exultet

3

Click here to load reader

Upload: tanny-g

Post on 21-May-2017

224 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Exultet
Page 2: Exultet

Am G Am 2. Itaas sa kalangitan ating puso at isipan E Diyos Ama’y pasalamatan sa Anak niyang nabuhay Am G Am Sapagkat tapat S’yang tunay sa Kanyang pananagutan E Para sa kinabilangan N’ya na sambayanan.

Am G Am

3. Ngayon nga ang kapistahan ni Hesukristong nag-alay

E

Ng Kanyang sariling buhay, nagtiis ng kamatayan

Am G Am

Ang minanang kasalanan, ang dating kaalipina’y

E

Sa tubig pawing naparam, kalayaa’y nakamtan.

Am G Am

4. Ngayon nga ang pagdiriwang ng ating muling pagsilang

E

Sa tubig ng kaligtasan na batis ng kabanalan.

Am G Am

Pagkat mula sa libingan bumangon na matagumpay

E

Mesiyas ng sanlibutan si Hesus nating Mahal.

Am G Am

5. D’yos Ama ng sanlibutan, tunay na walang kapantay

E

Pag-ibig Mo’t katapatan para sa mga hinirang.

Am G Am

Handog Mo’y kapatawaran sa lahat ng kasalanan

E

Higit sa lahat Mong alay si Hesus naming Mahal.

Page 3: Exultet

Am G Am

6. Dahil sa kaligayahang sa ami’y nag-uumapaw

E

Hain naming itong ilaw, sagisag ng pagkabuhay

Am G Am

Tunay na kaliwanagang hatId ni Hesus na tanglaw

E

Ang dilim ng kamatayan ay napawi’t naparam.

Am G Am

7. Ang araw ng kaligtasan, si Hesus, bukang liwayway

E

Walang maliw na patnubay sa landas ng kaligtasan

Am G Am

Hatid N’ya’y kapayapaan, lakas mo at pagmamahal

E

Upang aming magampanan aming pananagutan.