kagawaran ng edukasyon filipino 6 - deped muntinlupa
TRANSCRIPT
Kagawaran ng Edukasyon
Filipino 6 Pagsagot sa mga tanong tungkol sa
napakinggan/ nabasang talaarawan at anekdota
Pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan
Ikalawang Markahan – Unang Linggo
Maria Elena R. Lico
Manunulat
Hilario G. Canasa
Nelia G. Abejar
Mga Tagasuri
Dr. Yaledegler C. Maligaya Dr. Raul T. Felix
Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan
Mga Validator
Marissa S. Muldong
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
2
Kumusta? Isang markahan na ang natapos nang hindi natin namamalayan.
Natatandaan mo pa ba ang mga aralin? Kung hindi na, wag kang mag-alala dahil hindi naman kailangan kabisaduhin ang lahat ng aralin. Ang mga natutunan ay
kailangang isabuhay at gamitin upang hindi ito mawaglit o malimutan. Handa ka na ba sa panibagong kwarter na pagsasamahan natin upang
matuto? Halina, umpisahan na natin!
Lilinangin sa araling ito ang iyong kahusayan sa pagbabahagi o
pagkukuwento ng iyong napanood, nakita o nasaksihan. Ang pagbabahagi ay isang kasanayang dapat malinang sa tulad mong mag-aaral.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. Nakasasagot ng mga tanong tungkol sa napakinggang/ nabasang
talaarawan at anekdota
2. Nakapagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan
A. Basahin ang anekdota at sagutin ang mga tanong pagkatapos.
“Ang Uhay ng Palay”
Noong bata pa si Manuel Luis Quezon ay lagi niyang kasama ng kanyang ama
sa bukid. Gustong-gusto niyang sumama rito. Isang araw ay may napansin siya.
“Tatay, bakit po kulay ginto na ang mga palay?” tanong niya sa ama. “At saka,
bakit po nakayuko ang mga uhay?” dagdag pa niya.
“Malapit na kasing anihin ang mga palay kaya kulay-ginto na ang mga ito.
Salatin mo ang mga uhay,” sabi ng ama niya.
“Matataba na po ang mga nakayukong uhay. Wala pong laman at payat ang
mga nakatuwid na uhay,” sagot ni Manuel.
“Ganyan dapat ang tao, Manuel. Mababa ang loob kahit maraming alam at
maraming katangian.” Mabagal na nag-isip si Manuel at saka tumango.
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino ang dating Pangulong binanggit sa anekdota?
__________________________________________________________
2. Saan gustong-gusto sumama ni Manuel?
__________________________________________________________
3. Ano ang napansin ni Manuel sa mga uhay ng palay?
__________________________________________________________
3
4. Bilang tugon ng ama sa kanyang mga tanong, ano ang pinagawa sa
kanya?
__________________________________________________________
5. Ano ang mahalagang aral na natutunan mo sa anekdotang binasa?
__________________________________________________________
B. Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Disyembre 22, 2019
Mahal kong Talaarawan,
Maaga kaming nagising ni Ate Gem, mamumulot daw kami ng itlog ng itik sa itikan
nina Lolo at Lola. Libangan at pinagkakakitaan nila ito. Naroon na sina Lolo at Lola sa
dulong bakuran nang dumating kami. Nagwawalis na si Lola at namumulot naman ng itlog
si Lolo. Binigyan niya kami ng basket at tinulungan namin siya. Gagamitin daw ang mga
itlog sa lulutuing leche flan.
Kinahapunan, nagluto ng suman at polvoron si Lola. Matagal pala hinahalo ang
malagkit at gata ng niyog sa malaking kawali. Halinhinang tagahalo sina Daddy at Tito
Arnold hanggang maluto ang malagkit.
Madali lamang pala magluto ng polvoron. Sinala ni Tita Mean ang harina, powdered
milk at puting asukal. Pinagsama-sama niya ito sa kawali at hinaluan ng margarine.
Tumulong ako sa pagbabalot nito.
Naging mabunga ang araw ko ngayon aking talaarawan. Marami akong natutunan
dito sa probinsya.
Disyembre 23, 2019
Mahal kong Talaarawan,
Isinama kami ni Lola sa simbahan, may palaro at programa raw. Aktibo sina Lolo
at Lola sa gawaing-pansimbahan. Nagulat kami nang makita ang maraming bata. Mga
batang may kapansanan, bulag at bingi ung iba. May palatuntunan sila.
Kumanta ang Church Children’s Choir. May kasamang mga bulag na bata ang choir.
Habang umaawit sila ng “Silent Night”, kumukumpas naman ang mga batang pipi at bingi.
Sign language daw iyon sabi ni Lola.. Proyekto pala ng simbahang turuan silang magbasa,
magsulat at umawit. Nang matapos na ang palatuntunan ay binigyan namin ang mga bata
ng suman ay juice. Nagkaroon din mga palaro tulad ng pukpok palayok, pabitin at iba pa.
Gabi na nang matapos ang palatuntunan pero masaya pala ang magbigay sa kapwa.
