aksyong pananaliksik: epekto ng co-curricular activities
DESCRIPTION
Paaralang Sekundarya ng Ismael Mathay AmaTRANSCRIPT
EPEKTO NG CO-CURRICULAR
ACTIVITIES SA ACADEMIC PERFORMANCE NG MGA ESTUDYANTE SA PAARALANG SEKUNDARYA NG ISMAEL MATHAY AMA, ISANG PAG-AARAL
Mateo, Sheen An Lyn
Florencio, Julia Bien
Esagunde, Nisha Anne
Lupaz, Jennifer
KABUUANG KONSEPTO
Ayon sa kasalukuyang pag-aaral, ang paglahok sa co-curricular activities ay naka-aapekto sa
academic performance at achievements ng mga mag-aaral. Ang layunin ng pagsasaliksik na ito
ay ipabatid na mayroong magandang naidudulot sa academic achievements ng mga estudyante
ang pagsali sa co-curricular activities. Ang ginamit na paraan sa pag-aaral na ito ay pagpapasagot
sa 45 mag-aaral ang ilang mga katanungan sa papel. Malalaman sa pag-aaral na ito na ang mga
estudyanteng kasali sa kahit anong isports, dramatikong pagtatanghal ay nakaiimpluwensya sa
kanilang academic performance,.. Masasabing ang co-curricular activities ay nakaiimpluwensya
sa academic performance ng mga mag-aaral at nakadepende sa sinalihang aktibidad ang epekto
nito.
INSTRODUKSYON
Ang impluwensya ng mga Co-Curricular at Extra-Curricular Activities ay isa sa mga salik na
may importanteng epekto sa mga mag-aaral sa kanilang academic performance. Maraming
paraan upang gawing makabuluhan ng mga estudyante ang kanilang "free time" na may positibo
at negatibong resulta.
Ang 'co-curricular' ay tumutukoy sa mga aktibidad, programa, palatuntunan at patimpalak na
nagbibigay daan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa academic curriculum. Ilan dito ay ang student
newspaper, musical performance, art shows, mock trials, debate competitions, robotics at iba pa.
Samantalang, ang 'extra-curricular' activities ay bagaman may koordinasyon ang paaralan sa pag-
oorganisa nito, hindi ito tuwirang konektado sa academic learning.
Isa sa mga palatuntunan na pinakakaabangan ng Ismaelians ay ang mga patimpalak na
inilulunsad ng bawat Kagawaran. Tuwing Enero, ipinagdiriwang ang Buwan ng Matematika at
nagpapaligsahan ang mga mag-aaral sa Mathematics Quiz Bee, Poster at Slogan Making, at
Mathematics Jingle na pinangungunahan ng Departamento ng Matematika. Ibinibida naman ang
Miss and Mr. Intramurals tuwing Buwan ng Musika, Sining, Pisikal na Edukasyon at Kalusugan
o MAPEH. Isang tournament naman ang inilulunsad sa pagitan ng mga mag-aaral sa bawat
baitang upang madiskubre ang potensyal na manlalaro sa iba't ibang larangan ng Isports.
Ipinapakita ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalusugan at pagkain ng mga masusustansyang
gulay at prutas tuwing Buwan ng Hulyo sa pangunguna ng Kagawaran Technology and
Livelihood Education. Ginamit bilang instrumento ang Jingle N' Rap upang maghatid ng
mensahe sa mga kabataan. Malugod na binibigyang empasis ang pagpapahalaga sa Buwan Ng
Wika tuwing Agosto. Hinuhubog ang damdaming makabayan ng mga kalahok sa pamamagitan
ng Sabayang Pagbigkas, Pagpapakahulugang Sayaw, Pagsulat ng Sanaysay, Eksibit, Tagisan ng
Talino at Cosplay at iba pa. Eksepsyonal ang paraan ng paghikayat ng Kagawaran ng Agham sa
mga kalahok upang bigyang pansin ang pangangalaga sa Kalikasan tuwing Setyembre. Isang
malawakang kampanya ang 'Search for Science Fashionista' kung saan piling mag-aaral mula
bawat pangkat ang buong pusong nakikiisa sa sa mga programang Earth-friendly. Dahil sa
pagsisikap ng Kagawaran ng Araling Panlipunan, taunang ipinagdiriwang ang Buwan ng
Pagkakaisa tuwing Oktubre. Ang natatanging Ms. & Mr. United Nations ay binibigyang pansin
upang matuto ang mga kabataan ukol sa Pambansang Pagkakaisa. Samantala, ang English
Department ay patuloy na nagtataguyod ng Literary Character Parade upang higit na
mapahalagahan ang Literary Works at hikayatin sa pagbabasa ang mga mag-aaral. Damang-
dama ang Diwa ng Pasko sa Parol-Making Contest ng Kagawaran ng Edukasyon ng
Pagpapahalaga. Ilan lamang iyan sa mga Co-Curricular at Extra-Curricular Activities na
tumutulong sa paghubog ng mga mag-aaral.
