eal of artnership filipino - znnhs · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o...

16
8 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 7 Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin (Maikling Kuwento)

Upload: others

Post on 17-Aug-2021

12 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

8

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 7

Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin (Maikling Kuwento)

Page 2: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lucita V. Cadavedo

Editor/ Tagasuri: Michel P. Enero

Tagalapat: Lloyd Ivonn Mark Ordinaria

Tagapamahala:

Virgilio P. Batan. Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent

Lourma L. Poculan – Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID

Dr. Nur N. Hussien – Chief Education Supervisor, SGOD

Riela Angela C. Josol – Education Program Supervisor – Filipino

Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo – Program Development Officer II, LRMS

Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 7: Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin (Maikling Kuwento) Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Zamboanga del Norte, 7100

Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818

E-mail Address: [email protected]

Page 3: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

1

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdng pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan.

Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)

Paksa/Aralin: Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin Aralin 5 Maikling Kwento

(Saranggola)

Pamantayan sa Pagkatuto:

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

o Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda (F8PT-IIg-h-27)

o Nakasusulat ng wakas ng maikling kwento (F8PU-IIg-h-28)

Alamin

Page 4: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

2

Aralin 5

Sandigan ng Lahi…Ikarangal

Natin (Maikling Kuwento – Saranggola)

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. Bago natin simulan ang ating panibagong aralin, ay sukatin muna natin ang iyong napag-aralan sa nakaraang modyul.

Balikan

Bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraang modyul, sagutan ang mga

sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang pagpapahayag? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

2. Anu-ano ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag? Ipakilala ang mga paraang ito. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

3. Bakit kinakailangang malawak ang kaalaman sa isang paksa kapag nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

BABALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING SAGUTANG PAPEL.

Page 5: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

3

Tuklasin

Gawain A: SARANG-BOLO!

Tingnang maigi ang saranggola sa ibaba. Para sa iyo, ano ang sinisimbolo ng

isang saranggola sa buhay mo? Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

BABALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING

SAGUTANG PAPEL.

Para sa akin ang saranggola ay simbolo ng _____________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

________________________________________________________________.

Page 6: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

4

Suriin

Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang babasahin at Gawain.

Halika at umpisahan na ang masayang pagbabasa at pag-unawa sa paksa.

SARANGGOLA

Ni Efren R. Abueg “Rading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kuwentong ito. “May isang batang lalaki, walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon. “Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang na saranggola,” wika ng ama. “Hindi ako marunong, tatay,” anang batang lalaki.

“Madali ‘yan. Tuturuan kita,” sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak. Bumili nga ito ng papel at kawayan, tinuruang gumawa ng saranggola ang anak. “Tatay… ibili mo ako ng guryon,” sabi uli ng bata sa ama. “Anak…pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo ang taas at tagal ng lipad ng guryon!” Nainis ang bata sa kanyang ama. “Kinakantiyawan ako sa bukid, tatay,” anang bata. “Anak daw ako ng

may-ari ng kaisa-isang estasyon ng gasoline sa bayan… bakit daw kayliit ng saranggola ko!” Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak. Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati na ng pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang pakataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasak-wasak. “Tingnan mo… hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama. “Kung guryon

‘yan, nawawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat, at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging nawawasak.” Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging katorse anyos na siya. May iba na siyang hilig: damit, sapatos, malaking baon sa eskwela, pagsama-sama sa mga kaibigan. “Anak… dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito.

Kung masira, saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi madaling kitain ang salapi,’ pagunita ng kanyang ama.

BASAHIN AT SURIIN…

Page 7: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

5

“Kawawa nga ako, tatay,” katwiran ng bata. “Anak ako ng tanging may-ari ng estasyon ng gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang hitsura ko… parang anak ng pobre.” “Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskwela at husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan

ang isang kabataang tulad mo. Hindi natutuhan ang pagtitipid.” Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito. Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsasama-sama sa mga barkada at madalas, pinatatao sa estasyon ng gasolina at pinatutulong sa machine shop kung araw ng walang klase. “Pinahihirapan talaga ako ng tatay,” puno ng hinanakit ang tinig na pagsusumbong ng bata sa ina. “Kaisa-sa pa naman akong anak, ang turing niya sa akin… parang ampon!”

