research paper for filipino 2

68
Tawa-tawa o Euphorbia hirta: Bisa sa sakit na Dengue batay sa Pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas Isang pananaliksik na isinumite sa Universidad ng Santo Tomas Fakultad ng Farmasya Departamento ng Medical Technology Bahagyang Katuparan sa mga Kinakailangan Para sa Antas ng Bachelor of Science Major in Medical Technology Nina: Delos Santos, Jefferson S. Ladera, Kier Angelo S. Masangkay, Einor John G. Mercado, Averille Dean M. Olaguer, Antonio II E. Yanga, Aedrick B. 1G- Medical Technology Tagapayo sa pananaliksik:

Upload: ej-masangkay

Post on 03-Jan-2016

1.826 views

Category:

Documents


35 download

DESCRIPTION

Formal Research Paper

TRANSCRIPT

Page 1: Research Paper For Filipino 2

Tawa-tawa o Euphorbia hirta: Bisa sa sakit na Dengue batay sa Pananaw ng mga piling

mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas

Isang pananaliksik na isinumite sa

Universidad ng Santo Tomas

Fakultad ng Farmasya

Departamento ng Medical Technology

Bahagyang Katuparan sa mga Kinakailangan

Para sa Antas ng Bachelor of Science

Major in Medical Technology

Nina:

Delos Santos, Jefferson S.

Ladera, Kier Angelo S.

Masangkay, Einor John G.

Mercado, Averille Dean M.

Olaguer, Antonio II E.

Yanga, Aedrick B.

1G- Medical Technology

Tagapayo sa pananaliksik:

Rhodelia H. Mendoza Ph.D.

Marso, 2013

Page 2: Research Paper For Filipino 2

Abstrak

Ang Tawa-tawa, kilala rin sa pangalangEuphorbia hirta, ay isang halamang karaniwang

natatagpuang tumutubo sa gilid ng kalsada sa bansang Pilipinas. Ayon sa mga nakalap na

saliksik, ang halamang ito ay mayroong mga katangian o compounds na matatagpuan sa katas

nito na maaaring maging gamot sa sakit na Dengue. Samantala, ang sakit na Dengue ay

mayroong tatlong klasipikasyon, ito ay ang mga sumusunod: ang Dengue fever, Dengue

hemorrhagic fever, at Dengue shock syndrome. Ang mga sintomas ng tatlong klasipikasyon ng

Dengue ay pawang magkakatulad maliban na lamang sa bilang ng platelet ng taong mayroong

sakit na ito.

Ayon din sa mga pananaliksik mayroong phenolic compounds ang Tawa-tawa na maaaring

labanan ang pagbaba ng platelet ng isang taong mayroong Dengue. Ito rin ay

mayroongantimicrobial photoconstituents katulad ng flavonoids at alkaloidsna maaaring

lumaban sa mga sintomas nito, katulad ng lagnat na buhat ng Dengue virus. Maaari ring

iparating na ang Tawa-tawa ay naglalaman ngantimicrobial compounds na lumalaban sa

pathogenic microorganisms,katulad ng virus at bacteria.

Nagsagawa ang mga mananaliksik ng isang sarbey sa mga mag-aaral ng Universidad ng

Santo Tomas ukol sa paggamit ng Tawa-tawa. Ayon sa mga tumugon, ito ay nakatulong sa

kanilang pagpapagaling mula sa sakit na Dengue, nakapagbigay ginhawa sa mga karamdaman at

nagpataas ng bilang ng platelet. Positibo ang mga tugon ng mga gumagamit nito ngunit kaunti

lamang ang mulat sa positibong epekto nito, kung kaya’t nararapat lamang na malaman ng

nakararami ang bisa nito sa sakit na Dengue.

Mga susing salita: Tawa-tawa, Euphorbia hirta,Dengue fever, platelet, phenolic compounds,

karamdaman, positibo

ii

Page 3: Research Paper For Filipino 2

Pagkilala

Ang pananaliksik na ito ay naisagawa nang matagumpay ng pangkat, unang-una sa

tulong ng Diyos na kung kanino ay posible ang lahat. Pangalawa ay sa tulong ng aming tagapayo

sa pananaliksik na si Ginang Rhodelia H. Mendoza Ph.D. Nagpapasalamat ang mga

mananaliksik sa lahat ng taong nagbigay ng payo, tulong at oras upang matapos ang pananaliksik

na ito, lalo na kina Dr. Wifredo Vendevil ng Dibisyon ng Botany ng Pambansang Museo ng

Pilipinas at Asst. Prof. Ophelia S. Laurente mula sa Fakultad ng Farmasya ng Universidad ng

Santo Tomas na nakapagbigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa pag-aaral ng pangkat.

Nais ding pasalamatan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na naging bahagi ng

pananaliksik:

Ang mga mag-aaral ng Fakultad ng Farmasya at Kolehiyo ng Agham na tumugon sa

aming pagsisiyasat na naging pangunahin batayan ng aming pananaliksik.

Ang mga mag-aaral ng 1G-Medical Technologyna naglaan ng oras upang tumugon sa

pre-test ng aming survey.

Ang mga manunulat ng mga aklat at iba pang kaugnay na literatura na ginamit sa

pananaliksik na ito.

Ang mga magulang namin na walang tigil sa pagbigay ng pagmamahal at suporta sa

aming mga ginagawa.

Ang mga tauhan sa silid-aklatan ng Miguel de Benavides, sa pagtulong sa paghanap ng

mga aklat na aming ginamit bilang batayan.

Ang mga mananaliksik ay muling nagpapasalamat sa lahat ng taong naging bahagi ng

pananaliksik na ito. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi namin ito matatapos. Iniaalay namin ang

lahat ng ito sa Diyos, sa aming pamilya at sa aming mga sarili.

iii

Delos Santos, Jefferson S.

Ladera, Kier Angelo S.

Masangkay, Einor John G.

Mercado, Averille Dean M.

Olaguer, Antonio II E.

Yanga, Aedrick B.

Page 4: Research Paper For Filipino 2

Mga Nilalaman

Abstrak …………………………………………………………………………………………. ii

Pagkilala………………………………………………………………………………………..iii

Mga Nilalaman ………………………………………………………………………………....iv

Talaan ng mga Pigura at Talahanayan …………………………………………….………..... v

Mga Kabanata:

I. Ang Suliranin at Kaligiran ng Pananaliksik

………………………………………………………………………………………..1

Panimula…………………………………………………………………………1

Suliranin………………………………………………………………………….3

Mga Layunin ng Pananaliksik………………...………………………………… 3

Kahalagahan ng Pananaliksik……………………………………………………4

Saklaw at Limitasyon…………………………………………………………….4

Batayang Konseptwal…………………………………………………………… 5

Kahulugan ng mga Katawagan………………………………………………….. 6

II. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

……………………………………………………………………………………… 10

III. Metodolohiya

……………………………………………………………………………………… 17

IV. Pagsasaad at Interpretasyon ng mga Datos

……………………………………………………………………………………… 19

Resulta ng Pakikipanayan ………………………………………………………27

V. Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

……………………………………………………………………………………… 31

Talasanggunian……………………………………………………………………………….. 35

Apendiks ………………………………………………………………………………………. 38

iv.

Page 5: Research Paper For Filipino 2

Talaan ng mga Pigura at Talahanayan

Pigura 1.00 Batayang Konseptwal…………………………………………………………… 5

A. Resulta ng Surveysa mga Mag-aaral sa Universidad ng Santo Tomas………………... 19

Pigura 2.0 ………………………………………………………………………….……19

Pigura 3.0 ……………………………………………………………………….………20

Pigura 3-A………………………………………………………………………………21

Pigura 3-B………………………………………………………………………………22

Pigura 3-C………………………………………………………………………………23

Pigura 3-D………………………………………………………………………………24

Pigura 4.0……………………………………………………………………………….25

Pigura 5.0 ……………………………………………………………………………….26

v.

Page 6: Research Paper For Filipino 2

1

Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligiran ng Pananaliksik

I. Panimula

Sa taong 2012,51,597 na kaso ng Dengue ang naitala ng Kagawaran ng Kalusugan

oDepartment of Health (DOH) sa Pilipinas. Ang bilang na ito ay higit na mataas ng 16.43%

kumpara sa nakaraang taon na 44,315 at noong taong 2010 na mayroong bilang na 39,556

(DOH). Mahihinuha mula sa nakasaad na datos na labis na tumataas ang bilang ng mga

nagkasakit ng Dengue. Ipinaparating ng pagtaas ng bilang ng mga nagkasakit ng Dengue ay ang

kawalan ng kalinisan sa kapaligiran. Sa kontekstong ito, inaasahan na lulubha ang paglaganap ng

Dengue dahil sa climate change o ang pagbago ng temperatura ng panahon. Ang pagbabago sa

temperatura, presipitasyon, at halumigmig ay lubusang makakaapekto sa biolohikal at ekolohikal

na antas ng lipunan at makapagtataas ng transmisyon ng sakit katulad ng Dengue. Inaasahan ng

mga dalubhasa ang pagtaas ng 2°C sa temperatura na maaaring maging kadahilanan upang

tumaas din ang transmisyon ng sakit dahil tataas ang temperatura ng tubig kung saan

nanggagaling ang itlog ng lamok. Dahil dito, iikli ang panahon ng pagbubuo ng itlog o ang

tinatawag nadeveloping stage at kasabay nito higit na maraming lamok ang maaaring ipanganak

mula sa itlog. Tataas din ang bilang ng mga gutom na lamok sa ilalim ng mainit na temperatura

at higit na mabilis ang pagtunaw ng kanilang pagkain. Dahil doon ay bibilis ang transgresyon ng

sakit na Dengue.

Ang nagbibigay ng katangian sa Dengue virus ay nanggagaling sa RNA (ribonucleic

acid) nito na nagmumula sa pamilyang Flaviviridae. Sa RNA, nagkakaroon ng apat naserotypes

na nabubuo mula sa magkakaparehas na bilang ng mga antigens na matatagpuan sa katawan ng

virus. Ang uri ng lamok naAeeisaegypti ay ang mga lamok na nakapagdadala ng sakit na

Dengue. Nadadala ito sa tao sa pamamagitan ng pagkuha ng dugo ng lamok at nagkakaroon ng

transgresyon ng sakit. Ang mga iba pang uri ng lamok na nagdadala ng sakit na Dengue ay ang

Aedes albopictus, Aedes polynesiensis, at ilang uri ng Aedes scutellaris. Nangingitlog ang mga

lamok sa mga liblib at mga urban na lugar kung saan inilalagay nila ang kanilang mga itlog sa

basang lugar, dito namumuo ang mga larvae. Makalipas ang walo hanggang sampung araw ay

Page 7: Research Paper For Filipino 2

2

tuluyan ng magiging ganap na lamok ang mga ito. Mayroong tatlong klasipikasyon ang sakit na

Dengue, una ang naturang Dengue fever, pangalawa ay ang tinatawag na Dengue hemorrhagic

fever, at ang huli ay ang Dengue shock syndrome.

Naaayon lamang sa panahon ngayon, kung saan laganap ang polusyon at sakit na

Dengue, na magkaroon ng sapat na bilang ng mga gamot na mabisa at mura para sa madla. Ang

paggamit ng halamang Tawa-tawa bilang gamot o panlunas sa sakit na Dengue ay isang

pamamaraan ng panggagamot ng Filipino folk medicine. Ngunit ngayon ay napapatunayan na ng

agham na mayroon itong katangiang maaaring magpagaling sa sakit na Dengue. Mayroong mga

mga pananaliksik na sa ibang bansa na nagpapatunay na mayroong mga nilalaman ang Tawa-

tawa bilang panlunas sa sakit na gastrointestinal disorders (diarrhea, dysentery, intestinal

parasitosis, atbp.), bronchial at mga sakit sa baga (asthma, bronchitis, hay fever, atbp.) at sa

conjunctivitis.

