· liham mula sa chairman ang tagumpay ng kumpanyang ito ay ang resulta ng “paggawa ng tama!”...
TRANSCRIPT
www.tysoncodeofconduct.com
| Kodigo ng Asal
2
Liham mula sa Chairman Ang tagumpay ng kumpanyang ito ay ang resulta ng “Paggawa ng Tama!” ng ating mga ninuno.
Sa ganoong paraan, mahigit 80 taon na ang nakalipas, hinakot ng aking lolo ang kanyang
unang kargada ng mga buhay na manok papuntang Chicago. Ito ang paraan nila habang
lumalaki ang kumpanya sa ilalim ng pamumuno ng aking ama. Ito pa rin ang paraan natin
hanggang ngayon – at dapat natin itong ipagpatuloy kung gusto nating manguna sa pagbibigay
ng pagkain sa mundo sa hinaharap.
Patuloy na kong isinasabuhay, maging ng leadership team, ang mga pagpapahalagang ipinasa
sa amin ng aking ama at ng kanyang leadership team. Patuloy na isasabuhay ang mga
pagpapahalagang ito ng mga susunod na henerasyon ng mga pinuno at ng aking pamilya. Tulad
ng pundasyong binuo ng aking ama at lolo para sa hinaharap ng kumpanyang ito, ang Kodigo
ng Asal, ang ating mga patakaran at pamamaraan, ang bumubuo ng pundasyon para sa iyong
mga pasya sa negosyo. Bagama’t hindi masasagot ng mga dokumentong ito ang bawat isyu,
ituturo ka ng mga ito sa tamang direksyon kapag kailangan mo ng tulong o gabay. Tandaan:
Kapag nagdududa, tumawag sa isang tao.
Inaalagaan namin ang mga miyembro ng aming team, customer, mamimili, shareholder,
pamilya ng magsasaka, at kasosyo sa negosyo. Ito ang paraan kung paano kami nagnenegosyo.
At ginagabayan kami ng aming Mga Pangunahing Pagpapahalaga, Mga Pag-uugali ng Team,
Pangako sa Customer, at ang Kodigo ng Asal na ito upang makatiyak na ginagawa namin ang
tama sa bawat araw.
Bagama’t nagbago na ang panahon, may isang bagay na hindi nagbago – ang aming pangako sa
katotohanan, integridad, at tiwala. Ikaw ang dahilan kung bakit. Kapag isinasabuhay mo ang
ating mga pagpapahalaga, pag-uugali, at pangako, at nagsusumikap kang gawin ang tama,
umuunlad ang ating kumpanya at kultura.
Salamat sa paglalaan ng oras para basahin ang ating Kodigo ng Asal. Pinapalagahan kita.
John Tyson
Chairman
Tyson Foods, Inc.
| Kodigo ng Asal
3
Liham mula sa CEO Welcome sa ating Kodigo ng Asal. Sa Tyson Foods, itinataas natin ang mga inaasahan ng
mundo sa mga nagagawa ng nakakabuting pagkain – at nagsisimula iyon sa loob ng ating
negosyo. Ipinagmamalaki kong mamuno ng isang kumpanya kung saan hinihikayat tayong
maging tapat, magpatakbo nang may integridad, at ipahayag ang ating mga alalahanin.
Tulad sa isang malusog na pamilya, pinakamahusay na tumatakbo ang ating negosyo kapag
may pananagutan ang bawat isa. Ang bawat isa sa atin ay may responsibilidad na hindi lang
sumunod sa Kodigo ng Asal, kundi makipag-ugnayan sa isang miyembro ng management,
human resources, o ethics at compliance kapag nakakita tayo ng mga sitwasyon kung saan
hindi ipinapatupad ang Kodigo.
Mangyaring samantalahin ang pagkakataong ito upang suriin ang ating mga inaasahan sa isa’t
isa at sa ating kumpanya. Gayunpaman, walang iisang dokumento na maaaring tumugon sa
bawat posibleng sitwasyon sa negosyo, kung kaya hinihikayat din kitang hanapin sa Kodigo
kung kanino makikipag-ugnayan kapag nahaharap ka sa isang hindi pamilyar na sitwasyon.
Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa Tyson Foods – at higit sa lahat, sa paggawa nito
nang may dangal.
Noel White,
Pangulo at CEO
Tyson Foods, Inc.
| Kodigo ng Asal
4
Talaan ng Nilalaman Liham mula sa Chairman................................................................................................................ 2
Liham mula sa CEO .......................................................................................................................... 3
Talaan ng Nilalaman ........................................................................................................................ 4
Panimula ............................................................................................................................................. 5
Mga Pangunahing Pagpapahalaga ................................................................................................. 6
Mga Pag-uugali ng Team (5C) ........................................................................................................ 7
Ang Inaasahan ................................................................................................................................. 8
Mga Miyembro ng Team .................................................................................................................. 9
Mga Tanong at Alalahanin ........................................................................................................... 10
Mga Inaasahan sa Pamamahala .................................................................................................. 15
Kumpidensyal na Impormasyon ................................................................................................... 15
Mga Karapatang Pantao ............................................................................................................... 16
Mga Kagawian sa Trabaho ........................................................................................................... 18
Health & Safety ............................................................................................................................. 21
Mga Supplier at Customer ............................................................................................................ 23
Kaligtasan sa Pagkain ................................................................................................................... 24
Mga Customer ................................................................................................................................ 26
Mga Interaksyon sa Pamahalaan ................................................................................................. 27
Regalo at Kagandahang-loob ........................................................................................................ 27
Privacy ng Data.............................................................................................................................. 30
Kumpetisyon .................................................................................................................................. 30
Mga Investor..................................................................................................................................... 33
Salungatan ng Interes ................................................................................................................... 34
Mga Aklat at Tala .......................................................................................................................... 38
Panunuhol at Katiwalian .............................................................................................................. 39
Mga Kagawian sa Pakikipagkalakan ........................................................................................... 40
Pakikipagkalakalan ng Insider .................................................................................................... 41
Komunidad ....................................................................................................................................... 43
Kapakanan ng Hayop .................................................................................................................... 44
Kapaligiran ..................................................................................................................................... 44
Mga Pulitikal na Aktibidad .......................................................................................................... 45
Pagbibigay para sa Kawanggawa ................................................................................................. 45
Social Media ................................................................................................................................... 46
Mga Komunikasyon sa Media ....................................................................................................... 47
Mga Resource ................................................................................................................................... 48
Sanggunian sa Patakaran ............................................................................................................. 48
Mga Contact ................................................................................................................................... 49
| Kodigo ng Asal
5
Panimula
“Magmula sa umpisa, itinayo na ang ating kumpanya sa pananampalataya, pamilya, at
pagsusumikap. Ang tradisyong iyon, ang ating mga pangunahing pagpapahalaga, at ang
‘paggawa ng tama’ ay malalim na nakaukit sa ating kultura.”
– John Tyson, Chairman
| Kodigo ng Asal
6
Mga Pangunahing Pagpapahalaga: Ang
Pinapaniwalaan Natin Tinutukoy ng ating Mga Pangunahing Pagpapahalaga kung ano ang pinapaniwalaan natin.
SINO TAYO
Tayo ay isang kumpanya ng mga taong kasali sa produksyon ng pagkain, naghahangad na
maitaguyod ang katotohanan at integridad, at nakatuon sa paggawa ng value para sa ating
mga shareholder, customer, miyembro ng ating team, at komunidad.
• Nagsusumikap tayong maging isang kumpanya ng mga magkakaibang tao.
• Nagsusumikap tayong maging marangal.
• Nagsusumikap tayong maging isang kumpanyang bukas sa lahat ng pananampalataya.
ANG GINAGAWA NATIN
• Pinapakain natin ang ating mga pamilya, ang bayan, at ang mundo sa pamamagitan ng
mga pinagkakatiwalaang produktong pagkain.
• Nagsisilbi tayo bilang mga tagapamahala ng mga hayop, lupa, at kapaligirang
ipinagkatiwala sa atin.
• Nagsusumikap tayong magbigay ng ligtas na kapaligiran sa trabaho para sa mga miyembro
ng ating team.
PAANO NATIN ITO GINAGAWA
• Nagsusumikap tayong magkamit ng tuloy-tuloy at kasiya-siyang kita para sa ating mga
shareholder at upang ipamuhunan sa ating mga tao, produkto, at proseso.
• Nagsusumikap tayong magpatakbo nang may integridad at tiwala sa lahat ng ating
ginagawa.
• Nagsusumikap tayong parangalan ang Diyos at maging magalang sa isa’t isa, sa ating mga
customer, at iba pang stakeholder.
| Kodigo ng Asal
7
Mga Pag-uugali ng Team (5C): Paano
Tayo Kumikilos Ang Mga Pag-uugali ng Team natin ay ang mga prinsipyong gumagabay sa atin upang tukuyin
kung paano tayo kumikilos.
PAGMAMALASAKIT (CARING) Isa tayong mapagmalasakit na team na inuuna ang customer.
PAGIGING TAPAT (CANDOR) Nakikinig tayo, ipinagpapalagay nating mayroong positibong intensyon, at
pagkatapos ay nagsasalita tayo nang tapat.
PAGKAMALIKHAIN (CREATIVITY) Tinatanggap natin ang pagkamalikhain upang humusay bawat araw.
PAGTUTULUNGAN (COLLABORATION) Ingklusibo tayo at sa pamamagitan ng may kusang pagtutulungan, nananalo
tayo.
PANGAKO (COMMITMENT) Araw-araw tayong nangangakong maghahatid ng mga resulta sa tamang
paraan.
| Kodigo ng Asal
8
Ang Inaasahan “Kung mayroon kang tanong tungkol sa kung sino ang may responsibilidad...ikaw iyon.”
– John W. Tyson, Founder
SINO ANG MAY RESPONSIBILIDAD Sinasaklaw ng ating Kodigo ang lahat ng ating pagpapasya at pagkilos ukol sa negosyo, nasaan
man tayo sa mundo at nalalapat ito sa lahat ng sumusunod:
• Mga Miyembro ng Team
• Board of Directors ng Tyson
• Mga Subsidiary
• Mga consultant, lobbyist, broker, ahente, at iba pang kinatawan ng Tyson
Responsibilidad natin bilang mga indibidwal na miyembro ng team na sumunod sa ating
Kodigo, mga patakaran ng kumpanya, at sa batas. Responsibilidad din nating tapusin ang ating
taunang curriculum ng pagsasanay para sa pagsunod upang indibidwal na patunayang
naunawaan natin at sumasang-ayon tayong susundin ang mga probisyon ng Kodigong ito.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Pagsasanay para sa Pagsunod
Makipag-ugnayan sa: Ethics & Compliance
Ang anumang waiver sa ating Kodigo ay dapat aprubahan ng ating Board of Directors. Maaari
kang makipag-ugnayan sa Ethics & Compliance para sa higit pang impormasyon tungkol sa
kung paano humiling ng waiver.
PAG-ALAM AT PAGGAWA NG TAMA Sinusubukan ng ating Kodigo na tugunan ang mga pinakapangkaraniwang legal at etikal na
isyung maaari mong harapin; gayunpaman, imposibleng tugunan ang bawat sitwasyon sa
negosyo sa iisang dokumento. Kapag nagpapasya kung ang isang pagkilos ay etikal at
sumusunod sa ating Kodigo, itanong sa iyong sarili ang mga sumusunod:
• Naaayon ba ang aking pagkilos sa aming Mga Pangunahing Pagpapahalaga?
• Pakiramdam ko ba ay Ginagawa ko Ang Tama?
• Naaayon ba ito sa paraang gugustuhin kong maitrato?
• Paano kaya kung mailathala ang aking pagpapasya sa pahayagan?
• Legal ba ito?
PANDAIGDIGANG PAGNENEGOSYO Nagnenegosyo tayo sa maraming bansa sa buong mundo. Iginagalang natin ang magkakaibang
kultura at sumusunod tayo sa mga lokal na batas sa mga bansang iyon. Habang nagbabago ang
mga batas at regulasyong ito, babaguhin ang ating Kodigo upang alinsunod sa mga
pagbabagong ito kapag posible. Kapag mayroong mga pagkakaiba sa pagitan ng Kodigo at ng
lokal na batas o mga kaugalian, dapat mong ilapat kung alin ang nagtatakda ng pinakamataas
na pamantayan. Maaaring magkaroon ng sitwasyon kung kailan sumasalungat ang mga batas
ng isang bansa sa ating Kodigo. Kung may maranasan kang ganitong salungatan, sumangguni
sa pandaigdigang patakarang naaangkop sa iyong bansa, o makipag-ugnayan sa Law
Department sa [email protected].
Sanggunian sa Patakaran: Sumangguni sa mga indibidwal na patakarang makikita sa seksyong Sanggunian sa
Patakaran
Makipag-ugnayan sa: Corporate Human Resources, Law Department
| Kodigo ng Asal
9
Mga Miyembro ng Team
Ang ating tagumpay ay nagmumula at nakadepende sa mga miyembro ng ating team at
itinatrato natin ang isa’t
isa nang may dignidad at paggalang. Nakatuon tayo sa pagprotekta sa mga karapatang pantao
at pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran sa trabaho kung saan walang panliligalig at
pandidiskrimina.
| Kodigo ng Asal
10
Mga Tanong at Alalahanin
MAGTANONG Magtanong kung kailangan mo ng gabay
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa mga patakaran ng kumpanya o sa batas,
magsimula sa ating Kodigo. Isa itong magandang mapagkukunan na makakatulong sa iyong
sagutin ang maraming tanong; gayunpaman, hindi tinutugunan ng Kodigo ang bawat
sitwasyon sa negosyo na maaari mong harapin. Kung hindi ka makakahanap sa Kodigo ng
sagot sa iyong tanong, o kung hindi ka pa rin sigurado tungkol sa iyong partikular na
sitwasyon, magtanong sa isang miyembro ng iyong management team. Masasagot nila ang
iyong mga tanong tungkol sa mga patakaran, proseso, pamamaraan, responsibilidad sa
trabaho, at ang iyong kapaligiran sa pagtatrabaho. Kung hindi masasagot ng Kodigo o ng
miyembro ng iyong management team ang tanong mo o kung kailangan mo pa ng karagdagang
gabay, makipag-ugnayan sa iyong lokal na kinatawan ng Human Resources (HR) o sa Ethics &
Compliance Department gamit ang online form o mag-email sa [email protected].
| Kodigo ng Asal
11
MAGDULOG NG MGA ALALAHANIN Magdulog ng mga alalahanin kung may pinaghihinalaan kang ilegal na pagkilos
Kung may nalalaman o pinaghihinalaan kang anumang paglabag sa ating Kodigo, mga
patakaran ng kumpanya o sa batas, may tungkulin kang idulog ang iyong mga alalahanin.
