root of repression

8
Vol. XXIV No. O3 August 2009 Inside: Sundan sa pahina 03 ► Balita Opinyon Kultura PUP March inilunsad Pahina 02 ► Pahina 03 ► Editoryal Unzipped Pahina 05 ► Pahina 05 ► D alawampu’t dalawang taon nang napapakinabangan ng mga Pilipino ang 1987 Philippine Constitution kung saan ibinabandera ang demokrasya na ipinagkait noong panahon ng Martial Law. Bagama’t nitong mga nakalipas na taon ay pumangalawa ang Pilipinas sa pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag, nananatiling nasasandigan ng mga ito ang probisyon sa Konstitusyon na nagsasaad na wala ni anumang batas ang maaaring bumangga sa kalayaan sa pamamahayag. Root Of Repression Panibagong pambubusal sa ngalan ng ROR Bill Article: Jewel O. Alquisola Illustration: Shirley Tagapan Dine in with Madam GLO ttony Ang Indibidwalismo ng Ako Mismo Ang Musikang Di Popular

Upload: others

Post on 16-Oct-2021

9 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Root Of Repression

The Catalyst

Vol.XXIV No.03 August 2009

Vol.

XXIV

No.

O3

Au

gu

st 2

009

Insi

de:

Sundan sa pahina 03 ►

Balita Opinyon Kultura

PUP March inilunsad

P a h i n a 0 2 ► P a h i n a 0 3 ►

E d i t o r y a l U n z i p p e d

P a h i n a 0 5 ►P a h i n a 0 5 ►

Dalawampu’t dalawang taon nang napapakinabangan ng mga Pilipino ang 1987 Philippine Constitution kung saan ibinabandera ang

demokrasya na ipinagkait noong panahon ng Martial Law. Bagama’t nitong mga nakalipas na taon ay pumangalawa ang Pilipinas sa pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag, nananatiling nasasandigan ng mga ito ang probisyon sa Konstitusyon na nagsasaad na wala ni anumang batas ang maaaring bumangga sa kalayaan sa pamamahayag.

Root OfRepression

Panibagong pambubusal sa ngalan ng ROR BillArticle: Jewel O. Alquisola

Illustration: Shirley Tagapan

Dine in with Madam

GLOttonyAng Indibidwalismo ng

Ako MismoAng MusikangDi Popular

Page 2: Root Of Repression

The Catalyst

Vol.XXIV No.03 August 2009

PUP March. “Lahat naman ay apektado ng problema, hindi natin iyan maiiwasan. Kaming mga teachers, apektado sa usaping sahod. Kung kaya’t nananawagan din ang CONTEND na manindigan at isigaw ang ating mga karaingan.”

Ayon naman kay Jeric Jimenez, tagapangulo ng AKM-PUP, isang malaking threat sa kalayaan sa pamamahayag ang pag-aamyenda sa Konstitusyon at masisikil nito ang kalayaan ng mga mamamahayag na maisulat ang pangangailangan ng mamamayan sa wastong impormasyon.

Sinabi naman ni PUP Student Regent Donnavie Pascual na, “Ayon sa konstitusyon ang edukasyon ay constitutional right, na sa tunay na buhay ay pribilehiyo na lamang na ang ibig sabihin ay kung sino lang ang may kakayanan makapagbayad, yun lang ang mabibigyan. At dahil hindi prayoridad ng gobyerno ang edukasyon, gamit ang Cha-cha, baka tanggalin na ang lahat ng state universities at gawin itong pribado”

Bilang pagtatapos, sinabi rin ni SR Pascual na ang dapat na isulong ay social change at hindi Charter Change.

Balita

Umupo na bilang bagong chairperson ng Department of Psychology sa College of Arts si Dr. Nicholas T. Mallari sa kabila ng mga pagtutol dahil umano sa iregularidad ng pagpili dito sa naganap na eleksyon noong Hulyo.

Ayon sa Ugnayan ng mga Guro sa PUP (UGPUP), isang alyansa ng mga kaguruan sa unibersidad at pangunahing kumukuwestiyon sa regularidad ng eleksyon, naganap ang halalan na wala ang dating chairperson na si Dr. Armand Torres na siyang dahilan ng iregularidad nito.

Hindi rin umano naging malinaw ang pagproklama kay Dr. Mallari sapagkat ang eleksyon na naganap ay pinangunahan ng mga retiradong propesor at ibang propesor na walang load.

Nilinaw naman ng dekana ng kolehiyo na si Dr. Nenita Buan, dumaan sa tamang proseso ang pagkakahalal kay Mallari. Aniya, totoong hindi nakadalo si Torres noong eleksiyon dahil sa may sakit ito at ipinarating na lamang ang hindi pagdalo by texting.

“Ang tungkol sa eleksyon na naganap noong third week of July ay ipinaalam sa lahat ng mga guro ng Psychology. Fifth day of July, natapos na

ang termino ni Dr. Torres. Nasa policy ng university na ang termino ng chairperson ay two years lang. Samantalang siya ay nagkaroon ng third year term extension. Nagbigay ng approval si Vice President for Academic Affairs Dr. Salvador at informed na may nominasyon,” ani Dr. Buan.

Ayon pa sa kanya, hindi totoo na halos lahat ng bumoto ay retiradong propesor. Dalawa lang ang walang load, isa ay former dean at ang isa naman ay dating guidance counselor.

“Mallari is deserving to be a chairperson, he is a full time faculty member. In fact, kung gusto talaga ni Dr. Torres na i- extend pa ang kanyang termino maari siyang lumapit mismo sa management”.

Nang hingin ng The Catalyst ang panig ni Dr. Mallari hinggil sa umano’y iregularidad, sinabi niyang hindi siya nababahala.

“We followed the policy. I’m not really disturbed, we did follow the procedure. If Mr. President wanted his term to be extended there will be no election”.

Si Mallari ay nagwagi matapos makakuha ng 16 na boto sa naganap na eleksiyon. Sa nominasyon ay napasama pa rin si Torres kahit tapos na ang kanyang termino, na nakakuha naman ng limang boto.

Mallari bagong Psychology chairpersonSa kabila ng mga pagtutol

Napuno ng kasiyahan ang buwan ng Hulyo matapos magkakasunod na magdiwang ng foundation week ang apat na kolehiyo sa PUP kabilang na ang College of Accountancy (COA), College of Communication (COC), College of Science (CS), at College of Nutrition and Food Sciences (CNFS).

Sabay na nagdiwang ang COA at COC noong Hulyo 20-24 samantalang Hulyo 28-Agosto 3 naman ang CS at CNFS.

SA COA, isa sa mga inabangan ang JPIA’s Got talent na tinapatan naman ng Gay’s Got Talent ng COC. Naglunsad din ang dalawang kolehiyo ng

iba’t ibang academic contest gaya ng.

Samantala, ipinagmalaki ng CS na nagwagi ang PUP sa MathMax National Search for Math Wizard na nilakhukan ng iba’t ibang kolehiyo at unibersidad kung saan nasungkit nito ang ikalawang puwesto sunod sa PLM sa unang puwesto at sinundan naman ng UP Diliman sa ikatlong puwesto.

Naglunsad naman ang CNFS naglunsad ng iba’t ibang exhibit gayundin ng samu’t saring kompetisyon.

Nagtapos ang pagdiriwang ng mga kolehiyo sa pamamagitan ng paggawad ng iba’t ibang parangal na sinundan ng seremonyang pangwakas.

4 kolehiyo nagdiwang ng Foundation weekMaria Karol P. Hernandez

Christzaine Saguinsin

Janica L. Caldon

Janica L. Caldon & Joyce Llanto

Bilang pagpapakita ng pagtutol ng mga mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Charter Change, inilunsad ang PUP Movement Against Arroyo’s Charter Change (PUP March) noong Hulyo 21 sa Popeye.

