revised sreya test items doc
TRANSCRIPT
GROUP ADMINISTRATION(Set A)
1. Kagamitan: sagutang papel, lapisPanuto : Sabihin: Bilugan ang naiibang salita sa bawat hanay.
baba dapa baba
aba apa apa
pasas sopas pasas
Marka: 1 - kung nabilugan ang lahat na naiibang salita 0 - kung mali ang nabilugang salita
2. KAGAMITAN: larawan/drawing ng mga sumusunod na bagay round clock, blocks o box, ice cream cone, rectangular rug, star Panuto: 1. Bilugan ang bagay na hugis bilog sa unang hanay. 2. Bilugan ang bagay na hugis parihaba sa ikalawang hanay.Unang hanay
Ikalawang hanay
Marka: 1 – kung nasagot nang wasto ang mga tanong; 0 - kung hindi
3. Kagamitan: Ginupit na hugis o larawan nito
Panuto:Gawin: Ilatag nang nakaayos ang mga sumusunod na hugis
Ibigay sa bata ang mga natitirang hugis.
Sabihin: Tingnan ang pagkasunod-sunod ng mga hugis. Mula sa natirang mga hugis pillin ang hugis na kasunod at ilagay ito sa hanay. Piliin at ilagay muli ang kasunod na hugis.
Gawin: Ilatag nang nakaayos ang mga sumusunod na hugis
Sabihin: Tingnan ang pagkasunod-sunod ng mga hugis. Mula sa natirang mga hugis pillin ang hugis na kasunod at ilagay ito sa hanay. Piliin at ilagay muli ang kasunod na hugis.
Marka: 1 - kung naiguhit ng bata ang kasunod na hugis; 0 - kung hindi
4. Kagamitan: lapis at papelPanuto:Sabihin: Isulat ang mga bilang na sasabihin ko sa papel.
Marka: 1 - kung naisulat ang sampung bilang na nabanggit; 0 - kung hindi naisulat ang lahat ng bilang na nabanggit
2 8 5 3 4 1 6 9 7 10 0
GROUP ADMINISTRATION(Set B)
5. Kagamitan: Ginupit na mga malalaki at malilit na titik ng alpabetoPanuto: Gawin : Ilatag ang mga malalaking titik ng alpabeto.Sabihin: Pagtambalin ang mga malalaki at maliliit na titik Ilagay ang maliliit na titik sa ilalim ng malalaking titik na nakahanay .
Marka: 1 - kung napagtambal ang sampung malalaki at maliliit na titik; 0 - kung mali ang pagtambal kahit sa isang titik lamang.
6. Kagamitan: number cards
Panuto: Gawin: Ilatag ang mga number cards nang hindi magkakasunod.
Sabihin: Ayusin ang mga bilang ng magkakasunod.
Marka: 1 kung naisaayos ng tama ang mga bilang; 0 kung hindi
-7. - Kagamitan: 10 straw na magkakaiba ang haba
Panuto: Gawin: Ilatag ang 10 straw sa mesa na hindi nakaayos ayon sa haba nito.
Sabihin: Ayusin ang straw ayon sa pagkakasunod-sunod.
Marka: 1 - kung wastong naisaayos ang mga straw ayon sa pagkakasunod-sunod (mula maiksi-pinakamahaba o pinakamahaba-pinakamaikli) 0 - kung hindi
8. Kagamitan: 10 pambilang
Panuto: Gawin: Ilagay sa mesa ang pambilang
Sabihin: Bilangin ang mga pambilang.
B HF DNg V Q PM U
m h ngb f v ud p q
7 8 6 10 9
Marka: 1 – kung nabibilang nang tama ang mga counters 0 – kung hindi
9. Kagamitan: larawan ng mga hugis bilog, tatsulok, parisukat at parihaba, gunting, papel, pandikit
Sabihin: Gupitin ang bawa’t hugis (bilog, tatsulok, parisukat at parihaba) at idikit ito sa papel.
Marka: 1 - kung nagupit at nadikit nang maayos ng bata; 0 - kung hindi
GROUP ADMINISTRATIONSET C – (SMALL GROUP)
10. Kagamitan: lapis, krayola, aklat, magasin, dyaryo, tasa, baso
Panuto:Gawin: Ilatag ang mga gamit sa harap ng bata
Sabihin: Iayos (pangkatin) ang mga bagay na ito. Paano mo ito inayos (pinangkat) ang mga gamit?