Dapat ay bukas, tapat, at agad mong idulog ang iyong mga alalahanin at hindi mo kailanman
itatalaga ang responsibilidad sa pag-uulat ng maling asal, o hindi mo dapat ipagpalagay na
may ibang mag-uulat ng maling asal.
Kung may nalalaman kang mga materyal o mahalagang alalahanin o reklamo kaugnay ng mga
usapin tungkol sa accounting o mga dokumentong pampublikong inihain, mangyaring
sumangguni sa Patakaran para sa Whistleblower para sa impormasyon tungkol sa pagdudulog
ng mga alalahaning ito sa Audit Committee ng Board of Directors nang walang takot na
matanggal o magantihan.
Pananatilihing kumpidensyal ang iyong pagkakakilanlan at ang impormasyong ibibigay mo
maliban kapag kinakailangan upang magsagawa ng masusing pagsisiyasat. Maaari mong
piliing maging lihim ang iyong pagkakakilanlan maliban lamang kung pinaghihigpitan ka ng
mga lokal na batas sa labas ng U.S. na gawin ito. Pakitandaang maaaring maging mas mahirap
o imposible na para sa aming magsiyasat ng mga walang pagkakakilanlang ulat.
Mga Paraan sa Pagdulog ng Mga Alalahanin
Nag-aalok ang
Tyson ng
maraming
opsyon sa pag-
uulat
1.
Supervisor
2.
Miyembro ng
iyong
management team
3.
Lokal na
kinatawan ng
HR
4.
Help
Line/Web
Line
5.
Ethis &
Compliance
Department
Hinihikayat ka naming idulog ang iyong mga alalahanin sa iyong supervisor. Kung hindi ka
nasisiyahan sa tugon ng iyong supervisor o kung hindi ka komportableng makipag-usap sa
supervisor mo tungkol sa iyong mga alalahanin, maaari mong idulog ang iyong mga hinaing sa
isang miyembro ng iyong management team o iyong lokal na kinatawan ng HR.
Dagdag pa rito, may isa ka pang opsyon upang magtanong o magdulog ng mga alalahanin sa
pamamagitan ng pagtawag sa aming Help Line. Hinihikayat ka naming gamitin ang opsyon ng
Help Line o Web Line kapag:
• Gusto mo ng karagdagang payo o gabay sa isang sitwasyon sa negosyo;
• Gusto mong mag-ulat ng posibleng paglabag sa ating Kodigo, mga patakaran ng kumpanya o
sa batas;
• Hindi ka komportableng pumunta sa lokal na management o human resources;
• Naniniwala kang hindi maayos na natutugunan ang mga alalahaning idinulog mo; at/o
• Gusto mong manatiling walang pagkakakilanlan ang iyong ulat.
Ang Help Line ay pinapatakbo ng hiwalay na third party at available 24 na oras sa isang araw,
pitong araw sa isang linggo sa pamamagitan ng telepono sa maraming wika na may opsyon na
manatiling walang pagkakakilanlan. Gumagamit ito ng isang partikular na toll-free na numero
ng telepono batay sa bansa kung saan nagmumula ang iyong tawag. Kung tumatawag ka mula
sa U.S., i-dial ang 1.888.301.7304. Kung tumatawag ka mula sa labas ng U.S., sumangguni sa
seksyong Mga Contact ng Kodigo. Maaari mo ring gamitin ang internet Web Line sa
telltysonfirst.com.
| Kodigo ng Asal
12
Kapag tumawag ka sa Help Line, magbigay ng higit na impormasyon tungkol sa mga
sumusunod hangga’t maaari:
• Ano ang pinaghihinalaang ilegal na pagkilos?
• Sino ang sangkot?
• Sino ang apektado?
• Kailan at saan ito nangyari?
• Anong impormasyon o dokumentasyon ang sumusuporta sa mga katotohanang ito?
Mayroon ka ring opsyong magdulog ng mga alalahanin sa pamamagitan ng direktang
pakikipag-ugnayan sa ating Ethics & Compliance Department, sumangguni sa sekyong Mga
Contact. Inaasahan naming gagamitin mo ang isa sa mga available na opsyon sa pag-uulat
upang idulog ang iyong mga alalahanin; ang tanging hinihiling lang namin ay kapag nagdulog
ka ng alalahanin, iniulat mo ito nang walang masamang hangarin.
Ano ang ibig sabihin ng Pag-uulat nang Walang Masamang Hangarin?
Ang pag-uulat nang walang masamang hangarin ay nangangahulugang ibinibigay mo ang lahat
ng impormasyong mayroon ka na pinaniniwalaan mong totoo, kahit na sa huli ay malamang isa
itong mali ngunit tapat na paniniwala.
T: Ano ang mangyayari kapag tumawag ako sa Help Line?
Kailangan kong magdulog ng alalahanin at pinaplano kong tumawag sa Help Line, paano ito
gumagana?
S: Ang iyong tawag ay sasagutin ng isang sinanay na operator ng isang hiwalay na call center ng
third-party. Ang mga detalye ng iyong alalahanin ay ita-type sa isang kumpidensyal na ulat at
ipapadala sa Corporate Ethics & Compliance Department. Hindi ire-record ang iyong tawag, at
ibibigay lang ang mga detalye sa mga taong nagsisiyasat ng iyong alalahanin. Sa pagtatapos ng iyong
tawag, bibigyan ka ng reference number upang gamitin kung mayroon ka pang ibibigay na
impormasyon o upang tingnan ang status ng iyong ulat.
T: Kinakailangan ko bang ibigay ang aking pangalan kapag tumawag ako sa Help Line o kapag
ginamit ko ang Web Line?
S: Hindi. Ngunit pinapanatili naming kumpidensyal ang iyong impormasyon, kaya hinihikayat ka
naming tukuyin ang iyong sarili dahil nakakatulong ito sa amin upang mas mahusay na matasa ang
iyong alalahanin. Gayunpaman, kung gusto mong manatiling walang pagkakakilanlan, maaari mo
itong gawin. Sa ilang sitwasyon, mas pinapahirapan nito ang pagsasagawa ng masusing pagsisiyasat.
T: Paano kung hindi ko talaga alam kung mayroong problema?
Sa tingin ko ay maaaring may problema sa isang paglabag sa patakaran at dapat akong magdulog ng
alalahanin, ngunit dapat ba ay siguradong-sigurado ako na mayroong problema bago ako magdulog ng
alalahanin?
S: Hindi. Kung iuulat mo ang iyong alalahanin nang walang masamang hangarin, nangangahulugan
itong naniniwala kang mayroong posibleng paglabag sa ating Kodigo, mga patakaran ng kumpanya, o
sa batas kapag iniulat mo ito. Kung lalabas na walang basehan o mali ang iyong alalahanin, hindi ka
didisiplinahin.
| Kodigo ng Asal
13
T: Ano ang mangyayari kung may miyembro ng team na gagawa ng malisyoso o walang katuturang
ulat?
S: Ang paggawa ng malisyoso o walang katuturang ulat, o sinasadyang pagbibigay ng maling
impormasyon ay itinuturing na matinding maling asal, at maaari itong magresulta sa pandisiplinang
pagkilos.
Sanggunian sa Patakaran: Form ng Pagtatanong, Patakaran para sa Whistleblower, www.telltysonfirst.com
Makipag-ugnayan sa: Ethics & Compliance, Human Resources
| Kodigo ng Asal
14
LABAN SA PAGHIHIGANTI Hindi natin pinapayagan ang paghihiganti dahil sa pagtatanong o pagdulog ng mga
alalahanin
Nakatuon tayo sa pagpapanatili ng lugar ng trabaho kung saan lahat tayo ay maaaring
magtanong at magdulog ng mga alalahanin nang walang takot sa paghihiganti. Ipinagbabawal
natin ang anumang paraan ng paghihiganti dahil sa pagtatanong, pagdulog ng mga alalahanin,
o pakikipagtulungan sa mga panloob na pagsisiyasat.
Sa ilang sitwasyon, maaaring mapagkamalan ng mga miyembro ng team na nag-ulat ng maling
asal na paghihiganti ang mga pagkilos na may mabuting intensyon kahit na hindi ganito ang
sitwasyon. Mahalaga para sa mga supervisor na patuloy na tratuhin nang may dignidad at
paggalang ang isang miyembro ng team na nagtanong o nagdulog ng alalahanin.
Kung may nalalaman o pinaghihinalaan kang anumang paraan ng paghihiganti, may
tungkulin kang iulat ito. Maaaring magkaroon ng maraming paraan ng paghihiganti, maaaring
kapansin-pansin ito o hindi at maaaring mga supervisor o kasamahan ang magdulot nito.
T: Dapat ba akong mag-alala sa paghihiganti dahil sa pagdulog ng alalahanin?
Kakadulog ko lang ng alalahanin sa aking supervisor, paano ako makakasiguradong hindi ako
parurusahan?
S: Lubos na nakatuon ang Tyson sa pagpapanatili ng pagkamakatuwiran at pagiging kumpidensyal
ng mga proseso ng pag-uulat at pagsisiyasat. Didisiplinahin ang sinumang susubok na sirain ang
ating pangakong iwasan ang paghihiganti laban sa mga taong nag-ulat. Kung sa panahon ng
pagsisiyasat ay nalamang nilabag ang patakaran, hiwalay itong tutugunan.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran Laban sa Paghihiganti
Makipag-ugnayan sa: Ethics & Compliance, Human Resources, Law Department, Management
PAGSISIYASAT NG MALING ASAL Sinusuri namin ang lahat ng ulat ng pinaghihinalaang maling asal
Sineseryoso namin ang mga ulat ng maling asal. Kapag naaangkop, magsasagawa kami ng
kumpletong pagsisiyasat upang malaman ang mga katotohanan sa likod ng sitwasyon upang
matugunan, maitala, at maiwasang maulit ang maling asal. Nagsusumikap kaming
protektahan ang pagkakakilanlan ng sinumang mag-uulat nang walang masamang hangarin.
Inaasahan namin ang mga miyembro ng team at sinumang taong sangkot na lubos na
makipagtulungan sa mga pagsisiyasat at magbigay ng tapat at kumpletong impormasyon.
Hindi mo dapat kailanman gawin ang magbigay ng mapanlinlang na impormasyon o baguhin,
sirain, o pagtakpan ang ebidensya sa pagtatangkang iwasan o hadlangan ang pagsisiyasat.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Mga Panloob na Pagsisiyasat
Makipag-ugnayan sa: Ethics & Compliance, Human Resources, Law Department
| Kodigo ng Asal
15
MGA PAGLABAG SA KODIGO AT MGA KAHIHINATNAN Nagsasagawa kami ng naaangkop na pandisiplinang pagkilos para sa mga paglabag sa kodigo
Inaasahan gagawin natin ang tama at susundin natin ang ating Kodigo, mga patakaran ng
kumpanya, at ang batas habang nagsasagawa ng negosyo ng kumpanya dahil nagdudulot ng
pagbabago ang bawat pagpapasya. Mapapailalim sa pandisiplinang pagkilos ang sinumang
miyembro ng team na lalabag sa ating Kodigo, mga patakaran ng kumpanya, o mga batas,
hanggang sa at kabilang ang pagkakatanggal sa trabaho depende sa uri at tindi ng paglabag.
Sanggunian sa Patakaran: Sumangguni sa mga indibidwal na patakarang makikita sa seksyong Sanggunian sa
Patakaran
Makipag-ugnayan sa: Human Resources
Mga Inaasahan sa Pamamahala Maging halimbawa ng pamumuno at kumilos nang may integridad
“Mga tao ang gumagawa ng negosyo. Hindi mga numero, hindi mga hayop, hindi anupamang
bagay. Mga tao ang gumagawa ng negosyo.” – Don Tyson, Dating Chairman at CEO
Inaasahan natin ang lahat ng miyembro ng team na kumilos nang etikal, anuman ang kanilang
posisyon at naniniwala kaming may responsibilidad ang mga miyembro ng ating management
team na maging halimbawa ng pamumuno. Nangangahulugan ito na pagsasabuhay – parehong
sa salita at sa gawa – sa mga prinsipyong nakasaad sa ating Kodigo, Mga Pangunahing
Pagpapahalaga, at Mga Pag-uugali ng Team. Nagsusumikap kaming gumawa ng kapaligirang
may tiwala kung saan komportable ang mga miyembro ng team na magtanong at magdulog ng
mga alalahanin nang walang takot sa paghihiganti.
Bilang supervisor, ikaw ang unang kakausapin kapag may mga tanong at alalahanin ang mga
miyembro ng team. Kung kaya, dapat ay handa at bukas kang makinig at tumugon sa
naaangkop na paraan. Kung hindi mo alam ang sagot o kung hindi ka sigurado, ipaalam sa
miyembro ng team na babalikan mo siya at pagkatapos ay i-refer ang tanong o alalahanin sa
naaangkop na departamento.