Ayon kay Margo Dian Alonzo, tagapagsailta ng PUP March at konsehal ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM), ang PUP March ay isang alyansang tumututol sa Cha-Cha na kinabibilangan ng mga estudyante, kawani at kaguruan.

“Ang PUP March ay taas-kamaong tumitindig sa adhikain na maging tinig ng buong komunidad ng PUP sa usaping Cha-Cha at Constituent Assembly na syang instrumento ng estado upang ipagpatuloy ang nasimulang pagpapahirap sa masang Pilipino,” aniya

Ang ilan sa mga kasapi nito ay ang Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM), Office of the Student Regent (OSR), Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA Alliance), Alliance of Concerned Fraternities and Sororities (ACFS), Congress of Teachers and Educators (CONTEND-PUP),

Samahan ng mga Janitors (SJ-PUP), Alyansa ng Kabataang Mamamahayag-PUP (AKM-PUP) at maging mga academic organizations at ilang mga kolehiyo sa loob ng PUP.

Layunin Bukod sa pagtutol sa

Cha-cha, layunin din umano ng PUP March na ipakalat ang kaalaman sa mamamayan ukol sa Cha-Cha sa pamamagitan ng mga alternative classes, forum, symposium, group discussion at iba pang uri na pagpapalawak ng kaalaman, ayon pa rin kay Alonzo.

Nagpahayag naman ang SJ-PUP na malaki umanong insulto sa mga katulad nilang manggagawa ang pagsulong ng Cha-Cha dahil iisa lang naman ang layunin nito.

“Nakabatay sa Saligang Batas, pagkatapos ng termino nararapat lamang na bumaba na sya pwesto. Laganap na ang korapsyon, hindi solusyon ang CHACHA para solusyunan ang paghihirap ng mga Pipino. Dahil maalis man sya sa pwesto, nandyan pa rin ang mga kaalyado nya,” pahayag ng SJ-PUP.

Maging ang mga guro sa PUP sa pangunguna ng CONTEND ay sumusuporta sa

PUP March inilunsadBilang pagtutol sa Cha-Cha

Isang fraternity na tumangging magpabanggit ng pangalan ang umano’y nakaranas ng serye ng panghaharass mula sa limang pulis at 15 pang security personnel ng unibersidad noong Hulyo 20-25.

Nakasaad sa complaint letter na isinumite ng naturang fraternity sa Office of Student Services (OSS) na noong gabi ng Hulyo 20 at 21 nang pumunta ang 15 security personnel sa tambayan ng naturang fraternity.

“Approximately 15 security guards armed with shot guns and bats forced us to leave our tambayan even before university curfew hour,” saad nito.

Noong Hulyo 25 naman nang kasahan umano ng baril ang ilan pang miyembro ng fraternity bandang alas-otso ng gabi sa harap ng guard house sa university main gate.

Kasabay nito, nakarating din ang ulat sa The Catalyst na limang pulis umano mula sa

MPD Precinct no.8 ang kasama ng 15 PUP security personnel na nagpaalis sa mga miyembro ng naturang fraternity.

Sa ginanap na dialogue sa pagitan ng naturang fraternity at ng PUP Security Office na pinatawag ng OSS noong Agosto 1, sinabi ni Security Chief Leonardo Coquilla na wala umano siyang alam sa ginawa ng mga guwardiya na pagpapasok sa limang pulis sa loob ng unibersidad.

Ayon naman sa inilabas na condemnation letter ni OSS Asst. Director at Alliance of Concerned Fraternities/Sororities (ACFS) Adviser Jimmy Dollaga, malinaw umanong nilabag ng mga security personnel ang nilagdaang Memorandum of Agreement among Department of National Defense, National Police Commission and PUP noong 1991 na nagsasaad na, “No member of AFP, or the PC/NP, or CAFGU shall enter the premises of any of the campuses of branch or extension units of the PUP”.

Fraternity pinuwersa5 pulis ilegal na pinapasok sa PUP

Pormal na binuksan sa pangunguna ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika (KWL) Kagawaran ng Filipinolohiya (KF) ang buwan ng wika noong Agosto 3 sa Freedom Park ng Politeknikong Unibersidad ng

Pilipinas (PUP).May temang, “Maraming

Wika, Pinag-iisa ng wikang Pambansa: Wikang Filipino!”, inumpisahan ang pagbubukas at simula ng selebrasyon sa flag raising ceremony at sumunod ang opening remarks ni PUP Pres. Dante Guevarra.

“Naging matagumpay at makulay naman ang nakaraang pagpapasinaya kahit na umuulan” ani Prop. Perla Carpio, tagapangulo ng KF.

Kasabay rin ng pagbubukas ng Buwan ng Wika ang paglulunsad ng KWL ng mga akademikong patimpalak tulad Madamdaming pagbasa, Sabayang Pagbigkas, at Likhang

Buwan ng Wika ipinagdiriwang

Sundan sa pahina 07 ►

Angelie Marie Gardose

r i c h A r d r e y e S

▲ Large-format protest. A pedestrian walk past the huge streamer reading " Goodbye Con Ass" and " Goodbye Gloria" unfurled at EDSA-Ortigas flyover in Mandaluyong during a gathering in EDSA Shrine which mark 365 days countdown for President Gloria Macapagal-Arroyo’s term end.

Page 3: Root Of Repression

The Catalyst

Vol.XXIV No.03 August 2009

Lathalain

Subalit makalipas din ng 22 taon, ni hindi pa ata naikikintal ang kahalagahan ng tunay na malayang pamamahayag. Sapagkat ngayon ay

sinusubok na naman nila ang katatagan ng isang mahalagang bahagi ng demokrasya.

‘Compose message’Ang usapin ukol sa Right of Reply Bill (RORB) ay

nagsimula sa Pilipinas noong Hulyo 2004 nang ihain ni Sen Aquilino Pimentel Jr. ang Senate Bill (SB) 1178 sa 13th Congress. Ito ay umusad hanggang third reading subalit dahil sa kakulangan sa oras ay hindi ito naipasa. Nang muling magbukas ang sesyon ng Kongreso, muli itong inihain ni Sen. Pimentel. At noong Hulyo 29, 2008, ipinasa ng Senado ang naturang bill na tinawag nang SB 2150 o kilala bilang, “An Act Granting the Right of Reply and Providing Penalties for Violation Thereof”.

Ibang bersyon naman ang inihain ni Bacolod Rep. Monico Puentevella at Aurora Rep. Juan Eduardo Angara. Tinaguriang House Bill (HB) 1001 ang kay Puentevella samantalang HB 162 naman ang kay Angara. Pinagsama ang dalawang ito at nabuo ang HB 3306 na kasalukuyang dinidinig ngayon bilang priority bill sa Mababang Kapulungan.

Magkaiba ang bersyon ng dalawang bill ngunit pareho lamang ang nilalaman nito sa esensya. Sinasaad ng Right of Reply Bill na, “The reply of the person so accused or criticized shall be published or broadcast in the same space of the newspapers, magazine, newsletter or publication or aired over the same program on radio, television, website, or through any electronic device”. Ibigsabihin ay ang bawat tao na naisulat o naipalabas sa isang pahayagan, telebisyon, radyo, maging sa website, blog, text, at social network ay may karapatang magpalathala ng kanilang sagot.

Ang tanging pinagkaiba lamang ng dalawa ay ang haba ng palugid sa paglalathala o pagpapalabas ng sagot. Batay sa HB 3306 ay hindi lalagpas sa isang araw ang paglathala. Habang tatlong araw namang palugit sa SB 1178. Ang mga lalabag dito ay pagbabayarin ng P10,0000 sa unang paglabag o kaya naman ay makulong ng isang buwan. Samantalang ang pinakamalala ay ang pagpapasara ng publikasyon o istasyon.

