priest speech

1
Good morning Marians! Today, let us watch the Grade 5 students as they launch the Values of the Month: Prophetic Witness to Gospel Values and Communion. Mga ginigiliw kong mga kapatid, lingo-linggo tayong nagsasama-sama at nagsasalu-salo sa Banal na Misa. Sa tuwing ating ipinagdiriwang ito, hindi ba natin napapansin na tayo ay nagkakaisa? Tingnan mo ang iyong katabi. Lubusan mo ba siyang kilala? Marahil hindi, sapagkat sadyang magkakaiba tayo ng pinagdadaanan sa araw-araw at magkakaiba rin ang ating pinagmumulan. Ngunit sa kabila ng ating maraming ipinagkakaiba, sa harap ng dambana ng Diyos, tayo ay nagkakaisang sumamba, manalangin, at magpasalamat sa Kanya. “Ang Diyos Ama ang tumipon, si Kristo ang pinagtitipunan, at ang Espiritu Santo ang siyang nagbibigay-buhay at lakas ng ating pagtitipon.” Ang ating pagkakaisa ngayon ay hindi maaaring manatiling isang kaganapan tuwing araw ng Linggo lamang. Tayong lahat ay inaasahan na maging tagapaghatid ng ligaya at biyaya ng Diyos. Sana sa bawat pagtatapos ng Misa, nawa’y ating isaisip kung ano ang ating isinasagawa. Nawa’y ating isapuso ang dahilan ng ating ipinagdiriwang – walang iba kung hindi si Hesus. At nawa’y isabuhay natin ang diwa ng ating pinagsasaluhan sa Eukaristiya – ang pag-ibig Niya upang tayo ay maging mga tanda ng Kaharian ng Diyos.

Upload: russel-matthew-patolot

Post on 15-Jan-2016

5 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

for Values presentation

TRANSCRIPT

Page 1: Priest Speech

Good morning Marians! Today, let us watch the Grade 5 students as they launch the Values of the Month: Prophetic Witness to Gospel Values and Communion.

Mga ginigiliw kong mga kapatid, lingo-linggo tayong nagsasama-sama at nagsasalu-salo sa Banal na Misa. Sa tuwing ating ipinagdiriwang ito, hindi ba natin napapansin na tayo ay nagkakaisa? Tingnan mo ang iyong katabi. Lubusan mo ba siyang kilala? Marahil hindi, sapagkat sadyang magkakaiba tayo ng pinagdadaanan sa araw-araw at magkakaiba rin ang ating pinagmumulan.

Ngunit sa kabila ng ating maraming ipinagkakaiba, sa harap ng dambana ng Diyos, tayo ay nagkakaisang sumamba, manalangin, at magpasalamat sa Kanya. “Ang Diyos Ama ang tumipon, si Kristo ang pinagtitipunan, at ang Espiritu Santo ang siyang nagbibigay-buhay at lakas ng ating pagtitipon.”

Ang ating pagkakaisa ngayon ay hindi maaaring manatiling isang kaganapan tuwing araw ng Linggo lamang. Tayong lahat ay inaasahan na maging tagapaghatid ng ligaya at biyaya ng Diyos.

Sana sa bawat pagtatapos ng Misa, nawa’y ating isaisip kung ano ang ating isinasagawa. Nawa’y ating isapuso ang dahilan ng ating ipinagdiriwang – walang iba kung hindi si Hesus. At nawa’y isabuhay natin ang diwa ng ating pinagsasaluhan sa Eukaristiya – ang pag-ibig Niya upang tayo ay maging mga tanda ng Kaharian ng Diyos.