Tandaang responsibilidad mo bilang supervisor na agad na i-refer ang lahat ng hindi etikal na
pag-uugali at ilegal na asal sa HR kung nasaksihan mo ang maling asal o kung nakatanggap
ka ng ulat tungkol dito.
Sanggunian sa Patakaran: Mga Pangunahing Pagpapahalaga, Patakaran sa Mga Pamantayan ng Pamamahala
sa Pag-uugali, Mga Pag-uugali ng Team
Makipag-ugnayan sa: Human Resources
Kumpidensyal na Impormasyon Pinoprotektahan namin ang impormasyon ng miyembro ng team, kumpanya, at
kasosyo sa negosyo
Inaasahan naming poprotektahan ng mga miyembro ng team ang kumpidensyal at
pinagmamay-ariang impormasyon sa negosyo ng Kumpanya. Sa iyong trabaho, maaaring
mayroon kang access sa kumpidensyal na impormasyon tungkol sa iba pang miyembro ng team
o kasosyo sa negosyo, kabilang ang mga customer at supplier. May tungkulin kang protektahan
| Kodigo ng Asal
16
ang impormasyong ito sa pamamagitan ng hindi paghahayag nito maliban kung
pinapahintulutan kang gawin ito sa ilalim ng naaangkop na batas, mga regulasyon, at mga
patakaran o pamamaraan ng Kumpanya.
Paano mo malalaman kung anong impormasyon ang kumpidensyal na impormasyon? Ang
kumpidensyal na impormasyon ay maaaring nakasulat, pasalita, o electronic at kinabibilangan
ng malawak na hanay ng data, kabilang ang mga application ng teknolohiya, istratehiya sa
negosyo, listahan ng customer, hindi pampublikong impormasyon sa pagpepresyo, dami ng
benta, detalye ng produkto, at kumpidensyal na medikal na impormasyon ng miyembro ng
team.
Hindi nilalayon ng paghihigpit sa paghahayag ng kumpidensyal na impormasyon na pigilan
ang mga miyembro ng team na mag-ulat ng mga alalahanin tungkol sa anumang
pinaghihinalaang maling asal sa management o mga ahensya ng pamahalaan, o pigilan ang
mga miyembro ng team na mag-ulat ng paghihiganti dahil sa pag-uulat ng mga ganitong
alalahanin. Hindi rin nito nilalayong pigilan ang mga miyembro ng team na matapat na
tumugon sa mga tanong o kahilingan mula sa mga ahensya ng pamahalaan.
Tandaan na kung ang kumpidensyal na impormasyon tungkol sa Tyson o isang kasosyo sa
negosyo ay materyal at hindi pampubliko, hindi mo maaaring gamitin ang impormasyong ito
kapag nagpapasyang bilhin o ibenta ang mga security ng mga kumpanyang ito. Tingnan ang
seksyong Pakikipagkalakalan ng Insider para sa karagdagang impormasyon.
Mga Halimbawa ng Kumpidensyal na Impormasyon: Hindi pampublikong impormasyon sa
pagpepresyo, dami ng benta, mga detalye ng produkto, at kumpidensyal na medikal na
impormasyon ng miyembro ng team.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Pagiging Kumpidensyal, Patakaran sa Copyright, Patakaran sa
Klasipikasyon ng Data, Patakaran sa Pagkikipagkalakal ng Mga Security
Makipag-ugnayan sa: Human Resources, Law Department
Mga Karapatang Pantao Nakatuon tayo sa pagtataguyod sa mga prinsipyo ng mga karapatang pantao
Ang ating mga kagawian hinggil sa mga karapatang pantao ay nakabatay sa ating Kodigo, Mga
Pangunahing Pagpapahalaga, at Pangako sa Miyembro ng Team. Nakabalangkas sa mga
dokumentong ito ang maraming karapatan, benepisyo, at responsibilidad na tinatamasa at
inaasahan ng mga miyembro ng team. Sinusuportahan ng mga programang ito at ng ating mga
patakaran ang mga prinsipyong nakapaloob sa United Nation’s Universal Declaration of
Human Rights at sa International Labor Organization Labor Standards.
Inaasahan ka naming maging mulat sa iyong mga pagkilos at sa mga pagkilos ng mga taong
nasa paligid mo upang matiyak na itinataguyod natin ang mga pangunahing prinsipyo ng mga
karapatang pantao.
CHILD LABOR AT SAPILITANG PAGGAWA
Hindi natin pinapayagan ang child labor o sapilitang paggawa sa alinman sa ating mga
pagpapatakbo o pasilidad.
MGA KAGAWIAN SA SAHOD AT ORAS
Sumusunod tayo sa lahat ng naaangkop na batas sa sahod at oras, kabilang ang mga
panuntunan sa minimum na sahod, overtime, at maximum na oras.
| Kodigo ng Asal
17
KALAYAANG SUMALI SA SAMAHAN
Iginagalang namin ang iyong karapatang sumali o hindi sumali sa isang unyon sa kalakalan, o
magkaroon ng kinikilalang kinatawan ng empleyado alinsunod sa lokal na batas.
Sanggunian sa Patakaran: Mga Pangunahing Pagpapahalaga, Pangako sa Miyembro ng Team
Makipag-ugnayan sa: Human Resources
| Kodigo ng Asal
18
Mga Kagawian sa Trabaho PAGSASAMA AT PAGKAKAIBA-IBA Iginagalang at pinapahalagahan natin ang pagiging natatangi ng isa’t isa
Hinihikayat natin ang pagpapahalaga at paggalang para sa mga natatanging pinagmulan,
karanasan, kaisipan at talento ng ating mga miyembro ng team, kasosyo sa negosyo, at
mamimili. Ang pag-unawa, paggalang, at pagpapahalaga sa pagsasama at pagkakaiba-iba ay
pinakamahalaga sa ating Mga Pangunahing Pagpapahalaga at Mga Pag-uugali ng Team.
Nagsusumikap kaming luminang ng kultura at pananaw na sumusuporta at nagpapahusay sa
ating kakayahang kumuha, bumuo, at magpanatili ng magkakaibang talento sa bawat antas.
May ginagampanan kang mahalagang tungkulin sa pagpapanatili ng kulturang ito ng
pagkakaiba-iba at pagsasama. Bilang mga miyembro ng team, iginagalang natin ang pagiging
natatangi ng isa’t isa, kung saan pinapahalagahan ang input mula sa iba pang taong maaaring
may ibang pananaw at hinihikayat nating magkaroon ng kapaligirang may tiwala at
katapatan.
Sanggunian sa Patakaran: Mga Pangunahing Pagpapahalaga, Mga Pag-uugali ng Team
Makipag-ugnayan sa: Human Resources
AWTORIDAD NA MAGTRABAHO Nakatuon tayo sa pagsunod sa mga batas ng imigrasyon
Nakatuon tayo sa pagkuha lang ng mga indibidwal na legal na awtorisadong magtrabaho sa
bansa kung saan sila naghahanap ng trabaho. Responsibilidad nating siyasatin, i-verify, at
idokumento ang pagkakakilanlan at awtorisasyong magtrabaho ng bawat bagong miyembro ng
team. Pinagbabawalan tayong sadyang kumuha o payagan ang sinumang patuloy na
magtrabaho kung hindi siya awtorisadong magtrabaho. Pagkatapos tanggapin ang alok na
trabaho, kailangang kumpletuhin ng lahat ng bagong empleyado at muling natanggap na
miyembro ng team ang mga kinakailangang form ng pag-verify sa trabaho at kailangan nilang
ibigay ang dokumentasyon ng pagiging kwalipikado nila sa trabaho.
Kinakailangan mong iulat ang sinumang hindi legal na awtorisadong magtrabaho sa bansa
kung saan siya nagtatrabaho. Sa pagsunod sa mga batas ng imigrasyon, mahalagang
makipagtulungan ka sa anumang kahilingan sa pagsunod sa pagsasanay, sertipikasyon,
pagpapanatili ng tala at/o third-party na pag-verify mula sa HR. Ipinagbabawal ang
pandidiskrima sa trabaho batay sa bansang pinagmulan, status ng imigrasyon,
pagkamamamayan, o pang-aabuso sa dokumento.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Pagiging Kwalipikado sa Trabaho
Makipag-ugnayan sa: Employment Compliance, Law Department
PAGPIGIL SA PANLILIGALIG AT PANDIDISKRIMINA Nakatuon tayo sa pagbibigay ng lugar ng trabaho kung saan walang panliligalig at
pandidiskrima, at itinuturing natin ang isa’t isa nang patas at walang panghuhusga
Lahat tayo ay may karapatang ituring nang may dignidad at paggalang at magtrabaho sa isang
kapaligiran kung saan walang panliligalig at pandidiskrimina. Ang panliligalig ay isang uri ng
labag sa batas na pandidiskrimina na kinabibilangan ng pag-uugali na lumilikha ng
nakakatakot, nakakasama, o nakakapanakit na kapaligiran sa trabaho. Mayroong maraming
| Kodigo ng Asal
19
uri ng panliligalig, kabilang na ang mga pisikal na pagkilos, pasalita o nakasulat na puna,
larawan, naka-record na video, o drawing.
Hindi ka dapat kailanman kumilos sa paraang nakakapanligalig. Mahalagang tandaan na ang
panliligalig, sekswal man o hindi, ay nalalaman sa pamamagitan ng iyong mga pagkilos at sa
pamamagitan ng kung paano ito nakikita ng iba, anuman ang iyong mga intensyon.
Nagbibigay tayo ng pantay-pantay na oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng patas na
pagtrato sa mga miyembro ng ating team at sa mga taong nag-a-apply na magtrabaho para sa
atin. Nangangahulugan ito na ang ating mga pagpapasya sa trabaho ay batay sa merit (mga
kasanayan, performance, mga kakayahan, at mga kwalipikasyon), naaangkop na batas at
walang kaugnayan sa mga kundisyon o katangiang hindi nauugnay sa trabaho.
Inaasahan kang tatratuhin mo ang mga miyembro ng team nang patas at gumamit ng maayos
na pagpapasya sa iyong mga komunikasyon, pagkilos, at pakikipag-ugnayan sa loob at labas ng
lugar ng trabaho. Sinasaklaw din ng inaasahang ito ang mga hindi miyembro ng ating team
kabilang ang mga grower, producer, supplier, broker, service provider, ahente, at customer.
T: Ano ang dapat kong gawin?
Tila palaging pinagtutulungan ang isa sa aking mga katrabaho at nakakatakot ito. Tinalakay ko ito
kasama ng isa pang miyembro ng team na nagpayo sa aking huwag pansinin ang sitwasyon dahil
kung nagsalita ako maaari akong “maging susunod na target.”
S: Dapat mong iulat ang hindi naaangkop o hindi katanggap-tanggap na kilos sa iyong supervisor.
Kung hindi ka kumportableng iulat ito sa iyong supervisor, iulat ito sa iyong lokal na HR o tumawag
sa Help Line.
T: Ano ang dapat kong gawin?
Naghahanap at kumukuha ng mga bagong miyembro ng team ang aking supervisor at mukhang hindi
niya isinasama ang mga aplikante dahil sa edad nila.
S: Hindi pinapayagan ng Tyson ang pandidiskrimina dahil sa edad. Huwag talakayin ang sitwasyon
kasama ng iyong supervisor, humingi ng payo sa iyong lokal na HR representative at hayaan siyang
pangasiwaan ang sitwasyon.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Akomodasyon ng ADA, Patakaran sa Pantay na Oportunidad sa
Trabaho, Patakaran sa Panliligalig at Pandidiskrimina
Makipag-ugnayan sa: Supervisor, Human Resources, Employment Compliance
| Kodigo ng Asal
20
AKOMODASYON SA RELIHIYON Iginagalang natin ang lahat ng pananampalataya at tradisyon ng mga miyembro ng ating team
Nagsusumikap tayong maging bukas sa lahat ng pananampalataya sa pamamagitan ng
paggalang at pagkilala sa lahat ng pananampalataya sa paraang gumagalang sa mga
kaugalian, tradisyon at paniniwala. Sa kaibuturan ng pangakong ito ay isang marubdob na
paggalang sa ating mayamang kulturang nakasentro sa ideya na ang pananampalataya at mga
tradisyon ang nakakapagpayabong sa lugar ng trabaho.
Kung naniniwala kang ang mga kinakailangan sa trabaho ay sumasalungat sa mga
relihiyosong paniniwala o kaugaliang taos-puso mong pinanghahawakan, hinihikayat ka
naming makipag-ugnayan sa iyong lokal na HR representative. Maaari nilang suriin ang mga
alituntunin at pamamaraan para sa paghiling ng makatuwirang akomodasyon.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Akomodasyon sa Relihiyon
Makipag-ugnayan sa: Human Resources
| Kodigo ng Asal
21
Health & Safety Nakatuon tayo sa pagbibigay ng ligtas na lugar ng trabaho sa mga miyembro ng ating team
Pinapahalagahan natin ang iyong kalusugan at kaligtasan at nagsusumikap tayong hindi
magkaroon ng mga pinsala at karamdaman. Nagpapanatili tayo ng kultura ng kaligtasan na
nakabatay sa proposisyon ng pagwawaksi ng mga insidente, panganib, at peligro sa lugar ng
trabaho. Nakagawa at nakapagpatupad na tayo ng mga proseso upang makatulong sa
pagwawaksi ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pagbawas sa dalas at tindi ng mga ito.
Masusi rin nating sinusuri at sinusubaybayan ang ating performance.
