na seremonya, ang huling araw ng termino. Pagkatapos na ipakita sa mga magulang o tagapag-
alaga, binabalik ito sa guro sa araw ng Panimulang seremonya, ang unang araw ng susunod na termino.
10
06 Ano ang nangyayari sa loob ng eskwelahang pang-elementarya? (pangyayari) TOP
Buhay studyante sa elementarya at mga kaganapan
Nag-uumpisa ang bawat school year mula Abril at nagwawakas sa Mayo sa susunod na taon. Karamihan ng
paaralan ay hinahati ang taon sa tatlong bahagi (trimester), ngunit meron ding mga paaralan na hinahati ang
taon sa dalawa o tatlong bahagi. Maraming pagdidiriwang ang nagaganap sa eskwelahan. May okasyon na
kinakailangan ang pag-dalo ng mga magulang o ng tagapag-alaga. Mayroon ding kinakailangan ng kaunting
pag-laan ng salapi. Ang paaralan mismo ang makakapagbigay ng karagdagang impormasyon. Ang
pagtawag sa kaganapan ay maaring magkaiba sa bawat paaralan at lokasyon ng tirahan, ngunit ang mga ito
ay maraming pagkakahawig, katulad ng nakaasaad sa sumusunod ng may tatlong termino.
Unang termino (Abril- Hulyo)
●Panimulang seremonya
Ginaganap sa unang araw ng pasukan. Ang bawat antas ng buong paaralan ay karaniwang kasapi dito
●Seremonya ng pagpasok
Ito ay pagdiwang sa pagtanggap ng mga estudyante sa unang baitang. Ang mga magulang o ang
tagapag-alaga ay maari ding dumalo.
●Pagsusuring medikal
Tinitingnan ng doctor kung nasa magandang kalusugan ang mga estudyante.
●Pagsukat ng tangkad at timbang
Sinusukat ang tangkad at timbang ng mga mag-aaral
●Pagbisita sa bahay
Ang guro ay bumibisita sa bahay ng bata upang pag-usapan ang sitwasyon sa bahay sa mga magulang o
tagapag-alaga.
●Field Trip
Ang mga bagay-bagay na hindi maaring mapag-aralan sa loob ng silid-aralan ay pinagaaralan sa labas.
Maaring dumapo sa mga paksa na nauugnay sa kalikasan, kasaysayan, kultura at iba pa.
●Pagbisita sa silid-aralan
Mga magulang o ang mga tagapag-alaga ay maaring magbisita sa silid-aralan upang malaman ang mga
karanasan ng mga bata sa eskwelahan.
●Pagpupulong ng mga magulang at guro
Ang mga gulang o mga tagapagalaga ay nakikipagkita sa guro ng isang beses bawat termino at
pinag-uusapan ang pag-aaral, ang buhay sa paaralan at sa bahay ng mga bata
● Pagpupulong sa klase
Ang mga magulang o tagapag-alaga ay dumadating sa klase upang pag-usapan sa guro tungkol sa
kanilang mga anak.
●Pagpupulong ng mga magulang, anak at guro
Nakikipag-usap ang tatlo (o apat) na guro, ang mga magulang o tagapag-alaga at bata tungkol sa buhay
sa paaralan at bahay. Ito ay karaniwang nagaganap malapit sa dulo ng termino.
●Pag-aral ng paglangoy
May mga swimming pools karamihan sa mga paaralan. May mga swimming classes na ginaganap tuwing
gitna ng Hunyo hanggang Hulyo.
●Pangwakas na seremonya
Ito ay ginaganap tuwing magtatapus ang isang termino sa paaralan. Nagpupulong ang buong paaralan.
●Tag-init na bakasyon
Ito ay isang mahabang bakasyon na tumatagal ng tatlumpu hanggang apatnapung araw. Sa panahong ito,
11
maaring bumalik ang mga mag-aaral sa eskwelahan para sa mga klase sa paglalangoy, mga gawain para
sa kanilang mga klub, at iba pa.
Pangalawang Termino (Setyembre-Disyembre)
●Paligsahan
Ang layunin nito ay gawing masaya ang pisikal na pagkilos sa pamamagitan ng mga paligsahan katulad
ng takbuhan, relay race, pagsasayaw at pag-cheer sa kapwa kaklase.
Depende sa paaralan, maaring hilingin ang partisipasyon ng mga magulang. Karaniwang tinatawag na
“undoukai”.
●Field trip
Ang mga mag-aaral mula sa ika-anim na baiting ay sabay-sabay maglalakbay sa isang lugar at mananatili
ng magdamagan. Ito ay karaniwang nagaganap sa pangalawang termino.
●Pagdiriwang ng kultura, Pagpalabas ng mga gawa ng estudyante, Pagtanghal ng Arts
Ang mga bata ay nasisiyahan sa pagpapalabas ng kanilang mga gawa sa arts, crafts, karunungang
pantahanan; pageksibit ng kanilang mga pananaliksik sa araling panlipunan at science; pagtugtog ng mga
instrumentong musikal o pagkakanta; pagtatanghal ng dula at iba pa. Mga magulang o ang tagapag-alaga
ay karaniwang maaring dumalo.
●Taglamig na bakasyon (mula dulo ng Disyembre hanggang umpisa ng Enero)
Ang bakasyong ito ay tumatagal ng dalawang linggo.
Ikatatlong Termino (Enero-Marso)
●Pagtatapos
Isang kaganapan ng selebrasyon kung saan binibigyan ng diploma ang mga kinikilala na nakatapos ng pag-
aaral.
●Pangwakas na seremonya
Nagaganap sa huling araw ng klase. Kadalasang nakatipon ang lahat ng mag-aaral.
●Tagsibol na Bakasyon
Ito ay nagtatagal ng mga dalawang linggo. Nagsisimula mula sa pagtapos ng Pangwakas na seremonya.
Pagkatapos ng bakasyon na ito, ang mga mag-aaral ay sinusulong sa susunod na baitang at isang
panibagong school year ay magsisimula muli sa Abril.
12
07 Ano ang nangyayari sa loob ng eskwelahang Gitnang Paaralan? (Buhay studyante)
TOP
Sa mga junior high school sa Osaka ang mga sumusunod ay nakatakdang mga patnubay. Maari ang mga
ito ay magkaiba sa bawat paaralan, kaya’y marapat na sumangguni sa inyong mga guro.
◆Pagpunta sa Eskuwela
1 Ang daan papuntang eskuwela
Mayroon mga nakatakdang landas papunta sa bawat eskuwela upang makasigurado sa kaligtasan ng mga
mag-aaral. Ang mga tawag dito ay “tsuugakuro”. Ang mga landas na ito ay pinili bilang pinakaligtas na
daanan kaya marapat na ang mga ito ay gamitin.
2 Paraan pagpunta sa eskuwela
Ang paraan ang pagpunta sa eskuwela nang mag-isa o kasama ang mga batang kapitbahay. Sa gitnang
paaralan, ang mga estudyate ay kadalasang pumapasok sa paaralan nang isa’t isa.
◆Simula ng klase
Nag-sisimula ang klase bawat araw ng mga 8:25 hanggang 8:30 ng umaga. Siguraduhing dumating sa
paaralan ng mga sampung minuto bago magsimula ang klase . Kapag hindi dumating sa eskuwelahan
bago ang oras na ito, ituturing na “late” ang mag-aaral. Marapat na ipaalam sa eskuwelahan kung ang
estudyante ay mahuhuli o liliban sa klase buhat ng sakit o ibang dahilan.
◆Oras ng pag-aaral
Ang bilang ng mga klase at oras ng labasan atbp ay magkapareho para sa lahat ng baitang. Nagsisimula
ang klase ng 8:30 am at may 4 na klase sa umaga (bawat klase ay nagtatagal ng 50 minuto). Pagkatapos
ng tanghalian mayroong 2 pang klase sa hapon. Sa kabuuan may 5-6 na oras ng klase sa isang araw.
Magkakaiba ang guro para sa bawat klase
◆Baon (hinahanda sa bahay)
Para sa mga eskwelehang may “kyuushoku”, ang mga bata ay nagpapalitan kung sino ang may tungkulin
sa pagmamahagi ng tanghalian at sa paglilinis pagkatapos. Ito ang tinatawag na pagiging “kyushoku
touban”.
May mga araw na walang nakalaan na tanghalian ang eskuwela, katulad ng unang araw ng pasukan o
tuwing may magaganap sa paaralan. Sa mga okasyon na ito, kinakailangan magdala ng baon. Magbibigay-
alam ng eskuwela ng maaga bago ito magaganap.
Kung merong mga pagkain na hindi makakain ng bata dahil sa kanyang relihiyon o dahil ito ay
nakakasama sa kanya, marapat na makipag-konsulta sa guro upang malaman ang maaring gawin.
Ang mga tanghalian linalaan ng eskuwelahan ay dapat bayaran ng mga magulang o ng tagapag-alaga. Ito
ay nagkakahalaga ng 3,400 yen hanggang 5,900 yen bawat buwan.
Subalit, halos lahat ng gitnang paaralan sa Osaka ay hindi naghahanda ng tanghalian para sa mag-
aaral(kyuushoku). Maari lamang magdala ng sarili ninyong baon pagpunta sa eskwela. May mga paaralan
na may kantina kung saan makakabili ng pagkain. Kumain lamang sa loob ng paaralan. Ipinagbabawal ang
paguwi ng bahay para klumain ng pananghalian.
◆Oras ng paglilinis
Bago mag-uwian, may oras bawat araw na nakalaan sa paglilinis. Nililinis ng mga bata ang silid-aralan, ang
hagdanan, ang pasilyo, ang palikuran at iba pa. Linisin natin ng sama-sama ang lugar kung saan tayo’y
nag-aaral ng sama-sama.
13
◆Mga club o mga samahan
Pagkatapos ng oras ng pag-aaral, maaring kayong makisali sa mga gawain na may kaugnay sa isport na
kung saan naipapamalas ang inyong kahusayan o sa mga klab na may kaugnay sa kultura.
◆Uwian
Ang mga mag-aaral ay ginagamit ang parehong daan sa pag-uwi na ginamit nilang papunta sa eskwela.
Ang oras ng uwian ay magkaiba batay sa baitang at araw ng linggo. Umiiiba din ito tuwing araw na may
magaganap sa paaralan. Ipagpapaalam ng paaralan ng maaga bago ito magaganap.
◆Damit pampaaralan
Karamihan ng gitnang paaralan ay may sarili nilang takdang uniporme. Ang mga mag-aaral ay dumadating
sa eskwela na suot-suot ang mga ito (mayroon para sa taglamig at para sa tag-init na panahon).
Tuwing oras ng P.E. kinakailangan na magpalit ang mga mag-aaral sa kanilang P.E. uniform upang sila ay
malayang makakagalaw. Bukod sa mga pangsilid-aralan na mga sapatos, may mga paaralan na
kinakailangan magpalit ang mga mag-aaral sa mga sapatos na para lamang sa loob ng dyim.
