maikling kasaysayan ni santa ana

3
MAIKLING KASAYSAYAN NI SANTA ANA Ana( sa Ebreo, Biyaya) ang pangalan ng naging asawa ni Joaquin na mula sa tribo ng Juda at sa lahi ni Haring David. Ang pinakamalaking biyayang dulog ni Santa Ana ay ang kanyang anak na si Maria Santisima, ang Ina ng Diyos Anak na nagkatawang tao. Bilang isang tagapaglingkod ng Diyos, si San Joaquin ay sumusunod sa atas ng tradisyon at hinahati ang kanyang kabuhayan sa tatlong bahagi taon-taon. Ang unang bahagi ay binibigay sa templo, ang pangalawang bahagi ay sa mga mahihirap at ang naiiwan ay para sa kanyang pamilya. Sinasabing si San Joaquin ay nanalangin nang apatnapung araw sa ilang upang himingi sa Dyos ng Anak. Si Santa Ana man ay nanalangin sa Diyos at idinaing sa Panginoon ang kanyang kadustaan. Tinugon ng Panginoon ang kanilang panalangin kaya't sa kanyang katandaan ay naglihi si Santa Ana. Ang banal na kasulatan ay walang binabangit tungkol kina Santa Ana at San Joaquin, subalit sa tradisyon at liturhiya ng ating simbahan ay ipinahahayag ang mataas na papuri sa mga katangian ni Santa Ana sapagka't siya ang naging Ina ni Maria, ang Ina ni Kristo. Sa pamamagitan ng kanyang mga karapatan at biyaya ay naghigitan ni Santa Ana ang mga kababaihan sa kayng kapanahunan tulang ng binabanggit sa salmo" Ang biyaya ya namumutawi sa iyong mga labi kaya't ikaw ay pinagpala ng Panginoon magpakailan man" (Salmo 136). Ang pamimintuho kay Santa Ana ay nag-uugat sa bigkis na bumubuklod sa kanya at kay Maria na Ina ng Berbo na nagkatawang tao, na kanyang apo. Ang kanyang kadakilaan ay napabantog sa mga unang Kristiyano at noong ika-anim na siglo ay itinayo sa Constantinople ang isang simbahan para sa kanyang karangalan. Sa halos ganoon ding panahon ay itinayo sa Herusalem sa pook na kanyng sinilangan ang isa pang ding simbahan. Maraming mga simbahan, kapilya ant samahan ang itinatag at inialay sa kanyang karangalan. Nagsimula ang pamimintakasi kay Santa Ana sa kanluran noong ikawalngo siglo at ito'y lubusang lumaganap noong ikalabing-apat na siglo. Noong Hulyo 26, 1584, ay ipnagdiwang ang kapistahan ni Santa Ana sa buong simbahang Latino. simula noon ay lalong natanyag si Santa Ana. Ang dalawang pinakatanyag na simbahan niya ay ang St Anne d' Auray sa Britanya at ang St Anne de Beaupre sa Quebec, Canada. Si Santa Ana ay itinalagang pintakasi ng mga ginang ng tahanan at noon 1623 ay nagpakita siya kay Ives Nicolazic de Kerenna, malapit sa Auray. Isa sa mga dahilan ng katanyagan ng pamimintakasi kin Santa Ana at San Joaquin ay ang kanilang malapit na kaugnayan sa buhay ng Mahal na Birhen. Sila ay nagsilbing huwaran ng mga mag-asawa at sa kanilang pamumuhay bilang isang pamilya (family life) ay

Upload: villegreen910

Post on 02-Jan-2016

769 views

Category:

Documents


14 download

DESCRIPTION

short story of Sta Ana

TRANSCRIPT

Page 1: Maikling Kasaysayan Ni Santa Ana

MAIKLING KASAYSAYAN NI SANTA ANA

Ana( sa Ebreo, Biyaya) ang pangalan ng naging asawa ni Joaquin na mula sa tribo ng Juda at sa lahi ni Haring David. Ang pinakamalaking biyayang dulog ni Santa Ana ay ang kanyang anak na si Maria Santisima, ang Ina ng Diyos Anak na nagkatawang tao.

