noli me tangere (kabanata 1-7)
TRANSCRIPT
KABANATA 1- ISANG PAGTITIPON• Pagkalat ng balita sa
engrandeng pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiago.
• Pagdalo ng maraming panauhin sa pagtitipon kasama ng mga kilalang tao mula sa pamahalaan at simbahan.
• Ang pagtitipon ay para sa pagbabalik sa Pilipinas ni Crisostomo Ibarra. at pasasalamat sa Mahal na Birhen.
• Pagtatalo nina Padre Damaso at ang Tinyente Guevarra.KANSER NG LIPUNAN:
Maluho at Magastos Pagtatakwil sa Sariling Lahi Kaisipang Kolonyal (Colonial
Mentality)
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na
higit na popular sa taguring Kapitan Tiago para sa
pagbabalik ni Juan Crisostomo Ibarra.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang
bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na
pinsan ng may-bahay.
Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay
hamak at mababa. Mapanlibak si Pari Damaso.
Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa
ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng
makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat
manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan
sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente Guevarra sa
pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral
sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang
marangal na lalaki na napagbintangang isang
erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
KABANATA 2 – SI CRISOSTOMO IBARRA
• Ang pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa pagkatapos ng pitong taon.
• Pagtanggi ni Padre Damaso kay Crisostomo na kaibigan niya ang ama nito.
• Paggamit ni Crisostomo ng ugaling Aleman sa pagpapakilala sa kanyang sarili sa mga kababaihan.
• Ang pagkikita at pag-uusap nina Crisostomo at Tinyente Guevarra.
• Ang pambabastos ni Padre Damaso kay Crisostomo.KANSER NG LIPUNAN: Crab Mentality Pagkainggit
Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay
bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si
Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito
ay anak ng kanyang kaibigang namatay at
kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni
Ibarra, sa kanyang masayang mukha
mababakas ang kagandahan ng ugali.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso
sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng
kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin
ng pari.
Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling
tinalikuran niya ang pari at napaharap sa tinyenteng kanina pa namamasid sa
kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at Ibarra.
Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat
sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang
kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang
panauhin.
Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan,
nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang
pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang
binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San
Diego sa araw na naturan.
KABANATA 3 – ANG HAPUNAN• Ang pag-uunahan nina Padre
Damaso at Padre Sibyla sa kabisera ng hapag-kainan. (nanalo si Padre sibyla)
• Ipinahain ni Kapitan Tiago ang Tinolang Manok (paboritong ulam ni Ibarra)
• Ikinagalit ni Padre Damaso na ang napunta sa kanya ay ang makunat na leeg ng manok at maraming gulay.
• Ang mga masasamang parinig ni Padre Damaso sa mga indiong nag-aaral sa ibang bayan.KANSER NG LIPUNAN:
Pagmamataas
Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang
dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang
dapat na lumikmo roon.
Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni
Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon,
kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.
Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang
pagpupoyos ng damdamin ni Pari Damaso, ang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg
at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay
Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola.
Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang
panauhin na malapit sa kinaroroonan niya. Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na
marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang kanyang alam.
Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso.
Walang pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon
lamang ang nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera.
Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng
pari.
Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura
paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si
Ibarra. Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din.
KABANATA 4 – EREHE AT PILIBUSTERO
• Pagkapansin ni Crisostomo na walang pinagbago ang Binundok pagkatapos ng pitong taon
• Paghabol ni Tinyente Guevarra kay Ibarra upang sabihin ang tunay na nangyari sa kanyang amang si Don Rafael Ibarra.
• Binigyang –babala ni Tinyente Guevarra si Ibarra
KANSER NG LIPUNAN: Kawalang-katarungan/Inhustisya Pagbibigay ng Posisyon sa Di-
Karapat-dapat o walang alam
Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon,
naramdaman niyang may dumantay na kamay sa
kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa
kanya upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya sa sinapit ng
kanyang ama.
Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng tinyente ang
tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala
siyang nalalaman dito.
Ganito ang salaysay ng tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan. Bagamat
siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit at
maraming mga kagalit na mga Kastila at pari. Ilang
buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra,si Don Rafael at Pari Damaso ay
nagkasira.
Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng ba be bi bo
bu na labis na ikinagalit nito.Pinukol ng kanyang
tungkod ng artilyero ang mga bata. Isa ang sinampalad na
tinamaan at nabuwal.
Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang
nagdaraan si Don Rafael. Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si Don Rafael ang
kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-
suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal. Terible ang
kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay
tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi
nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang
hininga.
Dahil dito, nabilanggo si Don Rafael. Pinagbintangan
siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigat na parusa.
Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib.