“Hindi totoo ang sinabi mo anak,” malumanay na sansala ng kanyang ina sa anak. “Alam mo, mataas ang pangarap niya sa para sa iyo. “Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?” “Ibig niyang maging mahusay kang inhenyero.” Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama. Gayunman, hindi siya makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang kanyang ina. Nang labingwalo na siya, napagkaisahan ng kanyang mga barkada na

kumuha sila ng Commerce. “Mabuti ‘yon. Magsama-sama na tayo sa isang unibersidad,” mungkahi ng isa sa limang magkakaibigan. Pumayag sila. Ngunit nang kausapin ang ama, tumutol ito. “Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang Commerce. Palagay ko Mechanical Engineering ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina.” Masama man ang loob, sumangguni pa ri siya sa ina. “Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin ko…

engineering nga ang bagay sa iyo. May machine shop tayo… sino ba ang magmamana niyon kundi ikaw?’ Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. Napag-isa siya sa pag-aaral sa lungsod at ngayong binata na siya, hindi na hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama. “Ayoko nang mag-aral, inay,” sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito sa dormitory. “Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganoon ni itay? Gusto ba niya akong pahirapan?” Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban…

“Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa iyong hinaharap.” “Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?” “Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral at magtatagumpay ka sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.” “Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba’t ipamamana ninyo sa akin ni itay ang ating kabuhayan?” “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung

hindi mo alam ang pagtatayo niyan?” Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang makapagtitiis pa siya. Isubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral. Nakatapos naman ng inhenyeriya ang binate. Hindi siya pangunahin sa klase, ngunit sa pagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang dalawampu.

Page 8: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

6

“Ngayon anak… bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa paghahanapbuhay," sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya bilang mechanical engineer. Namangha siya. “Akala ko… ako na ang hahawak n gating machine shop pagkatapos ko ng

pag-aaral,” nawika niya sa ama. “Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka ibig ko, magpundar ka ng sarili mong negosyo.” “Mabuti na iyong makatindig ka sa sarili mong paa.” Tinanggap niya ang halagang pinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng tirahan sa mga magulang. “Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong isaisip mong ang kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala.”

Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya naniniwala sa sinabi ng kanyang ina. Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama. Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad siyang pinagsadya ng kanyang ama. “Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop? Magkukumpetensiya pa tayo rito?” “Akala ko ba’y bahala na ako sa buhay ko, itay?” Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita

bago lumisan. “Kung sabagay… mabuting magturo ang karanasan!” May isang taon ding natiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit na machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na Malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito. Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng materyales. Nang hindi siya makabayad, inilit ang makinang kanyang ginagamit. Napilitan siyang lumapit sa ama upang mangutang ng labinlimang libong

piso para mabawi ang kanyang makina. “Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa mungkahi ko na umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng puhunan sa sarili mong pagsisikap.” Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang. Dumabog siya sa harap ng ama. “Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba ninyong makitang nahihirapan ako?” “Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. hindi

madali ang mabuhay sa mundo, anak.” “Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?” “Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga itinuturo nila sa mga ito.” Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lamang nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho hanggang pagkaraan ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at

nakabili ng isang maliit na machine shop. Kumontrata siya sa paggawa ng tambutso sa isang auto assembler at kumita siya nang malaki. Sa loob ng tatlong taon, gumawa na rin ang machine shop niya ng mga parte ng kotse. Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinalaw ang lalaki ng kanyang may edad na ina. Isang araw, dumating sa kanilang bahay, gaya ng dati may pasalubong sa tatlong apong lalaki.

Page 9: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

7

“Ibig ng itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw rito dahil sa hinanakit mo,” sabi ng kanyang ina. “Kinalimutan ko na, inay, na nagkaroon ako ng ama!” Umiyak ang kanyang ina. “Kung gayon… baka hindi na kayo magkita, anak!” nawika nito bago umalis.

