ikaapat na markahan modyul 8 - znnhs.zdnorte.net
TRANSCRIPT
masaliguRepublic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Ikaapat na Markahan – Modyul 8 Misyon ng Buhay Mo, Pasya Mo!
Zest for Progress
Zeal of Partnership
7
Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________
Baitang at Seksyon:______________________________
Paaralan:_______________________________________
1
Alamin Magandang araw mag-aaral! Tingnan ang larawan na nasa ibaba. Ano ang nais iparating ng larawan?
Ano ang mahihinuha mo sa larawan? Bakit mahalagang tingnan natin ang maging kahihinatnan o bunga ng isang
bagay bago tayo gumawa ng pasya? Sa modyul na ito, malalaman mo ang personal na misyon sa buhay at kung paano mo ito makakamit sa tulong ng iyong mga pasya. Kasanayang Pampagkatuto: Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay batay sa mga hakbang sa mabuting
pagpapasiya.
EsP7B-IVd-14.4 Ikawalong Araw
Subukin
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at bilugan ito.
1. Ang labis na kahirapan ang maaaring maging hadlang upang mapanatili o mas
mapataas ang dignidad ng isang bata at maisabuhay ang mga halaga. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil ang kahirapan ang dahilan upang mabawasan ang tiwala ng isang bata sa kanyang sarili
B. Tama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga magulang upang batayan at paunlarin ang halaga ng kanilang mga anak C. Mali, dahil maging ang labis na karangyaan ay maaari ring maging
hadlang upang maisabuhay ng isang bata ang mga halaga D. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging mabuting mamamayan ng
lipunan at anak ng Diyos
2. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin
nito na:
A. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso. B. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting
pagpapasiya. C. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob.
D. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.
2
3. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya? A. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.
B. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin. C. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan
ng gagawing tira. D. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.
4. Ano ang kahulugan ng bokasyon? A. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo
B. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin
C. a at b D. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na
sweldo o pasahod. 5. Ang higher good ay tumutukoy sa:
A. Kagandahang loob sa bawa’t isa B. Kabutihang panlahat
C. Ikabubuti ng mas nakararami D. Ikabubuti ng mga mahal sa buhay
6. Alin ang HINDI hakbang sa pagbuo ng Personal na pahayag ng misyon sa buhay?
A. suriin ang iyong ugali B. tukuyin ang iyong pinapahalagahan
C. tipunin ang impormasyon D. kilalanin ang iyong kaibigan
7. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangayarihan kung:
A. kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kapuwa. B. nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho,
komunidad at iba pang dapat gampanan. C. nagagamit sa pang araw-araw
D. nakikilala ng tao ang kanyang katangian at kakayahan 8. Ayon kay Fr. Jerry Orbos ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa
Diyos at kapuwa. Ano ang maibibigay nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?
A. kapayapaan C. kaligayahan B. kaligtasan D. kabutihan
9. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao? A. upang siya ay hindi maligaw
B. upang matanaw niya ang hinaharap C. upang mayroon siyang gabay
D. upang magkaroon siya ng kasiyahan
3
10. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaring mabago o mapalitan.
A. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao. B. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin
o papalitan. C. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga
sitwasyon sa buhay. D. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin pa.
Balikan
Gawain 1:4 Sa nagdaang modyul, naunawan mo ang pagkakaroon ng pangarap. Sa gawaing ito, babalikan natin ang iyong natutunan ukol sa pangarap mo
sa buhay. 1. Ano ang iyong pangarap?
2. Ano-ano ang iyong hakbang upang makamit ito? 3. Paano makakatulong ang mabuting pagpapasya sa pagkamit ng iyong
pangarap? Gawain 2: Pangarap ko!
Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba. Lagyan ito ng angkop na emosyon. Kung Oo ang sagot, iguhit ang masayang emoticon. Kung hindi
naman iguhit ang malungkot na emoticon sa angkop na kolum.
Modyul
8
Misyon ng Buhay Mo, Pasya Mo
Pahayag Oo Hindi
May naisip ka na bang pangarap?
