pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

31
Isang Pagaaral Tungkol sa Epekto ng Social Networking Bilang Public Property sa mga Mag- aaral ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa mga Piling Kolehiyo at Hayskul Isang Pananaliksik Papel ang Ipinasa kay: Gng. Zendel M. Taruc Kagawaran ng mga Wika UST, Kolehiya ng Nursing Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng Filipino 2: Pagbabasa at Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik Ika-2 Semester, TA: 2007-2008 Ipinasa nina: Banzon, Jose Paulo Luigi A. Bayot, James C. De Chavez, Renz Irvin A. Isidro, Robin Delfin Lopez, Victor Rico P. Paulino, Alberto P. III Surell, Rusell John P. Unas, Janssen Dion T. Versoza, Jonas Ian R. I-1 Marso 7, 2008

Upload: bryan-mendoza

Post on 16-Apr-2015

9.005 views

Category:

Documents


93 download

DESCRIPTION

:D

TRANSCRIPT

Page 1: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

Isang Pagaaral Tungkol sa Epekto ng Social Networking Bilang Public Property sa mga Mag-

aaral ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa mga Piling Kolehiyo at Hayskul

Isang Pananaliksik Papel ang Ipinasa kay:

Gng. Zendel M. Taruc

Kagawaran ng mga Wika

UST, Kolehiya ng Nursing

Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng

Filipino 2: Pagbabasa at Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik

Ika-2 Semester, TA: 2007-2008

Ipinasa nina:

Banzon, Jose Paulo Luigi A.

Bayot, James C.

De Chavez, Renz Irvin A.

Isidro, Robin Delfin

Lopez, Victor Rico P.

Paulino, Alberto P. III

Surell, Rusell John P.

Unas, Janssen Dion T.

Versoza, Jonas Ian R.

I-1

Marso 7, 2008

Page 2: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

I. Ang Suliranin at Kaligirang Pag-aaral 1-2

a. Abstrak 1

b. Mga Layunin 2

II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 3-15

III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 16-22

a. Metodolohiya 16-17

b. Presentasyon, Pagsusuri, at Interpretasyon ng Datos 17-22

IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 23-25

a. Lagom 23

b. Kongklusyon 24

c. Rekomendasyon 25

V. Bibliografiya 27-29

Page 3: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

I. Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral

1. Kaligiran ng Pag-aaral(abstrak)

Ang pag-aaral ay tungkol sa epekto ng social networking

bilang public property. Ang papel ay naglalarawan sa pananaw,

kaugalian, at ideya ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Santo

Tomas sa mga piling kolehiyo at hayskul. Ang ginamit na

instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay isang sarbey na

naglalaman ng mga open at close- ended na mga katanungan

tungkol sa ideya at pananaw ng mga mag-aaral sa social networking.

Sa lumabas na resulta ng mga datos, lumalabas na malaking

porsiyento ang nagsasabing higit na nakakabuti ang paggamit nito at

ang mga pangkaraniwang dahilan ay ang pakikihalubilo at

pagpapakita ng sariling identidad. Mas naging matimbang ang

mabuting epekto nito sa kabila ng masasamang epekto nito tulad ng

mga kumukuha ng identidad o impormasyon at pornograpiya

Lumabas rin sa pag-aaral na ang kanilang malawak na

kamalayan sa seguridad. Ito ay dahil sa mga karanasan ng kanilang

mga kaibigan o kaya ay sa sariling kaganapan sa kanilang buhay. Isa

pang dahilan ay ang mga lumalabas sa media na naging

impluwensyal sa pananaw at desisyon ng tao.

Page 4: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

2. Mga Layunin

Sa pagsisimula ng pag-aaral na ito, nais naming malaman

kung ano ang mga saloobin ng iba’t ibang Thomasian students sa

napapanahong penomena ng Social Networking. Sa tulong ng

pananaliksik at pangangalap ng mga datos gamit ang sarbey ay nais

naming maipakita:

ang dami ng mag-aaral sa kolehiyo at hayskul na

gumagamit ng social networks.

ang kadalasang kasarian ng mga mag-aaral na

gumagamit ng social Networks.

ang kadalasang ginagamit na social network site, ang

oras na ginugugol nila para ditto, at ang mga personal na

impormasyong kanilang inilalahad sa mga sites na ito.

kung ang social network site nila ay pampubliko o

pampribado, ang kadahilanan sa pagpili nito, at ang

possibleng maging bunga nito.

ang pananaw ng mga mag-aaral sa kasalukuyang

umiiral na problema tungkol sa panloloko gamit ang social

networks.

kung saang aspeto ng buhay nakasasama o

nakabubuti ang social networks.

Page 5: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

1. Mga Batayang Kaalaman sa Social Networking

A. Kahulugan ng Social Networking

Ayon sa Wikipedia, ang social networking ay isang istrakturang sosyal na

gawa sa mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa

o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na

relasyon.

Ayon naman kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay mga

serbisyong web-baed na nagbibigay sa mga indibiwal para (1) bumuo ng isang

pangpublikong profile, ang tawag sa impormasyong pormal na binibigay kapag

nagrerehistro(ayon sa www.gartner .com) na nakapaloob sa isang system, (2)

makita ang profile ng ibang indibidwal kung saan siya ay konektado, at (3) para

makita ang mga profile ng mga idibidwal na kasama niya sa system. Idinagdag pa

ng mga manunulat na ang SN ay nagiging patok sa publiko dahil pinapayagan nito

ang isang indibiwal na makilala ang ibang tao.

B. Maikling Kasaysayan ng Social Networking

Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na magkakaugnay ay maaaring

maging basehan para sa interaksyong sosyal na computer-mediated. Ito ay bunga

ng The Network Nation ni S. Roxanne Hiltz at Murray Turoff na nagdulot ng

pagsulong ng kagamitan ng kompyuter sa pakikihalubilo.

Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula ang social networking noong 1995 sa

pagtayo ng isang social network o SN na nagngangalang Classmates.com, isang

websayt kung saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang mga

lumang kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo at mapanatili ang

komunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang media release ng Oregon State

University(2007), si Randy Conrads ang gumawa ng websayt na ito. Sa karagdagan,

sinabi ng Classmates.com na ng kumpanyang ito ay pinagkikita muli ang mga

Page 6: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

residente ng Estados Unidos at Canada na siyang naging kamag-aral o kasama nila

noong sila’y nagaaral, nagtratrabaho o maging ang mga kasama nila sa militar.

Noong taong 1995, nagkaroon ng mahigit kumulang sa 40 milyong tao ang kasali sa

SN na ito.

Ayon kina Boyd at Nicole, ang pag-unlad ng SN ay nagsimula sa websayt na

SixDegrees.com. Sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na

makagawa ng profile, mailista ang mga kaibigan, at ma-surf ang listahan ng mga

kaibigan. Nakatulong ang SixDegrees sa mga tao para makonekta at makapg

padala ng mga mensahe sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa

SixDegrees, hindi nila masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong ito

kaya hindi rin ito nagtagal.

Pagkatapos naman ng Classmates.com, maraming sumunod na SN tulad ng

SixDegrees.com noong 1997, LiveJournal.com noong 1999, Friendster.com noong

2002, Multiply.com at MySpace.com sa taong 2003 at ang Facebook.com naman

noong 2004.

C. Mga uri ng Social Networking

1. Friendster.com

Ayon kay Ronald S. Lim(2007), ang Friendster ay isang

pribadong pagmamayaring sayt sa California noong 2002, at, naging

pinakapolular na social networking sayt sa Amerika bago ang

MySpace sa taong 2004

Bumaba man ang popularidad nito sa Estados Unidos, ang

Friendster pa rin ay ang mas pinupuntahan ng mga Asyano .Sa

katunayan ng popularidad nito, nakumbinsing dumalaw ang

musikerang si Bonnie Bailey na kumanta ng popular na “Ever After”

dito sa Pilipinas dahil lamang sa mga komento na iniwan sa kanyang

Page 7: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

Friendster. Sa kasalukuyan ay may 50 milyong tao na ang

tumatangkilik nito. Isa sa mga pinakasikat na gawin sa Friendster ay

ang “language options” nito. Dito, maaring pumili sa mga linggwaheng

Chinese, simplified Chinese, Hindi, Japanese, Korean, Spanish at

Tagalog.

2. MySpace

Ayon kay Paul Marks (2006) lumalaganap na daw ang iba’t-

ibang uri ng SN at isa na dito ang MySpace. Ang MySpace, na ayon sa

OUT-LAW.com (2006), ay ginawa ni Brad Greenspan, ay isang uri ng

SN na para sa lahat. Ito ay para sa mga magkaibigang mahilig

makipagusap gamit ang Internet, mga taong gustong makipagkilala sa

iba, mga taong nagtutugma o nagrereto sa kanilang mga kaibigan,

mga tao na malayo sa pamilya na gustong makipagkamustahan o

makipagusap sa kanilang pamilya, mga negosyante at kanilang mga

katrabaho na interesado sa SN, mga magkakaklase at mga kapareha

sa pag-aaral, at marami pang iba.

Maihahalintulad natin ang myspace sa Multiply sapagkat halos

parehas lang ang kanilang mga layunin at mga katangian. Mas

kumplikado nga lang ang myspace kumpara sa multiply dahil mas

madaming taga ibang bansa ang gumagamit dito. Ito ay naitala na

pang anim sa pinaka popular na website at pangatlo ito sa sa Amerika.

Sa kasalukuyan, naitala ng MySpace network na mahigit

kumulang na 300 milyon na tao ang gumagamit ng SN na ibinabahagi

ng MySpace at patuloy pa itong nadadagdagan pa ito araw-araw.

Masasabi natin na sa panahon ngaun, ang SN ay isa nang bahagi ng

ating buhay dahil din ito sa patuloy na pagunlad ng ating teknolohiya at

ang epekto nito sa larangan ng social networking.

Page 8: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

3. Multiply

Ayon kay Richard Macmanus (2006), ang Multiply ay isang uri

ng social networking na nagbibigay kakayahan sa mga gumagamit nito

na mamahagi ng mga uri ng media media tulad ng litrato, video,

musika, at iba pa sa loob ng iyong sariling websayt. Ito ay may

kakaibang uri ng serbisyong higit sa ibang SN sayt. Dahil nga

naturingan itong isang SN, hinahayaan nito ang gumagamit na

makipagpalitan ng media sa iba’t-ibang kasama niya sa kanyang

network. Maaari silang magpalitan ng impormasyon o

makipagtalakayan tungkol sa mga bagay na nagbibigay interes sa

kanila. Pinahihintulutan din ng Multiply na ayusin ng gumagamit ang

kanyang sariling websayt upang mas maenganyo ang mga tumitingin

dito.

Anong maganda sa pamamahagi ng media kung wala naman

titingin dito? Isang tanong na sinolusyonan ng Multiply. Ang Multiply

ang may kakayahang ibalita sa mga kasama sa iyong sariling SN kung

may bago kang inilagay sa iyong sariling Multiply account. At ganun

din sayo, ipinapakita din nito sa gumagamit kung merong mga bagong

lagay na media o kung anung bagay sa mga iba’t ibang tao na kasama

mo sa iyong social network.

Sa kabuuan, ang Multiply ay isang SN sayt na nangingibabaw

sa ibang uri ng SN dahil sa iba’t-ibang bagay na nag-aangat dito sa iba

pang maliliit na SN. Hindi tulad ng maliit na networks na ito, ang

Multiply ay laganap sa buong mundo.Ibig lang nitong sabihin ay hindi

lang tayong mga Pilipino ang gumagamit nito kundi pati rin ang mga

kapatid natin sa iba’t-ibang lugar sa buong mundo.