Sa tindi ng hinanakit, hindi na rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyn ng kanyang ina. Nagpakagumon siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong kontrata hanggang sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang kanyang machine shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya dinatnan ang kanyang asawa at ang tatlong anak sa bahay. “Nasaan sila?” usog niya sa katulong. “Umuwi ho sila sa probinsiya. Patawirin daw ho ang iyong ama!” “Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?”

Tumango ang tinanong na katulong. “May dalawang taon na hong regular silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang inyong matanda.” May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa pagkaunawang patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang masasayang sandal sa piling nito. Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng saranggola. “Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas,

nasa husay at tiyaga at ingat iyan!” Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng kanyang ama. Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang sinilangan. “Patay na s’ya!” bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib. May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang hinanakit. Nilapitan niya ang ina at sa pagyakap dito, umiyak siya nang marahan, kasamang nagdalamhati ang lahat ng himaymay ng kanyang laman.

“Huwag kang umiyak… namatay siyang walang hinanakit sa iyo,” anas ng kanyang ina. “Wa-walang hinanakit?” “Oo, anak… dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. at sabi niya sa akin, pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.” Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, nagunita na naman niya ang pagpapalipad sa saranggola. “Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas.

Hayaan mo… tuturuan kita!” paliwanag ng ama. “Rading, Paquito, Nelson… Tandaan ninyo ang kuwentong iyan. Kuwento naming ‘yan ng inyong namatay na lolo. Kuwento naming dalawa.”

SANGGUNIAN: Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8 Alma M. Dayag, et.al; Pahina 289 – 294

Mga Gabay na tanong:

1. Paano dinisiplina ng ama ang kanyang anak? 2. Paano tinanggap ng anak ang paraan ng pagdidisiplina ng kanyang ama?

Ipaliwanag. 3. Makatwiran ba ang ginawang paglalayas ng anak? Pangatwiranan. 4. Anong damdamin ang nangibabaw sa anak ng madatnang wala nang buhay

ang kanyang ama? 5. Ano ang gintong aral na nakapaloob sa akda hinggil sa pagtatagumpay?

Page 10: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

8

Pagyamanin

Gawain A: PANSININ MO AKO! Panuto: Pansinin ang mga sinalungguhitang pahayag sa akda. Suriin at tukuyin ang kahulugan ng mga simbolo at pahiwatig. Paalala: Huwag sulatan ang modyul na ito. Maghanda ng sariling sagutang papel.

SIMBOLO/PAHIWATIG KAHULUGAN

Nalagpasan nga ng saranggola niya

ang ilang guryon. Ang iba namang

guryon na lumipad nang pakataas-

taas ay nalagutan ng tali at

nagsibagsak, bali-bali ang mga

tadyang, wasak-wasak

Ang taas at tagal ng pagpapalipad ng

saranggola ay nasa husay, ingat, at

tiyaga. Ang malaki ay madali ngang

tumaas, pero kapag nasa itaas na,

mahirap patagalin doon at kung

bumagsak, laging nawawasak

Makabubuti ba sa akin ang

magmukhang basahan at magdildil ng

asin?

Mabuti na iyong makatindig ka sa

sarili mong paa

Ngunit may lason na sa kanyang isip

Kung sabagay… mabuting magturo

ang karanasan

Page 11: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

9

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

▪ Ang Saranggola ay isang maikling kwento na isinulat ni Efren R. Abueg, isang kilalang kwentista, nobelista, kritiko, at mananaysay. Siya ay ipinanganak

noong ika-3 ng Marso, 1937. ▪ Ang kwentong “Saranggola” ay tungkol sa isang batang lalaki at kung paano

siya dinisiplina ng kanyang ama na may-ari ng kaisa-isang estasyon ng gasolina at machine shop sa kanilang lugar.