Bilang isang tagapaglingkod ng Diyos, si San Joaquin ay sumusunod sa atas ng tradisyon at hinahati ang kanyang kabuhayan sa tatlong bahagi taon-taon. Ang unang bahagi ay binibigay sa templo, ang pangalawang bahagi ay sa mga mahihirap at ang naiiwan ay para sa kanyang pamilya.Sinasabing si San Joaquin ay nanalangin nang apatnapung araw sa ilang upang himingi sa Dyos ng Anak. Si Santa Ana man ay nanalangin sa Diyos at idinaing sa Panginoon ang kanyang kadustaan. Tinugon ng Panginoon ang kanilang panalangin kaya't sa kanyang katandaan ay naglihi si Santa Ana.

Ang banal na kasulatan ay walang binabangit tungkol kina Santa Ana at San Joaquin, subalit sa tradisyon at liturhiya ng ating simbahan ay ipinahahayag ang mataas na papuri sa mga katangian ni Santa Ana sapagka't siya ang naging Ina ni Maria, ang Ina ni Kristo. Sa pamamagitan ng kanyang mga karapatan at biyaya ay naghigitan ni Santa Ana ang mga kababaihan sa kayng kapanahunan tulang ng binabanggit sa salmo" Ang biyaya ya namumutawi sa iyong mga labi kaya't ikaw ay pinagpala ng Panginoon magpakailan man" (Salmo 136).

Ang pamimintuho kay Santa Ana ay nag-uugat sa bigkis na bumubuklod sa kanya at kay Maria na Ina ng Berbo na nagkatawang tao, na kanyang apo. Ang kanyang kadakilaan ay napabantog sa mga unang Kristiyano at noong ika-anim na siglo ay itinayo sa Constantinople ang isang simbahan para sa kanyang karangalan. Sa halos ganoon ding panahon ay itinayo sa Herusalem sa pook na kanyng sinilangan ang isa pang ding simbahan. Maraming mga simbahan, kapilya ant samahan ang itinatag at inialay sa kanyang karangalan.

Nagsimula ang pamimintakasi kay Santa Ana sa kanluran noong ikawalngo siglo at ito'y lubusang lumaganap noong ikalabing-apat na siglo. Noong Hulyo 26, 1584, ay ipnagdiwang ang kapistahan ni Santa Ana sa buong simbahang Latino. simula noon ay lalong natanyag si Santa Ana. Ang dalawang pinakatanyag na simbahan niya ay ang St Anne d' Auray sa Britanya at ang St Anne de Beaupre sa Quebec, Canada. Si Santa Ana ay itinalagang pintakasi ng mga ginang ng tahanan at noon 1623 ay nagpakita siya kay Ives Nicolazic de Kerenna, malapit sa Auray.

Isa sa mga dahilan ng katanyagan ng pamimintakasi kin Santa Ana at San Joaquin ay ang kanilang malapit na kaugnayan sa buhay ng Mahal na Birhen. Sila ay nagsilbing huwaran ng mga mag-asawa at sa kanilang pamumuhay bilang isang pamilya (family life) ay ipinakita sa atin ang banal na pamumuhay ng isang angkan. Nakadagdag pa rito ang katotohananng ang mga nuno ay bahagi ng isang pamilya. Sina Santa Ana at San Joaquin ay naging sagisag ng paghihintay sa Mesiyas sa Lumang Tipan at kasama si Maria ay pinakita sa atin ang pakikipag-isa ng Diyos sa sangkatauhan.

