pinal na canal de la reina

8
I. Pamagat Ang titulo ng akdang Canal de la Reina ay ang mismong lugar kung saan nangyari ang mga eksenang naganap sa nobela. Inilalarawan ang lugar na ito bilang isang mabaho, maburak, maputik, pinaninirahan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay ang tumatayong pinuno ng lugar na ito. Ipinapakita rin dito na laganap ang kahirapan at pagsasamantala. Dahil din sa lugar na ito ay nagkaroon ng relasyon sa bawat isa ang mga tauhan dahil sa lupang pag-aari ni Caridad. At sa lugar na tinatawg na Canal de la Reina naganap at umikot ang mga pangyayari sa nobela. II. May Akda Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Pilipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno. III. Uri ng Akda Ang akdang “Canal dela Reina” ay isang nobela. Ang isang nobela ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. IV. Paksa ng Akda Umiikot ang istorya ng nobela sa lupang pinagaagawan ng dalawang panig. Ang pagpapatunay na kung kanino nga ba talaga ang lupa sa Canal dela Reina. V. Layunin ng may akda Ang layunin ng may akda ay ang ipakita sa atin ang mga nararanasang isyu ng marami sa ating mga Pilipino. Ang pagpapahalaga ng sariling atin. Na tayong mga Pilipino ay hindi titigil sa ating mga ipinaglalaban hangga’t alam nating tama ito. VI. Mga Tauhan Sa pamilyang De Los Angeles, mayroong silang apat na miyembro. Ang haligi ng tahanan na si Salvador ay madalas na tahimik at minsan lamang kung magsalita. Palagi siyang sumasang-ayon sa mga tamang desisyon ng kanyang asawang si Caridad. Si Caridad naman ay ang ilaw ng tahanan sa pamilyang de los Angeles. Isang mabuting maybahay at ulirang ina, ngunit may tibay at lakas ng look na harapin ang kanilang mga problema. Ang magasawang Caridad at Salvador ay may dalawang anak. Si Leni, ang panganay, ay isang doctor na ang ispesyalidad ay ang Pediatrics. Masasabing matalino si Leni dahil nanguna siya sa Board Exam. Ang bunso naman nilang anak ay si Junior. Mahilig siya sa mga usaping political kaya ninanais niyang maging abugado, ngunit pingilan siya ng kanyang mga magulang kaya ang pagiging architect na lang ang kanyang pinili.

Upload: jemyr-ann-navarro

Post on 28-Apr-2015

610 views

Category:

Documents


17 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pinal Na Canal de La Reina