▪ Sinimulan ito sa pagkukwento ng isang ama na may tatlong anak – Rading, Paquito, at Nelson. Sa pagsisimula ng kwento, ay may isang batang lalaki na humiling sa kanyang ama ng isang guryon. Sa halip na bilhan siya, ay ginawan siya ng kanyang ama ng isang saranggola at tinuruan kung paano magpalipad nito. Pagkalipas ng ilang taon, humiling naman ng sapatos,

damit, at pagsama sa barkada ang anak ngunit sa halip ay tinuruan siya ng ama na magtipid. Kung kaya’t nakaramdam ng hinanakit ang anak sa ama lalo na nang hindi siya payagang mag-enroll sa kursong commerce dahil ang gusto ng ama ay mechanical engineering ang kunin niya. Nang makatapos siya ng pag-aaral ay binigyan siya ng limampung libong peso bilang puhunan sa negosyong nanaisin ng anak. Nadagdagan ang hinanakit ng anak sapagkat inakala niyang ibibigay ng ama ang kanilang negosyo. Sa galit ng anak ay nagtayo siya ng machine shop gaya ng ama sa kalapit na barangay.

Pinayuhan siya ng ama na lumipat sa ikatlong barangay upang malayo sa kompetensiya ngunit hindi nakinig ang anak hanggang sa nagkautang ito

Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak

ay wala sa mga magulang kundi nasa

mga itinuturo nila sa mga ito

Ang dugo ay dugo.

Wala sa laki ng saranggola ang

pagpapalipad at pagpapatagal niyon

sa itaas, nasa husay at tiyaga at ingat

iyan!”

Nasa itaas ka na.

Isaisip

Page 12: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

10

dahil hindi pumatok ang kanyang negosyo. Muli siyang lumapit sa ama upang humingi ng labindalawang libong piso ngunit sa halip na bigyan ay tinanggihan siya ng ama dahil hindi ito nakinig sa kanyang payo. Lumayas ang anak at nagpakalayo-layo. Nang makaipon mula sa pagtatrabaho ay nagsimula muli ito ng panibagong negosyo na umunlad naman paglipas ng

tatlong taon. Nakapag-asawa na rin ito at may tatlong anak. Dumalaw ang ina at sinabing patawarin na ang ama ngunit nagmatigas ang anak dahil sa laki ng hinanakit nito sa ama. Isang araw, nagtaka ang anak ng hindi niya nadatnan ang kanyang mag-iina. Sinabi ng katulong na umuwi ito sa kanilang probinsya. Sumunod ang anak at doon niya nadatnang wala ng buhay ang kanyang ama. Ang nadaramang hinanakit sa ama ay napalitan ng pagsisisi. Naalala ng anak ang panahon kung kailan tinuturuan siya ng ama na magpalipad ng saranggola. “Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa husay at tiyaga at ingat iyan! Huwag kang mag-alala, tuturuan kita”

Tayahin:

BABALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING

SAGUTANG PAPEL. A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga simbolo at pahiwatig na

ginamit sa pangungusap. Tukuyin kung ano ang kahulugan ng mg ito. Isulat sa inyong sagutang papel ang titik ng napiling sagot.

1. Matiwasay na lumisan sa mundo ang ama sapagkat nasisiguro na niyang ang

anak ay nasa itaas na at nakatitiyak ito na mananatili na ang anak doon. a. Nagtagumpay na ang anak c. Nasa mataas na posisyon ang anak

b. Naging mayabang ang anak d. Namatay na ang anak

2. Nagdildil ng asin ang anak nang hindi siya nakinig sa payo at pangaral ng ama. a. Nag-ulam ng asin ang anak c. Naghirap sa buhay ang anak b. Nagnegosyo ng asin ang anak d. Nagtagumpay sa negosyo ang anak

3. “Ibig kong magpundar ka ng sarili mong negosyo. Mabuti na iyong makatindig ka

sa sarili mong paa”, ang wika ng ama. a. Nais ng ama na matutong magsarili ang anak b. Nais ng ama na matutong maglakbay ng mag-isa ang anak c. Nais ng ama na maghirap ang anak upang matuto sa buhay d. Nais ng ama na bigyan ng negosyo ang anak

PAGSULAT NG JOURNAL

Isulat sa iyong journal ang sagot sa tanong na ito.

