kataga ng buhay

19
Kataga Kataga ng ng Buhay Buhay Mayo 2010 Mayo 2010

Upload: april-harrison

Post on 30-Dec-2015

32 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Kataga ng Buhay. Mayo 2010. " Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya . “ (Jn 14,21). - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

Page 1: Kataga ng Buhay

KatagKatagaa

ngng

Buhay Buhay Mayo 2010Mayo 2010

Page 2: Kataga ng Buhay

"Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, iibigin ko rin siya, at ako’y

lubusang magpapakilala sa kanya.“ (Jn

14,21)

Page 3: Kataga ng Buhay

Ang sentro ng huling pananalita ni Jesus ay pag-ibig: pag-ibig ng Ama para sa Anak, pag-ibig para kay Jesus na ibig sabihin ay tupdin

ang Kanyang mga utos.

Page 4: Kataga ng Buhay

Madaling makilala ng mga nakikinig kay Jesus ang pagkakatugma ng Kanyang mga salita at ng

nakasulat sa Aklat ng Karunungan: “Ang nagmamahal sa karunungan ay sumusunod sa

kanyang mga tuntunin” at, “Ang karunungan ay madaling natatagpuan ng naghahanap sa

kanya.” Higit sa lahat, ang pagpapakilala ni Kristo sa mga umiibig sa Kanya ay makikita sa

Karunungan 1:2 na nagsasaad na ang Panginoon ay magpapahayag ng Kanyang sarili sa mga

nagtitiwala sa Kanya nang lubos.

Page 5: Kataga ng Buhay

Sa isang salita, iniibig ng Ama ang mga umiibig sa Anak, at iniibig sila ng Anak at nagpapakilala

sa kanila.

Page 6: Kataga ng Buhay

"Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, iibigin ko rin siya, at ako’y

lubusang magpapakilala

sa kanya.“

Page 7: Kataga ng Buhay

Ngunit hinihiling ni Jesus na tayo ay magmahal. Hindi natin maisip ang isang Kristiyano

na hindi nagmamahal at

kulang ng pag-ibig sa puso.

Page 8: Kataga ng Buhay

Ang isang relo ay hindi makakapagbigay ng oras

at hindi matatawag na orasan kung wala itong baterya.

Gayundin, ang

Kristiyano na hindi laging nagmamahal

ay hindi karapat-dapat sa pangalang

Kristiyano.

Page 9: Kataga ng Buhay

Ito ay dahil ang buod ng lahat ng utos ni Kristo ay iisa: pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Nakikita natin at namamahal si Jesus sa kapwa.

Page 10: Kataga ng Buhay

Ang pag-ibig ay hindi lamang damdamin; kailangan itong ipakita at ipahayag sa buhay, sa paglilingkod sa kapwa, lalo’t higit sa malapit sa atin, mula sa maliliit na bagay at pinakaabang

paglilingkod.

Page 11: Kataga ng Buhay

Sinabi ni Charles de Foucauld:

“Kung ikaw ay nagmamahal,

tunay na nananahan ka sa

taong iyon sa pamamagitan ng pag-ibig. Hindi ka

na nabubuhay para sa sarili mo,

labas ka na sa sarili mo dahil namumuhay ka para sa iba.”

Page 12: Kataga ng Buhay

Kapag tayo’y nagmamahal, ang liwanag ni Jesus ay pumapasok sa ating puso, tulad ng Kanyang ipinangako: “Ako’y lubusang magpapakilala sa

umiibig sa akin.” Ang pag-ibig ang pinagmumulan ng liwanag. Sa pagmamahal, higit nating

nauunawaan ang Diyos na Pag-ibig. Dahil dito, higit tayong nakakapagmahal at napapalalim

natin ang ugnayan sa ating kapwa.

Page 13: Kataga ng Buhay

Ang liwanag na ito at ang mapagmahal na kaalaman tungkol sa Diyos, ang tandâ at patunay

ng tunay na pag-ibig. Mararanasan natin ito sa iba’t ibang paraan, dahil ang liwanag ay

nagkakaroon ng kulay sa bawat isa sa atin.

Page 14: Kataga ng Buhay

Ngunit may katangian din ito na magkakatulad para sa lahat: tinutulungan tayo nito na unawain ang kalooban ng Diyos. Binibigyan tayo nito ng

kapayapaan, katiwasayan, at higit na pang-unawa sa salita ng Diyos.

Page 15: Kataga ng Buhay

Ito ay liwanag na nagpapainit ng puso at nagtutulak sa atin na tahakin ang daàn ng

buhay na may higit na pagtitiwala at pagpupunyagi.

Page 16: Kataga ng Buhay

Kapag ang buhay natin ay nawawalan ng katiyakan, kapag ang kadiliman ay nagbabantang

pigilan tayo, ang mga salita ng Ebanghelyo ay muling nagpapaalala sa atin na ang liwanag ay

nabubuksan sa pamamagitan ng pagmamahal. At kahit isang maliit ngunit kongkretong

pagmamahal (isang panalangin, isang ngiti, isang salita) ay magbibigay sa atin ng ganap na liwanag

upang magpatuloy.

Page 17: Kataga ng Buhay

May mga bisikleta na may ilaw na sumisindi habang patuloy kang tumatakbo. Kapag tumigil ka

ay magdidilim ang kapaligiran. Ngunit kapag nagpatuloy kang tumakbo at nagpedal, sisindi ang

ilaw at ito at makikita mo ang daàn.

Page 18: Kataga ng Buhay

Mailalagay natin

ito sa ating buhay:

kailangan lang

nating muling

buhayin ang pag-

ibig, isang tunay

na pag-ibig, ang

pag-ibig na

ibinibigay sa

kapwa nang hindi

naghihintay ng

kapalit, upang

muling sindihan sa

puso natin ang

pananampalataya

at pag-asa.

Page 19: Kataga ng Buhay

"Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, iibigin ko rin siya, at ako’y

lubusang magpapakilala sa kanya.“ (Jn

14,21)

Sinulat ni Chiara Lubich