Inaasahan namin kayo at ang ating mga kasosyo sa negosyo na unawain at sumunod sa mga
naaangkop na batas, regulasyon, patakaran ng kumpanya at pamamaraan hinggil sa
kaligtasan at kalusugan. Kung may nalalaman o pinaghihinalaan kang anumang hindi ligtas
na kundisyon sa trabaho, pagbabanta o hindi pangkaraniwang pagkilos o sitwasyon – dapat ay
agad mo itong iulat sa isang miyembro ng management.
Huwag hayaan ang iyong sarili o ang sinuman na balewalain ang mga itinakdang patakaran at
pamamaraan sa kaligtasan.
Idulog ang iyong mga alalahanin sa isang miyembro ng management kung ikaw ay:
• Nakatanggap ng mga tagubiling gawin ang isang gawaing itinuturing mong hindi ligtas;
• Nakatanggap ng mga tagubilin na gawin ang isang trabahong sa tingin mo ay hindi ka
wastong sinanay upang isagawa at maaaring makasama sa iyo o sa iba;
• May nakitang taong nagsasagawa ng gawaing sa tingin mo ay hindi ligtas o kung saan hindi
wastong sinanay ang tao upang gawin ito;
• Naghihinalang ang isang sasakyan o kagamitan (halimbawa, kagamitan sa pagpapalamig)
ay hindi gumagana nang maayos at maaaring hindi ligtas para sa iyo o sa iba; o
• May naobserbahan o nalamang hindi ligtas na kundisyon o posibleng panganib para sa iyo o
sa iba.
Mga halimbawa ng aming mga pagsusumikap para sa isang ligtas na kapaligiran sa
trabaho:
• Ang pagsasanay na Life Saving Rules (Core Safety Mandates) ay kinakailangan ng lahat ng
miyembro ng team at nakatuon sa tatlong kritikal na bahagi kabilang ang Lockout/Tagout,
Confined Space Entry, at Fall Protection.
• Ang Job Safety Analysis (JSA) ay isang mahalagang tool para sa pagpapahusay ng
pangkalahatang performance sa kaligtasan ng Kumpanya sa pamamagitan ng pagtukoy sa
mga peligrong nauugnay sa mga gawain sa trabaho at pagbuo ng mga plano ng pagkilos
para sa pagkontrol o pagwawaksi ng mga peligro.
T: Ano ang dapat kong gawin?
Hiniling sa akin ng aking supervisor na gawin ang isang trabahong sa tingin ko ay hindi ako wastong
sinanay upang isagawa, at maaaring mayroon itong mga implikasyon sa kaligtasan.
S: Hindi mo dapat magsagawa ng trabahong hindi ka wastong sinanay upang gawin. Talakayin ito
kasama ng iyong supervisor at lokal na kinatawan sa kaligtasan upang humingi ng payo tungkol sa
kung ano’ng mahalagang pagsasanay ang kinakailangan upang ligtas na maisagawa ang trabaho.
Sanggunian sa Patakaran: Mga Patakaran sa Kalusugan at Kaligtasan,Ulat sa Sustainability
Makipag-ugnayan sa: Supervisor, Kinatawan ng Kalusugan at Kaligtasan mula sa Lokal o Korporasyon,
Human Resources
| Kodigo ng Asal
22
KARAHASAN SA LUGAR NG TRABAHO Tinatrato natin ang ibang tao nang may dignidad at paggalang
Nakatuon kami sa pagbibigay sa iyo ng ligtas na kapaligiran sa trabaho, kung saan walang
karahasan sa lugar ng trabaho. Hindi ka dapat madawit sa anumang pagkilos na maaaring
maging dahilan upang matakot ang ibang tao o maramdaman niyang hindi siya ligtas.
Maaaring kabilang sa mga halimbawa ng karahasan sa lugar ng trabaho ang mga berbal o
pisikal na pag-atake, pagbabanta, pagpapahayag ng poot, pananakot o agresyon. Bukod pa rito,
ang paggawa ng mga maling pahayag nang may masamang hangarin laban sa ibang tao ay
itinuturing na karahasan sa lugar ng trabaho.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Karahasan sa Lugar ng Trabaho
Makipag-ugnayan sa: Supervisor, Security, Human Resources
PAG-ABUSO SA SUBSTANCE Nakatuon kami sa isang kapaligirang walang droga at alak
Nakatuon kami sa pagbibigay sa iyo ng ligtas na kapaligiran sa trabaho kung saan walang
impluwensya ng alak at droga. Hindi ka dapat kailanman gumamit ng anumang substance na
maaaring makasama sa iyong performance sa trabaho dahil nagpapakita ito ng hindi
katanggap-tanggap na panganib sa kaligtasan para sa iyo at sa iba. Nangangahulugan itong
hindi ka dapat kailanman magtrabaho sa ilalim ng impluwensya ng alak, mga ipinagbabawal
na gamot, o mga kontroladong substance. Kung nababago ng (mga) inireresetang gamot ang
iyong pisikal o mental na kakayahan upang isagawa ang iyong trabaho, dapat mo itong iulat sa
tanggapan ng Occupational Health Service. Pinagbabawalan ka ring magmay-ari, magbenta,
gumamit, maglipat o mamahagi ng mga ipinagbabawal na gamot o kontroladong substance sa
lugar ng trabaho. Kung sa tingin mo ay mayroon kang problema sa pag-abuso sa substance,
hinihikayat ka naming humingi ng tulong.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Droga at Alak
Makipag-ugnayan sa: Mga Serbisyo sa Kalusugan sa Trabaho, Human Resources
| Kodigo ng Asal
23
Mga Supplier at Customer
Bumubuo tayo ng mga pangmatagalang kaugnayang nakabatay sa integridad at tiwala sa ating
mga grower,
producer, supplier, at customer. Nakatuon tayo sa paghahatid ng mga ligtas at mataas ang
kalidad
na produktong pagkain. Nakikipagkumpitensya tayo nang legal at etikal upang mapanatili at
mapalago ang ating negosyo.
| Kodigo ng Asal
24
Kaligtasan sa Pagkain Isang pangunahing priyoridad ang pagpapalakas ng kultura ng kaligtasan sa pagkain sa buong
mundo
Nagtitiwala sa atin ang ating mga customer at mamimili upang maghatid ng ligtas at de-
kalidad na produkto ng pagkaing nagbibigay ng value. Sa pagpapanatili sa mga ekspektasyong
ito, obligado tayong tiyaking ang kaligtasan sa pagkain ang palagi nating pangunahing
priyoridad sa kabuuan ng proseso ng produksyon. Inaasahan natin ang lahat ng miyembro ng
team na sumunod sa mga regulasyon ng pamahalaan at sa aming mga patakaran at
pamamaraan ng food safety and quality assurance (FSQA). Kung may nalalaman o
pinaghihinalaan kang anumang paglabag, aksidente man o sinasadya, dapat ay agad mo itong
iulat sa isang miyembro ng management.
Pakitanong sa iyong mga FSQA representative kung ano ang maaari mong gawin upang
makatulong na masigurado ang pagsunod! Ang mga ekspektasyong sumasaklaw sa kaligtasan
at kalidad ng pagkain ay kumplikado at maaaring magbago.
T: Ano ang dapat kong gawin?
May nasaksihan akong miyembro ng team na hindi sumusunod sa detalye ng produkto, ngunit sa
tingin ko ay hindi ito isang isyu hinggil sa kaligtasan sa pagkain.
S: Isyu man ito hinggil sa kaligtasan sa pagkain o inaasahan ng customer, dapat sundin ang lahat ng
pamantayan. Agad na makipag-ugnayan sa isang FSQA representative.
T: Ano ang dapat kong gawin?
May nakikita akong tumutulong tubig mula sa tubo papunta sa produktong nasa cooler, ngunit
walang anumang sinabi ang inspektor ng lokal na pamahalaan. Ibig sabihin ba nito ay ayos lang iyon?
S: Hindi. Inaasahan sa mga miyembro ng team na gawin ang tama, kahit na hindi ito mapansin ng
inspektor ng pamahalaan o wala siyang sabihing mali. Agad na makipag-ugnayan sa isang miyembro
ng management o FSQA representative.
Sanggunian sa Patakaran: Mga Patakaran sa Kaligtasan sa Pagkain at Pagtiyak sa Kalidad (Food Safety &
Quality Assurance, FSQA)
Makipag-ugnayan sa: Supervisor, Kinatawan ng Kaligtasan sa Pagkain at Pagtiyak sa Kalidad mula sa Lokal o
Korporasyon, Human Resources
| Kodigo ng Asal
25
Mga Supplier
Inaasahan natin ang ating mga supplier na magpanatili ng mga etikal na kasanayan sa
negosyo
Hinihikayat natin ang ating mga supplier at ang kanilang mga sub-tier na supplier na
panghawakan din ang parehong mga etikal na pamantayang pinanghahawakan natin at
makiisa sa mga prinsipyong nakasaad sa ating Kodigo ng Asal ng Supplier na kinabibilangan
ng mga sumusunod:
• Kapakanan ng hayop
• Mga batas laban sa katiwalian
• Mga kasanayan sa negosyo
• Kalusugan at kaligtasan ng empleyado
• Pagprotekta sa kalikasan
• Pagiging kumpidensyal at privacy sa data
• Mga karapatan hinggil sa paggawa at karapatang pantao
• Mga ligtas at de-kalidad na produktong pagkain
• Sustainable na kagawian sa negosyo
Nakatuon tayo sa patas na kumpetisyon kasama ng mga supplier sa pakikipagkumpitensya
nila para sa ating negosyo sa pamamagitan ng pagpapasya batay sa kalidad, halaga at serbisyo
sa customer.
Sanggunian sa Patakaran: Contract Poultry Farmers' Bill of Rights, Kodigo ng Asal ng Supplier, Ulat sa
Sustainability
Makipag-ugnayan sa: Procurement, Law Department
| Kodigo ng Asal
26
Mga Customer Ang ating mga kaugnayan sa mga customer ay nakabatay sa tiwala at integridad
Nagsusumikap tayong matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga customer,
responsableng makipagtulungan sa kanila at protektahan ang kanilang kumpidensyal na
impormasyon. Mananatili kaming kompetitibo sa pamamagitan ng pagkamit ng negosyo sa
etikal at legal na paraan, at pagpapanatili ng bukod-tanging kalidad at halaga ng ating mga
produkto at serbisyo.
PANGAKO SA CUSTOMER Kapag nananalo ang ating mga customer, nananalo tayo
• Nakikipagtulungan tayo sa mga customer upang mapasaya ang mga mamimili sa tuloy-
tuloy na paghangad ng paglago.
• Bawat araw, sinasamantala natin ang pagkakataong mapalakas ang ating mga
kaugnayan sa customer sa pamamagitan ng pagtutulungan bilang team.
• Habang may demand ang mga mamimili sa ating mga produkto, nangangako tayong
maging mahalaga sa ating mga customer dahil mahalaga sa atin ang ating mga
customer.
• Mananatili tayong nakatuon sa panlabas, mabilis at patuloy na natututo sa mga
pananaw ng mamimili.
• Tayo ay positibo at nakatuon sa pagbibigay ng solusyon, kung saan ginagawang
oportunidad ang mga hamon at naghahanap ng mga paraan upang patuloy na lumago
nang sama-sama.
| Kodigo ng Asal
27
Mga Interaksyon sa Pamahalaan Bumubuo tayo ng mga produktibong kaugnayan sa mga opisyal ng pamahalaan
Nagsusumikap tayong bumuo at magpanatili ng magagandang kaugnayan sa mga nahalal at
itinalagang opisyal ng pamahalaan at ahensya ng pamahalaan. Hindi lang tayo
pinapangasiwaan ng mga ito, ngunit nakikipagtulungan tayo sa marami sa mga ito sa
napakaraming larangan, mula sa pagiging kwalipikado ng empleyado hanggang sa kaligtasan
sa pagkain.
Kung hinihiling sa iyo ng iyong tungkulin na makipag-ugnayan sa isang empleyado o sa isang
ahensya ng pamahalaan, dapat kang kumatawan sa Tyson sa positibong paraan sa lahat ng
pagkakataon – parehong sa salita at gawa. Bukod pa rito, dapat mong maunawaan at igalang
ang tungkuling mayroon ito sa pagsisiyasat ng ating mga produkto, halaman, proseso, atbp.
Dapat kang makipag-ugnayan sa Law Department kung ang iyong lokasyon o departamento ay
binibisita o ino-audit ng ahensya ng pamahalaan o regulatoryong ahensya.
Ipinagmamalaki natin ang mga kontrata sa pamahalaan na mayroon tayo kung saan
nagbibigay tayo ng iba’t ibang produkto ng Tyson sa mga paaralan, sa militar, at iba pang
ahensya ng pamahalaan. May mahihigpit na kinakailangan sa batas ang pamahalaan ng U.S.
at ang maraming bansa kapag nakikipagnegosyo sa kanilang pamahalaan. Mas kumplikado
ang mahihigpit na regulasyong ito kumpara sa mga regulasyong sumasaklaw sa ating mga
komersyal na sales account.
Kung kasali sa iyong trabaho ang mga pakikipagnegosasyon, pagbebenta o pakikipagtulungan
sa mga opisyal ng pamahalaan tungkol sa anumang bago o dati nang kontrata sa pamahalaan,
mahalagang makipag-ugnayan ka sa Law Department upang malinaw na maunawaan ang
iyong responsibilidad sa pagsunod sa mahihigpit na panuntunang ito.