Root OfRepression

Panibagong pambubusal sa ngalan ng ROR Bill

‘Outbox’Maging ang mga mamamahayag pangkampus ay

nagpahayag na rin ng mariing pagtutol sa RORB.“Palalalain lang ng ROR ang miserable nang kalagayan

ng press freedom sa bansa, higit sa campus press dahil una, hindi nito kaya magpublish ng reply within a day or so.

Ikalawa, nilalabag nito ang editorial prerogative ng press. Hindi kailangan ng ROR dahil matagal nang binibigyan ng space ng

press ang sinasabi nilang reply sa pamamagitan ng pagkuha ng both sides,” pahayag ni Vijae Alquisola, tagapangulo ng College

Editors Guild of the Philippines (CEGP).Sa kasalukuyan ay nakapaglunsad na ng iba’t ibang

aktibidad ang mga mamamahayag maging ang CEGP sa hanay ng mga mag-aaral bilang pagpapakita ng pagtutol sa RORB. Nariyan

ang pagdaos ng forum, symposium, paglalathala ng kondemnasyon, signature campaign, at marami pang iba.

At isa na rito ang pagbubuo ng isang malawak na alyansa tulad ng ROAR na ang mga miyembro ay mga nagkakaisang manunulat,

estudyante at maging mga blogger na ang pangunahing layunin ay manawagan para sa agarang pagbabasura ng RORB.

Sa katapusan, ang laban ng mga mamamahayag sa RORB ay laban ng sambayang Pilipino sa kabuuan. Ngayong inabot na ng 22 taon ang

tinatamasang demokrasya sa pamamahayag, hahayaan pa ba natin itong tuluyang mabalewala?

‘Message NOT sent’“No law shall be passed

abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right

of the people peaceably to assemble and petition the government for

redress of grievances,” nakasaad sa Article 3, Section 4 ng 1987 Constitution

of the Philippines.Ang RORB ay pangunahing

tinututulan ng mga mamamahayag dahil sa paglabag nito sa Konstitusyon ng bansa.

Ayon kay Nonoy Espino, ikalawang pangulo ng National Union of Journalists of the

Philippines (NUJP), ang RORB ay hindi lamang pag-atake sa karapatan ng mga mamamahayag kung hindi maging sa sambayanang Pilipino

para sa isang malayang daloy ng impormasyon. Bukod pa rito ay sinabi din ng NUJP na hindi na kailangan pa ng RORB sapagkat noon pa man ay kinikilala na nila ang karapatan ng

mga taong kanilang sinusulat sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang mga panig.

Binigyang-diin naman ni Atty. Neri Colmenares ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) ang

malabong probisyon sa RORB kung saan walang matibay na pagbabasehan upang masabi na ang isang

artikulo o palabas ay hindi totoo. “Who decides what is innuendo, suggestion, or rumor or lapse in behavior?” ani

Colmenares.

Ang RORB ay hindi lamang pag-atake sa

karapatan ng mga mamamahayag kung hindi

maging sa sambayanang Pilipino para sa isang

malayang daloy ng impormasyon.

‘‘

‘‘

Samantalang ang pinakamalala ay ang pagpapasara ng publikasyon o istasyon.

‘‘ ‘‘

Illustrations: Shirley Tagapan& ericson d. caguetePage Design: Paul divina

◄Mula Pahina 01

Page 4: Root Of Repression

The Catalyst

Vol.XXIV No.03 August 2009

Opinyon

“A potent agent of change”

Editor in Chief: Joyce A. L lanto | Acting Managing Editor: Ma. Fatima Joy B. Villanueva |Associate Editors: Jeric F. Jimenez (Internal), Edrick S. Carrasco (External)

Editorial Board 2008 - 2009

News: Mark P. Bustarga | Features: Jewel O. Alquisola | Literary: Ma. Quey Ann Eliza A. Solano | Culture: Monica M. Presnillo |Community: Narisa Caranto Sports: Mc Macky Nieva | Circulation Managers: Maria Karol P. Hernandez & Marlon Peter N. Bermudez | Graphics: Shirley D. Tagapan | Layout: Paul Nicholas M. Divina

Section Editors

StaffWriters: Angelie Marie F. Gardose, Christzaine Saguinsin, Ramoncito G. Felarca | Artists: Francis B. Biñas, Maybelle Gormate | Photographers: Richard Reyes

2nd flr. Charlie del Rosario Building, PUP Sta. Mesa, Manila |Telefax: 7167832 loc. 637 | Send your

comments, suggestions and messages [email protected], Visit us online at www.

pupthecatalyst.deviantart.com |Text KATA and send to 2299. MEMBER : Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP)

Marlon Peter Bermudez

The Weird FeelingPauso kayo

S a araw-araw na buhay natin eh minsan ’di talaga natin maiwasan ang mag-isip ng mga bagay na me

pagkamalabo. Yung tipong ang makakasagot lang eh yung mga kumakain ng libro. ’Pag sa simpleng tao mo kasi tinanong, kutya lang aabutin mo.

Nawawalan na ata ang marami sa atin ng dahilan para mag-isip nang maayos. Ang kaayusan eh nagiging kasingkahulugan na lang ng “me-trabaho”. Yun na ba ang diktang uso na dapat nating sunurin?

Ang buhay nga naman ng tao, dumedepende na ngayon sa kung ano ang uso. Ang tanong ko lang, sino ang nagpapauso? Pano kung yung uso eh hindi para sa tao? At lalong hindi rin para sa’yo siguro.

Ano nga ba ang basehan para sundin ang isang bagay? Yun ba eh pag sinabi ni Kris Aquino? Marian Rivera? Angel Locsin? Kim Chiu? Teacher mo? Syota mo? Kaibigan mo?

Diyos mo? Sino? Baka ang tamang tanong eh BAKIT.

Sa kahit saan eh apektado tayo ng paligid natin. Pero hindi yun ang dahilan para hindi natin makita ang malayo sa atin. Hindi rin dahilan para bumili tayo ng libro at ticket para sa dadag na grade at lalong hindi dahilan para mahiwalay sa isa’t isa ang bawat tao.

Hindi isang malaking “toss coin” ang buhay. Hindi tayo matatakot sa bukas kung sigurado tayo sa mga bagay na ginagawa natin. Huwag natin ito iasa sa huwad na tradisyon na nagsasabi sa atin na gumapang imbes na tumakbo, dahil ang ilog ay nilulusong at ’di sinisisid, o kaya gumawa tayo ng tulay na tayo rin ang makikinabang.

Okey, dayo tayo sa usapang kampus.

Dito, militar lang ang may

prebilehiyo na pumasok nang walang I.D. Kapag tayo ang walang I.D., dadaan sa matinding samaan ng loob ang mangyayari sa pagitan ng guard at estudyante. Noong nabugbog ng mga militanteng kabataan dito yung mga militar na pa-cute sa kampus, ’di naisip ng media kung bakit pinagmukha nilang warfreak yung mga tao dito at pinagmuka pang santo ’tong mga impaktong to.

Kapag ang propesor mo naman ang nakalaban mo, isipin mo na lang ganito, “next year’s another year”. Pero bakit ka naman susunod sa

patakarang ganon ng prof. mo. Lalo na kung kompulsari longganisa ang tinutulan mo! Alam mung siya ang may nilalabag, bakit ikaw ang magsisisi? At bakit kaya yung me matataas ang grado sa klase niyo tumataba? Epektib ba yung longganisa? Malay ko rin?