Page 9: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

D. Mga kagamitan para magkaroon ng Social Networking

1. Kompyuter

Ayon sa Wikipedia, ang kompyuter ay isang uri ng

mekanismong ang ginagawa ay mangasiwa ng mga datos ayon sa

mga panuto. Sa karagdagan, ang programa na isang termino sa pag-

iimbak at pangangasiwa ng mga panuto ay isang katangian ng

kompyuter.Isang magandang katangian nito ay ang pagsasa-ayos ng

mga impormasyon sa iba’t ibang lugar. Ang kompyuter network na

nabuo ay itinawag na internet. Isa sa gamit ng computer ay ang

pagkonekta nito sa internet sa pamamagitan ng telepono. Sa

pamamagitan ng koneksyon sa Internet, maaaring makapasok o

makapagbigay daan sa mga website na may kinalaman sa social

networking.

2. Internet

Ang Internet na kilala ring “information superhighway” ay

malawakang pang madlang daan na pinagsama-samang kompyuter

networks na naghahatid ng datos sa pamamagitan ng pocket switching

na gumagamit ng pamantayang Internet Protocol(IP). Ito ay isang

“network of networks” na binubuo ng milyon na maliliit na networks sa

larangan ng pantahan, pampaaralan, pangangalakal, pampamahalaan

at sosyal na nagdadala ng iba’t ibang impormasyon at paglilingkod

katulad ng e-mail, online chat, file transfer o paglipat ng salansanan at

pinagdugtongdugtong na web pages at iba pang mapagkukunan ng

impormasyon ng World Wide Web. Maraming tao o kumpanya ang

gumagamit ng web logs o blogs na pangkaraniwang ginagamit bilang

online diaries o talaarawan. Mahalaga ang ginagampanang papel ng

Internet sa pagpapalawak ng social networking. Sa pamamagitan ng

Page 10: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

Internet nakakagawa ng e-mail address na isa rin sa mahalang

kasangkapan para maiproseso ang SN.

3. E-mail address

Ang email, mula sa salitang elektronik mail, ay kadalasan na

isinusulat na email, e-mail o mail, ay isang paraan ng paggawa,

pagpapadala, pag-iimbak at pagtanggap ng mga mensahe sa paraan

ng systemang elektronik na komunikasyon. Ayon sa Wikipedia, ang

terminong email ay naaplika sa sistemang Internet email base sa

Simple Mail Transfer Protocol (SMTP) at sistemang Intranet na

pinahihitulutan ang mga manggagamit sa loob ng isang organisasyon

na iemail ang bawat isa. Ang email ay karaniwang ginagamit upang

magpadala ng mga di-inaasahang mga mensahe, ngunit may mga

programa na may kakahayan na automatikong magbura ng mga ito.

Ang e-mail address ay kinakailangan para maging kasapi sa isang SN

na websayt. Dito ipinapadala ang mga impormasyon tulad ng mga

paalala tungkol sa isang kaibigan. Kinakailangan din ng isang kasapi

na magbigay ng password kaugnay ng email address para

mapangalaagan ang kanyang pagiging kasapi sa isang SN.

E. Mga proceso sa paggawa ng Social Networking Account

Friendster

Sa paggawa ng isang account, na ang ibig sabihin ayon sa online na

diksyunaryo ng Merriam-Webster ay lipunan ng mga pormal na usaping

kalakaran para sa isang serbisyo, simulang bisitahin ang

http://www.friendster.com at hanapin doon ang hyperlink na Sign Up at ito’y

pindutin. Katulad ng sa e-mail, pupunan mo ang isang aplikasyon upang

makagawa ng iyong sariling account, na ang ibig sabihin ay isang lipunan ng

Page 11: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

mga detalye na magbibigay paraan upang magamit ng isang tao ang isang

serbisyo. Pagkatapos mapunan ang aplikasyon ay buksan ang account.

Maraming mga katangian ang Friendster na nagpapaiba dito sa ibang mga

programang pangsocial networking. Ito ay nagtataglay ng pakikibahagi sa isang

komunidad ng mga tao. Pwede kang mag-upload ng mga litrato ng iyong sarili

upang maibahagi ito sa iba, magbigay ng komento o testimonial sa ibang tao at

pati na rin ang pagbibigay ng mga pribadong mensahe sa iyong mga kaibigan.

Multiply

Katulad ng Friendster, bisitahin ang http://www.multiply.com at gumawa

ng sariling account. Buksan ang nagawang account at magsimulang mag-upload

ng mga litrato na gustong ibahagi sa iyong mga kaibigan o sa ibang mga tao.

Katulad ito ng Friendster ngunit limitado ka lang sa pamamahagi ng iyong mga

litrato at dito nagaganap ang malawakang social networking.

MySpace

Sa paggawa ng MySpace account, bistahin ang http://www.myspace.com

kung saan kagaya ng mga nauna ay makakakita ka ng isang aplikasyon sa

paggawa ng sariling account. Pagkatapos gumawa ay buksan ito. Maraming

pinagkatulad ang Friendster at MySpace ngunit ang nag-iibayo sa lahat ay ang

kakayahan ng MySpace na makipaghalubilo sa buong mundo maging ikaw ay

magpunta sa iba’t ibang bansa.

Page 12: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

F. Mga ibinunga ng Social Networking

Ang Internet ay isang “social space” na kung saan naghahalo ang

kalayaan at ang mga mas tradisyunal na sistemang sosyal. Dahil sa

kombinasyong ito, ang mga pamilyar at di-kilalang kondisyon ay

nagiging isang potensyal na pagbabago sa ugali’t kultura, online man

ito o hindi.

F. 1. Epekto sa Sarili

“Acting Out”

Dahil ang Internet ay isang sosyal na midyum, ito ay nahihiligan ng

mga teenagers bilang isang bagay o maaaring pangyayari upang

mapag-usapan ang isang isyung pangmadla o kilala rin bilang forum

para ipakita ng kontra-sosyal at palabang ugali. Kadalasan, ang

komunikasyon sa Internet ay nauugnay sa madalas na paggamit ng

mga insulto, mga mura, at agresibong pananalita. (Wallace,2000).

Marahil ang kakayahan na lumabas sa isang pag-uusap sa Internet

ang dahilan ng pagdami ng mga gawaing ito. Ito ay pwedeng iwan ng

kung sinuman na nagsulat ng masamang komento sa pamamagitan ng

paglo-logoff.