I. PamagatAng titulo ng akdang Canal de la Reina ay ang mismong lugar kung saan nangyari ang mga eksenang naganap sa nobela. Inilalarawan ang lugar na ito bilang isang mabaho, maburak, maputik, pinaninirahan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay ang tumatayong pinuno ng lugar na ito. Ipinapakita rin dito na laganap ang kahirapan at pagsasamantala. Dahil din sa lugar na ito ay nagkaroon ng relasyon sa bawat isa ang mga tauhan dahil sa lupang pag-aari niCaridad. At sa lugar na tinatawg na Canal de la Reina naganap at umikot ang mga pangyayari sa nobela.II. May AkdaSi Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ngmga akdang nagtatampok ng halagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Pilipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapatna pedestal ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno.III. Uri ng AkdaAng akdang “Canal dela Reina” ay isang nobela. Ang isang nobela ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. naging istilo nito ang lumang pag-ibig atnaging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.IV. Paksa ng AkdaUmiikot ang istorya ng nobela sa lupang pinagaagawan ng dalawang panig. Ang pagpapatunay na kung kanino nga ba talaga ang lupa sa Canal dela Reina.V. Layunin ng may akdaAng layunin ng may akda ay ang ipakita sa atin ang mga nararanasang isyu ng marami sa ating mga Pilipino. Ang pagpapahalaga ng sariling atin. Na tayong mga Pilipino ay hindi titigil sa ating mga ipinaglalaban hangga’t alamnating tama ito.VI. Mga TauhanSa pamilyang De Los Angeles, mayroong silang apat na miyembro. Ang haligi ng tahanan na si Salvador ay madalas na tahimik at minsan lamang kung magsalita. Palagi siyang sumasang-ayon sa mga tamang desisyon ng kanyangasawang si Caridad. Si Caridad naman ay ang ilaw ng tahanan sa pamilyang de los Angeles. Isang mabuting maybahay at ulirang ina, ngunit may tibay at lakas ng look na harapin ang kanilang mga problema. Ang magasawang Caridad atSalvador ay may dalawang anak. Si Leni, ang panganay, ay isang doctor na ang ispesyalidad ay ang Pediatrics. Masasabing matalino si Leni dahil nanguna siya sa Board Exam. Ang bunso naman nilang anak ay si Junior. Mahilig siya sa mga usaping political kaya ninanais niyang maging abugado, ngunit pingilan siya ng kanyang mga magulang kaya ang pagiging architect na lang ang kanyang pinili.Sa Pamilyang Marcial, apat rin ang miyembro na nabanggit sa nobela. Si Nyora Tentay ang pinaka mayaman sa kanilang lugar. Siya ay mapagsamantala sa mga taong humihiram ng pera sa kanya at isa siyang pakielamerang ina.Palagi niyang pinakikielaman ang buhay ng kanyang anak at pilit itong pinasusunod sa kanyang gusto. Ang anak naman niyang si Victor ay lagging sumusunod sa kanya. Wala siyang sariling desisyon, ngunit mapagmahal naasawa’t ama kahit hindi ito masyadong naipakita. Ang kanyang asawa ni Victor naman na si Gracia naman ay kinaaayawan ni Nyora Tentay. May anak sina Victor at Gracia. Siya naman si Gerry. Si Gerry ay may pagtingin sa anak nina Salvador at Caridad na si Leni.VII. Tagpuan at PanahonUmikot ang kalamnan ng nobela sa bayan ng Canal de la Reina. Isang tunay na pook sa Tundo, Maynila kung saan isinilang ang manunulat na si Liwayway A. Arceo.VIII. BuodPinuntahan ng mag-asawang Caridad at Salvador ang lupang namana ni Caridad sa yumao niyang mga magulang at ito ay nasa Canal de la Reina. Hindi nakita ni Caridada ang dating ilog na malinis at malinaw ang tubig. Ngmakarating sila roon, nagulat na lamang siya at may bahay na nakatiri doon. Si Nyora Tentay ang may-ari ng bahay at ang sabi ay ipinagbili ito sa kanya ni Osyang, ang katiwala ni Caridad, na kamamatay lamang. Napuno ng gulat siCaridad ng malama niya ang buong katotohanan. Ang parehong panig ay kumuha na ng sarili nilang abogado ngunit hindi makuha ni Nyora ang abogadong tatay ni Gracia dahil naghiwalay na sila ni Victor. Tinulungan pa nga

