gabay ng lider - churchofjesuschrist.org · tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at...

12
GABAY NG LIDER PARA SA INISYATIBO NG SELF- RELIANCE

Upload: others

Post on 30-Aug-2019

5 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: GABAY NG LIDER - churchofjesuschrist.org · Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espiri- tuwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan

GABAY NG LIDERPA R A S A I N I S YAT I B O N G S E L F - R E L I A N C E

Page 2: GABAY NG LIDER - churchofjesuschrist.org · Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espiri- tuwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan

PAUNANG SALITA

PARA SA MGA LIDER NG STAKE AT WARD

Kaya ng maraming miyembro ng Simbahan na mas maging self- reliant, na ang ibig sabihin ay isang taong may “kakayahan, tapat na pangako, at pagsisikap na matustusan ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan sa buhay ng sarili at ng pamilya” (Hand-book 2: Administering the Church [2010], 6.1.1). Ang pangangalaga sa mga maralita at nangangailangan ay isa sa apat na sagradong responsibilidad na itinakda ng Simbahan (Handbook 2, 2.2). Ang gabay para sa mga lider na ito ay tutulong sa iyo na i- apply ang mga prinsipyo ng doktrina na makakatulong sa mga miyembro na tulungan ang kanilang sarili at ang ibang tao na maging mas espi-ritwal at temporal na self- reliant.

Mag- ukol ng ilang minuto para basahin ang liham mula sa Unang Panguluhan na matatagpuan sa kasunod na pahina para mala-man ang ilan sa mga ipinangakong pagpapala ng self- reliance na maaaring matanggap ng mga miyembro sa inyong stake (o district) at ward (o branch).

Inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Salt Lake City, Utah© 2017 by Intellectual Reserve, Inc.

All rights reserved. Inilimbag sa Estados Unidos ng Amerika

Pagsang- ayon sa Ingles: 11/17 Pagsang- ayon sa pagsasalin: 11/17

Pagsasalin ng Leader’s Guide for the Self- Reliance Initiative Tagalog

15197 893

Page 3: GABAY NG LIDER - churchofjesuschrist.org · Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espiri- tuwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan

1

MENSAHE MULA SA UNANG PANGULUHAN

Mga Kapatid:

Ipinahayag ng Panginoon, “Layunin ko ito na maglaan para sa aking mga banal” (D at T 104:15). Ang paghahayag na ito ay isang panga-ko mula sa Panginoon na magbibigay Siya ng mga temporal na biyaya at mga oportunidad para maging self- reliant, na ibig sabihin ay kaya nating tustusan ang mga pangangailangan natin at ng ating pamilya sa buhay na ito.

Ang buklet na ito, ang My Foundation for Self- Reliance (Ang Aking Sali-gan Patungong Self- Reliance) ay inihanda para makatulong sa mga miyembro ng Simbahan na matutuhan at magawa ang mga alitun-tunin ng pananampalataya, edukasyon, kasipagan, at pagtitiwala sa Panginoon. Sa pagtanggap at pagsasabuhay ng mga alituntuning ito, higit ninyong makakamtan ang mga temporal na biyayang ipinangako ng Panginoon.

Inaanyayahan namin kayo na pag- aralang mabuti at isabuhay ang mga alituntuning ito at ituro ang mga ito sa mga miyembro ng inyong pamilya. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain ang inyong buhay. Matututo kayo kung paano kumilos sa inyong pagsulong tungo sa lalo pang pagiging self- reliant. Mabibiyayaan kayo ng mas malaking pag- asa, kapayapaan, at pag- unlad.

Magtiwalang kayo ay tunay na anak ng ating Ama sa Langit. Mahal Niya kayo at hindi Niya kayo pababayaan. Kilala Niya kayo at handa Siyang ipagkaloob sa inyo ang mga espirituwal at temporal na biyaya ng self- reliance.

