ponolohiya ppt3
DESCRIPTION
ppt on ponolohiyaTRANSCRIPT
![Page 1: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/1.jpg)
Ponolohiya
![Page 2: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/2.jpg)
Gawin Natin!
• Hatiin ang klase sa mas maliliit na pangkat na may 10 kasapi bawat isa.
• Isagawa ang sumusunod na mga sitwasyon:
1.Tatapusin na ang relasyon sa kasintahan.2.Nanalo sa lotto.3.Nakasaksi ng aksidente sa kalsada.4.Manganganak na.5.Nagdiriwang ng kaarawan.
![Page 3: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/3.jpg)
Ponetika
• Ang agham ng wika na nag-aaral sa tamang pagbigkas ng mga salita (pronunciation) at tumatalakay kung paano nagsasalita ang isang tao.
• Ang articulatory phonetics ang sangay ng ponetika na tumatalakay sa mga pangunahing sangkap na may kinalaman sa pagsasalita.
![Page 4: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/4.jpg)
Articulatory Phonetics
Tatlong salik ang kailangan ng isang tao upang makapagsalita:1.Enerhiya o pinanggagalingan ng lakas2.Artikulador o kumakatal na bagay3.Resonador o patunugan
![Page 5: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/5.jpg)
Articulatory Phonetics
Tatlong bahagi ng katawang mahalaga sa pagsasalita:1.Dila at panga2.Ngipin at labi3.Matigas na ngalangala (palate) at malambot na ngalangala (velum)
![Page 6: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/6.jpg)
Ponolohiya
• Ang pag-aaral sa mga padron ng tunog sa isang wika.
• Tinatalakay kung paano pinagsasama-sama ang mga tunog upang maunawaan ng mga nakikinig ang sinasabi ng nagsasalita.
• Ponemang segmental ang tawag sa makabuluhang tunog sa Filipino. Hal., magalang / magulang
![Page 7: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/7.jpg)
![Page 8: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/8.jpg)
Ponolohiya
•May 21 ponema sa Filipino: 16 na katinig (kabilang na ang impit na tunog o glottal stop) at 5 patinig. (p. 45)
![Page 9: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/9.jpg)
Diptonggo
• Ang diptonggo ay ang magkatabing tunog ng patinig (a, e, i, o, u) at malapatinig (y, w) na nasa iisang pantig, gaya ng /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, /uy/.
Halimbawa:
• kalabaw reyna kahoysaklay giliw baduy
![Page 10: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/10.jpg)
Diptonggo
• Gayunpaman, hindi maituturing na diptonggo ang magkasunod na patinig at malapatinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may diptonggo ang salitang kakahuyan (uy) o ang salitang biyaya (ay), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /u/ at /y/ sa unang halimbawa (ka-ka-hu-yan) gayundin ang /a/ at /y/ sa ikalawa (bi-ya-ya).
![Page 11: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/11.jpg)
Klaster
• Ang klaster naman ay ang magkatabing tunog ng katinig na nasa iisang pantig, gaya ng /pw/, /py/, /pr/, /pl/, etc.
• Lalong lumaganap ang mga salitang may klaster makaraang dumami nang dumami ang mga hiram na salitang ipinapasok sa talasalitaang Filipino at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan.
![Page 12: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/12.jpg)
Klaster
• Halimbawa:
• pyesa trabaho klase• gripo produkto tsansa• tabla gyera timpla• krus dyamante mwebles
![Page 13: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/13.jpg)
Klaster
• Gayunpaman, hindi maituturing na klaster ang magkasunod na katinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may klaster ang salitang parte (rt) o ang salitang piglas (gl), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /r/ at /t/ sa unang halimbawa (par-te) gayundin ang /g/ at /l/ sa ikalawa (pig-las). Hindi rin klaster ang magkasunod na /n/ at /g/ dahil ang tunog ng mga ito’y itinuturing lamang na iisa (/ng/).
![Page 14: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/14.jpg)
Mga Ponemang Suprasegmental
• Tono• Haba• Diin• Antala
![Page 15: Ponolohiya Ppt3](https://reader034.vdocuments.net/reader034/viewer/2022050702/55cf9aaf550346d033a2e35d/html5/thumbnails/15.jpg)
Gawin Natin!
• Sagutan ang p. 55, III. Paglilista. Isulat ang mga sagot sa ¼ na papel.