Ngayong brain-food na

yung longganisa, nagiging pang longganisa na rin ang kalidad ng edukasyon habang tumatagal. Bumababaw at nawawalan na ng karangalan ang karamihan sa mga guro, ang kawawa eh yung estudyanteng nagsawa na sa longganisa.

Ito na ang dikta, ang uso ng mga pauso na walang ginawa kundi mang-abuso. Tinuturuan tayo na gumanti na lang sa mga susunod na henerasyon sa’tin kasi sa kanila raw eh wala tayong bawi. Nagkukubli sa edad at kulubot ng mukha para igalang ’di dahil kagalang-galang kundi para takasan ang tunay nilang responsibilidad na paglingkuran ang kabataan, ang tao, ang masa.

Ngunit pasulong ang masa. Patuto, patalino at marunong nang magpasya. Dahil rin sa kanila, iba na ang almusal ng ilan. Puto’t kutsinta sabay sawsaw sa kape, kasi mahal na yung pandesal para sa karamihan.

Nagkukubli sa edad at kulubot ng mukha para igalang ’di dahil kagalang-galang kundi para takasan ang tunay nilang responsibilidad na paglingkuran ang kabataan, ang tao, ang masa.

‘‘

‘‘

President Arroyo’s alleged $20,000 dinner has strengthened her critics’ suspicion of anomalous out-of-

the-country trips these past few years.On August 2, Arroyo and her

companions had spent the said amount or about P960,000 for a dinner at Le Cirque, a refined French restaurant in New York, during their visit to the United States. A brief article by Richard Johnson was published in New York Post stating: “The economic downturn hasn’t persuaded everyone to pinch pennies. Philippines Pres. Maria Gloria Macapagal-Arroyo was at Le Cirque the other night with a large entourage enjoying the good life…” This has gathered various protests locally and internationally.

Press Sec. Cerge Remonde denied the lavish spending of money and told the people that it was a treat to Arroyo and the First Gentleman by Leyte Rep. Martin Romualdez. According to Remonde, the report was grossly exaggerated and the dinner was a “simple” one. But copies of the meal ordered by Arroyo were telling the other way: five servings of wild golden osetra caviar ($1,400), 11 bottles of Krug

champagnes ($5,610), and 25 orders each of the Chef’s Seasonal Menu and Tasting Menu (total of $1,450 and $4,500 respectively), along with 17

Dine in with Madam

GLOttonyother items.

If ever it was really not public money, still it is unwise. Arroyo should have thought of the people whom she is serving for back home instead of eating in a classy restaurant. With the recent survey by the Social Weather Station showing that 3.7 million families are experiencing hunger, it is a mere insult

to Filipinos to waste such money for just a dinner. One million pesos could have fed almost 3,000 families for a day with three square meals. This could also be spent to repatriate some of the 2,000 stranded overseas Filipino in the Middle East. And this could have provided books to almost 15,000 students.

The government is allotting P6 each as its budget for education, P1 each for feeding program and P.12 each for housing; while P12 was allocated for paying the country’s debts. Remonde also defended the president by saying that it would have been more unlikely if they let Arroyo eat hotdogs in the street. But this statement only offended more the Filipinos who much deserve to be fed properly.

Aside from these, the fancy dinner was also done while the Filipinos are mourning for the late Pres. Cory Aquino. The Malacañang said that the president was leading various prayers for Aquino, when in fact; Arroyo and her delegation were having a good feast during Aquino’s funeral– another insult to Filipinos.

Or better let them scoff what poor people are eating so they could realize how indefensible those luxurious foods are.

‘‘

‘‘

Whether it is true that the money spent was not a public fund or not, Arroyo and the rest of the public servants involved should speak up and be given appropriate punitive

actions. Arroyo’s indulgences are enough. Or better let them scoff what poor people are eating so they could realize how indefensible those luxurious foods are.

EDIT

ORY

AL

Illus

trat

ion:

Fra

ncis

B.

Biña

s

Page 5: Root Of Repression

The Catalyst

Vol.XXIV No.03 August 2009

Opinyon

Mas lalong mahirap baguhin ang sarili sa loob ng isang lipunan na ’di nagbabago, mahirap magpakabait sa loob ng isang lipunang hindi naman mabait!

‘‘

‘‘

Maraming mas mabibigat na problema ang mamamayan kaysa sa problema ng iilan

‘‘

‘‘Ni Underground Boyband

Ni Sherren Que Fabian

Indibidwalismo ngAko Mismo

Pag sikat, isyu lahat

Ang Unzipped ay bukas sa lahat ng estudyante ng PUP. Ipadala lang ang inyong mga sanaysay sa TC office.

Wag kang magtaas ng kilay tapos mong basahin ‘to!

Nito lamang nakaraang Mayo inilunsad

ang isang bagong advertisement campaign ng “Ako Mismo” sa telebisyon at internet. Gamit ang mga kilalang personalidad gaya nila Ely Buendia, Angel Locsin, Maxine Magallona at kasama ng ilan pang indibidwal ay nagdeklara ang bawat isa ng kanya-kanyang “ako mismo” para manawagan ng pagkilos sa mga indibidwal na lutasin ang problema ng bayan. May nagsabi na, “ako mismo ang magiging mabuting ate”, “ako mismo ang magmamahal sa mga Lasallista”, “ako mismo ang tatangkilik sa sarili nating produkto”, etc etc. Sa unang tingi’y may pagkaprogresibo ang dating ng ad, ngunit mahalagang suriin natin kung ano ang kaisipang bitbit nito. Ang sabi ng ad: ang pinakamalaking problema ng Pilipinas ay hindi kahirapan o katiwalian o kawalan ng kapayapaan kundi ang pagwawalang bahala ng mga mamamayan. Tignang maigi ang pokus ng ad. Nakitingin lamang ito sa indibidwal, at sa pagpokus nito sa problema ng indibidwal makakalimutan natin ang katotohanang ang problema nati’y istruktural. Lumalabas tuloy na ang puno’t dulo ng may kasalanan (kung bakit tayo naghihirap) ay ang mga ”indibidwal” na walang pakialam. Ang itinuturo ng ad: ”ikaw mismo” ang may kasalanan. Baguhin mo ang sarili mo. Ang mga problema ay hindi panlipunan.

Paano ba ang tamang tindig sa ganitong isyu? Sa sanaysay ng

sosyolohistang si Wright Mills na pinamagatang “The Sociological Imagination” ipinakita niya kung paano direktang nakaugnay ang buhay ng indibidwal sa buhay ng lipunan at kung paano din nakaugat ang problema ng indibidwal sa problema ng buong lipunan. Halimbawa, tignan ang unemployment. Kung sa isang lungsod na may 100,000 tao at iisang tao lang dito ang walang trabaho, ito ay personal na problema at dahil dito makikita natin ang kakulangan ng indibidwal bilang pangunahing sanhi ng kanyang problema. Siguro nga’y kulang sa kasanayan. Pero kung sa isang bansa na may 88 milyong tao at 30 milyon dito ang walang trabaho, ito’y panlipunang problema na. Ang mismong istruktura na ng pagkakataon nating makapagtrabaho ang gumuho. Hindi na lang “ikaw mismo” ang may kasalanan dito. Dapat nang makita ang mga institusyon ng ekonomiya’t pamahalaan ang responsable sa ganitong sitwasyon at hindi na lamang ang mga personal na pagkukulang ng mga indibidwal. O isipin na lamang ang problema ng mga nagugutom, walang bahay at ’di makapag aral. Nangyayari ang mga ito dahil ang mismong sistema na ng lipunan ang may problema.