Pinaratngan din siyang nagbabasa ng mga
ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng
larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang
pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga
tulisan.
Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib.
Pinaratngan din siyang nagbabasa ng mga
ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng
larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang
pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga
tulisan.
Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan,
siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino
Nang si Don Rafael ay malapit ng lumaya dahil sa
tapos ng lahat ang mga kasong ibinintang sa kanya. Ang kahirapan ng kalooban
na kanyang dinanas ay hindi nakayanan ng kanyang pisikal na katawan at sa
mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng hininga si Don
Rafael.
Huminto sa pagsasalaysay na g tinyente. Inabot nito ang
kanyang kamay kay Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na
lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang
pangyayari.
KABANATA 5 – PANGARAP SA GABING MADILIM
• Tumuloy si Ibarra sa kanyang tinitirhang pansamantala sa Fonda de Lala(ang pinasikat na hotel noong panahon ng Kastila)
• Naghahalo ang damdamin ni Ibarra sapagkat mula sa kanyang silid nakikita niya ang kasayahan sa bahay ni Kapitan Tiago; kasiyahan sa pagnanais siyang makita si Maria Clara , naghihirap ang kanyang kalooban sa pag-aalaala sa nangyari sa kanyang ama na wala siyang nagawa.
KABANATA 6 – SI KAPITAN TIYAGO• Paglalarawan sa buhay ni Kapitan
Tiago• Napangasawa si Donya Pia Alba na
siya raw nagdala ng swerte sa kanya.
• Naging kamalasan daw ang anim na taon na di pagbubuntis.
• Pagkatapos ipanganak si Maria Clara namatay si Donya Pia.
• Siya ay kasundo ng simbahan at pamahalaan.
• Maraming mga ilegal na gawain na siyang nakapagpayaman sa kanya
• Ipinasok sa kumbento ng Sta. Catalina si Maria Clara.
• Ipinagkasundo ng mga magulang kay Crisostomo na maipakasal.
KANSER NG LIPUNAN: Huwad na Pananampalataya Pagpapalakasan
Si Kapitan Tiyago ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Siaya ay
tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang
buhok, at kung hinde lamang nanabako at
ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.
Dahil sa siya ay mayaman, siya ay isang
impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobyerno at halos
kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa
sarili ay isang tunay na kastila at hindi pilipino.
Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o
patakaran ay kanyang sinusunod. Sipsip din siya sa
mga taong nasa kapangyarihan. Basta may
okasyon na katulad ng kapanganakan at
kapistahan, lagi sya mayroong handog na regalo.
Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o
patakaran ay kanyang sinusunod. Sipsip din siya sa
mga taong nasa kapangyarihan. Basta may
okasyon na katulad ng kapanganakan at
kapistahan, lagi sya mayroong handog na regalo.
Nakilala nya si Pia Alba na isang magandang dalagang taga sata Cruz. Natulong sila
sa pag hahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta
sosyedad.
Ang pag bili nila ng lupain sa san diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang kura na si padre damaso. Naging kaibigan din nila ang
pinakamayaman sa buong San Diego- si Don Rafael
Ibarra
Ang pag bili nila ng lupain sa san diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang kura na si padre damaso. Naging kaibigan din nila ang
pinakamayaman sa buong San Diego- si Don Rafael
Ibarra
Parang dininig ang dasal ni Pia, siya ay nag lihi, gayuman nagiging
masakitin si Pia, nang siya ay magdalangtao. Pag
kapanganak nya sya ay namatay. Si Padre Damaso ang nag anak sa binyag at
ang anak in pia ay pinangalanang Maria Clara
Katorse anyos si maria, nang sya ipinasok sa
Beaterio ng Sta Catalina. Luhaan sya nag paalam kay Pari damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si
Crisostomo Ibarra, pagkapasok ni Maria sa
kumbento, si Ibarra naman ay nagpunta na ng Europa
upang mag aral.
Nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiyago na maski
nagkalayo ang kanilang mga anak. Pag dating ng tamang
panahon silang dalawa (Maria at Crisostomo) ay
pag iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang
dalawa ay tunay na nag-iibigan.
KABANATA 7 – PAG-UUSAP SA ASOTEA
• Hindi mapakali si Maria Clara dahil magkikita na sila ni Ibarra.
• Nag-usap sina Maria Clara at Crisostomo sa asotea at nagpalitan ng mga alaala (dahon ng sambong at ang lumang liham)
• Madaling nagpaalam si Ibarra dahil siya ay pupunta sa San Diego
PAGPAPAHALAGANG PILIPINO: Pagiging sentimental Palabra de Honor Pagiging Tapat sa Pag-ibig