Sa karagdagan, ang SN ay nagdudulot ng adiksyon sa sarili at ito

ay ipinapakita sa dalawang klase ng gumagamit ng Internet, ang

dependent at independent. Ayon kay Young(1996), ang dependent ay

gumugugol ng 39 oras sa Internet para sa sosyal na pakikipag-usap at

pakikihalubilo. Samantala, ang independent naman ay kumokonsumo

ng 5 oras para sa netsurfing o e-mail lamang. Kadalasan ay ang mga

malungkot, binubukod, o walang kakahayan sa larangang sosyal ang

apektado ng adiksyong ito. Marahil ito ang nagbibigay ng kung anong

wala sila sa totoong buhay. Sa mga nasabi ni Young, makikita pa rin

Page 13: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

na mas mahina itong adiksyon na ito kung ikukumpara sa mga

lasenggo o durugista.

F.2 Epekto sa Pamilya

Pagbukod at Depresyon

Dahil sa pagiging sapat ng relasyon sa Internet, ang mga potensyal

na pakinabang at disadbentahe ng internet ay kaduda-duda. Ayon kay

Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), sa isang longitudinal na

pag-aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng Internet ay

may kinalaman sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa

mga kaibigan at pamilya.

F. 3 Epekto sa lipunan

Maraming epekto ang SN sa lipunan. Una, mas malalaman ng

mga teenager ang mga pangyayari sa kasalukuyan at sa mundo sa

ibang mga komunidad. Sa karagdagan, nagkakaroon ng pagtaas ng

kamalayan at oportunidad sa mga teenagers na parte ng mga

binubukod na grupo at sumasali sa SN. Mas magkakaroon sila ng

kaalaman sa mga ibang kabataang tulad nila.

Mayroon rin itong mga masasamang epekto, isa na dito ay ang

pagtaas ng aktibismo na tutungo sa aksyong sosyal. Isama pa natin

ang cybercrime na ayon sa isang report ng BBC, ay laganap sa buong

mundo at mahirap tugisin. Ayon sa ulat ng CSI/FBI Computer Crime

and Security(2000), sinasabi na 79% ng mga empleyado ang

umaabuso ng Internet sa Estados Unidos at isa sa mga abusong ito ay

ang pagdownload ng pornograpiya. Sa karagdagan, sa isang sarbey

na ginawa ng NOL poll ng ICM, sinasabing halos lahat ng

Page 14: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

respondenteay humihiling ng karagdagang control upang maiwasan at

panloloko, pornograpiya at pedopilya.

2. Ang Social Networking Bilang Public Property

A. Depinisyon ng Public property

Ang simpleng kahulugan ng salitang public property ay “bukas sa lahat,

maaaring makita o ma obserbahan ng lahat ng walang pahintulot

(answers.com)”. Sa karagdagan, ayon sa isang artikulo ni Jon Udell na

Omnidirectional Identity(2006), ang public property o kilala rin na public identity

ay isang penomenang imahinasyunal na laganap sa mga websayt.

B. Mga Kalakasan at Kahinaan ng pagiging Iang Public property

Ang public property ng SN ay may kalakasan at mayroon din naming

kahinaan. Una, ang pinaka hangarin ng public property social network ay ang

makapagbigay ng higit na impormasyon tungkol sa iyong sarili. Sa pagkakaroon din

ng public property, marami tayong maaaring makilala, iba’t ibang tao na may iba’t

ibang ugali, sa mga taong ito makakakilala tayo ng mga bagong kaibigan at

maaaring ang taong ating mamahalin. Mapapadali din tayo sa paghahanap ng mga

dati nating kaibigan.

Sa pamamagitan din ng public property na SN ay mailalahad natin ang ating

mga saloobin sa pamamagitan ng tinatawag na blogs, mailalabas natin ang bawat

reaksyon na hindi natin kayang ilabas ng harap harapan sa sitwasyon.

Masasama din natin na dahil dito ay maaari nating makausap agad ang mga

kaibigan natin sa pag- iiwan ng mga mensahe sa SN nila. At ang ibang public

property social networks ay ginagamit sa negosyo tulad ng pagbenta at pagbili o sa

pag-aanunsyo ng mga pangyayari.

Page 15: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

Sa likod ng mga kalakasang ito ay hindi maitatago ang maraming kahinaan.

Una, dahil public property nga ito, marami ang manloloko. Maaaring gamitin lahat ng

impormasyon tungkol sa iyo at gamitin sa mga illegal na gawain. Maaaring maloko

din ang user sa mga tao na nakikipagkita para lang perahan ka o pagsamantalahan

ka. Dito nagsisimula ang ibang kaso ng panggagahasa at pagkawala ng mga tao

lalo na ang mga menor de edad(Harvey).

Ang kahinaan din ng public property social networking ay may direktang

epekto sa gumagamit dahil sa public property, maaaring mawalan na ng oras ang

isang indibidwal sa kanyang sarili at kaibigan dahil lamang sa pagtingin sa iba’t

ibang pahina sa network ng sari-saring tao na kadalasan ay hindi naman kilala.

Pwede ring mawala ang galing natin sa pakikipag-usap sa ibang tao sa totoong

mundo dahil sa mga chat rooms at SN. Nagkakaroon ng social isolation o ang

paghiwalay natin sa ibang totoong mundo para sa oras ng public property sa

networking.

C. Mga Kaugnay na pag-aaral sa Social Networking bilang Public Property

Isang sarbey ang ginawa ni Keith J. Anderson, Ph.D. sa 13,000 mag-aaral sa

kolehiyo sa walong akademikong institusyon. Ito ay tungkol sa paggamit ng Internet

upang makilala kung paano nito naaapektuhan ang pakikihalubilo at ang

akademikong pamumuhay. Lumabas na ang tipikal na gumagamit ng Internet ay

kumokonsumo ng 100 minuto bawat araw at ang maliit na grupong ito ang

nagsasabing ang Internet ay humahadlang sa ilang aspeto ng kanilang buhay.