Ang sakit na Dengue ay nagdudulot ng pagbaba ng platelet ng isang tao. Karaniwang

bumababa ang platelet ng dugo mula saDengue virus dahil sa pagpuntirya ng Dengue virus sa

bone marrow ng katawan at sinasarado ang lagusan nito. Sabone marrow ng katawan nakikita

ang karaniwang produksyon ng platelet, kaya nagkakaroon ng pagbaba nito sa katawan kapag

mayroong Dengue fever ang isang tao. Ayon sa mga pag-aaral na naisagawa, ang Tawa-tawa ay

mayroong mga katangiang nagpapataas ng platelet ng ating dugo. Ito ay tumutulong sa

pagpapagaling ng taong mayroong sakit na Dengue.

Ayon naman sa mga ilang nakalap na pananaliksik, natukoy ang pagkakaroon ng

antimicrobial photoconstituents katulad ng flavonoids at alkaloids sa Tawa-tawa. Ang

substansyal na epekto ng antimicrobial na katas mula sa halaman ay dahil sa secondary

metabolites na makikita rito. Ang flavonoids na mahahanap sa halaman ay responsable sa

pagkikipaglaban sa mga impeksyon na dala ng microbacteria. Ang metabolites na mahahanap sa

Tawa-tawa ay maaaring hiwalayin sa pamamagitan ng isang kemikal na proseso kung saan

matutukoy ang iba’t ibang katangiang mayroon ang mga metabolites na ito.

Naaayon at kinakailangan ang masinop na pag-aaral tungkol sa alternatibong medisina

katulad ng Euphorbia hirta o Tawa-tawa bilang panlunas sa sakit na Dengue fever. Sa panahon

ngayon, tumataas ang presyo ng mga bilihin at tumataas din ang bilang ng mga nagkakasakit ng

Dengue. Kinakailangan ang praktikal na alternatibo sa mga kumbensyunal na medisina.

Page 8: Research Paper For Filipino 2

3

Sapamamagitan ng pagamit ng herbal na medisinang ito, maaaring makatipid ang nakararami sa

lipunan.

II. Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay nagnanais malaman ang bisa ng Tawa-tawa (Euphorbia hirta) sa

pagpapagaling ng sakit na Dengue batay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng

Santo Tomas. Ang mga tiyak na katanungang nais sagutin ng pananaliksik na ito ay ang mga

sumusunod:

1. Kung gaano kaepektibo ang Tawa-tawa (Euphorbia hirta) sa pagpapagaling ng

sakit na Dengue batay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng

Santo Tomas.

2. Kung ang nilalaman ng Tawa-tawa (E. hirta) ay nakapagtataas ng bilang ng

plateletng taong mayroong sakit na Dengue batay sa pananaw ng mga piling mag-

aaral ng Universidad ng Santo Tomas.

3. Kung paano inihahanda ang Tawa-tawa (E. hirta) sa simple at praktikal na

pamamaraan upang higit na maging mabisa ang epekto nito sa mayroong sakit.

4. Kung ang Tawa-tawa (E. hirta) ay ginagamit ng karamihang mayroong sakit na

Dengue bilang gamot para dito batay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng

Universidad ng Santo Tomas.

III. Mga Layunin ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong:

1. Alamin kung gaano kabisa ang Tawa-tawa laban sa Dengue batay sa pananaw ng

mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas.

2. Alamin kungang nilalaman ng Tawa-tawa ay nakapagtataas ng bilang ng platelet

ng taong mayroong sakit na Dengue batay sa pananaw ng mga piling mag-aaral

ng Universidad ng Santo Tomas.

3. Alamin kung papaano inihahanda ang nasabing gamot batay sa pananaw ng mga

piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas.

4. Magbigay kaalaman sa nakakarami ukol sa mga epekto nito batay sa pananaw ng

mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas.

Page 9: Research Paper For Filipino 2

4

IV. Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay kabuluhan sa pagtataguyod ng kalusugan. Ito rin

ay makaaagapay sa mga mamamayan at mga pagamutan sa pangangasiwa ng sakit na Dengue.

Sa pag-unawa ng pangangailangan ng mga pasyente at mga benepisyo ng kalidad ng kalusugan,

ang mga dalubhasa at mamamayan ay makasisiguro sa mataas na kalidad ng pamumuhay. Sa

karagdagan, ang pananaliksik na ito ay magbibigay rekomendasyon kung paano tutugunan ng

nakararami ang ganitong karamdaman. Ang pananaliksik na ito ay magiging batayan din ng mga

mananaliksik sa hinaharap ukol sa halamang Tawa-tawa at mga epekto nito na makatutulong sa

pagtataguyod ng kalusugan. At higit sa lahat, ito ay magbibigay aral sa mga mamamayan kung

gaano kabisa ang nasabing gamot.

V. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nagsasakop ng bisa ng Tawa-tawa (Euphorbia hirta) sa sakit na

Dengue. Tatalakayin ng pananaliksik ang mga epekto ng Tawa-tawa (E. hirta)at kung paano ito

tumutulong sa pagpapataas ng bilang ng platelet ng taong mayroong sakit na Dengue. Saklaw

din sa pananaliksik ang tatlong uri ng sakit na Dengue at mga sintomas ng mga nito, kabilang na

ang epekto nito sa bilang ng plateletng isang tao. Ang mga mananaliksik ay nakipanayam sa

dalawang dalubhasa upang kunin ang kanilang propesyonal na ideya hinggil sa bisa ng Tawa-

tawa (E. hirta) sa sakit na Dengue. Nagsagawa rin ng sarbey sa isang daang katao mula sa

Universidad ng Santo Tomas, limampu mula sa Fakultad ng Farmasya at limampu rin mula sa

Kolehiyo ng Agham, ang mga mananaliksik upang malaman ang bilang ng taong gumamit ng

Tawa-tawa (E. hirta) bilang lunas sa sakit na Dengue at kung ano ang panananaw ng nakararami

hinggil sa epekto ng Tawa-tawa sa nasabing sakit. Langkap din ng pananaliksik na ito ang

wastong paghahanda ng Tawa-tawa sa paggamit ng mga mayroong sakit nito.

Hindi kabilang sa pananaliksik ang teknikal na paliwanag ng mga compound at nilalaman ng

Tawa-tawa at ang eksaktong prosesong teknikal kung papaano kinukuha ang nilalaman nito. Ang

detalyadong proseso ng pagpapataas ng bilang ng white blood cells partikular na ang

lymphocytes, at red blood cells gamit ang mga nilalaman ng Tawa-tawa ay hindi rin kabilang sa

pananaliksik. Ang paraan ng pagtubo ng Tawa-tawa ay hindi rin kabilang sa itinalakay.

Page 10: Research Paper For Filipino 2

5

VI. BatayangKonseptwal

Pigura 1: BatayangKonseptwal

Holistic Medicine

Komplimentaryo at Atlernatibong Medisina

Erbal na Medisina

Euphorbia hirta(Tawa-tawa)

Mga Nakakahawang sakit(Infectious diseases)

Dengue

Thrombocytopenia(Mababang bilang ng

platelet)

Nakatutulong sa pagtaas ng Platelet Count

Antimicrobial photoconstituents

Phenolic compounds

Mga sintomas

Paglunas ng sakit na Dengue

Page 11: Research Paper For Filipino 2

6

VII. Kahulugan ng mga Katawagan

1. Aedes aegypti – Urban na lamok na nagsisilbing pangunahing vector ng Dengue sa mga

tao. Ito ang siyentipikong pangalan ng lamok na nagdadala ng Dengue.

2. Aedes albopictus - Rural na lamok na maaaring magsilbing isang vector ng Dengue virus

sa mga tao.

3. Aedes polynesiensis – Lamok na matatagpuan lamang sa mga pulo ng Timog Pasipiko na

nagsisilbing vector ng Dengue virus at lymphatic filariasis.

4. Aedes scutellaris – Lamok na matatagpuan sa Ambon, Aru Islands, Seram, at New

Guinea. Ito ay isang vector ng Dengue virus.

5. Alkaloids – Mga complex organic compoundsna binubuo ng nitrogen at nakaaapekto sa

katawan ng mga hayop at tao.

6. Analgesic – Droga na ginagamit upang paginhawain ang sakit.

7. Anti-inflammatory – Sangkap na kayang bawasan ang pamamaga sa katawan.

8. Antibacterial – Gamot na pumapatay ng mikrobiyo o pinipigilan ang paglaki nito.

9. Antipyretic – Gamot na ginagamit upang mabawasan o maiwasan ang lagnat.

10. Anxiolytic – Gamot na ginagamit upang mabawasan ang balisa.

11. Asthma – Isang sakit sa baga na nagpapamaga sa mga daanan ng hangin.

12. Bacteria – Isang miyembro ng isang malaking grupo ng mga unicellular

microorganismsna kulang ang organelles at may isang maayos na nucleus, kabilang ang

ilang maaaring maging sanhi ng sakit.

13. Benepisyo – Magandang dulot.

14. Bisa – Epekto ng naturang gamot.

15. Bone marrow – Dito nabubuo ang platelet ng kaatawan. Pinupuntirya ito ng Dengue virus

na naghahantong sa pagbaba ng platelet count ng isang tao.

16. Bronchitis –Pamamaga ng mga daanan ng hangin mula sa ilong papunta sa baga.

17. Climate change – Isang penomena na nagbabago ang klima sa isang lugar.

18. Clotting – Pagbuo ng mga blood clot upang maiwasan ang paglabas ng dugo sa katawan.

19. Column chromatography – Kromatograpiyana gumagamit ng selective adsorption ng

hanay ng mga pulbo.

20. Compounds – Isang bagay na mayroong dalawa o higit pang elemento.

Page 12: Research Paper For Filipino 2

7

21. Dengue fever – Isang uri ng viralna impeksiyon na nailalarawan sa pamamagitan ng

malubhang sakit ng ulo at mata, sakit sa buto at laman.

22. Dengue hemorrhagic fever - Malubhang viralna impeksiyon na nailalarawan sa

pamamagitan ng lagnat, pagtaas ng vascular permeability, mataas na hematocrit at

hemoconcentration.

23. Dengue shock syndrome - Malubhang viralna impeksiyon na nailalarawan, karagdagan sa

mga sintomas ng Dengue hemorrhagic fever, sa pamamagitan ng pagbaba ng presyon ng

dugo.

24. Developing stage – Estado kung saan ang pagbuo ng itlog ay nagaganap.

25. Diarrhea – Isang uri ng sakit na mayroong kinalaman sa pagbabawas ng higit sa

kinakailangan.

26. DOH (Department of Health) – Isang kagawaran sa Pilipinas na nag papasilidad ng

kalusugan sa bansa.

27. Dysentery – Ang pamamaga na nagaganap sa mayroong baba ng bituka sanhi ng mga

mikrobiyo.

28. Entheropathogenic – Mayroong kakayahang magdulot ng sakit sa mayroong banda ng

bituka.

29. Enzyme – Isang bagay na nagmula sa isang organism na sinisimulan ang isang tiyak na

chemical reaction.

30. Euphorbia hirta –Mayroong lokal na pangalan na Tawa-tawa sa bansang Pilipinas.

Ginagamit ito bilang gamot sa mga sakit na Dengue, Gastrointestinal disorder, kabilang

na ang bituka, mikrobyo at iba pa.

