kataga ng buhay

24
Kataga ng Buhay Pebrero 2012

Upload: denton-buck

Post on 30-Dec-2015

57 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

Kataga ng Buhay. Pebrero 2012. « Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Ebanghelyo. » ( Mar. 1:15). - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

Page 1: Kataga ng Buhay

Kataga ng BuhayKataga ng Buhay

Pebrero 2012Pebrero 2012

Page 2: Kataga ng Buhay

«Pagsisihan ninyo’t talikdan

ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa

Ebanghelyo. »

(Mar. 1:15)

Page 3: Kataga ng Buhay

Sa mga katagang ito mula sa

Ebanghelyo ni San Marcos,

sinimulan ni Jesus ang pagpapahayag

sa daigdig ng kanyang mensahe

ng pagliligtas: « Dumating na ang tamang panahon,

at nalalapit na ang kaharian ng Diyos;

magsisi, at maniwala sa

Ebanghelyo. »

Page 4: Kataga ng Buhay

Ang pagdating ni Jesus ay tanda ng simula ng bagong panahon, ang panahon ng

biyaya at kaligtasan. Ang mga una Niyang kataga ay paanyaya na yakapin ang dakila

at bagong bagay na ito, ang katotohanan ng Kaharian ng Diyos na kanyang dinala na kayang abutin at malapit sa bawat

tao.

Page 5: Kataga ng Buhay

Ito ay nangangahulugan na radikal na baguhin ang buhay ng isang tao at

tanggapin kay Jesus ang Salita ng Diyos, na sinasabi ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus,

sa lahat ng sangkatauhan sa lahat ng panahon.

Page 6: Kataga ng Buhay

Ang pagsisisi at pananampalataya ay kailangang magkaagapay. Hindi maaaring

mawala ang isa. Pareho silang bumubukal kapag isinabuhay ang Salita ng Diyos,

mula sa presensya ni Jesus na hanggang sa ngayon ay nagsasabi sa kalahatan:

Page 7: Kataga ng Buhay

« Pagsisihan ninyo’t talikdan

ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa

Ebanghelyo.»

Page 8: Kataga ng Buhay

Kapag ang salita ng Diyos ay tinanggap at isinabuhay, ito ay nagbubunga ng ganap na pagbabago ng kaisipan. Ito ay unti-unting

pumapasok sa puso ng lahat- Europeo, Asyano, Australyano, Amerikano, Afrikano-

ang damdamin ni Kristo na may kinalaman sa kalagayan ng buhay ng tao at lipunan.

Page 9: Kataga ng Buhay

Subalit paano maisasagawa ng Ebanghelyo ang himala ng ganap na pagbabago, ng

bago at nagbibigay-liwanag na pananampalataya? Ang sekreto ay

nakasalalay sa misteryong nakapaloob sa mga Salita ni Jesus.

Page 10: Kataga ng Buhay

Ito ay hindi lamang basta mga pangaral,

mungkahi, pahiwatig,

kautusan, atas o mga utos. Sa Kanyang mga Salita ay

naroon si Jesus. Ang

kanyang mga Salita ay ang Kanyang

Sarili mismo; ang mga ito

ay si Jesus.

Page 11: Kataga ng Buhay

Kaya’t sa Salita ng Diyos, nakakatagpo natin Siya. Sa pagtanggap sa Salita sa ating mga puso, kagaya ng nais Niyang pagtanggap

(ibig sabihin, maging handa na isabuhay ito), tayo ay kaisa Niya, at Siya ay nabubuhay

at lumalago sa atin.

Page 12: Kataga ng Buhay

Kung kaya’t ang bawat isa sa atin ay maaari at dapat tanggapin ang

apurahan at mapanghamong paanyaya ni Jesus.

Page 13: Kataga ng Buhay

«Pagsisihan ninyo’t talikdan

ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa

Ebanghelyo.»

Page 14: Kataga ng Buhay

Marahil itinuturing ng ilang tao ang mga Salita ng Ebanghelyo na masyadong mataas

at mahirap gawin, masyadong malayo sa karaniwang paraan ng pamumuhay at pag-

iisip. Maaari silang matukso na huwag makinig at panghinaan ng loob.

Page 15: Kataga ng Buhay

Subalit nangyayari ito kapag iniisip nila na dapat nilang yanigin o itulak ang bundok ng kanilang mga pagdududa

ng sariling pagsisikap lamang.

Page 16: Kataga ng Buhay

Sa halip, sapat na ang subukan at isabuhay ang isang Salita ng Ebanghelyo lamang upang

matagpuan dito ang hindi inaasahang tulong, natatanging lakas, liwanag sa kanilang daan.

Page 17: Kataga ng Buhay

Dahil ang Salitang iyon ay presensya ng Diyos, ang pakikipag-ugnay dito ay nagpapalaya sa tao, nagpapadalisay, nagpapanibago, nagdadala ng

katiwasayan at kasiyahan, at nagbibigay ng karunungan ng Diyos.

Page 18: Kataga ng Buhay

«Pagsisihan ninyo’t talikdan

ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa

Ebanghelyo.»

Page 19: Kataga ng Buhay

Gaano kadalas ang Kataga ng Buhay na ito ay nagbibigay liwanag sa atin sa

bawat araw!

Page 20: Kataga ng Buhay

Sa tuwing tayo ay nahaharap sa

pakikipaglaban sa sariling kahinaan o sa kahinaan ng iba,

sa tuwing ang pagsunod kay Jesus ay parang imposible o hindi makatwiran, sa tuwing tinatakot tayong talunin ng mga suliranin,

ang Salitang ito ay maaaring magbigay

sa atin ng mga pakpak, maging

parang samyo ng sariwang hangin, isang inspirasyon upang magsimula

muli.

Page 21: Kataga ng Buhay

Sapat na ang gumawa ng maliit, mabilis na “pagbabago” ng ating landas mula sa

pagkakakulong sa ating pagkamakasarili at buksan ang ating sarili sa Diyos, at

maranasan ang bagong buhay, ang totoong buhay

Page 22: Kataga ng Buhay

At kung posible para sa atin na ibahagi ang karanasang ito sa mga kaibigan na inangkin din ang Ebanghelyo bilang batas ng kanilang buhay, makikita natin ang Kristiyanong pamayanan na

uusbong muli sa ating paligid.

Page 23: Kataga ng Buhay

Dahil kapag ang Salita ng Diyos ay isinabuhay at ibinahagi, ito ay gumagawa rin ng mga himala. Lilitaw ang isang komunidad na

magiging lebadura at asin ng lipunan, na magpapatotoo kay Jesus sa bawat sulok ng

daigdig.

Page 24: Kataga ng Buhay

«Pagsisihan ninyo’t talikdan

ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa

Ebanghelyo.»

Isinulat ni : Chiara Lubich