“America, kilalanin natin ang mundo ng MySpace ”.(Frauenhelm, 2007) Ito ang

sinabi ni Ed Frauenhelm sa kanyang artikulong Social Revolution. Sinabi niya na

ang SN ay unti-unting sinasakop ang iba’t ibang aspeto ng ating pamumuhay at isa

na dito ang sa kalakaran .Ito ay sa ikabubuti at para sa ikasasama nito. Ayon kay

Frauenhelm(2007), sa kasalukuyan ay mayroong higit sa 14,000 na pangkatan sa

MySpace na may kaugnayan sa mga kumpanya o mga katrabaho habang may

Page 16: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

walong libong network sa karibal na websayt na Friendster. Ang pagdating ng

Generation Y (mga ipinanganak sa pagitan ng 1970 hanggang 2000) sa industriya

ng pagtatrabaho ay nagsasabing ang mga kumpanya ay may kaunti o walang mapili

kung hindi ang iakma ang mga ito sa mga dumadaming katrabahong mahilig

makihalubilo at gamay ang umuusad na teknolohiya sa Internet.

Sinasabi sa mga nakalipas na pananaliksik na ang sobrang paggamit ng

Internet sa mga mag-aaral sa kolehiyo ay umuugnay sa mga isyung debelopmental

na pangkaraniwan sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Samantala, habang ang ilang

mag-aaral ay nasa kapaligirang nagbibigay ng maraming oportunidad sa

pakikipagkita sa ibang tao at pag-unlad ng bagong relasyon, ang ilan na hindi

mahilig makihalubilo ay may kahirapang sa pakikipagkapwa- tao. Sa karagdagan,

ang pagkakaroon ng di pagkakakilanlan sa Internet ay nagbibigay sa mga mag-aaral

ng seguridad at hindi mapanganib na oportunidad sa pagkakaroon ng relasyon sa

Internet (Anderson).

Ang paglago ng SN sayt ay may kasabay na mga problema. Sinasabi sa

artikulong pinamagatang Social Revolution (Frauenheim, 2007), ang mga kumpanya

ay unti-unting inaaral ang SN na parang isang malaking pagsubok. Sinasabi na ang

mga ito ay maaaring magdulot ng nakaka-asiwang relasyon sa mga katrabaho at

paraan upang sayangin ang oras. Bunga dito, ang mga negosyante ay dumisenyo

ng mga SN na nakapokus sa kalakaran upang maiwasan ang mga nasabing

suliranin. Sa mga nakalipas na pag-aaral na nakalap ni Anderson, sinasabi na ang

paggamit ng Internet bilang isang computer-mediated na komunikasyon ay may mga

isyung kinahaharap tulad ng panggigipit, stalking, at pornograpiya. Ang mga termino

tulad ng “Internet dependence” at “pathological computer use” ay ginagamit sa taong

may adiksyon sa Internet.

Sa kabila ng mga suliranin sa paglaganap ng social networking, may mga

mabubuting epekto ito. Sa artikulo, sinabi na ang mga ito ay nakakatulong sa mga

kumpanya na pagbutihin ang “organisasyong impormal” na tumutukoy sa mga hindi

Page 17: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

opisyal na channels ng komunikasyon at kolaborasyon na may malaking

kontribusyon sa bisa ng isang kumpanya. Sa karagdagan, ito ay ginagamit upang

makakuha ng mga magagaling na aplikante sa isang trabaho. Ito rin ay

nakakapabuti ng pagtuturo at pagpupursige sa mga empleyado at pagkakaroon ng

magandang relasyon sa pagitan ng kumpanya at mga dating empleyado nito.

Ayon sa artikulo ni David Holmes sa librong Virtual Politics: Identity and

Community in Cyberspace(1997), sinasabi na may malaking kahalagahan ang mga

kapalit o katumbas ng paglalabas ng ating kakilanlan sa mga teknolohiya. “Ang mga

uri ng teknolohiyang ito ay nagbibigay ng malaking posibilidad na hindi tayo

‘mawawala’”(Holmes, 1997). Sa karagdagan, sinasabi na lubos nating kinokonsumo

ang ating oras makabalik sa ating pinagmulan at hinahanap kung gaano natin kilala

ang ating sarili . Dahil dito, nawawalan tayo ng kontrol sa pisikal, mental, at

emosyunal na mundo. Ito ay nababago sa paggamit ng mga kagamitang

komunikasyon.

Page 18: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

1. Metodolohiya

A. Instrumento

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang sarbey na naglalaman

ng dalawampu’t tatlong katanungan na maaaring open o close- ended.

Ang close- ended na mga katanungan ay naglalaman ng kwantitatib na

mga sagot. Sa karagdagan, ang mga uri ng mga close-ended na

katanungan na ginamit ay ang multiple choice kung saan mas limitado

ang mga posibleng sagot at ordinal na siya namang katanungang

nagbibigay ng pagkakasunud- sunod. Sa kabilang dako naman, ang open-

ended na mga katanungan ay ginagamit kung ang sariling salita ng

tagatugon ay ay kinakailangan. Ito ay karaniwang tinatawag na “breaking

the ice” na mga tanong. Dahil ang sariling salita ng tagatugon ang

kailangan, ito ay nagiging kwaliteytib na mga tanong.

Ang nasabing sarbey ay ibinigay kay Gng. Zendel Taruc, punong

tagapayo at guro ng Filipino II, upang iwasto at suriin ng husto ang

sarbey. Pagkatapos nito ay binago ang sarbey sa tulong ng

www.surveymonkey.com at ayon na rin sa mga komento at suhestiyon ng

tagapayo. Ang naayos na sarbey na may 400 na kopya ay ipinamahagi at

sa kalaunan ay kinolekta rin at 290 na sarbey na lamang ang naibalik

Page 19: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

Larawan Larawan 1b

Larawan 1c

B. Respondente

Ang naturang sarbey ay ipinamahagi sa 400 na mga tagatugon na

kinabibilangan ng mga sumusunod na pamantayan:

a. Isang mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas

b. Maaaring undergradweyt o hayskul

c. Kung isang undergradweyt, siya ay dapat kabilang sa

mga sumusunod na kolehiyo:

i. AB

ii. Commerce

iii. Engineering

iv. Nursing

v. Pharmacy

vi. Architecture

vii. Rehabilitation Sciences

Sa kabuuan, 290 lang ang naibalik na sarbey. Ang datos ay

binigyan ng interpretasyon. Sa karagdagan, ang datos ay nilagay sa mga

bahagdan para sa mas magandang pagkakaiba ng mga resulta.

2. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos

1. 1 Katangian ng mga Tagatugon

Sa 400 na sarbey na ipinamahagi, 290 lamang

ang bumalik sa mga mananaliksik. 271 o 93% ng

mga tagatugon ang may social networking site

habang 19 o 7% ang walang social networking site

Page 20: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

Larawan 1d

Larawan

Bilang ng oras na ginugugol sa bawat pagpunta sa mga

social networking sites

35%

23%15%

23%4%

Wala pa saisang orasIsang oras

Higit satatlong orasDalawangorasIba pa

Larawan 2b

na makikita sa Larawan 1a. Pinapakita dito ang malaking bahagdan ng

mga kabataan ang may lubos na kaalaman at ginagamit ang SN sayt.

Sa Larawan 1b, pinapakita ang

bilang ng kasarian ng lahat ng mga

tagatugon. 176 o 61% ang mga

kababaihang respondente samantalang

114 o 39% ang mga kalalakihang

tagatugon. 239 o 82% ng mga

tagatugon ay mga undergradweyt na

mag-aaral samantalang 51 o 18% ang

mga hayskul

Sa larawan 1d, pinakita ang mga undergradweyt na kalahok pati na

rin ang mga kolehiyong nirerepresenta nito. Nangunguna ang

Pharmacy(54 na tagatugon o 22%) at sumunod ang Commerce at

Engineering( tig- 50 na tagatugon o 21%). Sumunod ang AB (31 na

tagatugon o 13%), Rehabilitation Sciences(23 na tagatugon o 10%),

Architecture(17 na tagatugon o 7%) at nahuhuli ang Nursing(13 na

tagatugon o 6%).

1. 2 Katangian ng mga Sagot ukol sa Social Networking

Ang Friendster ay ang

pinakaginagamit ng mga kabataan sa

Page 21: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

Larawan

Larawan 2d

ngayon( 271 o 53%). Sumunod sa Friendster ay ang Multiply( 182 o 36%) at

ang pinakahuli ay ang MySpace(57 o 11%). Pinapakita sa Larawan 2a na

mababa man ang paglaganap ng Friendster sa Estados Unidos,

pinakapopular naman ito sa mga Asyano dahil sa mga “language options”

nito.

Sa larangan ng bilang ng oras na ginugugol sa SN, nangunguna ang mga

gumagamit ng wala pa sa isang oras( 102 o 36.17%), sumunod ang isang

oras at dalawang oras(64 o 23%), ang higit sa tatlong oras(41 o 15%) at ang

panghuli ay iba pa(11 o 4%). Pinapakita sa larawang ito na hindi gaanong

sinasayang ng SN ang oras ng kabataan sa mas importanteng gawain.

Sa Larawan

2c, inilalarawan ang

lebel ng pagiging

pribado ng SN sa

aspeto na may kasama o wala sa oras na pupunta sa isang SN sayt. Nangunguna ang

sumagot sa “minsan nag-iisa at minsan ay kasama ang kaibigan” na may 61%.

Sumunod ang “nag-iisa” (88 na tagatugon o 31%), “may kasamang kaibigan”( 17 o 6%)

at ang huli ay ang iba pa na may limang tagatugon o 2%. Sinasabi dito na ang lebel ng

pagiging pribado ay limitado lamang sa mga kaibigan at nagdudulot ito na ang paggamit

SN ay isa ring paraan ng pakikihalubilo.

Sa larangan ng uri ng profile, pinapakita sa Larawan 2d na hindi nagkakalayo

ang agwat ng mga gumagamit ng pampubliko o pribadong profile. Ang karaniwang

sagot ng mga respondenteng sumagot sa pribadong profile ay dahil sa seguridad as sa

gusting maging eksklusibo ang kanilang sayt sa mga kaibigan lamang. Isa pang dahilan

Page 22: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

Larawan

ay ang takot na maaaring maloko o kunin ang inilathalang impormasyon sa web. Ang

karaniwang sagot naman ng mga gumagamit ng pampublikong profile ay dahil sa

kagustuhang maipakita ang identidad at magkaroon ng maraming kaibigan at makita

ang profile sa mga kaibigang hindi kasama sa listahan ng mga kaibigan.

Sa antas ng kaalaman sa seguridad ng kanilang katauhan sa SN sayt,

nangunguna ang sumagot sa “naglilimita ang mga makakakita” na may bilang na 131 o

46%. Sumunod dito ay ang sagot na “maaaring makita ng sino ang tauhan”(101 o 36%),

“mga kaibigan lamang ang nakakakita ng impormasyon”(46 o 16%) at nahuhuli ang

“wala akong alam kung nakikita man o nalilimita ang pagtingin” na may bilang na anim o

2%. Pinapakita sa Larawan 2e na may malaking kamalayan ang mga kabataan sa

kanilang seguridad sa SN.

Sa Larawan 2f, pinapakita na malaki ang hilig na

kabataan sa pangkalahatan ang SN. Ang kanilang ayaw

sa SN ay ang mga hackers o mga tao na kumukuha ng

impormasyon upang gamitin sa kalokohan at

pornograpiya.

Larawan

Page 23: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

Larawan 2i

Larawan Larawan

Ang dalawang larawan (2g at 2f) ay nagpapakita ng kamalayan sa pagiging

pribado at seguridad sa paggamit ng SN sa pag-iimbita at pakikipagkita sa ibang tao.

Napakalaki ang bahagdan ng hindi sumasang-ayon sa pag-iimbita at pakikipagkita dahil

sa takot na sila ay maloko. Ang kadahilanan kung bakit gusto ng iilang tagatugon ang

makipagkita o mag-imbita ay upang makipagkaibigan at lumalim ang relasyon.