Ang ibig sabihin nito’y ang mga problema natin ay produkto ng lipunan, maging tayo ay produkto din ng ating panahon. Mahalagang maintindihan natin kung papaano ang aktwal na operasyon ng sistema at kung paano nagiging responsable ang lipunan sa atin para malaman kung ano ang mga wastong hakbang na gagawin natin tungo sa ating mga problema. Hindi

sapat ang indibidwal na pamamaraan sa pagharap sa mga istruktural na suliranin ng lipunan gaya ng kawalan ng trabaho at kahirapan. Kapos yun. Hangga’t hindi natin nauunawaan nang malaliman ang mga pinanggagalingan ng ating problema ay hindi natin ito mabibigyan ng solusyong pangmatagalan. Magpapabalik-balik lang ito at magpapaulit-ulit sa mga panibagong anyo at porma. Kaya yung ”ako ako mismo” na yan, burgis ang mentalidad ng mga nagpakana nyan. Walang pundamental na magbabago sa ating kalagayan kung paniniwalaan natin nang husto ang mga sinasabi nito. Hindi ko sinasabing ‘wag kang maging mabuting ate o wag mong suportahan ang freedom of expression, ang sinasabi ko’y ito: bakit “ako mismo” at hindi “tayo mismo”? Bakit hindi ang mga problemang panlipunan ang ilantad gaya ng imperyalismo? Bakit hindi natin maunawaan na ang problema nati’y iisa, na ang suliranin nati’y panlipunan? At iyon na nga, balikan natin ang pokus ng ad sa paninisi sa mga indibidwal at ang pagbibigay-diin nito sa indibidwalsimo. Itinuon na lamang nito ang ating isip sa mga problemang personal na hindi naman talaga pribado para huwag tayong kumilos nang kolektibo laban sa sistemang panlipunan.

May magsasabi na: “mga indibidwal din naman ang may kasalanan dahil sila din naman ang gumagawa ng sistema!” Sandali, totoo ngang ang mga tao din ang gumagawa ng sistema pero hindi nila ito ginagawa kung saan nakita nila ang kanilang sarili bilang manlilikha. Sarili lang natin ang lagi nating nakikita dahil

sinanay tayo ng lipunan nating maging indibidwalista.

At may magsasabi pa na: “mahirap baguhin ang lipunan nang hindi binabago ang sarili, ang ako mismo ang daan para maging tayo mismo!” Ang punto ko’y ganito: mas lalong mahirap baguhin ang sarili sa loob ng isang lipunan na ’di nagbabago, mahirap magpakabait sa loob ng isang lipunang hindi naman mabait! Wala pa man ang ad campaign na ito’y matagal nang sinabi ng mga tao sa sarili nila na sisimulan nila ang pagbabago sa sarili hanggang umikot na lang sa sarili ang lahat ng ginagawa nilang pagbabago.

Ang pagbabagong hinihingi dito ay lampas sa lebel ng indibidwal. At sa pamamagitan lamang ng kolektibong pakikipaglaban para baguhin ang lipunan kasabay nating nababago ang ating mga sarili. Hindi uubra ang ”ako ako mismo” sa usaping ganito.

Kaya kung gusto natin ng lipunang malaya,

walang nagugutom, naghihirap at walang pagsasamantala ng tao sa tao, dapat “tayo mismo” ang maka-realize na ang lumilikha ng lipunang ito ay walang iba kundi tayo, nasa sa atin ang tunay na lakas at kapangyarihan na kolektibong baguhin ang lipunang ito para tayo lumaya. Ngayon, ito ang tanong, Tayo, Ano na mismo ang gagawin natin ngayon? Bibili ka na lang ba ng dog tag para kasali ka na sa mga cute? Arf! arf!

Patay na’ko, pero pinapanood pa ang video ko sa internet.”

Humahagulgol si Katrina Halili nang sabihin

niya ang mga salitang ito sa harap ng mga senador na hook na hook sa pagresolba ng kasong isinampa niya laban kay Dr. Hayden Kho, ang leading man ni Kat sa tila blockbuster hit na sex scandal nila.

Ayos nga raw ang tapang ng aktres na hindi nahiyang umamin na siya ang babae sa likod ng madidilim na anino sa video. Sobrang astig nga, kaya naman nagkagulo ang lahat. Ang mga dating walang pakialam at ang mga dati pang panay ang pakialam. Maraming nagpapahayag ng suporta, at marami rin ang umalma. Ganito rin kaya ingay na magagawa kung isang hindi kilalang pangalan ang magsasampa ng parehong kaso? Ganoon pa rin kaya ang galit ni Sen. Bong Revilla at galaiti ni Abner Afuang?

Maaaring may ingay, pero isa

lang itong pinutok na lobong plastik sa gitna ng nagsasabugang bomba ng mga terorista.

Panalo ang security plan ng NBI nang dumating dito sa bansa si Cesar Mancao, itinuturing na susi sa Dacer-Corbito murder case. Sinundo na siya sa Amerika, VIP pa sa NAIA. Tulad ng Kay Katrina, malupit na hagupit na atensyon ang ipinukaw kay Mancao. Pero sa araw-araw, ‘di ba

maraming mahi-hit and run? Marami rin namang pinapatay nang walang kalaban-laban at iyong iba pa nga ay wala namang nalalaman. Ang ganitong ‘maliliit’ na kaso, pinagtalunan man lang ba sa Kongreso? Bakit pa nga naman ba iimbestigahan ang iyong pagkamatay, eh hindi ka naman kilala sa lipunan?

Natagpuan ang bangkay ng asawa ni Ted Failon sa banyo ng kanilang sariling bahay. Ayon sa pamilya Failon, siyay’y nagpakamatay. Sa kabila ng pahayag na ito, nagpatuloy ang mga kinauukulan sa pag-iimbestiga sa

kaso. Ginawang suspek pati si Ted at nakisawsaw pa ang kung sinu-sino. Nataranta ang media at nalantad pa ang buhay ng mag-asawa. Ngunit, kung isang estudyante ang natagpuang nakahandusay at sinabing nagkitil ng sariling buhay dahil sa break-up nilang mag-syota, iimbestigahan pa kaya ito? Hindi rin lahat ng ganitong ay naaamoy pa ng mga mamamahayag.

Iyan ang kapangyarihan ng may pangalan at mayayaman. Sino nga naman ba ang mag-aatubili pang bigyan ng pansin ang mga namamatay sa gutom at nagsisiksikan sa bahay katabi ang timba na sumasalo sa tulo ng bubong . Mayroon bang taong nakasakay sa Porsche ang tatabi pa para pumadyak sa pedicab ng isang malnourished na bata na bigat na bigat sa kanyang sakay?

Simpleng katotohanan ito na may komplikadong dulot sa bayan. Bakit ba hindi na lang ayusin ang

Si Sherren ay estudyante ng BSA H2-1D at isa sa mga pinakamasugid

na contributor sa pitak na ito.

problema ng kahirapan? Hindi ba ito ang ugat na lahat ng kaguluhan? Maraming mas mabibigat na problema ang mamamayan kaysa sa problema ng iilan, kung papaano sila mananalo sa halalan. Kung mga prominente na lang ang makakatanggap ng katarungan, sana’y maging prominente tayong lahat. Ang tanging alam nating mga simpleng mamamayan, mamamatay tayo ng tahimik at payapa. Hindi gaya nila, may mga balita at tribute pa nga, mauungkat naman ang detalye ng buhay sa madla.

Our pages are decreasing,

Ibalik ang The Catalyst at Student Council fees sa dati nitong proseso!

so does our FUND.

Page 6: Root Of Repression

The Catalyst

Vol.XXIV No.03 August 2009

PanitikanMABINISESSIONS III:

Twelve pesos. Nowhere in the country can someone find tuition fee lower than what the Polytechnic University of the Philippines has to offer. With 5 branches and

8 extensions all over the country, PUP has served home for 60,000 deserving talented but financially challenged individuals.

