kabanata iv

10
Kabanata Pansinin ang mga sumusunod na dayalog dahil ang mga sumusunod ay ang mismong mga resulta ng mga impormasyon na nakuha mula sa mga respondente. Sa pag-aaral na ito. Natuklasan ang mga sumusunod na datos at impormasyon: GRAP 1 “Ang distribusyon ng mga respondante ayon kursong kanilang kinukuha” Sa grap na ito makikita na 15 sa mga respondante ay kumukuha ng MARE (Marine Engineering). Pumapangalawa ay ang COE(College Of Education) na merong 9 na respondente. Pangatlo ay ang kursong CPE na merong 7 respondante. 6 sa BSA, 5

Upload: api-3703807

Post on 27-Apr-2015

135 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kabanata IV

Kabanata

Pansinin ang mga sumusunod na dayalog dahil ang mga sumusunod ay ang mismong mga resulta ng mga impormasyon na nakuha mula sa mga respondente. Sa pag-aaral na ito. Natuklasan ang mga sumusunod na datos at impormasyon:

GRAP 1“Ang distribusyon ng mga respondante ayon kursong kanilang kinukuha”

Sa grap na ito makikita na 15 sa mga respondante ay kumukuha ng MARE (Marine Engineering). Pumapangalawa ay ang COE(College Of Education)na merong 9 na respondente. Pangatlo ay ang kursong CPE na merong 7 respondante. 6 sa BSA, 5 sa FMA, 4 sa CE, Tatlong respondante sa ME at ang huli ay ang ECE na meron lamang iisang Respondante.

Ang iba sa mga respondante na aming pinasagutan ng surbey ay amingmga kakilala at kaibigan. Gusto man sana naming na pasagutan ito sa ibang estudyantengunit hindi nila kami pinansin at ang iba naman ay tumanggi itong sagutan.

Page 2: Kabanata IV

GRAP 2“Ang distribusyon ng mga respondante ayon kanilang mga edad”

Edad

Sa Grap makikita na ang pinaka-madami na aming pinagtanungan ay may Edad na 17. Ang Sumusunod dito ay 10 na respondante na may edad na 18 anyos. Sumusunod naman ang edad na 21 na merong 6 na respondante. Sa Edad na 16, 19 at 20 naman merong 5 respondante bawat isa. Ang huli ay nga edad na 22 anyos na merong 4. Wala naman kaming natanungan na respondante na nasa 23 anyos pataas.

Ang naging problema sa pag-aalam naming sa kanilang edad ay napakalaki, dahil ang iba sa mga respondante ay hindi sinasabi ang tunay nilang mga edad. Ang iba naman dito ay madalas na sinasabi na “Hulaan mo?”. Dahil dito, Ang iba sa mga respondante na hindi sinabi ang kanilang edad ay amin na lamang itinanong sa aming kaibigan na impormante.

Page 3: Kabanata IV

GRAP 3“Ang distribusyon ng mga respondante ayon Kasarian”

Sa Grap na ito makikita na 29 ng mga respondante ay lalaki habang 21 naman dito ay mga babae. Ang iba sa aming pinasagutan n gaming surbey ay Homoseksuwal o ang tinatawag nating mga “Tomboy” at “Bakla” dito naming pinagpasyahan na ilagay na lamang sila sa tunay nilang mga kasarian. Ang “Tomboy” sa babae at ang bakla naman sa lalake Sa unang kita, makikita na talgang madami ang Lalake na aming napagtanungan kaysa sa babae na meron lamang 21 na respondante. Ito ay dahil, kung babalikan mo ang GRAP 1, Makikita mo dito na 15 sa mga respondante ay kumukuha ng kursong MARE (Marine Engineering). Dahil halos 97% nang mga MARE students na nag-aaral sa TIP ay mga lalake. Kaya 15 sa mga respondanteng aming pinag-tanungan ay mga lalake.

Page 4: Kabanata IV

“Ang Resulta ng aming Surbey”

Teybol 1. Nagbabasa sa lugar na maraming tao at magulo

OO Hindi16 34

Sa mga respondante, 16 sa kanila ang nagsasabing nagbabasa sila sa lugar na maraming tao at magulo habang 34 naman dito ang nagsasabing nagbabasa sila sa mga lugar na tahimik at kakaonti lamang ang tao.

Teybol 2. Nagbabasa sa umaandar na sasakyan

OO Hindi29 21

Sa mga respondante, 29 sa kanila ang nagsasabi na nagbabasa sila sa umaandar sa sasakyan. Ang iba sa aming respondante ay nagsabi na kaya sila nagbabasa sa sasakyan ay para makapagreview sa kanilang pagsusulit. Ang 21 naman sa mga respondante ay sumagot ng hindi. Sa kadahilanan na hindi sila makapagbasa ng mabuti dahil sa tugtog at ingay sa kanilang paligid. Ang iba naman ay nagsabi na lalabo ang iyong mata kung ito’y iyong gagawin.

Teybol 3. Pumipili ng pwesto kung saan ay kumportable

Lahat ng mga respondante ay sumagot ng OO. Alam naman natin na dapat tayong magbasa kung saan tayo kumportable, Nakaupo man o Nakatayo. Pero sa mga respondante sa amin ang nagsabi na, Kung minsan siya ay nagbabasang nakatayo sa kadahilanan na ang kaniyang lugar na pinagbabasahan ay walang mauupuan.

