panahon ng kastila

11
Panahon ng Kastila

Upload: bowsandarrows

Post on 27-May-2015

29.642 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Panahon ng kastila

Panahon ng Kastila

Page 2: Panahon ng kastila

Ang unang pananahanan ng mga Kastila ay nagsimula sa pagtatayo ng unang bayan ni Gobernador Heneral Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 kung saan siya ang naging kauna-unahang kastilang naging gobernador heneral. Dito natin pasisimulan ng tingin ang kasaysayan ng panitikan ng panahong ito na sumasaklaw sa tatlong daang taon.

Page 3: Panahon ng kastila

Ang pinakamahalagang pangyayari ng pangkasaysayan sa loob ng panahong nabanggit na dapat maging batayan ng ating pag-aaral ng panitikang Filipino ay ang mga sumusunod :a. Pangunahing hangad ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko Apostolika Romano, pagpapalawak ng kanilang hanapbuhay na pambansa at ng kanilang nasasakupang lupain.

Page 4: Panahon ng kastila

b. Mahigit na isang daang pagbabangon laban sa kapangyarihan ng Kastila ang ginawa ng mga Pilipino. Ang mga pagbabangon ay nabigo sapagkat hindi pa tayo nakakakilala ng pagkakaisa at nasyonalismo.

c. Maraming nagtangkang lumusob at umagaw sa Pilipinas tulad ngIntsik, Hapon, Olandes ngunit ang Ingles lamang ang nakapasok noong 1762-1764.

Page 5: Panahon ng kastila

d. Binigyang kasiglahan ang sining at siyensya gayon din ang kagalingang panlipunan noong panahon ni Gobernador Heneral Jose Basco (1778).

e. Ang mga pamilyang Pilipino ay nabigyan ng apelyidong Kastila noong poanahon ni Gobernador Heneral Narciso Claveria (1849). Malinaw ding nakikita ang impluwensyang sa pananamit, sining, musika, panitikan at kaugaliang panlipunan. Naging masigla rin ang mga gawaing panlipunan at paggalang sa kababaihan.

Page 6: Panahon ng kastila

f. Sa mga huling bahagi ng panahong ito umunlad ang hanapbuhay ng mga tao dahil sa pakikipagkalakan sa Espanya at Europa. Ang pagyamang ito ng ilan ay nagbigay-daan sa pagkakaroon ng tinatawag na “may-kaya” sa lipunan. Sila ay ang may mga lupain at ari-arian. Kaya sila ay naging mga abugado, doktor, maetro at empleyado sa pamahalaan.

Page 7: Panahon ng kastila

Dahil sa napakatagal na pagkakasakop sa atin ng mga Kastila ay malaki ang naidulot na impluwensya nito sa Panitikang Filipino.

1. Napalitan ng alpabetong Romano ang Alibata.2. Naging saligan ng gawaing panrelihiyon

angDoctrina Cristiana.3. Maraming salitang Kastila ang naging bahagi

ng wikang Filipino.4. Naging bahagi ng panitikang Filipino ang

alamat ng Europa at tradisyong Europeo tulad ng awit, kurido, moro-moro, atbp.

Page 8: Panahon ng kastila

5. Pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino.

6. Pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain sa panahong ito.

7. Pagkakaroon ng mataas na uri ng edukasyon.

Page 9: Panahon ng kastila

Ayon kay Frank Laubach sa kanyang pananaliksik, ang mga paaralang itinayo ng Espanya sa Pilipinas ay lalong magaling kaysa itinayo sa Amerika at sa Espanya sa panahong iyon. Ang ma nananatili pa hanggang ngayon ay:

1. University of Santo Tomas (1611)2. Colegio San Juan deLetran (1620)3. Colegio de Santa Isabel (1632)4. Beaterio dela Compania (1640)5. Beaterio de Santa Catalina (1696)6. Colegio de Santa Rosa (1750)7. La Concordia College (1869)

Page 10: Panahon ng kastila

Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Kastila:

gagad/gayahalaw

saling-wikaakdang panrelihiyon

akdang pang wika

Page 11: Panahon ng kastila

Anyo ng Panitikan sa Panahon ng Kastila

patula tuluyan

Paksang Napabantog sa Panahon ng Kastila

panrelihiyon pang kagandahang-asal