Page 2: Pinal Na Canal de La Reina

ni Gracia sina Caridad sa pamamagitang ng pagiging saksi sa mga kasamaan ni Nyora. Pinasok ng baha ang bahay ni Nyora nung bumagyo ng malakas. Natangay lahat ng mga alahas at pera niya. Nang pumayapa na ang lahat atnagbalik na sa normal, unti-unti ring bumalik sa katinuan si Nyora Tentay. Ang lupa ay sadyang kay Caridad, at kanyang inamin ito.IX. Pinaka magandang pangyayariPara sa akin, ang pinaka magandang pangyayari sa nobela ay ang parte kung saan nabalik ang kabaitan ni Nyora Tentay. Ang parte kung saan kanyang natanto na hindi lahat ay nakukuha ng basta basta lamang. Na lahat aypinaghihirapan. Na ang kanyang pagkikilos ay hindi tama, at kailangan niyang magpakabuti muli.X. KasukdulanAng kasukdulan ng nobela ay naging maganda at masaya. Nanumbalikan ang kabutihan ni Nyora Tentay. Nabalitaan na rin na nangunguna si Leny sa Board Exam. Pinahayag na rin nina Lenny at Jerry ang kanilang engagement.Handa nina Salvador ang pagamutan na itatayo sa kinatatayuan ng dating bahay ni Nyora kina Leny at Jerry. At nakuha na rin ni Caridad ang lupang talagang sakanya.XI. Paguugnay sa kasalukuyanNapalitaw ni Arceo ang kulay at dilim ng buhay sa likod ng mga payak na pangyayari sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tauhan sa nobela. Ang mapag-arugang damdamin ng isang ina ay nagbigay diin sa karakter ni Caridadat Gracia sa magkaibang paraan. Ang una ay ang pagiging maunawaing maybahay ni Salvador at maaalalahaning ina nina Leni at Junior. Ang pangalawa nama’y ay ang pagiging matatag sa kabila ng kawalan ng katuwang sa pagaarugang kanyang nag-iisang anak na si Geronimo. Kapwa naging biktima ng kasakiman ni Nyora Tentay ngunit parehong nakipagtunggali at hindi yumukod sa kalakaran ng lipunan. Si Caridad ay buong –tapang na nanindigan na bawiinang lupang kinamkam ni Nyora Tentay subalit nagpakita pa rin ng kabutihan sa matanda nang ito ay nasiraan ng ulo. Habang si Gracia nama’y ibinalik ang naranasang kapaitan sa mag- inang sina Nyora Tentay at Victor ngunit ang pag-ibig pa din para sa huli ang namayani sa kanyang puso. Sila ang dalawang mukha ng mga Pilipino, hindi tiyak ang paroroonan ngunit tulad ng ilog ng Canal de la Reina sila’y patuloy na nakikipagsapalaran at nakikibaka sa kabila ng mgabasurang nagpapasikip at nagpapahirap sa kanilang pag-agos sa buhay. Isa pang aral naipinararating ng nobela ay walang nananalo sa katiwalian. Kung sa umpisaay nakukuha nila ang gusto nila, sa huli ay pinaparusahan angmgaganitong tao. Kaya naman sa buhay palaging ang kabutihan pa rin ang nangingibabaw.XII. Mga KaisipanBawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang pananagutan at responsibilidad sa mga bagay na ipinagkaloob at ipinaubaya sa atin. Ang pananakop ng mga iba’t ibang banyagang bansa sa Pilipinas at kung paano ito nasupil ng ating mgabayani ay naitala na sa bawat sulok ng ating kasaysayan subalit hanggang sa kasalukuya’y hindi pa rin ito natutuldukan. Sa nobelang Canal de la Reina, ginagalugad nito ang iba’t ibang paraan ng mga karaniwang tao sa Maynila upang mabuhay at makatawid mula sa kahirapan. Inihambing ang ating kasaysayan sa nagdarahop na mamamayan na nakatira sa gilid ng ilog ng Canal de la Reina.XIII. Teoryang PampanitikanAng teorya na aking napili para sa nobelang ito ay ang teoryang Sosyolohikal. Ang Sosyolohikal ay nagsisilbing salamin ng kaligiran ng isang tiyak na pook, kultura, tradisyon, kaugalian at paraan ng pamumuhay. Mula sa kwento, naiihalintulad ang mga karakter nina Caridad, at ang kanilang pamumuhay. Ang mga pinagdadaanan nilang mga problema at isyu. Katulad lamang ng hindi pag sang-ayon sa pagiging abogado ni Junior. Pati ang isyu tungkol duon sa may ari ng lupa, isa ring aspekto ng pagka sosyolohikal nito.Pati ang pag asal ni Nyora Tentay ay isa ring aspekto. Ang pagiging manhid niyanuong una. Base rin ito sa katotohanan na ating nararanasan sa kasalukuyan.CANAL DELA REINAni Liwayway A. ArceoI. TemaMagandang suriin ang nobelang Canal de la Reina sa aspetongSosyo-ekonomikal at Sosyo-politikal. Makikita kasi rito ang tunay nakalagayan ng isang lipunan at ang pag-uugali o reaksyon nito sa isangisyung napapanahon. Sa patuloy na “pag-iisang kahig, isang tuka” ngkaramihan ng mga Pilipino, nahihirapan itong paunlarin hindi lang angkanyang bansa at lipunan kundi pati na rin ang kanyang sarili. Sanobela, mapapansing ang tema nito ay kahirapan. Ito ay kitang kita samismong kabuuan ng nobela pagkat sa bayan ng Canal De La Reina, siNyora Tentay ang may kaya sa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitanng lahat ng naninirahan doon upang umutang dahil sa kakapusan sapera. Imbes na tulungan niya ang mga ito ay tinatapalan pa niya ngmalaking interes ang mga umuutang. Nakikita rin dito ang kahirapandahil mayroong mga katiwalian at bayaran sa mga opisyal.

