filipino 10

2
Ang makikita natin sa larawan ay ang simbolo ng legalidad ng pagpapakasal ng may parehong kasarian. Marami na din sa mga bansa ang nag-apruba tungkol sa pagpapakasal ng may mga magkatulad na kasarian. Hindi rin minsan maiwasan ng isang taon na magkaroon ng nararamdamn sa pareho niyang kasarian, pero ito lamang ang nagsisilbing insiprasyon para sa kanya upang magawa niya ang gustong niyang gawin. Ang nararamdaman mo sa isang tao ay hindi mo rin maiiwasan dahil may gusto ka sa kanya o di kaya ay iniibig mo siya. Hindi rin natin sila masisisi dahil iyan ay ang kagustuhan nila at silang dalawa ay nagmamahalan at wala rin tayong karapatang sirain ang kanilang relasyon sa isa’t isa. Alam naman natin na ang pagpapakasal ay isa sa mga banal na sakramento. Ang legalidad sa pagpapakasal ng magkapareho ang kasarian ay ang pagtanggap sa mga taong nagmamahal sa katulad nila upang maiwasan ang diskriminasyon o ang pagtanggap sa mga taong gustong pumasok sa iyong buhay ng walang pag-alinlangan dahil sa kanyang kasarian. Hindi din naman nating masisisi kung bakit ganyan ang isang tao dahil iyan ay gusto niya na maging at alam din natin na masasaktan siya kapag sinabihan siya ng ibang tao ng masama dahil sa kanyang kasarian, pero hindi rin yan maiiwasan dahil wala namang taong perpekto at lahat tayo ay pantay-pantay din sa paningin ng Diyos, kaya wala tayong karapatan na siraan sila. RESPETO. Ang respeto ay isa sa mga aspeto na kinakailangan natin sa ating buhay dahil ang respeto ay mahalaga upang maiwasan ang diskriminasyon at sa pamamagitan nito, mas napapagaan natin ang kalooban ng isang tao at siya rin ay mapapasaya natin. Ihambing natin ang respeto sa mga kasal na may magkatulad na kasarian. Ano kaya kapag

Upload: marvzz-villasis

Post on 02-Feb-2016

283 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

fil

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino 10

Ang makikita natin sa larawan ay ang simbolo ng legalidad ng pagpapakasal ng may parehong kasarian. Marami na din sa mga bansa ang nag-apruba tungkol sa pagpapakasal ng may mga magkatulad na kasarian. Hindi rin minsan maiwasan ng isang taon na magkaroon ng nararamdamn sa pareho niyang kasarian, pero ito lamang ang nagsisilbing insiprasyon para sa kanya upang magawa niya ang gustong niyang gawin. Ang nararamdaman mo sa isang tao ay hindi mo rin maiiwasan dahil may gusto ka sa kanya o di kaya ay iniibig mo siya. Hindi rin natin sila masisisi dahil iyan ay ang kagustuhan nila at silang dalawa ay nagmamahalan at wala rin tayong karapatang sirain ang kanilang relasyon sa isa’t isa.

Alam naman natin na ang pagpapakasal ay isa sa mga banal na sakramento. Ang legalidad sa pagpapakasal ng magkapareho ang kasarian ay ang pagtanggap sa mga taong nagmamahal sa katulad nila upang maiwasan ang diskriminasyon o ang pagtanggap sa mga taong gustong pumasok sa iyong buhay ng walang pag-alinlangan dahil sa kanyang kasarian. Hindi din naman nating masisisi kung bakit ganyan ang isang tao dahil iyan ay gusto niya na maging at alam din natin na masasaktan siya kapag sinabihan siya ng ibang tao ng masama dahil sa kanyang kasarian, pero hindi rin yan maiiwasan dahil wala namang taong perpekto at lahat tayo ay pantay-pantay din sa paningin ng Diyos, kaya wala tayong karapatan na siraan sila.

RESPETO. Ang respeto ay isa sa mga aspeto na kinakailangan natin sa ating buhay dahil ang respeto ay mahalaga upang maiwasan ang diskriminasyon at sa pamamagitan nito, mas napapagaan natin ang kalooban ng isang tao at siya rin ay mapapasaya natin. Ihambing natin ang respeto sa mga kasal na may magkatulad na kasarian. Ano kaya kapag walang respeto sa isa’t-isa? Hindi ba’t magdudulot ito ng diskriminasyon at pagkasira ng relasyon ng mga tao? Huwag nating husgahan ang mga taong nagmamahal sa kanilang kaparehong kasarian dahil wala naman tayong karapatan na siraan sila dahil silang dalawa ay may nararamdaman sa isat-isa. Masasaktan natin sila kapag tayo’y manghusga at mawawala na rin ang respeto natin sa ating kapareho, pati narin sa ating mga sarili dahil makakalimutan na natin ito kapag may tao tayong pinaghuhugutan at pinapakialaman. Hindi lamang ang kanilang relasyon ang ating masisira, kundi pati na rin ang buhay nila at ang kanilang pamilya. Kapag nirerespeto mo ang iyong sarili, ay dapat respituhin mo rin ang ibang tao, kabilang na ang kanilang kasarian at kagustuhan upang maiwasan ang diskriminasyon at maipadama sa kanila na kahit ganyan sila ay may halaga o mahalaga din sila para sa atin at handa tayong tanggapin ang sinumang kumatok sa ating mga pintuan at pasayahin sila kapag andyan na sila sa kanilang kahinaan at bigyan sila natin ng lakas. Mahalin natin sila at huwag natin silang abusuhin dahil sa kanila lamang natin maipapadama ang pagtanggap at maipapakita natin ang respeto sa kanila.