Download - Himagsikan
Pahina | 1
MGA PAG-AALSA NG PILIPINO LABAN SA MGA ESPANYOL
Taon Pinuno Pook na
Pinangyarihan
Dahilan ng Pag-aaklas Bunga/Resulta ng Pag-
aaklas
1574 Lakandula Tondo, Navotas Hindi pagtupad ni Gob. Hen.
Guido de Lavesarez sa mga
pangakong binitiwan ni
Legazpi kay Lakandula.
Bigo. Napahinuhod si
Lakandula nina Juan de
Salcedo at Padre Geronimo
Martin.
1596 Magalat Cagayan Pagmamalabis sa
pangongolekta ng tribute.
Bigo. Pinatay si Magalat ng
isang Pilipinong inupahan ng
mga Espanyol.
1621 Irrayas
(Gabriel Dayag,
Felix Cutabay)
Lambak ng
Cagayan
Pagmamalabis at pang-aapi
ng mga pinunong Espanyol
sa sapilitang paggawa at
tribute.
Nagtapos ng payapa dahil sa
pagsesermon ni Padre Pedro
de San Tomas
1621-1622 Tamblot Bohol Pagnanais na iwanan/itakwil
ang katolisismo at bumalik
sa katutubong relihiyon.
Bigo. Nasugpo ng mga
Espanyol at mga Kristyanong
Cebuano (sa pamumuno ni
Don Juan de Alcarazo)
1621 Bankaw
(kasama:
kanyang mga
anak, Pagali
Leyte Pagnanais ng kalayaan sa
pananampalataya/pagbalik
sa katutubong relihiyon.
Bigo. Nasugpo ng mga
Espanyol at mga Kristyanong
Cebuano (sa pamumuno ni
Alcalde Mayor Alcarazo)
1625
1627
1639
Miguel Lanab,
Aldaban
Cagayan Pagnanais ng kalayaan;
pagpaparusa sa isang babae
ng ilang Espanyol na opisyal
Bigo. Pinatawad ang mga
pinuno. Pinatay nang muling
mag-alsa.
1643 (Pedro) Ladia Malolos,
Bulacan; Timog
Luzon
Pagkagalit sa pang-aapi ng
mga Espanyol.
Napanatili ni Padre Cristobal
Enriquez ang katapatan ng
mga tao sa Espanya. Inaresto
si Ladia, dinala sa Maynila at
binitay.
1649-50 Sumuroy, Juan
Ponce, Pedro
Caamug
Silangang
Visayas,
Hilagang
Mindanao,
Zamboanga
Pagtutol sa kauutusan ni
Gob. Diego Fajardo sa
pagpapadala ng mga
manggagawang Bisaya sa
Cavite upang gumawa ng
barko.
Bigo. Hinuli at pinugutan ng
ulo ang mga pinuno.
1660-1601 Francisco
Maniago
Bacolor,
Pampanga
Hindi pagbabayad ng mga
pinunong Espanyol sa
biniling palay; paulit-ulit na
pag-uutos na magbigay ng
personal na paglilingkod
Pagkakaloob ng
pangkalahatang amnestiya sa
mga rebelde. Pagbibigay ng
kabayaran sa paglilingkod.
Pahina | 2
1663 Tapar Oton, Panay Pagnanais na magtatag ng
sariling uri ng Kristyanismo
Bigo. Napatay sa labanan ang
pinuno at ang mga kasama
nito.
1745-1746 Matienza Bulacan, Morong
(Rizal), Cavite,
Laguna, Batangas
Agraryo. Pang-aagaw ng
mga lupaing ari ng mga
magsasaka ng mga ordeng
relihiyoso.
Bigo.
1807 Pedro Mateo Ilocos Monopolyo ng pamahalaan
sa paggawa ng basi.
Bigo. Natalo ng puwersang
Espanyol ang mga rebelde.
1840-1841 Apolinario dela
Cruz (Hermano
Pule)
Quezon Tinanggihan si Pule ng mga
Kastila na maging isang pari
dahil isa siyang indio.
Nagtatag si Pule ng isang
kapatirang panrelihiyon, ang
Confradia de San Jose, na
hindi pinayagan ng
pamahalaan at iniutos na
buwagin.
Bigo. Sa pangunguna ni Lt.
Co. Joaquin Huet, nahuli si
Pule, binitay at pinagpira-
piraso ang katawan. Pinarada
ito mula Tayabas hanggang
Lucban (lugar ng kanyang
kapanganakan).
Kapansin-pansin na pulos bigo ang mga naitalang pag-aalsa. Nangangahulugan ito na:
Hindi pa lubos na handa ang mga Pilipino;
Watak-watak kung sila’y kumilos;
Karamihan ay walang armas o sandata na kayang tumapat sa mga baril at kanyon ng mga Kastila;
Higit sa lahat, mas matapat ang maraming Pilipino sa Kastila kaysa sa kapwa nila Pilipino.
Bibliyograpi:
Agoncillo, Teodoro A. et al, Kasaysayan ng Pilipinas, Quezon City, C & E Publishing, Inc., 2012
Halili, Maria Cristine N, Philippine History, Manila, Rex Book Store, Inc., 2004
Project EASE (Effective and Alternative Secondary Education), Araling Panlipunan I, Modyul 8,
“Pagsibol ng Kamalayang Pilipino”, Bureau of Secondary Education, Department of Education,
Pasig City, 20