Taos- pusong sumasainyo,

Ang Unang Panguluhan

ANG AKING SALIGANPATUNGONG SELF-RELIANCE

Page 4: GABAY NG LIDER - churchofjesuschrist.org · Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espiri- tuwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan

2

INISYATIBO NG SELF- RELIANCE

“Ang pagiging self- reliant ay bunga ng ating paggawa at pundasyon ng lahat ng iba pang gawaing pang-kapakanan. . . . ‘Magtra-baho tayo para sa ating pangangailangan. Maging self- reliant tayo at tumayo sa sariling mga paa. Ang kaligtasan ay hindi mata-tamo sa pamamagitan ng iba pang alituntunin.’”

THOMAS S. MONSON (BINANGGIT ANG PAHA-YAG NI MARION G. ROM-NEY), “Guiding Principles of Personal and Family Welfare,” Ensign, Set. 1986, 3

MGA DOKTRINA AT ALITUNTUNIN NG SELF- RELIANCE

Ang self- reliance ay “ang kakayahan, tapat na pangako, at pagsisikap na tustusan ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan sa buhay ng sarili at ng pamilya. Kapag ang mga miyembro ay naging self- reliant, mas makapaglilingkod sila at mas mapangangalagaan ang iba” (Handbook 2, 6.1.1). Tatlong mahahalagang turo ang makakatu-long sa atin na maunawaan kung paano mamuhay na self- reliant:

Una, ang self- reliance ay isang utos na mahalaga sa plano ng kaligtasan. Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball: “Iniutos ng Panginoon sa Simbahan at mga miyembro nito na tumayo sa sariling mga paa at magsarili. (Tingnan sa D at T 78:13–14.) Ang responsibilidad para sa kapakanang sosyal, emosyonal, espirituwal, pisikal, o pangkabuhayan ng bawat tao ay nakasalalay una sa kan-yang sarili, ikalawa sa kanyang pamilya, at ikatlo sa Simbahan kung siya ay tapat na miyembro nito” (Mga Turo ng Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball [2006], 139).

Pangalawa, gagawa at magbibigay ang Diyos ng paraan para ang Kanyang matwid na mga anak ay maging self- reliant. “At layunin ko ito na maglaan para sa aking mga banal, sapagkat lahat ng bagay ay akin” (D at T 104:15).

Pangatlo, lahat ng bagay, pati temporal na pangangailangan, ay mga espirituwal na bagay sa Diyos (tingnan sa D at T 29:34). Kapag tapat tayong nangangakong ipapamuhay ang ebanghelyo nang lubusan, kaya nating maging mas self- reliant sa parehong temporal at espirituwal na pamamaraan. Itinuro ni Pangulong Dieter F. Ucht-dorf: “Ang dalawang dakilang kautusan—ang mahalin ang Diyos at ang ating kapwa—ay magkahalong temporal at espirituwal. . . . Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espiri-tuwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan ng Panginoon,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 53).

Ang ilan sa mga alituntunin ng ebanghelyo na makakatulong sa atin na maging self- reliant ay ang pagpapalago ng pananampalataya natin sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, pagiging mas masunurin, pagsisisi sa ating mga pagkakamali, matwid na paggamit ng ating kalayaan sa pagpili, at paglilingkod sa iba. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa buklet na My Foundation for Self- Reliance (Ang Aking Saligan Patungong Self- Reliance).

Page 5: GABAY NG LIDER - churchofjesuschrist.org · Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espiri- tuwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan

3

ANG INISYATIBO NG SELF- RELIANCE AY PINAPATNUBAYAN NG MGA LIDER NG PRIESTHOOD

Ang mga stake ng Sion ay mga lugar na dulugan na nagpoprotek-ta sa lahat ng pumapasok. Ang layunin ng stake ay maging “isang tanggulan, at . . . isang kanlungan mula sa bagyo, at mula sa poot sa panahong ito [na] ibubuhos . . . sa buong lupa” (D at T 115:6). Ang mga stake ay mga lugar ng pagtitipon kung saan ang mga miyembro ng Simbahan ay maaaring maglingkod at palakasin ang isa’t isa, magkaisa, at tumanggap ng mga ordenansa ng priesthood at tagubilin ng ebanghelyo (Handbook 1, introduction).