Makipag-ugnayan sa: Law Department
Regalo at Kagandahang-loob Nagpapalitan tayo ng mga regalo at kagandahang-loob para sa mga lehitimong
layuning pangnegosyo
| Kodigo ng Asal
28
Kinikilala natin na ang pagbibigay at pagtanggap ng mga regalo at kagandahang-loob sa
negosyo ay mga pagpapaunlak na idinisenyo upang bumuo ng magagandang kaugnayan sa
trabaho at pakikisama sa mga customer at supplier, ngunit maaari ding mahirapang
magpakatotoo kapag gumagawa ng mga pagpapasya ukol sa negosyo. Hindi naaangkop ang
mga regalo at kagandahang-loob kung nagdadala ang mga ito ng obligasyon, nilalagay ka ng
mga ito sa isang sitwasyon kung saan magmumukha kang may pinapaboran, o ibinigay ang
mga ito nang may layuning impluwensyahan ang isang pagpapasya ukol sa negosyo. Dapat
nating iwasang magmukhang gumagawa ng mga pagpapasya ukol sa negosyo batay sa mga
regalo at sa halip ay ibatay ang mga ito sa kalidad at halaga ng mga produkto at serbisyo.
Hindi kabilang sa mga regalo at kagandahang-loob sa negosyo ang mga paligsahan sa benta na
sagot ng kumpanya o mga insentibo para sa mga miyembro ng team.
Ano ang pagkakaiba ng Regalo at Item ng Kagandahang-loob?
Ang mga regalo ay mga item na may halaga, paglalakbay, panunuluyan, mga pagkain o
paglilibang kapag wala ang host, samantalang ang kagandahang-loob ay kapag naroon ang
host.
Habang kinakatawan ang Tyson bilang miyembro ng team:
• Huwag kailanman magbigay o tumanggap ng mga regalong pera o katumbas ng pera, gaya
ng mga gift card, tseke o gift certificate, o utang na anumang halaga sa (o mula sa) opsiyal
ng pamahalaan o partidong hindi pampamahalaan.
Kung makatanggap ka ng kahilingang mag-survey mula sa isang kasosyo sa negosyo
kapalit ng gift card o iba pang kabayaran, kumonsulta sa Ethics & Compliance bago ito
sagutan.
• Hindi ka dapat magbigay o tumanggap ng anumang regalo o item ng kagandahang-loob sa (o
mula sa) isang opisyal ng pamahalaan maliban na lang kung naaayon ito sa Pandaigdigang
Patakaran Laban sa Katiwalian. Kailangan mong sagutan ang Form ng Pag-apruba at
Paghahayag ng Regalo at Kagandahang-loob para sa anumang pakikipagpalitan sa isang
opisyal ng pamahalaan anuman ang halaga nito. Kinakailangan ang paunang pag-apruba
kung mas mataas pa sa $25USD (o lokal na katumbas na presyo) ang halaga nito.
• Hindi ka dapat magbigay o tumanggap ng anumang regalo o item ng kagandahang-loob sa (o
mula sa) isang komersyal na entity maliban na lang kung naaayon ito sa Patakaran sa
Regalo at Kagandahang-loob.
• Dapat kang maging mulat at magalang sa mga patakaran sa regalo at kagandahang-loob na
ipinapatupad ng iyong mga kasosyo sa negosyo at opisyal ng pamahalaan kaugnay ng
pagtanggap ng mga regalo. Kung hindi ka sigurado, tanungin sila tungkol sa kanilang
patakaran.
• Dapat ka lang magbigay o tumanggap ng regalo o item ng kagandahang-loob na sumusunod
sa mga lokal na batas na maaaring mas mahigpit kaysa sa batas ng U.S.
Sino ang itinuturing na isang opisyal ng pamahalaan?
Sinumang empleyado ng pederal, pang-estado, o lokal na pamahalaan, anumang ahensya ng
pamahalaan o entity na pag-aari ng pamahalaan. Tingnan ang Pandaigdigang Patakaran
Laban sa Katiwalian para sa legal na kahulugan, at ang mga pangkaraniwang halimbawa ay
gaya ng mga sumusunod:
• Mga opisyal na nahalal, halimbawa ay mga alkalde at empleyado ng estado at mga pederal
na tanggapan, kabilang iyong mga tumatakbo bilang mga kandidato para sa isang
katungkulan;
• Mga opisyal na nangangasiwa at nagsisiyasat sa ating mga pagpapatakbo, halimbawa ay
ang Kagawaran ng Agrikultura at ang Kagawaran ng Paggawa; o
• Mga opisyal na nagtatrabaho para sa mga institusyong pag-aari ng pamahalaan, halimbawa
ay mga pampublikong paaralan at pederal na pulisya o pulisya ng estado.
| Kodigo ng Asal
29
T: Kailan ka dapat maghayag ng Regalo o Item ng Kagandahang-loob?
S: Kung nakakatugon ang palitan sa alinman sa mga pamantayan sa ibaba, inaasahan naming
ihahayag mo ang regalo o item ng kagandahang-loob upang protektahan ang iyong sarili at ang
Kumpanya.
• Kapag isa sa mga partidong kasali sa palitan ay isang opisyal ng pamahalaan.
• Kapag mas malaki sa $100 ang halaga ng regalo o item ng kagandahang-loob para sa isang opisyal
na hindi sa pamahalaan.
T: Paano ka dapat maghayag ng Regalo o Item ng Kagandahang-loob?
S: Sa U.S., sagutan ang electronic na form ng paghahayag na naka-link sa ibaba. Awtomatiko itong
ira-route ng Ethics & Compliance para sa mga naaangkop na pag-apruba batay sa partidong kasali sa
palitan at sa halaga ng item. Maaaring may ibang form na ginagamit ang mga lokasyon sa ibang
bansa, makipag-ugnayan sa iyong lokal na kinatawan ng HR para sa gabay. Mas gusto naming
sagutan mo ang form ng pag-apruba at paghahayag bago ang palitan, ngunit nauunawaan naming
may mga sitwasyong maaaring humadlang sa paunang pag-apruba. May mahihigpit na panuntunan
sa kung ano ang maaari nating ibigay sa isang opisyal ng pamahalaan at kinakailangan pa rin ng
pagpapahayag anuman ang halaga nito. Bukod pa sa pagsasagot sa form ng paghahayag, dapat mo
ring tukuyin ang mga pangalan ng mga opisyal ng pamahalaan at ang mga halaga ng mga item na
ibinigay mo sa isang opisyal ng pamahalaan sa isang ulat ng mga nagastos kapag humihiling ng
pagbabalik ng nagastos.
T: Ano ang dapat kong gawin?
May supplier na nagbigay sa akin ng mamahaling regalo sa isang pagpupulong sa negosyo, at alam
kong dahil sa mga kultural na tradisyon ay maiinsulto siya kapag hindi ko ito tinanggap.
S: Dapat mong iulat kaagad ang regalo sa Ethics & Compliance at humingi ng gabay. Depende sa mga
sitwasyon at halaga ng regalo, maaari naming hilingin sa iyo na ibalik ang regalo o ibigay ito sa
kawanggawa.
T: Maaari ba tayong magbigay ng mga nominal na regalo sa ating mga inspektor ng kaligtasan sa
pagkain?
Manananghalian kami upang ipagdiwang ang isang milestone ng kaligtasan sa planta, ayos lang bang
imbitahan ang ating lokal na inspektor ng USDA na saluhan kami?
S: Sa U.S., hindi pinapayagan ang mga inspektor na tumanggap ng mga regalo mula sa Kumpanya.
Maaaring iba-iba ito ayon sa bansa, at kung kailangan mo ng karagdagang gabay, sumangguni sa
patakaran o makipag-ugnayan sa Law Department.
Regalo at Kagandahang-loob
Tingnan ang eksenang ito na nagpapakita ng mga hindi naaangkop na regalo para sa isang
kasosyo sa negosyo.
Mag-click dito upang tingnan ang video
Form: Form ng Pag-apruba at Paghahayag ng Regalo at Kagandahang-loob
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Regalo at Kagandahang-loob, Pandaigdigang Patakaran Laban sa
Katiwalian, Pandaigdigang Patakaran sa Paglalakbay
Makipag-ugnayan sa: Ethics & Compliance, Human Resources, Law Department
| Kodigo ng Asal
30
Privacy ng Data Pinoprotektahan namin ang data sa wastong paraan
May tungkulin kaming kolektahin, gamitin, i-store, at ibahagi ang personal na data ng aming
mga miyembro ng team at kasosyo sa negosyo sa responsable at legal na paraan, na naaangkop
sa mga hurisdiksyon kung saan tayo nagnenegosyo. Mas nagiging kumplikado ang mga batas at
regulasyon sa pandaigdigang privacy sa data at napapailalim tayo sa ilan sa mga ito, kabilang
ang European Union’s General Data Protection Regulation (GDPR) at ang California Consumer
Privacy Act (CCPA). Bukod pa rito, sumusunod tayo sa mga sumusunod na principal ng data
kapag nangongolekta, gumagamit, nagso-store, at nagbabahagi tayo ng personal na data:
• Dapat kinakalap lang ang personal na data para sa mga partikular, malinaw at naaayon sa
batas na layunin at hindi ito dapat pinoproseso para sa paraang hindi katugma ng mga
layuning iyon;
• Ang personal na data ay dapat sapat, nauugnay, limitado sa kung ano ang kailangan para sa
mga layunin ng pagproseso, tumpak, at kung kinakailangan, napapanatiling napapanahon;
• Ang personal na data ay dapat kolektahin, gamitin, i-store, at ibahagi alinsunod sa mga
karapatan ng mga ng mga may-ari ng data;
• Ang personal na data ay dapat iproseso nang patas, naaayon sa batas, at sa malinaw na
paraan;
• Ang personal na data ay hindi dapat pinapangasiwaan nang mas matagal kaysa sa
kinakailangan para sa mga layunin ng pagpoproseso; at
• Ang personal na data ay dapat wastong pinoprotektahan at secure na inililipat.
Kung makakatanggap ka ng tanong mula sa isang miyembro ng team ng Tyson, customer, o iba
pang kumpanya o partido, na nauugnay sa privacy sa data, pag-delete ng data, mga opt-out,
access sa data, o iba pang paksang nauugnay sa data, kaagad mo silang isangguni sa
[email protected]. Mga miyembro lang ng team na responsable sa pagsunod sa privacy ang
awtorisadong sumagot sa mga kahilingang nauugnay sa data.
Sanggunian sa Patakaran: Pandaigdigang Patakaran sa Privacy
Makipag-ugnayan sa: Information Technology
Kumpetisyon Nakikipagkumpitensya tayo sa market nang may integridad at nang sumusunod sa mga batas
sa kumpetisyon
Sumusunod tayo sa literal na kahulugan at sa layunin ng mga batas sa kumpetisyon
(tinatawag ding mga batas sa “antitrust”) saanman tayo nagnenegosyo. Ginawa ang mga batas
na ito upang matiyak ang patas, tapat at malusog na kumpetisyon at para maprotektahan ang
mga consumer. Sa pangkalahatan, ipinagbabawal ng mga batas na ito ang mga pagsasabwatan
sa pagitan ng magkakakumpitensya, mga maling pagtatangkang magmonopolyo sa mga market
at itakda o kontrolin ang mga presyo, at iba pang hindi patas na kagawian sa negosyo. Ang
anumang paglabag sa mga batas na ito ay maaaring magkaroon ng matitindi at malalawak na
kahihinatnan para sa mga kumpanya natin at sa mga nasasangkot na indibidwal. Ang mga
batas ay napakalawak at kumplikado at nag-iiba-iba ayon sa bansa; samakatuwid, hinihikayat
kang magtanong kung kailangan mo ng karagdagang gabay sa [email protected].
Kung regular kang kasali sa negosasyon, pagpepresyo, pagsusuri, pag-apruba o pagpapatupad
sa mga kasunduan para sa pagbili ng mga hilaw na materyales, sangkap, o supply o pagbebenta
| Kodigo ng Asal
31
ng mga produkto, responsibilidad mong maunawaan ang mga batas na ito nang higit pa sa
nilalaman ng ating Kodigo, at dapat ay unawain at sundin mo ang mga naaangkop na batas at
patakaran sa kumpanya para sa anumang bansa kung saan ka nagnenegosyo. Kung may
nalalaman o pinaghihinalaan kang anumang paglabag sa mga batas sa antitrust o patakaran
ng kumpanya, kaagad mo itong iulat sa Law Department o sa isang miyembro ng management.
T: Ano ang dapat mong gawin kapag nakikipagnenegosyo sa Mga Supplier o Customer?
S:
• Ibatay ang iyong mga pagpapasya ukol sa pagbili o pagbebenta sa kalidad, halaga at serbisyo sa
customer;
• Iwasan ang mga hindi patas o mapanlinlang na kagawian sa pakikipagkalakalan;
• Malinaw na ipaalam ang ating mga programa sa pagbili o pagbebenta; at
• Tumupad sa iyong mga pangako.
T: Ano ang dapat mong gawin kapag nagnenegosyo kasama ng Mga Kakumpitensya?
S:
• Huwag pumasok sa anumang kasunduang magtakda ng mga presyo o iba pang tuntunin sa
pagbebenta (halimbawa, mga tuntunin sa credit, programa sa pakikipagkalakalan, atbp.),
magkoordina ng mga bid, maghatian ng mga customer, teritoryo sa pagbebenta o linya ng
produkto nang hindi nakikipag-ugnayan sa Law Department;
• Huwag talakayin ang mga transaksyong hindi saklaw ng kasalukuyang transaksyon;
• Palaging tiyaking mapapatunayan at batay sa katotohanan ang mga claim na ginagawa mo
tungkol sa mga produkto ng mga kakumpitensya at produkto natin;
• Palaging gumamit ng mga lehitimong paraan ng pagkuha ng pampublikong kompetitibong
impormasyon; at
• Palaging igalang ang kanilang kumpidensyal na impormasyon at mga karapatan sa intelektwal
na ari-arian.