Tuwing klase ng palangoy sa panahon ng tag-init, kinakailangan na magsuot ng kasuotang panligo at takip
para sa ulo (swimsuit at swimming cap). Kapwang pangsariling-gamit lamang. Dapat sulatin ang pangalan
ng bata sa sariling kagamitan. Para sa karagdagang kaalaman, konsultahin ang paaralan.
◆Ang mga klase
Ang adviser ay may hawak ng klase na binubuo ng 40 na bata pababa. Ang adviser ay maaring may
katulong-guro. Magkakaiba ang guro para sa bawat subject.
※Ang bawat paaralan ay may kani-kanilang tinatalakay, mga gawain sa umpisa at wakas ng klase, at iba’t-
ibang pagdiriwang ng paaralan. Kung may hindi malinaw o pagaatubili huwag mahiyang magtanong
kaagad sa guro.
◆Ang mga tinatalakay
Mayroong pambansang wika (Hapon), Matematika, Araling Panlipunan, Science, Musika, Arts, Kalusugan
at P.E., Teknolohiya at Karunungang Pantahanan, Banyagang wika (Ingles), natatanging sabjek “Moral
Values”.
※Bukod sa mga ito, mayroong oras para sa mga natatanging gawain (sa silid-aralan, sa konseho ng mag-
aaral, mga club, at mga kaganapan sa eskwela) at pangkalahatang edukasyon.
◆Mga Kagamitan sa klase
Ang mga aklat-pampaaralan ay libre. Ang ibang gamit na kakailanganin ay marapat lamang na handain sa
bahay. May mga klase na nangangailangan na dalhin ng mga estudyante ang sarili nilang kagamitan.
Pambansang wika (Hapon) – panulat na brush, tinta atbp
Teknolohiya at Karunungang Pantahanan – mga gamit sa pananahi
Batay sa aralin, ang mga gamit na itinakdang kailangan ng paaralan ay sabay-sabay na binibili ng paaralan
para sa lahat kaya may kasong maniningil para sa mga sari-saring gamit.
◆Mga tagapagsalin
Para sa mga magulang o tagapag-alaga at kanilang mga anak na kasalukuyang nahihirapan makipag-usap
sa wikang Hapon, may eskuwelahan ng maaring ipagpatawag ang mga tagapagsalin. Para sa
karagdagang kaalaman, ikonsulta ang guro.
14
◆Mga pagsusuring medikal
【Mga pagsusuring medikal】
Mga paaralan sa Japan ay pinagpapahalagahan ang pagsusuring medikal. Mayroong maraming uri ng
pagsusuring medikal.
- Pagsisiyasat sa kalusugan – (pagkuha ng kasaysayan, pagsusuri ng kasalukuyang kalagayan)
- Pagsukat ng tangkad at timbang, pagsuri sa loob ng katawan (kondisyon ng tiyan), pagsuri sa mga mata
(tungkol sa kalusugan ng mga mata), pagsuri sa tenga at ilong (tungkol sa kalusugan ng tenga at ilong),
pagsuri sa ngipin (tungkol sa kalusugan ng ngipin), pagsuri sa paningin (tungkol sa antas ng paningin),
pagsuri sa pandinig (tungkol sa pagpaparinig ng tunog)
- Pagsusuri para sa TB (Tuberculin reaction test)
- Pagsusuri sa puso (ECG) Lahat ng mag-aaral ng unang grado ng elementarya ay kinakailangang
sumailalim sa pagsusuring ito
- Pagsusuri ng ihi
※Mayroong din mga okasyon na kinakailangang sumailalim sa pagsusuri bago lumahok sa mga
nakakapagod na gawain, katulad ng paglalangoy, takbuhan, pag-akyat ng bundok at magdamagang
paglalakbay
◆Periyodikong pagsusulit
Sa gitnang paaralan, mayroong 5 o anim na periyodikong pagsusulit bawat taon (sa gitna at dulo ng bawat
termino). May mga klase na nangangailangan ng 1ng pagsusulit lamang bawat termino, ang iba 2, may iba
rin na walang pagsusulit anuman, at may iba na binabatay ang grado ng estudyante sa kanilang
partisipasyon sa klase lamang. Ang mga periyodikong pagsusulit ay binibigay sa loob ng 2 o 3 araw.
Mayroong mga paaralan na nagbibigay ng pagsusulit na maaring gawin sa bahay o mga pagsusulit na
bilang pagsusuri lamang. Magtanong sa guro para sa karagdagang detalye.
◆Ang talaan ng marka
Ang mga grado at partisipasyon sa mga gawain ng paaralan ng bata ay naka-ulat dito. Natatanggap ito sa
araw ng Pangwakas na seremonya, ang huling araw ng termino. Pagkatapos na ipakita sa mga magulang
o tagapag-alaga, binabalik ito sa adviser sa araw ng Panimulang seremonya, ang unang araw ng susunod
na termino.
15
08 Ano ang nangyayari sa loob ng eskwelahang Gitnang Paaralan? (pangyayari) TOP
Ang unang taon ng gitnang paaralan
Nag-uumpisa ang bawat school year mula Abril at nagwawakas sa Mayo sa susunod na taon. Karamihan ng
paaralan ay hinahati ang taon sa tatlong bahagi (trimester), ngunit meron ding mga paaralan na hinahati ang
taon sa dalawa o tatlong bahagi. Maraming pagdidiriwang ang nagaganap sa eskwelahan. May okasyon na
kinakailangan ang pag-dalo ng mga magulang o ng tagapag-alaga. Mayroon ding kinakailangan ng kaunting
pag-laan ng salapi. Ang paaralan mismo ang makakapagbigay ng karagdagang impormasyon. Ang
pagtawag sa kaganapan ay maaring magkaiba sa bawat paaralan at lokasyon ng tirahan, ngunit ang mga ito
ay maraming pagkakahawig, katulad ng nakaasaad sa sumusunod ng may tatlong termino.
Unang Termino (Abril- Hulyo)
●Panimulang seremonya
Ginaganap sa unang araw ng pasukan. Ang bawat antas ng buong paaralan ay karaniwang kasapi dito.
●Seremonya ng pagpasok
Ito ay pagdiwang sa pagtanggap ng mga estudyante sa unang baitang. Ang mga magulang o ang tagapag-
alaga ay maari ding dumalo.
●Pagsusuring medikal
Tinitingnan ng doctor kung nasa magandang kalusugan ang mga estudyante.
●Pagsukat ng tangkad at timbang
Sinusukat ang tangkad at timbang ng mga mag-aaral
●Pagbisita sa bahay
Ang guro ay bumibisita sa bahay ng bata upang pag-usapan ang sitwasyon sa bahay sa mga magulang or
tagapag-alaga.
●Field Trip
Ang mga bagay-bagay na hindi maaring mapag-aralan sa loob ng silid-aralan ay pinagaaralan sa labas.
Maaring dumapo sa mga paksa na nauugnay sa kalikasan, kasaysayan, kultura at iba pa.
●Pagbisita sa silid-aralan
Mga magulang o ang mga tagapag-alaga ay maaring magbisita sa silid-aralan upang malaman ang mga
karanasan ng mga bata sa eskwelahan.
●Pagpupulong ng mga magulang at guro
Ang mga gulang o mga tagapagalaga ay nakikipagkita sa guro ng isang beses bawat termino at pinag-
uusapan ang pag-aaral, ang buhay sa paaralan at sa bahay ng mga bata.
●Pagpupulong sa klase
Ang mga magulang o tagapag-alaga ay dumadating sa klase upang pag-usapan sa guro tungkol sa kanilang
mga anak.
●Pagpupulong ng mga magulang, anak at guro
Nakikipag-usap ang tatlo (o apat) na guro, ang mga magulang o tagapag-alaga at bata tungkol sa buhay sa
paaralan at bahay. Ito ay karaniwang nagaganap malapit sa dulo ng termino
●Magdamagang iskursyon
Ang mga nasa ika-3 baitang ay magkasamang lalakbay at titigil ng magdamagan sa isang lugar. Karaniwang
nagaganap ito tuwing unang termino
●Pag-aral ng paglangoy
May mga swimming pools karamihan sa mga paaralan. May mga swimming classes na ginaganap tuwing
gitna ng Hunyo hanggang Hulyo.
16
●Pangwakas na seremonya
Ito ay ginaganap sa pinaka-huling araw ng bawat termino. Ang bawat antas ng buong paaralan ay
karaniwang kasapi
●Tag-init na bakasyon
Ito ay isang mahabang bakasyon na tumatagal ng tatlumpu hanggang apatnapung araw. Sa panahong ito,
maaring bumalik ang mga mag-aaral sa eskwelahan para sa mga klase sa paglalangoy, mga gawain para
sa kanilang mga klub, at iba pa.
Pangalawang Termino (Setyembre-Disyembre)
●Paligsahan
Ang layunin nito ay gawing masaya ang pisikal na pagkilos sa pamamagitan ng mga paligsahan katulad ng
maiksing distansyang takbuhan, relay race, pagsasayaw at pag-cheer sa kapwa kaklase. Depende sa
paaralan, maaring hilingin ang partisipasyon ng mga magulang. Karaniwang tinatawag na “taiiku taikai” sa
middle school.
●Pagdiriwang ng kultura, Pagpapakita ng mga gawa ng estudyante, Pagtanghal ng Arts
Ang mga bata ay nasisiyahan sa pagpapakita ng kanilang mga gawa sa arts, paglikha, teknolohiya,
karunungang pantahanan; pageksibit ng kanilang mga pananaliksik sa araling panlipunan at science;
pagtugtog ng mga instrumentong musikal o pagkakanta; pagtatanghal ng dula at iba pa. Mga magulang o
ang tagapag-alaga ay karaniwang maaring ding dumalo.
●Taglamig na bakasyon (mula dulo ng Disyembre hanggang umpisa ng Enero)
Ang bakasyong ito ay tumatagal ng dalawang linggo.
Pangatlong Termino (Enero-Marso)
●Pagtatapos
Isang kaganapan ng selebrasyon kung saan binibigyan ng diploma ang mga kinikilala na nakatapos ng pag-
aaral.
●Pangwakas na seremonya
Nagaganap sa huling araw ng klase. Kadalasang nakatipon ang lahat ng mag-aaral.
●Tagsibol na Bakasyon
Ito ay nagtatagal ng mga dalawang linggo. Nagsisimula mula sa pagtapos ng Pangwakas na Seremonya sa
ikatatlong termino. Pagkatapos ng bakasyon na ito, ang mga mag-aaral ay sinusulong sa susunod na baitang
at isang panibagong school year ay magsisimula muli sa Abril.
