makasaysayang pook

12
MUSEO NG REPUBLIKA NG MALOLOS Ang Pook Pangkasaysayang Simbahan ng Barasoain sa syudad ng Malolos ay may dalawang magkaiba ngunit hindi mapaghihiwalay na mukha: ang simbahan na nagsilbing tahanan ng unang Republika ng Pilipinas at ang katabi nitong kumbento na saksi sa kasaysayang naganap sa simbahan. Isandaan at labimpitong taon matapos ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898, sa Kawit Cavite, ang kumbento na ngayo’y naglalaman ng Museo ng Republika ng Malolos ay patuloy na nagbibigay aral ukol sa pakikibaka ng Pilipino tungo sa pagkamit ng minimithing kalayaan sa panahon ng Kastila at Amerikano. Ngunit bukod sa tradisyunal na uri ng paglalahad, ang museo ay nagtuturo ng kasaysayan sa pamamagitan ng interaktibo at digital na paraan. Ang museo ay may limang bulwagan na layong maipaalala sa mga bisita ang kahalagaan ng kasaysayan sa kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino ngayon.

Upload: ya-lun

Post on 16-Feb-2016

202 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

mga makasaysayang pook

TRANSCRIPT

Page 1: Makasaysayang Pook

MUSEO NG REPUBLIKA NG MALOLOS

Ang Pook Pangkasaysayang Simbahan ng Barasoain sa syudad ng Malolos ay may dalawang magkaiba ngunit hindi mapaghihiwalay na mukha: ang simbahan na nagsilbing tahanan ng unang Republika ng Pilipinas at ang katabi nitong kumbento na saksi sa kasaysayang naganap sa simbahan.

Isandaan at labimpitong taon matapos ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898, sa Kawit Cavite, ang kumbento na ngayo’y naglalaman ng Museo ng Republika ng Malolos ay patuloy na nagbibigay aral ukol sa pakikibaka ng Pilipino tungo sa pagkamit ng minimithing kalayaan sa panahon ng Kastila at Amerikano.

Ngunit bukod sa tradisyunal na uri ng paglalahad, ang museo ay nagtuturo ng kasaysayan sa pamamagitan ng interaktibo at digital na paraan.

Ang museo ay may limang bulwagan na layong maipaalala sa mga bisita ang kahalagaan ng kasaysayan sa kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino ngayon.

Ang unang bulwagan ay naglalaman ng mga paghihirap ng Pilipino sa ilalim ng mapang-aping pananakop ng bansang Espanya sa loob ng mahigit 300 taon. Ang pananakop na ito ang pumigil sa pag-unlad ng bansang Pilipinas.

Ang mga naunang hakbang upang makamit ang kalayaan, kabilang na ang mga pagsasagawa ng pag-aaklas laban sa pamahalaan, ay ipinapakita sa unang bulwagan.

Page 2: Makasaysayang Pook

MALINTA TUNNEL

Ang Malinta Tunnel ay ang nagsilbing headquarters o ang huling himpilan ng pamahalaang

Commonwealth bago pa umalis si Pangulong Manuel L. Quezon sa Amerika. Matatagpuan ito

sa isla ng Corregidor. Isa itong mahabang lagusan na kung saan naroon ang ospital na may

1,000 kama, taguan ng sandata at mga opisina ng mga heneral at opisyal ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, isa ito sa mga pangunahing atraksyon sa isla dahil maglalakad ka kasama

ang mga tour guide sa loob ng madilim na tunnel. Dito ko rin naranasan ang tunay na ibig

sabihin ng “nakakabinging katahimikan”dahil kung walang nagsasalita o walang tunog sa loob

ng tunnel, maririnig mo ang alingawngaw ng katahimikan. Mararamdaman mo rin dito ang

sobrang kadiliman kapag walang ilaw at nilakad din namin ang isang parte ng tunnel kung saan

wala kaming ilaw at parang pasikip nang pasikip ang dadaanan kung wala itong ilaw. Nakita din

namin ang ilan sa mga lumang kagamitan na ginamit noong dekada ’40 gayundin ang mga

lateral na nagsilbing ospital para sa mga biktima ng digmaan.

Ang Malinta Tunnel ay magsisilbing isa sa mga makasaysayang lugar sa Corregidor dahil

nagsilbi itong lugar para sa pamahalaang Commonwealth noong panahon ng Hapones.

Page 3: Makasaysayang Pook

ST.JOHN THE BAPTIST CHURCH

Ang St. John the Baptist Church ay ipinatayo noong 1605. Ang bayan na ito ay dating sakop ng Nagcarlan. Maganda ang pagkakagawa ng simbahan dahil gawa sa bricks ang pader nito.