The rising cost of living and the country’s worsening economy are enough reasons for parents to hope that a college degree will earn their children a better future. Because of this, thousand flock the university gates to get a chance at education.

As a social service, a cheap, efficient and reliable public education system will ensure an educated citizenry. But it can not do so without a unified effort from the benefactors. The task of safeguarding this education and guaranteeing access to everyone, regardless of color, belief or social status is left to PUPians. Only we can assure the safety of our valuated PUP education.

“Dose: Ang pagtindig upang makamit ang isangde kalidad, pantay-pantay at mapagpalayang edukasyon sa PUP”

“Dose: The stand to achieve quality, equality and liberating education in PUP”

The contest is open to all bonafide students of Polytechnic University of the Philippines-Manila

1. The contest has six (6) categories namely: a. Short story b. Essay c. Poetry d. Maikling kwento e. Sanaysay d. Tula

2. Entries must be computerized, double spaced on a letter size ( 8 .5 X 11 inches ) white bond paper, with 1’’ margin on all sides. The page ( e.g. 1 of 15). The font style should be Times New Roman, Arial or Book Antiqua and the font size must be 12.

3. In the short story/maikling kwento categories, an entry must be at least five (5) but not more than fifteen (15) pages.

4. In the poetry/tula category, an entry must not exceed two (2) pages.

5. In the the essay/sanaysay category, an entry should be at least three (3) but not more than five (5) pages.

6. All entries must be original and unpublished.

7. All entries will be judged according to the following criteria:-Relevance to the theme 40% -Originality 30%-Literary Expertise 30% Total 100%

8. An individual can join all categories but only one entry per category will be accepted.

9. Translation of any entry submitted in one category to category will not be honored.

10. All entries should resolved on the theme: “Dose: The stand to achieve quality, equality and liberating education in PUP” and “Dose: Ang pagtindig upang makamit ang isang de kalidad, pantay-pantay at magpalayang edukasyon sa PUP”

11. The author’s real and address must not appear on the entry. Only the title of the entry should be written on it.

12. A duty accomplished entry form, triplicate copy of entries and soft copy in a CD must be enclosed in a long brown envelope and be submitted to The CATALYST office 2nd floor, Charlie Del Rosario building (formerly Unyon ng Mag-aaral), PUP Main Campus on or before November 30, 2009.

13. Submitted copies of all entries shall remained with, and will be the property of The CATALYST and Mabini Sessions.

14. The board of judges should have the discretion not to award any prize if, in its judgement, no meritorious entry has been submitted.

15. The CATALYST and Mabini Sessions Committee has the right to assign the persons who shall compose the Board of Judges in each of the categories. The decision of the majority of the Board of Judges in all categories shall be final.

16. Top three on each of the categories will be declared winners.

17. All winning entries will be included in the Mabini Sessions III Literary Folio.

18. Plaque of Certificates will be given to all winners during the Awarding and Launching Night of the Mabini Sessions III.

Guidelines and Contest Rules:

Mula sa inyong mga mata, itinuring niyo kam-ing mga hayopmga halimaw sa kalahat-ing mukha ng buwan…

ngunit kami ang mandi-rigmang binuo sa pag-tatalik ng buwan at araw.isinilang kaming may pakpakna hinabi sa bandilang tumalas,sa pakikibaka ng kasay-sayantuluyang hinubdan ang akademyaat binagtas ang musika ng pag-akyatgamit lamang ang aming pluma.

Tinulungan namin siyang bumayoat magtaip ng palaybinaka namin ang lupang tigang sa pagmamahal.

ang bawat pawis na tu-mutulo sa aming pisngiat dugong iniluluha ng

aming mga mataang siyang nagpapalam-bot – nagdurugtongsa bitak-bitak ng sakahan.

pagmasdan mo ang aking mga kamayang ugat nitong sinanay sa gabi-gabing pag-iyakang mga daliri kong pinil-ing lumabanhindi ang bala ng barilhindi ang tabak at pul-burakundi ng mga sigaw sa lansanganng pagtiim at taos kama-ong mga kamay.

ako ang magdirigmang binuo sa pagtatalik ng buwan at arawang ampaw na sikmura at isipang pinanday sa dapit-hapong pangam-ba ng mga abaang siyang magsasatitik kong gaano ko sila iniibigat patuloy na iibigin

pagmasdan mo ang aking mga paa

ang mga pilat ng sugat kongitim ang ikinatas na dugo,ang mga daliri kong tinagpas ng pagmama-kaawaat mga kukong nagtiis sa tulo ng kandila

katulad ng buwan na su-masagot sa tuwing siya’ypinupukol ng mga tanongkatulad ng maka-pangyarihang araw na nanunumbatsa tuwing ako’y sumisi-gawitanong mo sa kanyang yayat ang dibdiblubog ang pisngisunog na kilay at nanini-lawang ngipin

at sila’y sasagot;ipako mo sila sa krus!ihelera’t pugutan ng ulo isa-isapabulwakin ang kanilang mga bituka.at kung mailap nama’y barilin mo sila sa bum-bunan

pahirapan sa himagsik ng iyong pluma.Nang matigil na ang pagsagpang sa amin ng mga asoang pagngalngal sa amin ng mga buwayaang pagtuklaw sa amin ng mga ahas.

kaylan nga ba ipipinta ng mapagkandiling pintorang hubad na kulay ng kanyang mga obrakaylan nga ba isasatitik ng aming plumaang mga mukha naming may tabingmga bibig naming umusal ng mararahas na letraat kaylan nga ba mabibi-yak ang batongnaligo sa dugong paninindigan.

at kami’y tutugon;kami ang mandirigmang binuo sa pagtatalik ng buwan at arawmalapit na ang tunay na kalayaan.

Jeric F. Jimenez Ang pagtatalik ng buwan at araw

May ngiti sa mga labiHuwad na pagtitimpiMapaglaro ang pag-iisipAng dala’y pang –aapiMahiwaga ang pusoSa tagong pagtuboGanyan ang paraanPinipera ang pagsuyo

#kailan ba tatapusin ang panlalamangSa daigdig ng mga taong may inaasamAt kung lagi bang ganyan ang kanilang patakaranTapusin at putulin …simulan ang ating laban

KOROTama na at sobra naGanid na kapitalistaPutulin at sirainAng bulok na sistemaKung ganito ang mang-yayari‘Di ako magtatakaKung bakit masaya si

tatang makamasa

IIHangad ay maging santoLuhuran ng mga taoSa kanilang adhikainIkaw ang magtatrabahoBibilisan ang pagnanasaGagawin kung anu-anoHanggang sa ikaw ay madalaAt ikaw ay maloko

( ulitin ang # at koro )

Ngayon na ang tamang panahonBaliktarin ang pagkakat-aonNa sila ang luluhodAt sa atin magtatanongPagkat ang nais ng masaSi tatang makamasaPuhunan ay pawisAng tubo’y pagkakaisa

( ulitin ang # (koro 2x )

Tatang MakamasaProp. Sixer Sitjar

Isang batong makinangdulot ay buhay at kama-tayan.Palamuti sa iilankatumbas ay buhay ni Juan.

Isang bagay lamang sa mata ng mayaman.Pilit kinamkam sa kan-ayunan

Parakalikapalit sa buhay ng mamamayan.

Libong katutubo ay binayaanmakuha lamang gintong kayamanan.Maibigay lang ang kasi-yahansa mga kapitalistang gahaman.

Francis B. Biñas

napkinProp. Arlan Camba

“isang buwan akong naghintay

upang salubungin ang iyong pagdalaw

nagyakap ang bugso nang luha at dugo

bumiyak sa dibdib ang sumpa’t pangako

maghihintay ako kahit kailan pa man

kahit pagdating mo’y walang katiyakan…!