Nagustuhan nila ang niluto naming suman at polvoron.
4
Sagutin:
1. Anong akda ang iyong binasa?
_______________________________________________________
2. Kanino ang itikang binanggit dito?
_______________________________________________________
3. Anu-ano ang mga niluto nila?
_______________________________________________________
4. Para saan ang niluto nila?
_______________________________________________________
5. Ano ang proyekto ng simbahan sa mga batang may kapansanan?
_______________________________________________________
Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
5
Sagutin:
1. Anu-ano ang mga paksang binanggit sa talaarawan ni Anele?
____________________________________________________________
2. Nasa anong baitang na siya?
___________________________________________________________
3. Ano ang kaganapang kinasasabikan na niya?
___________________________________________________________
4. Bakit idineklarang walang pasok sa paaralan?
___________________________________________________________
5. Ano ang ECQ?
___________________________________________________________
6. Sino lamang ang lumalabas ng kanilang bahay para bumili
ng pagkain? ____________________________________________________
6
7. Sino ang nagbabantay sa bawat kanto ng kanilang lugar?
__________________________________________________________
8. Bakit pinagbawalang lumabas ang mga tao?
_________________________________________________________
9. Nakakaugnay ka ba sa naranasan ni Anele na ECQ? Ano ang
naramdaman mo habang nasa ilalim ng ECQ ang inyong lugar?
_________________________________________________________
10. Mayroon ka bang nais ibahaging karanasan habang nasa ilalim tayo ng
ECQ? Ano ito? _____________________________________________________
Balikan ang binasang talaarawan
Anu-ano ang nakita mong pare-parehong taglay nito?
Bakit kaya may nakasulat na petsa?
Ano ang karaniwang nilalaman nito?
Nakaugnay ka ba sa isinulat ni Anele?
Ang iyong binasa ay talaarawan. Ito ay nakasulat nang sunod-sunod ayon sa
petsa. Personal o sariling karanasan ng isang kwaderno. Personal ang mga
nakasulat dito kaya kadalasang itinatago ito at tao na kanyang araw araw na
isinusulat sa isang dinisenyuhang papel o inilalabas lamang kung kinakailangan.
Ang mga karaniwang nilalaman ng talaarawan ay mga nagawa, saloobin o
nadarama at iniisip, at kabiguan.
Sumulat ng iyong isang linggong talaarawan. Maaring gumamit ng kwaderno
o papel na may disenyo, lagyan lamang ito ng pabalat at idikit nang maayos para
hindi maghiwahiwalay. Ipakita ang pagiging malikhain mo.
7
RUBRIK SA PAGSULAT NG TALAARAWAN
Pamantayan 10 5 3
Kaanyuan
Isinaalang-alang ang
anyo ng pagsulat ng talata, may
indensyon at margin,
malinis ang pagkakasulat
Isinaalang-alang ang anyo ng pagsulat ng
talata, may indensyon at margin
Hindi isinaalang-alang
ang anyo ng pagsulat ng
talata, walang indensyon at
walang margin
hindi malinis ang pagkakasulat, hindi
maayos ang pagkakabura ng mga
inayos na salita
Nilalaman Maayos at sunod-sunod ang
pagkakasulat
maligoy, hindi
nailahad nang maayos
hindi malinaw na
nakapaglahad
Inaasahang
bilang ng araw na
nakapagsulat
5 puntos- kumpleto 7 araw
4 na puntos - 5-6 araw
3 puntos - 3-4 na araw
2 puntos - 1-2 araw
Kabuuang puntos - 25
Talaarawan
- Naglalaman ng mga tala ng nangyayari sa bawat araw Anekdota
- Maikling salaysay ng natatangi at kawili-wiling pangyayari, karaniwan sa
buhay ng isang kilala o dakilang tao
Basahin ang anekdota at sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Isang araw habang naglalakad ang pangulo sa loob ng palasyo, nakatawag-
pansin sa kanya ang isang di-kilalang binata. May pasan itong mabigat na tabla.
“Magkano ang kinikita mo sa isang araw, binata?” usisa ni Pangulong Quezon.
“Piso po.” Ang magalang na sagot ng binata.
8
“Nakapag-aral ka ba?”
“Opo,” ang tugon ng binata.
“Ibaba mo ang tablang iyan at pumunta ka sa aking kalihim, si Ginoong
Vargas.”
Pagkalipas ng ilang araw, nagtungo sa palasyo ang binata.
“Maraming salamat po sa ibinigay ninyong pagkakataon sa akin upang
umunlad ang aking buhay,” ang taos-pusong pasasalamat ng binata.
“Nagkakait ako ng tulong sa taong tamad. Gusto ko ang isang taong hindi
natatakot sa mahirap na trabaho.”