Page 4: Makasaysayang Pook

LUNGSOD NG VIGAN

Ang makasaysayang Lungsod Vigan ay matatagpuan sa hilaga kanlurang bahagi ng baybaying lalawigan ng Ilocos Sur, Rehiyon ng Ilocos, Luzon, Pilipinas. Isa ito sa dalawang lungsod ng lalawigan. Kilala ang lungsod dahil sa makasaysayang mga bahay at gusaling pinagplanuhan, idinisenyo at itinayo na may impluwensiyang Asyano, Europeo at Latino Amerikano na matagumpay na naalagaan ng mga mamamayan nito mula pa noong ika-16 na siglo. Ang Intramuros (Walled City) sa Maynila ang padron ng disenyo nito. Ang Vigan lamang ang pinaka-iingatang halimbawa ng Spanish colonial town at European trading town sa Pilipinas at maging sa buong Silangang Asya at Timog Silangang Asya kung kaya’t noong Disyembre 2, 1999 ay napili itong mapasama sa UNESCO World Heritage List at naging component city noong Enero 21, 2001.

Page 5: Makasaysayang Pook

ST. AUGUSTINE CHURCH

Ang Simbahan ng San Agustin ay isang parokyang Romano-Katolikong simbahan ng munisipalidad ng Paoay, Ilocos Norte sa Pilipinas. Nakumpleto ito noong 1710, ang simbahan ay tanyag sa kanyang natatanging arkitektura. Noong 1993, ang simbahan ay itinalaga bilang isang UNESCO World Heritage Site bilang isang pinakamahusay na mga halimbawa ng mga simbahang Baroque ng Pilipinas.

Page 6: Makasaysayang Pook

MANILA FILM CENTER

Noong Nobyembre 17, 1981, kasalukuyang ginagawa ang gusali at habang ibinubuhos ang semento, gumuho ang unang palapag ng nasabing gusali at natabunan ang ilang mga trabahador sa sariwang semento at ang iba naman ay natuhog sa mga upright steel bars. Sa kakulangan ng oras upang makaabot sa pagbubukas ng Film Festival, ang iba ay hindi na hinukay at tinabunan na lamang ng semento at nailibing ng buhay. Mula noon, marami nang mga saksi ang nakakramdam ng mga kahindik-hindik na pagpaparamdam ng mga kaluluwang ayon sa kanila, ay hindi matahimik at humuhingi ng hustisya.

Page 7: Makasaysayang Pook

CAMP JOHN HAY

Ang Camp John Hay ay isang 690 ektaryang kampo na itinayo ng mga Amerikano upang maging pook libangan ng mga sundalo ng Department of Defense of America. Ipinangalan ito sa kalihin pandigma ni Pang. Theodore Roosevelt, at naging Club John Hay nang ibigay ng mga Amerikano ang pasilidad na ito sa pamahalaan ng Pilipinas.

Page 8: Makasaysayang Pook

CORREGIDOR

Ang Corregidor ay isang pulong nakalagak sa bukana ng Look ng Maynila. Dahil sa kinalalagyan nito, nagsilbi ito bilang pangunahing tanggulan para sa sa look at lungsod ng Manila. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dito naganap ang maraming labanan, maging ang pagbagsak nito at ng mga kapuluan ng Pilipinas na napasa sa mga Hapon. Sa kasalukuyang panahon, ito ay isang mahalagang makasaysayang pook at puntahan ng mga dayuhan. Ito ay pinangangasiwaang ngayon ng Lungsod ng Cavite na sakop rin ito.

Page 9: Makasaysayang Pook

PHILIPPINE NATIONAL BANK

Ang Bangko Nasyonal ng Pilipinas ay isang bangkong panlahatan (universal bank) na nakabase sa Pilipinas. Itinayo ito noong 1916. Ito ay na nagbibigay ng saklaw ng pagbabangko at serbisyong pananalapi sa mga korporasyon (corporate), sentrong pamilihan, mga maliliit na negosyo (small-medium enterprises) at mamimiling pantingi, kabilang ang mga manggagawang Pilipino sa ibayong-dagat (overseas Filipino workers), na kasing antas din sa pambansang pamahalaan, mga ahensiya ng pambansang pamahalaan, mga lokal na pamahalaan (local government units) at mga korporasyong may-ari ng pamahalaan sa Pilipinas.

Page 10: Makasaysayang Pook

PHILIPPINE POSTAL SAVINGS BANK

Ang Philippine Postal Savings Bank ay isang bangko ng pagtitipid na itinatag ng gobyerno noong 1906. Ito and pinakamaliit sa tatlong bangkong itinatag ng gobyerno.