31. Filipino folk medicine – Paraan ng panggagamot na paggamit ng mga ritwal at mga

natural na halaman ng mga albularyo.

32. Flaviviridae – Binubuo ang family Flaviviridae genus Flavivirus, na naglalaman ng

animnapu’t limang kaugnay na mga species at dalawang posibleng mga miyembro.

33. Flavivirus – Urban na lamok na nagsisilbing pangunahing pinagmulan ng Dengue.

34. Flavonoids- Kahit anong klase ng mga sangkap ng pangkulay sa tanim na batay o

magkapareho sa flavone.

35. Gastrointestinal disorders – Sakit na sanhi ng nakakalasong pagkain o sirang pagkain.

Page 13: Research Paper For Filipino 2

8

36. Herbal medicine – Alternatibong gamot na gawa sa mga halaman o herbs.

37. Hinggil – Tungkol.

38. Impeksyon – Pangangati.

39. Kabuluhan – Ang mensahe na pinapaabot

40. Kalusugan – Ang naturang kalagayang pisikal ng isang tao.

41. Katas – Naturang nilalaman ng isang bagay.

42. Klase – Uri o klasipikasyon nito

43. Kumbensyonal – Madaling gamitin dahil sagana ito sa bilang.

44. Larvae – Isang estado kung saan nagaganap ito bago lubusang tumanda o sumailalalim sa

methamorphosis.

45. Langkap – Sakop ng isang bagay.

46. Lokal – Tinutukoy nito ang mga tao na naninirahan sa Pilipinas.

47. Lubos – Higit na.

48. Lymphocytes - Isang uri ng leukocytes o white blood cellsna mahalaga sa immune system

ng katawan.

49. Magpapagaling – Makabigay lunas.

50. Makakaagaapay – Makakatulong.

51. Metabolites – Mga sangkap na kinakailangan sa partikular na prosesong pangmetaboliko.

52. Mikrobiyo – Isang microorganism na karaniwang nagdudulot ng sakit.

53. Nabanggit – Nasabi.

54. Naidagdag – Naisama.

55. Nilalaman – Ang loob-looban ng isang bagay, at ang pinaka katawan nito.

56. Organism – Mga indibidwal na nabubuhay tulad ng tao, halaman, hayop, mikrobiyo at

iba pa.

57. Organic –Tumutukoysa mga nabubuhay na bagay o mga organism.

58. Paghahanda – Preparasyon.

59. Pagpapagaling – Proseso matapos ang panggagamot, o pagbibigay lunas.

60. Pagtataguyod – Pagpapatuloy ng isang bagay hanggang sa matapos.

61. Pag-unawa – Pag-intindi sa isang pahayag o nabasa, atbp.

62. Pananaw – Ang pagbibigay ng isang tao sa kanyang opinion o lagay sa isang bagay

Page 14: Research Paper For Filipino 2

9

63. Panggagamot – Proseso ng paghanap ng lunas sa karamdaman.

64. Pangangasiwa – Panghahawakan ang isang bagay, o magbibigay ayos.

65. Parasitosis – Mga sakit nanggagaling sa mga parasite.

66. Pathogens – Mga ahente buhat ng bakterya o bayrus na nagdudulot ng mga sakit. Ang

halimbawa nito ay ang mga mikrobiyo.

67. Pharmaceutical – Tumutukoy sa mga gamot.

68. Platelet- Isang anyo ng metabolites na mahahanap sa ating dugo.Ang pagbaba rin nito ay

isa sa mga sintomas ng Dengue fever.

69. Polusyon – Isa sa mga kadalasang sanhi ng dengue.

70. RNA(Ribonucleic acid) – grupo ng nucleic acidsna matatagpuan sa lahat na mga buhay

na cells na mahalaga sa paggawa ng protina at pagpasa ng genetic na impormasyon.

71. RBC count – Isang pagsusuri na ginagawa sa dugo upang malaman ang bilang ng red

blood cells at hemoglobin.

72. Saklaw – Nakapaloob ito sa isang bagay.

73. Serotype - Magkakaibang uri ng mga microorganismssasurface antigens.Mayroong apat

na serotype ang Dengue virus.

74. Tatalakayin – Bibigyang pansin at pagdidiskusyunan.

75. Tissue - Grupo ng mga cells na mayroong tiyak na gawain sa katawan.

76. Tradisyonal – Nakasanayan na ng marami.

77. Tutugunan – Bibigyang pansin.

78. Virus – Kahit anong grupo ng submicroscopic entitiesna madalas nagdudulot ng sakit.

Naglalaman ito ng bahagi ng DNA o RNA at hindi itinuturing buhay dahil hindi ito

kayang magpadami kung hindi ito nasa loob ng buhay na organism.

79. WBC count – Pagsusuri na ginagawa sa dugo upang malaman ang bilang ng nilalamang

white blood cells na silang lumalaban sa mga sakit sa katawan.

Page 15: Research Paper For Filipino 2

10

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

I.Mga katotohanan higgilsa Tawa-tawa

Ang Euphorbia Hirta ay matatagpuan sa pinakamalaking pamilya ng Euphorbiaceae na

mayroong humigit kumulang na 1,600 na klase nito. Maraming uri ng halaman ang nanggagaling

sa pamilya ng Euphorbia na ginagamit sa tradisyunal na medisina kung saan kinukuha ang

magatas na katas nito upang gamitin bilang gamot (Kumar, 2010). Ang Euphorbia Hirta ay

ginagamit sa panggagamot ng mga gastrointestinal disorders, tulad ng dysentery. Ginagamit din

ito bilang panggamot sa kasakitang repiratoryo, tulad ng asthma at bronchitis. Ang nakukuhang

solusyon o ang extractsa halaman na ito ay mayroong katangiang nagbibigay ng anti-

inflammatory, anxiolytic, analgesic,at antipyretic. Ang anti-inflammatory na katangian na

mahahanap sa katas ng halaman na ito ay maaaring makapagpagaling ng mga sakit na

nangangailangan pigilan ang inflammation ng mga tissue sa ating katawan dahil sa pag-atake ng

mga pathogens, kagaya ng bacteria o virus, sa ating katawan.

Ang pananaliksik na isinagawa nina Sunil Kumar, Rashmi Malhotra, Dinesh Kumar ay

nagpapakita ng kakayahang makapagpagaling ng mga sakit ang nilalaman ng Tawa-tawa (E.

hirta).

Ang Tawa-tawa o mayroong siyentipikong pangalan naEuphorbia hirta ay isang

mabalahibong halaman na matatagpuan na nakakalat sa kapaligiran ng Pilipinas. Ito ay matagal

nang ginagamit sa bansa bilang gamot sa sakit na Dengue (Argon, 2012). Ang pamamaraan

upang magamit ng mga lokal ang halaman na ito ay sa pamamagitan ng pagpapakulo ng halaman

at kukunin ang naiwan nitong katas sa pinakuluang tubig. Isinaad din sa isang pag-aaral na

ginawa ng mga estudyante ng Universidad ng Santo Tomas, Fakultad ng Farmasya,ang pagtaas

ng platelet sa dugo ng daga sa pamamagitan ng paggamit ng Tawa-tawa. Napabilis ng Tawa-

tawa ang mga proseso ng pagpapagaling ng daga mula sacell bleeding at sa clotting ng mga

Page 16: Research Paper For Filipino 2

11

blood cells. Natuklasan din mula rito ang phenolic compounds na maaaring magpataas sa platelet

ng ating dugo.

Ang isinagawang aral sa Malaysia tungkol sa Euphorbia hirta ay nagpapakita ng

pagpapagaling mula sa impeksyon ng mga pathogens, kabilang dito ang mga virus at bacteria.

Naitala rin ang pagkakaroon ng Euphorbia hirta ng biological properties katulad ng antioxidant,

antibacterial, antifungal,atanticancer (Perumal, 2012).Mayroon ding nahanap naantimicrobial

photoconstituents katulad ng flavonoids at alkaloids. Ang substansyal na epekto ng antimicrobial

na katas mula sa halaman ay dahil sa secondary metabolites na makikita rito. Ang flavonoids na

mahahanap sa halaman ay ang responsable sa pagkikipaglaban sa mga impeksyon na dala ng

microbacteria. Ang metabolites na mahahanap sa Tawa-tawa ay maaaring hiwalayin upang

malaman ang iba’t ibang uri nito. Kabilangsa mga metabolites na ito ay ang flavonoids, tannins

triterpenes, phenolic acid, at amino acid. Ipinakita sa resulta ng kanilang eksperimento na tunay

ngang mayroong potensyal ang katas ng Euphorbia hirta bilang isang antimicrobial, laban sa

pathogenic microorganisms, tulad ng virus at bacteria.

Ang pangalawang edisyon ng aklat na Systematic Botany ay naglalaman ng malawak na

impromasyon tungkol sa pag-aaral ng mundo ng mga halaman. Mula sa unang edisyon,

naidagdag din dito ang detalyadong paglalarawan sa Unified Codes of Nomenclature at

taxonomy. Nabanggit dito ang mga pangunahing impormasyon kaugnay sa pamilyang

Euphorbiaceae kung saan kabilang ang Tawa-tawa. Inilarawan ang ilang mga specimenna

halaman kasama ang pisikal na anyo at mga kemikal na aspeto ng mga ito. Nakasaad din ang

mga kahalagahan ng genus Euphorbiasa aspetong pang-ekonomiya o ang gamit nito

(Bhattacharyya, 2009). Makikita sa apendiks ang mga terminong pangmorpolohiya na

magagamit sa tamang pagsulat sa paglalarawan ng taxon.

Ang lubos na talino sa kemistri ng mga halamang-gamot ay kinakailangan upang

maintindihan ang mga maraming gawain ng mga halaman, ang kalidad ng mga hilaw na sangkap

nito, katas at pormulasyon upang mabenta ang gamot na hango dito (Daniel, 2006). Ang aklat na

Medicinal Plants Chemistry and Properties ay tungkol sa karaniwang paglalarawan ng mga

produktong halaman at ang mga pakinabang nito ay ipinaliwanag nang daglian. Lahat ng mga

datos na nagagamit sa mga chemical compounds at ang pharmacological na pag-aaral sa mga

Page 17: Research Paper For Filipino 2

12

halaman at mga compounds na ito ay kasama rin. Ang mga halaman ay naayos ayon sa uri at

katalagahan ng mga chemical compounds na taglay nito. Naidagdag din ang mga pangalawang

metabolites, ang mga produkto ng prosesong metabolism, upang maipaliwanag ang

ginagampanan nito sa panggagamot.

Ang herbal na medisina ay nakabase sa katotohanan na ang mga halaman ay naglalaman ng

mga likas na sustansya na kayang pagtibayin ang kalusugan at maibsan ang sakit (Kurian, 2010).

Ipinaliwanag sa aklat na Amazing Healing Plants ang gamit at kung paano gamitin ang mga

halamang-gamot. Karamihan sa mga naitalang sakit o karamdaman ay karaniwan lamang at

hindi komplikado. Ilan sa mga iminungkahing lunas ay subok na at napatunayang epektibo.