Marka: 1 - kung naipangkat ang mga bagay ayon sa gamit nito; Gamit sa bahay (magasin, dyaryo, tasa, baso) Gamit sa paaralan (lapis, krayola, aklat) 0 - kung hindi naipangkat ayon sa gamit nito
11. Kagamitan: larawan ng pusa, pusit ,manok, isda, kambing, at hipon.
Panuto: Gawin: Ilagay sa ibabaw ng mesa ang mga larawan.Sabihin: Iayos (pangkatin) ang mga hayop na ito.
Paano mo inayos (pinangkat) ang mga hayop?
Marka: 1 - kung napagsama-sama ang mga hayop kahit na sa alinman sa mga sumusunod (tirahan, bilang ng paa, galaw (movements)
0 - kung mali ang pagkakayos.
12. Kagamitan: Ginupit na magkakasinglaking hugis ng:- tatsulok (1 pula, 1 dilaw, 1 asul)- bilog (1 pula, 1 dilaw, 1 asul)- parihaba (1 pula, 1 dilaw, 1 asul)
Panuto: Gawin: Ilatag ang mga hugis sa mesa.
Sabihin: Tingnan ang mga hugis na ito. Paano mo sila maaring ayusin? Bakit mo inayos ang mga hugis ng ganito?
Gawin: Ilatag muli ang hugis. Sabihin: Tingnan muli ang mga hugis. Sa paanong paraan mo pa sila maaaring ayusin? Bakit mo inayos ang mga hugis ng ganito?
Marka: 1 - kung naiayos ang hugis ayon sa dalawang paraan (hugis at kulay)
0 - kung hindi niya naiayos sa kahit anong paraan o kung naiayaos lamang sa isang paraan
INDIVIDUAL ADMINISTRATION I-Set A
13. Panuto : Sabihin: 1. Ang mga salita na nasa kaliwang hanay ay may katugmang bigkas sa mga salitang nasa kanan. Pakinggan ang mga salitang katugma ng mga salita na sa kaliwang hanay.Panuto para sa guro:
1. Isang hanay muna ang babasahin ng guro sa bata, pagkatapos ay tanungin sa bata kung aling salita ang katugma nito. 2. Bibigkasin ng bata ang salitang katugma.
1. tulay suklay aklat
2. itlog bahay bilog
3. gatas bigas ulam
Marka: 1 – kung nabigkas ng tama ang katugma salita sa bawat hanay
0 - kung hindi.14. Panuto: Ang mga sumusunod ang gagamiting salita sa aytem na
ito: manok, kabayo, ibon, paru-paro Panuto: Sabihin: 1. Pakinggan ang bawat salitang bibigkasin ko. Sa bawat pantig ng salita , isang palakpak ang gagawin ng bata. Marka: 1 - kung tama ang palakpak ng bata ayon sa pantig ng bawat salita
0 - kung mali
15. Bigkas na magkakatambal na tunog ng titik
Panuto: 1. Bibigkasin ng guro ang mga pantig ng bawat salita .
Tanong: Anong salita ang mabubuo sa mga sumusunod na pantig
• /ti/, /na/, /pay/• /pa/, /a/,/ra/,/lan/• /ka/, /i/, /bi/, /gan/
Marka: 1 – kung nabuo ng wasto ang salita na pinantig ng guro 0 – kung hindi
16. Kagamitan: mga kard na naglalaman ng salita ( flashcards)
Panuto: Sabihin: 1. Pakinggan mo ang mga salitang ito.
2. Ano ang unang tunog na naririnig mo?Ano ang gitnang tunog ?Ano ang huling tunog ?
Marka: 1 - kung natukoy ang posisyon ng titik sa bawat salita 0 - kung hindi
17. Kagamitan: Aklat ng mga kwento
Panuto : a. Bigyan ng aklat ang bata.
Sabihin: 1. Ituro ang pamagat ng aklat. 2. Ituro ang may-akda ng aklat. 3. Ituro kung saang ka magsisimulang magbasa. 4. Ituro kung saan ang kasunod na babasahin.
Marka: 1 - kung naituro nang wasto ang lahat ng panuto. 0 - kung hindi
ibaako
18. Kagamitan: Kwento ng “Si Tagpi”
Panuto : Sabihin: Makinig sa kwentong babasahin ko.
Itanong sa bata:1. Ano ang pangalan ng alaga ni Dante?2. Saan nahulog si Dante?3. Paano nalaman ng Tatay ni Dante ang nangyari?