Nasimulan mo na ba ang mga
hakbang sa pagkamit nito?
Mahalaga ba na magkaroon ng inspirasyon?
Tama ba ang iyong naging pasya?
Sa tingin mo mapagtagumpayan mo kaya ito?
4
Tuklasin Sa bawat araw ay nagpapasya ang tao hindi ba? Ikaw, paano ka
nagpapasya? Sa iyong palagay, nakatuon ba ang iyong pasiya sa tamang
direksiyong iyong pupuntahan? Mayroon ka bang saligang ginagamit upang
maging maayos at tama ang iyong gagawin?
Gawain 2: Pasya ng Buhay ko! Panuto:Magbigay ng tatlong (3) sitwasyon kung saan nagsagawa ka ng
pagpapasiya. Isulat ito sa kolum na nasa ibaba. Punan ang mga kasunod na kolum ayon sa impormasyong hinihingi ng mga ito.
Tatlong
sitwasyon na kinailangan
kong magpasiya
Pasiyang
nabuo ko
Mabuting
naidulot
Hindi mabuting naidulot
Sagutin ang mga tanong: 1.Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili batay sa mga pagpapasiyang ginawa mo?
2. Bakit mahalaga na nagpapasiya nang tama? Ipaliwanag 3. Mayroon ba itong magiging epekto sa iyong buhay sa hinaharap?
Ipaliwanag
5
Suriin Personal na Misyon sa Buhay
Ito ay katulad ng isang personal na kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay.Ito ay
magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang iyong sarili at
kung saan ka patungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong
layunin sa buhay.Hindi madali ang paglikha nito, dahil nangangailngan ito ng panahon, inspirasyon at pagbabalik-tanaw.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
➢ Suriin ang iyong ugali at katangian -Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong ugali at katangian.
➢ Tukuyin ang iyong mga pinapahalagahan -Kailangang maging maliwanag kung saan nakabatay ang
Pinapahalagahan -Kung saan nakatuon ang iyong lakas oras at panahon
➢ Tipunin ang mga impormasyon -Sa impormasyon na iyong makukuha laging isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking
magagawa sa kabubuan ng iyong pagkatao. “All of us are creators of our own destiny”
Ayon kay S.Convey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay;
1.Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao. 2.Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang
sarili bilang natatanging nilikha. 3.Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho,
komunidad at sa iba pang dapat gampanan. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba
6
Misyon/Bokasyon Propesyon
Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao
sa buhay na magdadala sa kanya tungo sa kaganapan. Ang bokasyon ay galling sa salitang Latin
na “vocatio” ibig sabihin ay “calling “ o tawag
Mas kawili-wili ang paggawa para sa tao, mas lalo siyang nasisiyahan sapagkat
nagagamit niya ang kaniyang mga talento at hilig sa kanyang ginagawa. Hindi niya nararamdaman ang pagkabagot.
Trabaho na ginagawa ng tao upang siya
ay mabuhay. Ito ang resulta ng kaniyang pinag-aralan o matagal ng ginagawa at naging eksperto na siya
dito. Ito ay maaating gusto niya o hindi
ngunit kailangan niyang gawin sapagkat ito ang pinagkukunan niya
ng kaniyang ikabubuhay. At dahil ikabubuhay lamang nakatuon ng kaniyang paggawa hindi siya
nagkakaroon ng ganap na kasiyahan.
Mula sa misyon, mararamdaman ang tunay na kaligayahan. Wika ng ani Fr.Jerry Orbos: ang pangunahing sangkap para sa tunay
na kaligayahan ng tao ay magkaroon ng misyon. Aniya, ang misyon ay hindi lamang para kumite ng pera, maging mayaman o maging kilala o tanyag. Ang tunay na misyon ay ang MAGLINGKOD. Ang paglilingkod sa Diyos at sa
kapwa ang magbibigay sa tao ng tunay na kaligayahan.
7
Pagyamanin Gawain 3: Mission Impossible!