Isa sa maraming himalang iniuugnay sa Mahal na Poong Santa Ana ay naganap noong mga huling araw ng panankop ng mga Hapones. ang kalalakihan sa bayan ng tagig ay kinulong ng mga Hapones sa simbahan upang marahil ay patayin. Ang nayon ng Ususan ay sinunog at ang mga nagtangkang magligtas ng ilang gamit ay binaril ng mga kawal Hapones. May balak ang mga Hapones na hindi mabuit sa mga mamamayan. Ayon sa mga saksi, bigla na lamang dumating ang ilang kawal amerikano sa dakong Bambang at nang makita ang opisyal ng mga Hapones at ilang kasama na lulan ng bangka, ang mga ito ay pinaputukan. Nasawi ang opisyal na Hapon at mga kasam at dahil dito ay hindi na natuloy ang ano pa mang masamang balak. Ang mga Hapones ay lumisan at ang Tagig ay naging "liberated". Kaya pala biglang dumating ang mga kawal ng Amerikano noon ay nasa Upper Bicutan

Page 2: Maikling Kasaysayan Ni Santa Ana

ay dahil sa mag-inang ay kamukhang-kamukha ng mga imahen ng Santa Ana at ng kaniyang anak na si Mariang naluluklok sa simbahan.

Si Maria, ang ina ni Jesus

Mataas ang pagtingin kay Maria sa ibang mga kababaihan dahil sa siya ang pinili upang maging ina

ni Jesus sa laman, at tama ang pagtawag sa kaniya ng mga Kristyano na “pinagpala” dahil sa

ganitong kakaibang pribilehiyo. Subalit, hindi si Maria ang tagapagligtas. Hindi rin siya ang

tagapamagitan.

Itinuturo ng iglesiya Katolika na si Maria ay ipinanganak ng walang kasalanan, at sa pamamagitan ng

kaniyang paghihirap ay nakadagdag ito sa kaligtasan ng tao, na siya ay umakyat (ascended) sa langit

at napili bilang ating tagapamagitan. Tinatawag din siya na ating buhay at ang pintuan ng kalangitan.

Wala sa mga ito ang itinuturo sa Bibliya. Sa halip, sabi ng Bibliya na si Jesus lamang ang ipinanganak

na walang sala, na Siya ang namatay para sa ating mga kasalanan, umakyat sa langit, at Siya lamang

ang ating tagapamagitan. Siya lamang ang ating buhay at ang pintuan ng langit. Kaya nga’t kay Jesus

lamang tayo dapat tumingin.

Sinabi ni Maria: ‘Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon. At nagagalak ang aking espiritu sa

Diyos na aking Tagapagligtas.’ (Lukas 1:47) Nais ni Maria na purihin si Cristo at hindi maangkin ang

papuri o atensiyon para sa kaniyang sarili. Higit pa rito, tinuturo sa atin ni Maria na tumingin sa

Diyos para sa kaligtasan at hindi sa kaniya o kung sino pa man. Ang Diyos, ang ‘akingTagapagligtas’

ayon kay Maria. Nararapat na tawagin ang pangalan ni Jesus at hindi ang pangalan ni Maria,

sapagka’t ayon na rin kay apostol Pedro, “Walang kaligtasan kanino sa pa man, sapagkat walang

ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ating ikaliligtas.” (Mga Gawa 4:12)

Ang Birheng Maria ang Theotokos, Ina ni Jesu-Kristo na Anak ng Diyos at Salita ng Diyos. Siya ay naglihi sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Siya ay inalagaan ni Jose na kanyang asawa, na nag-ako sa kanya at sa Kristong Sanggol. Isa sa mga paniniwala ng mga Orthodox batay sa Tradisyon ang misteryosong kapanganakan ni Jesus, na hindi nasira ang pagkabirhen ni Maria bilang tanda nito. Isa ring paniniwalang Orthodox ay ang hindi-pagsisiping nina Jose at Maria pagkatapos ng kapanganakan ni Jesus. Si Maria ay tinatawag na Kabanal-banalan (Gr. Panagia), dahil sa pamamagitan ng kanyang ganap na pagsunod sa kagustuhan ng Diyos, siya ay napalapit sa Diyos.

Ang Kalinislinisang Paglilihi sa Birheng Maria ay pagpapakita ng pagiging Makapangyarihan at Mapagbiyaya ng ating Diyos. At ang kanyang Kabanalan ay hindi niya kailan man maaaring ikokompromiso.

Ito ay ginawa ng Diyos kay Maria dahil kay Jesus, at para kay Jesus.