Ang iba’t ibang parte ng Euphorbia hirta: dahon, bulaklak, sanga at ugat, ay kinatasan at

sinubukan sa iba’t ibang klase ng mikrobyo na importante sa larangan ng medisina gamit ang

agar disc diffusion method(Rajeh, 2004). Apat na gramo ng positibo(Staphylococcus aureus,

Micrococcus sp., Bacillus subtilis and Bacillus thuringensis),apat na gramo rin ngnegatibo

(Escherichia coli, Klebsiella pneumonia, Salmonella typhi and P. mirabilis) at isang yeast

(Candida albicans) ang ginamit sa pagtatabing. Sa mga resulta ng pagsusuri ang nagpakita ng

labis na epekto ay ang katas ng dahon dahil ito ay nagpakita ng magaspang na ibabaw at

mahabang epekto ng paggamot. Ang mga mikrobyong nakasalang ng tatlumpu’t anim na oras ay

nagpakita ng pinakamatinding pinsala at maraming biyak na maaaring tumungo sa pagkasira at

pagkawalang bisa ng mga nasabing mikrobyo. Ang mga nasabing parte ng halamang ito ay

naging mabisa at maganda ang resulta, higit na sa Artemia salina. Masasabi natin na ang

halamang ito ay maaaring gamitin upang makatuklas ng bago at natural na uri ng panggagamot

na maghahantong sa makabagong medisina.

Ang antibacterialna kinatas mula sa Camellia sinensis L. at methanol na kinuha mula sa

Euphorbia hirta L. ay pinag-aralan ng mabuti laban sa dysentery na nagiging sanhi ng Shigella

spp. gamit ang Vero cell line(Vijaya, 2011). Ang pag-aaral sa katas ay isinagawa gamit ang call

line at non-cytotoxic laban sa purong katas ng nasabing halaman at ito ay nagpakita ng aktibidad

na pumapatay ng mga mikrobyo. Ang resulta ng nasabing pagaaral ay epektibo at maaaring

gamiting panlaban sa mga mikrobyo.

Page 18: Research Paper For Filipino 2

13

II. Mga pananaliksik hinggil sa hakbang kung paano makuha ang katas ng Tawa-tawa

Ang pamamaraan upang makuha ang hinahanap na katas sa halaman na Euphorbia hirta o

Tawa-tawa ay ang sumusunod. Una,kinakailangang haluan ng 85% ethanol ang 15 kilo ng

halamang ito. Pagkatapos ay dudurugin ng pino ang halaman sa nahalong ethanol at kukunin

mula rito ang residyu sa pamamagitan ng paglalagay ng presyur sa nakuhang katas (Yi, 2012).

Kalahati sanakuhang katas ay inilagay sa mainit na tubig at tinagal ito sa pamamagitan ng

paghalo ng petroleum ether, dichloromethane, at ethyl acetate. Ang praksyon na

mayroongdichloromethane ay isinailalim sa column chromatography.Dahil dito ay nahati ito sa

pitong praksyon. Ang kalahati ng praksyong ito ay hinaluan ng silica gel.Ang nakuhang mga

compounds dito ay ang scopoletin, scoparone, isoscopoletin, quercetin, isorhamnetin,

pinocembrin, kaempferol, leutolin, at gallic acid.

Maraming aral ang tumutukoy saEuphorbia hirta bilang isang halaman na mayroong

kakayahang antimicrobial laban sa mga naturang enteropathogens (Ramesh, 2005). Ang

naturang hinahalo sa halaman upang makuha ang chemical compounds nito katulad ng

flavonoids ay ang 80% ethanol at methanol. Ang paglalagay ng ethanol sa halaman ay

magbibigay ng katas nito kung saan ang katas na ito ay mayroong katangiang

immunostimulatory. Ang experimentasyon na ito ay nagpakita ng pagtaas saphagocytic index. Ito

ay ang pagtulong ng cells ng katawan sa pakikipaglaban sa mga naturang pathogens.

Kinakailangan lamang ang mataas na konsentrasyon ng Euphorbia hirta upang makuha ang

antimicrobial nitong katangian. Naipapakita rin ng Euphorbia hirta ang pagpipirmi ng mast cell

membranena tumutulong sa paglabas ng inflammatory mediators. Ang mga cells ng katawan ay

maaaring gumawa ng depensa laban sainflammation buhat ng pathogens, maaaring galing sa

lagnat, flu, at iba pa.

Ang tawa-tawa ay mayroong posibilidad na makatulong sa pagpapagaling sakit na Dengue.

Sa bansang Pilipinas, maraming gumagamit ng halamang Tawa-tawa upang magamot ang

Dengue (Ong, 2009). Ang Kagawaran ng Kalusugan ay kasalukuyang pinag-aaralan ang kalidad

Page 19: Research Paper For Filipino 2

14

at epekto ng halamang ito dahil na rin sa pag-aalalang baka mayroong negatibong epekto ito

kung labis ang paggamit. Nakasaad din ang pamamaraan kung paano ihanda ang nasabing

gamot. Kumuha ng limang halaman ng Tawa-tawa at putulin ang mga ugat nito. Hugasan at

linising mabuti, pakuluan ito sa malinis na tubig, isalin sa lalagyan, at hayaang lumamig. Tatlo

hangang apat na baso lamang ang iminumungkahing pag-inom ng nasabing herbal.

III. Mga pananaliksik hinggil sa klinikal na kasanayan

Ang aklat na Hematology in Clinical Practice ay isang praktikal na patnugot tungkol sa

pagsisiyasat at paggagamot ng mga sakit na mayroong kaugnayan sa mga red blood cells, white

blood cells, at homeostasis (Hillman, 2011). Ang bawat karamdaman o sakit na nabanggit ay

tinalakay nang maigsi subalit malaman at iniugnay sa pathophysiology, mga clinical feature

nanagmumungkahi sa pagsusuri, ang paggamit ng state-of-the-art laboratory test sa diagnosis at

differential diagnosis ng kalagayan nito, at ang mga kasalukuyang istratehiya sa pangangasiwa

nito.

Sa pamamagitan ng pagkukumpol-kumpol sa pader ng ating sugat, ang platelet ang

mayroong kagagawan sa pamumuo ng dugo at tuluyang pagtigil ng pagdaloy nito (Corbett,

2013). Ito ay nabubuo sa ating bone marrow at inaalis ng pali kung ito ay luma na o napinsala.

Dahil dito, napoprotektahan ang tao sa kawalan ng dugo at impeksyon. Ngunit sa oras naman ng

pagbaba ng bilang ng plateleto thrombocytopenia,maaari itong magdulot ng spontaneous

hemorrhage o labis na pagdudugo o kaya naman ay kamatayan. Ito ay maaaring dala ng viral

infection dulot ng mababang bilang ng lymphocytes sa ating katawan.

Ang nakakahawang parental bayrusay kakabit sacell membrane at unti-unting papasukin ang

host cell. Sunod namang huhubaran ang viral genome nito sa pamamagitan ng pagtanggal ng

capsid proteinat bahagyang mapalaya ang genome nito upang magamit (Levinson, 2010).

Matapos ang prosesong iyon, ang earlymRNA at protina ay magsasama. Ang early Proteins ay

enzymes na ginagamit sa pagkopya ng viral genome. Samantalang ang late proteins naman ay

ang estruktural nacapsid protein. Bilang wakas, ang mga bayrus magtitipun-tipon galing sa

Page 20: Research Paper For Filipino 2

15

ginayang genetic material at bagong gawang capsid proteins at ang mga ito ay tuluyang

mailalabas mula sa cell.

IV. Mga pananaliksik hinggil sa sakit na Dengue

Ang insidente ng heograpikong distribusyon ng Dengue ay tumaas nang kamangha-mangha

sa nakaraang mga taon (Rigau-Pérez, 2004). Ang Dengue ay isang talamak na sakit na dinadala

ng lamok na mayroong sintomas na lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, pantal,

alibadbad at pag-susuka. Ang iba ay nagreresulta sa impeksyon na nagreresulta sa

hemorrhagic fever (DHF), isang sintomas na nagbabanta sa buhay ng pasyente. 44% ng

nagkakaroon nito ay maaaring mamatay.Sa loob ng ilang dekada, dalawang teyorya lamang ang

nakakapagpaliwanag ng DHFat ang pinagsamang teoryang ito ay maaaring ipaliwanag.

Ang Dengue ay isa sa pinakakaraniwang impeksyon sa mga tropikal at subtropikal na

rehiyon sa mundo (Dengue Conundrums, 2006). Ang Dengue ay isang umuusbong na

karamdaman; ito ay dumadami sa heograpikong pamamahagi at kalubhaan, kahit hindi lahat ay

natatala. Ang World Health Oranization (WHO) ay nakapagtala ng higit na matinding antas ng

impeksyon; ito ay ang Dengue heamorrhagic fever (DHF). Ang DHF ay isang klase ng plasma

leakage. Ang pagkakaroon ng maraming serotype ay nagreresulta sahigit na malubhang sakit

kung nagkaroon ng pangalawang impeksyon. Ang komplipikasyon sa bakuna ay maaari

maranasan ng taong mayroong DHF. Gayunman, ang pagkakaroon ng ligtas at mabisang bakuna

ay isa sa pinakamagandang prebensyon laban sa Dengue.

Malaking bahagdan ang itinaas ng kaso ng Dengue isang dekada na ang nakalilipas. Ito ay

isang self-limitingdisease ngunit ang Dengue hemorrhagic fever (DHF) at Dengue shock

syndrome (DSS) ay nakamamatay (Tripathi, 2005). Ayon sa mga dalubhasa, ang recombinant

Dengueenvelope protein ay maaaring gamitin panuklas ng mga antibodies, IgG at IgM na

panlaban sa apat na serotypes ng virus gamit ang E.coli vector. Samantalang ang purong protina

naman ay maaaring gamitin sa pagtukoy sa tiyak na IgG o IgMantibodies sa serum ng pasyente

na mayroong mataas na reaksyon. Kahit napakaraming makabagong teknolohiya sa panahon

ngayon, ang pagbubukod ng mikrobyo ay isa pa ring gold-standard sa pagsusuri ng Dengue.

Page 21: Research Paper For Filipino 2

16

Gamit ang Peripheral blood count, maaaring mahulaan ang antas ng Dengue ng isang

pasyente. Ayon sa resulta ng pagsusuri, ang mga taong mayroongDHF ay sinasabing mayroong

higit na mababang bilang ng leukopenia at lymphocytes kung ikukumpara sa taong

mayroongMild Denguefever lamang (Eu-ahsunthornwattanab, 2008). Dahil dito, napatunayan na

ang leukopenia at lymphocytes ay nagsisilbing tanda ng Dengue hemorrhagic fever (DHF). Sa

paggamit ng mga simpleng hemtalogic parameters tulad nito ay maaaring mapababa ang bilang

ng di-inaasahang pagpasok ng mga pasyente na mayroong hinihinalaang impeksyon ng Dengue

sa kawalan ng mga magpapatunay nito.

Ang Dengue virus ay lumalabas na kapareho ng maraming iba’t ibang angkan ng cells

(Noisakran, 2010). Ngunit itong mga pagkakapareho ng katangian sa kontroladong kapaligarin

ay mahirap ulitin kung ginawa na ang pagsusuri sa buhay na organismo. Kaya sa pagmamasid ng

Dengue virus sa katawan ng tao, nalaman na sa ating bone marrow ang erythroid cells ay

kumokonti sa lahat ng uri ng Dengue. Ngunit dahil sa mahabang half-life ng RBC sa ating dugo,

ang natigil na erythropoiesis ay hindi nagdudulot ng severe anemia sa pasyente ng Dengue.

Dahil dito, ang bagong natuklasang angkan ng cell naMEP o CD41+CD61+, tulad ng

megakaryocytes at platelets, ay iminungkahing mayroong pananagutan sa pagkabuo ng Dengue

viremia sa tao.

