Organikong Pamamaraan na Pagtatanim ng Palay
Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa mga sumusunod:
Mr. Manuel Capua Magsasaka Syentista
Sta. Barbara, Pangasinan
Ms. Consuelo N. Belarmino
PMA Team Leader Department of Agriculture, RFU-I
Ilocos Integrated Agricultural Research Center (ILIARC)
DMMMSU Cmpd., Sapilang, Bacnotan, La Union Tel No: (072) 719-0190 Fax No: 072-719-0189
E-mail address: [email protected]
Dr. Stanley C. Malab
Ilocos Agriculture and Resources Research and Development Consortium (ILARRDEC) CRL Bldg., Mariano Marcos State University
City of Batac, Ilocos Norte Tel. No. (077) 792-3420
Naiprinta para sa S&T-Based Farm tungkol sa Organikong Pamamaraan ng Pagatanim ng Palay
Enhancing FITS for Rural Development Program
2010
Paano gawin ito?
Dikdikin ang 4 na kilong siling labuyo. Lagyan ng 4 na litrong tubig upang makuha ang lahat ng katas nito.
Salain ito gamit ang cotton t-shirt. Ang 4 na litrong
katas ng siling labuyo ay maaring gamitin sa isang ektarang tubigan.
Paghaluin ang 400 ml na katas ng siling labuyo sa 16 litrong tubig at i-spray ito sa pananim. Maiiwasan nito ang pagkakaroon ng adult stemborer, leaf folder at caseworm.
Sa loob ng 70-75 nq araw pagkatapos ng lipat-
tanim, magspray ng nagawang 400 ml na katas ng siling labuyo at 16 litrong tubig. Gamitin ang 10 tank load ng knapsack sprayer sa isang ektarya.
Pagkaraan ng 75-80 na araw, patuyuin ang tubigan
upang maihanda ito sa pag-aani.
Pag-aani ng Palay Maari ng anihin ang palay pagkaraan ng 95-120 na araw. Tiyaking ang aanihing palay ay mayroon nang 80 porsientong maturity.
Science and Technology-Based Farm on
Organically Grown Rice
Ilocos Agriculture and Resources
Research and Development
Consortium (ILARRDEC)
Department of Agriculture, RFU-1
Ilocos Integrated Agricultural
Research Center (ILIARC)
Panimula Palay ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Ang pagkakaroon ng tamang produksyon upang mabigyan solusyon ang seguridad sa pagkain ay isa sa mga prayoridad ng pamahalaan. Ganun din ang pagbibigay kahalagahan sa nutrisyon ng mga mamamayan at pangangalaga sa kapaligiran. Dahil dito, bumabalik tayo sa organikong pamamaraan upang maibalik ang yaman ng lupa at magkaron ng masustansya at ligtas na pagkain. Paghahanda ng Lupang Pagtataniman
Araruhin ang lupang pagtataniman gamit ang alagang kalabaw o maaring gumamit ng traktor sa pagbungkal ng lupa. Gawin ito 5-30 araw bago magtanim.
Paghahanda ng Punla Ihanda ang 400 metro kwadradong punla para sa isang ektaryang tubigan. Lagyan ng limang sakong carbonized rice hull at limang sako ng organikong pataba bago magpunla. Ito ay maaring gawin 5-30 na araw bago maglipat ng punla.
Pagkatapos ng dalawang araw bago maglipat ng punla, ibabad ang 40 kilong registered seeds sa loob ng 24 oras sa malinis na tubig at painitan ito sa susunod ng 24
oras upang tumubo. Lagyan ng apat na paketeng Bio-N o isang
paketeng Vital-N ang 40 na kilong napatubong buto. Haluin itong mabuti bago ito ilagay sa seedbed o sa nagawang punlaan.
Itanim ang napatubong buto sa seedbed. Takpan ang mga ito gamit ang manipis na pantakip na may organikong pataba o abono upang maiwasan ang pagkakawatak-watak o pagkakalayo-layo ng mga punla lalo na panahon ng tag-ulan.
Bunutin ang
mga punla isang araw bago ito ilipat-tanim. Gawin ito 18-21 na araw pagkatapos ng pagpupunla.
Lagyan ng 60
sako na nabulok na dumi ng manok ang lupang pagtatamnan (decomposed chicken manure) s a huling araw ng pag-aararo.
Paglilipat-tanim Gumawa ng isang diretsong linya na may layong 1 metro upang magsilbing gabay sa pagatanim. Gawin ang patatanim na may agwat na 20 sentimetro x 20 sentimetro. Pagpapatubig
Panatilihin ang tamang taas ng tubig upang
makontrol ang paglaki ng mga damo. Panatilihin ang taas ng dalawang sentimentro ng
tubig mula sa pagkakalipat ng punla. Samantala, 3-5 sentimetro ng tubig naman ang kailangang panatilihin mula 15-30 na araw pagkatapos maglipat-tanim. Kailangang may 3-5 na taas ng tubig sa tuwing magpapatubig.
Pagkontrol sa mga Damo Maaring alisin ang mga damo sa pamamagitan ng mechanical rotary weeder o maaring bunutin lamang ang mga ito. Pagkontrol sa mga Insekto
Gumamit ng nadurog na 16 kilong sariwang dahon ng kakawate upang makagawa ng 2600 ml na katas nito. Paghaluin ang 200 ml na katas ng dahon ng kakawate sa 16 na litrong tubig. I-ispray ito sa 8 knapsack sprayer sa isang hektarang tubigan para makontrol ang mga insektong whorl maggots at caseworm.
Maari ring gamitin ang sanga ng kakawate upang
magsilbing pamatay peste at organikong abono. Ilagay ito sa mga pilapil.
Pagkatapos ng 30-45 na araw mula naglipat-tanim,
maaring makontrol ang mga panirang insekto sa pamamagitan ng paggamit ng siling labuyo. Ang katas nito ay maaring gamitin upang maiwasan ang adult stem borer at leaf folder.