Background design: christian A. Monforte

Page 7: Root Of Repression

The Catalyst

Vol.XXIV No.03 August 2009

Ted Pylon’sKumembot Exposé

Tita Kuring EditionHalf-man, Half-marble from Romblon

Kultura|Komunidad

ganon e. Hindi naman masama yun pero hindi kasi nagagamit. Tsakayung guidance fee, hindi ganun kakailangan . Dapat may mga activities din dun o kaya ilaan na lang sa library fee kasi yun yung madalas magamit, dapat malaki ung pondo. -Mark Anthony

Bautista, BTM 2-1

Yung mga compulsory tickets. Walang kabuluhan, mahal, hindi naman kami nananalo, hindi pa related sa subject. Tapos may mga worktextbooks na required kahit ang pangit ng pagkakaprint.

-Pearl ng CEFP

Yung ipapapanuod daw pero may bayad na P160. two weeks na pero wala pa rin hanggang

Sa dental at guidance fee, mahal. Parang hindi naman kasi nagagamit ung mga yun. Tsaka ung mga karaniwang estudyante, hindi naman alam na may ganon.

-Vhille, COABTE

Dental, hindi naman kasi nagagamit. Mula noong pumasok kami dito, hindi pa namin na-aavail yun. Ngayon ko nga lang nalaman na may bayad sa ganun. Nung highschool naman kasi, di ba, walang mga ganon.

-Maricris Alulod,HRDM 3-1N

Anu ba yung cultural fee na yun? Hindi naman kasi pinapaliwanag at nakikita kung saan napupunta yung mga

Anong fee, bukod sa SIS fee at Energy fee, ang sa tingin mong mahal at hindi mo dapat binabayaran?

Ta n o n g :

Campus Lyf

ngayon. English project daw kasi kaya ginawang compulsory.

-Slayer ng ME 1-3

Mas okey ngayon kasi mas maayos. Hindi na kailangan tumawid papuntang main building.

-Bluishyc , BSTM I-3D

Nagbabayad kami para sa Business Torch pero wala naman kaming natatanggap, ilang sem na. Andami-dami pang compulsory na libro sa CB. May laboratory fee tapos 3:1 naman ung ratio. Tapos nagbabayad din naman tayo para sa kuryente, di ba? May bagong electric fan sa room namin pero hindi naman binubuksan.

-sprukoy ng MK 4th year

Nakakulay dilaw na t-shirt at pantalon with matching ribbon na nakasabit sa kanyang dibdib. Seryosong seryoso

sa paglalakad sa kahabaan ng Teresa habang naka-laban sign. Hindi inaalintana ni Ted ang pabagu-bagong panahon. Basa na ang kanyang yellow shoes pero diretso pa rin siya sa paglalakad. Naka-laban sign pa rin at iwinawagayway ang kanyang yellow handkerchief.

Ted: Hu..Hu..Hu… Laban! Laban! Laban!”

Malapit nang makalabas si Ted sa bisinidad ng Sta. Mesa nang biglang umulan muli. Nabasa si Ted sa sobrang lakas ng buhos ng ulan. Habang nagpapatuyo ng kanyang yellow attire, nadaanan siya ng libu-libong taong naka-laban sign din, naka-yellow shoes, yellow t-shirt at pants.

Ted: Wow! Parang bumaba ang araw kahit umuulan ah!

May mga kulay dilaw na sasakyan at kulay dilaw na mga motorsiklo ang nasa dulo ng kumpol na mga tao.

Ted: Tita Kuring! Tita Kuring! Tita Kuring!

Pipiktyuran sana ni Ted ang mga tao pero pagtingin niya sa kanyang bag puro rosary ang laman nito. Nalungkot si Ted kaya bumalik na lamang siya sa PUP.

Pagdating doon ay kulay dilaw na ang kulay ng gate at ng buong paligid ng PUP, may mga nakasabit na ring mga kulay dilaw na ribbon sa lahat ng paligid. Isang estudyanteng kusot ang mukha ang lumapit sa kanya.

Estudyante: Ted!

Slowmotion ang pag-ikot ng ulo ni Ted, sabay ng pagpahid niya ng kanyang yellow hankerchief sa kanyang sipon.

Ted: Ooong,... Bangeet...?

Estudyante: Nakakainis wala palang pasok!

Ted: Bakeet! Hindi mo ma alam! Ililibing ngayon si Tita Kuring.

Estudyante: Sino yun?

Ted: Ang pinakamahusay na manlulugaw sa Stop and Shop!

Umiiwas ang kausap ni Ted dahil sa paninigaw nito’t pagtalsik ng kanyang laway.

Estudyante: Bakit puro kulay dilaw sa PUP?

Ted: Tribute kasi yon para sa kanya.

Hindi lubos maisip ng kausap ni Ted ang nangyayari hanggang sa magdatingan ang iba pang naka-yellow attire at naka-laban sign.

Natabunan si Ted ng mga tao, naapak-apakan, nadumihan ang yellow costume ni Ted. Nang biglang...

Ted: Huh...? Ano ‘to?

Isang papel na naglalaman ng reklamo ng isang estudyante ang tumakip sa mukha ni Ted...

Case no. 4 series of 2009 WANTED: Admin officials concern on the construction of Catwalk.

Tinatawag ko ang pansin ng mga nasa posisyon na may kinalaman sa pagsasaayos ng catwalk dahil sa baku-bako nitong daan. Marami sa mga estudyante, maging mga faculty, ang nadadapa at natatapilok kapag dumadaan dito lalo na sa gabi.

Subukan niyong maglakad doon sa gabi, lagi kasi kayong naka-kotse kaya hindi niyo nararanasan. Sana’y bigyan niyo ng kaukulang aksyon ito.

-Faculty member

TED: Para sa mga iskolar ng bayan na may mga hinaing o reklamo sa inyong mga propesor o maging empleyado at opisyal ng unibersidad, magtungo lamang sa The Catalyst office upang ito’y ipagbigay-alam.

awit. Mayroon ding Palaro ng Lahi at Pora sa Wika, isang panel discussion na bukas sa Masteral at Filipino Majors na dadaluhan ng Punong Komisyoner ng Kagarawan ng Edukasyon Komisyon sa Wikang Filipino na si Jose Laderas Santos at iba pang kawani ng Linggwistika tulad nina Dr. Leticia Macaraeg at Dr. Elvie Estravo.

Nagwakas ang pagbubukas ng Buwan ng Wika sa pagtatanghal ng ikalawang taon ng Batsilyer ng Sining sa Filipinolohiya (ABF) at ang pangwakas na pananalita ni Prop.

Carpio.

Ang HB 305Kaugnay ng pagdiriwang ng

Buwan ng Wika, nagpahayag din si Prop. Carpio ng hindi pagsang-ayon sa House Bill 305 na panukala ni Cebu Rep. Eduardo Guillas kung saan isinusulong ang pagpapalawig ng wikang Inggles bilang midyum ng pagtuturo sa ating bansa.

“Ang wikang pambansa partikular ng wikang Filipino ay repleksyon ng pagkilala, pagkakaisa at nasyonalismo ng mga Pilipino kaya dapat ito ang gamitin at paunlarin,” pagtatapos ni Prop. Carpio.

Buwan ng Wika...◄Mula Pahina 03

ERRATUM:Sa nakaraang isyu ng The Catalyst, ang titulo ng artikulo sa pahina 8 ay ‘King of Pop (Culture), Si MJ sa kulturang kanyang ipinagyabong’. Bukod pa dito, Nobyembre 30, 2009 ang huling araw ng pasahan ng entries sa MABINI SESSIONS III. Humihingi ng paumanhin ang publikasyon sa nalathalang maling impormasyon dahil sa problemang teknikal.