Madalas na kabakas ng neutropenia at thrombocytopenia ang Dengue (Rothwell, 2003),

maaari nating sabihin na ang cells ng ating bone marrow ay pinatatamaan ng Dengue viral na

impeksyon. Naghanda ng dalawang long-term marrow culturesna mayroong ikalawang uri ng

Dengue o DEN-2 virus at inilantad sa viral antigen-positive cells. Gamit ang immunofluresence

microscopy at immunehistochemical staining, natagpuan ang dalawang stromal cellsna postibo

sa DEN-2 virus antigens. Ang parehong cells na iyon ay posibleng magdulot ng nerve growth

factor receptor, habang ginagawa parin ang tungkulin bilang adventitial reticular cells.

Page 22: Research Paper For Filipino 2

17

Kabanata III

Metodolohiya

Ang pananaliksik ay naglayong makakalap ng sapat at maaasahang datos tungkol sa bisa

ng Euphorbia hirta o higit na kilala sa tawag na Tawa-tawa o gatas-gatas bilang lunas sa sakit na

Dengue fever. Inalam ng pananaliksik ang dahilan ng kakayahan ng Tawa-tawa na mabigyang

lunas ang thrombocytopenia o ang mababang bilang ng platelet sa dugo dahil sa labis na

pagdudugo dala ng Dengue fever.Alinsunod dito, ang mga pangunahin at pangalawang paraan ng

pananaliksik ay ginamit bilang batayan sa kabuuang datos na nakalap ng pangkat. Bukod doon,

ang pananaliksik ay naging kombinasyon din ng qualitative at quantitative na pamamaraan kung

saan ang mga estatistika at teorya ay ginamit na basehan sa pagpawi ng mga katanungan na

nakapaloob sa papel na ito.

Ang unang hakbang naisinagawa ng mga mananaliksik ay ang mapanuring pagbabasa ng

mga literaturang mayroong kaugnay sa paksa, kasama na ang mga sintomas ng Dengue, at ang

naturang nilalaman ng Tawa-tawa o Euphorbia hirta. Masigasig nanaghanap ang mga

mananaliksik ng mga batayan upang maipaliwanag ang ginagawa ng Tawa-tawa laban sa virus

ng Dengue.Dahil dito, ang mga aklat, artikulo, pahayagan, at iba pa, kapwa galing sa silid

aklatan partikular na sa seksyon ng medisina ng silid-aklatan ng Miguel de Benevides, at

sainternet partikular sa EBSCO at ScienceDirect, ay lubusang nagamit.

Angpangalawang bahagi ng pananaliksikay pinangasiwaan sa pamamagitan ng

pagbibigay ng isang daang mga sagutang sarbeyat talatanungan sa mga naging pasyente ng

Dengue fever o mga nadapuan ng sakit na ito. Ngunit ipinadaan muna sapre-testing ang

nagawang sarbey ng mga mananaliksik bago nabigay ang huling bersyon ng sarbey sa mga taga-

Page 23: Research Paper For Filipino 2

18

tugon.Ang mga tumugon sa sarbey na isinagawa ay mga mag-aaral mula sa Fakultad ng

Farmasya at Kolehiyo ng Agham. Ang mga ito ay ginamit bilangquantitativena datos. Matapos

ang ginawang sarbey sa Universidad ng Santo tomas, ang mga mananaliksik ay nakipanayam sa

mga dalubhasang sinaAsst. Prof. Ophelia S. Laurente mula sa Fakultad ng Farmasya, at si

Dr. Wilfredo F. Vendivil na mula naman sa sangay ng botanika ng Pambansang Museo ng

Pilipinasna mayroong malawak na kaalaman hinggil sa paksa. Ang kanilang pananaw ang naging

qualitativena datos, at ang mga nakuhang datos mula sa mga nakapanayam ng mananaliksik ay

idinagdag sa naturang rekomendasyon at konklusyon.

Matapos ang dalawang parte ng pananaliksik, nagtipon ang mga mananaliksik upang

bigyang linaw ang mga suliranin ng pananaliksik sa pamamagitan ng lubos na pagkakaunawa ng

paksa mula sa nakalap na impormasyon sa iba’t ibang panig. Dito, bumunot ng konklusyon ang

mga mananaliksik ukol sa bisa ng Tawa-tawa sa sakit na Dengue batay sa pananaw ng mga

piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas.

Page 24: Research Paper For Filipino 2

19

Kabanata IV

Pagsasaad at Interpretasyon ng mga Datos

Sa isinagawang sarbey mula sa mga tumugon na isangdaang mag-aaral mula sa

Fakultadng Farmasya at Kolehiyo ng Agham, natuklasan ng pananaliksik na ito na ang Tawa-

tawa ay hindi kalimitang ginagamit laban sa Dengue, sa kabila ng hatid na epekto nito kontra sa

nasabing sakit.

Pigura 2: Kamalayan ng mga taga tugon tungkol saTawa-tawa

52%

23%

25%

Kamalayan tungkol sa Tawa-tawa

Alam ang bisa ng Tawa-tawa

Kilala lamang ang Tawa-tawa

Hindi alam ang Tawa-tawa

Ang sumusunod ay ang bilang ng mga mayroong kamalayan sa halaman na Tawa-tawa

Alam ang bisa ng Tawa-tawa Kilala lamang ang Tawa-tawa Hindi alam ang Tawa-tawa

52 23 25

Page 25: Research Paper For Filipino 2

20

Pigura 2: Makikita sa datos na ito ang malaking bahagdan na nakatala sa mga mayroong

alam ng bisa ng Tawa-tawa o Euphorbia hirta laban sa sakit na Dengue. Limampu’t dalawa ang

totoong bilang o pigura ng mga sumagot nanakakaalam ng bisa nito, dalawampu’t tatlo ang

nagsaad na alam nila ang halamang Tawa-tawa ngunit hindi nila alam ang bisa nito, at

dalawampu’t lima naman ang nagsabi na hindi talaga nila alam ang naturang halaman. Sa gayon

humigit sa bilang na pitumpu ang nakakaalam sa halaman na Tawa-tawa, na talagang higit na

nakakataas sa bilang ng mga hindi nakakaalam nito.

Pigura 3: Mga kaso ng Dengue at mga gumamit ng Tawa-tawa laban dito.

Hindi pa nagka-roon ng Dengue

38%

Gumamit ng Tawa-tawa

18%

Hindi gumamit ng Tawa-tawa

44%

Mga mag-aaral na edad 17-21

Ang sumusunod ay ang eksaktong bilang ng mga responde na pumili ng kanilang sagot:

Mga hindi pa

nagkakaroon ng

Dengue

Total na bilang ng

mga nagkaroon na

ng Dengue

Gumamit ng Tawa-

tawa bilang panlunas

sa sakit na Dengue

Hindi gumamit ng

Tawa-tawa bilang

panlunas sa sakit na

Dengue

38 62 18 44

Pigura 3: Kung titignan ng maayos, ang datos na nakasaad sa itaas ay naglalahad sa

kaliwang bahagi nito ng pagkakaroon ng mataas na bilang sa mga nadapuan na ng sakit na

Page 26: Research Paper For Filipino 2

21

Dengue. Samantala sa kanang bahagi rin ng datos nakasaad ang pagkakaroon ng mababang

bahagdanng mga hindi pa nagkakaroon ng Dengue. Kapansin-pansin din mula sa kanang bahagi

ng datos na ang mga nakalagay na pigura o bilang ay nangaling lamang mula sa animnapu’t

dalawang bahagdan o ang bahagdan ng mga nagkaroon ng Dengue. Sa kanang bahagi ng datos

makikita na talamak na higit na mataas ang bilang ng mga hindi gumagamit ng Tawa-tawa

bilang panlunas sa sakit na Dengue, at kakaunti lamang ang mga gumagamit nito.

Pigura 3-A: Mga naramdaman ng mga taga tugon matapos gumamit ng Tawa-tawa laban

sa sakit na dengue.

Mga mag-aaral na edad 17-210

2

4

6

8

10

12

14

16

Mga naramdaman pagkatapos gumamit ng Tawa-tawa

Paggaan ng pakiramdam

Pagkawala ng Lagnat

Pagkawala ng Pantal

Paggaan ng pakidramdam ngunit may panghihina pa rin

Pagkawala ng pagsasakit ng ulo

Walang Ipinagbago

Ang sumusunod ay ang mga sagot na pinili ng 18 na responde (Maaaring humigit sa isa

ang sagot ng bawat responde):

Paggaan ng

Pakiramdam

Pagkawala

ng Lagnat

Pagkawala

ng mga

Pantal

Paggaan ng

Pakiramdam ngunit

mayroong panghihina

pa rin

Pagkawala ng

pagsasakit ng

ulo

Walang

ipinagbago

Page 27: Research Paper For Filipino 2

22

15 12 9 9 11 1

Pigura 3-A: Sa datos na ito makikita ang mga karaniwang naramdaman ng mga gumamit

ng halamang Tawa-tawa bilang lunas sa sakit na Dengue. Mapapansin din na dahil sa maaaring

pumili ng higit sa isang karamdaman ang gumamit ng Tawa-tawa mula sa sarbey, lumagpas sa

labing-walo ang kabuuang bilang ng mga sagot.

Karamihan sa mga sumagot ay isinama ang paggaan ng pakiramdam, kung saan makikita

na tatlong tao lamang ang hindi isinama ang sagot na ito sa kanilang pagpipilian. Sumunod dito

ang pagkawala ng lagnat ng mga mayroong karamdaman, matapos naman ay ang pagkawala ng

sakit ng ulo, pantay naman ang bilang ng pagkawala ng pantal sa katawan at ang kaunting

paggaan ng pakiramdam, at isa naman ang nagtala ng pagkawalang epekto ng Tawa-tawa sa

kanyang sakit na Dengue.

Pigura 3-B: Patuloy na paggamit ng Tawa-tawa sa mga gumamit nito.

Page 28: Research Paper For Filipino 2

23

Hindi na muling ginamit ang tawa-tawa38%

Hanggang sa gumaling73%

tuwing masama lamang ang paki-

ramdam27%

Patuloy na paggamit ng Tawa-tawa matapos inumin

Ang mga piniling sagot mula sa 18 na mga tumugon:

Hindi na muling

gumamit ng Tawa-

tawa

Gumamit pa ng Tawa-

tawa

Gumamit hanggang sa

gumaling

Gumamit lang tuwing

masama ang

pakiramdam

7 11 8 2

Pigura 3-B: Ang pigurang ito ay nagsasaad ng pitong katao na hindi na muling gumamit ng

Tawa-tawa matapos niyang inumin itosapagkakataon. Samantalang sa labing walo na tumugon

ng “Oo” sa pangalawang bilang, walo lang ang gumamit ng Tawa-tawa hanggang siya ay

tuluyang gumaling mula sa sakit, at dalawa lamang ang gumamit nito tuwing masama lang ang

kanilang pakiramdam.

Page 29: Research Paper For Filipino 2

24

Pigura 3-C: Platelet count ng mga taga tugon matapos gumamit ng Tawa-tawa

6%

22%

39%

11%

22%

Platelet count ng 18 na mag-aaral matapos gumamit ng Tawa-tawa

50,000 μL pababa50,000 μL – 100,000 μL100,000 μL - 150,000 μL150,000 μL - 450,000 μLHindi na maalala

Ang sumusunod ay ang eksaktong bilang ng mga responde na pumili ng kanilang sagot:

mababa pa sa

50,000 μL

50,000 μL –

100,000 μL

100,000 μL -

150,000 μL

150,000 μL -

450,000 μL

Hindi ko na maalala

1 4 7 2 4

Pigura 3-C: Sa pag-aalam ng naturang bilang ngplatelet ng tao, magkakaroon ng ideya

kung epektibo nga ba ang pag-inom ng Tawa-tawa bilang lunas sa sakit na Denguebatay sa

pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas. Sa detalyeng nakasaad mula

sa datos, makikita ang malaking bahagdan ng mga tumugon na mayroong mga 100,000 μL -

150,000 μL na bilang na platelet sa kanilang katawan. Ang bilang na ito ay nagpapahayag na ang

Tawa-tawa ay nakapagtataas ng platelet ng katawan, dahil ang madalas na bilang ng platelet ng

isang taong mayroong Dengue ay nasa 50,000 μL - 100,000 μL. Ngunit marami rin sa bilang ng

mga tao ang sumagot sa 50,000 μL - 100,000 μL, kung saan maaaring mayroong anomalya ang

katangian ng Tawa-tawa na nagpapataas ng platelet sa katawan.