Bilang anak, bakit kailangang sundin ang payo at pangaral ng ating

mga magulang? Paano ka dinidisiplina ng iyong magulang?

Page 13: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

11

4. Hindi na magawang magtiwala ng anak sa bawat sinasabi ng ina sapagkat may nabuong lason na sa kanyang isipan dahil sa tindi ng hinanakit sa ama.

a. May nabubuong maling paniniwala sa isipan ng anak para sa ama b. May naiisip na masamang plano ang anak para sa ama c. Naging negatibo ang pananaw ng anak sa ama

d. Nais lasunin ng anak ang ama

5. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang pakataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasak na wasak.

a. Ang mga taong mapagmataas ay binabagsak ng Diyos

b. Ang buhay ay parang guryon, minsan nasa itaas, minsan ay nasa ibaba

c. Ang tagumpay ng isang tao ay mahirap panatilihin sa itaas

d. Kung gaano kataas ang iyong paglipad, siya ring taas ng iyong ibabagsak

6. “Kung sa bagay… mas mabuting magturo ang karanasan,” wika ng ama. a. Mas madaling matuto ang isang tao sa mga bagay na naranasan na niya,

ito man ay tagumpay o isang pagkakamali b. Mas natututo ang anak sa karanasan kaysa sa pangaral ng magulang

c. Mas nakikinig ang anak sa karanasan kaysa sa payo ng magulang

d. Nais ng ama na hayaan ang anak upang matuto

7. “Bakit nais ata ni ama na magmukha akong basahan? Ako ba’y isang ampon?”

a. Maging marumi sa paningin ng iba b. Magkaranas ng matinding hirap

c. Hindi magtagumpay sa buhay

d. Maging pulubi at palaboy sa lansangan

8. “Ang ikagagaan ng buhay ng anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga itinuturo nila sa mga ito,” katwiran ng ina.

a. Nasa magulang kung paano niya palalakihin ang kanyang anak

b. Ang ikabubuti ng anak ay nasa tamang pagdidisiplina ng magulang c. Hinahayaan ng magulang na matuto ang anak sa pagkakamali nito

d. Hinahayaan ng magulang na magdesisyon ang anak upang matuto

9. Sabi nga sa isang kasabihan, “Ang dugo ay dugo” kaya kahit na may edad na ang ina ay dinadalaw pa rin niya ang anak.

a. Ang anak ay anak pa rin

b. Pagbaliktarin man ang mundo, hindi maitatangi na kayo ay magkadugo. c. Ang ina ay ina. d. Magkatulad ang dugo na dumadaloy sa inyong mga ugat

10. “Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa husay at tiyaga at ingat iyan! Ang guryon ay malaki at madali ngang tumaas pero kapag nasa itaas na ay mahirap nang panatilihin roon at kung bumagsak man, siguradong mawawasak” katwiran ng ama.

a. Ang tagumpay ay hindi makukuha sa madalian at mga materyal na bagay kundi nasa tiyaga, disiplina, at determinasyon ng isang tao.

b. Kapag nagyabang at naging mapagmataas ka, mataas din ang iyong ibabagsak.

c. Ang pagpapalipad ng saranggola ay daan upang malaman mo kung magtatagumpay ka sa buhay

d. Ang tagumpay ay parang guryon, medaling makamit at kapag bumagsak man, maaari pa ring mapabalik sa itaas

Page 14: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

12

B. Panuto: Ayusin ang sumusunod na mga pangungusap upang mabuo ang wakas ng kwentong “Saranggola”. Gamitin ang bilang 1 hanggang 5 upang ipakita ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga ito.

___11. Sinabi ng ina na namayapa na ang ama na walang hinanakit sa anak

sapagkat alam nitong natupad na ang pangarap nito para sa anak. ___12. Hindi na naabutan ng anak na buhay ang kanyang ama. Totoo ngang nasa huli ang pagsisisi. ___13. Nilapitan ng anak ang kabaong kasabay ang pag-alala niya sa panahon kung kalian tinuturuan siya ng ama na magpalipad ng saranggola. ___14. Dumating ang ina at sinabing nais ng ama ng dalawin ang kanyang mga apo ngunit sa tindi ng galit ng anak ay sinabi nitong matagal na siyang walang ama. Umiyak na umalis ang ina.

