grade 9 aralin 1.1

67
ARALIN 1.1: MAIKLING KUWENTO NG SINGAPORE *NANG MINSANG NALIGAWSI ADRIAN(PILIPINAS) *ANG AMA(SINGAPORE) *ANIM NA SABADO NG BEYBLEYD(PILIPINAS) *MGA PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES

Upload: benchhood

Post on 29-Jul-2015

1.006 views

Category:

Education


10 download

TRANSCRIPT

ARALIN 1.1: MAIKLING KUWENTO NG SINGAPORE

*NANG MINSANG NALIGAWSI ADRIAN(PILIPINAS)

*ANG AMA(SINGAPORE)

*ANIM NA SABADO NG BEYBLEYD(PILIPINAS)

*MGA PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES

A. YUGTO NG PAGKATUTO

A.1 Tuklasin

Maglibot ka sa buong akla-tan at magsaliksik tungkol sa iba’t ibang bansa sa Timog-Silangang Asya – kultura, uri ng edukasyon, paraan ng pamumuhay,

at ilang panitikan na mag-papakita ng iba’t ibang im-pormayon tungkol sa mga bansang Singapore, Thailand, Indonesia, Laos at Pilipinas.

Pagkatapos mong mag-saliksik, magkakaroon tayo ng bahaginan ng mga bagay na ating natuklasan.

B. Linangin

A. Panitikan:

Ang AmaMaikling Kuwentong Makabanghay

-SingaporeIsinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

B. Gramatika/Retorika:

Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsusunod-sunod ng mga

Pangyayario Transitional Devices

(subalit, ngunit, sa wakas,palibhasa, samantala, dahil sa, saka, kaya, kung

gayon, sa lahat ng ito)

C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Nang Minsang Naligaw si Adrian

Paglinang:

Sagutin ang mga gabay na tanong:

1. Saan ang tagpuan ng kuwento?

2. Sa anong panahon naganap ang kuwento?

6. Ipaliwanag paano nagtapos ang kuwento?

3. Paano nagsimula ang kuwento?

4. Ano ang naging suliranin/tunggalian ng kuwento?

5. Saang bahagi ang kasukdulan?

1.b. Subukin muli. Basahin ang kasunod na kuwento at ilahad ito gamit pa rin ang yugto-yugtong pagbuo .

B. Linangin

Ang Ama(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)

Alam mo ba na…

Ang “Ang Ama” ay isang uri ng kuwentong maka-banghay na nakatuon sa pagkakabuo ng mga pang-yayari. Mahalagang matu-koy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang estilo na ginamit ng may-akda.

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan

Bigyang kahulugan ang mga sinalungguhitang pahayag ayon sa pahi-watig nito sa pangungu-sap.

1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ngdugo at pagpapama-ga ng ilang araw sa labi.

2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ngama ng kaluwa-gang-palad nito.

3. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at pada-bog-dabog, tiyak na wa-langpagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, ta-kot na anumang ingay na gawa nila ay maka-inis sa ama at umakit sa malaking kamay nito u-pang pasuntok na duma-po sa kanilang mukha.

4. Alam nila na ang ha-linghing niyon ay parang kudkuran na nagpapa-ngilo sanerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisi-gaw, at kung hindi pa iyonhuminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at haham-pasin iyon nang buong lakas.

5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kina-hinatnan ay madaling nakaratingsa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesis-yong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kniyang asawa at mga anak.

6. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagma-mahal sa patay na bata.

GAWAIN 4. Fan-Fact Analyzer

Kopyahin ang kasunod na graphic organizer sa iyong papel at punan ng mga pangyayari mula sa binasang kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Tukuyin ang tagpu-an, tauhan, at kahalaga-hang pangkatauhan.

Pagsusunod-sunod ng mga

pangyayari

2

1

3 4 5

6

7

TagpuanKahalagahang pangkatauhan

GAWAIN 5. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?

2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

3. Ano-anong katangian ng ama ang nangibabaw sa kuwento? Anong ba-hagi o pangyayari sa ku-wento ang nagpapakita ng mga nabanggit na katangian?

KATANGIAN NG AMABahagi/

Pangyayaringnagpapatunay

4. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapag-pabago sa di-mabuting pag-uugali ng ama? Isalaysay.

4. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpa-bago sa di-mabuting pag-uugali ng ama? Isalaysay.

5. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmama-hal sa kaniyang anak?