Pigura 3-D: Bilang ng mga gumamit ng ibang gamot maliban sa Tawa-tawa laban sa

Dengue

Page 30: Research Paper For Filipino 2

25

Gumamit ng ibang gamot maliban sa Tawa-tawa Tawa-tawa lamang ang ginamit na gamot0

2

4

6

8

10

12

14

16

18

Mga gumamit ng ibang gamot maliban sa Tawa-tawa laban sa Dengue

Mga

nag

karo

on n

g D

engu

e

Pigura 3-D: Ipinapakita ng datos na ito ang bilang ng mga gumamit ng ibang gamot

maliban nalamang sa Tawa-tawa habang mayroong sakit na Dengue. Sa datos nakalahad na

labing anim ang bilang ng mga gumamit ng ibang gamot maliban nalamang sa Tawa-tawa, at

dalawa lamang ang gumamit ng Tawa-tawa hanggang siya ay gumaling.

Pigura 4: Opinyon ng mga taga tugon sa paggamit ng Tawa-tawa

Page 31: Research Paper For Filipino 2

26

31%

10%

59%

Palagay ukol sa paggamit ng Tawa-tawa laban sa sakit na dengue

Sang-ayon

Hindi Sang-ayon

Sang-ayon. ngunit kaakibat dapat nito ang kumbensyunal na gamot

Ang eksaktong bilang ng mga napiling sagot ng mga tumugon ay ang sumusunod:

Sang-ayon ngunit kaakibat

dapat nito ang kumbensyunal

na gamot

Sang-ayon lamang Hindi sumasang-ayon sa

nakasaad

59 31 10

Pigura 4: Mula sa datos na nakasaad higit na malaki ang bilang ng mga sumang-ayon sa

paggamit ng Tawa-tawa sa sakit na Dengue, ngunit kailangang kaakibat nito ang kumbensyunal

na gamot, na umaabot sa limampu’t siyam. Samantalang tatlumpu’t isa ang tumugon na sang-

ayon sila sa paggamit ng Tawa-tawa kahit na hindi kaakibat ang kumbensyunal na gamot, at

sampu naman ang tumatanggi sa paggamit ng Tawa-tawa bilang gamot sa sakit na Dengue.

Page 32: Research Paper For Filipino 2

27

Pigura 5: Opinyon ng mga tagatugon sa pagkalap ng impormasyon gamit ang

pananaliksik tungkol sa bisa ng Tawa-tawa laban sa Dengue at ang paggamit ng Tawa-

tawa kung ang bisa nito ay tiyak na mapatunayan ng pananaliksik.

Patuloy n

a pag

kalap

ng imporm

asyon uko

l sa Ta

wa-taw

a

Pagga

mit ng T

awa-t

awa s

a pag

kaka

taon na m

apatu

nayan

ang b

isa nito

0102030405060708090

100 93

65

1

33

6 2

Sang-ayon Hindi Sigurado Hindi Sang-ayon

Pigura 5: Pinagsama ang datos na mahahanap sa ikaapat at ikalimang tanong, dahil iisa

lamang ang kanilang mga pangunahing ideya. Makikita sa datos na nakasaad na siyamnapu’t

tatlo ang sang-ayon sa pagkakaroon ng patuloy na pagkalap ng impormasyon ukol sa Tawa-tawa,

isa naman ang hindi sigurado, at anim ang sumagot na hindi sang-ayon. Samantalang animnapu’t

tatlo angtumugon na sang-ayon sila sa paggamit ng Tawa-tawa sa sakit na Dengue sa

pagkakataon na ito ay mayroong siyentipikong patunay, habang tatlumpu’t tatlo ang hindi

sigurado, at dalawa naman ang hindi sumasang-ayon dito.

Page 33: Research Paper For Filipino 2

28

Mahalagang datos sa nakalap: Sa kabuuan, ayonsamga nakatala at nakasaad na datos

saitaas, 52% angnakakaalamsa bisa ngTawa-tawalaban sa Dengue.Subalit18%, lamang

nanakapaloobsa 62% ang nagkaroon na ng Dengue at nakaranas ng gumamitng Tawa-

tawabilanglunassanasabingsakit. Gayon pa man, mataas ang bilang ng positibong mgatugonang

nalikom naimpormasyongalingsa mga tagatugon ng sarbey.

Alinsunodsamgataongitonatumangkilik sa bisa ng Tawa-tawa, labinlimang

kataoangnakaranasngpaggaanng kanilang pakiramdam, labindalawa

anggumalingsalagnat,labing-isa naman ang nawalanngsakitngulo, siyam ang nagsabing

naglahoangmgapantal,at isa ang nagsabing wala siyang naramdamang pagbabago o epekto nang

siya ay uminom ng Tawa-tawa. Naitalagarinang dulot ng tawa-tawa sa pag taas ngplatelet

countsapagitanng 100,000 μL - 150,000 μL, kung saan 39% ang pumili nito o pitong

katao.Gamitangmgadatos,mapupuna rito na karamihan sa mga gumamitng Euphorbia hirta, ay

bahagyangnatulungannito. Ang pagtaasngplatelet count at pagkaroonng kaginhawaan ng

karamdaman ng mga mag-aaral ay maaaringmagsilbingpatunaysa bisa nito laban sa sakit na

Denguebatay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas. Bilang

wakas, napatibayngpagsisiyasatngpananaliksiknaito ang pagtupadngkanyangmgalayunin.

II. Resulta ng Pakikipanayam

A. Tagatugon: Asst. Prof. OPHELIA S. LAURENTE

1. Ano ang mga bahagi ng halamang Tawa-tawa ang maaaring pakuluan upang makuha ang

katas nito?

Maaaring pakuluan ang mga tangkay at ugat nito upang makuha ang katas ng halaman.

Ngunit hindi maaaring pakuluan ang mga bunga nito dahil ito ay mayroong mga nakalalasong

nilalaman.

2. Mayroon bang mga pangalawang epekto ang paginom ng katas ng Tawa-tawa?

Ang sobrang paginom ng katas ng Tawa-tawa ay hindi makabubuti sa kalusugan ng tao. Ito

ay nakaapekto sa atay ng tao, dahil ang pamamaraan ng paginom nito ay dapat sapat lamang at

dahan-dahan.

Page 34: Research Paper For Filipino 2

29

3. Ano ang mga nilalaman ng Tawa-tawa namaaaring makatutulong sa pagpapagaling sa

sakit na Dengue?

Tulad ng nakararaming mga halaman, ang Tawa-tawa ay naglalaman ng flavonoids, alkaloids

atphenolic compounds.Ang mga phenolic compoundsna ito ay mayroong anti-hemophilic na

katangian at maaaring pinanggalingan ng ibang mga droga.

4. Inirerekomenda niyo ba ang Tawa-tawa bilang lunas sa sakit na Dengue?

Posibleng irerekomenda ko ang Tawa-tawa bilang lunas sa sakit na Dengue kung sapat na

ang kaalaman at mga pananaliksik ukol dito. Ang pinakamainam na lunas parin sa sakit na

Dengue ay pagpigil ng pagdapo ng mga lamok sa balat ng tao sa pamamagitan ng pagpapanatili

ng malinis na kapaligiran.

B. Tagatugon: Dr. WILFREDO F. VENDIVIL

1. Mayroong ba kayong kaalaman tungkol sa halamang Tawa-tawa?

Mayroon akong nalalaman sa halamang ito. Ang Tawa-tawa, nakilala rin sa orihinal na

pangalang Gatas-gatas, ay mayroong siyentipikong pangalan na Euphorbia hirta. Ito ay isang

halaman na karaniwang tumutubo kahit saan. Ito ay ipinakilala ng mga albularyo sa

pamamagitang ngpanggagamot noong unang panahon. Pinaniniwalaan na ang pangalang Tawa-

tawa ay nagmula sa isang albularyo. Sa isang panayam sa nasabing albularyo imbis na Gatas-

gatas, tinawag niya ang halamang ito ng Tawa-tawa.

2. Totoo ba na nakapagpapagaling ito ng sakit na Dengue?

Sa katunayan, ang katas ng Tawa-tawa ay maaaring gamiting anti-microbial at anti-

bacterial bilang panlaban sa bacteria o mga bayrusvirusna maaaring magdulot ng sakit saatin.

Isa sa mga maaaring bigyang lunas nito ay ang sakit na Dengue at ang mga buhat na sintomas

nito katulad ng lagnat. Kung inyong gugustuhin, maaari kayong pumunta saITDI na parte

ngDOSTupanginyong malaman ang mga nasagawang pananaliksik ukol sa mga nilalaman ng

Tawa-tawa.

2.1) Sa pangkalahatan masasabi niyo ba na epektibo talaga ang paggamit ng Tawa-tawa?

Page 35: Research Paper For Filipino 2

30

Ayon sa mga nabasa kong nailathalang saliksik, mayroon talaga itong katangian na

lumalaban sa bakterya na matatagpuan sa ating katawan. Ito ay nakapagpapataas ng bilang ng

platelet ng isang tao na nagbibigay solusyon sa mababang bilang ng platlet hatid ng Dengue.

Masugid din ang pagpapagaling nito sa sakit tulad ng diarrhea at asthma, kung saan iniinom din

ang katas nito o kaya naman ay sinisindihan na parang sigarilyo. Kung kaya ay masasabi ko na

sa pangkalahatan,maaari itong gamitin bilang panlunas sa Dengue at iba pang mga sakit ngunit

hindi ko rin mapagkakaila na kailangan pa ng masugid na pagsusuri sa halaman na ito.

3. Tama lamang ba ang pag-inom ng katas nito sa pamamagitan ng pagpapakulo ng

halaman sa tubig?

Walang problema iyon dahil tinatawag naman itong crude medicine, kung saan maaari

itong magamit bilang panlunas ng mga sakit. Ngunit mayroong posibilidad ito na magkaroon ng

reaksyon sa ating katawanna maaaring magdulot ng side effects. Mayroongtoxicity din kasi ang

halamang ito kaya maaaring magkaroon ng problema kung mali ang pagpapakulo nito. At isa pa,

hindi pa nabibigyan ng tatak na therapeutically acclaimed ng DOHang halamang Tawa-tawa

dahil sa ngayon patuloy pa rin ang pananaliksik nila sa halamang ito.

3.1) Kung gayon, sa dahon lamang ba nakukuha ang katas na kailangan upang labanan

ang mga naturang sakit?

Hindi lamang sa dahon maaaring matagpuan ang katas na kailangan upang labanan ang

mga sakit katulad ng Degnue. Maaari rin makuha ang katas nito mula saugat o tangkay ng

halaman.

3.2) Nakalalason ba ang pag-inom ng katas nitokung hindi galing sa dahon ang

pinagkunan?

Mayroong posibilidad na makalason ito kung ang dosage na ginamit ay masyadong

marami at hindi maayos ang pagpapakulo. Ngunit hindi naman malubha ang toxicity nito kahit

ganoon.