Teybol 4. Bumabasa sa pamamagitan ng mata lamangOO Hindi40 10

40 sa aming mga respondante ay nagsagot ng OO, habang 10 naman dito ang Hindi. Sinasabi ng iba sa mga respondante na sumagot ng OO na masmaganda kung magbabasa ka lamang gamit ang mata, Dahil daw kung kasama pati bibig sa pagbabasa, Madidisturbo mo ang iyong mga katabi. Ang Banat naman ng mga nagsagot ng Hindi ay masmaiitindihan mo daw ang iyong binabasa kung ito’y iyong sinasalita habang nagbabasa.

OO Hindi50 0

Page 5: Kabanata IV

Teybol 5. Gumagamit ng darili bilang pantulong sa pagbasa.OO Hindi18 32

18 sa aming respondante ay ginagamit ang kanilang darili upang tulungan silang magbasa. Habang 32 naman ang Hindi. Ang sinabi ng 3 sa aming respondante ay masmaganda daw ang pagbabasa na ginagabayan ng iyong darili dahil masmadali mong malalaman ang pagkasunod-sunod ng mga pangungusap na iyong binabasa. Ang iba naman sa nagsagot ng Hindi ay sinasabing dahil masmabilis kang makakabasa kung hindi ka gagamit ng darili sa pagbabasa.

Teybol 6. Sumusunod ang ulo sa bawat binabasa (pakaliwa, pakanan)OO Hindi17 33

Sa mga respondante, 17 sa kanila ang nagsabi na sumusunod ang kanilang ulo tuwing sila ay nagbabasa. Ito daw ay kung malaki man ang librong iyong binabasa, Halimbawa ay kung nagbabasa ka ng Diksyonaryong makapal. 33 naman sa dito ang nagsagot ng Hindi, sa kadahilanan na panget daw sa paningin kung ikaw ay magbabasa habang sumusunod ang iyong ulo.

Teybol 7. Inuunawa ng mabuti ang binabasaOO Hindi42 8

42 sa aming respondante ang nagsagot ng OO, habang 8 naman dito ang nagsagot ng Hindi. Ang ibang nagsagot ng OO ay nagsasabi na “bale wala ang iyong pagbabasa kung hindi mo naman iintindihin” ang sabi naman ng isa sa aming kagrupo ay nagsabing “diba ito’y parang Reading without comprehension, Is like Eating without Digestion. Tama ba?”. At tama ang kanilang mga sinabi dahil bale wala naman talga kung ito’y hindi mo iintindihin.

Teybol 8. Pumipili ng babasahin sa wikang alam at mauunawaan.OO Hindi40 10

40 sa aming mga respondante ang nagnagsagot ng OO habang 10 naman ang sumagot ng Hindi.

Teybol 9. Bumabasa ng matulin ngunit may pag-uunawaOO Hindi37 13

37 sa aming mga respondante ay nagsagot ng OO habang 13 naman ang nagsagot ng Hindi

Teybol 10. Nagkakaroon ng positibong pananaw kahit ito ay di ganoong interisado.OO Hindi

44 5

44 sa mga respondante ang sumagot ng OO habang 5 naman sa hindi.

Page 6: Kabanata IV

Bibliyograpiya

*Mga Aklat*

Alcaraz, Cid, V. et-al. Komunikasyon sa larangang Akademiko. Quezon City Lorimar Publishing Inc. 2005.

Buss, Kathleen & Lee Karnowski, Reading and Writing Nonfiction Genres. Chicago; The university of chicago Press, 2002.

Campbell, William G. Form and styles in Thesis Writing, Boston; Houston Mifflin Co, Inc, 1969.

Constantino, Pamela C. at Monico M. Atienza, eds. Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Quezon City; University of the Philippines Press, 1996.

Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU) at Pambansang komisyon sa kultura at mga sining (NCAA). Humanidades I-mga Modyul para sa Edukasyong pang-guro. Manila; PNU Press, Septyenbre 2002.

Benales, Rolando A. 2002. Bukal 4: Pagbasa sa San Mateo, Rizal: Vicente Publishing House

Rakandupil C. Garcia, Norma R. Obesamis, Joey M. Villanueva, Almorato I. Cabrera Jr. Regina G. Jara at Petra S. Armos, 2002. Komunikasyon sa makabagong pilipino.

Page 7: Kabanata IV

Rationale

Pinili namin ang paksang pagbabasa upang malamanang mga pamamaraan o istilo ng mga mag-aaral sa Technological Institute of the Philippines (Quezon City Campus) tungo sa wasto at maayos na pagbabasa.

Layunin

Ang Layunin ng aming sinasaliksik ay maihatid sa mga mag-aaral ang mga paraan sa pagbabasa at kung paano madaling maunawaan ang kanilang mga binabasa nang sa ganon ay makuha nila ang tamang impormasyon o datos na kanilang hinahanap.

Pamamaraan

Ang mga paraan na aming gagamitin sa pangangalap ng impormasyon ay pagsusurbey na kung saan ay mamimigay kami ng mga katanungan na nakasulat sa isang papel. Upang malaman ang mga pamamaraan ng mga estudyante sa TIP. Isa pa sa aming ginamit sa pangangalap ng impormasyon ay ang pagkuha ng mga datos mula sa mga aklat.