6. Paano nagwakas ang kuwento?

7. “Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumag-sa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking ba-hagi niyon, pero sa na-tira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad

sa isang piging na alam nilang ‘di nila mararana-sang muli.” Ano ang nais ipahiwatig ng panghuling pangungusap naito? Bakit ganito ang saloobin ng mga bata? Patunayan.

8. Anong kultura ng mga taga-Singapore ang ma-sasalamin sa kuwentong ito?

9. Paano naman ipinaki-kita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa mga namatay na mahal sa buhay? Sa ibang bansa sa Asya?

10. Bakit may uring ma-kabanghay ang kuwento?

Anim na Sabado ng Beyblade (Bahagi Lamang)

ni Ferdinand Pisigan Jarin

GAWAIN 6. Timeline

TIMELINE

Sabado

1Sabado

2Sabado

3Sabado

4Sabado

5Sabado

6

1 Sabado

* Hiling na ipagdiwang ang kanyang kaarawan kahit hindi pa araw.

* Makatatanggap siya ng maraming maraming laruan, ang paborito niyang beyblade.

2 Sabado

* Naki-bertdey naman siya

* Dinalaw siya ng kanyang ama. Na unti-unti na siyang naghihina.

* Bihira na siyang ngumiti.

* Unti-unti ng nalalagas ang kaniyang buhok.

3 Sabado

* Sa muling pagkairita, sinabunutan naniya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal angmga buhok.

*Binigyan siya ng priba-dong pagtatanghal ng mascot

4 Sabado

* Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito.

* Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita.

5 Sabado

* Iksaktong sabado ng Pebrero pumanaw na si Rebo.

* Namatay siya habang tangan ng ama sa kanyang mga bisig.

* Hindi na kayang tumayo.

* Nakadudukot na rin siya ng butil ng dugo sa loob ng kanyang gilagid.

* Tuluyan na siyang nakalbo.

* Di na sila nakapag-usap ng kaniyang ama dahil pagpasok pa lamang nito sa pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit na sino.

6 Sabado

* Huling sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal.

* Wala na ang beyblade at ang may-ari nito.

* Payapa na siyang nakahimlay sa loob ng kabaong.

* Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap.

* Payapang magpapaikot at iikot.

* Maglalaro nang maglalaro

Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang bey-blade ang bahagi ng kuwentong iyong binasa?

2. Paano nagwakas ang kuwento?

3. Kung ikaw ang may-akda, ganito rin ba ang iyong gagawing wakas? Bakit?

4. Sumulat ng sariling wakas ng kuwento na may uring makabanghay. Ilahad moito sa pama-magitan ng isang gra-pikong presentasyon.

5. Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng teksto?

GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika / Retorika – Kuwento Mo, Isalaysay Mo

Batay sa bahagi ng kuwen-tong iyong binasa, bumuo ng ilang pahayag namay kina-laman dito ayon sa tamang pagkakasunod-sunod gamit

ang sumusunod na salita upang malaman mo kung nakatutulong ang paggamit ng transitional devicessa pagsasalaysay. Isulat ang iyong sagot sa papel.

subalit

datapwat

kung gayon

ngunit

samantala

sakakaya

dahil sa

sa wakas

sa lahat ng ito

Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sapaguugnay-ugnay ng mga pangu-ngusap at sugnay. Sa pamamagitan nito,na-pagsusunod natin nang tama ang mga pang-yayari sa isang kuwento

ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay, at transitional devicesnaman ang tawag sa

mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunodng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari atiba pa sa paglalahad.

Kasunod ang ilang halim-bawa ng pangatnig at transitional devices nakaraniwang ginagamit sa Filipino:

Mga Pangatnig:

1. subalit -

ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamit na sa unahan ng pangungusap.

Mga Halimbawa:

a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.

b. Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipapakita ito.

c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.

2. samantala, saka –

ginagamit na pantuwang

Mga Halimbawa:

a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa.

b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.

3. kaya, dahil sa –

Mga Halimbawa:

a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan.

b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.

Transitional Devices:

1. sa wakas, sa lahat ng ito - panapos

Mga Halimbawa:

a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.

b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal ng kanilang ama.

2. kung gayon – panlinaw

Mga Halimbawa:

a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.

subalit datapwat

kung gayon

ngunit

samantalasaka

kaya

dahil sa

sa wakas

sa lahat ng ito

Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pangatnig