4. Mayroon bangibang halaman na maaaring magpataas ng platelet count ng isang tao?

Maraming halaman ang maaaring magpataas ng platelet ng isang tao dahil sa

mgaphenolic compounds na nilalaman ng mga ito. Tulad ng Tawa-tawa, ang Lagundi ay isang

Page 36: Research Paper For Filipino 2

31

halaman na masagana sa phenolic compounds na maaaring magpataas ng bilang ng ating

platelet.Pinapaniwalaan din na ang mga mapapait na halaman ay mayroong ding mataas na

sangkap pagdating sa phenolic compounds at mgaanti-bacteriana katangian.

4.1) Kung gayon bakit ang Tawa-tawa ang madalas ginagamit bilang gamot sa sakit na

Dengue at sa paraan na pagpapataas ng platelet?

Magandang tanong iyan, at kahit sa aking mga nabasa hindi pa rin tuluyang

napatutunayan o naipakikita ang eksaktong dahilan kung bakit ang halaman na ito ay mayroong

katangian na nagbibigay ng mataas na bilang sa pagtaas ng platelet ng isang tao. Maaari ring

karaniwan lamang ang Tawa-tawa katulad ng ibang mga halaman, maaari rin namang dahil

lamang sa kasikatan nito kaya ito ay ang madalas gamitin ng mga tao, o kaya naman ay mayroon

talaga itong kaibahan sa kaniyang nilalaman.

Kabanata V

Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

I. Buod

Page 37: Research Paper For Filipino 2

32

Ang Tawa-tawa ay isang lokal na halaman sa Pilipinas na madalas matagpuan satabing

daan. Batay sa saliksik na nalikom ng mga mananaliksik, ang Tawa-tawa o kilala rin sa

pangalang Euphorbia hirta ay naglalaman ng mga compounds na maaaring magbigay ng anti-

inflammatory at microbial na epekto sa mga naturang virus. Isa sa mga punong katangian na

maaaring mahanap sa Tawa-tawa ay ang posibilidad na maaari itong magpataas ng bilang ng

platelet sa ating katawan, kung saan ang pagbaba ng bilang ngplatelet ang isa sa mga

pangunahing sintomas ng sakit na Dengue. Isa sa mga pinupuntirya ng Dengue virus ay ang bone

marrow ng ating katawan, kung saan dito nagkakaroon ng produksyon ng platelet sa katawan.

Dahil sapatuloy na pagsasalakay ng virus sa katawan, nagkakaroon pa ng mas malalang klase ng

Dengue kagaya ng Dengue hemorrhagic fever, at Dengue shock syndrome. Sa tatlong klase ng

Dengue, lahat ay nagkakaroon ng pagbaba ng bilang ng platelet sa katawanngunit ang Dengue

hemorrhagic fever ang mayroong pinakamatinding dagok sa bilang ng platelet.

Sa pamamagitan ng pananaliksik sa mga libro at mga internasyunal na nailimbag na

saliksik, natuklasan ng mga mananaliksik na ang halamang Tawa-tawa ay siya ring ginagamit sa

mga ibang bansa tulad ng India bilang panugon sa mga sakit tulad ng Dengue, gastrointestinal

disorders, asthma, at bronchitis. Nakasaad din sa mga pananaliksik na nakalap ay ang

pagkakatulad ng paghahanda nito bilang inumin sa ibang bansa; pinapakuluan sa tubig at iniinom

ang sangkap na katas. Nakalap rin sa mga saliksik at sulatin na mayroong mga sangkap o

compounds ang Tawa-tawa na maaaring magpagaling sa mga sakit tulad ng Dengue. Ang mga

sangkap natinutukoy ay ang mga sumusunod:antibacterial, antifungal, anticancer, antimicrobial

photoconstituents katulad ng flavonoids at alkaloids, at ang sinasabing phenolic compounds na

maaaring sanhi ngpagtaas ng ating platelet.

Ayon naman sa pananaliksik mula sa mga nakapanayam, ang Tawa-tawa ay hindi pa

lubos na napatutunayan at binibigyangpahintulot bilang therapeutically acclaimed ng Kagawaran

ng Kalusugan o DOH. Ayon din sa mga nakuhang impormasyon, kailangang magkaroon pa ng

higit na masugid at detalyadong aral sa halaman na ito mula sa ating bansa upang lubos itong

mapagkatiwalaan ngunit sinabi rin ng nakapanayan na malaki ang potensyal ng Tawa-tawa dahil

ayon sa kaniyang sariling saliksik, mayroong mga katangian ang Tawa-tawa na anti-microbial na

maaaring lumaban sa mga naturang sakit buhat ng virus at bacteria Ayon din sa kanya, matagal

na itong ginagamit ng nakararami, sa katanuyan may mga tagatugon na nagpapatunay na ito ay

nakapagpapataas ng platelet at nakapagpapaginhawa ng sintomas ng Dengue katuladng lagnat.

Page 38: Research Paper For Filipino 2

33

Batay sa sarbey, natuklasan ng mga mananaliksik ang naturang bilang ngplateletsa dugo

ng tao at kung gaano kaepektibo ang pag-inom ng Tawa-tawabatay sa pananaw ng mga piling

mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas.Sa taong may sakit na Dengue, ang pagtaas ng

platelet ay nangangahulugang unti-unting paggaling mula sa sakit.

Ang ikaapat nadatos mula sa isinagawang sarbey ay nagpapakita ng malaking bahagdan

ng mga taong mayroong 100,000 μL - 150,000 μL na bilang ng platelet sa kanilang dugo

matapos uminom ng Tawa-tawa. Ang bilang na ito ay nagpapahayag na ang Tawa-tawa ay

nakapagtataas ng platelet ng katawan dahil ang madalas na bilang ng platelet ng isang taong

mayroong Dengue ay nasa 50,000 μL - 100,000 μL. Ngunit marami rin sa bilang ng mga

tumugon ang sumagot sa 50,000 μL - 100,000 μL kung saan maaaring mayroong anomalya ang

katangian ng Tawa-tawa na nagpapataas ng bilang ng platelet sa katawan ng bahagya lamang

sapagkat ang karaniwang taong walang sakit na Dengue ay mayroong bilang ngplatelet na

150,000 μL - 450,000 μL.

Ang mga nakalap na impormasyon at sarbey ay mayroong iilang magkatunggaling ideya

at resulta. Isa na rito ang pagkakaroon ng ibang pananaw ng mga nakapanayam ng mga

pananasaliksik na mula sa ibang bansa kumpara sa mga tugon ng mga siniyasat ng pananaliksik

na ito. Naiparating ng sarbey ang positibong pagbabago na makikita sa karamihan ng sumagot.

Ipinahiwatig ng mga tumugon ang pagtaas ng bilang ng kanilang platelet, paggaan ng

pakiramdam sa katawan, kawalan ng lagnat, kawalan ng sakit ng ulo, at pagkawala ng

katamlayan nang sila ay uminom ng Tawa-tawa.

II. Konklusyon

Batay sa datos na nakalap mula sa pagsisiyasat ng mga mag-aaral ng Fakultad ng

Farmasya at Kolehiyo ng Agham, ang pananaliksik na ito ay naghihinuhang ang Euphorbia hirta

L.(Tawa-tawa)ay mayroong mabuting epekto sa pagpapagaling ng sakit na Dengue batay sa

pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas. Napatunayan ito ng mataas

na bilang ng mga positibong tugon mula sa mga sumasagot ng pagsiyasat na nagsasabing mabuti

ang epekto ng Tawa-tawa sa pagpapagaling ng kanilang pakiramdam. Ayon din sa pagsisiyasat,

nakapagpataas ito ng platelet count ng taong mayroong sakit na Dengue ng bahagya hangga’t sa

patuloy na gumaling ang taong mayroong sakit na nito. Napatunayan ito ng mataas na bilang ng

Page 39: Research Paper For Filipino 2

34

sumagot na ang kanilang platelet count ay tumaas at nasa pagitan ng 100,000 μL - 150,000 μL

matapos uminom ng Tawa-tawa. Ang saklaw ng platelet countna iyon ay higit na mataas kung

ikukumpara sa saklaw ng platelet count ng taong mayroong sakit na Dengue na mababa pa sa

50,000 μL. Ang Dengue ay nagpupuntirya ng bone marrow kung saan karaniwang nagaganap

ang produksyon ng platelet, kaya ang mataas na platelet count dahil sa Tawa-tawa ay isang

patunay na ito ay mayroong epekto sa pagpapagaling ng sakit na Dengue.Bataydin sa datos na

nakuha mula sa pagsisiyasat, ang Tawa-tawa ay kalimitang ginagamit ng mga taong

nagkakasakit ng Dengue dahil sa kakulangan ng pagpapatibay na ang Tawa-tawa ay epektibong

lunas sa sakit na ito o wala talagang karagdagang kaalaman tungkol sa halamang ito.

III. Rekomendasyon

Batay sa mga impormasyong nakalap mula sa pagsisiyasat, natuklasan ng mga

mananaliksik na ang Tawa-tawa (Euphorbia hirta) ay hindi napapatibay na ito ay isang organic

na gamot sa sakit na Dengue. Dahil dito, inirerekomenda ng mga mananaliksik na magsagawa ng

mga pananaliksik ukol sa tiyak na nilalaman ng Tawa-tawa na nagpapataas ng platelet count.

Inirerekomenda rin ng mga mananliksik na ang Industrial Technology Development Institue o

ITDI, Department of Science and Technology o DOST, Philippine Institute of Traditional and

Alternative Health Care o PITAHC at Kagawaran ng Kalusugan ay gumawa ng pananaliksik

tungkol sa epekto ng Tawa-tawa sa sakit na Dengue dahil kumpleto ito sa kagamitan, tao, at

mayroong sapat na oras upang paunlarin at gawin ang pananaliksik. Higit na mainam na sa

health centers at laboratoryo gawin ang mga pananaliksik na ito dahil nasusubaybayan nang

mabuti ang mga mayroong sakit na Dengue at ang mga epekto ng Tawa-tawa sa kanila sa

mismong panahon ng pagkakasakit.

Kung mapatunayan ng mga ahensyang nabanggit na ang Tawa-tawa ay tunay na

nakapagpapagaling ng sakit na Dengue, inirerekomenda ng mga mananaliksik na magkaroon ng

isang pharmaceutical na pananaliksik sa paggawa ng Tawa-tawa bilang isang organic na gamot

upang magkaroon ng gamot na magpapagaling sa sakit na Dengue.

Page 40: Research Paper For Filipino 2

35

Ang mga hinaharap ng mananaliksik ay maaaring tumuon sa halamang Lagundi (Vitex

negundo). Ang halamang ito ay naglalaman umano ng mga anti-bacteriana maaari maging

lunas ng iba’t ibang sakit tulad ng Dengue.

Talasanggunian

1) Argon, E. (2012). Tawa-tawa contains active ingredients that may help Dengue hemorrhagic

fever (DHF) patients.

Page 41: Research Paper For Filipino 2

36

2) Bhattacharyya, B. (2009). Systematic Botany, Second Edition. Oxford, UK: Alpha Science

International Ltd.

3) Corbett, J.V., Banks, A.D. (2013). Laboratory Tests and Diagnostic Procedure with Nursing

Diagnosis (8thed.). Upper Saddle River , New Jersey. Pearson Education, Inc.

4) Daniel, M. (2006).Medicinal Plants Chemistry and Properties. New Hampshire, USA:

Science Publishers.

5) Dengue Conundrums. (2006). Bangkok, Thailand:Department of Virology, Armed Forces

Research Institute of Medical Research.