Panuto: Gumawa ng isang akrostik gamit ang salitang MISYON. Punan ang bawat letra ng mga salitang mayroong kinalaman sa paksa. Gawin ito sa
malinis na bondpaper. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba. M-___________________________________________________ I- ___________________________________________________
S- ___________________________________________________ Y - __________________________________________________
O - __________________________________________________ N - __________________________________________________
Rubriks sa Akrostik
Pamantayan
2 3 5 Puntos
Salitang ginamit
Di-angkop ang mga salitang
ginamit.
Angkop ang mga salitang
ginamit.
Angkop na angkop ang mga
salitang ginamit.
Kaugnayan ng pahayag sa
paksa
Di-kaugnay ang mga
pahayag na
ginamit sa paksa.
Magkaugnay ang mga
pahayag na
ginamit sa paksa.
Magkaugnay na magkaugnay
ang mga pahayg
na ginamit sa paksa.
Pagsunod sa
panuto
Di nakasunod
sa panutong ibinigay.
Nakasunod sa
ilang panutong ibinigay.
Nakasunod sa
lahat ng panutong
ibinigay.
Kawastuhan ng mga
salitang
ginamit
Di wasto ang salitang
ginamit
Wasto ang ilang mga
salitang
ginamit.
Wastong-wasto ang lahat ng
ginamit na
salita.
Kalinisan at kaayusan ng
pagkakagawa o
pagkakasulat
Di malinis at maayos ang
pagkakagawa at
pagkakasulat.
Di gaanong malinis at
maayos ang pagkakagawa
at pagkakasulat.
Malinis at maayos
Kabuuan
8
Isaisip Gawain 4: Misyon ko buuhin ko! Panuto: Sagutin ang tanong.Sa iyong palagay, makakatulong ba ang pagbuo
mo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay upang maging malinaw sa iyo ang mabuting pagpapasiya na iyong pipiliin? Paano? Ipaliwanag. Gawing
gabay ang rubriks sa ibaba. ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
9
Isagawa Gawain 5: Pangarap ko!
Panuto: Bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay batay sa mga
hakbang ng mabuting pagpapasiya. Isulat ito sa malinis na bondpaper at
gumamit ng pangkulay at dekorasyon. Gawing gabay ang rubriks sa
ibaba.Narito ang halimbawa sa ibaba.
Ang aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay: Bilang isang
guro na may pangarap na maging isang huwaran sa aking mga mag-aaral. Sisikapin kong maging modelo upang mas lalo silang magsumikap sa
buhay. Tutulungan ko silang hubugin ang kanilang mga talento at isipan upang ito’y maging sandata nila sa pagkamit ng kanilang mga mithiin sa buhay. Gagabayan ko sila sa tamang pagpapasya hindi lamang para sa
sarili kundi pati narin sa ikabubuti ng iba. Hinding-hindi kakalimutan ang Panginoong Diyos na siyang sandigan sa lahat ng oras. Sa pamamagitan ng
pagpapatibay ng kanilang pananampalataya at tiwala sa sarili na kayang abutin ang pangarap sa kabila ng mga hamong kakaharapin.
Misyon sa buhay ni Julie Faye B. Ywayan
Dawa-Dawa National High School
10
Rubriks sa Pagmamarka
Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at bilugan ito.
1. Ayon kay Fr. Jerry Orbos ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapuwa. Ano ang maibibigay nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?
A. kapayapaan C. kaligayahan B. kaligtasan D. kabutihan
2. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao? A. upang siya ay hindi maligaw
B. upang matanaw niya ang hinaharap C. upang mayroon siyang gabay D. upang magkaroon siya ng kasiyahan
3. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaring mabago o mapalitan. A. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
B. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
C. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay. D. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring magkaroon
ng problema kung ito ay babaguhin pa.
Pamantayan 5 puntos 3 puntos 2 puntos
Paglalahad ng
impormasyon
Napakahusay at
detalyado ang
pagkalahad ng mga
impormasyon.