17
09 Ang daan pagkatapos ng gitnang paaralan TOP
Ang daan pagkatapos ng gitnang paaralan ay nahahati sa dalawang landas. Ang landas patungo sa mas
mataas na pag-aaral at ang landas patungo sa paghanap ng trabaho. Para sa mas mataas na pag-aaral
nariyan ang high school, ang mga kolehiyo ng teknolohiya, mga pang-teknikal na paaralan at iba pang uri ng
paaralan. Dahil sa maraming iba’t-ibang uri, mainam na makipag-konsulta sa mga magulang, tagapag-alaga
at mga guro ng masinsinan. Ang mga high school ay naiiba batay sa katagalan ng pag-aaral at hangarin.Dahil
dito lalong-lalo na mahalaga na pumili ng eskwelan na nababagay sa bata. Atsaka, sa pagkuha ng pasukan
pagsusulit para sa mga pampublikong high school ng Osaka, maaring makatanggap ng “bukod-tanging
konsiderasyon” na maaring pahabain ang oras ng pagsusulit, pagpapahintulutan ang paggamit ng
diksyonaryo at iba pa. Marapat na tanungin ang mga guro sa gitnang paaralan tungkol sa pagkuha ng
pasukan pagsusulit.
Para sa paghanap ng empleyo, may dalawang paraan.
Ang unang paraan ay ang pampublikong tanggapan ng pang-empleyo na dumadaan sa gitnang paaralan.
Dito ay napapahintulutan ang mga naghahanap ng trabaho na tingnan ang mga kinakailangan ng mga
kumpanyang naghahanap ng empleyado;
makipag-konsulta ang bata at mga magulang o tagapag-alaga sa pamamagitan ng mga guro;
bisitahin ang lugar ng trabaho na nakuha ang interes nila; makapili ang kumpanya na nais nilang
pagtrabuhan;
at makakuha ng pagsusulit para sa pagka-empleyo.
Ang pagsusulit ay magkaiba sa bawat kumpanya, ngunit ang nakakarami ay nagbibigay din ng
pakikipagpanayam.
Ang pangalawang paraan ay sa pamamagitan ng mga koneksyon. Maraming kaso na ang isang kakilala mo
ay tutulungan ka na maghanap ng trabaho.
Gayunpaman, kailangang pa rin makipagbigay-alam sa pampublkong tanggapan ng pang-empleyo na
idadaan sa eskwelahan.
Kahit anumang landas ang kukunin ng bata, kung ito man ay sa patungo sa mas mataas na pag-aaral o sa
pagtratrabaho marapat lamang na pag-isipan ng mabuti ang kinabukasan ng bata at makipag-usap sa kanila
at sa kanilang guro bago magdesisyon.
18
10 Ano ang High school? TOP
Mataas na Paaralan
Sa mga pampublikong high school ng Osaka ang mga sumusunod ay nakatakdang mga patnubay. Maari
ang mga ito ay magkaiba sa bawat paaralan, kaya’y marapat na sumangguni sa inyong mga guro.
◆Ang mga baitang
Ang mataas na paaralan ay maaring isalin sa dalawang uri, ang mga sumusunod ng sistemang school year
at ang mga may sistemang kredito. Sa sistemang school year, may takdang bilang ng klase bawat taon (ang
isang pangkat ay maaring pumili ng sarili nilang mga klase). Maraming pagliliban, ang kabiguan na
magsumite ng mga kinakailangang gawain, at di pag-aabot sa tunguhin ng resulta ng mga pagsusulit ay
maghahantong sa kabiguan na makasulong sa susunod na baitang at kailangang ulitin ang buong taon. Sa
sistemang kredito, walang school year at walang paguulit ng baitang. Upang makapagtapos, may takdang
bilang ng kinakailangang mga klase. Ang pagpasa ng mga klase na ito ay makakapagkita ng mga yunito.
Ang pagkuha ng kinakailangang bilang ng yunito ang makakapagbigay ng karapatan sa inyo na magtapos.
◆Mga yunito
Ang opisyal na katumbas ng yunito ay isang klase na tumatagal ng 50 minuto at nakikipagkita ng 35 na beses.
O pwede rin pag-isipan ito na bilang ilang oras nagkikita ang isang klase sa isang linggo. Halimbawa, kung
ang klase sa matematika ay nagkikita ng 4 na oras sa isang linggo, katumbas ito ng 4 na yunito. Sa high
school ang bilang ng yunito na kailangan ninyo para makapagtapos ay nakatakda na , kapag nag-aral ng
isang taon at nakuha ang nakatakdang puntos sa pagsusulit at iba pa, makukuha na ang yunito sa nasabing
aralin. Magkaiba para sa bawat paaralan ngunit ang karamihan ay nangangailangan ng 74 yunito pataas.
◆Simula ng klase
Nag-sisimula ang klase bawat araw ng mga 8:25 hanggang 8:30 ng umaga. Maniguradong makarating sa
paaralan ng mga sampung minuto bago sumapit ang oras na ito. Ang pagdating sa eskuwelahan lipas ng
oras na ito ay itinuturing na “huli” ang mag-aaral. Marapat na ipaalam sa eskuwelahan kung ang estudyante
ay mahuhuli o liliban sa klase buhat ng sakit o ibang dahilan.
◆Pagiging huli
Ang estudynate ay itinuturing na huli kung hindi pa siya nakapasok ng silid-aralan pag-umpisa ng klase. May
maraming kaso na ang pagiging huli ay katumbas sa pagliban sa klase, at maaring makahadlang sa
pagtanggap ng yunito para sa klase. Marapat na ipaalam sa eskuwelahan kung ang estudyante ay mahuhuli
o liliban sa klase buhat ng sakit o ibang dahilan.
◆Oras ng pag-aaral
Ang bilang ng mga klase at oras ng labasan atbp ay magkapareho para sa lahat ng baitang. Nagsisimula
ang klase ng 8:30 am at may 4 na klase sa umaga (bawat klase ay nagtatagal ng 50 minuto). Pagkatapos
ng tanghalian (maaring handa ng paaralan o dalang baon) mayroong 2-3 pang klase sa hapon. Sa kabuuan
may 6-7 ng klase sa isang araw. Magkakaiba ang guro para sa bawat klase.
◆Baon (hinahanda sa bahay)
Ang mga mataas na paaralan ng Osaka ay hindi naglalaan ng handang pang-tanghalian. Maaring magdala
ng inyong sariling baon sa eskwelahan o bumili ng tinapay at dalhin sa eskwelahan. May mga mataas na
paaralan na mayroong sariling kantina.
19
◆Oras ng paglilinis
Pagkatapos ng mga klase, may oras na linalaan para sa paglinis ng eskwela. Nililinis ng mga bata ang silid-
aralan, ang hagdanan, ang pasilyo, ang palikuran at iba pang silid. Linisin natin ng sama-sama ang lugar
kung saan tayo’y nag-aaral ng sama-sama.
◆Ang mga club or samahan
Ang oras pagkatapos ng mga klase na nakalaan para sa mga gawain ng mga klab ay tinatawag na “houkago”.
Sa panahong ito, maari kayong sumali sa mga klab na may ugnayan sa isport kung saan naipapamalas ang
inyong kahusayan o sa mga may kaugnayan sa kultura.
◆Damit pampaaralan
Karamihan ng high school ay may sariling takdang uniporme. Dumadating ang estudyante sa paaralan na
suot-suot ang mga ito (mayroon para sa tag-init at para sa tag-lamig na panahon). Tuwing oras ng P.E. (P.E.)
kinakailangan na magpalit ang mga mag-aaral sa kanilang P.E. uniform upang sila ay malayang
makakagalaw. Bukod sa mga pangsilid-aralan na mga sapatos, may mga paaralan na kinakailangan magpalit
ang mga mag-aaral sa mga sapatos na para lamang sa loob ng dyim. Bawat paaralan ay may kanya
kanayang PE uniform. Tuwing klase ng palangoy sa panahon ng tag-init, kinakailangan na magsuot ng
kasuotang panligo at takip para sa ulo (swimsuit at swimming cap). Kapwang pangsariling-gamit lamang.
Dapat sulatin ang pangalan ng bata sa sariling kagamitan. Para sa karagdagang kaalaman, konsultahin ang
paaralan.
◆Ang mga klase
Ang adviser ay may hawak sa klaseng binubuo ng 40 o pababa na bilang ng bata. Ang adviser ay maaring
may katulong-guro. Magkakaiba ang guro para sa bawat subject.
※ Ang pinag-aaralan sa bawat kurikula, ang mga aktibidad sa klase na pinapatupad sa umpisa at dulo ng
isang araw ng pasok, at ang iba’t-ibang ibento ng paaralan, ay kadalasang pinapatupad sa bawat klase.
Kung dahil sa mga ito mayroon kayong di nalalaman o nagkaproblema, mangyari lamang makipag-konsulta
kaagad sa gurong humahawak ng klase.
◆Ang mga tinatalakay
Sa mataas na paaralan pinag-aaralan ang wika (makabago at klasikong Hapong katha), Araling Panlipunan
(Geograpiya, Kasaysayan atbp), Civics (modernong panlipunan, atbp), Matematika, Science (Pisika,
Byolohiya, Kimika atbp.), Kalusugan at P.E., Arts (Arts, Kaligrapiya, Musika atbp), Banyagang wika atbp. Ang
ibang uri ng high school ay may sarili nilang partikular na asignatura.
※ Bukod sa mga ito, mayroong Edukasyong Pagpapahalaga, bukod-tanging mga gawain (Aktibidad ng klase,
sa konseho ng mag-aaral, at mga kaganapan) at pangkalahatang edukasyon. Itong mga bukod-tanging mga
gawain, katulad ng Konseho ng mag-aaral, ay pinapahintulutan ang mga bata na gumawa ng sarili nilang
mga aktibidad para sa ikabubuti ng buhay sa paaralan.
◆Mga kagamitan
Ang mga gamit sa pag-aaral kasama na ang mga aklat ay hindi libre. Sa Arts at iba pang klase, kakailanganin
ng estudyante ng sarili niyang gamit.
◆Mga tagapagsalin
Ang Lupon ng Edukasyon ng Osaka ay tinutulungan ang mga estudyante na limitado pa ang pagkaunawa
ng wikang Hapon sa pagbibigay ng karagdagang klase. Nagpapadala din sila ng tagapagsalin para sa mga
magulang na hindi pa makapag-usap sa wikang Hapon tuwing pagpupulong sa guro. Maari lamang tanungin
20
ang inyong mga guro para sa karagdagang impormasyon.
◆Mga pagsusuring medikal
<Mga pagsusuring medical>
Mga paaralan sa Japan ay gumagawa ng regular na pagsusuring medikal. May maraming uri ng pagsusuring
medikal.
- Pagsisiyasat sa kalusugan (pagkuha ng kasaysayan, pagsusuri ng kasalukuyang kalagayan)
- Pagsukat ng tangkad at timbang, pagsuri sa loob ng katawan (kondisyon ng tiyan), pagsuri sa mga mata
(tungkol sa kalusugan ng mga mata), pagsuri sa tenga at ilong (tungkol sa kalusugan ng tenga at ilong),
pagsuri sa ngipin (tungkol sa kalusugan ng ngipin), pagsuri sa paningin (tungkol sa antas ng paningin),
pagsuri sa pandinig (tungkol sa pagpaparinig ng tunog)
- Pagsusuri para sa TB (Tuberculin reaction test) Para sa nangangailangan lamang
- Pagsusuri sa puso (ECG) Lahat ng mag-aaral ng unang grado ng elementarya ay kinakailangang
sumailalim sa pagsusuring ito.
