huwag kalimutang ipagdasal si erik · ang tamang landas. pagkatapos ng mga panalangin nilang lahat,...

1
Enero 2017 75 74 Liahona MGA BATA Ni Julie Cornelius-Huang Batay sa tunay na buhay “Bawat tao’y malayang pumili’t magpasya” (Hymns, blg. 240). L umuhod ang pamilya ni Kari sa tabi ng sopa para magdasal. Bawat isa ay magalang na naghalukipkip ng kanilang kamay. Hinilingan ni Papa ang batang kapa- tid ni Kari na si Liv, na mag-alay ng panalangin. “Huwag mong kalimutang pasalamatan ang Ama sa Langit sa marami nating pagpapala,” paalala ni Papa sa kanya. “At huwag mong kalimutang ipagdasal si Erik,” dag- dag ni Mama. Palaging ipinaaalala sa kanila ni Mama na ipagdasal si Erik. Si Erik ay kuya ni Kari. Bago siya nagkolehiyo, matalik silang magkaibigan ni Kari. Talagang Huwag Kalimutang Ipagdasal si Erik hinanap-hanap ni Kari ang masasayang bagay na ginawa nila noon. Ilang buwan pa lang ang nakararaan, sinabi ni Erik kina Mama at Papa na ayaw na niyang maging miyem- bro ng Simbahan. Nagulat at nalungkot si Kari at ang kanyang pamilya. Sinimulan nilang ipagdasal si Erik gabi-gabi. Kung minsan ipinagdarasal nilang madama ni Erik ang Espiritu Santo at gustuhin nang bumalik sa simbahan. Ipinagdasal ni Papa na magliwanag ang isi- pan ni Erik para makagawa siya ng mabubuting pasiya. Madalas ipagdasal ni Mama na matulungan sana si Erik ng isang taong pinagkakatiwalaan niya na mahanap ang tamang landas. Pagkatapos ng mga panalangin nilang lahat, hindi mapigil ni Kari na magalit nang kaunti. Bakit hindi pa ibinabalik ng Ama sa Langit si Erik sa simbahan? Sa huli, nang magbukas ng bibig si Liv para mag- dasal, hindi na nakapagpigil si Kari. “Bakit hindi pa sinasagot ng Ama sa Langit ang mga panalangin natin?” bulalas niya. Gulat na napatingin ang lahat kay Kari, pero galit na galit siya kaya hindi niya napansin ito. Saglit na walang umimik. “Kari,” sabi ni Papa, “pag-uwi mo mula sa eskuwela kanina, itinabi mo ba ang backpack mo?” “Po?” tanong ni Kari, na nalilito. Ano ang kinala- man ng backpack niya rito? Sumulyap siya sa pintuan sa harapan at nakita niya ang kanyang backpack na nakasandal sa dingding sa halip na nakasabit sa tabi ng backpack ni Liv. “Hindi po . . . sori po.” “Hindi ba ipinaalala sa iyo ni Mama na isabit ito?” “Opo,” sagot ni Kari. Napayuko siya. “Hindi ba madalas ipaalala sa iyo ni Mama na isabit ang backpack mo?” “Opo,” bulong ni Kari. Hindi pa rin niya alam kung ano ang kinalaman nito sa anuman. Hindi ba sineryoso ni Papa ang tanong niya? MGA PAGLALARAWAN NI MELISSA MANWILL ANO ANG KALAYAAN? A ng kalayaan ay isang kaloob na ibinigay ng Ama sa Langit sa lahat. Ito ang kaloob na pagpasiyahan ang ating gagawin. Tinutulungan tayo ng Ama sa Langit, pero hindi Niya tayo pinipilit na gawin ang mga bagay-bagay. Sa halip, hinahayaan Niya tayong pumili para sa ating sarili. “Alam ko na kapag ipinagdarasal natin si Erik, dinirinig talaga ng Ama sa Langit ang ating mga panalangin—sa tuwina. Ang problema ay baka hindi nakikinig si Erik ngayon mismo. Maaaring pagpasiya- han ni Erik kung pakikinggan niya ang Espiritu Santo, gaya ng pagpapasiya mo kung pakikinggan mo si Mama tungkol sa backpack mo. Pero palagay mo ba palagi mong babalewalain si Mama kapag inutusan ka niyang isabit ang backpack mo?” “Hindi po siguro,” sabi ni Kari. “Balang-araw makikinig siya!” sabi ni Mama, na kumindat kay Kari. Ngumiti si Kari. “Kaya siguro po balang-araw makikinig din si Erik,” dagdag ni Kari. “Tama,” sabi ni Mama. “Ang pakikinig sa Espiritu Santo ay isang kasanayan na dapat linangin. Baka hindi pa natututuhan ni Erik ang kasanayang iyon.” Nagsimu- lang gumanda ang pakiramdam ni Kari. Yumuko silang lahat habang nagdarasal si Liv. Ipinagdasal niya na matuto si Erik na makinig sa Espiritu Santo. Habang nagdarasal si Liv, napayapa at nag-alab ang damdamin ni Kari. Alam niya na naririnig ng Ama sa Langit ang kanilang mga panalangin. Habang binabanggit ni Liv ang ilang paraan na napagpala ang kanilang pamilya, naisip ni Kari ang isa pang biyayang idaragdag sa listahan—mas naunawaan na niya ngayon ang tungkol sa panalangin! Nang matapos ang panalangin, alam ni Kari na hindi nalilimutan ng Ama sa Langit si Erik. Alam din niya na hindi siya kalilimutan ng Ama kailanman. ◼ Ang awtor ay naninirahan sa Nevada, USA.