Sa Paaralang Sekundarya ng Ismael Mathay Ama (PSIMA), isa sa pinagkakaabalahan ay ang
komputasyon ng mga karapat-dapat na parangalan ang mga naging eksepsyonal ngayong
academic school year (A.Y. 2014-2015) mula baitang pito hanggang ika-apat na taon. Ang 70-30
polisiya ang naging batayan sa paghirang ng mga Honorable Students. 70% ang nakalaan para sa
academics samantalang 30% sa Co-Curricular at Extra-Curricular Activities. Isinasaalang-alang
ang pagiging tumpak ng pagkokompyut upang maiwasan ang 'statistical discrepancy' at tiyak na
maparangalan ang mga karapat-dapat. Partikular na sa ika-apat na baitang sa pagpili ng
Valedictorian, Salutatorian at 8 Honorable Mention.
Ang Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepEd) ay naglathala ng
klasipikasyon sa DepEd Order No. 92, s. 2009 na ipinangalanang "Revised Guidelines on the
Selection of Honor Pupils and Students in Public & Private Elementary Secondary Schools" na
sumasaklaw sa Academics at Curricular Performance. Ang lahat ng punong-guro ng mga
Paaralang Elementarya at Sekundarya, Schools Division Superintended at Regional Directors ay
inaasahang siguraduhin ang eksakto at matiwasay na implementasyon ng Student Government
Program nitong DepEd Order.
Sinasaklaw nito ang puntos ng mga kandidato sa lahat ng lebel (school, district, division,
regional, national at international) na nakasaad sa Enclosure No. 2 DepEd Order No. 92 s. 2009
na may limang Area/Activity. Ito ay ang a) Contest and Competition (CC), b) Student
Leadership (SL), c) Campus Journalism (CJ), d) Officership and Membership (OM), at
Participation and Attendance (PA). Ang proseso sa pagbilang ng katumbas na puntos ay
1) Magsumite ang bawat kandidato ng lehitimong kopya ng dokumentasyon o ebidensya na
naayon sa Paragraphs 1 to 2 DepEd Order No. 92, s. 2009.
2) Suriin ang pagkalehitimo ng 'curricular' achievements ng bawat kalahok at ilagay ang
katumbas na puntos na naayon sa Table of Points for Co-Curricular Performance ng Enclosure
No. 2 to DepEd Order No. 92, s. 2009.
3) Gamitin ang matrix sa pagkokompyut ng puntos.
4) Isaayos ang ranggo mula sa pinakamataas hanggang pinakamababang total points.
5) I-multiply ang ranggo ng 3 puntos upang makuha ang weighted rank.
Patuloy na pinasisigla ng PSIMA ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
paggawad ng mga parangal tulad ng sertipiko, medalya, cash prizes at tropeyo sa Culminating
Activity ng bawat kagawaran.
HYPOTHESIS
Ayon sa kasalukuyang pag-aaral, ang paglahok sa co-curricular activities ay naka-aapekto sa
academic performance at achievements ng mga mag-aaralMalalaman sa pag-aaral na ito na ang
mga estudyanteng kasali sa kahit anong isports, dramatikong pagtatanghal ay nakaiimpluwensya
sa kanilang academic performance, habang ang panonood naman sa telebisyon ay mayroon ding
magandang naidudulot sa academic performance nila. Masasabing ang co-curricular activities ay
nakaiimpluwensya sa academic performance ng mga mag-aaral at nakadepende sa sinalihang
aktibidad ang epekto nito.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman kung may epekto ba ang co-curricular
activities sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral:
(1)Nakakaimpluwensya ba ang co-curricular activities sa academic performance ng mga
estudyante? (2)Saang larangan ka na nakikibahagi sa co-curricular activities? (3)Gaano katagal
ang iginugugol ng mga mag-aaral sa co-curricular activities? 4)Ano ang reaksyon ng mga
magulang ukol sa co-curricular activities? (5) Nababalanse mo ba ang academics at co-curricular
activity?