Congratulations to the following persons! You have passed The 2nd batch of The Catalyst Qualifying Exam. Please proceed to our office at 2nd flr. Charlie del Rosario Bldg. for the orientation. The final deadline for applicants is on September 11.

clariza M. Glino -BJ 1-1d, Mike Jay G. Jayan -BJ 3-1d, ronaldo d. Medina -BS Biology 1-1, emery d. Villas -ABe 1-2d, Maria rojen M. Leonardo -BJ 3-1d, Juliebeth d. Afable -BJ 3-1d, Katherine Louber M. daet -BSiOP 1-1, harris U. Sandigan -ABe 1-2d, Kristina chan -ece 1-4, Angelique e. Araojo -BOA 1-6d, Jene L. Monterola -ABh 1-1, roldan O. cabungcal Jr. -ABe 1-2d, Jillian dela rosa -BS Biology 1-1

Uy! May mga humahabol pa oh!

Chizkorn

Tae Boy

Anthony B. Quijano

Francis B. Biñas

Macky Nieva

Dukot

Page 8: Root Of Repression

The Catalyst

Vol.XXIV No.03 August 2009

na binibigyang katwiran ang pag-iral ng ganoong sistema.

Sa ganitong pagkakataon higit na kritikal sa sinumang artista ang sumalungat sa uso. Dahil kakabit nito ang usapin sa kung paano sila magiging katanggap-tanggap sa kanilang mga tagapakinig.

Bagaman aminado ang Kamanyang na naging kahinaan sa kanilang mga awitin ang malalim na pag-ugat sa mga isyung tinatalakay nila at gayundin ang kahinaan sa paghahain ng alternatibo o solusyon, alam nilang nasa proseso ang pag-unlad. Higit na hinihingi ang pagpapahusay sa kakayahan at ang muli’t muling pag-aaral sa lipunan bilang pundasyon sa kanilang mga awitin.

Dahil sa huli, ang musikang nakasandig sa kasaysayan at patunguhan ng lipunan ang higit na mananaig. Higit pa sa pagpapaindak ng awiting Nobody ng Wonder Girls, ang musikang bayan ay patuloy na susulong hanggang sa makamit ang tunay na paglaya ’di lang sa musika, sa pangkalahatang sining o sa kultura, kung hindi maging ng sambayan.

The CatalystKultura

Ngunit sa pagkakataong ito, kakaibang mga awitin ang pinakikinggan ko. Awiting walang music videos at hindi maririnig sa radyo o telebisyon. At ang tanging mayroon sa mga awiting ito na wala sa iba ay ang malalim nitong pagsasalarawan sa kalagayan ng bayan ni Juan. Ito ay mas kilala bilang musikang bayan.

Minsan ko nang naulinigan ang mga musika ng Kamanyang, isang kultural na organisasyon sa PUP. Taliwas sa uri ng musika mayroon sa mainstream, naniniwala silang ang sining ay mula at para sa bayan. Kaya’t para sa kanila, sa bawat kalabit ng kuwerdas ng gitara at bitiw ng lyrics ng anumang kanta ay ang pagnanais na makalikha ng makabayang musika.

Isang lahi, isang tinig

Taong 1969 nang naitatag ang grupong Kamanyang. Sila’y nagsimula bilang pangkat na nagtatanghal sa lansangan at aktibo sa pagsusulong ng makabayang sining noong mga panahong iyon. Bilang isang progresibong organisasyon noong dekada ’70, kaisa ang Kamanyang sa paglaban ng sambayanan sa rehimen ni dating Pangulong Marcos noong Martial Law. Ito man ay nagbunsod upang ideklara silang ilegal na organisasyon, patuloy

itong tumindig at naging markado pa ang paglahok sa makasaysayang First Quarter Storm. Sa muling pagkakatatag nito noong 1992, nanatili ang makabayang oryentasyon nito at hanggang sa ngayon tinatangan nila ang layuning gamitin at iaalay ang kanilang sining para sa bayan.

At ngayon bilang bahagi ng kanilang pag-unlad, sa kauna-unahang pagkakatao’y maglalabas ang Kamanyang ng isang album. Sa pinagsama-samang komposisyon ng mga musikerong bumubuo sa Kamanyang, nakalikha ito ng isang compilation ng mga awiting may temang “Isang Lahi, Isang Tinig” na naglalarawan sa pagkakaisa ng mga artista sa loob ng unibersidad tungo sa paglikha ng makabuluhang sining--isang sining panlipunan at sining para sa bayan.

Tampok sa kanilang compilation ang 12 awiting tumutugon sa tema ng musika na kanilang ibinabandila. Saklaw ng mga ito ang pagsasalarawan sa kalagayan ng lipunan--mula sa iba’t ibang sektor kabilang na ang kulturang umiiral sa bansa, na siyang inilapat at isinatitik, at sinaliwan ng mapagpalayang melodiya.

Ilan sa mga nilalaman nitong awitin gaya ng Binhi, Kabataan, at Hirap na si Juan ay depiksyon ng batayang kalagayan ng mga magsasaka, manggagawa at kabataan o ng sambayanan sa kabuuan. Gayundin, nag-iiwan ang mga ito ng hamon ng paglaban para sa karamihan.

Inilarawan naman sa mga kantang Kultura at Digmaang Pangkultura ang kolonyal na kulturang Pilipino at hamon sa malawak na hanay ng artistang bayan na maging mapangahas sa pakikitunggali sa mga elitistang alagad ng sining ng mainstream.

Samantala, higit na napatingkad ang kabuluhan ng kanilang musika sa mga awiting Tandaan mo, Pulang Lakbay, Digmaan, at Kalayaan na nagbibigay hamon sa patuloy na pagsulong at paglaban tungo sa kalayaan.

Alam ng Kamanyang na maliit lamang ang entablado sa ganitong musika; sapagkat hangga’t ang mga institusyong pangkultura gaya ng radyo at telebisyon ay hawak ng nakatataas na uri ay mananatiling hiwalay sa pintig ng masa ang oryentasyon ng kanilang musika.

Ang hamon samga artista ng bayan

“Sa pagpula ng tabingAng sining mo’y lalayaArtista ka ng bayanMandudulang makabayan...”

Para sa Kamanayang, sa awiting ito na Mandudulang Makabayan naipapakita ang malaking kaibahan nila sa mga musikero sa mainstream. Kalakhan sa mga musika ngayon ay nakatuon sa tema ng romantisismo. At dahil nakatali ito sa konsepto ng komersyalismo, naging kalakaran na sa industriya ang gumawa ng kanta para ibenta. Sa ganitong paraan nawawalan ng kalidad ang mga likhang awitin.

Kulturang popular ika nga. Sinasalamin nito ang buhay na taliwas sa tunay na nararasan ng marami, sa kasalakuyang sistema at labis

Madalas ko noong abangan ang Top Music Hits sa Myx at MTV. Dahil bukod sa paghanga ko sa iilang local at foreign artists, natutunan kong mahirap mapag-

iwanan sa kung ano ang uso. Hangga’t tumatagos sa buhay pag-ibig at kayang paindakin ang mga tagapakinig, mas higit ang pagtanggap ng marami.

Ang Musikang Di Popular

Pag-awit ng Kamanyang sa saliwng musikang bayan

Kalakhan sa mga musika ngayon ay nakatuon sa tema ng romantisismo. At dahil nakatali ito sa

konsepto ng komersyalismo, naging kalakaran na sa industriya ang gumawa ng kanta para ibenta.

‘‘

‘‘

Article: Mark P. BustargaIllustration: edrick S. carrascoPage Design: Paul divina