- Pagsusuri ng ihi
※Mayroong din mga okasyon na kinakailangang sumailalim sa pagsusuri bago lumahok sa mga
nakakapagod na gawain, katulad ng paglalangoy, takbuhan, pag-akyat ng bundok at magdamagang
paglalakbay.
◆Periyodikong pagsusulit
Sa mataas na paaralan, mayroong 5ng periyodikong pagsusulit bawat taon (sa gitna at dulo ng bawat
termino). May mga klase na nangangailangan ng 1ng pagsusulit lamang bawat termino, ang iba 2, may iba
rin na walang pagsusulit anuman, at may iba na binabatay ang grado ng estudyante sa kanilang pagsali at
paggawa sa loob ng klase, atbp. Ang mga periyodikong pagsusulit ay karaniwang binibigay sa loob ng 3~5
araw. Mayroong mga paaralan na nagbibigay ng pagsusulit na maaring gawin sa bahay o mga pagsusulit na
bilang pagsusuri lamang. Magtanong sa guro para sa karagdagang detalye.
◆Ang talaan ng marka
Ang mga grado at partisipasyon sa mga gawain ng paaralan (pagdalo, pagliban atbp) ng bata ay naka-ulat
dito. Natatanggap ito sa araw ng Pangwakas na seremonya, ang huling araw ng termino. Pagkatapos na
ipakita sa mga magulang o tagapag-alaga, binabalik ito sa adviser sa araw ng Panimulang seremonya, ang
unang araw ng susunod na termino.
Ano ang High school?
Naguumpisa ang bawat school year mula Abril at nagwawakas sa Marso. May dalawang uri ng high school.
Ang isa ay gumagamit ng sistemang school year, kung saan kinakailangang ulitin ng mag-aaral ang buong
taon kung hindi nila maabot karapat-dapat na grado at maging liban sa klase lampas sa pinahihintulutan na
bilang ng araw bawat taon). At ang iba naman ay gumagamit ng sistemang kredito, kung saan
makakapagtapos ang estudyante kung maaabot nila ang karapat-dapat na grado at makadalo sa mga klase
sa riniseta na bilang ng araw sa loob ng 3 taon pataas. Ang sistemang school year na mga paaralan na
pinapalakad sa ilalim ng sistema na may 3 termino at iba na 2 termino lamang. May mga okasyon na
kinakailangan ang pagdalo ng mga magulang o tagapag-alaga sa eskwelahan upang makipagpulong sa
adviser. Bukod sa tuition fee (bayarin sa pagturo), may mga kaganapan na kinakailangang magtustos ng
gastusin (katulad ng magdamagang paglalakbay). Ang mataas na paaralan ay mas sumesentro sa mga mag-
aaral kaysa sa elementarya o gitnang paaralan. Ang pagtawag sa kaganapan ay maaring magkaiba sa bawat
paaralan at lokasyon ng tirahan, ngunit ang mga ito ay maraming pagkakahawig. Tignan natin ang halimbawa
ng isang paaralan na may tatlong termino.
21
Unang Termino (Abril- Hulyo)
●Panimulang seremonya
Ginaganap sa unang araw ng pasukan. Ang bawat antas ng buong paaralan ay karaniwang kasapi dito.
●Seremonya ng pagpasok
Ito ay pagdiwang sa pagtanggap ng mga estudyante sa unang baitang. Ang mga magulang o ang tagapag-
alaga ay maari ding dumalo.
●Pagsusuring medikal
Tinitingnan ng doctor kung nasa magandang kalusugan ang mga estudyante.
●Pagsukat ng tangkad at timbang
Sinusukat ang tangkad at timbang ng mga mag-aaral
●Field Trip
Ang mga bagay-bagay na hindi maaring mapag-aralan sa loob ng silid-aralan ay pinagaaralan sa labas.
Maaring dumapo sa mga paksa na nauugnay sa kalikasan, kasaysayan, kultura at iba pa.
●Pagpupulong ng mga magulang, anak at guro
Ang mga magulang o ang tagapag-alaga, kasama ang kanilang mga anak, ay pag-uusapan ang buhay sa
paaralan at bahay sa guro.
●Pag-aral ng paglangoy
May mga swimming pool ang karamihan sa mga high school. May mga swimming classes na ginaganap
tuwing gitna ng Hunyo hanggang Hulyo.
●Pangwakas na seremonya
Ito ay ginaganap sa pinaka-huling araw ng bawat termino. Ang bawat antas ng buong paaralan ay
karaniwang kasapi.
●Tag-init na bakasyon
Ito ay isang mahabang bakasyon na tumatagal ng tatlumpu hanggang apatnapung araw. Sa panahong ito,
maaring bumalik ang mga mag-aaral sa eskwelahan para sa mga klase sa paglalangoy, mga gawain para
sa kanilang mga klub at mga gawaing kauri nito.
Pangalawang Termino (Setyembre-Disyembre)
●Paligsahan
Ang layunin nito ay gawing masaya ang pisikal na pagkilos sa pamamagitan ng mga paligsahan katulad ng
maiksing distansyang takbuhan, relay race, pagsasayaw at pag-cheer sa kapwa kaklase. Depende sa
paaralan, maaring hilingin ang partisipasyon ng mga magulang.
●Pagdiriwang ng kultura, Pagpapakita ng mga gawa ng estudyante
Ang mga bata ay nasisiyahan sa pakikinig sa bawat klase na magpatugtog ng instrumentong musika, sa
pagpapakata at pagtatanghal ng dula. Mga magulang o ang tagapag-alaga ay karaniwang maaring ding
dumalo.
●Taglamig na bakasyon (mula dulo ng Disyembre hanggang umpisa ng Enero)
Ang bakasyong ito ay tumatagal ng dalawang linggo.
Ikatatlong Termino (Enero - Marso)
●Magdamagang iskursyon
Sa mga pampublikong mataas na paaralan, ang mga nasa ika-2 baitang ay magkasamang lalakbay at titigil
ng magdamagan sa isang lugar. Karaniwang nagaganap ito tuwing 2ng or 3ng termino.
●Pagtatapos
Isang kaganapan ng selebrasyon kung saan binibigyan ng diploma ang mga kinikilala na nakatapos ng pag-
aaral. (Ang mga nakakuha ng kinakailangang dami ng unit.)
* Para sa karagdagang detalye, puntahan ang bahagi tungkol sa mga uri ng High School.
●Pangwakas na seremonya
Nagaganap sa huling araw ng klase. Kadalasang nakatipon ang lahat ng mag-aaral.
●Tagsibol na Bakasyon
Pagkatapos ng Pangwakas na Seremonya ay nagiging tag-sibol na bakasyon na.
22
11 Ang mga patakaran sa pagkuha ng pasukan pagsusulit TOP
●Sa Japan, 90% ng mga nakapagtapos ng gitnang paaralan ay tumutuloy sa mataas na paaralan
Para sa mga nais kunin ang pasukan pagsusulit para sa mataas na paaralan, paaralang bokasyonal o ang
mga katulad nito, mainam na mag-isip ng estratehiya at maghanda sa lalong madaling panahon.
・ Piliin ang eskwelang nais pasukan habang sa maagang panahon
→ Mainam na piliin ang eskuwelahan na nais ninyong pasukan ng mga 6 na buwan bago mag-umpisa
ang mga pasukan pagsusulit. Marami kayong malalaman sa pagbisita sa “multilingual career guidance”.
Maari kayong makipag-usap ng pribado.
・ Bisitahin ang paaralan
→ Bisitahin ang paaralan bago magpasya na doon talaga nais ninyong pumasok. Sa karamihan ng
mga mataas na paaralan, ito ang tinatawag na pagtikim ng pagpasok sa high school ng deretsahan. Maari
ninyong puntahan ang paaralan at tingnan ang mga silid-aralan, ang himnasyon atbp. Maari rin kayong
maki-salo sa mg klase. Baka, pinapahintulutan na sumama ang isang tagapag-salin, ikonsulta ang guro.
・ Mag-aral ng mabuti
→ Ang mga pasukan pagsusulit ay may malawak na saklaw. Isaliksik ng lubusan at pag-aralan ng
mabuti. Tanungin ang guro para sa payo sa pinaka-mabisang paraan ng pag-aaral.
・ Konsultahin ang mga guro, magulang o tagapag-alaga ng madalas
→ Kahit na ang pagpili ng mataas na paaralan ay iyo sa kahuli-hulihan, makakabigay ang inyong mga
guro, magulang o tagapag-alaga ng mga mahalagang payo. At saka, kapag hindi makipag-alam ang
inyong paaralan sa high school na inaplayan, hindi ninyo matatanggap ang espesyal konsiderasyon at
ibang kailangang dokyumento at hindi kayo makakapagkuha ng pagsusulit.
・ Isumite ang aplikasyon sa piniling high school
→ Matapos makipag-usap sa inyong mga guro, sagutin ang aplikasyon at isumite sa piniling high
school sa takdang panahon.
・ Kunin ang pagsusulit
→ Magtungo sa paaralan sa takdang araw at kunin ang pagsusulit.
23
12 Pagkatapos ng mataas na paaralan TOP
Ang landas pagkatapos ng mataas na paaralan ay sumasanga sa dalawang magkalayong destinasyon.:
ang paghanap ng trabaho o ang pagpapatuloy ng pag-aaral (pagpasok sa kolehiyo).
Para sa pagpapatuloy ng pag-aaral, maraming pagsusulit ang kailangang daanan.
Ang pag-aaral pagkatapos ng mataas na paaralan ay nahuhulog sa maraming kategorya: ang apat na taon
na Unibersidad, ang dalawang taong Kolehiyong Komunidad, mga paaralang bokasyonal at iba pa. Ang
pasukan pagsusulit para sa unibersidad at kolehiyo ay maraming iba’t-ibang uri.
Para sa mga Pambansang at Pampublikong Unibersidad
○Lahat ng mga aplikante ay kinakailangang kumuha ng Pambansang Sentrong Pagsusulit sa Enero (May
ibang pribadong paaralan na nangangailangan itong kunin.)
Ang linalaman ng pagsusulit ay magkaiba para sa bawat unibersidad at bawat departamento. Para sa
karagdagang impormasyon paki-tingin na lamang sa homepage ng Pamabansang Sentrong Pagsusulit
http://www.dnc.ac.jp/
○Pagkatapos nito ang bawat unibersidad ay may sari-sarili nilang pasukan pagsusulit na kinukuha sa
dalawang magkaibang araw. May ibang unibersidad na may mas-maraming araw ng pagsusulit. Ang
pagpasa nito ay pinapahintulutan ang pagpasok sa unibersidad o kolehiyo.
