kagawaran ng edukasyon mtb-mle 3 - deped muntinlupa
TRANSCRIPT
1
Kagawaran ng Edukasyon
MTB-MLE 3 Pagwawangis (Metapora)
Pagsasatao (Personipikasyon)
Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Nelia G. Abejar
Manunulat
Mary Ann O. Wijetunge
Mga Tagasuri
Rhodora V. Mandap Reynaldo O. Comisario
Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan
Rowena R. Dulay Melesa L. Calapano
Mga Validator
Marissa S. Muldong
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad
2
Inaasahan
Ginawa ang araling ito bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang pagkakataon sa pagkatuto habang wala ka sa
loob ng paaralan. Taglay ng modyul na ito ang mga gawain sa
pagkatuto sa Ikapitong Linggo ng Ikalawang Markahan.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga araling
nakapaloob sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Natutukoy ang metapora (pagwawangis) at
pagsasatao (personipikasyon) sa pangungusap
Unang
Pagsubok
A. Panuto: Buuin ang pangungusap. Mag-isip ng isang
metapora upang mabuo ang diwa nito.
bato bakal makopa
ilaw haligi
1. Ang nanay ang ___________ ng tahanan.
2. Ama naman ang ___________ ng tahanan.
3. Matigas na ________ ang kamao ni Manny Pacquio.
4. Ang pisngi ng bata ay _____________ sa kapulahan.
5. Ang puso niya ay _____________ sa katigasan.
3
B. Panuto: Buuin ang pangungusap. Piliin sa kahon ang
angkop na salitang nagpapakita ng pagsasatao.
liham dahon ulap
buwan hangin
1. Sumasayaw ang mga _______ sa ihip ng _________.
2. Lumuluha ang _________ ng ina sa mga anak.
3. Nahiya ang ___________ at nagtago sa ___________.
Balik-tanaw
Isulat ang iyong reaksiyon sa dalawang larawan na
nagpapakita ng kalagayan ng kapaligiran.
_______________________________ ______________________________
_______________________________ ______________________________
_______________________________ ______________________________
4
Pusong bato ang
kanyang damdamin.
damdamin. Matatamis na ngiti ang
isinukli ng babae.
i
s
i
n
u
k
l
i
n
Ang ina ay ilaw ng
tahanan.
tahanan.
Maikling Pagpapakilala
ng Aralin
Ang susunod na aralin ay tungkol sa paggamit ng mga salita
upang mas maging kawili-wili o kaakit-akit basahin ang
pangungusap. Ang pagpapalit ng tawag sa ilang mga salita sa
pangungusap ay nakatutulong upang mapalawak ang gamit ng
mga salita.
Panuto: Pagtapatin sa pamamagitan ng guhit ang larawan
at pangungusap na gumamit ng metapora.
Anghel ng tahanan ang
batang mabait.
5
Gawain
Gawain 1:
Panuto: Salungguhitan ang salitang nagbibigay buhay sa
bagay na ginamit sa pangungusap
_____1. Ang bulkan ay nagbabanta ng panganib sa tao.
_____2. Ang bagyong Quinta ay nagmamadaling umalis sa bansa.
_____3. Galit na galit ang kalikasan.
_____4. Tumatakbo ang oras.
_____5. Bumulusok ang matalim na kidlat at tinamaan ang
nakaupo sa puno.
Gawain 2:
Panuto: Makipaglaro sa mga kasama sa bahay ng larong
Taguan. Magtalaga ng unang taya sa pamamagitan ng
Bato-Bato Pik. Kapag may nahuli ang taya, magbibigay ito
ng pangungusap na ginagamitan ng metapora o kaya’y
pagsasatao.
6
Gawain 3:
Panuto: Kumuha ng isang kapareha sa bahay, maaaring
nanay, tatay, o kapatid. Maglaro ng “Simon Says”. Magsabi ka ng
isang bagay na bibigyang buhay ng kapareha sa pamamagitan
ng isang salita.
Halimbawa:
1. Puso
2. Alon
3. Langit
4. ulan
Araw Ngumiti ang
araw
7
Tandaan
Ang metapora (pagwawangis) at personipikasyon
(pagsasatao) ay ginagamit sa pagbuo ng pangungusap upang
mas kawili-wili o kaakit-akit basahin ang pangungusap.
