ikaapat na markahan edukasyon sa pagpapakatao 4
TRANSCRIPT
1
Edukasyon sa Pagpapakatao 4Ikaapat na Markahan
Learning Activity Sheet Bilang 2
Pagpapahalaga sa Kapuwa,
Pagmamahal sa Maylikha
2
GAWAING PAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO ESP 4IKAAPAT NA PANURUAN – LAS 2
Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________________
Antas: ________________________________
Petsa: _________________________
I. Panimulang KonseptoAng buhay na handog sa atin ang siyang pinakasagrado. Ibig ng
Diyos na ihandog natin ito sa ating kapuwa o sa ibang buhay na
Kaniyang nilikha. Ibig ng Diyos na ating padaluyin ang buhay para
sa ibang tao. Kung gayon, pananagutan nating mahalin, igalang, at
pahalagahan ang buhay ng ating kapuwa tulad ng pagpapahalaga
natin sa ating buhay.
II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCsNapahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga
materyal na bagay
a. sarili at kapwa-tao (halimbawa: paggalang sa kapwa-tao)
EsP4PD-IVa-c-10 p.96
III. Mga Gawain
A. ALAMIN NATIN:
Suriin ang nasa larawan sa sunod na pahina.
3
Pagproseso:
1. Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa kanila?
______________________________________________________________
_________________________________________________________
_______
2. Bakit dapat mong pahalagahan ang mga likha ng Diyos tulad ng nasa
larawan?
______________________________________________________________
_________________________________________________________
_______
B. ISAGAWA NATIN:
GAWAIN
4
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa unang hanay at
sagutin ito ng mga katapatan sa pamamagitan ng
paglalagay ng tsek () sa angkop na hanay.
Ako ba ay... Madalas Minsan
Hindi
1. Nanunukso sa aking kaibigan o
kapatid?
2. Namimintas sa pananamit ng iba?
3. Nakikinig kapag may nagsasalita?
4. Nagtatakip ng aking bibig kapag
umuubo, bumabahing o naghihikab?
5. Humihingi ng tawad kapag nakasakit
ng iba?
6. Nagbibigay ng aking upuan sa
nakatatanda?
7. Nagpapasalamat sa taong pumuri sa
aking pagbati sa bago kong kaibigan?
8. Nakikinig sa usapan ng iba?
9. Nakikipag-unahan sa pila?
10.Tinatawag ang kapuwa-tao gamit ang
kanilang pangalan?
Pagproseso:1. Batay sa iyong sagot, ano ang natuklasan mo sa iyong sarili?
____________________________________________________________
2. Kung madalas mong ginagawa ang mali, ano kaya ang magiging
epekto nito sa ugnayan mo sa iyong kapuwa?
____________________________________________________________
3. Kung hindi mo ginagawa ang mga nararapat mong gawin, ano kaya
ang maaaring maging bunga nito sa iyo at sa pakikitungo mo sa
iyong kapuwa?
5
___________________________________________________________
C. PAGPAPALALIM
Sagrado ang buhay! Ito ang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa atin.
Mahalaga na maunawaan natin ang layunin sa buhay.
Ang ating buhay ay hindi natin sarili. Ibig ng Diyos na ihandog natin ito
sa ating kapuwa o sa ibang buhay na Kaniyang nilikha. Ibig ng Diyos na
ating padaluyin ang buhay para sa ibang tao. Kung gayon,
pananagutan nating mahalin, igalang, at pahalagahan ang ating
kapuwa.
Maraming paraan upang pahalagahan ang ating kapuwa-tao.
Karaniwan sa mga ito ay ang pagtugon sa kanilang pangangailangan
sa panahon ng kahirapan. Madalas na nangyayari ito sa panahon ng
kalamidad tulad ng bagyo, baha, at lindol. Huwag din nating kaligtaan
ang mga pagkakataong kailangan nila ang ating tulong o kalinga sa
panahon ng kahirapan at problemang kinasusuungan.
Naipakikita rin ang pagpapahalaga sa iba sa paglutas ng mga suliranin
para sa kapakanan ng higit na nakararami.
Ang pagpapahalaga sa ibang tao ay maipamamalas sa pamamagitan
ng pagdamay sa kanila sa panahon ng kalungkutan, sa kanilang pag-
iisa, sa mga panahong nangangailangan sila ng karamay. Sa kabila ng
paghihirap at pagdurusa, makasisilip tayo ng pag-asa dahil sa
kapuwang handang dumamay, tumulong, at kumalinga.
C. ISAPUSO NATIN:
PANUTO: Gumupit ng puso sa bond paper.
6
Magbalik-tanaw ka. Isipin ang mga taong nakasalamuha mo
na iyong iginalang o pinahalagahan. Isulat ito sa isang bahagi
ng puso na iyong ginupit. Sa kabilang bahagi naman ay isulat
kung ano ang ginawa mo upang ipakita ang paggalang at
pagpapahalaga sa taong ito.
E. ISABUHAY NATIN:
PANUTO: Pag-aralan ang larawan na nasa ibaba. Gamitin itong
gabay sa pagsulat ng isang maikling tula o sanaysay tungkol sa
paksang “Buhay ng Kapuwa-tao, Pahahalagahan Kong Lubos”.
7
F. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang dapat mong gawin kung
ikaw ang tauhan dito at ang dahilan kung bakit mo ito dapat gawin.
8
9
G.KASUNDUAN:
PANUTO: Gumawa ng isang poster o slogan na magpapakita ng pagpapahalaga at paggalang sa lahat ng likha ng DIyos.
IV. SUSI SA PAGWAWASTO
Alamin Natin Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaibaIsapuso Natin: Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaibaIsagawa Natin: Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaibaIsabuhay Natin: Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba
Subukin Natin: Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba
V. SANGGUNIAN: Edukasyon sa Pagpapakatao TG p. 182-181 Edukasyon sa Pagpapakatao LM p. 281-288
Binabati kita! Natapos na namang muli ang isang aralin. Naniniwala akong ang pagpapahalaga mo sa buhay ng iyong kapuwatao ay kinalulugdan ng Diyos. Inaasahan kong ipagpapatuloy mo ito sa lahat ng oras
at pagkakataon. Handa ka na ba sa susunod na aralin? Ipagpatuloy mo ang hangaring matuto.
10
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.vectorstock.com%2Froyalty-free-vector%2Fboy-with-heart-cartoon-vector-6421726&psig=AOvVaw3-XbOGN1n0JEpxVKMF0qBR&ust=1614335757279000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNCOkMzrhO8CFQAAAAAdAAAAABAu
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.vecteezy.com%2Fvector-art%2F374857-happy-family-with-four-kids-and-one-dog&psig=AOvVaw2J1dHBKBZugicBKv93k5UO&ust=1614336036411000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJCnhcPshO8CFQAAAAAdAAAAABAJ
Development Team of the Learning Activity SheetsWriter: Krizza E. Diaz
Editor/Reviewer: Dario I. Cabanela, EPS