prose and poetry_tagalog
TRANSCRIPT
URI NG PANITIKAN
TULUYAN O PROSA
Tuluyan ang isang panitikan kung ito’y nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan.
Nobela o talambuhay, maikling katha o maikling kwento, dula, alamat, pabula, parabula, anekdota, sanaysay, talambuhay, balita at talumpati.
Nobela
Isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.
Nobela ng Pangyayari, Nobela ng Romansa, Nobela ng Pagbabago at Nobela ng Kasaysayan.
Maikling Kwento
Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.
Pangkatauhan, Makabanghay, Pagkapaligiran, Pangkatutubong-kulay, Pangkaisipan at Sikolohikal.
Dula
Isinusulat upang itanghal sa entablad o tanghalan. Karaniwang nahahati ang isang dula sa tatlo o higit pang yugto bagama’t marami rin ang mga dulang iisahing-yugto.
Komedya, Trahedya, Melodrama.
Alamat
Salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kwentong ito dahil ito’y mga likhang-isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag ang pinanggalingan ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mga kaisipang mapaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at bibliya.
Pabula
Salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay na mga tao.
Layunin nito ay pukawin ang isipan ng mga bata sa mga aral na makahuhubog sa kanilang kilos at pag-uugali.
Parabula
Mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan.
Tulad ng Pabula, may layunin itong mag-iwan ng aral na kapaki-pakinabang sa buhay.
Parabula ng Alibughang Anak.
Anekdota
Maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga mambabasa. Maaari ring ito’y kasangkutan ng mga hayop o ng mga bata.
Ang Gamugamo at ang Munting Ilawan.
Sanaysay
Isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng isang may akda hinggil sa isang suliranin o paksa.
Pormal o impormal.
Talambuhay
Kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Pansarili o Talambuhay na paiba.
Balita
Paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa industriya, kalakalan, agham edukasyon, palakasan at pinilakang-tabing.
Talumpati
Isang pahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang talumpati ay nauuri batay sa iba’t ibang layunin.
Ang isang talumpati ang maaaring humikayat, magbigay-impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinyon o paniniwala o lumibang.
PATULA
Nakasusulat sa taludturan at saknungan.
Ang mga taludtod ay maaaring may sukat at tugmaan o malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma.
Tulang Pasalaysay, Tulang Padamdamin, o Liriko, Tulang Padula o Dramatiko at Tulang Patnigan
Tulang Pasalaysay
Kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma.
Nauuri ito sa paksa, pangyayari at tauhan.
Saklaw nito ang epiko, awit at kurido.
Tulang PasalaysayEpiko
Tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala.
Biag ni Lam-ang, Indarapatra at Sulayman
Tulang PasalaysayAwit o Kurido
Patulang salaysay na paawit kung basahin. Pawang sa isang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay nito.
AWIT – 12 taludtod; KURIDO – Wawaluhing pantig ang bawat taludtod
Tulang PasalaysayTulang Pandamdamin o
Liriko Tulang tumatalakay sa marubdob na
damdamin na maaaring ng may-akda o di kaya’y ng ibang tao.
Awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral at oda.
Awiting-bayan
▪ maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao, bunga nito’y hindi na matukoy kung sino ang may akda ng maraming mga kantahing bayan.
▪ Karaniwang pinapaksa ng mga awiting-bayan ang pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
Soneto
▪ Tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa.
▪ Sonnet ni Jose Garcia Villa at Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon
Elehiya
▪ Tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal.
▪ Ellegy ni Thomas Gray at Awit sa Isang Bangkay ni Bienvenido A. Ramos
Dalit
▪ Tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.
▪ Nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.
▪ Dalit kay Maria
Pastoral
▪ Tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.
▪ Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez
Oda
▪ Tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.
▪ Ode to Nightingale
Oda
▪ Tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.
▪ Ode to Nightingale
Tulang Padula o Dramatiko
Tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan
La India Elegante y El Negrito Amante ni Francisco Baltazar
Tulang Patnigan
Mga laro o palighasang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan.
Karagatan, Duplo, Ensilada at Juego de Prenda
Balagtasan