Marka: 1 – kung wastong nasagot ang lahat ng tanong; 0 - kung may mali sa naisagot sa mga tanong.
19. Panuto : Sabihin sa bata: Muling ikuwento ang tungkol kay Tagpi.
Marka: 1 – kung naikuwento ang mga pangyayari mula sa simula hanggang wakas 0 – kung hindi naikwento ng buo
Si Tagpi Isang umaga masayang naglalaro si Dante at ang kanyang alagang Tuta na si Tagpi. Biglang nahulog sa malalim na hukay si Dante… Anuman ang kanyang gawin ay hindi siya makaahon. Tumahol nang tumahol si Tagpi na nakatawag pansin sa tatay ni Dante. Dali-daling lumapit ang tatay ni Dante sa kinaroroonan ni Tagpi. Nagulat siya sa nangyari kay Dante at agad niya itong iniahon mula sa malalim na hukay.
INDIVIDUAL ADMINISTRATIONI-Set B
20. Kagamitan: 10 holen o iba pang pambilang
Panuto:Gawin: Ibigay sa bata ang mga holen o pambilang
Sabihin: Gamitin ang holen (o ibang pambilang) para masagot ang tanong na ito.
“Si Lito ay may 3 holen (o ibang pambilang). Binigyan siya ng kanyang kaibigan ng 2 pang holen. Ilan nang lahat ang kanyang holen?
Marka: 1 - kung nasagot nang wasto ang tanong; ,
0 - kung mali ang sagot
21 Kagamitan: 10 holen o iba pang pambilang
Panuto:Gawin: Ibigay sa bata ang mga holen o pambilang
Sabihin: Gamitin ang holen (o ibang pambilang) para masagot ang tanong na ito.
“Si Liza ay may 10 holen. Ipinamigay niya ang 4 na holen sa kanyang kapatid . Ilang holen ang natira sa kanya?”
Marka: 1 - kung nasagot nang wasto ang tanong. 0 – kung mali ang sagot
22. Kagamitan: cubes o counters
Panuto: Gawin: Bigyan ang bata ng cubes o pambilang.
Sabihin: Maglagay ng dalawang pangkat na may tigatlong cube sa mesa.
Ilang cube lahat ito? Marka: 1- kung nagawa nang wasto ang pagpapangkat 0 – kung hindi
23. Kagamitan: 10 cubes o pambilang
Panuto:Gawin: Maglagay ng 10 cubes o pambilang sa mesa.
Sabihin: Hatiin mo ang cubes o counters na ito sa dalawang pangkat na magkasingdami ang bilang. Ilang cubes o pambilang mayroon ang bawat pangkat?
Marka: 1- kung nagawa nang wasto ang pagpapangkat 0 – kung hindi
24 Kagamitan: 8 tansan
Panuto:Gawin: Ihanay ang 8 tansan
Sabihin: Bilangin ang mga tansan. Ilan lahat ang tansan sa hanay na ito?
Gawin: Paghiwa-hiwalayin ang mga tansan.
Sabihin: Magkasingdami ba ang mga tansan ngayon at yung kaninang binilang mo?
Marka: 1 - kung nasabi ng bata kung magkasinrami ang mga tansan. dahil hindi naman nadagdagan o nabawasan bagkus iniba lang ang ayos at hindi ang dami nito 0 – kung ang itinuro na mas marami ang hanay ng mga
tansan na nakahiwa-hiwalay
25. Kagamitan: 16 tansan
Panuto:Gawin: Gumawa ng dalawang hanay ng 8 tansan sa bawa’t hanay.
Sabihin: Ilan lahat ang takip ng bote sa unang hanay na ito? Sa pangalawang hanay?
! ! ! ! ! ! ! !
Gawin: Paghiwa-hiwalayin o paglayuin ang mga tansan sa pangalawang hanay.
Sabihin: Magkasingdami ba ang tansan sa una at sa pangalawang hanay? Bakit?
Gawin: Ibalik sa dating ayos ang ikalawang hanay. Ibahin naman ang ayos ng mga tansan sa unang hanay.
Sabihin: Magkasingdami ba ang tansan sa una at sa pangallawang hanay? Bakit?
Marka: 1 - kung nasabi ng bata na magkasingrami ang mga tansan Dahil hindi naman nadagdagan o nabawasan bagkus iniba lang ang ayos at hindi ang dami nito
0 – kung ang itinuro na mas marami ang hanay ng mga takip ng bote na nakahiwa-hiwalay