noli me tangere kabanata 4 and 5
TRANSCRIPT
Jose RizalKabanata
4 at 5
v Kabanata
IV Erehe at Pilibustero
Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang
destinasyon. Nakarating siya hanggang sa may Liwasan ng Binundok . Sa maraming taong pagkakawala niya sa bayan,wala pa
ring pagbabago sa kanyang dinatnan.
Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanya upang
paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya
(Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na
wala siyang nalalaman dito.
Sinabi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya may isang taon na ang
nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael(ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung
sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga
gawain.
Ganito ang salaysay ng tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong
lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga kastila.Ang mga kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng
mga nararapat. Ang masasama sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga kastila
at pari. Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra,si Don Rafael at Pari
Damaso ay nagkasira. Diumano, di nangungumpisal si Don Rafael.
Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway.
Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong
naniningil ng buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo.
Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng ba be bi bo bu na
labis na ikinagalit nito.Pinukol ng kanyang tungkod ng artilyero ang mga bata. Isa ang
sinampald na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang
nagdaraan si don Rafael. Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si DonRafel ang kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol
ang sarili.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal
sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto
ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at
pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na
pinakamabigatna parusa.
Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratngan din siyang nagbabasa ng mga ipinagbabawal na
aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga
tulisan.
Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang
ito ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino
na si G.A at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo
sa ulo nito.
Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si don Rafael ay
malapit ng lumaya dahil sa tapos nglahat ang mga kasong ibinintang sa kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi
nakayanan ng kanyang pisikal na katawan.
Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan,
nalagutan ng hininga si Don Rafael.
Huminto sa pagsasalaysay na g tinyente. Inabot nito ang kanyang
kamay kay Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang
magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel ng
maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra.
Kabanata
V Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda deLala. (Ito ay
isang uri ng panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya ay
nasa Maynial). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid
at naupo sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang
paningin sa kalawakan ng himpapawid.
Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at
pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.
Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may
suot na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng
bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik,
militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na
giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang
Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari
Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si
Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang
hinahangaan ng lahat.
Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim
ng gabi, madali siyang naktulog at nagising
kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang
batang Pransiskano.
Wakas