PARAAN NG PAGKUHA NG DATOS
Itinala ang mga datos sa pamamagitan ng survey sa 45 mag-aaral ng IV-Faith ng Paaralang
Sekundarya ng Ismael Mathay Ama. Kalakip nito ang ilang katanungan na naging basehan ng
mga datos.
PAG-AARAL NG DATOS
85%
15%
Nakakaimpluwensya ba ang co-curricular ac-tivities sa academic performance ng mga es-
tudyante? Oo Hindi
Sa 40 estudyanteng nabigyan ng sarbey,15% ang sumang-ayon at 85% ang hindi.
Sports Journalism Quiz Bee Dancing Drama Club
0
10
20
30
40
Saang larangan ka na nakikibahagi sa co-curricular activities?
Sa 40 estudyanteng nabigyan ng sarbey, 10 ang nakikibahagi sa sports, 40 sa Journalism, 15sa Quiz Bee, 9 sa Dancing, 6 sa Drama at 20 sa iba’t ibang Club o organisasyon.
1-3 oras10%
4-8 oras23%
8 pataas68%
Gaano katagal ang iginugugol ng mga mag-aaral sa co-curricular activities?
Sa 40 estudyanteng nabigyan ng sarbey, 10% ang may 1-3 oras na ginugugol sa co-currcular
activities, 22% sa 4-8 oras at 68% pataas naman ang higit sa walong oras
.
Sa 40 estudyanteng nabigyan ng sarbey, 6 ang may negatibong reaksyon at 34 ang sumang-ayon.
Sa 40 estudyanteng nabigyan ng sarbey, 26 ang sumang-ayon at 13 ang hindi.
6 Negatibong Reaksyon
34 Positibong reaksyon
Ano ang reaksyon ng mga magulang ukol sa co-curricular activities?
Oo
Hindi
05
1015202530
26
13
Nababalanse mo ba ang academics at co-curricular activity?
KONKLUSYON
Ipinapakita ng resulta ng aming pag-aaral na ang paglahok sa mga aktibidad sa paaralan o co-
curricular ay mapabuti ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral . Ang paglahok sa
patimpalak at sports ay nagpapabuti sa performance ng mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
REKOMENDASYON
Batay sa aming mga konklusyon ang ilang mga rekomendasyon na maaaring gawin na maaaring
maging kapaki-pakinabang para sa parehong mga magulang at mga guro.
Madalas, ang mag-aaral na aktibong lumalahok sa co-curricular ay nakakakuha ng benepisyo sa
kanilang pag-aara . Ang mga mag-aaral, guro at magulang ay dapat magkaroon ng kamalayan na
kung saan ang co- curricular na gawain ay kapaki-pakinabang . Ang bawat mag-aaral ay
ginagawa ang pinakamahusay para sa kanyang pag-aaral habang kabahagi sa ibang mga
aktibidad sa paaralan o co-curricular, kung saan ay hindi kapaki-pakinabang lamang para sa
pag-unlad ng kanyang kalusugan ngunit ito rin ay lumilikha ng balanse sa kanyang pagkatao.
Gayunpaman mga magulang ay hindi dapat pilitin ang kanilang mga anak upang makibahagi sa
mga cocurricular na mga gawain upang mapabuti ang kanilang mga grado. Magkakaiba ang
kakayahan at kagustuhan ng bawat mag-aaral. Ang mga magulang ay dapat makiisa sa
paghahanap ng mga aktibidad kung saan ang kanilang mga anak ay maaaring sumali na ayon na
rin sa kanyang kakayahan.
Sa kabilang banda hindi dapat pagbawalan ng mga magulang ang kanilang mga anak na kumuha
ng bahagi sa sports at iba pang mga aktibidad o co- curricular . Ang paglahok sa mga nasabing
aktibidad ay nakatutulong sa mga kabataan sa maraming paraan.
Ang mga aktibidad na ito ay bumubuo ng mga kasanayan sa panlipunan, ispiritwal, etika at
disiplina . Ang mga mag-aaral ay dapat bigyan ng pagkakataon na makasali sa iba’t ibang
aktibidad na magpapabuti sa kanyang sarili at magpapaunlad ng kanyang kakayahan. Ang
layunin ng mga co-curricular activities ay upang mapabuti ang bawat mag-aarat at upang
mapaunlad ang kanilang kakayahan. Ang mga magulang ay dapat sumusuporta sa kanyang anak
ano man ang nais nitong salihan na aktibidad na makatutulong sa kanya.