Sanggunian sa Patakaran: Pandaigdigang Patakaran sa Antitrust
Makipag-ugnayan sa: Law Department
INTELEKTWAL NA ARI-ARIAN Pinoprotektahan natin ang ating mga trade secret at intelektwal na ari-arian
Ang ating mga trade secret at intelektwal na ari-arian ang nagbibigay sa atin ng kalamangan
sa kumpetisyon at mahalaga ang pagprotekta sa impormasyong ito para sa ating tagumpay. Sa
labas ng Kumpanya, dapat mo lang talakayin ang impormasyon ng kumpanya na available sa
publiko. Kung pumasok ka sa isang kasunduan sa pagiging kumpidensyal na inaprubahan ng
Law Department kasama ng isang kasosyo sa negosyo, maaaring naaangkop na talakayin ang
ilang partikular na hindi pampublikong impormasyon ng kumpanya kasama ng kasosyo sa
negosyo. Dapat nating palaging igalang ang mga trade secret at intelektwal na ari-ariang
pagmamay-ari ng ating mga kasosyo sa negosyo kabilang ang pagsunod sa mga tuntunin ng
anumang tiyak na kasunduang nauugnay sa ating kaugnayan sa negosyo.
| Kodigo ng Asal
32
T: Ano ang mga trade secret?
S: Formula, kagawian, proseso, disenyo, instrumento, pattern, o pinagsama-samang impormasyong
hindi alam ng lahat.
T: Ano ang itinuturing na intelektwal na ari-arian?
S: Mga likha ng kaisipan na kinabibilangan ng mga imbensyon, patent, pangalan, imahe, trademark,
disenyo, mga obra at simbolong pampanitikan at makasining.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Copyright
Makipag-ugnayan sa: Law Department
| Kodigo ng Asal
33
Mga Investor
Nakadepende sa atin ang ating mga investor upang protektahan ang value ng shareholder.
Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng pagtatakda ng at pagsunod sa mga etikal na kagawian
sa negosyo. Umiiwas tayo sa mga salungatan ng interes, nagpapanatili
ng pagiging kumpidensyal ng impormasyon ng kumpanya, at pinoprotektahan natin ang mga
asset ng kumpanya.
| Kodigo ng Asal
34
Salungatan ng Interes Iwasang gamitin ang iyong posisyon sa Tyson upang magkaroon ng personal na kalamangan
May tungkulin kang umiwas sa salungatan ng interes, o isang bagay na magmumukhang
pagsasalungat. Nagkakaroon ng “salungatan ng interes” kapag ang iyong mga personal na
interes o ang mga interes ng mga miyembro ng iyong pamilya ay nakikipagkumpitensya sa
kakayahan mong isagawa ang iyong mga responsibilidad sa trabaho o nakikipagkumpitensya
sa kakayahan ng Tyson na isagawa ang negosyo nito. Bagama’t iginagalang namin ang iyong
karapatang pamahalaan ang iyong mga personal na interes at kaugnayan, may tungkulin kang
iwasang gamitin ang iyong posisyon sa kumpanya upang magkaroon ng personal na
kalamangan.
Karaniwang nagreresulta ang personal na interes sa isang pinansyal na transaksyon at
maaaring kabilang dito ang trabaho, interes sa equity (interes sa pagmamay-ari sa isang
kumpanya) o pagpapautang.
AKTIBIDAD?
| Kodigo ng Asal
35
T: Kailan ka dapat maghayag ng Kaugnayan ng Kasosyo sa Negosyo?
S: Kung mayroon kang personal na interes sa isang aktibidad sa negosyo gaya ng nakasaad sa itaas,
inaasahan naming ihahayag mo ito upang protektahan ang iyong sarili at ang Kumpanya. Hindi ito
tungkol sa kung sa tingin mo ay hindi ito materyal o sa tingin mo ay hindi ito sumasalungat sa iyong
mga responsibilidad sa trabaho. Tungkol ito sa pagkakaroon ng personal na interes sa isang aktibidad
sa negosyo.
T: Paano ka dapat maghayag ng Kaugnayan ng Kasosyo sa Negosyo?
S: Sa U.S., sagutan ang electronic na form ng paghahayag na naka-link sa ibaba. Awtomatiko itong
ira-route sa iyong supervisor, HR, at Ethics & Compliance para sa pagsusuri. Maaaring may ibang
form na ginagamit ang mga lokasyon sa ibang bansa, makipag-ugnayan sa iyong lokal na kinatawan
ng HR para sa gabay. Kung mapag-alaman naming wala talagang salungatan ng interes batay sa
iyong mga kasalukuyang responsibilidad sa trabaho, katanggap-tanggap ang iyong personal na
interes at mga aktibidad sa negosyo.
T: Mayroon ba akong pagsasalungat ng interes?
Ang aking biyenan ay nagmamay-ari ng manukang pinapatakbo para sa Tyson, kailangan ko ba itong
ihayag?
S: Oo. Mayroong personal na interes dahil itinuturing na mga miyembro ng pamilya ang iyong mga
biyenan at itinuturing na mga kasosyo sa negosyo ang mga grower. Kailangan mong sagutan ang form
ng paghahayag.
Salungatan ng Interes
Tingnan ang eksenang ito na nagpapakita ng salungatan ng interes.
Mag-click dito upang tingnan ang video
Form: Form ng Paghahayag ng Kaugnayan ng Kasosyo sa Negosyo
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Salungatan ng Interes
Makipag-ugnayan sa: Ethics & Compliance, Human Resources, Law Department
| Kodigo ng Asal
36
Paggamit ng Asset ng Kumpanya
Nakatuon tayo sa wastong paggamit ng mga asset ng kumpanya
PISIKAL NA ARI-ARIAN Nagtitiwala kaming gagamitin mo ang ari-arian ng Tyson para sa mga lehitimong layuning
pangnegosyo at igagalang at aalagaan ang ari-ariang ito na tulad ng sa iyo. Dapat tayong
magtulungan upang protektahan ang ari-ariang ito mula sa pagnanakaw, pagkawala,
pagkasira, o maling paggamit dahil ito ang tamang gawin at makakatipid ito ng pera. Ang mga
manager na may awtoridad sa paggasta o namamahala ng mga badyet at account ay may
karagdagang antas ng responsibilidad na protektahan ang ari-arian ng Tyson.
Kabilang sa mga halimbawa ng pisikal na ari-arian ang:
• Mga Supply
• Kagamitan
• Makinarya
• Mga Imbentaryo
• Mga electronic na device
Kabilang sa mga halimbawa ng mga intangible na asset ang:
• Oras ng kumpanya
• Hindi pampublikong data at impormasyon
• Produkto sa trabaho
• Intelektwal na ari-arian
Sanggunian sa Patakaran: Mga Patakaran sa Corporate Accounting at Treasury
Makipag-ugnayan sa: Miyembro ng Management
MGA TEKNOLOHIYA AT ELECTRONIC NA KOMUNIKASYON
| Kodigo ng Asal
37
Nauunawaan naming mahalaga ang mga information technology system sa ating negosyo.
Lahat tayo ay may responsibilidad na protektahan ang mga system na ito at ang nauugnay na
data mula sa pagkawala o pagkakompromiso. Inaasahan naming gagamitin mo ang iyong mga
electronic na tool sa komunikasyon sa wastong paraan at para sa mga layuning pangnegosyo, at
upang mapanatiling walang panliligalig at pandidiskrimina sa iyong content. Kung may
nalalaman o pinaghihinalaan kang anumang paglabag sa patakaran sa electronic na paggamit,
dapat mo itong iulat kaagad sa isang miyembro ng management o sa Help Line.
Pagmamay-ari ng Tyson ang iyong email sa trabaho at mga account sa Internet at ang
impormasyong naka-store sa mga ito. Bagama’t katanggap-tanggap ang limitadong personal na
paggamit, hindi mo maaaring asahang magkakaroon ng privacy sa mga personal na
komunikasyon na ginawa sa mga account at device ng Tyson.
Tandaan…kinakatawan ng iyong email at mga online na komunikasyon ang Tyson sa mundo.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit, Patakaran sa Klasipikasyon ng
Data, Patakaran sa Panliligalig at Pandidiskrimina
Makipag-ugnayan sa: Human Resources, Information Technology
| Kodigo ng Asal
38
Mga Aklat at Tala Nagtatabi tayo ng mga tumpak at kumpletong tala
Responsibilidad nating lahat na panatilihin ang katumpakan at integridad ng mga aklat at
talang pinapamahalaan natin sa pang-araw-araw, anuman ang ating mga posisyon.
Nakadepende sa atin ang publiko at ang ating mga investor upang matiyak na tumpak at patas
na sinasalamin ng ating mga tala sa negosyo ang mga negosyo at pinansyal na kundisyon ng
Tyson. Ang lahat ng transaksyon ay itatala at iuulat alinsunod sa mga prinsipyo sa accounting
na pangkalahatang tinatanggap at alinsunod sa ating mga patakaran at pamamaraan sa
accounting kabilang ang mga itinakdang system ng mga panloob na kontrol.
PANLOLOKO Nakadepende kami sa iyo na magsumikap na iwasan ang mga mapanlokong aktibidad na
kinabibilangan ng panloloko sa pinansyal na statement, maling paggamit ng asset, paglustay at
katiwalian. Inilalagay sa panganib ng panloloko ang integridad ng ating mga aklat at tala at
maaari itong maging paglabag sa batas. Isinasagawa ang mga mapanlokong aktibidad upang
magtamo ng isang bagay na may halaga o upang iwasan ang mga negatibong kahihinatnan.
Kabilang sa mga halimbawa ng Panloloko ang:
• Maling pagdedeklara ng pinansyal na impormasyon sa mga aklat at tala ng ating
kumpanya;
• Pagpapalit ng mga bilang ng na-manufacture upang makatugon sa mga layunin ng pagiging
produktibo;
• Pagsisinungaling tungkol sa benta ng mga produkto upang makatugon sa mga layunin sa
benta o makakuha ng negosyo;
• Hindi pagbibigay ng mga order sa pagbili, pag-antala ng mga resibo ng mga produkto o
pagpigil ng mga invoice upang maiwasan ang paglampas sa badyet; o kaya
• Maling pag-ulat ng oras ng pagtatrabaho mo o ng iba pa upang kumita nang mas malaki o
upang maiwasang madisiplina dahil sa pagkahuli o pagliban sa trabaho.
Hinihikayat ka naming suriin ang Pandaigdigang Patakaran sa Paglalakbay. Nagbibigay ng
gabay ang patakarang ito tungkol sa kung ano ang kinakailangan kapag nagsusumite ng ulat
ukol sa gastos sa paglalakbay at paglilibang.
Sanggunian sa Patakaran: Mga Patakaran sa Corporate Accounting at Treasury, Pandaigdigang Patakaran sa
Paglalakbay
Makipag-ugnayan sa: Finance & Accounting, Internal Audit
PAMAMAHALA NG MGA TALA May responsibilidad ang bawat isa sa atin na wastong pamahalaan ang ating mga tala upang
magtaguyod ng pagkaepisyente, pagtitipid sa gastos, pagiging kumpidensyal at pagsunod sa
batas. May responsibilidad tayong magpanatili, magtabi at sumira ng mga tala ng kumpanya,
nasa papel man ito o electronic, alinsunod sa lahat ng legal at regulatoryong kinakailangan sa
pagpapanatili ng tala. Dapat ay madaling ma-access at wastong pinoprotektahan ang mga tala
ng kumpanya hanggang sa mga petsa ng pagsira sa mga ito. Ang mga manager na may access
sa kumpidensyal na impormasyon ay may karagdagang antas ng responsibilidad na
protektahan ito. Nagbibigay ng gabay ang ating Patakaran sa Klasipikasyon ng Data tungkol
sa kung paano uriin ang iyong mga tala ayon sa antas ng pagiging kumpidensyal ng mga ito.
Inaasahan naming susuriin at uunawain mo ang iyong mga iskedyul ng pagpapanatili upang
malaman kung ano ang itatabi, ano ang sisirain, at kung kailan ito sisirain. Bukod pa rito,
| Kodigo ng Asal
39
dapat mong tandaan ang mga pagbubukod sa pagsira ng mga talang may kaugnayan sa
paglilitis, mga pag-audit o pagsisiyasat dahil maaaring kailanganing itabi ang mga ito nang
mas matagal kaysa sa mga karaniwang kinakailangan.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Klasipikasyon ng Data, Patakaran sa Pagtatabi at Pagtatapon ng Tala
Makipag-ugnayan sa: Information Technology, Pagtatabi ng Tala
Panunuhol at Katiwalian Hindi natin pinapayagan ang panunuhol at katiwalian
Nagsusumikap tayong magnegosyo nang may integridad sa lahat ng ating ginagawa, at
nilalabag ng mga tiwaling kagawian sa negosyo ang tiwalang ito. Lubos na nakakasama ang
panunuhol at katiwalian sa mga komunidad kung saan tayo nagnenegosyo. Hindi namin
pinapayagan ang anumang uri ng panunuhol, patong, payoff o katiwalian, mga bayad para sa
pag-aasikaso, (kung minsan ay tinatawag na mga pampadulas na bayad) sa mga opisyal ng
pamahalaan at opisyal na hindi sa pamahalaan, kabilang ang ating mga kasosyo sa negosyo.
Karaniwang ibinibigay ang bayad para sa pag-aasikaso sa mga opisyal ng pamahalaan upang
pabilisin o i-secure ang mga regular na pagkilos ng pamahalaan, at ilegal ang mga ito sa ilalim
ng iba’t ibang batas.
Ipinagbabawal ng mga batas ng U.S. ang pagbibigay o pag-aalok na magbigay ng pera o
anumang bagay na may halaga sa isang opisyal ng dayuhang pamahalaan para sa pagkuha,
pagpapanatili o pagdirekta ng negosyo sa Tyson. Dapat din tayong sumunod sa mga naaangkop
na batas na hindi sa U.S. na nauugnay sa panunuhol at katiwalian.