Sa larawan 2i, 80% ng mga tagatugon ay

naniniwalang maaari silang mabiktima ng SN. Ito

ay sa mga sariling karanasan ng tagatugon o

karanasan o sa mga karanasan ng kanilang mga

kaibigan. Sa karagdagan, ang media ay

nakakaimpluwensya sa kamalayan ng mga

tagatugon. Ang mga hindi naniniwala ay

nagbigay ng kadahilanang kailangan laman ng

pag-iingat upang hindi ka mabiktima ng SN.

Page 24: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

91%

9%

Mabuti Masama

Ano ang higit na naidudulot ng SN sa iyo?

Sa kabila ng isyu ng seguridad,

“hackers”, at paggamit ng impormasyon

ng walang pahintulot, at sagabal sa pag-

aaral, nananatiling mabuti ang epekto

nito sa mga mag-aaral sa UST. Ito ay sa

kadahilanang:

◦ Pakikipagkaibigan sa mga

taong hindi kilala

◦ Pagpapatibay ng relasyon

sa mga kaibigan

◦ Pagkakaroon ng komunikasyon sa mga kamag-anak sa ibang bansa

◦ Nahahasa ang pakikihalubilo ng tao

◦ Naipapahayag ang sariling identidad

Page 25: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

1. Lagom

Ang papel na ito ay naglalarawan sa kaugalian ng mga tao partikular ng mga

estudyante sa pamantasan ng Unibersidad ng Santo Tomas tungkol sa social

networking. Batay sa nagawa naming interpretasyon ng mga datos na aming nakalap

mula sa mahigit na 250 na estudyante mula sa iba’t-ibang kolehiyo ng unibersidad,

aming nalaman na karamihan sa mga estudyante sa nasabing unibersidad ay

tumatangkilik sa mga social networking sites. Sa nasabing pamantasan, napag-alaman

ng grupo na mas popular ang Friendster bilang kanilang pangunahing social networking

site at ang Multiply na sumusunod. Marami ang naidudulot na maganda ng mga social

networking sites na ito sa kanilang pakikipaghalubilo sa mundong virtual. Bagama’t

alam ng mga kabataan ngayon ang maaring maidulot sa kanila ng pakikipaghalubilo sa

iba’t ibang uri ng tao, ipinagpapatuloy pa rin nila ang pagiging aktibo sa mga social

networking sites na ito sa kadahilanang nakikita nila at napipapakita nila ang kanilang

mga sarili sa pamamagitan ng mga ito. Itinuturing ng mga kabataan ngayon ang social

networking bilang isang “social trend” na humahatak sa bawat estudyante na gumawa

ng kani-kanilang sariling account. Marami ring masamang naidudulot ang pagkakaroon

ng account sa mga social networking sites sapagkat nawawala ang seguridad ng mga

estudyante at maari silang masangkot o mabiktima sa mga di kanais-nais na tao na

mayroon ding account sa social networking sites. Sa lahat ng mga nasabi, mayroon

ngang maganda at masamang epekto ang pagkakaroon ng accounts sa mga social

networking sites ngunit sa aming mga nakalap na impormasyon, mas nakikita ng mga

estudyante ang mabuting epekto nito sa kanila at sa kanilang mga kaibigan, kapamilya

at iba pa. Lahat ng aming ebidensya ay nagtutugma upang ipakita na ang social

networking sites ay mahalaga nga sa mga kabataan ngayon at ang mga benepisyo nito

sa kanila ay kanila namang nararamdman.

Page 26: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

2. Kongklusyon

Sa pagwawakas ng aming pananaliksik tungkol sa Social Networking, nais

naming ilahad ulit ang mga pag-aaral mula sa mga nakalap naming mga datos. Ang

mga datos ay ikinumpara sa aming review of related literature. Naipakita dito na

lumabas na magkatugma ang sarili naming pag-aaral sa mga nakalap na mga datos at

ang review of related literature na buhat sa iba pang mga pag-aaral sa Social

Networking.

Ang pag-aaral na aming isinagawa ay ang paraan ng pagkuha ng pananaw ng

mga piling mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas sa pamamagitan ng sarbey. Ang

sarbey na ito ay naglalaman ng mga open-ended at closed-ended na mga tanong para

malaman naming ng lubos ang pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa Social

Networking. Pagkatapos ng pangangalap ng mga datos, ang mga ito ay aming pinag-

aralan at sinuring mabuti. Sumonod na hakbang ay ang pag-iinterpreta ng mga ito,

nang hindi mahirapan, kami ay gumawa ng mga bahagdan upang mapadali ang

interpretasyon ng mga datos. Ito ang buod ng aming pag-aaral:

Una sa lahat, inasahan na napakalaking porsyento ng mga mag-aaral ang may

kaalaman at gumagamit sa Social Networking Site. Isang simpleng dahilan ng

pagkakaroon ng bawat kabataan o kahit mga matatanda ng Social Networking Site ay

upang makihalobilo sa ibang tao sa internet.

Ikalawa, sa mga uri ng Social Networking Sites, may kanya-kanya ring

preperensya ang mga tao, higit na ginagamit at may pinakamaraming myembro ng mga

mag-aaral ang Friendster, sunod ang Multiply, at panghuli naman ang Myspace. Ito ay

tumugma sa mga unang mga pag-aaral sa Social Networking, na ang Friendster ay ang

siyang pinakapopular na Social Networking Site sa Pilipinas.

Susunod, kaunti lamang ang oras na inilalaan ng mga mag-aaral sa pagpunta sa

mga Sites na ito. Ibig sabihin nito ay hindi nila inilalaan lahat ng oras nila ditto na

nagbibigay daan sa mga mas mahahalagang bagay pa sa kanila gaya na lamang ng

pag-aaral at pakikihalubilo sa pamilya at mga kaibigan nila.

Page 27: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

Nagiging maingat din ang mga higit sa mga mag-aaral sapagkat nililimita lamang

nila ang mga impormasyon na kanilang inilalathala sa internet, hindi nagiimbita ng mga

taong hindi nila kilala at hindi nila binabalak na makipagkita sa mga taong nakilala sa

internet lamang. Karamihan sa mga mag-aaral ay gumagamit ng pribadong profile at

higit sa kanila ay may kaalaman na maaari silang mabiktima ng mga manloloko kaya’t

alam nila ang mga dapat gawin upang ito’y hindi mangyari.