Sinabi ng Panginoon sa mga lider ng priesthood, “Aking ibinigay sa inyo . . . ang mga susi . . . para sa gawain ng ministeryo at sa pag-papaganap ng mga banal” (D at T 124:143). Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf: “Ang paraan ng Panginoon sa [self- reliance] ay kinapapalooban ng maraming aspeto ng buhay, gaya ng eduka-syon, kalusugan, trabaho, pananalapi ng pamilya, at espirituwal na kalakasan. . . . Ibig sabihin, sa maraming pagkakataon, kayo mis-mo ang kailangang umalam sa mga pangangailangang ito. Bawat pamilya, bawat kongregasyon, bawat lugar sa mundo ay magkaka-iba” (“Pagtulong sa Paraan ng Panginoon,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 55).

Ang inisyatibo ng self- reliance ay isang kasangkapan ng mga stake president at mga bishop na maaari nilang gamitin upang makatu-long sa kanilang responsibilidad na itinakda ng Diyos upang panga-lagaan ang mga maralita at ang mga nangangailangan.

Stake Self- Reliance Committee

Upang maunawaan at matugunan ang mga pangangailangan sa self- reliance sa kanilang stake, ang stake presidency ay maaaring magtatag ng stake self- reliance committee bilang bahagi ng stake council. Ang stake self- reliance committee ay pinamumunuan ng isang miyembro ng stake presidency at regular na nagmimiting upang magplano para sa mga pangangailangan ng self- reliance sa stake. Ang mga stake self- reliance committee ay hinihikayat na makipagtulungan sa welfare council ng bishop upang alamin at tugunan ang mga pangangailangang iyon.

Ang komite ay karaniwang kinabibilangan ng isang miyembro ng stake high council, isang miyembro ng stake Relief Society presiden-cy, chairman ng welfare council ng bishop, at ng isa sa mga stake self- reliance specialist. Maaaring isama ang mga miyembro ng stake Young Men at Young Women presidency, karagdagang mga stake specialist, at mga missionary bilang mga miyembro ng komite.

“Hindi kailangan ng bagong organisasyon upang matu-gunan ang mga panga-ngailangan ng mga taong ito. Ang tanging kailangan ay gamitin ang priesthood ng Diyos.”

HAROLD B. LEE, “Admoni-tions for the Priesthood of God,” Ensign, Ene. 1973, 104

Page 6: GABAY NG LIDER - churchofjesuschrist.org · Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espiri- tuwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan

INISYATIBO NG SELF- RELIANCE

4

“Palagian nang panguna-hing turo sa mga Banal sa mga Huling Araw, na ang isang relihiyon na walang kapangyarihang iligtas ang mga tao sa buhay temporal, at gawin silang maunlad at maligaya dito, ay hindi maaasahang mailigtas sila sa espirituwal, at dakilain sila sa susunod na buhay.”

PANGULONG JOSEPH F. SMITH, Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph F. Smith (2011), 198

Papel na Ginagampanan ng Self- Reliance Committee

Sa pagrerepaso at pagpaplano para sa mga pangangailangan ng mga indibiduwal at pamilya sa stake, isinasaalang- alang ng komite ang mga sumusunod:

◦ Pagtuturo sa mga bishop at ward council tungkol sa mga doktrina ng self- reliance at pagsuporta sa kanila sa kanilang mga tungkulin.

◦ Pagbubuo ng isang simpleng plano para suportahan ang mga bishop at maglaan para sa mga pangangailangan sa self- reliance ng stake. Tingnan sa “Mga Tanong na Dapat Isaalang- alang ng mga Komite” sa pahina 9.