T: Sino ang itinuturing na isang opisyal ng pamahalaan?
S: Sinumang empleyado ng pederal, pang-estado, o lokal na pamahalaan, anumang ahensya ng
pamahalaan o entity na pag-aari ng pamahalaan. Tingnan ang Pandaigdigang Patakaran Laban sa
Katiwalian para sa higit pang detalye at mga halimbawa kung saan kabilang ang sumusunod:
• Mga opisyal na nahalal, halimbawa, mga mayor at empleyado ng mga tanggapan sa estado at
pederal na tanggapan, at mga kandidato para sa isang katungkulan;
• Mga opisyal na nangangasiwa at nagsisiyasat sa ating mga pagpapatakbo, halimbawa, ang
Kagawaran ng Agrikultura o ang Kagawaran ng Paggawa; o kaya
• Mga opisyal na nagtatrabaho para sa mga institusyong pag-aari o pinapamahalaan ng
pamahalaan, halimbawa, mga pampublikong paaralan at pederal na pulisya o pulisya ng estado.
T: Maaari ba akong magbayad para sa pag-aasikaso upang pabilisin ang proseso?
Ipinaalam sa akin na maaari akong kumuha ng lokal na kumpanya o consultant upang tumulong sa
pagkuha ng lahat ng kinakailangang permit mula sa pamahalaan ng ibang bansa. May hiniling na
paunang bayad upang "makatulong sa pag-usad ng proseso." Sinabi sa aking isa itong
pangkaraniwang kagawian sa bansang ito.
S: Hindi. Responsibilidad natin ang mga pagkilos ng anumang third party na nagtatrabaho sa ngalan
natin, at hindi pinapayagan ang mga bayad para sa pag-aasikaso alinsunod sa patakaran ng
kumpanya. Ang kahilingan para sa isang advance na bayad ay isang posibleng masamang senyales;
mas masamang senyales ang komento na makatulong sa pag-usad ng proseso. Kumonsulta sa Law
Department bago magpatuloy.
| Kodigo ng Asal
40
Mahalaga na malaman mong ipinagbabawal ang pagtatamo, o kahit na ang pagsubok na
magtamo, ng personal na benepisyo o hindi patas na kalamangan sa negosyo sa pamamagitan
ng maling kasunduan. Ang kasunduang ito ay maaaring sa isang customer, supplier, opisyal ng
pamahalaan o ibang kasosyo sa negosyo at hindi lang nito nilalabag ang ating Mga
Pangunahing Pagpapahalaga at mga patakaran ngunit maaari din itong maging isang
matinding paglabag sa mga naaangkop na batas laban sa katiwalian. Kabilang sa ilang
halimbawa ng mga batas na ito ang:
• United States Foreign Corrupt Practices Act na kilala rin bilang ang “FCPA.” Partikular na
ipinagbabawal ng FCPA ang pangako o pagbabayad (direkta o hindi direkta) ng pera o
anumang may halaga sa isang dayuhang opisyal ng pamahalaan para sa pagkuha,
pagpapanatili, pag-impluwensya o pagdirekta ng negosyo. Nalalapat ang FCPA sa Tyson at
sa mga subsidiary nito sa buong mundo.
• United Kingdom’s Bribery Act na kilala rin bilang ang “UK Bribery Act.” Pinapalawak ng
UK Bribery Act ang mga probisyon ng FCPA upang ipagbawal ang komersyal na panunuhol
at mga bayad para sa pag-aasikaso.
Bukod pa sa iyong mga pagsusumikap na iwasan ang mga ganitong uri ng hindi wastong
pagbabayad kung saan may nauugnay na pera o mga katumbas ng pera, tandaang maaari ding
ituring na suhol ang anumang uri ng regalo, benepisyo o item ng kagandahang-loob. Kung
regular kang kasali sa pagbili, pagbebenta, negosyo sa ibang bansa, o pakikipag-ugnayan sa
mga opisyal ng pamahalaan, responsibilidad mong unawain ang content tungkol sa panunuhol
at katiwalian sa ating Kodigo at nauugnay na mga patakaran ng kumpanya.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Regalo at Kagandahang-loobPandaigdigang Patakaran Laban sa
Katiwalian
Makipag-ugnayan sa: Law Department
Mga Kagawian sa Pakikipagkalakan Sumusunod tayo sa mga batas at regulasyon sa pandaigdigang pakikipagkalakalan
Maraming pandaigdigang aspekto ang ating negosyo, at kailangan nating unawain at sundin
ang mga espesyal na batas at regulasyong naaangkop sa pag-import at pag-export ng mga
produkto at nauugnay na impormasyon. Tinutugunan ng mga batas na ito ang pag-verify ng
pagiging kwalipikado ng benta sa isang customer o bansa, pagkuha ng mga kinakailangang
lisensya at permit, pagsusumite ng ilang partikular na form at pagbabayad ng lahat ng
naaangkop na obligasyon at buwis.
Bukod pa rito, gumagamit ng mga pang-ekonomikong parusa at embargo sa
pakikipagkalakalan ang U.S. at iba pang pamahalaan upang isulong ang iba’t ibang patakaran
ng ibang bansa at layunin ng pambansang seguridad, halimbawa, drug trafficking at terorismo.
Ipinagbabawal ang mga transaksyon sa mga pinaghihigpitang bansa, indibidwal at/o
organisasyong ito.
Hindi ka dapat kailanman makilahok sa anumang transaksyon o negosasyon nang hindi
lubusang nauunawaan ang mga batas, regulasyon, parusa at embargo na ito. Kabilang dito ang
mga pag-boycott na isinusulong ng mga dayuhang bansa o organisasyon, na naglalayong pigilan
ang kalakalan o magtaguyod ng pag-boycott ng mga customer o supplier na nasa isang bansang
kaibigan ng U.S. o mga tao, kumpanya, o korporasyong mula sa U.S.
| Kodigo ng Asal
41
Matitindi ang mga kahihinatnan dahil sa paglabag sa mga batas at regulasyon sa
pakikipagkalakalan para sa ating kumpanya at sa mga nasasangkot na indibidwal, kabilang
ang pagkawala ng mga pribilehiyong mag-export at mga posibleng sibil at/o kriminal na multa.
Kung nasasangkot ka sa paglilipat ng mga produkto o serbisyo patungo sa ibang bansa sa
ngalan ng Tyson, dapat kang sumunod sa mga batas at regulasyong ito, saan ka man naroroon.
Palaging kumonsulta sa Law Department kung sasali ka sa mga aktibidad sa pandaigdigang
pakikipagkalakalan at hindi ka sigurado sa mga kinakailangan ng bansa.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Mga Parusa
Makipag-ugnayan sa: Law Department
Pakikipagkalakalan ng Insider Hindi tayo nakikipagkalakal ng stock sa materyal na hindi pampublikong impormasyon
Isa tayong kumpanyang ikinakalakal sa publiko at dahil dito ay inaasahan naming susunod ka
sa mga batas sa pakikipagkalakal ng mga security (tinatawag ding mga batas sa
“pakikipagkalakalan ng insider”), kung saan isa rito ay ang pagpapanatiling kumpidensyal ng
hindi pampublikong impormasyon. Ang kahulugan ng hindi pampublikong impormasyon ay
impormasyong hindi isinapubliko at ituturing na mahalaga ng makatuwirang tao kapag
nagpapasya ukol sa pamumuhunan. Ang hindi pampublikong impormasyon ay tinatawag ding
‘panloob na impormasyon,’ ‘materyal na hindi pampublikong impormasyon’ o ‘pinagmamay-
ariang impormasyon’ at dapat ituring na kumpidensyal na impormasyon.
Habang isinasagawa ang iyong mga responsibilidad sa trabaho, maaaring may malaman kang
hindi pampublikong impormasyon tungkol sa ating kumpanya, mga customer, mga supplier o
iba pang kasosyo sa negosyo. Hindi mo maaaring gamitin ang impormasyong ito kapag
nagpapasyang bumili o magbenta ng mga security (halimbawa, mga stock, bond o opsyon) ng
mga kumpanyang ito na hawak mo ang panloob na impormasyon. Hindi mo rin maaaring
ibahagi ang impormasyong ito sa ibang tao, kabilang ang iba pang miyembro ng team na
maaaring bumili o magbenta ng mga security.
Mayroon tayong mga karagdagang proteksyon para sa ating Board of Directors, senior
management at sa mga taong itinalaga nilang magkaroon ng regular na access sa panloob na
impormasyon. May mga paghihigpit sa pakikipagkalakalan kaugnay ng mga release ng kita
kada quarter kapag hindi pa naire-release sa publiko ang materyal na hindi pampublikong
impormasyon. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa mga partikular na transaksyon sa
stock o kung may nalalaman o pinaghihinalaan kang anumang paglabag sa pakikipagkalakal
ng mga security, makipag-ugnayan sa Law Department.
Tandaan, responsibilidad mong sumunod sa mga kinakailangan sa pakikipagkalakal ng mga
security. Palaging pinakamainam na magtanong bago ka kumilos.
T: Ano ang ilang halimbawa ng materyal na impormasyon?
S: Anumang impormasyong maaaring makatuwirang aasahang makakaapekto sa presyo ng stock
para sa Tyson o ibang kumpanya. Tandaan, maaaring ituring na materyal ang positibo o negatibong
impormasyon. Ang mga pangkaraniwang halimbawa ng materyal na impormasyon ay: mga historikal
na kita o pagkaluging hindi pa naisasapubliko, mga pagtataya ng kita o pagkalugi sa hinaharap,
balita tungkol sa isang nakabinbin o ipinapanukalang merger, pagkuha o joint venture, balita tungkol
sa isang mahalagang benta ng mga asset, mga pagbabago sa senior management, ang deklarasyon ng
| Kodigo ng Asal
42
paghati ng stock o ang pag-aalok ng mga karagdagang security, mahahalagang bagong produkto o
pagtuklas, at ang pagkakaroon o pagkawala ng mahalagang customer o supplier.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Pagkikipagkalakal ng Mga Security
Makipag-ugnayan sa: Law Department
| Kodigo ng Asal
43
Komunidad
Bilang isang pandaigdigang kumpanya, nagnenegosyo tayo sa maraming komunidad sa buong
mundo.
Nakatuon tayo sa paggawa ng positibong epekto sa mga komunidad na ito sa pamamagitan ng
pagnenegosyo sa isang naitataguyod at etikal na paraan at sa pamamagitan ng pagsunod sa
mga batas ng
bawat bansa kung saan tayo nagnenegosyo.
| Kodigo ng Asal
44
Kapakanan ng Hayop Patuloy naming pinapabuti ang kapakanan ng mga hayop na ipinagkatiwala sa amin
Mayroon tayong pangmatagalang pagtuon sa kapakanan, wastong pangangasiwa, at
makataong pagkuha sa lahat ng hayop na ginagamit sa ating mga produktong pagkain. Hindi
lang ito ang tamang gawin; isa rin itong mahalagang moral at etikal na obligasyong utang
natin sa ating mga kasosyo sa negosyo, mamimili at higit sa lahat, sa mga hayop na inaasahan
natin para sa ating mga produkto at kabuhayan. Mayroon tayong mga nakalaang propesyonal
na nagbibigay ng gabay sa kapakanan ng hayop tungkol sa kaalaman, transparency at
pananagutan.
Inaasahan natin sa mga miyembro ng ating team at kasosyo sa supply na sumunod sa mga
batas na nangangasiwa sa makataong pagtrato at pagkuha ng mga hayop, at magsilbing mga
tagapamahala ng mga hayop. Kung may nalalaman o pinaghihinalaan kang anumang
paglabag, aksidente man o sinasadya, dapat mo itong iulat kaagad sa isang miyembro ng
management o sa Help Line.
Sanggunian sa Patakaran: Mga Programa para sa Kapakanan ng Hayop
Makipag-ugnayan sa: Supervisor, Kapakanan ng Hayop, Human Resources
Kapaligiran Nakatuon tayo sa pagprotekta sa kapaligiran
Naniniwala tayong mahalaga ang pagprotekta ng mga likas na yaman sa pagkakaroon ng
malinis na hangin, tubig at lupa para sa mundo. Inaasahan naming papamahalaan mo ang
lahat ng pagpapatakbo sa paraang responsable sa kapaligiran. Nakatuon tayo sa pagsunod sa
mga batas ukol sa kapaligiran, patakaran ng kumpanya at itinakdang matataas na
pamantayan para sa pamamahala ng mga tinukoy na panganib sa kapaligiran.
Sinasaklaw ng mga batas na ito ukol sa kapaligiran ang paggamit, pagkontrol, transportasyon,
pagtatabi at pagtatapon ng mga pinapangasiwaang materyales na maaaring umabot sa
kapaligiran bilang bahagi ng pagpoproseso ng nagamit nang tubig, pagkontrol sa mga usok,
solid at mapanganib na basura o hindi kontroladong pagtagas. Kung may nalalaman o
pinaghihinalaan kang anumang paglabag, aksidente man o sinasadya, dapat mo itong iulat
kaagad sa isang miyembro ng management.
Magtanong sa iyong environmental representative kung ano ang magagawa mo upang
makatulong na matiyak ang pagsunod!