Sagutin:
1. Ano ang ginagawa ng binata nang makita ito ni Pangulong Quezon?
____________________________________________________________________
2. Ano ang inutos sa kanya ng pangulo?
____________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, ano ang nangyari matapos kausapin ng binata si G.
Vargas? ____________________________________________________________________
4. Ano kaya ang nakitang katangian ni Pang. Quezon sa binata?
____________________________________________________________________
5. Anong aral ang napulot mo sa binasang anekdota?
____________________________________________________________________
A. Basahin at sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Si Monching
Bata pa lamang si Ramon Magsaysay o Monching ay kinakitaan na siya ng
pagmamalasakit sa kapwa lalo sa oras ng kagipitan. Magkababata kami at
magkaklase sa elementarya.
Ilang araw na noon liban sa paaralan ang kaibigan naming si Eugenio, isa sa
mga kaklase namin sa ikaanim na grado. Kung nag-aalala ang aming guro sa
maaaring mangyari sa kanya ay higit ang pagkabalisa ni Monching. Ulila na sa ina
si Eugenio at katuwang ng kanyang ama sa trabahong bukid sa edad na
labindalawa.
Kinabukasa’y wala pa rin si Eugenio at ipinagtaka ko ang pagliban ni
Monching nang araw na iyon. Malakas ang kutob kong pinuntahan niya si Eugenio
sa bahay nito kaya nagpasya akong kalahating araw lamang ako papasok.
Hindi nga ako nagkamali, nadatnan kong nag-uusap sina Monching at ama
ni Eugenio.
“Higit pa po sa aanihin ngayong anihan ang magiging bunga ng kinabukasan
ni Eugenio kung ipagpapatuloy niya ang pag-aaral.” narinig kong sabi ni Monching
sa ama ni Eugenio
Mahaba pa ang kanilang pinag-usapan habang kami ni Eugenio ay nakikinig.
Nakita kong tumango-tango ang ama ni Eugenio. Marahil ay napagtanto niyang
hindi dapat patigilin ang kanyang anak sa pag-aaral.
9
“Dito na kayo maghapunan, masarap ang inihandang ulam ni tatay.”
Mahinang alok ni Eugenio sa amin.
Marahang tapik sa balikat ni Eugenio ang itinugon ni Monching.
“Salamat pero hinihintay na ako sa bahay, mag-oorasyon na.”
Mangiyak-ngiyak na inihatid kami ni Eugenio pauwi. Bakas sa kanyang
mukha ang tuwa at pasasalamat.
Sagutin:
1. Sino si Monching?
_____________________________________________________________
2. Anong baitang sina Monching sa anekdotang binasa?
_____________________________________________________________
3. Bakit matagal lumiban sa klase si Eugenio?
_____________________________________________________________
4. Ano ang ginawang paraan ni Monching upang maiwasan ang maaring
paghinto ni Eugenio sa paaralan?
____________________________________________________________
5. Sa iyong palagay ano ang naging tugon ng ama ni Eugenio?
____________________________________________________________
6. Ano ang naramdaman ni Eugenio sa ginawa ni Monching?
____________________________________________________________
Sanggunian
Greta R. Estrella Gintong Aklat sa Pagbasa 6 Cultural Publisher (942 Del Monte
Ave., Quezon City, 2000) Anekdota ni Pang. QuezonPh.35
Lydia P. Lalunio Ph.D. Ugnayan sa Wika at Pagbasa 6, Vibal Publishing House
Inc. (1253 Gregorio Araneta Ave., Quezon City), Ang Uhay ng Palay ph. 232,
Masayang Pamilya ph 336-337
Emily V. Marasigan, Pluma 6 Ikalawang Edisyon, Phoenix Publishing House (927
Quezon Avenue, Quezon City, 2013), Si Monching ph.174-175
10
Susi ng Pagwawasto:
Unang Pagsubok
A.1. Manuel Luis Quezon
2. sa bukid
3. nakayuko at kulay ginto
4. sinalat o kinapa ang mga butyl ng palay
5. pagiging mababang loob kahit matagumpay na
B. 1. Talaarawan
2. sa lolo at lola niya
3. suman at polvoron
4. para sa mga batang nasa ilalim ng programa ng simbahan
5. maturuang makapagbasa, makapagsulat at makaawit ang mga batang
may kapansanan
Balik-tanaw:
1. nalalapit na pagtatapos, pictorial para sa pagtatapos, ECQ, COVID-19
2. ikaanim na baitang
3. pagtatapos sa ikaanim na paaralan
4. dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19
5. Enchanced Community Quarantine
6. tatay lamang niya
7. mga sundalo
8. upang maiwasan ang pagkahawa
9. iba-iba ang maaring sagot
10. iba-iba ang sagot
Pag-alam sa Natutunan 1. nagbubuhat ng mabigat na tabla
2. pumunta sa kanyang kalihim na si G.Vargas
3. maaring binigyan siya nito ng ibang trabahong mas magaan, maari rin
ang ibang sagot
4. kasipagan o pagiging matiyaga
5. iba –iba ang sagot
Pangwakas na Pagsusulit:
1. Pangulong Ramon Magsaysay
2. nasa ikaanim na baitang
3. pinatutulong ng ama nito sa palayan
4. puntahan sa kanilang bahay upang kausapin ang ama nito
5. pumayag itong pumasok sa paaralan si Eugenio
6. tuwa at pasasalamat