◦ Pagkakaroon ng regular na mga self- reliance devotional at pag- oorganisa ng mga self- reliance group.

◦ Pagbibigay ng patuloy na pagsasanay sa mga facilitator kung kailangan.

◦ Pagbisita sa mga self- reliance group meeting paminsan- minsan at pagbabahagi ng feedback sa mga bishop at ward council tungkol sa pag- unlad ng mga miyembro.

◦ Pagtitipon at pagpapaalam tungkol sa lokal na resources sa komunidad at sa Simbahan. Ang resources ay maaaring mga pangalan ng mga taong makakatulong, mga programa ng pamahalaan, oportunidad na magtrabaho, atbp. Ang lokal na Self- Reliance Services manager ay maaari ding magbigay ng patnubay sa paraan ng pagtipon at pagpapaalam ng tungkol sa resources ng komunidad.

Unawain ang mga pangangailangan sa self- reliance ng mga miyembro

Magtipon at ipaalam ang mga resource

Magbigay ng karagdagang suporta

PAPEL NA GINAGAMPANAN

NG SELF- RELIANCE COMMITTEE

Mag- alok ng regular na mga self- reliance group

Page 7: GABAY NG LIDER - churchofjesuschrist.org · Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espiri- tuwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan

5

“Kalooban ng Diyos na tayo ay maging malalayang kalalakihan at kababai-han na may kakayahang maabot ang ating buong potensyal kapwa sa temporal at sa espirituwal, na maging malaya tayo sa nakapanliliit na mga limitasyon ng kahirapan at pagkaalipin sa kasala-nan, na magkaroon tayo ng paggalang sa sarili at kalayaan, na maging handa tayo sa lahat ng bagay upang makapiling Siya sa Kanyang kahariang selestiyal.”

D. TODD CHRISTOFFER-SON, “Malaya Magpaka-ilanman, na Kumilos para sa Kanilang Sarili,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 19

Stake Self- Reliance Specialist

Isang sister, brother, o mag- asawa ang maaaring maglingkod bilang stake (o district) self- reliance specialist. Malapit na nakikipag-tulungan sa mga miyembro ng komite, pinamamahalaan ng speci-alist ang mga operasyon at aktibidad ng self- reliance sa stake. Ang mga stake specialist ay nagsisilbing resource o sanggunian ng mga bishop at iba pang mga lider ng ward (Handbook 2, 6.3.3) at maa-aring tumulong sa mga miyembro sa mga pangangailangan tulad ng edukasyon, pagsasanay, kabuhayan ng pamilya, at Perpetual Education Fund kung saan naaangkop (sa Handbook 2, 6.2.5). Ang bishop ay maaari ring tumawag ng ward (o branch) self- reliance specialist kung kinakailangan.

Ang mga responsibilidad ng specialist ay maaaring kinabibilangan ng mga sumusunod:

◦ Pagbibigay ng training at tulong sa mga bishop at ward coun-cil kapag hinilingan.

◦ Makipagtulungan sa stake self- reliance committee upang maipabatid ang mga debosyonal at mag- organisa ng mga grupo.

◦ Magbigay ng training sa mga self- reliance group facilita-tor, gamit ang buklet na Facilitating Groups for Self- Reliance (makukuha online sa srs.lds.org/facilitator).

◦ Pana- panahong obserbahan at suportahan ang mga self- reliance group.

◦ Ibahagi sa mga miyembro ang tungkol sa resources sa komu-nidad at Simbahan.

◦ Tiyakin na nakumpleto ang mga report sa srs.lds.org/report.