Upload: others

Post on 12-Jan-2020

15 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

E n e r o 2 0 1 7 7574 L i a h o n a

MG

A BATA

Ni Julie Cornelius- HuangBatay sa tunay na buhay“Bawat tao’y malayang pumili’t magpasya” (Hymns, blg. 240).

L umuhod ang pamilya ni Kari sa tabi ng sopa para magdasal. Bawat isa ay magalang na naghalukipkip

ng kanilang kamay. Hinilingan ni Papa ang batang kapa-tid ni Kari na si Liv, na mag- alay ng panalangin.

“Huwag mong kalimutang pasalamatan ang Ama sa Langit sa marami nating pagpapala,” paalala ni Papa sa kanya.

“At huwag mong kalimutang ipagdasal si Erik,” dag-dag ni Mama. Palaging ipinaaalala sa kanila ni Mama na ipagdasal si Erik.

Si Erik ay kuya ni Kari. Bago siya nagkolehiyo, matalik silang magkaibigan ni Kari. Talagang

Huwag Kalimutang Ipagdasal si Erik

hinanap- hanap ni Kari ang masasayang bagay na ginawa nila noon.

Ilang buwan pa lang ang nakararaan, sinabi ni Erik kina Mama at Papa na ayaw na niyang maging miyem-bro ng Simbahan. Nagulat at nalungkot si Kari at ang kanyang pamilya. Sinimulan nilang ipagdasal si Erik gabi- gabi. Kung minsan ipinagdarasal nilang madama ni Erik ang Espiritu Santo at gustuhin nang bumalik sa simbahan. Ipinagdasal ni Papa na magliwanag ang isi-pan ni Erik para makagawa siya ng mabubuting pasiya. Madalas ipagdasal ni Mama na matulungan sana si Erik ng isang taong pinagkakatiwalaan niya na mahanap ang tamang landas. Pagkatapos ng mga panalangin nilang lahat, hindi mapigil ni Kari na magalit nang kaunti. Bakit hindi pa ibinabalik ng Ama sa Langit

si Erik sa simbahan? Sa huli, nang magbukas ng bibig si Liv para mag-

dasal, hindi na nakapagpigil si Kari. “Bakit hindi pa sinasagot ng Ama sa Langit ang mga panalangin natin?” bulalas niya. Gulat na napatingin ang lahat kay Kari, pero galit na galit siya kaya hindi niya napansin ito. Saglit na walang umimik.

“Kari,” sabi ni Papa, “pag- uwi mo mula sa eskuwela kanina, itinabi mo ba ang backpack mo?”

“Po?” tanong ni Kari, na nalilito. Ano ang kinala-man ng backpack niya rito? Sumulyap siya sa pintuan sa harapan at nakita niya ang kanyang backpack na nakasandal sa dingding sa halip na nakasabit sa tabi ng backpack ni Liv. “Hindi po . . . sori po.”

“Hindi ba ipinaalala sa iyo ni Mama na isabit ito?”“Opo,” sagot ni Kari. Napayuko siya.“Hindi ba madalas ipaalala sa iyo ni Mama na isabit

ang backpack mo?”“Opo,” bulong ni Kari. Hindi pa rin niya alam kung

ano ang kinalaman nito sa anuman. Hindi ba sineryoso ni Papa ang tanong niya?M

GA

PAG

LALA

RAW

AN N

I MEL

ISSA

MAN

WILL

ANO ANG KALAYAAN?

A ng kalayaan ay isang kaloob na ibinigay ng Ama sa Langit sa lahat. Ito ang kaloob na pagpasiyahan ang ating gagawin.

Tinutulungan tayo ng Ama sa Langit, pero hindi Niya tayo pinipilit na gawin ang mga bagay- bagay. Sa halip, hinahayaan Niya tayong pumili para sa ating sarili.

“Alam ko na kapag ipinagdarasal natin si Erik, dinirinig talaga ng Ama sa Langit ang ating mga panalangin—sa tuwina. Ang problema ay baka hindi nakikinig si Erik ngayon mismo. Maaaring pagpasiya-han ni Erik kung pakikinggan niya ang Espiritu Santo, gaya ng pagpapasiya mo kung pakikinggan mo si Mama tungkol sa backpack mo. Pero palagay mo ba palagi mong babalewalain si Mama kapag inutusan ka niyang isabit ang backpack mo?”

“Hindi po siguro,” sabi ni Kari.“Balang- araw makikinig siya!” sabi ni Mama, na

kumindat kay Kari. Ngumiti si Kari.“Kaya siguro po balang- araw makikinig din si Erik,”

dagdag ni Kari.“Tama,” sabi ni Mama. “Ang pakikinig sa Espiritu

Santo ay isang kasanayan na dapat linangin. Baka hindi pa natututuhan ni Erik ang kasanayang iyon.” Nagsimu-lang gumanda ang pakiramdam ni Kari.

Yumuko silang lahat habang nagdarasal si Liv. Ipinagdasal niya na matuto si Erik na makinig sa

Espiritu Santo. Habang nagdarasal si Liv, napayapa at nag- alab ang damdamin ni Kari. Alam niya na

naririnig ng Ama sa Langit ang kanilang mga panalangin. Habang binabanggit ni

Liv ang ilang paraan na napagpala ang kanilang pamilya, naisip ni Kari

ang isa pang biyayang idaragdag sa listahan—mas naunawaan na niya ngayon

ang tungkol sa panalangin!Nang matapos ang panalangin, alam ni Kari na hindi

nalilimutan ng Ama sa Langit si Erik. Alam din niya na hindi siya kalilimutan ng Ama kailanman. ◼Ang awtor ay naninirahan sa Nevada, USA.