Para sa mga pribadong unibersidad
○Mga pasukan pagsusulit na may takdang rinerekomenda – Para sa bawat mataas na paaralan, ang
mga unibersidad at kolehiyo ay tumatakda ng bilang at katangian ng maaring kumuha ng pagsusulit. Ang
ganitong uri ng pagsusulit ay nagaganap bandang umpisa ng Oktubre. Ang mga pumapasa ay hindi
makakatanggi na pumasok sa unibersidad.
○Mga pasukan pagsusulit na may karaniwang rinerekomenda – Itong uri ng pasukan pagsusulit ay
nagaganap bandang huli ng Oktubre. Ang mga unibersidad at kolehiyo ang mismong pumipili ang mga
pangalan ng mga mag-aaral na maaring kumuha ng kanilang pagsusulit. May ibang unibersidad na hindi
makakapayag ang pagtanggi sa pagpasok sa kanilang paaralan. Alamin muna kung ito nga ang kondisyon
ng pagkuha ng pagsusulit.
○Karaniwang pasukan pagsusulit – Ito ay naguumpisa mula Enero. Maaring kumuha ng pagsusulit ng
iba’t-ibang paaralan at ng ilanmang beses. Ang pagpasa ng mga ito ay di nahuhulugan ang pilitang
pagpasok sa paaralan.
○AO type Entrance Exams – Ang estudyante ay maaaring mapili hindi base sa written exam pero base sa
sa kanyang High School grade, interbyu, pagsasalaysay, pagsulat ng essay at iba pa.
Maaring magkaiba ang patakaran para sa mga nagsisibalikang estudyante, mga banyaga at iba pang
bukod-tanging sitwasyon. Mainam na makipag-usap sa guro o ng tagapagpayo at magsaliksik ng lubusan
ukol sa napiling paaralan.
24
Para sa mga nais maghanap ng trabaho, may dalawang opsyon.
(1) Paghanap ng trabaho sa pamamagitan ng inyong paaralan
Karaniwang pinapadala ng mga kompanya ang mga anunsyo ng mga bakanteng posisyon (kasama ang
listahan ng mga tungkulin, ang posibleng sahod at iba pa) unang-una sa mga mataas na paaralan.
Para sa ganitong paraan
1 Masusing saliksikin ang kalagayan ng bawat kompanya.
Importante na basahin ng maigi ang anunsyo.
2 Pag-usapan tungkol dito sa mga magulang o tagapag-alaga at guro.
Nababagay ba ang trabaho para sa inyo? Makakatagal ka ba sa trabahong ito batay sa mga tungkulin ng
trabaho at ang sariling sitwasyon sa bahay. Ang mga ito ay halimbawa ng mga tanong na dapat pag-isipan.
3 Bisitahin ang kompanya na gusto ninyong pasukan
Masmainam na tingnan mismo ang loob ng kompanya kaysa umasa lamang sa anunsyo.
4 Piliin ang kompanyang nais ninyong pasukan
Matapos na bisitahin, saliksikan at pag-usapan, piliin ang kompanyang nais ninyong pasukan.
Ipagpaalam sa guro o tagapagpayo ng paaralan ang inyong intensyon at sila ang maglalakad ng
aplikasyon para sa inyo.
5 Kunin ang pagsusulit ng kompanya
Alamin ang mga detalye tungkol sa pagsusulit (oras, araw, lokasyon) mula sa inyong guro. Pagkapasa nito
sigurado na ang inyong pagpasok sa kompanya. Magkaiba ang pagsusulit ng bawat kompanya
Subalit ang karamihan ay may kasamang panayam pa.
【Mga dapat alahanin sa pagkuha ng pagsusulit】
・Maghanda ng mapa at tanungin ang mga detalye tungkol sa lokasyon ng pagsusulit. Kung ito ay
magaganap sa isang lugar na hindi ninyo kabisado, mainam na bisitahin muna bago ng araw na kailangan
itong kunin.
・Lumuwas ng bahay ng maaga at maniguradong makarating ng mahigit sa 30 minuto bago magumpisa ang
pagsusulit.
・Alamin kung magkano ang gagastusin sa pagpunta doon. At magdala ng dagdag na pera para sa di
inaasahang pangyayari.
・Maging maayos sa hitsura at pananamit sa pagdating sa lugar ng pagsusulit. Mas mainam na suotin ang
uniporme ng paaralan kung mayroon.
・Bantayan ang pagsasalita. Halos lahat ng tao sa kompanya ay nakakatanda kaysa sa iyo. Huwag kalimutan
na magsalita ng kagalang-galang.
・Hanggang sa maaari, hingin ang tulong ng mga guro sa paghahanda. Magsanay sa pagsagot ng posibleng
tanungin sa panayam kasama nila.
※ May mga eskuwelahan na nakakatanggap ng maraming anunsyo, at iba ay kakaunti lamang. Kung
wala kayong mahanap na kompanya na nais ninyong pasukan sa mga anunsyo na pinadala sa
eskuwelahan ninyo, mainam na puntahan ang pampublikong ahensya ng pagtratrabaho sa inyong lugar.
Mga hindi mag-aaral at karaniwang mamamayan ay maari din maghanap ng trabaho sa
pamamagitan nito
Hello Work
25
(2) Paghanap ng trabaho gamit ang kakilala
Maari ring maghanap ng trabaho sa pamamagitan ng mga kakilala. May mga pagkakataon na ang mga taong
kilala ninyo ay ipapakilala kayo sa mga bakante. Ngunit huwag isaalang-alang ang lahat sa kanila lamang.
Magtanong ng angkop na tanong tungkol sa trabaho at kalagayan ng kompanya. Importante na intindihin ng
lubusan ang papasukan.
Importanted din na ang magpapakilala sa trabaho ay isang tao na kilala mo o kilala ng inyong pamilya
ng mabuti. Gayunpaman, marapat na humingi ng payo ng guro.
26
13. Mga Kagamitang Ginagamit sa Eskwela TOP
Kagamitan Paliwanag
Panulat Ginagamit sa klase ng wikang bansa (Hapon) at kaligrapiya. Ang brush ay
ginagamit sa pagsulat ng letra.
Ruler (naka-
sentimetro) Para sa matematika at aritmetika. Sinusukat ang haba ng mga bagay.
Tatsulok Ginagamit sa klase sa matematika at aritmetika.
Kumpas Ginagamit sa klase ng matematika, aritmetika at Arts. Pang-guhit ng bilog.
Protraktor Ginagamit sa klase sa matematika at aritmetika. Sinusukat ang grado ng
anggulo.
Silindro Karaniwang ginagamit sa klase ng musika para sa mababang antas ng
elementarya.
Kastanyedas Karaniwang ginagamit sa klase ng musika para sa mababang antas ng
elementarya.
Silindro na may
teklada
Karaniwang ginagamit sa klase ng musika para sa mababang antas ng
elementarya.
Rekorder (plauta) Ginagamit tuwing klase sa musika.
Lalagyan Kung saan tinatago ang sariling gunting, pandikit atbp.
Gunting Para sa klase sa Arts and Crafts.
Pandikit Para sa klase sa Arts and Crafts.
Iskats teyp Para sa klase sa Arts and Crafts.
Kraypas Para sa klase sa Arts and Crafts.
May kulay na mga
lapis Para sa klase sa Arts and Crafts.
Akwarela Para sa klase sa Arts and Crafts.
Pait Para sa klase sa Arts and Crafts.
Gamit sa pananahi Para sa klase sa karunungang pantahanan. Kasama ang karayom, sinulid,
gunting atbp.
Laktaw-lubid Ginagamit tuwing klase sa P.E.
Uniporme (pang-
tag-init at tag-lamig)
Ang takdang pang-araw-araw na suot para sa paaralan. May mga eskuwela na
walang tinatakdang uniporme.
Bota Hindi para sa loob ng paaralan. Iuwi isang beses bawat linggo para linisin.
Mainam rin na magkaroon ng sarili nitong lalagyan.
Bag, dagdag na bag Ang mga elementarya ay gumagamit ng backpack (randoseru).
Ang mga nasa gitna at mataas na paaralan ay may sariling takdang uri ng bag.
P.E. uniporme
(pang-tag-init at tag-
lamig)
Sinusuot tuwing klase sa P.E. upang bigyan ng kalayaan ng pagkilos.
Karamihan ng paaralan ay may takdang disenyo.
P.E. sapatos Sinusuot sa loob ng himnasyo.
Kasuotang
panglangoy, swim
cap
Ang mga ito ay sinusuot tuwing klase sa paglangoy tuwing tag-init. Bawat
paaralan ay may takdang kasuotang panglangoy at takip sa ulo.
Tuwalyang panligo Ginagamit tuwing klase sa paglangoy.
27
Bag pang swimming Nabibitbit na plastik na bag kung saan linalagay ang nabasa na tuwalya at
panglangoy.
Lalagyan ng inumin
Dalhin sa tag-init at kapag may iskursyon. Lagyan ng tsaa. (Huwag lagyan ng
juice o matamis na tsaa.)
Chopsticks Ginagamit tuwing tanghalian
Epron, takip sa ulo,
takip sa mukha
Sa elementarya, ito ay isinusuot ng mga batang namamahagi ng tanghalian
hinanda ng eskuwelahan, at tuwing klases sa karunungang pantahanan. Ang
mga mag-aaral sa gitna at mataas na paaralan ay sinusuot din ang mga ito
tuwing klase sa karunungang pantahan.
Sipilyo, tasa
Ginagamit pagkatapos ng tanghalian, tuwing ang lahat ay nagsisipilyo ng
kanilang ngipin.
Karaniwang dala ng mga estudyanteng elementarya.
28
14 Ang programa ng paaralan at munisipyo ukol sa pagsalin TOP
Kung sakaling hindi bihasa ang bata sa wikang Hapon (kapapasok o kalilipat lamang sa paaralan), may
eskuwelahan ng isang tagapagsalin ay maaring makisali sa klase ng bata. Ito ay angkop sa mga elementarya,
gitnang paaralan at high school na mga bata.
Maliban dito, may pagkakataon na ang tagapagsalin ay maari din sumama sa mga magulang o ang mga
tagapag-alaga ng bata sa okasyon na kinakailangan nilang bumisita sa eskwelahan, katulad ng tuwing
magpupulong ang mga magulang at guro.
Sa kasalukuyan, mahirap makisali ang tagapagsalin sa mga klase ng kindergarten. Ngunit maari pa rin nilang
samahan ang mga magulang sa mga pagpupulong.
Itong patakaran ay maaring umiba depende sa lokasyon ng inyong tirahan. Kung kinakailangan na ang mga
magulang mismo ang maghanap ng tagapagsalin at kung hanggang saan sila maaring makisali. Ipagpaalam
sa eskwelahan sa panahon ng pagmatrikula kung kinakailangan ang tagapagsalin ay makisali sa klase. Kung
kinakailangan ang tagapagsalin sa ibang okasyon, ipagpaalam sa eskwelahan o sa guro pagsapit ng
pangangailangan.
Pampook na patakaran ukol sa mga tagapagsalin
Depende sa lugar, may mga pandaigdigang organisasyon na maaring magpadala ng mga tagapagsalin.
