rh_bill filipinos_for_life

8
Ang Katotohanan Tungkol sa Reproductive Health Bill Mula sa FilipinosForLife.com

Upload: aliza-racelis

Post on 06-May-2015

4.590 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

FilipinosForLife.com slide presentation: "Ibasura RH Bill!" Mga dahilan kung bakit kami tutol sa Reproductive Health Bill

TRANSCRIPT

Page 1: RH_Bill filipinos_for_life

Ang KatotohananTungkol sa

Reproductive Health Bill

Mula sa

FilipinosForLife.com

Page 2: RH_Bill filipinos_for_life

http://www.prolife.org.ph/

Page 3: RH_Bill filipinos_for_life

Mga dahilan kung bakit kami tutol sa panukalang batas na ito:

Walang kaugnayan ang R.H.Bill sa tunay na pag-unlad at pagtaas ng uri ng buhay ng ating mga kababayan. 

Mas may kaugnayan sa tunay na pag-unlad ng bayan ang mga sumusunod:

● ang EDUKASYON ● ang pagkakaroon ng TRABAHO,● pagbubungkal ng ating mga lupaing pang-

agrikultura ● pagtuturo ng moral na kamalayan.

1

Page 4: RH_Bill filipinos_for_life

2 Hindi maka-kalusugan ang panukalang batas na ito!

'Di hamak na mas malaking bahagi ng RH Bill ay walang kinalaman sa pangangailangan ng mga inang nagdadalantao.  

• Ang pangunahing pangangailangan ay ang pagkakaroon ng pangkalahatang tulong o asistensya sa nagdadalantao at manganganak.

• Hindi kailangan ng condoms, pills, IUD, at mandatory sex education upang makamit ang ZERO maternal mortality rate! Nagawa na ito sa Gattaran-Cagayan, Ara-asan-Surigao del Sur, at Isulan, Sultan Kudarat.

Page 5: RH_Bill filipinos_for_life

• Maka-kalusugan bang ipalaganap ang paggamit ng mga artificial contraceptives na maraming masamang epekto sa katawan ng ina, tulad ng pamumuo ng dugo, stroke, atake sa puso, KANSER, at marami pang iba?! 

• Masama rin ang epekto ng mga pills, IUDS at injectables sa sanggol na nasa sinapupunan: KAMATAYAN lang naman! 

• Sa lahat ng dako ng daigdig, ang pagtaas ng paggamit ng kontraseptibo ay kaugnay ng pagdami ng kaso ng ABORSYON!

(Pagpapatuloy)…

FilipinosForLife.com

Page 6: RH_Bill filipinos_for_life

3 Karahasang idudulot sa malayang konsensiya!

● Pilit na ipapatupad ang Sex Education na magsisimula sa Grade 5. Kung isa kang magulang, wala kang magagawa upang pigilan ang iyong mga anak na 9 na taong gulang na maturuan ng kaniyang mga guro tungkol sa pakikipagtalik o sa paggamit ng condoms at pills.

Dapat ba nating ipagkatiwala ang kamalayan at moralidad ng ating mga anak sa gobyerno at mga guro?  Kanila bang karapatan ito? Samakatwid, ito'y mapaniil sa buhay ng Pamilyang Pilipino!

Page 7: RH_Bill filipinos_for_life

● Kailangang mamigay ang mga doktor ng kontraseptibo at magsagawa ng ligation at vasectomy kahit naniniwala silang masama ang epekto nito sa kalusugan at kahit labag ito sa kanilang paniniwala at kultura. Kapag sila ay tumanggi, maaari silang ikulong at patawan ng multa mula P10,000 hanggang P50,000!

● Gayun din ang mangyayari sa mga mangangalakal na ayaw mamigay ng mga kontraseptibo sa mga tauhan nila!

(Pagpapatuloy)…

FilipinosForLife.com

Page 8: RH_Bill filipinos_for_life