Page 3: Pinal Na Canal de La Reina

Katulad ni Nyora Tentay na may maruming katuhan, ang taongwalang inisip kung hindi ang sariling kasiyahan at karangyaan aywalang mararating na maganda sa buhay. Si Nyora Tentay ay maykaunting kaya ngunit ang kaugalian ay walang kagandahan kung kaya’tsa kahuli-hulihang sandali ng kanyang buhay, lahat ng taong kanyanginapi noong simula ay hindi rin siya tinulungan. Tulad ng kasabihan“Huwag kang gagawa ng kung anong bagay na ayaw mong gawinsayo”, si Nyora Tentay ay masyadong inabuso ang kanyang karangyaanat imbes na tumulong siya sa mga nangangailangan ay ipinapamukhapa nito sa mga humihingi ng tulong na sila’y mga hampas lupa.Katulad ng sa tunay na buhay, ang taong kahit pa gaano ang yaman oganda ay hindi nirerespeto at minamahal ng tao kung ang ugali nito aywalang kagandahan. Ang tao kahit gaano kahirap ngunit may likas nakabutihan ay palaging tinititingala ng mga tao at binibigyang respeto.Isa pang aral na ipinararating ng nobela ay walang nananalo sa katiwalian. Kung sa umpisa ay nakukuha nila ang gusto nila, sa huli aypinaparusahan ang mga ganitong tao. Kaya naman sa buhay palagingang kabutihan pa rin ang naghahari.II. SimulaA. Mga TauhanPamilyang de los Angeles Sila ay isang pamilyang maypagkakaisa at unawaan para sa isa’t isa. Masasabing isa silanghalimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya.1. Salvador- ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad.Tahimik lang ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahitminsan lamang ito magsalita, talagang may kabuluhan at maylalimnaman ito. Madalas din siyang sumasang-ayon sa mgadesisyonni Caridad lalo na’t kung sa tingin niya’y ito’y tama at para saikabubuti ng asawa.2. Caridad-isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya.Malaki ang pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalona sakanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyang babaengmay malakas at matibay na loob. Hindi siya agad-agadnagpapatinag sa mga problemang kanyang kinakaharap.3. Leni -panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad.Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor.Espesiyalidad nito angPediat rics at talaga namang makikita anghusay ni Leni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at sakatunayan ay siya pa angnakakuha ng unang pwesto saMedica lBoard Exam.4. Junior.- huling miyembro ngpamilya. Kasalukuyan itongkumukuha ng kursongArchi tecture sa isang unibersidad. Angtunay talagang nais ni Junior ay ang kumuha ng abogasya ngunittinutulan ito ng kanyang mga magulang. Mahilig si Juniormakipag-usap lalo na kung tungkol sa politka at gobyerno.Mabuting anak si Junior at laging sinusunod ang kanyang mgamagulangPamilyang Marcial-Ang pamilyang ito ay puno ngkaguluhan. Wala kasi silang maayos na komunikasyon. Hindipinakikinggan ni NyoraTentay ang kanyang anak na si Victorat pilit na pinasusunod ito sakanyang mga nais kahit naayaw naman nito.5. Victor - ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sakanyang ina. Hindi man kita ay mahal na mahal niya angkanyang pamilya.6. Gracia-asawang hinwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan nginang si Nyora Tentay7. Gerry- anak ni Victor at GraciaB. TagpuanInilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumutiktikan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay ang nagmimistulang pinuno rito. Ang lugar na ito ay simbolo ng mga lunggati ng bawat isa, lalo na ng mga mahihirap. Ipinapakita rin nito na hindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging simbolo ng pagbabago. Nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canal de la Reina dahil ang lupang pagmamay-ari ni Caridad ay nandirito. Maraming pangyayari ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang pinaka-kalamnan ng nobela.

