edukasyonsa pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. isaisip naglalamanitongmga...

20
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 4: Gawain na Magpapanatili ng Kalinisan ng Katawan 2

Upload: others

Post on 18-Jan-2021

9 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

Edukasyon saPagpapakataoUnang Markahan – Modyul 4:Gawain na Magpapanatili ng

Kalinisan ng Katawan

2

Page 2: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikalawang BaitangAlternative Delivery ModeUnang Markahan – Modyul 4: Gawain na Magpapanatili ng Kalinisan ng KatawanUnang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kungito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapanay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga itoupang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mgatagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit malibansa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Leonor Magtolis BrionesPangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat: AL JOHN U. FEBREROPatnugot: BENNEDICK T. VIOLA

MARIE ANN C. LIGSAY, PhDTagasuri: AUGUSTO A. MATEO

ROSALINDA S. IBARRA, PhDTagaguhit: JINKY H. MARTIN

IMLEDA B. SICATTagalapat: AIZA G. DINGLETagapamahala:

NICOLAS T. CAPULONG PhD, CESO VLIBRADA M. RUBIO, PhDMA. EDITHA R. CAPARAS, EdDNESTOR P. NUESCA, EdDLARRY B. ESPIRITU, PhDRODOLFO A. DIZON, PhDMERCEDITA D. SALDERO

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng ______________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon IIIOffice Address:Matalino St. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)Telefax: (045) 598-8580 to 89E-mail Address: [email protected]

Page 3: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

2

Edukasyon saPagpapakataoUnang Markahan – Modyul 4:Gawain na Magpapanatili ng

Kalinisan ng Katawan

Page 4: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

ii

Paunang SalitaPara sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon saPagpapakatao 2 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyulpara sa araling Gawain na Magpapanatili ng Kalinisan ngKatawan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang atsinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadonginstitusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upangmatulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakdang Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan angpansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawainayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itongmatulungan ang mag-aaral upang makamit ang mgakasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang angkanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Ang modyul na ito ay inihanda upang matukoy ng mag-aaral ang mga gawain at kagamitan na magpapanatili ngkalinisan ng katawan.

Inaasahan ang pagpapatnubay sa mga mag-aaral habangisinasagawa ang aktibidad na ito. Ang mga sagot sa bawatgawain ay matatagpuan sa likod ng modyul na ito.

Mga Tala para sa GuroIto'y naglalaman ng mga paalala, panulong oestratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

iii

Para sa Mag-aaral:

Sa modyul na ito ay inaasahang matutulungan ang mgamag-aaral na matukoy ang mga gawain na magpapanatili ngkalinisan ng katawan at ang mga kagamitan na ginagamit sapaglilinis ng katawan.

Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa pansarilingpagkatuto. Gamitin ito bilang patnubay sa tulong ng mgatuntunin. Upang maging wasto ang paggamit kailangangmalinaw sa iyo ang dapat gawin.

Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa pansarilingpagkatuto. Gamitin ito bilang patnubay sa tulong ng mgatuntunin. Upang maging wasto ang paggamit kailangangmalinaw sa iyo ang dapat gawin.

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakato2ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Gawain naMagpapanatili ng Kalinisan ng Katawan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyongpangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitongmadulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapatmong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman moang mga dapat mong matutuhansa modyul.

Page 6: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

iv

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natinkung ano na ang kaalaman mo saaralin ng modyul. Kung nakuha moang lahat ng tamang sagot (100%),maaari mong laktawan angbahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kangmaiugnay ang kasalukuyang aralinsa naunang leksyon.

TuklasinSa bahaging ito, ang bagong aralinay ipakikilala sa iyo sa maramingparaan tulad ng isang kuwento,awitin, tula, pambukas na suliranin,gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ngmaikling pagtalakay sa aralin.Layunin nitong matulungan kangmaunawaan ang bagong konseptoat mga kasanayan.

Page 7: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

v

PagyamaninBinubuo ito ng mga gawaing parasa mapatnubay at malayangpagsasanay upang mapagtibayang iyong pang-unawa at mgakasanayan sa paksa. Maaari mongiwasto ang mga sagot mo sapagsasanay gamit ang susi sapagwawasto sa huling bahagi ngmodyul.

IsaisipNaglalaman ito ng mgakatanungan o pupunan angpatlang ng pangungusap o talataupang maproseso kung anongnatutuhan mo mula sa aralin.

IsagawaIto ay naglalaman ng gawaingmakatutulong sa iyo upang maisalinang bagong kaalaman okasanayan sa tunay na sitwasyon orealidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayongmatasa o masukat ang antas ngpagkatuto sa pagkamit ngnatutuhang kompetensi.

KaragdagangGawain

Sa bahaging ito, may ibibigay saiyong panibagong gawain upangpagyamanin ang iyong kaalaman okasanayan sa natutuhang aralin.

Susi saPagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamangsagot sa lahat ng mga gawain samodyul.

Page 8: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

vi

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ngmodyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyanng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ngmodyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mgapagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa ibapang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawatpagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawang mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibapang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloykung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawainsa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin anginyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kaynanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man saiyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Lagingitanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha kang malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ngpinagkuhanan sa paglikha opaglinang ng modyul na ito.

Page 9: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

1

Alamin

Ang modyul na ito ay naghanda ng mga gawaingmakatutulong sa iyo upang maisakikilos ang mga paraan ngpagpapanatili ng kalinisan, kalusugan at pag-iingat ngkatawan. (EsP2PKP-Id-11)

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na:1. Natutukoy ang mga tamang kagamitan sa paglilinis ng

katawan2. Naiisa-isa ang ilan sa mga gawain na magpapanatili

ng kalinisan ng katawan3. Nauunawaan ang kahalagahan ng mga gawain na

magpapanatili ng kalinisan ng katawan

Subukin

Panuto: Buuin o kumpletuhin ang bawat pahayag. Isulat angtitik ng tamang sagot sa bawat patlang. Gawin ito saiyong kuwaderno o sagutang papel.

a. b. c. d.

1. Ang _________________ ay mapapanatili ang wastong haba ngmga kuko upang maiwasan ang pagpasok at pananatili ngdumi sa mga ito.

2. Ang _________________ ay makatutulong upang linisin ang labasna bahagi ng tainga.

3. Ang _________________ ay makatutulong upang mapanatili angkalinisan ng ngipin at maiiwasan ang pagkabulok ng mga ito.

Page 10: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

2

Aralin

1Gawain na Magpapanatiling Kalinisan ng Katawan

Ang pagpapanatili ng kalinisan ng ating katawan ay bahagina ng ating pamumuhay. Araw-araw tayong naliligo, nagsisipilyong mga ngipin, naglilinis ng mga tainga at pinananatili angwastong haba at linis ng ating mga kuko.

MGA GAWAIN NA MAGPAPANATILI NG KALINISAN NG KATAWAN

Sa pamamagitan ng iyong araw-araw na paliligomapapanatili ang kalinisan ng iyong katawan. Gayundin,mailalayo ka nito sa iba’tibang uri ng mga sakit.

Ang pagsisipilyo pagkatapos kumain ay mabisang paraanupang mapanatili ang malinis at matitibay mong mga ngipin.

Sa paggupit ng iyong mga kuko makaiiwas ka napamahayan ito ng mga mikrobyo mula sa mga bagay na iyonghinahawakan.

Sa paglilinis ng iyong tainga maaaring gumamit ng malinis atmanipis na basang tela katulad ng tuwalya. Gamitin ito nangdahan-dahan sa bukana ng tainga. Ingatang masaktan angloob ng iyong tainga. Gawin ito upang mapanatiling malinis atmabango ang tainga, upang maging malinaw ang iyongpandinig.

Iyong natutuhan ang ilan sa mga pamamaraan upangmapanatili ang kalinisan ng iyong katawan. Sa pamamagitan ngmga ito iyong mapapanatili ang iyong mabuting kalusugan.Gayundin, ang mga kaalamang ito ay iyong magagamit parasagutin ang susunod na gawain.

Page 11: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

3

Balikan

Panuto: Ang mga susunod na pahayag ay nagsasaad ngmabubuting epekto ng paliligo. Gumuhit ng linya mulasa larawan patungo sa mga mabubuting epekto ngpaliligo. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutangpapel.

a. Ikaw ay babango

b. Iigsi ang iyong buhok

c. Lalakas ang iyong buto

d. Iyong mararamdaman anglamig at kapreskuhan

e. Lalakas at titibay ang iyongmga muscles

f. Ikaw ay magiging malinis atmalalayo sa sakit

g. Magiging malinis ang iyongbuong katawan

Page 12: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

4

Mga Tala para sa Guro

Ang araw-araw na pagpapanatili ng kalinisan ng atingkatawan ay bahagi na ng ating pamumuhay. Narito angilan sa mga paraan upang mapanatili ang kalinisan ngkatawan.

Ang pagsisipilyo pagkatapos kumain ay mabisangparaan upang mapanatili ang malinis at matitibay mongmga ngipin.

Sa paggupit ng iyong mga kuko makaiiwas ka napamahayan ito ng mga mikrobyo mula sa mga bagay naiyong hinahawakan.

Sa paglilinis ng iyong tainga gawin ito upangmapanatiling malinis, mabango at malinaw ang iyongpandinig. Maaaring gumamit ng manipis, malinis atbasangtela upang linisin ang labas na bahagi nito,Gamitinito nang dahan-dahan at ingatang masaktan angloob ng iyong tainga. Gawin ito upang mapanatilingmalinisang panlabas nitong bahagi. Kinakailangan anggabay ng nakatatanda.

Page 13: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

5

Tuklasin

Mahalagang malaman ang mga hakbang namagpapanatili ng kalinisan ng katawan upang ang atingkatawan ay maging malakas, masigla at malayo sa anumangkaramdaman.

May iba’t ibang paraan upang mapanatili ang kalinisan ngkatawan:

1. Paliligo araw-araw - mapapanatili nito ang kalinisan ngiyong katawan. Gayundin, mailalayo ka nito sa iba’t-ibanguri ng mga sakit.

2. Pagsisipilyo - tuwing pagkatapos kumain ay mapapanatiliang malinis at matitibay mong mga ngipin.

3. Paggupit ng iyong mga kuko - makaiiwas ka na pamahayanito ng mga mikrobyo mula sa mga bagay na iyonghinahawakan.

4. Paglilinis ng iyong tainga– mapapanatiling, malinis,mabango at malinaw ang iyong pandinig.

Mga Kagamitan sa Paglilinis ng Katawan

Sabon – ginagamit sa paglilinis ng katawan.Sipilyo – ginagamit sa paglilinis ng ngipin.Suklay – ginagamit upang maayos ang gusot ng buhok.Nail cutter – ginagamit sa paggupit ng mahahaba at maruruming

kuko.Manipis, malinis at basang tela – ginagamit sa paglilinis

ngpanlabas na bahagi ng mga tainga.

Page 14: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

6

Sa itaas ayibinigay ang mga pamamaraan at kagamitan namakatutulong upang iyongmapanatili ang kalinisan ng iyongkatawan. Ang mga ito ay iyong magagamit upang masagutanang mga susunod pang gawain. Gayundin, makatutulong itoupang ikaw ay makaiwas sa mga sakit na maaaring bunga ngvirus o bacteria lalo na sa panahon ngayon ng pandemyangCOVID-19.

Suriin

Panuto: Tukuyin ang bahagi ng katawan na malilinis ng bawatkagamitan.Ilagay ang titik ng iyong sagot sa bawatpatlang. Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutangpapel.

_____1. Sipilyo a.

_____2. Sabon b.

_____3. Manipis na tela o tuwalya c.

_____4. Nail cutter d.

_____5. Suklay e.

Page 15: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

7

Pagyamanin

Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang patlang bagoang bilang kung tama ang pahayag at malungkot namukha kung mali ito. Sagutin ito sa iyongkuwaderno o sagutang papel.

_____ 1. Ang bata na naliligo araw-araw ay laging nagkakasakit.

_____ 2. Ang sipilyo ay ginagamit upang maging malinis ang atingmga ngipin.

_____ 3. Si Ben ay naggugupit ng kuko upang magkaroon itongmikrobyo.

_______4. Ako ay gagamit ng sabon kapag naliligo upangmatanggal ang dumi sa aking katawan.

_____ 5. Si Jenny ay naglilinis ng tainga upang magingmalinawang kaniyang pandinig.

Isaisip

Ang _______________ ng mga gawain namakapagpapanatili ng _____________ ng ________________tulad ng paliligo, pagsisipilyo, paggupit ng mga kuko atpaglilinis ng mga tainga ay mailalayo ka sa mga mikrobyona maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng sakit.

Page 16: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

8

Isagawa

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang bago ang bilangkung tama ang pahayag at ekis (x) kung mali ito.Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

_____1. Maligo araw-araw.

_____2. Gumamit ng sabon sa paglilinis ng iyong katawan.

_____3. Gumamit ng sipilyo sa paglilinis ng iyong mgangipin.

_____4. Gunting ang gamitin sa paggupit ng iyong mgakuko.

_____5. Ang malinis at basang tela ang tamangkagamitan sa paglilinis ng mga tainga.

Tayahin

Panuto: Basahin at tukuyin ang tamang kagamitan sapaglilinis ng katawan. Isulat ang titik ng tamangsagot bago ang bilang.Gawin ito sa iyongkuwaderno o sagutang papel.

__________1. Inaalis ang gusot ng buhok.

a. Sabon c. Sipilyob. Suklay d. Nail Cutter

__________2. Ginugupit ang mahahaba at maruruming kuko.

a. Sabon c. Sipilyob. Suklay d. Nail cutter

Page 17: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

9

__________3. Tinatanggal ang nakasingit na pagkain sa pagitanng mga ngipin.

a. Sabon c. Sipilyob. Suklay d. Nail cutter

__________4. Ginagamit ito upang linisin nang dahan- dahanang bukana ng iyong tenga

a. Sabon c. Nail cutterb. Suklay d. Manipis atbasing

tela

Karagdagang Gawain

Magbigay ng iba pang kagamitan na ginagamit upangmapanatili ang kalinisan ng ating katawan at tukuyin kung saanito ginagamit. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

Kagamitan Bahagi ng Katawan na kayangLinisin

1.

2.

3.

Page 18: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

10

Susi sa Pagwawasto

Page 19: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

11

Sanggunian

Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, RolanBaldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales.2013. Kagamitan ng Mag-aaral. Basura mo, Itapon ngWasto!; Luntiang paligid mo, Tuwa ng puso ko!;Kalinisan at kaayusan sa pamayanan, pananagutanko.pp. 186-210.

Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, RolanBaldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales.2013. Patnubay ng guro. Basura mo, Itapon ng Wasto!;Luntiang paligid mo, Tuwa ng puso ko!; Kalinisan atkaayusan sa pamayanan, pananagutan ko. pp. 80-86.Liezel Paras. 2017. Mga Kagamitan sa Paglilinis atPag-aayos ng Katawan. pp. 1-17.

Page 20: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 9. 16. · modyul. Isaisip Naglalamanitongmga katanunganopupunanang patlangngpangungusapotalata upangmaprosesokunganong natutuhanmomulasaaralin

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]