Maraming NGO at NPO na kompanya ay nagpapadala din ng tagapagsalin.
Ang serbisyo ay umiiba sa bawat ahensya, ngunit meron mga tagapagsalin na maaring samahan kayo kung
kinakailangan na bumisita sa ospital o sa munisipyo. Maari rin silang pakiusapan na mag-salin ng mga
dokyumento na mahalaga para sa mga transakyon sa munisipyo. Para sa karagdagang kaalaman, paki-
konsulta ang listahan ng mga tanggapan.
29
15 Listahan ng mga pang-internasyonal na paaralan TOP
Mga Magkakaibang Paaralang Bokasyonal
Pangalan ng Paaralan Lokasyon Telepono
(Osaka Chūka Gakkō)
Osaka Chinese na Paaralan
〒556-0012 1-8-13 Shikitsuhigashi, Naniwa-
ku, Ōsaka-shi 06-6649-6849
(Osaka Chōsen Kōkyū Gakkō)
Osaka Koreanong Mataas na Paaralan
〒578-0984 2-18-26 Hishie, Higashiōsaka-
shi 072-963-3481
(Nakaosaka Chosen Shochūkyū Gakkō)
Gitnang Osaka Koreanong Elementarya
at Gitnang Paaralan
〒537-0021 3-17-6 Higashinakamoto,
Higashinari-ku, Ōsaka-shi 06-6981-8981
(Higashi Osaka Chōsen Chūkyū Gakkō)
Silangang Osaka Koreanong Gitnang
Paaralan
〒578-0984 2-18-26 Hishie, Higashiōsaka-
shi 072-963-0991
(Kita Osaka Chōsen Shochūkyū Gakkō)
Hilagang Osaka Koreanong Elementarya
at Gitnang Paaralan
〒533-0015 1-5-19 Ōsumi,
Higashiyodogawa-ku, Ōsaka-shi 06-6328-6794
(Minami Osaka Chōsen Shokyū Gakkō)
Timog Osaka Koreanong Paaralang
Elementarya
〒559-0011 1-11-1 Kitakagaya, Suminoe-ku,
Ōsaka-shi 06-6685-6505
(Higashi Osaka Chōsen Shokyū Gakkō)
Silangang Osaka Koreanong Paaralang
Elementarya
〒577-0845 2-4-22 Teramae-chō,
Higashiōsaka-shi 06-6728-4202
(Osaka Chōsen Daiyon Shokyū Gakkō)
Osaka ika-4 na Koreanong Paaralang
Elementarya
〒544-0034 4-9-22 Momodani, Ikuno-ku,
Ōsaka-shi 06-6712-8833
(Ikuno Chōsen Shokyū Gakkō) Ikuno
Koreanong Paaralang Elementarya
〒544-0012 3-14-16 Tatsuminishi, Ikuno-ku,
Ōsaka-shi 06-6758-0848
(Jōhoku Chōsen Shokyū Gakkō)
Jōhoku Koreanong Paaralang
Elementarya
〒535-0022 6-8-4 Shinmori, Asahi-ku,
Ōsaka-shi, 06-6951-3221
(Osaka Fukushima Chōsen Shokyū
Gakkō)
Osaka Fukushima Koreanong Paaralang
Elementarya
〒555-0033 6-2-3 Himeshima,
Nishiyodogawa-ku, Ōsaka-shi 06-6473-8487
International School sa Osaka ng
Kwansei Gakuin
http://www.senri.ed.jp/
〒562-0032 4-4-16 Onoharanishi, Minoo-shi 072-727-5050
Osaka YMCA Paaralang Internasyonal
http://www.oyis.org
〒531-0071 6-7-34 Nakatsu, Kita-ku, Ōsaka-
shi 06-6345-1661
(Korea Kokusai Gakuen)
Korea International School
http://www.kiskorea.org/
〒567-0057 2-13-35 Toyokawa, Ibaraki-shi 072-643-4200
30
Mga pribadong paaralang na may maraming banyagang mag-aaral (Batas ng Paaralang Edukasyon Artikulo
1)
Pangalan ng paaralan Lokasyon Telepono
(Kongo Gakuen
Sho/Chū/Kōtō Gakkō)
Kongo Elementarya/Gitna/Mataas na
Paaralan
http://www.kongogakuen.ed.jp/
〒559-0034 2-6-10 Nankoukita Suminoe-ku
Ōsaka-shi 06-4703-1780
(Hakutou Gakuin Kenkoku
Yō/Sho/Chū/Kōtō Gakkō)
Baekdu Hagwon Pundasyon ng
Edukasyon
Kinder/Elementarya/Gitna/Mataas na
Paaralan http://www.keonguk.ac.jp/
〒558-0032 2-3-13 Oriono, Sumiyoshi-ku,
Ōsaka-shi 06-6691-1231
31
16 Mga klase sa wikang hapon sa loob ng paaralan at sa komunidad TOP
Sa mga elementarya at gitnang paaralan, maraming lugar sa Osaka ay nagbubukas ng mga klase sa wikang
Hapon para sa mga nais matuto. Ibaal o sa munisipyo. Maari rin silang pNgunit, ang karamihan ay makikita
sa loob ng paaralan mismo. Tuwing mga oras ng klase na mahirap intindihin (katulad ng Pambansang wika
o Araling Panlipunan) gawa ng kakulangan sa pag-intindi ng wikang Hapon, iniilipat ang mga mag-aaral na
nahihirapan sa ibang silid-aralan (o kaya sa ibang paaralan) para sa oras ng klaseng na iyon lamang, at
kasama ang ibang ka-baitang ay nag-aaral ng wikang Hapon.
Sa mga lugar na ganitong uri ng klase ay hindi hinahandog, tuwing oras ng Pambansang wika o anumang
mahirap na klase, ang mga mag-aaral ay linilipat sa ibang silid-aralan kung saan sila ay tinuturuan ng dahan-
dahan ng ibang guro upang sila ay makapagunawa. Maari din itong maganap pagkatapos ng regular na klase
o tuwing bakasyon.
Mangyaring bigyan pansin na ang laman at kadalasan ng mga klase sa wikang Hapon ay magkaiba sa bawat
pook (o sa bawat paaralan). Marapat lamang na makipag-ugnay muna sa guro.Ang mga klase sa wikang
hapon ay karaniwang hindi hinahandog sa mga mataas na paaralan.
Mga klase sa wikang hapon sa inyong lokalidad
Sa bawat lokalidad sa Osaka, maaring dumalo sa mga klase sa wikang Hapon na itinatatag ng mga Samahan
ng Pandaigdigang Pagpapalitan at mga ka-uri nito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga klase, pumunta dito:
http://www.call-jsl.jp/
32
17 Saan makakapagkonsulta tungkol sa mga problema sa pamumuhay, pagtratrabaho,
pagpapagamot at Edukasyon (Listahan ng mga opisina) TOP
Pamumuhay
Pangalan Lokasyon Telepono Wika Oras
Pagpayo sa mga
Banyaga sa Osaka
*“Mga pangunahing
kaalaman sa
pamumuhay sa Osaka”
Isang gabay na
naglalaman ng iba’t-
ibang impormasyon ukol
sa pamumuhay sa
Osaka.
Inilathala ng: Osaka
Foundation of
International Exchange
Pampublikong
Organisasyon)
5F MyDome Osaka,
2-5 Honmachibashi,
Chuo-ku, Osaka-shi
sa loob ng
Pandaigdigang
Pundasyon ng
Prepektura ng Osaka
(OFIX)
(Pampublikong
Organisasyon)
06-6941-2297 Ingles, Chinese,
Koreano, Thai,
Portuges, Espanyol,
Pilipino, Vietnum,
Bahasa Indonesia,
Nepali, Hapon
Lunes at Biyernes
(maliban sa holiday)
9:00-20:00
Martes, Miyerkules at
Huwebes (maliban sa
holiday)
9:00-17:30
Pangalawa at pang-
apat na Linggo
13:00-17:00
Sentro ng pandaigdigang na
pakikipag-ugnayan ng Osaka
Sentro ng impormasyon
Tanggapan ng
impormasyon
8-2-6 Uehonmachi,
Tennoji-ku, Osaka-
shi (sa loob ng
Pandaigdigang
Bahay ng Osaka)
(Pampublikong
Organisasyon)
06-6773-6533 Ingles, Chinese,
Koreano,
Thai, Portuges,
Indonesiano,
Espanyol ,Pilipino,
Vietnum, Hapon
Lunes-Biyernes
9:00-19:00
Sabado, Linggo at
holiday
9:00-17:30
(Maliban sa
katapusan at simula
ng taon)
Mga problema ng manggawa at estado ng pagiging residente
Pangalan Lokasyon Telepono Lenguahe Oras
Sentro ng Pagpayo
para sa mga
Banyagang
Manggagawa
(Osaka Labor Bureau)
4-1-67 Otemae, Chuo-ku,
Osaka-shi
9F Osaka Godo Chosha
No.2 hall, sa loob ng
dibisyon ng Kawanihan ng
mga Pamantayan sa
Paggawa - Tanggapan ng
Tagapagmahala sa Lungsod
ng Osaka
06-6949-6490 Para sa mga
problema ng
manggawa.
・Ingles
・Chinese
・Portuge
Ingles: Lunes,
Miyerkules at Biyernes
(maliban sa pang-apat
na Lunes)
Intsik: Miyerkules
Portuges: Miyerkules,
Huwebes
9:00 - 17:00
33
Tanggapan ng
Imigrasyon ng Osaka
(Sentro ng
Impormasyon para sa
mga Banyagang
Residente)
1-29-53 Minami-Kohoku
Suminoe-ku, Osaka-shi
0570-013904 Problema sa
pagiging
residente
・Ingles
・Chinese
・Espanyol
・Koreano
・Weekday
8:30-17:15
Center ng Serbisyo
para sa Banyagang
Manggagawa sa
Osaka
Pampublikong
Ahensya ng Empleyo
(Hello Work)
16F Hankyu Grand Bldg., 8-
47 Kakuda-cho, Kita-ku,
Osaka-shi
06-7709-9465 (Pagpayo ukol
sa trabaho)
Ingles、
Chinese、
Portuges
Espanyol
・Lunes-Biyernes
10:00-18:00
Maliban sa Sabado,
Linggo, katapusan at
simula ng taon
Makipag-ugnayan
lamang tungkol sa oras
na may interpreter.