PAANO NATUTUTO AT KUMIKILOS ANG MGA MIYEMBRO PARA MAGING SELF- RELIANT

Nagsisimula ito sa mga bishopric at ward council na mapanala-nging pinag- iisipan kung sino ang mga may pagsubok na maaaring makinabang kung sila ay mas naging self- reliant. Kung maaari, nagbibigay ng personal na paanyaya na dumalo sa isang debos-yonal (kung inaalok) o tuwirang sumali sa isang self- reliance group. Bukod pa rito, anyayahan ang mga taong maaaring makapagpala-kas ng iba sa pamamagitan ng kanilang pagbabahagi ng panahon at mga talento (tingnan sa D at T 82:18–19).

Page 8: GABAY NG LIDER - churchofjesuschrist.org · Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espiri- tuwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan

INISYATIBO NG SELF- RELIANCE

6

Ang mga self- reliance group ay tumutugon sa tatlong bagay na sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley na kailangan ng bawat nabinyagan: “isang kaibigan, isang responsibi-lidad, at pangangalaga ng

‘mabuting salita ng Diyos’ (Moroni 6:4).”

PANGULONG GORDON B. HINCKLEY, “Converts and Young Men,” Ensign, Mayo 1997, 47; tingnan rin sa Moroni 6:3–9

Nagtitipon ang mga Miyembro sa mga Self- Reliance Group

Itinuro ng Tagapagligtas na “kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon sa aking pangalan, ukol sa isang bagay, masdan, ako ay naroroon sa gitna nila” (D at T 6:32). Ang self- reliance group ay maliliit na council o konseho at nakatuon sa pagkilos. Sila ay sama- samang nagtitipon upang tumulong na patatagin ang kakayahan at pananampalataya ng bawat kalahok. Ang personal na paghahayag sa mga miting ng grupo ay maaaring magmula sa maraming iba’t ibang mapagkukunan. Bukod sa mga manwal, bawat kala hok ay may kaalaman, karanasan, at kaloob na makakatulong sa iba na matuto at umunlad.

Ang isang grupo ay karaniwang binubuo ng 8 hanggang 12 tao at nagtitipon ng mga dalawang oras bawat linggo sa loob ng 12 linggo.

ANO ANG NAGAGANAP SA MGA GRUPO

Itinuturo ang Doktrina at mga Kasanayan sa Buhay

Sa bawat miting ng grupo, ang mga kalahok ay gumugugol ng panahon sa pag- aaral ng mga doktrinal na alituntunin ng self- reliance, kabilang na ang kahalagahan ng mga ordenansa. Natututuhan din nila ang mga praktikal na kasanayan tulad ng pangangasiwa sa personal na pananalapi, paghahanap ng mas magandang trabaho, pagpapataas ng edukasyon, o pagtatayo at pagpapalago ng isang maliit na negosyo.

Ang mga Grupo ay Gumagawa ng mga Tapat na Pangako at Inirereport ang Kanilang Pag- unlad

Ang bawat miting ng grupo ay nagsisimula sa mga pagrereport ng mga indibiduwal sa grupo tungkol sa kanilang ipinangako noong nakaraang linggo. Pagkatapos ay sama- samang nagsasanggunian ang mga kalahok para tukuyin at lampasan ang mga balakid.

Page 9: GABAY NG LIDER - churchofjesuschrist.org · Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espiri- tuwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan

7

“Walang problema sa pamilya, ward, o stake ang hindi kayang malutas kung tayo ay maghahanap ng solusyon ayon sa paraan ng Panginoon sa pamama-gitan ng pag- uusap o pag-sasanggunian—talagang pagsasanggunian—sa isa’t isa.”

M. RUSSELL BALLARD, Counseling with Our Coun-cils, rev. ed. (2012), 4

SINO ANG DAPAT MAKILAHOK SA MGA GRUPO?

Maaaring makinabang ang mga miyembro na nasa mga sumusunod na sitwas-yon: mga tumatanggap ng tulong sa pamamagitan ng fast offering, ang mga walang trabaho o kulang ang kinikita, mga bagong returned missionary, mga bagong miyembro, mga di- gaanong aktibong miyembro, at mga solong magulang.