6) Eu-ahsunthornwattana b , J., & Eu-Ahsunthornwattanaa, N. (2008).Peripheral Blood Count for

Dengue Severity Prediction: A Prospective Study in Thai Children. USA: Thisyakorn.

7) Hillman, R. S., Ault, K. A., et al. (2011). Hematology in Clinical Practice, Fifth Edition. New

York, USA: McGraw-Hill Companies, Inc.

8) Kumar, S., Malhotra, R., & Kumar, D. (2010).Euphorbia hirta: Its Chemistry, Traditional and

Medicinaluses, and Pharmacological Activities. India: Institute of Pharmaceutical

Sciences, Kurukshetra University.

9) Kurian, J. C. (2010). Amazing Healing Plants. Manila, Philippines: Philippine Publishing

House.

10) Levinson, W. (2010).Review of Medical Microbiology and Immunology (11th edtion).United

States of America: The McGraw-Hill Companies, Inc.

11) Noisakran, S., et al. (2010).Advances in Virology: Cells in Dengue Virus Infection In Vivo,

20(3), 24-30.

Page 42: Research Paper For Filipino 2

37

12) Ong, W. Hulyo (2009).Deadly Dengue: Prevention, Treatment, and 'Tawa Tawa'.

13) Perumal, S., & Mahmud, R. (2012).Antimicrobial Activity and Cytotoxicity Evaluation of

Euphorbia hirta (L.)Extracts from Malaysia, (2), 80-85.

14) Rajeh, M. A., et al. (2004).Assessment of Euphorbia hirta L. Leaf, Flower, Stem and Root

Extracts for their Antibacterial and Antifungal Activity and Brine Shrimp Lethality.

Malaysia: School of Distance Education, Universiti Sains Malaysia.

15) Ramesh, K. V., & Padmavathi, K. (2005). Indian Journal Of Pharmaceutical Sciences:

Assessment of Immunomodulatory Activity of Euphorbia hirta. 72(5), 621-626.

16) Rigau-Pérez, J. G., (2004). Dengue Branch, Division of Vector-borne Infectious Diseases.

San Juan, Puerto Rico: Centers for Disease Control and Prevention.

17) Rothwell, S. W., Putnak R., & La Russa, V. F. (2003). The American Journal Of Tropical

Medicine And Hygiene: Dengue-2 virus infection of human bone marrow:

Characterization of Dengue-2 antigen-positive stromal cells. 54(5), 503-10.

18) Tripathi, N. K., (2005). Detection of Dengue Virus.India: Defence Research and

Development Establishment.

19) Vijaya, K., Ananthan, S., & Nalini, R. (2011). Antibacterial Effect of Theaflavin, Polyphenon

60 (Camellia sinensis) and Euphorbia hirta on Shigella spp.--A Cell Culture

Study.Taramani, India: Department of Microbiology, University of Madras.

20) Yi, W., Wei, U., & Yang-Li, L. (2012).Chinese Journal of Natural Medicines: Phenols and

Flavonoids from the Aerial Part of Euphorbia hirta, 10(1), 40-42.

Page 43: Research Paper For Filipino 2

38

Apendiks

I. Talatanungan para saSurvey

Pananaliksik: Tawa-tawa o Euphorbia hirta: Bisa sa sakit na Dengue batay sa Pananaw ng

mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas

Page 44: Research Paper For Filipino 2

39

Mahal na tagatugon:Kami ay mga mag-aaral ng Fakultad ng Farmasya, mula sa seksyon ng 1GMT.

Kung maaari lamang ay sagutanng maayos at totoo ang mga katanungan o ang mga hinihinging impormasyon.Lagyan lamang ng ekis ( x ) ang kahon o linya na naaangkop sa iyong mga sagot.______________________________________________________________________________

Pangalan (opsyonal): _______________ Edad: ___ Kasarian ____Okupasyon: _______________ Estadong Sibil (Civil Status): ____________

1) Alam mo ba ang halamang Tawa-tawa at ang gamit nito upang labanan ang sakit na Dengue?______ Oo, alam ko ang halamang Tawa-tawa at ang naturang gamit nito sa Dengue.______ Oo, alam ko ang halamang Tawa-tawa ngunit hindi ko alam ang gamit nito

laban sa sakit na Dengue.______ Hindi, ko alam ang halamang ito.

2) Gumamit ka ba ng halamang Tawa-tawa, o Euphorbia Hirta bilang panlunas sa sakit na Dengue?

______ Oo ______ Hindi ______ Hindi pa ako nagkakaroon ng dengue

a) Kung Oo ang iyong sagot, ano naramdaman mo matapos uminom ng naturang gamot? (Pumili sa nakalaang datos)

*maaaring lumagpas sa isang sagotTuluyang gumaan ang pakiramdam. (loss of fatigue and weakness)

Tuluyang nawala ang lagnat.(loss of fever)

Nawala at hindi na mabilis magka-pantal ang balat at katawan. (loss of bruises)

Gumaan ng bahagya ang pakiramdam ngunit nanghihina pa rin. (presence of exhaustion)

Nawala ang pagsakit ng ulo at ang bigat na nararamdaman dito. (loss of headache and/or migraine)

Walang ipinagbago

b) Kung Oo ang iyong sagot, patuloy mo ba itong ginamit hanggang sa tuluyang nawala ang iyong sakit na Dengue?

______ Oo, patuloy ko itong ginamit hanggang sa gumaling______ Ginamit ko lamang ito tuwing masama ang aking pakiramdam.______ Hindi ko na ito ginamit muli.

c) Kung Oo ang iyong sagot, alam mo ba kung ilan ang bilang ng platelet count mo matapos uminom nitong gamot?

______ mababa pa sa 50,000 μL ______ 50,000 μL – 100,000 μL______ 100,000 μL - 150,000 μL ______ 150,000 μL - 450,000 μL______ Hindi ko na maalala

d)Kung Oo ang iyong sagot, mayroon ka pa bang ibang gamot na ininom maliban sa Tawa-tawa o Euphorbia Hirta?

Page 45: Research Paper For Filipino 2

40

______Mayroon. ______ Wala na.

3) Sa iyong palagay, mabuti lang ba na gumamit ng herbal o alternatibong gamot gaya nalang ng Tawa-tawa laban sa kumbensyunal (generic or branded) na gamot sa sakit na dengue?

______ Oo ______ Hindi______ Oo, ngunit dapat kaakibat nito ang kumbensyunal na gamot

4) Sa ngayon ay kakaunti pa lamang ang mga nakakalap na datos tungkol sa katangian ng halamang Tawa-tawa na nagpapatunay na maaari itong magpagaling ng sakit na dengue. Susuportahan mo ba ang patuloy na pagkalap ng impormasyon ukol sa halamang ito?

______ Oo sang-ayon ako rito ______ Hindi ako sang-ayon dito______ Hindi ako sigurado

5) Kung mapapatunayan ng mga pananaliksik na mayroong katangian ang halamang Tawa-tawa o Euphorbia Hirta na nagpapataas ng platelet ng ating dugo, gagamitin mo ba ito kung ikaw ay mayroong sakit na Dengue?

______ Oo ______ Hindi ______ Hindi ako sigurado

Enero 30, 2013

PROF. PRISCILLA M. TORRES, Ph.D.Dekana, Fakuldad ng FarmasyaUniversidad ng Santo TomasSampaloc, Maynila

Page 46: Research Paper For Filipino 2

41

Mahal na Dekana:

Kami po ay mga mag-aaral mula sa 1G- Medical Technology ng Fakuldad ng Farmasya na humihingi ng pahintulot na magsagawa ng pagsusuri sa mga estudyante ngFakuldad ng Farmasya ukol sa bisa ng Tawa-Tawa sa sakit na Dengue.

Maasahan niyo po na ang gagawing pagsusuri ay hindi makagagambala sa mga nagaganap na klase.

Ang inyong maagap na pagpahintulot ay makakapagpatibay sa aming isinasagawang pananaliksik.

Lubos na gumagalang;

_________________________ ________________EINOR JOHN MASANGKAY DEAN MERCADO

______________________ __________________________KIER ANGELO LADERA JEFFERSON DELOS SANTOS

______________________ __________________ANTONIO OLAGUER II AEDRICK YANGA

May pahintulot ni

____________________________RHODELIA H. MENDOZA, Ph. D.Tagapagpayo sa pananaliksik

Enero 30, 2013

PROF. JOHN DONNIE RAMOS, Ph.D.Pansamantalang Dekano, Kolehiyo ng AghamUniversidad ng Santo TomasSampaloc, Maynila

Page 47: Research Paper For Filipino 2

42

Mahal na Dekano:

Kami po ay mga mag-aaral mula sa 1G- Medical Technology ng Fakuldad ng Farmasya na humihingi ng pahintulot na magsagawa ng pagsusuri sa mga estudyante ng Kolehiyo ng Agham ukol sa bisa ng Tawa-Tawa sa sakit na Dengue.

Maasahan niyo po na ang gagawing pagsusuri ay hindi makagagambala sa mga nagaganap na klase.

Ang inyong maagap na pagpahintulot ay makakapagpatibay sa aming isinasagawang pananaliksik.

Lubos na gumagalang;

_________________________ ________________EINOR JOHN MASANGKAY DEAN MERCADO

______________________ __________________________KIER ANGELO LADERA JEFFERSON DELOS SANTOS

______________________ __________________ANTONIO OLAGUER II AEDRICK YANGA

May pahintulot ni

____________________________RHODELIA H. MENDOZA, Ph. D.Tagapagpayo sa pananaliksik

Pebrero 4, 2013

DR. WILFREDO VENDIVILDalubhalaman, Botany DivisionPambansang Museo ng PilipinasP. Burgos Drive, Rizal Park, Manila

Page 48: Research Paper For Filipino 2

43

Mahal naDr. Vendivil:

Magandang araw po sa inyo!

Kami po ay mga mag-aaral ng Universidadng Santo Tomas na sa kasalukuyan ay kumukuha ng kursong BS in Medical Technology. Nais po naming magpaunlak ng panayam ukol sa bisa ng paggamit ng Tawa-tawa o Euphorbia hirta sa sakit na Dengue.

Maraming salamat po sa inyong konsiderasyon.

Lubos na gumagalang;

_________________________ ________________EINOR JOHN MASANGKAY DEAN MERCADO

______________________ __________________________KIER ANGELO LADERA JEFFERSON DELOS SANTOS

______________________ __________________ANTONIO OLAGUER II AEDRICK YANGA

May pahintulot ni

____________________________RHODELIA H. MENDOZA, Ph. D.Tagapagpayo sa pananaliksikPebrero 4, 2013

ASST. PROF. OPHELIA S. LAURENTEPropesora, Fakuldad ng FarmasyaUniversidad ng Santo TomasSampaloc, Maynila

Page 49: Research Paper For Filipino 2

44

Mahal naAsst. Prof. Laurente:

Magandang araw po sa inyo!

Kami po ay mga mag-aaral ng Universidadng Santo Tomas na sa kasalukuyan ay kumukuha ng kursong BS in Medical Technology. Nais po naming magpaunlak ng panayam ukol sa bisa ng paggamit ng Tawa-tawa o Euphorbia hirta sa sakit na Dengue.

Maraming salamat po sa inyong konsiderasyon.

Lubos na gumagalang;

_________________________ ________________EINOR JOHN MASANGKAY DEAN MERCADO

______________________ __________________________KIER ANGELO LADERA JEFFERSON DELOS SANTOS

______________________ __________________ANTONIO OLAGUER II AEDRICK YANGA

May pahintulot ni

____________________________RHODELIA H. MENDOZA, Ph. D.Tagapagpayo sa pananaliksik