Page 4: Pinal Na Canal de La Reina

C. SuliraninAng suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni Caridad na biniliang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwalanila na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasangmagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa.III. GitnaA.Saglit na KasiglahanSa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kayasa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doonupang umutang dahil sa kakapusan sa pera.Imbesnatulunganniyaang mga ito ay tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mgaumuutang. Nakikita rin dito ang kahirapan dahil mayroong mgakatiwalian at bayaran sa mga opisyal.B.TunggalianNalaman ni Caridad na binili ang kanyang lupa, di umano niNyora Tentay mula sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa mgapangyayaring ito, hindi naiwasang magkaroon ng alitan sa pagitan ngdalawa.C. Kasukdulan.Ang kalutasan ng nobela ay naging maayos at masaya. Ang lahatay nagdiwang dahil ang kanilang mga suliranin ay natapos sa isangmaayos at mapayapang paraan. Si Junior ay pinayagan nang kumuhang abogasya at si Leni at Gerry naman ay nagpakasal na. Nagpasyasilang mag-umpisa ng bagong buhay at mga pangarap sa kanilang lupasa Canal de la Reina.IV. WakasA.KakalasanNagkaroon ng solusyon ang suliranin nang isang araw aymay dumating na napakalakas na bagyo sa bansa. Naging dulotnito ay ang pagkakatangay sa baha ng mga naninirahan sa Canalde la Reina at kasama rito si Nyora Tentay. Sa di inaasahangpangyayari ay napunta sa pamilyang de los Angeles ang mgapapeles ni Nyora Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit pinili parin itong isauli ng pamilya dahil nais nilang maging patas.B. KatapusanDahil na rin siguro sa mga pangyayari ay naisip na niNyora Tentay na masama ang kanyang mga ginagawa. Tinanggapnito ang kanyang pagkatalo at ibinalik ang lupa sa tunay nanagmamay-ari.V. MensaheMaraming makikitang isyung-panlipunan sa nobela. Hanggang sangayon ay nagaganap pa rin ito sa iba’t ibang panig ng ating bansa.Maliit man o matataas na tao ay nasasangkot sa ganitong mga gawain.Dahil dito, buhay ng mga mamamayan ang naaapektuhan. Bumababana rin tuloy tuloy ang ekonomiya at hindi nagiging maayos angpamamalakad ng batas ng ating bansa.Makikita rito na ang tao ay maaaring magbago para sa ikabubutinito. Hindi lahat ay isinilang na masama dahil tayo ay nilikha ayon sakatangian ng Diyos. Kahit kalian ay hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihBUOD/ PAG-AANALISA NG CANAL DE LA REINA

Magandang suriin ang nobelang Canal de la Reina sa aspetong Sosyo-ekonomikal at Sosyo-politikal. Makikita kasi rito ang tunay na kalagayan ng isang lipunan at ang pag-uugali o reaksyon nito sa isang isyung napapanahon. Sa patuloy na “pag-iisang kahig, isang tuka” ng karamihan ng mga Pilipino, nahihirapan itong paunlarin hindi lang ang kanyang bansa at lipunan kundi pati na rin ang kanyang sarili. Sa nobela, mapapansing ang tema nito ay kahirapan. Ito ay kitang kita sa mismong kabuuan ng nobela pagkat sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kaya sa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon upang umutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niya ang mga ito ay tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mga umuutang. Nakikita rin dito ang kahirapan dahil mayroong mga katiwalian at bayaran sa mga opisyal.

Katulad ni Nyora Tentay na may maruming katuhan, ang taong walang inisip kung hindi ang sariling kasiyahan at karangyaan ay walang mararating na maganda sa buhay. Si Nyora Tentay ay may kaunting kaya ngunit ang kaugalian ay walang kagandahan kung kaya’t sa kahuli-hulihang sandali ng kanyang buhay, lahat ng taong kanyang inapi noong simula ay hindi rin siya tinulungan. Tulad ng kasabihan “Huwag kang gagawa ng kung anong bagay na ayaw mong gawin sayo”, si Nyora Tentay ay masyadong inabuso ang kanyang karangyaan at imbes na tumulong siya sa mga nangangailangan ay ipinapamukha pa nito sa mga humihingi ng tulong na sila’y mga hampas lupa. Katulad ng sa tunay na buhay, ang taong kahit pa gaano ang yaman o ganda ay hindi nirerespeto at minamahal ng tao kung ang ugali nito ay walang kagandahan.