___15. Isang araw, hindi naabutan ng anak ang kanyang mag-iina at nalaman niyang matagal na pala nitong dinadalaw ang kanyang mga magulang sa probinsya.

Karagdagang Gawain BABALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING SAGUTANG PAPEL.

Gawain A: WAKASAN MO AKO!

Sitwasyon: Kung ikaw ay isang manunulat sa wattpad at nabigyan ka ng

pagkakataon na baguhin ang wakas sa kwentong “Saranggola”, paano mo ito

wawakasan? Isulat ang sariling wakas sa notbuk na nasa ibaba.

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

_____________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

Page 15: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

13

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

AKLAT:

Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8 (K to 12); pahina 289 – 294; Alma M.

Dayag, et.al; 2017; Phoenix Publishing House, Inc.

TAYAHIN:

1.A

2.C

3.A

4.A

5.D

6.A

7.B

8.B

9.B

10.A

11.4

12.3

13.5

14.1

15.2

Page 16: eal of artnership Filipino - ZNNHS · 2021. 1. 26. · nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag ... “Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

Region IX Our.. Eden... Land...

My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, Gladly now I go to give thee this faded life's best, And were it brighter, fresher, or more blest Still would I give it thee, nor count the cost. On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Others have given their lives, without doubt or heed; The place matters not-cypress or laurel or lily white, Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, T is ever the same, to serve our home and country's need. I die just when I see the dawn break, Through the gloom of night, to herald the day; And if color is lacking my blood thou shalt take,

Pour'd out at need for thy dear sake To dye with its crimson the waking ray. My dreams, when life first opened to me, My dreams, when the hopes of youth beat high, Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea From gloom and grief, from care and sorrow free; No blush on thy brow, no tear in thine eye. Dream of my life, my living and burning desire, All hail ! cries the soul that is now to take flight; All hail ! And sweet it is for thee to expire ; To die for thy sake, that thou mayst aspire; And sleep in thy bosom eternity's long night. If over my grave some day thou seest grow, In the grassy sod, a humble flower, Draw it to thy lips and kiss my soul so, While I may feel on my brow in the cold tomb below The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Let the moon beam over me soft and serene, Let the dawn shed over me its radiant flashes, Let the wind with sad lament over me keen ; And if on my cross a bird should be seen, Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Let the sun draw the vapors up to the sky, And heavenward in purity bear my tardy protest Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh, And in the still evening a prayer be lifted on high From thee, 0 my country, that in God I may rest. Pray for all those that hapless have died, For all who have suffered the unmeasur'd pain; For our mothers that bitterly their woes have cried, For widows and orphans, for captives by torture tried And then for thyself that redemption thou mayst gain And when the dark night wraps the graveyard around With only the dead in their vigil to see Break not my repose or the mystery profound

And perchance thou mayst hear a sad hymn resound 'T is I, O my country, raising a song unto thee. And even my grave is remembered no more Unmark'd by never a cross nor a stone Let the plow sweep through it, the spade turn it o'er That my ashes may carpet earthly f loor, Before into nothingness at last they are blown. Then will oblivion bring to me no care As over thy vales and plains I sweep; Throbbing and cleansed in thy space and air With color and light, with song and lament I fare, Ever repeating the faith that I keep. My Fatherland ador'd, that sadness to my sorrow lends Beloved Filipinas, hear now my last good-by! I give thee all: parents and kindred and friends For I go where no slave before the oppressor bends, Where faith can never kil l, and God reigns e'er on high! Farewell to you all, from my soul torn away, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give thanks that I rest from the wearisome day! Farewell to thee, too, sweet friend that lightened my way; Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of

meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes

rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children’s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance.

In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insignia of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.

I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,

was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when first they saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

“I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children’s children—forever.”