Download - PANAWAGAN-KAWING DYORNAL
Panawagan para maiden issue ng DYORNAL na KAWING ng PSLLF
Pambansang Samahan sa Linggwistika atLiteraturang Filipino s/p De La Salle UniversityTaft Avenue, Maynila 1004
PANAWAGAN PARA SA MGA PAPEL, PANANALIKSIK AT ARTIKULO
PARA SA MAIDEN ISSUE NG DYORNAL NA “KAWING” NG PSLLF
Ang KAWING ay isang multidisiplinaring dyornal sa wika, panitikan, kultura at
pedagohiyang Pilipino/Filipino, na taunang ilalathala ng Pambansang Samahan sa
Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), Ink.
Pangunahing layunin ng KAWING ang mga sumusunod:
1. Paunlarin ang paggamit ng wikang Filipino sa pananaliksik
2. Itaguyod ang pananaliksik na nakaugat sa kontemporaryong isyu at suliraning
pampagtuturo, pangwika, pampanitikan, pangkultura at panlipunan
3. Pukawin ang makabansang kamalayan ng mga guro, mag-aaral,
mananaliksik at taumbayan sa pamamagitan ng mga pananaliksik na
makabuluhan, interesante at madaling maintindihan
Malaya ang tema ng maiden issue ng KAWING. Anumang may kaugnayan sa
wika, panitikan, kultura at pedagohiyang Pilipino/Filipino ay maaaring ipasa.
EXTENDED NA DEDLAYN ng pagpapasa: Nobyembre 18, 2011 (BIYERNES)
PETSA NG PUBLIKASYON: Disyembre 2011
Narito ang ilan sa mga ispesipikong tema ng papel na maaaring ipasa:
Teorya, Praktika/Metodolohiya ng Pagtuturo ng Mga Babasahing Mandatory
(“Noli Me Tangere” atbp.)
Mga Isyung Pangwika
Mga Development sa Balarila/Gramatika ng Wikang Pambansa
Kontemporaryong Identidad at Kultura ng Mga Pilipino
1 sa 3
Panawagan para maiden issue ng DYORNAL na KAWING ng PSLLF
Representasyon ng mga Pilipino sa Midya
Paggamit ng Wikang Filipino sa Midya
Wikang Filipino Bilang Wikang Panturo sa Iba’t Ibang Asignatura
Monolinggwalismo, Bilinggwalismo at Multilinggwalismo sa Edukasyon
Teorya at Praktika ng Pagsasaling Teknikal at Pampanitikan
Bagong Pagsusuri sa Teksto at/o Mga Tauhan ng Mga Babasahing Mandatory
Mga Bagong Metodolohiya sa Pagtuturo ng/sa Filipino
Pagbuo ng Makabansa/Patriyotikong Kurikulum
Patakarang Pangwika ng Pilipinas
Suring-basa ng bagong aklat (nobela, antolohiya atbp.) sa Filipino
Ang mga nabanggit na tema ay pawang mga mungkahi lamang. Maaaring
magpasa ng mga pananaliksik at artikulo na di saklaw ng tema basta’t may kaugnayan
sa wika, panitikan, kultura at pedagohiyang Pilipino/Filipino. Maaari ring magpasa ng
personal na sanaysay at suring-pelikula.
Ang mga pananaliksik, artikulo at iba pang ipapasang lahok sa KAWING ay
sasailalim sa proseso ng blind review.
IPADALA SA EMAIL NA ITO ANG IYONG LAHOK: [email protected]
Narito ang FORMAT ng lahok:
1. Word file, short bond paper, 12 font size, Arial font type, 1 inch margin sa lahat
ng gilid at doble-espasyo; DI HIHIGIT SA 50 PAHINA (kasama na ang
bibliyograpiya)
2. Pamagat: Di hihigit sa 40 salitang Filipino; may salin sa Ingles
3. Abstrak: Di hihigit sa 250 salitang Filipino; may salin sa Ingles
4. Bibliyograpiya at Citation: Estilong MLA
(tingnan: http://library.concordia.ca/help/howto/mla.php?guid=intro
http://www.lib.uoguelph.ca/assistance/writing_services/components/documents/MLA.pdf )
2 sa 3
Panawagan para maiden issue ng DYORNAL na KAWING ng PSLLF
PAALALA: HUWAG ilagay sa Word file ng pananaliksik/artikulo ang pangalan
ng may-akda. Magpasa ng bukod na Word file para sa impormasyon hinggil sa
may-akda:
PANGALAN:
PAARALANG PINAGTUTURUAN/
INSTITUSYONG PINAGTATRABAHUHAN/
ORGANISASYONG KINABIBILANGAN:
RANGGO/POSISYON (SA ORGANISASYON, INSTITUSYON/PAARALAN):
Doktorado at Paaralan:
Masterado at Paaralan:
Batsilyer at Paaralan:
Email address:
Cellphone number:
Office landline:
~~~
3 sa 3