Page 5: Pinal Na Canal de La Reina

Ang tao kahit gaano kahirap ngunit may likas na kabutihan ay palaging tinititingala ng mga tao at binibigyang respeto. Isa pang aral na ipinararating ng nobela ay walang nananalo sa katiwalian. Kung sa umpisa ay nakukuha nila ang gusto nila, sa huli ay pinaparusahan ang mga ganitong tao. Kaya naman sa buhay palaging ang kabutihan pa rin ang naghahari.Sa umpisa ng nobela ay ipinakilala agad ang mga pangunahing tauhan. Binanggit na rin agad ang mga pangalan nito at ang relasyon nila sa bawat isa. Malaking tulong ito upang maintindihan agad ang kwento. Sa pamamaraan ng pagsasalita ng mga pangunahing tauhan ay masasabing may-kaya ang mga ito. Gumagamit sila ng taglish, pambansang antas ng wika o minsan ay purong Inggles. Sa pagdaloy ng kwento, mas binibigyang pansin na ang mga tauhang si Caridad at Nyora Tentay. Makikita ang katatagan ng loob ng mga ito sa kabila ng pagiging isang babae. Hindi naging hadlang ang kanilang kasarian upang lumaban sa buhay.Ang mga pangunahing tauhan sa nobela ay binubuo ng dalawang pamilya. Ang pamilyang de los Angeles at Marcial. Ang pamilyang de los Angeles ay kinabibilangan nina Salvador, Caridad, Leni, at Junior. Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isa’t isa. Masasabing isa silang halimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya. Dahil siguro sa magandang ugnayan at buhay-pamilya, naging mabubuting tao ang bawat isa sa kanila.

Si Salvador ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad. Tahimik lang ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahit minsan lamang ito magsalita, talagang may kabuluhan at may lalim naman ito. Madalas din siyang sumasang-ayon sa mga desisyon ni Caridad lalo na’t kung sa tingin niya’y ito’y tama at para sa ikabubuti ng asawa. Si Caridad ay isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya. Malaki ang pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalo na sa kanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyang babaeng may malakas at matibay na loob. Hindi siya agad-agad nagpapatinag sa mga problemang kanyang kinakaharap. Si Leni naman ang panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad. Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor. Espesiyalidad nito ang Pediatrics at talaga namang makikita ang husay ni Leni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at sa katunayan ay siya pa ang nakakuha ng unang pwesto sa Medical Board Exam. Ang huling miyembro ay si Junior. Kasalukuyan itong kumukuha ng kursong Architecture sa isang unibersidad. Ang tunay talagang nais ni Junior ay ang kumuha ng abogasya ngunit tinutulan ito ng kanyang mga magulang. Mahilig si Junior makipag-usap lalo na kung tungkol sa politka at gobyerno. Mabuting anak si Junior at laging sinusunod ang kanyang mga magulang. Minsan nga lamang ay masyado itong nagiging mapusok at napag-aalala niya tuloy si Caridad at Salvador. Nalagay na kasi siya sa kapahamakan dahil sa sobrang niyang paguusisa.

Sa kabilang dako, ang pamilyang Marcial naman ay binubuo nina Nyora Tentay, Victor, Gracia, at Gerry. Kung ang pamilyang de los Angeles ay puno ng pagmamahalan, ang pamilyang Marcial naman ay puno ng kaguluhan. Wala kasi silang maayos na komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora Tentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na pinasusunod ito sa kanyang mga nais kahit na ayaw naman nito. Kahit na naging masama si Nyora Tentay sa umpisa ng nobela ay nabago naman itong lahat pagdating sa katapusan. Tinanggap niya ang kanyang mga pagkakamali at ito ay dapat hangaan ng lahat. Tunay nga namang mahirap gawin ang pagtanggap sa pagkakamali. Hindi lang tayo nagpapatawad at nagtatanggal ng sisi sa iba kundi nililinis din natin ang ating mga puso’t konsensiya.