Ibinabahagi ng mga Kalahok ang Kanilang Natututunan sa mga Kapamilya

Mas natututo ang mga miyembro pagkatapos ng mga miting ng grupo kapag ginawa nila ang kanilang mga pangako sa pamama-gitan ng pagpapraktis ng mga bagong skill o kasanayan. Ang mga kalahok ay hinihikayat na ibahagi ang natututuhan nila sa mga kapamilya.

Pinalalakas ng mga Kalahok ang Bawat Isa Bilang mga “Action Partner”

Hinihilingan ang mga miyembro ng klase na suportahan at pala-kasin ang isa pang miyembro ng grupo sa bawat linggo. Nagtutu-lungan ang “mga action partner” na tuparin ang mga pangako sa pamamagitan ng regular na pakikipag- ugnayan at paghihikayat.

Ang mga Facilitator ang Nangangasiwa sa mga Lingguhang Miting ng Grupo

Ang mga self- reliance group ay hindi pinamumunuan ng isang guro ngunit sa halip ay pinangangasiwaan ng isang facilitator. Ang mga facilitator ay hindi nagle- lecture kundi bagkus ay sinusunod ang mga materyal ng kurso at inaanyayahan ang lahat ng miyembro ng grupo na makibahagi. Ang mga facilitator ay lumilikha ng isang kapaligiran kung saan matuturuan ng Espiritu Santo ang mga kala-hok ng “lahat ng bagay na nararapat [nilang] gawin” (2 Nephi 32:5; tingnan din sa 2 Nephi 32:3).

Patuloy na Pag- unlad

Kung kailangan, maaaring magtalaga ng mga stake specialist, mga boluntaryo, o mga home at visiting teacher para mag- follow- up o turuan ang bawat kalahok gamit ang telepono o nang personal. Ang stake self- reliance committee ay maaari ring magpasiya na mag- organisa ng pana- panahong pagtitipon para sa mga self- reliance group graduates para magpatuloy ang mga pagkakaibi-gan, magbahagi ng mga karanasan, at muling pag- aralan ang mga alituntunin sa My Foundation for Self- Reliance (Ang Aking Saligan Patungong Self- Reliance).

Page 10: GABAY NG LIDER - churchofjesuschrist.org · Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espiri- tuwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan

8

MGA SANGGUNIAN

Mga Empleyado ng Simbahan at mga Boluntaryong Suporta

Ang Simbahan ay kumukuha ng mga tao sa bawat area para tumu-long sa mga gawain sa self- reliance. Kabilang dito ang isang Self- Reliance Services manager at iba pang mga tauhan. Matutulungan ng mga empleyado, kasama ng mga full- time senior missionary, na sanayin ang mga stake self- reliance committee na mag- organisa ng mga debosyonal at self- reliance group. Makakatulong din sila sa komite sa pagtukoy at pagpapaalam ng tungkol sa resources ng lokal na komunidad at Simbahan.

Mga Manwal

Ang mga manwal sa self- reliance ay makukuha online sa Gospel Library at sa srs.lds.org. Ang mga nakalimbag na manwal ay maaaring orderin sa store.lds.org o sa mga distribution center ng Simbahan.

MANWAL PAGGAMIT ITEM NUMBER(Para sa Pag- order)

My Path for Self- Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self- Reliance)

Mga Debosyonal sa Self- Reliance

14068000

My Foundation for Self- Reliance (Ang Aking Saligan Patungong Self- Reliance)

Mga Espirituwal na Alituntunin at Kasanayan

14067000(Paalala: Kasama rin sa workbook ng bawat grupo)

Starting and Growing My Business (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo)

Workbook ng Grupo

14678000

Maghanap ng Mas Magandang Trabaho

Workbook ng Grupo

14072000

Education for Better Work (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho)