Tanggapan ng
Karapatang Pantao ng
mga Dayuhan sa loob
ng Legal Affairs
Bureau ng Osaka
Pangalawang
magkasamang gusali ng
pambatas na pamahalaan
ng Osaka 2-1-17 Tanimachi,
Chuo-ku, Osaka-shi
0570-090911 Chinese
Ingles
Koreano
Filipino
Portuges
Vietnamese,
Hapon
9:00-17:00
Weekday (maliban sa
katapusan at simula ng
taon)
Pagkonsultang Medikal
Pangalan Telepono Serbisyo Lenguahe Oras
Gabay sa medikal na
impormasyon para sa
mga banyaga
Tanggapan ng
Lalawigan ng
Osaka para sa
Alangang
pangkalusugan
06-6941-0351
Talaan ng Medikal
na Impormasyon
para sa Lalawigan
ng Osaka
Ingles
Chinese
Timog Koreano -Hilagang
Koreano
Espanyol, Portuges
Hapon
http://www.pref.osaka.
lg/iryo/medicalinfo/
Edukasyon
Pangalan Lokasyon Mga numero Karagdagang komento
Konseho ng Pananaliksik para
sa Pagpapaaral ng mga
Banyaga ng Lalawigan ng
Osaka
FAX:050-3383-2683
Mail:
Konseho ng Pananaliksik para
sa Pagpapaaral ng mga
Banyaga ng Lungsod ng Osaka
TEL:090-3847-2420
34
Konseho ng Pananaliksik para
sa Pagpapaaral ng Banyaga sa
mga Paaralan ng Osaka
TEL:072-299-9000
FAX:072-293-2859
Mail:
Bureau of Education ng
lalawigan ng Osaka
2 Ootemae, Chuo-
ku, Osaka-shi
06-6941-0351
(Panglalawigang
Tanggapan)
Kinabukasan, mga
oportunidad sa
trabaho. Dibisyon ng
High School , Grupo
sa pagpayo sa mga
estudyante
(ekstensyon 3432)
Paglipat ng eskwela,
pasukan pagsusulit
atbp. Dibisyon ng High
School, Grupo ng
Usaping
Pangpaaralan
(ekstensyon 3420)
○Mga sentro ng kapakanan ng mga bata at pamilya, Mga sentro para sa pagpayo ng mga bata
Sa pamamagitan ng Batas para sa Kapakanan ng Kabataan, mga sentro ng pagpayo ay itinayo bilang
pangunahing institusyon para sa kapakanan ng mga kabataan sa mga pangunahing rehiyon ng Japan, at
pati rin sa mga pangunahing lungsod. Noong 1994, ang mga sentro sa Osaka ay dumaan sa pagbago ng
istruktura, pagpalit ng pangalan at iba’t-ibang pagtatalakay ukol sa kapakanan ng mga bata at ng mga
pamilya.
■Pagpayo sa mga bata
Mga sentro ng pagpayo sa mga bata
Alinsunod sa Batas ng Kapakanan ng mga Bata, ang mga sentro ng pagpayo ng mga bata, bilang katawan
ng pamamahala ng nabanggit na batas, ay naghahandog ng libreng eksaminasyong medikal, pagpapagamot,
at pati mga pansamantalang tagapag-alaga
- Ang mga sentro ay nagkikipagkonsultasyon sa pamilya at ibang sektor ng lipunan tungkol sa lahat ng
problema may kaugnayan sa mga bata.
- Sa pagsusuri ng lipunan base sa mga pagtatanong ng Tanggapan ng Kapakanang Pambata, sa
pagsusuring sikolohikal ng mga eskperto, eksaminasyon ng mga propesyonal sa larangan ng medisina, at
iba pang mga komprehensibong pagsusuri, ay mga sentro ay layunin ang paghanap ng lutas para sa mga
problema na may kaugnayan sa kapakanan ng bata, at pati na rin ng mga pamilya.
- Kung kinakailangan, ang mga bata ay maaring gamitin o manatili sa mga sentro, o kaya’y ipagkatiwala sa
mga tagapag-alaga o bagong mga magulang. Ang mga sentro ay nagpaplano para sa mabuting paglalaki ng
mga bata.
- Kung magkaroon ng pangangailangan para sa isang panamantalang tagapag-alaga, makakapaglaan ang
mga sentro ng ito.
- Ang mga sentro ay tumutulong sa maagang pag-unlad ng katalinuhan ng mga bata at nagpupulong para
sa mga paraan na makakamtan ito.
35
Pangalan ng sentro Lokasyon, Telepono Karagdagang Komento
Sentro sa Pagpayo ng
mga Bata (para sa mga
bata lamang)
0120(728)525
(walang bayad)
(Bukas buong taon)
Osaka chuo Sentro ng
Kapakanan ng mga Bata
at Pamilya
28-5 Yasaka-chou, Neyagawa-
shi 〒572-0838
072(828)0161
Para lamang sa mga sumusunod na lungsod:
Moriguchi, Hirakata, Neyagawa, Daitou,
Kadoma, Shijounawate, Katano
Ikeda Sentro ng
Kapakanan ng mga Bata
at Pamilya
9-17 Masumi-chou Ikeda-shi〒
563-0041
0727(51)2858
Para sa mga sumusunod na lungsod:
Toyonaka, Ikeda, Minoo, Toyono-chou,
Nozechou
Suita Sentro ng
Kapakanan ng mga Bata
at Pamilya
19-3 Deguchi-chou Suita-shi〒
564-0072
06(6389)3526
Para sa mga sumusunod na lungsod: Suita,
Takatsuki, Ibaraki, Settsu, Shimamoto-chou
East Osaka Sentro ng
Kapakanan ng mga Bata
at Pamilya
1-7-4 Eiwa, Higashi Osaka-shi
〒577-0809
06(6721)1966
Para sa mga sumusunod na lungsod: Higashi
Osaka-shi, Yao, Kashiwara
Sakai City Sentro ng
Konsulta ng mga Bata
4-3-1 Nakamachi, Asahigaoka,
Sakai- ku, Sakai-shi 〒590-0808
072-245-9197
Para sa mga sumusunod na lungsod: Sakai
Tondabayashi Sentro ng
Kapakanan ng mga Bata
at Pamilya
Minami Kawachi Sentro ng
Mamamayan (sa loob ng gusali),
2-6-1 Kotobuki-chou,
Tondabayashi-shi
〒584-0031
0721(25)1131
Para sa mga sumusunod na lungsod:
Tondabayashi, Kawachi Nagano, Matsubara,
Habikino, Fujiidera, Osaka Sayama, Taishi-
chou, Kanan-chou, Chihaya Akasaka-mura
Kishiwada Sentro ng
Kapakanan ng mga Bata
at Pamilya
7-30 Miyamae-chou, Kishiwada-
shi 〒596-0043
072(445)3977
Para sa mga sumusunod na lungsod: Izumi-
Otsu, Izumi, Takaishi, Kishiwada, Izumisano,
Kaiduka, Sennan, Hannan, Kumatori-chou,
Tajiri-chou, Tadaoka-chou, Misaki-chou
Osaka City Sentro ng
Konsulta ng mga Bata
1-17-5 Morinomiya Chuo, Chuo-
ku Osaka-shi 〒540-0003
06-4301-3100
Siyudad ng Osaka
Osaka City Sentro ng
Konsulta ng mga Bata
1-17-5 Morinomiya Chuo, Chuo-
ku Osaka-shi 〒540-0003
06-4301-3100
Lungsod ng Osaka (Dalawampung Ku
maliban sa Abeno-ku, Sumiyoshi-ku,
Higashisumiyoshi-ku, Hirano-ku)
Sentro ng Konsulta ng
mga Bata sa Timog na
bahagi ng Osaka City
6-2-55 Kirenishi, Hirano-ku,
Osaka-shi 〒547-0026
06-6797-1511
Lungsod ng Osaka (Abeno-ku, Sumiyoshi-ku,
Higashisumiyoshi-ku, Hirano-ku)
36
18 Ang Sistema ng pagturo ng pambokasyon sa eskwela (Osaka Prefecture Human
Resources Bank) TOP
Sa Osaka mayroong sistema na tinatawag na bangko ng yamang tao para sa pagtulong sa mga paaralan.
Itong sistema ay talaan ng mga tao na aktibo sa iba’t-ibang larangan na makakapagturo ng tanging
karunungan sa mga bata sa mga paaralan.
Sa pamamagitan ng sistemang ito, marami na ngayon ang aktibo sa mga paaralan ng mga munisipyo at ng
lalawigan.
http://www.pref.osaka.lg.jp/kotogakko/jinzai/index.html
37
19 Lugar kung saan makakakuha ng imporasyon tungkol sa trabaho (Listahan ng Hello work)
TOP
Dito ay kung saan ang mga taong nais maghanapbuhay ay ipapakilala sa mga trabaho.
Ang sumusunod ay ang mga pampublikong ahensiya ng pagtatrabaho sa Osaka.
Lokalidad Numero ng
Telepono Zip Kowd Lokasyon
Hello Work Osaka Higashi 06-6942-4771 540-0011 1F-3F Pip Bldg., 2-1-36 Nouninbashi, Chūō-ku,
Ōsaka-shi
Hello Work Umeda 06-6344-8609 530-0001 16F, No.2 building, 1-2-2 Umeda, Kita-ku,
Ōsaka-shi
Hello Work Osaka Nishi 06-6582-5271 552-0011 1-2-34 Minami Ichioka, Minato-ku, Ōsaka-shi
Hello Work Abeno 06-4399-6007 545-0004 1-4-2 Fuminosato, Abeno ku, Osaka shi
Abeno Wakamoto Hello Work
(10F ng Lucias office) 06-6631-1675 545-0052
10F, Abeno Lucias Building, 1-5-1 Abenosuji,
Abeno-ku, Ōsaka-shi
Hello Work Yodogawa 06-6302-4771 532-0024 3-4-11 Jūsōhon-machi, Yodogawa-ku, Ōsaka-
shi
Hello Work Fuse 06-6782-4221 577-0056 4F AEON Fuse Ekimae branch, 1-8-37 Chodo,
Higashi Osaka-shi
Hello Work Sakai 072-238-8301 590-0078
The 1st to 3rd floor of Sakai district
Goudouchousha, 2-29, Minami-Kawaramachi,
Sakai-ku, Sakai-shi
Hello Work Sakai Higashi Ekima
Office 072-238-8305 590-0028
9F Takashimaya Sakai Ten, 59
Mikunigaokamiyukidori, Sakai-ku, Sakai-shi
Hello Work Kishiwada 072-431-5541 596-0826 1264 Zakuzaichō, Kishiwada-shi
Hello Work Ikeda 072-751-2595 563-0058 12-9 Sakaehon-machi, Ikeda-shi
Hello Work Izumiōtsu 0725-32-5181 595-0025 TEXPIA OSAKA 2F
22-45 Asahi-chō, Izumiōtsu-shi
Hello Work Fujiidera 072-955-2570 583-0027 3F DH Fujiidera Ekimae Bldg. 2-10-18 Oka
Fujiidera-shi
Hello Work Hirakata 072-841-3363 573-0031 6F VIE. ORNER, AEON Hirakata Branch, 7-1
Okamoto-cho, Hirakata-shi
Hello Work Izumisano 072-463-0565 598-0007 2-1-20 Ue-machi, Izumisano-shi
Hello Work Ibaraki 072-623-2551 567-0885 1-12 Higashichūjō-chō, Ibaraki-shi
Hello Work Kawachinagano 0721-53-3081 586-0025 7-2 Shōei-chō, Kawachinagano-shi
Hello Work Kadoma 06-6906-6831 571-0045
2F, Hall ng Commerce-and-industry ng
Moriguchi-Kadoma, 6-4 Tonoshima-chō,
Kadoma-shi
Osaka Employment Service
Center for Foreigners 06-7709-9465 530-0017
16F Hankyu Grand Building, 8-47 Kakuda-cho,
Kita-ku, Osaka-shi
38
20 Bukod sa mga karaniwang klase sa mataas na paaralan, mayroong mga paaralan na
naghahandog ng dalubhasang karunungan at pagsasanay sa kakayahan
(Pagkuha ng kasanayan para makapagtrabaho) TOP
◆Mga Paaralan ng Dalubhasang Pagsasanay (Koutou Shokugyou Gijutsu Senmonkou)
Ito ay mga institusyon na nagaalay ng iba’t-ibang pagsasanay na may kaugnayan sa pagtrabaho ng
maikling panahon ng kalahating taon hanggang 2 na taon at kung saan makakakuha ng dalubhasang
karunungan at kakayahan.
