panawagan-kawing dyornal

4
Panawagan para maiden issue ng DYORNAL na KAWING ng PSLLF Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino s/p De La Salle University Taft Avenue, Maynila 1004 PANAWAGAN PARA SA MGA PAPEL, PANANALIKSIK AT ARTIKULO PARA SA MAIDEN ISSUE NG DYORNAL NA “KAWING” NG PSLLF Ang KAWING ay isang multidisiplinaring dyornal sa wika, panitikan, kultura at pedagohiyang Pilipino/Filipino, na taunang ilalathala ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), Ink. Pangunahing layunin ng KAWING ang mga sumusunod: 1. Paunlarin ang paggamit ng wikang Filipino sa pananaliksik 2. Itaguyod ang pananaliksik na nakaugat sa kontemporaryong isyu at suliraning pampagtuturo, pangwika, pampanitikan, pangkultura at panlipunan 3. Pukawin ang makabansang kamalayan ng mga guro, mag-aaral, mananaliksik at taumbayan sa pamamagitan ng mga pananaliksik na makabuluhan, interesante at madaling maintindihan Malaya ang tema ng maiden issue ng KAWING. Anumang may kaugnayan sa wika, panitikan, kultura at pedagohiyang Pilipino/Filipino ay maaaring ipasa. 1 sa 3

Upload: david-michael-san-juan

Post on 28-Nov-2014

146 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: PANAWAGAN-KAWING DYORNAL

Panawagan para maiden issue ng DYORNAL na KAWING ng PSLLF

Pambansang Samahan sa Linggwistika atLiteraturang Filipino s/p De La Salle UniversityTaft Avenue, Maynila 1004

PANAWAGAN PARA SA MGA PAPEL, PANANALIKSIK AT ARTIKULO

PARA SA MAIDEN ISSUE NG DYORNAL NA “KAWING” NG PSLLF

Ang KAWING ay isang multidisiplinaring dyornal sa wika, panitikan, kultura at

pedagohiyang Pilipino/Filipino, na taunang ilalathala ng Pambansang Samahan sa

Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), Ink.

Pangunahing layunin ng KAWING ang mga sumusunod:

1. Paunlarin ang paggamit ng wikang Filipino sa pananaliksik

2. Itaguyod ang pananaliksik na nakaugat sa kontemporaryong isyu at suliraning

pampagtuturo, pangwika, pampanitikan, pangkultura at panlipunan

3. Pukawin ang makabansang kamalayan ng mga guro, mag-aaral,

mananaliksik at taumbayan sa pamamagitan ng mga pananaliksik na

makabuluhan, interesante at madaling maintindihan

Malaya ang tema ng maiden issue ng KAWING. Anumang may kaugnayan sa

wika, panitikan, kultura at pedagohiyang Pilipino/Filipino ay maaaring ipasa.

EXTENDED NA DEDLAYN ng pagpapasa: Nobyembre 18, 2011 (BIYERNES)

PETSA NG PUBLIKASYON: Disyembre 2011

Narito ang ilan sa mga ispesipikong tema ng papel na maaaring ipasa:

Teorya, Praktika/Metodolohiya ng Pagtuturo ng Mga Babasahing Mandatory

(“Noli Me Tangere” atbp.)

Mga Isyung Pangwika

Mga Development sa Balarila/Gramatika ng Wikang Pambansa

Kontemporaryong Identidad at Kultura ng Mga Pilipino

1 sa 3

Page 2: PANAWAGAN-KAWING DYORNAL

Panawagan para maiden issue ng DYORNAL na KAWING ng PSLLF

Representasyon ng mga Pilipino sa Midya

Paggamit ng Wikang Filipino sa Midya

Wikang Filipino Bilang Wikang Panturo sa Iba’t Ibang Asignatura

Monolinggwalismo, Bilinggwalismo at Multilinggwalismo sa Edukasyon

Teorya at Praktika ng Pagsasaling Teknikal at Pampanitikan

Bagong Pagsusuri sa Teksto at/o Mga Tauhan ng Mga Babasahing Mandatory

Mga Bagong Metodolohiya sa Pagtuturo ng/sa Filipino

Pagbuo ng Makabansa/Patriyotikong Kurikulum

Patakarang Pangwika ng Pilipinas

Suring-basa ng bagong aklat (nobela, antolohiya atbp.) sa Filipino

Ang mga nabanggit na tema ay pawang mga mungkahi lamang. Maaaring

magpasa ng mga pananaliksik at artikulo na di saklaw ng tema basta’t may kaugnayan

sa wika, panitikan, kultura at pedagohiyang Pilipino/Filipino. Maaari ring magpasa ng

personal na sanaysay at suring-pelikula.

Ang mga pananaliksik, artikulo at iba pang ipapasang lahok sa KAWING ay

sasailalim sa proseso ng blind review.

IPADALA SA EMAIL NA ITO ANG IYONG LAHOK: [email protected]

Narito ang FORMAT ng lahok:

1. Word file, short bond paper, 12 font size, Arial font type, 1 inch margin sa lahat

ng gilid at doble-espasyo; DI HIHIGIT SA 50 PAHINA (kasama na ang

bibliyograpiya)

2. Pamagat: Di hihigit sa 40 salitang Filipino; may salin sa Ingles

3. Abstrak: Di hihigit sa 250 salitang Filipino; may salin sa Ingles

4. Bibliyograpiya at Citation: Estilong MLA

(tingnan: http://library.concordia.ca/help/howto/mla.php?guid=intro

http://www.lib.uoguelph.ca/assistance/writing_services/components/documents/MLA.pdf )

2 sa 3

Page 3: PANAWAGAN-KAWING DYORNAL

Panawagan para maiden issue ng DYORNAL na KAWING ng PSLLF

PAALALA: HUWAG ilagay sa Word file ng pananaliksik/artikulo ang pangalan

ng may-akda. Magpasa ng bukod na Word file para sa impormasyon hinggil sa

may-akda:

PANGALAN:

PAARALANG PINAGTUTURUAN/

INSTITUSYONG PINAGTATRABAHUHAN/

ORGANISASYONG KINABIBILANGAN:

RANGGO/POSISYON (SA ORGANISASYON, INSTITUSYON/PAARALAN):

Doktorado at Paaralan:

Masterado at Paaralan:

Batsilyer at Paaralan:

Email address:

Cellphone number:

Office landline:

~~~

3 sa 3