pokus ng pandiwa vi

17
POKUS NG PANDIWA FILIPINO VI

Upload: janette-diego

Post on 15-Jul-2015

465 views

Category:

Education


19 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pokus ng pandiwa VI

POKUS NG PANDIWAFILIPINO VI

Page 2: Pokus ng pandiwa VI

• Sa Probinsya

Napakaganda ng buhay sa probinsya,

simple lang ang mga tao ngunit napakasaya sila

Nagmamahalan ang bawat pamilya

At sila'y magkasama sa hirap at ginhawa

Pagsasaka'y karaniwang hanapbuhay nila

Init at ulan palaging inaabangan

Upang mga tanim sa bukid ay tutubo't mapakinabangan

at may ipangtustos sa pang araw-araw na pangangailangan

Page 3: Pokus ng pandiwa VI

Tuwing umaga itak't araro'y inihanda ng itay,

Ipinagluto naman ang buong pamilya ni inay,

Tumutulong ang ate sa mga gawaing bahay,

Si bunso naman ay ikinatuwa

ang paghahanda sa mesang hapagkain.

Napakasaya ng buhay sa probinsya

Hangarin ng bawat pamilya'y magkasama

Tanging pagmamahal sa puso'y iniingatan

at mataimtim na panalangin sa poon ay inaalay.

Page 4: Pokus ng pandiwa VI

• http://www.youtube.com/watch?v=_mumj_vFCrs&feature=endscreen

Page 5: Pokus ng pandiwa VI

Ang pokus ay nagpapakilala ng kaugnayan ng iba’t ibang panlapi ngpandiwa sa naging posisyon ng paksa sa pangungusap.

1.Pokus sa Tagaganap o Aktor Pokus

Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwasa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?”.

• [mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-]

Hal:

1. Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.

2. Nagluto ng masarap na ulam si nanay.

3. Bumili si Rosa ng bulaklak.

4. Si Ia ay humingi ng payo sa kanyang kapatid.

Page 6: Pokus ng pandiwa VI

• 2. Pokus sa layon – ang layon ng pandiwa angsiyang nagiging paksa ng pangungusap. Ginagamitan ito ng mga panlaping i-, -in/-hin, -an/-han, -ipa, ma-, paki—at pa-

• Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “ano?”.

• Sa Ingles, ito ay ang direct object.

Hal:

1. Nasira mo ang mga props para sa play.

2. Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para saamin.

3. Binili ni Rosa ang bulaklak.

Page 7: Pokus ng pandiwa VI

• 3. Pokus sa ganapan – ang pokus ay nasalokasyon.

Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sapangungusap; sumasagot sa tanong na “saan?”.

[pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an]

• Hal:

1. Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraminggulay.

2. Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay paramagluto ng masarap na ulam.

3. Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ngbulaklak.

4. Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayongentablado.

Page 8: Pokus ng pandiwa VI

• 4. Pokus sa pinaglalaanan – ang binibigyang-diin ay ang bagay o taong pinaglalaanan ng kilos. Ginagamitan ito ng mga panlaping ipag-, at ipinag-.

Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sapangungusap; sumasagot sa tanong na “parakanino?”.

[i- , -in , ipang- , ipag-]

Sa Ingles, ito ay ang indirect object.

• Hal:

1. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap naulam.

2. Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen

Page 9: Pokus ng pandiwa VI

• 5. Pokus sa instrumento – ang paksa ay an ginagamit sa pagganap ng kilos.

• Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamitupang maisagawa ang kilos ng pandiwa sapangungusap; sumasagot sa tanong na “sapamamagitan ng ano?”.

• [ipang- , maipang-]

Hal:

1. Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ngmasarap na ulam para sa amin.

2. Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.

3. Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod samagnanakaw.

Page 10: Pokus ng pandiwa VI

6.Kosatibong pokus o pokus sasanhi

Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ngpandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanongna “bakit?”.

[i- , ika- , ikina-]

Hal:

Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulamng aming nanay.

Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyangnobyo para sa kanya.

Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak .

Page 11: Pokus ng pandiwa VI

7.Pokus sa direksyon• Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng

pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanongna “tungo saan/kanino?”.

• [-an , -han , -in , -hin]

• Hal:

Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.

Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ngkagamitan.

Page 12: Pokus ng pandiwa VI

1.Pokus sa Tagaganap o Aktor Pokus

• Ang nanay ay bumili ng tinapay sa supermart.

2. Pokus sa Layon

• Ang tinapay ay binili ng Nanay sa supermart.

3. Pokus sa Ganapan

• Ang supermart ay binilhan ng Nanay ng tinapay.

4. Pokus sa Instrumento

• Ang pera ay ipinamili ng Nanay ng tinapay sasupermart.

5. Pokus sa Pinaglalaanan

• Ipinamili ng Nanay ang mga bata ng tinapay sa supermart.

6. Kosatibong Pokus

• Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.

7. Pokus sa Direksyon

• Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.

Page 13: Pokus ng pandiwa VI

Bumuo ng pandiwang may panlapi ayonsa pokus

Pokus sa tagaganap o aktorpanlapi Salitang kilos

mag- sayaw

-um

Ma-

Makapag-

Maki-

Magpa-

magsayaw

sumayaw

manayaw

Makapag-sayaw

makisayaw

magpasayaw

Page 14: Pokus ng pandiwa VI

Pokus sa Layonpanlapi pawatas pandiwa

i- bili

-in/-hin

-an/-han

-ipa

Ma-

Paki-

Pa-

ibili

bilihin

bilihan

ipabili

mabili

pakibili

pabili

Page 15: Pokus ng pandiwa VI

panlapi pawatas pandiwa

pag-/-an luto

Ma-/-an

Pang-/-an

Mapag-/-an

Paglutuan

malutuan

panglutuan

mapaglutuan

Page 16: Pokus ng pandiwa VI

• Piliin at isulat ang pandiwang ginamit. Isulatsa patlang ang T kung itoay tagaganap; L kung layon; at G kung ganapan.

• ______________ 1. Si Dr. Jose Rizal angnagsulat ng Noli Mi Tangere at El Fibusterismo..

• ______________ 2. Itinatag niya ang La LigaPilipinas.

• ______________ 3. Pinaglutuan ang bagongpalayok ng sinigang.

• ______________ 4. Pumasa si Ana sapagsusulit.

• ______________ 5. Ipinapatimpla siya ng kapeng mga panauhin.

• ______________ 6. Ang malaking basket ay pinagsidlan ng mga paninda.

Page 17: Pokus ng pandiwa VI

• Takda

• Gamitin sa pangungusap ang sumusunodna pandiwa sa iba’t-ibang pokus

• 1. naglunsad

• 2. pinagdausan

• 3. ibinili

• 4. humingi

• 5. ipinampunas