Workbook ng Grupo

14066000

Personal na PeraWorkbook ng Grupo

14863000

Facilitating GroupsFacilitator Training

Online lamang

“Kung hindi self- reliant ang isang tao hindi niya magagawang maglingkod. Paano tayo magbibigay kung wala naman tayong ibibigay? Ang pagkain para sa nagugutom ay hindi magmumula sa mga estanteng walang laman. Ang perang pantulong sa nangangailangan ay hindi magmumula sa pitakang walang laman. Ang supor-ta at pag- unawa ay hindi magmumula sa hungkag na damdamin. Ang pagtu-turo ay hindi magmumula sa walang alam. At higit sa lahat, ang espirituwal na patnubay ay hindi nagmu-mula sa taong mahina ang espirituwalidad.”

MARION G. ROMNEY, “The Celestial Nature of Self- Reliance,” Ensign, Nob. 1982, 93

Page 11: GABAY NG LIDER - churchofjesuschrist.org · Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espiri- tuwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan

9

Mga Debosyonal sa Self- RelianceAng mga miyembro ay karaniwan (bagama’t hindi kinakailangan) na nagsisimula sa landas patungong self- reliance sa pamamagitan ng pagdalo sa isang debosyonal. Ang buklet na My Path for Self- Reliance (Aking Landas Patungong Self- Reliance) ay maaaring maga-mit na gabay sa talakayan.

Mga Training Video at mga Kuwento ng TagumpayAng mga video ng mga training material at mga kuwento ng tagum-pay ay makukuha online sa srs.lds.org/videos.

Self- Reliance Resource CenterMaaaring magpasiya ang stake na magkaroon ng self- reliance resource center para matugunan ang mga pangangailangan sa labas ng mga self- reliance group. Halimbawa, ang “center” ay maaaring isang pisikal na silid na kasama ang family history center at makapagpapagamit ng mga computer para tulungan ang mga miyembro. Maaari rin na ang “center” ay isang virtual na pagsisikap upang ikonekta ang mga miyembro sa mga lokal na oportunidad at online resources. Kung ang center ay isang pisikal na lokasyon, ang bawat stake ang magpapasiya kung gaano kadalas nakabukas ang center at kung sino ang mga mangangasiwa nito.

Mga Tanong na Dapat Isaalang- alang ng mga Komite◦ Ano ang mga pangangailangan ng mga indibiduwal at pamilya

sa ating lugar para maging self- reliant?◦ Paano natin masusuportahan ang mga bishop, mga korum, at

Relief Society sa kanilang responsibilidad na pangalagaan ang mga maralita at ang mga nangangailangan?

◦ Paano natin mas matutulungan ang mga bishop at ward council para matukoy at anyayahan ang mga tao na makibahagi sa ating mga pagsisikap sa self- reliance?

◦ Ano ang maaari nating gawin habang at pagkatapos ng mga self- reliance group para mas masuportahan ang mga kalahok?

◦ Paano natin mas matutulungan ang mga taong hindi makadalo o makatapos ng isang self- reliance group?

◦ Paano natin mas magagamit ang mga talento, kasanayan, at kaalaman ng mga miyembro sa ating lugar?

◦ Anong uri ng resources sa Simbahan o komunidad ang kaila-ngan ng ating mga miyembro, at paano natin dapat paunlarin at ibahagi ang resources na ito?

◦ Paano natin magagamit ang ating mga pagsisikap sa self- reliance para suportahan ang mga prayoridad ng stake at ward? (Halimbawa, gawaing misyonero, pagpapaaktibo ng mga miyem-bro, mga young single adult, o kabataan.)

◦ Kung naaangkop, paano natin matutulungan ang mga tatang-gap ng Perpetual Education Fund na makapagtapos at mabaya-ran ang kanilang mga utang?

Page 12: GABAY NG LIDER - churchofjesuschrist.org · Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espiri- tuwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan