epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili
TRANSCRIPT
![Page 1: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/1.jpg)
IKALAWANG MARKAHAN:
ARALIN 1:KAHALAGAHAN NG
PAGIGING MALINIS AT MAAYOS SA SARILI
![Page 2: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/2.jpg)
![Page 3: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/3.jpg)
Ano ang masasabi ninyo tungkol sa unang
larawan? Sa pangalawa?Dapat ba silang
pamarisan? Bakit?Paano mo ito magagawa?
![Page 4: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/4.jpg)
Ano ang mga karanasan ninyo sa pag-aayos ng sarili bago pumasok sa paaralan?
![Page 5: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/5.jpg)
GAWAIN: Pagpapangkat Pag-usapan ang kahalagahan ng maayos at mabikas na sarili at tulong-tulong na sagutin ang mga tanong..
![Page 6: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/6.jpg)
A. Maglista ng mga tao sa paaralan na may maayos at mabikas na paggayak. Paano ninyo sila tutularan?
B. Maglista ng mga tao sa sariling pamayanan na may maayos at mabikas na paggayak. Bakit masasabing maayos at mabikas ang kanilang paggayak?
![Page 7: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/7.jpg)
C. Mabikas at maayos ba ang paggayak ng mga kasapi ng inyong grupo? Paano ninyo ito panatilihin?D. Masdan mabuti ang inyong sarili sa salamin. Ano ang inyong masasabi? May tiwala ba kayo sa sarili para harapin ang sinumang tao? Bakit?
![Page 8: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/8.jpg)
Paglalahad ng awput:
Pagtatalakay:Ano ang nararapat gawin para mapanatiling maayos at mabikas ang paggayak at ang kahalagahan ng pagpapanatiling maayos at mabikas sa sarili?
![Page 9: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/9.jpg)
Mabikas na Paggayak: A. Pagiging malinis sa katawan mula ulo hanggang paa. B. Pagsusuot ng malinis, maayos at angkop na pananamit. C. Pagpapanatiling malusog ng katawan; - pag-eehersisyo - pagkain ng tama at masustansyang pagkain. - pagpapanatili ng mabikas na tindig.
![Page 10: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/10.jpg)
Kahalagahan ng pagiging malinis at maayos:1. Masarap na pakiramdam at
mababakas sa mukha ang kasiyahan.
2. Magkakaroon ng tiwala sa sarili na humarap sa sinumang tao o anumang gawain.
3. Magiging listo sa klase at sa pakikilahok sa mga gawaing pampaaralan.
4. Magkakaroon ng maraming kaibigan at kagigiliwan ng lahat.
![Page 11: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/11.jpg)
Pagbubuo ng Mahalagang Kaisipan: Mahalaga bang panatilihing maayos at mabikas ang paggayak? Bakit?
![Page 12: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/12.jpg)
PAGTATAYA:Isulat ang tama kung mahalaga ang Gawain at mali kung di-mahalaga.1. Ang batang may mabikas
na gayak ay kinagigiliwan ng lahat.
2. Higit na magandang tingnan ang batang malinis na, may angkop na kasuotan pa.
![Page 13: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/13.jpg)
3. Ang pagpapanatili ng kalinisan ng katawan ay mahirap na gawain.4. Ang pagiging malinis at maayos sa sarili ay isang kaugaliang dapat simulant kung nasa tamang edad na.5. Ang madalas na pagsasagawa ng mga pangkalusugang gawi ay nakadaragdag sa pagkakaroon ng mabikas na paggayak.
![Page 14: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/14.jpg)
MGA SAGOT SA PAGTATAYA
![Page 15: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/15.jpg)
PAGTATAYA:Isulat ang tama kung mahalaga ang Gawain at mali kung di-mahalaga.1. Ang batang may mabikas
na gayak ay kinagigiliwan ng lahat.
2. Higit na magandang tingnan ang batang malinis na, may angkop na kasuotan pa.
TAMA
TAMA
![Page 16: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/16.jpg)
3. Ang pagpapanatili ng kalinisan ng katawan ay mahirap na gawain.4. Ang pagiging malinis at maayos sa sarili ay isang kaugaliang dapat simulan kung nasa tamang edad na.5. Ang madalas na pagsasagawa ng mga pangkalusugang gawi ay nakadaragdag sa pagkakaroon ng mabikas na paggayak.
MALI
MALI
TAMA
![Page 17: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/17.jpg)
TAKDANG GAWAIN:Humanap ng kapareha at ipasagot sa kanya ang mga tanong tungkol sa iyo, lagyan ng tsek(/) o ekis(X) ang patlang.___1. Ako ba ay malinis?___2. Ang mga damit ko ba ay malinis at walang lukot?___3. Mayroon ba akong malinis at malusog na kutis?
![Page 18: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/18.jpg)
___4. Ang buhok ko ba ay malambot, makintab at maayos ang pagkakasuklay?___5. Pinapanatili ko bang maayos ang aking tindig sa lahat ng oras?___6. Ako ba ay magalang at may masayang disposisyon?___7. Sinusunod ko ba ang wastong oras ng pahinga at pagtulog?
![Page 19: Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili](https://reader037.vdocuments.net/reader037/viewer/2022100106/5876c15b1a28ab6d5a8b4f0b/html5/thumbnails/19.jpg)
___8. Ako ba ay kumakain ng wasto, masustansya at sapat na pagkain?___9. Naglaan ba ako ng panahon sa pageehersisyo?___10. Angkop ba ang aking kasuotan sa ibat ibang okasyon?