Si Victor ay ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sa kanyang ina. Hindi man kita ay mahal na mahal niya ang kanyang pamilya. Napilitan lamang siyang hiwalayan ang asawa dahil sa kagustuhan ng ina. Sa karakter ni Victor, makikitang masama ang epekto ng pagiging masyadong sunud-sunuran sa kagustuhan ng mga taong nakatataas sayo. Sa paggawa ng desisyon sa buhay, dapat din nating isipin ang ating sariling kaligayan at kabutihan. Tayo ang may hawak sa ating kapalaran at hindi dapat tayo nagpapa-apekto sa mga ginagawa sa atin ng iba.

Sa kabila ng paghihiwalay nina Gracia at Victor, nagawa ni Graciang buhayin ang kanyang anak na si Gerry. Naging maunlad at marangya ang kanilang pamumuhay dulot na rin ng pagtitiyaga niya. Si Gerry ay katulad din ni Leni. Isang doctor na espesiyalista sa pangagamot ng mga bata. Iniwan man ng ama ay wala siyang kinikimkim na galit laban dito. Tanggap niya ang lahat at naiintindihan niya ito. Sa huli ay magkaka-ayos naman ang pamilyang Marcial ngunit sa umpisa ng nobela ay talagang magulo ito. Ganun din ang kanilang tinitirhan, ang Canal de la Reina.

Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumutiktikan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay ang nagmimistulang pinuno rito. Ang lugar na ito ay simbolo ng mga lunggati ng bawat isa, lalo na ng mga mahihirap. Ipinapakita rin nito na hindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging simbolo ng pagbabago. Nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canal de la Reina dahil ang lupang pagmamay-ari ni Caridad ay nadirito. Maraming pangyayari ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang pinaka-kalamnan ng nobela. Ang suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni Caridad na binili ang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasang magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa. Nagkaroon ito ng solusyon nang isang araw ay may dumating na napakalakas na bagyo sa bansa. Naging dulot nito ay ang pagkakatangay sa baha ng mga naninirahan sa Canal de la Reina at kasama rito si Nyora Tentay. Sa di

Page 6: Pinal Na Canal de La Reina

inaasahang pangyayari ay napunta sa pamilyang de los Angeles ang mga papeles ni Nyora Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit pinili pa rin itong isauli ng pamilya dahil nais nilang maging patas. Dahil na rin siguro sa mga pangyayari ay naisip na ni Nyora Tentay na masama ang kanyang mga ginagawa. Tinanggap nito ang kanyang pagkatalo at ibinalik ang lupa sa tunay na nagmamay-ari. Makikita rito na ang tao ay maaaring magbago para sa ikabubuti nito. Hindi lahat ay isinilang na masama dahil tayo ay nilikha ayon sa katangian ng Diyos. Kahit kalian ay hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan.

Maraming makiktang isyung-panlipunan sa nobela. Bukod sa kahirapan ay makikita rin ang tungkol sa kurapsyon. Sa pagnanais ni Nyora Tentay ba mapasakanya ang mga lupain sa Canal de la Reina, maging ang mga pulis at mismong mayor ay sinuhulan niya. Hanggang sa ngayon ay nagaganap pa rin ito sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Maliit man o matataas na tao ay nasasangkot sa ganitong mga gawain. Dahil dito, buhay ng mga mamamayan ang naaapektuhan. Bumababa na rin tuloy ang ekonomiya at hindi nagiging maayos ang pamamalakad ng batas ng ating bansa.

Ang kalutasan ng nobela ay naging maayos at masaya. Ang lahat ay nagdiwang dahil ang kanilang mga suliranin ay natapos sa isang maayos at mapayapang paraan. Si Junior ay pinayagan nang kumuha ng abogasya at si Leni at Gerry naman ay nagpakasal na. Nagpasya silang mag-umpisa ng bagong buhay at mga pangarap sa kanilang lupa sa Canal de la Reina.