Mahusay na
nailahad ang
impormasyon
Kailangan pang
paghusayan ang
paglalahad ng
impormasyon
Gramatika Napakatama ang
gramatikang
ginamit sa kabuuan
ng talata
Tama ang
gramatikang
ginamit sa kabuuan
ng talata
Nangangailangan pa
ng pagsasanay sa
gramatika
Pagkakasulat ng
mga impormasyon
Napakaayos ang
pagkagamit sa mga
salita, baybay,
bantas at ng
malaking titik.
Maayos ang
pagkagamit sa mga
salita, baybay,
bantas at ng
malaking titik.
Kailangan pang
paghusayan ang
paggamit ng bantas
at baybay.
Kabuuan
11
4. Ang labis na kahirapan ang maaaring maging hadlang upang mapanatili o mas mapataas ang dignidad ng isang bata at maisabuhay ang mga halaga.
Ang pahayag ay: A. Tama, dahil ang kahirapan ang dahilan upang mabawasan ang tiwala
ng isang bata sa kanyang sarili B. Tama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga
magulang upang batayan at paunlarin ang halaga ng kanilang mga anak C. Mali, dahil maging ang labis na karangyaan ay maaari ring maging hadlang upang maisabuhay ng isang bata ang mga halaga
D. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging mabuting mamamayan ng lipunan at anak ng Diyos
5. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:
A. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso. B. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.
C. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob. D. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.
6. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya?
A. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip. B. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin. C. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan
ng gagawing tira. D.Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.
7. Ano ang kahulugan ng bokasyon?
A. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo B. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin
C. a at b D. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na
sweldo o pasahod.
8. Ang higher good ay tumutukoy sa: A. Kagandahang loob sa bawa’t isa B. Kabutihang panlahat
C. Ikabubuti ng mas nakararami D. Ikabubuti ng mga mahal sa buhay
9. Alin ang HINDI hakbang sa pagbuo ng Personal na pahayag ng misyon sa
buhay? A. suriin ang iyong ugali B. tukuyin ang iyong pinapahalagahan
C. tipunin ang impormasyon D. kilalanin ang iyong kaibigan
12
10. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangayarihan kung:
A. kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kapuwa. B. nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho,
komunidad at iba pang dapat gampanan. C. nagagamit sa pang araw-araw
D. nakikilala ng tao ang kanyang katangian at kakayahan
Karagdagang Gawain 1:
Panuto: Punan ang mga kasunod na kolum ayon sa impormasyong hinihingi
ng mga ito. Plano ng Pagsasabuhay ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay.
Ang aking mga papel
sa buhay
Mga gawain sa bawat
papel
Panahon para sa bawat
gawain
Pananampalataya sa
Diyos
❖ Pagsisimba ❖ Pagpapanalangin
❖ Pagsali sa mga Gawain sa
simbahan at organisasyon
❖ Tuwing linggo ❖ Araw-araw
❖ Sabado at Linggo
Masipag na mag-aaral
Mabuting anak
13
Karagdagang Gawain 1:
Panuto: Base sa sariling mong karanasan sa buhay, isalaysay ang mga
plano mo pagkatapos mong mag kolehiyo.
14
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral pahina 97-120
Slideshare
Covey, Sean; “Habit 2: Begin with the End in Mind”; The 7 Habits of Highly
Effective Teens; (1998): 105-130
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral pahina 232-247
15
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: AILEEN V. MADAJE Teacher – I
Dawa-Dawa NHS, Division of Zamboanga Sibugay
Editor: RUBY G. SIARZA, MPA
Teachers- III Buug NHS, Division of Zamboanga Sibugay
ROWENA D. QUIBOYEN. MAED Master Teacher -II
Malagandis ES, Division of Zamboanga Sibugay
Tagasuri: GLOCEL P. DINGCONG Teacher II
Titay NHS, Division of Zamboanga Sibugay
Mona Lisa M. Babiera, Ed.D - EPS
Education Program Supervisor
Tagapamahala:
Evelyn F. Importante
OIC-CID Chief EPS
Aurelio A. Santisas
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Jerry C. Bokingkito
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Jeanelyn A. Aleman, CESO VI
OIC-Schools Division Superintendent