Maaring idaan ang aplikasyon sa mga pampublikong ahensiyang pantrabaho (Hello Work!).Sa Osaka,
mayroong 6 na ganitong uri ng paaralan, kasama ang Paaralan para sa Pag-unlad ng Pantrabahong
Kakayahan ng mga may Kapansanan ng Osaka.
Techno Center Minami-Osaka 072-553-3005
Techno Center Kita (North) Osaka 072-808-2151
Techno Center Higashi (East) Osaka 072-964-8836
Techno Center Yuuhigaoka 06-6776-9900
Paaralan para sa Pag-unlad ng Pantrabahong
Kakayahan ng mga may Kapansanan ng Osaka 072-296-8311
※Para sa karagdagang impormasyon maari lamang makipagkonsulta sa inyong guro o tagapayo ng
inyong eskuwela.
◆ Kolehiyong Pang-teknolohiya (Koutou Senmon Gakkou)
Ito ay mga paaralan na sumisikap na paunlarin ang kakayahan na kinkailangan sa trabaho sa paghandog
ng mga napaka-komprehensibong kurso. Sila ay nakatuon sa mga kurso na may kinalaman sa industriya.
Pagkalipas ng 5 taon maaring makapagtrabaho ang mga nagsipagtapos bilang propesyonal na inhinyero o
pumasok sa mga unibersidad.
Sa Osaka nariyan ang (Osaka Furitsu Daigaku Kougyou Koutou Senmon Gakkou) o ang Kolehiyong
Pangteknolohiya ng Lalawigan ng Osaka na mayroong 5 taong sistema.
◆Mga walang kategoryang paaralan at mga paaralang teknikal
○ Mga walang kategoryang paaralan (Kakushu Gakkou)
Ang mga ito ay mga institusyong pang-edukasyon kung saan ang kakayahan at mga katangian na
kailangan upang maging isang mapakanikanibangang miyembro ng lipunan sa maiksi lamang na panahon.
Ang mga kurso ay karaniwang tumatagal ng isang taon lamang.
Mga kurso: Pagpapaganda at pag-ayos ng buhok, Pagluluto atbp.
○ Mga paaralang Teknikal (Senshuu Gakkou)
Ang mga ito ay mga paaralan kung saan pumapasok ang mga nagtapos ng gitnang paaralan at
sumusunod ng ordinaryong kurikulum ng mataas na paaralan na may karaniwang klase at may
karagdagang mga pang-dalubhasang klase. Pinagsasama nila ang pagsasanay sa kakayahan at sa
pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga mataas na paaralan, makakatanggap din ang mga estudyante
ng high school diploma.
Mga kurso: Pagsasanay sa Komputer, Pagpapaganda at pag-ayos ng buhok, Karunungang pantahan, mga
banyagang wika, pag-ayos ng sasakyan atbp.
39
21 Ano na pagkatapos ng gitnang paaralan? Malapit na kaming umuwi sa bansa namin.
(Career ng bata) TOP
Q1. Ang aking anak ay malapit nang magtapos ng gitnang paaralan. Ano ang maari niyang gawin
pagkatapos?
A. Sa Japan, pagkatapos ng gitnang paaralan, ang landas ay nahahati sa dalawa. Sa mas mataas na
pag-aaral o ang paghanap ng trabaho.
Para sa mas mataas na pag-aaral, nariyan ang high school, mga kolehiyo ng teknolohiya, mga tanging
pagsasanay na paaralan at iba pa. Mamili pagkatapos lamang na payuhan ng inyong guro. Ang sinoman
ay marapat lamang dumaan ng gitnang paaralan bago makapagtrabaho kaya marapat lamang na makipag-
usap sa guro bago magpasya. Tingnan ang pahina para sa mga detalye tungkol sa “Pagkatapos ng
Middle School”.
Q2. Hindi namin alam kung kailan kami makakabalik sa bansa namin. Kung kukuha ng mas
mataas na pag-aaral ang anak ko dito sa Japan, kikilanlin ba ang lahat ng kanyang nakamit na pag-
aaral pagbalik namin?
A. Magkaiba ang bawat sistema ng edukasyon ng bawat bansa. Subalit ang karamihan ay kikilanlin ang
natanggap niyang pag-aaral. Kung kulang ang bilang ng taon ng pag-aaral
kulang ang bilang ng mga kursong dinaanan, kailangang kunin ng bata ang natitira pagbalik sa sarili
ninyong bansa. http://www.pref.osaka.lg.jp/attach/21636/00000000/05_H29FILIPINO.pdf
Q3. Gusto kong ipadala ang anak ko sa mataas na paaralan pero nag-aalala ako na kukulangin kami
ng pera.
A. Sa Japan mayroon mga organisasyon na namimigay ng iskolarsip. Maari nilang ipautang ang
kailangang halaga para sa pagpasok ng mataas na paaralan, kolehiyo o paaralang bokasyonal. Ang
pinautang na halaga ay binabayaran matapos mag-aral ang estudyante at maari nang magtrabaho.
Ang paraan ng pagbayag ng utang ay magkaiba para sa bawat orginasasyon. Para sa mga mataas na
paaralan, nariyan ang Osakafu Ikuei Kai (Ang asosayon pang-iskolarsip ng lalawigan ng Osaka). Tingnan
ang pahina para sa mga detalye “tungkol sa scholarship”.
http://www.pref.osaka.lg.jp/attach/21636/00000000/05_philipino_h30.pdf
Q4. Ano dapat ang isuot para sa eskuwela?
A. Karaniwang ang mga estudyante sa gitnang at mataas na paaralan ay nagsusuot ng uniporme bago
pumunta sa eskuwela. Ang bawat eskwela ay may sariling takdang uniporme. Ang para sa tag-lamig ay
karaniwang sinsuot mula umpisa ng Oktubre hanggang dulo ng Mayo. Ang para sa tag-init ay sinusuot
mula umpisa ng Hunyo hanggang dulo ng Setyembre.Sa kabilang dako, ang mga paaralang elementarya
ay walang takdang uniporme. Mas mainam kung susuot ang bata ng nakakabigay ng kalayaan ng pagkilos.
Q5. Kailangan ko bang gumawa ng baon para dalhin sa eskuwela?
A. Sa mga paaralang elementarya, may tanghalian na hinahanda ng paaralan mismo na sabay-sabay
kinakain ng mga bata. Sa gitnang paaralan, may mga paaralan naghahanda ng tanghalian. May paaralang
40
nagbibigay ng tanghalian sa lahat ng estudyante, meron ding paaralan na binibigyan lamang ang sinumang
nag-aplay para sa tanghalian. Kung hindi naghahanda ang paaralan ng tanghalian, kinakailangang pagdala
ng baon. Kung hindi makakapagdala ng baon, bumili ng tinapay at dalhin ito sa paaralan. May paaralan
ding nagbebenta ng tinapay. Karamihan sa mataas na paaralan ang kailangang magdala ng baon. May
mga eskwela na may sariling kantina kung saan maaring bumili ang mga estudyante ng pangtanghalian o
ng makakain.
Sa Japan, maraming paaralan ang hindi pinapahintulutan ang mga estudyante na lumabas ng kampus
bago ng oras ng pag-uwi. Dahil dito, dapat lamang na magdala ng baon o ng perang pambili ng pagkain sa
kantina ng paaralan.
Q6. Ano ang PTA?
A. Sa Ingles ang ibig sabihin nito ay “Parent Teacher Association” o ang samahan ng mga magulang at
mga guro. Dito nagpupulong-pulong ang mga magulang o tagapag-alaga at mga guro.
Sa mga pagpupulong na mga ito, nagtutulungan ang mga magulang/tagapag-alaga at mga guro sa
pagpapalaki ng mga bata sa tamang paraan sa pag-usap tungkol sa pagpapaaral ng bata sa bahay at sa
paaralan. Pinag-uusapan din ang paglahok ng mga magulang sa mga kaganapan sa paaralan bilang kasapi
ng PTA, atbp. Sa kasalukuyan, dumadami ang mga kaso ng pambibiktima ng mga bata sa daang patungo
sa eskuwelahan. Mayroong mga paaralan kung saan ang PTA ay ang nagbabantay nito.
41
22 Ayaw nang bata na pumunta sa eskwela. (Hindi pumapasok)? TOP
(1) Hindi madalang ang mga kaso ng pagliban sa eskuwela.
Q. Mula sa magulang o tagapag-alag
Hindi na pumapasok ang anak ko sa eskuwela. (Ayaw pumunta.) Ano dapat gawin ko?
A. Ang tugon ng tagapayo
Ang hindi pagkaintindi ng salitang hapon pagpasok sa eskuwela, at ang hindi pagsanay sa kulturang
Hapon at sistemang edukasyon ay ang mga dahilan na ang bata na nanggagaling sa ibang bansa ay
nahihirapan makipagkaibigan sa kaklase, maintindihan ang leksiyon at maging hiyang sa tanghalian na
pang-Hapon at iba pa. Dahil sa mga rason na ito maaring tumigil ang bata sa pagpunta sa eskuwela.
Upang maipababalik ang bata sa eskuwela, importante na pagisipan kung ano ang sanhi at puksain ito.
Ngunit, kahit na makapag-isip ka ng maraming panglutas sa problema, marapat na makipag-usap muna sa
guro, dahil siya ang mas nakakaalam tungkol sa sitwasyon sa eskuwela. Mahalaga na magtulungan ang
mga magulang o tagapag-alaga at ang guro para sa kabutihan ng bata.
Unang-una sa lahat, makipag-usap sa guro.
(2) Mga sentro ng pagpapayo sa labas ng eskuwela
Kung sakaling mahihirapan makipag-usap sa guro, ang Mga Sentro ng Kapakanan ng Bata at ng Pamilya
sa Osaka (Osakafu Kodomo Katei center) ay makakapagbigay ng payo tungkol sa problema ng pagliban
sa eskuwela.
Tingnan ninyo ang listahan ng pag-usap sa guro, ang mga Sentro ng Kapakanan ng Bata at ng Pamilya sa
Osaka (Osakafu Kodomo Katei Center).