Ang metapora ay ginagamit sa tuwirang pagwawangis o
pagkukumpara sa isang bagay sa pamamagitan ng pagpapalit
ng tawag dito. Hindi ito ginagamitan ng mga salitang tulad, sing,
kasing, kawangis at tila.
Ang personipikasyon ay ginagamit upang bigyang buhay
ang mga bagay sa pangungusap na walang buhay. Ito ay
ginagamit upang mailarawan ang isang bagay ayon sa simbolismo
nito.
Halimbawa:
METAPORA (PAGWAWANGIS) PERSONIPIKASYON
(PAGSASATAO)
1. anghel ang tinig ni Sarah
Geronimo
1. lumuha ang kandila
2. dyamanteng baso ang
singsing ng babae
2. nangangalit ang alon
3. makopa sa kapulahan ang
pisngi ni Rica
3. sumisipol ang hangin
4. bulak sa kaputian ang balat
ng bata
4. lumundag ang puso
8
Pag-alam sa mga
Natutunan
A. Panuto: Punan ang patlang ng nawawalang salita ayon sa
iyong natutuhan sa aralin.
1. Ang __________ ay salitang tuwirang pagkukumpara sa isang
bagay o tao.
2. Kapag ang isang bagay ay binigyang buhay sa
pangungusap ito ay tinatawag na __________________.
3. Ang pangungusap ay _____________ basahin kung
ginagamitan ng mga salitang matayutay.
B. Pagbasa
Panuto: Piliin ang mga tayutay na ginamit sa talata. Isulat
ito sa patlang.
Malalim na ang gabi ngunit gising pa rin si Luis. Ang
katabi niyang bentilador ay tila bumubulong. Lumilikha ng ingay na
kinainisan na rin ni Luis dahil para bang nagdaragdag pa ito ng
pasakit para sa kaniya. Isinindi niya ang ilaw sa silid at agad na
tumambad sa kaniya ang ga-bundok na papel sa kaniyang mesa
na nakikipagtititigan sa kaniya. Umupo siya sa silya at sinimulan
niyang isa-isahin ang bawat piraso ng papel. “Hay…. Lalo pa yata
akong pinahihirapan ng pagsusulit na ito,” wika niya.
9
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
Pangwakas na
Pagsusulit
A. Panuto: Piliin ang salitang bubuo sa pangungusap na
ginamitan ng metapora.
Piliin ang letra ng wastong sagot.
1. Ang mga doktor at nars ay mga ____________ sa panahon ng
pandemya.
A. bayani B. huwaran C. susi D. mandirigma
2. Ang ama ang _________ ng tahanan.
A. gabay B. batas C. ilaw D. haligi
3. Ang buhay ng mga artista ay bukas na ____________.
A. aklat B. bintana C. ilaw D. pinto
4. Ang ________ ay bulak sa kaputian.
A. kendi B. ulap C. tubig D. balat
5. Kulay kape ang __________ng iniwan ni Ulysses.
A. baha B. ulan C. tubig D. ilog
10
B. Panuto: Salungguhitan ang mga tayutay na
nagpapahiwatig ng personipikasyon.
1. Nagsasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
2. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
3. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa akin.
4. Galit na galit ang haring araw.
5. Umuungol sa galit ang ihip ng hangin.
11
Sanggunian
Belvez, Paz M. Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo, 1997. PNU.
Dane Publishing House
2-ADM-Template-Grades 1 to 3 Tagalog
Condez et al. Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 3.
Binagong Edisyon
Elvira DV. Et al. National Achievement Test Grade III. 2009
MTB –MLE Curriculum Guide Grade 3
MELC, Grade 3
12
Susi sa Pagwawasto
Unang Pagsubok:
2.ilaw 1. dahon
3.haligi 2. hangin
4.bakal 3. liham
5.makopa 4. buwan
6.bato 5. ulap
Pag-alam sa natutuhan
1.Metapora
2.Personipikasyon
3.Kawili-wili
Huling Pagsusulit: A
1.A
2.D
3.A
4.ulap
5.baha
Unang Pagsubok:
B.
1. nagsasayaw ang mga dahon
2. nagtago ang buwan
3. bituin sa langit ay kumikindat
4. galit ang araw
5. umuungol sa galit