Sanggunian sa Patakaran: Mga Patakarang Pangkapaligiran, Ulat hinggil sa Sustainability
Makipag-ugnayan sa: Environmental Representative, Human Resources
| Kodigo ng Asal
45
Mga Pulitikal na Aktibidad Responsable tayong nakikilahok sa mga pulitikal na aktibidad
Dapat tayong sumunod sa mahihigpit na batas na sumasaklaw sa mga pulitikal na aktibidad
ng korporasyon, pag-lobby at mga kontribusyong iba-iba sa buong mundo. Dahil dito, mayroon
tayong mga partikular na indibidwal na may responsibilidad na makilahok sa mga
pagsusumikap na talakayin ang batas o patakaran ng pamahalaan kasama ng mga opisyal sa
pulitika. Kung kaya, kapag personal kang nakilahok sa pulitikal na proseso, maaari mo lang
itong gawin gamit ang sarili mong pera, oras at kayamanan. Tanging mga miyembro lang ng
team na awtorisado ng government affairs ang maaaring makipag-ugnayan sa opisyal ng
pamahalaan sa ngalan ng Kumpanya para sa mga layuning pampulitika.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Donasyon para sa Kawanggawa at Pulitikal na Kontribusyon
Makipag-ugnayan sa: Government Affairs, Law Department
Pagbibigay para sa Kawanggawa Sinusuportahan natin ang pagbibigay para sa kawanggawa
Naniniwala tayo sa pagtulong sa mga komunidad kung saan tayo nakatira at nagtatrabaho.
Dahil sa masidhing paniniwalang ito kung kaya natin sinusuportahan ang mga organisasyong
pangkawanggawa sa buong mundo, kabilang ang tulong para sa kagutuman at kalamidad. Ang
pagtulong ay maaaring sa pamamagitan ng oras sa pagboboluntaryo, pagbibigay ng produkto o
pagbibigay ng pinansyal na suporta at hinihikayat ka naming makibahagi sa iyong mga lokal
na kawanggawa sa loob at labas ng trabaho.
Mahalagang hindi mo kailanman gamitin ang iyong posisyon sa Kumpanya upang pilitin ang
mga kontribusyon o iba pang uri ng suporta mula sa mga kasosyo sa negosyo o iba pang
miyembro ng team para sa layuning suportahan ang isang kawanggawa.
PANGANGALAP NG MGA DONASYON Hindi ka dapat mangalap ng mga kontribusyon mula sa ating mga kasosyo sa negosyo para sa
pangangalap ng pondo para sa kawanggawa o mga aktibidad ng miyembro ng team. Hindi natin
kailanman gustong makaramdam ang ating mga kasosyo sa negosyo na tungkulin nilang mag-
ambag sa mga aktibidad na ito upang mapanatili ang ating kaugnayang pangnegosyo. Ang
pangangalap sa mga kasosyo sa negosyo ay hindi naaangkop, anuman ang halaga at sa
panahon ng tradisyunal na pagbibigay ng regalo.
Makipag-ugnayan sa Ethics & Compliance bago makibahagi sa anumang aktibidad na may
kasamang mga larong swertihan, halimbawa mga raffle at loterya, na binibigyang-kahulugan
bilang pagbabayad ng pera upang magkaroon ng tsansang manalo ng premyo. Ang mga ito ay
mga lubos na pinapangasiwaang aktibidad at ipinagbabawal sa karamihan ng mga estado,
kahit na kawanggawa ang benepisyaryo nito.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Donasyon para sa Kawanggawa at Pulitikal na Kontribusyon
Makipag-ugnayan sa: Social Responsibility, Ethics & Compliance, Corporate Communications, Law Department
| Kodigo ng Asal
46
Social Media Sinusunod natin ang mga parehong pamantayan ng pag-uugali at paggalang online gaya ng
gagawin natin saanman
Kinikilala natin ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa mga kasosyo sa negosyo at
mamimili sa pamamagitan ng iba’t ibang tool sa social media, ngunit kung hindi ito
responsableng gagamitin, magdudulot ito ng kumpidensyal na isyu at isyu sa reputasyon para
sa Kumpanya. Hinihikayat ka naming maging responsable kapag gumagamit ng social media
habang ikaw ay nasa lugar ng trabaho at sa sarili mong oras.
Kapag nagpo-post sa social media para sa mga layuning pangnegosyo, tumuon sa paggawa ng
value para sa ating mga investor at customer. Dapat ka lang mag-post ng tumpak at
pampublikong impormasyon, at huwag kailanman mag-post ng kumpidensyal na impormasyon.
Dapat mong iwasan ang paggawa ng mga claim tungkol sa ating mga produkto maliban kung
naaprubahan ang mga ito ng management, at huwag i-claim na ikaw ay “nagsasalita para sa
Tyson” maliban kung isa kang awtorisadong tagapagsalita para sa Tyson.
Kung nagpo-post ka sa iyong personal na social media account, hinihikayat ka naming
ipahayag ang iyong mga personal na opinyon ngunit tandaang maaaring magkaroon ng
direktang epekto sa lugar ng trabaho ang iyong mga online na komunikasyon kahit na nangyari
ang mga ito bago o pagkatapos ng oras ng trabaho. Tandaan ang mga sumusunod na seksyon sa
Kodigo kapag gumagamit ka ng social media nang wala sa lugar ng trabaho:
• Pakikipagkalakalan ng Insider
• Intelektwal na Ari-arian
• Mga Inaasahan sa Pamamahala
• Mga Komunikasyon sa Media
• Pagpigil sa Panliligalig at Pandidiskrimina
• Karahasan sa Lugar ng Trabaho
Hinihikayat ka naming maging responsable kapag gumagamit ka ng social media. Kung
mayroon kang mga alalahanin o reklamo tungkol sa Tyson, hinihikayat ka naming gamitin ang
mga kumpidensyal na channel na ibinigay sa Kodigong ito upang idulog ang iyong mga
alalahanin.
Tandaang maaaring panghabambuhay na isipi ang iyong mga online na komunikasyon at
maaari itong makaapekto sa iyong reputasyon at sa reputasyon ng Tyson.
Sanggunian sa Patakaran: Patarakan sa Social Media ,Patakaran sa Mga Pamantayan sa Pamamahala ng Pag-
uugali
Makipag-ugnayan sa: Human Resources, Law Department
| Kodigo ng Asal
47
Mga Komunikasyon sa Media Tanging mga awtorisadong miyembro lang ng team ang maaaring magsalita sa ngalan ng
Kumpanya
Bilang isang kumpanyang nakabase sa U.S. at ikinakalakal sa publiko, mayroon tayong legal
na obligasyong regular na magbigay ng malinaw at tumpak na impormasyon sa media, mga
financial analyst, mga investor at sa publiko. Nakakatulong ito sa ating mapanatili ang
integridad sa ating mga kaugnayan sa mga kasosyo natin sa negosyo at iba pang investor, na
siya namang nakakapagpaganda ng reputasyon ng ating korporasyon.
Nakikipag-ugnayan ang ating investor relations team sa mga financial analyst at investor.
Nakikipag-ugnayan ang ating corporate communications team sa lahat ng iba pang outlet ng
media. Mahalagang tandaan na maliban kung opisyal na inawtorisahan ng Tyson, hindi ka
dapat kailanman makilahok sa mga panayam sa media o sa mga event o forum sa ngalan ng
Kumpanya. Kung nakipag-ugnayan sa iyo ang isang miyembro ng media, paki-refer sila sa
ating corporate communications team sa [email protected].
Kung minsan, maaaring ibigay sa iyo ng Tyson ang impormasyon at ang mga opinyon ng ating
korporasyon tungkol sa mga isyung may kinalaman sa publiko na nakakaapekto sa ating
kumpanya. Hindi naglalayon ang mga anunsyong ito na pilitin kang maniwala sa ilang
partikular na ideya o suportahan ang ilang partikular na cause. Ang iyong mga pagpapasyang
iambag ang iyong oras o pera sa anumang pulitikal na aktibidad o aktibidad ng komunidad ay
ganap na personal at boluntaryo.
Sanggunian sa Patakaran: Patakaran sa Pakikipag-ugnayan sa Media
Makipag-ugnayan sa: Corporate Communications, Investor Relations
| Kodigo ng Asal
48
Mga Resource
Sanggunian sa Patakaran MGA PATAKARAN NG KUMPANYA Matatagpuan ang ating mga patakaran sa korporasyon sa PolicyTech at maaaring ma-access
mula sa Source page sa pamamagitan ng pag-click sa tile na “Patakaran.” Kung hindi
gumagamit ng PolicyTech ang iyong lokasyon, makipag-ugnayan sa iyong lokal na kinatawan
ng HR para sa lokasyon ng iyong mga patakaran.
MGA PATAKARANG BINANGGIT SA KODIGO NG ASAL • Patakaran sa Katangga-tanggap na Paggamit
• Patakaran sa Akomodasyon ng ADA
• Mga Programa para sa Kapakanan ng Hayop
• Patakaran Laban sa Paghihiganti
• Patakaran sa Donasyon para sa Kawanggawa at
Pulitikal na Kontribusyon
• Patakaran sa Pagsasanay para sa Pagsunod
• Patakaran sa Salungatan ng Interes
• Patakaran sa Pagiging Kumpidensyal
• Contract Poultry Farmers’ Bill of Rights
• Patakaran sa Copyright
• Mga Patakaran sa Corporate Accounting at Treasury
• Patakaran sa Klasipikasyon ng Data
• Patakaran sa Droga at Alak
• Patakaran sa Pagiging Kwalipikado sa Trabaho
• Mga Patakarang Pangkapaligiran
• Patakaran sa Patas na Oportunidad sa Trabaho
• Mga Patakaran sa Kaligtasan sa Pagkain at Pagtiyak
sa Kalidad
• Patakaran sa Regalo at Kagandahang-loob
• Pandaigdigang Patakaran Laban sa Katiwalian
• Pandaigdigang Patakaran sa Antitrust
• Pandaigdigang Patakaran sa Privacy
• Pandaigdigang Patakaran sa Paglalabay
• Patakaran sa Panliligalig at
Pandidiskrimina
• Mga Patakaran sa Kalusugan at Kaligtasan
• Mga Patakaran sa Information Technology
• Patakaran sa Mga Panloob na Pagsisiyasat
• Patakaran sa Pakikipag-ugnayan sa Media
• Patakaran sa Pagtatabi at Pagtatapon ng
Tala
• Patakaran sa Akomodasyon sa Relihiyon
• Patakaran sa Mga Parusa
• Patakaran sa Pagkikipagkalakal ng Mga
Security
• Patakaran sa Social Media
• Patakaran sa Mga Pamantayan sa
Pamamahala ng Pagkilos
• Kodigo ng Asal ng Supplier
• Ulat hinggil sa Sustainability
• Pangako ng Miyembro ng Team
• Patakaran para sa Whistleblower
• Patakaran sa Karahasan sa Lugar ng
Trabaho
MGA FORM • Form ng Paghahayag ng Kaugnayan ng Kasosyo sa Negosyo
• Form ng Pag-apruba at Paghahayag ng Regalo at Kagandahang-loob
IBA PANG SANGGUNIAN • Mga Pamantayan sa Paggawa ng International Labor Organization
• United Kingdom’s Bribery Act na kilala rin bilang ang “UK Bribery Act”
• Universal Declaration of Human Rights ng United Nation
• United States Foreign Corrupt Practices Act na kilala rin bilang ang “FCPA”
| Kodigo ng Asal
49
Mga Contact May mga tanong ka bang hindi nasagot ng pagbabasa ng Kodigo o ng patakaran sa Kumpanya?
Hinihikayat ka naming sumangguni sa patakaran, magtanong sa isang miyembro ng
management, iyong lokal na kinatawan ng HR, o sa Ethics & Compliance Department gamit
ang online form o mag-email sa [email protected].
Kung may nalalaman o pinaghihinalaan kang anumang paglabag sa ating Kodigo, mga
patakaran ng kumpanya o sa batas, may tungkulin kang idulog ang iyong mga alalahanin.
Hinihikayat ka naming idulog ang iyong mga alalahanin sa iyong supervisor, isang miyembro
ng management o iyong lokal na HR representative.
Mayroon ka ring opsyong gamitin ang Help Line, Web Line o ang Ethics & Compliance
Department gaya ng nakalista sa ibaba.
HELP LINE
Australia: 1-800-370-595
Austria: 888-301-7304
China: 888-301-7304
Columbia: 888-301-7304
India: 000-800-100-1561
Italy: 800-790-596
Malaysia: 1-800-80-0011
Mexico: 888-301-7304
Netherlands: 0800-290-0010
New Zealand: 0508-204-118
Pilipinas: 888-301-7304
S Korea: 00798-1-1-003-8566
Thailand: 1800-013-085
Turkey: 888-301-7304
UK: 0800-917-9780
US: 888-301-7304
WEB LINE TellTysonFirst.com
ETHICS & COMPLIANCE DEPARTMENT
E-Mail: [email protected]
Mail: 2200 Don Tyson Parkway (CP006)
Springdale, AR 72762
| Kodigo ng Asal
50
MGA CONTACT SA KORPORASYON Makipag-ugnayan sa sumusunod kung nakalista sa seksyon sa Kodigo ang mga departamentong
ito bilang contact.
Kapakanan ng Hayop
Pagbibigay para sa Kawanggawa
Corporate Communications
Mga Customer
Employment Compliance
Environmental
Ethics & Compliance
Finance & Accounting
Food Safety & Quality Assurance
Health & Safety
Human Resources
Information Technology
Internal Audit
Investor Relations
Law Department
Mga Serbisyo sa Kalusugan sa Trabaho
Procurement
Pagtatabi ng Mga Tala
Security
MGA LOKAL NA CONTACT Makipag-ugnayan sa manager ng iyong departamento sa inyong pasilidad kung may nakalista
sa seksyon sa Kodigo na lokal na kinatawan bilang contact.
• Environmental
• Food Safety & Quality Assurance
• Health & Safety
• Human Resources
• Management
Copyright © 2020 Tyson Foods, Inc. Ang mga trademark at nakarehistrong trademark ay pag-aari ng Tyson Foods,
Inc. o ng mga subsidiary nito. Bersyon 12/23/19 (a)