Naitanong din namin kung may ayaw sila sa mga Social Networking Sites na ito.

Kakaunti lamang ang sumagot na mayroon silang ayaw sa mga sites na ito, karamihan

sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng madaming manloloko, talamak na pornograpiya

at mga hackers. Konti lamang sa tingin namin ang may ayaw, sapagkat mayroon

naman paraan upang malimita ang mga impormasyon na puwedeng ilathala ng mga

indibidwal sa internet. Ito ay nakasalalay na lamang sa pag-iingat ng bawat indibidwal

sa mga impormasyon tungkol sa kanilang mga sarili.

Sa kabuuan, ang Social Networking ay may higit na mabuting naidulot sa mga

mag-aaral. Napapalawak ng mga sites na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral,

napagtitibay ang relasyon sa mga magkakaibigan, nakahahanap ng bagong mga

kaibigan, napagbubuti ang buhay sosyal ng bawat tao, nagtatagpo ulit ang mga dating

mga kaibigan na matagal ng walang komunikasyon sa isa’t-isa at higit sa lahat,

naipapahayag ang sariling idea at pananaw sa buhay sa buong mundo.

Page 28: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

3. Rekomendasyon

Imunumungkahi ng mga manunulat na higit na mapaghusay pa ang kanilang

pag-aaral sa larangan ng Social Networking sa kadahilanang nais pa nilang higit na

maunawaan ang mga mabubuting implikasyon na Social networking. Nais din

irekomenda ng mga manunulat ang ilang mga dapat na gawin upang makaiwas sa mga

manloloko. Isa sa mga dapat gawin dito ay ang pag-iingat sa mga impormasyon na

nilalathala sa iyong network. Ito ay makakatulong upang higit na mas mapaganda ang

pag gamit ng social networking. Para higit na mas mpagtibay ang mga datos na

nakalap, dapat din tagalin ang limitasyon sa mga tagatugon. Sa mga gusto pang ipag

patuloy ang pag-aaral tungkol sa social networking, nais ng mga manunulat na payuhan

ang mga magaaral na huwag limitahan ang social networking sa isang aspekto lamang

at huw ag din limitahan ang kanilang mga tagatugon.

Page 29: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

V. Bibliografiya:

About Classmates Online, Inc., Classmates.com, Nakuha noongFebruary 12, 2008 from

http://www.classmates.com/cmo/about/;jsessionid=RIVWXDQ2MEVJ4CQKWZ

SSVRQKBK1GMIV3?s=74606&_requestid=171457,

http://en.wikipedia.org/wiki/Classmates.com

Anderson, K. Internet use among col lege students: An exploratory

study[ Paggamit ng internet sa mga mag-aaral sa kolehiyo: Isang

eksplorator ing pag-aaral ] . Nakuha noong February 12, 2008 from

ht tp:/ /www.rpi .edu/~anderk4/research.html

Boyd, D. M. at El l ison, N. B. (2007). Socia l network s i tes: Def in i t ion,

h istory, and scholarship[ Mga socia l networking sayt :Depinisyon,

kasaysayan at kaalaman] . Journal of Computer-Mediated

Communicat ion, 13 (1), art ic le 11.

ht tp:/ / jcmc. indiana.edu/vol13/ issue1/boyd.el l ison.html

Changing adolescent experience[ Pagbabago ng karanasan ng tin-edyer]. Cambridge

University Press.

Frauenhelm, E.(2007) Socia l Revolut ion. Workforce Management , (28-

37)

Harvey, G. The pros and cons of social networks[Mga kabutihan at kapalit ng social

networks] , Ezine Articles. Nakuha noong February 12, 2008 from

http://ezinearticles.com/?Social-Networking,-The-Pros-and-Cons-of-Social-

Networks&id=683823CSI/FBI Computer Crime and Security Survey, 2000

Friendster. Kinuha mula sa website na http://www.friendster.com noong Pebrero 11,

2008.

Holmes, D(1997). Vir tual Pol i t ics: Ident i ty and Community in

Cyberspcae

Page 30: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

http://en.wikipedia.org/wiki/Computer

http://en.wikipedia.org/wiki/Internet

http://en.wikipedia.org/wiki/E-mail

http://en.wikipedia.org/wiki/Multiply.com

http://multiply.com/info/about

http://news.bbc.co.uk/hi/english/static/in_depth/uk/2001/life_of_crime/cybercrime.stm

http://www.answers.com/topic/public-space

Iskold, A(2006).Multiply: A different approach To social networking[Multiply: Isang

kakaibang pakikitungo sa social networking]. Nakuha noong February 12, 2008

sa http://www.readwriteweb.com/archives/mutiply_analysis.php

Lim, R (2008) J1, Students and campuses, friends,inc., Retrived January 6, 2008 from

Manila Bulletin

Multiply. Kinuha mula sa website na http://www.multiply.com noong Pebrero 12,2008.

Myspace. Kinuha mula sa website na http://www.myspace.com noong Pebrero 12,2008.

Social Networking, Retrived February 12, 2008 from

http://en.wikipedia.org/wiki/Social_networking

St ivers, Richard. (2004). Shades of lonel iness: Pathologies of a

technological society[Pangungul iml im ng kalungkutan:Patolohiya

ng teknolohiyal na l ipunan]. Lanham: Rowman & Li t t lef ie ld

Publ ishers, Inc.

Wolf , Mark J. (2000). Abstract ing real i ty: Art , communicat ion, and cognit ion in the digi ta l age[Pagwawalang kat iyakan s

real idad: Sin ing, komunikasyon at pagl i l imi sa d igi ta l na panahon].

Lanham: Univers i ty Press of America, Inc.

Page 31: Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao

WordNet 1.7.1 Copyright © 2001 by Princeton University. All rights reserved

www.en.wikipedia.org/wiki/MySpace

www.mashable.com/2006/08/09/myspace-hits-100-million-accounts

www.myspace.com/index.cfm?fuseaction=misc.aboutus