silabus para sa mga kursong di-gradwado medyor, …
TRANSCRIPT
SILABUS PARA SA MGA KURSONG DI-GRADWADO
MEDYOR, KURIKULUM NA PANLAHAT at MGA ELEKTIB
A. IMPORMASYON NG KURSO
NUMERO NG KURSO
FILI 12 BLG. NG YUNIT
3
PAMAGAT NG KURSO
PANITIKAN NG PILIPINAS Mga Kaisipan sa Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas
PREREKISITO WALA
KAGAWARAN/ PROGRAMA
FILIPINO PAARALAN HUMANIDADES
TAONG PAMPAARALAN
2021 – 2022
SEMESTRE IKALAWA
GURO MICHAEL M. COROZA, PhD
LUGAR/ PLATAPORMA
CANVAS AT ZOOM
SEKSIYON PP ISKEDYUL
T-TH 1100 – 1230
B. PAGLALARAWAN NG KURSO
Ang kurso ay isang pag-aaral sa kalipunan ng Panitikang Filipino mula sa panahong prekolonyal hanggang sa panitikan ng ating panahon, sa pasalita hanggang sa akdang nasusulat sa Filipinas. Mula sa mga akdang representasyon ng bawat panahon, susuriin ang dinamismo ng panitikan at kasaysayan kaalinsabay ng pamamayani ng iba-ibang uri ng pananaw na umiral sa bawat panahon. Kakasangkapanin sa pagsusuri ang piling kaisipan sa karanasang Filipino na tinatawid ang iba-ibang panahon, bilang paraan ng pagpapatuklas sa kabuluhan ng kasaysayang pampanitikan sa kasalukuyang mga kamalayan.
SAAN NAKAPALOOB ANG KURSO SA MGA YUGTO NG PORMASYON SA
BALANGKAS NG MGA KURIKULUM NG MGA PAARALANG LOYOLA
PUNDASYON: Pagtuklas at Paghahanda ng Sarili
PAG-UUGAT: Pagsisiyasat at Pagkilala sa Daigdig
PAGPAPALALIM: Pagpapakahulugan ng Sarili sa Daigdig
PAMUMUNO: Pakikisalamuha at Pagpapanibago sa Daigdig
C. MGA BUNGA NG PAGKATUTO NG KURSO
Pagkatapos ng kurso, inaasahang ang mag-aaral ay:
MGA BUNGA NG PAGKATUTO NG KURSO
BPK1: Nakakikilala ng pagyuyugto ng kasaysayang pampanitikan ng Filipinas;
BPK2: Nakatutukoy ng tradisyon at impluwensiya ng mga panandang-bato sa kasaysayang
pampanitikan ng Filipinas;
BPK3: Naisasakonteksto sa kontemporaneong karanasan ang kasaysayang pampanitikan ng Filipinas;
BPK4: Nakapagtatawid ng mga kontemporaneong karanasan sa kasaysayang pangkultura;
BPK5: Nakalilikha ng alternatibong pananaw sa pagsasakasaysayan ng karanasang Filipino
mula sa kontemporaneo.
D. BALANGKAS NG KURSO at ORAS NG PAGKATUTO
Balangkas ng Kurso BPK Tinatayang
Oras ng
Pagkikita o ng
Pagkatuto
Modyul 0 (26 Agosto – 4 Setyembre)
MGA PANIMULA
Pagkikilalanan: Matalinghagang Paglalarawan ng
Sarili
Introduksiyon sa Kurso/Pagpapaliwanag ng Silabus
Panimulang Babasahin: “Panitikan para sa
Kaisahan ng Bayan” ni Rolando S. Tinio
Sesyong Singkroniko 1: 31 Agosto 2021
Sesyong Singkroniko 2: 2 Setyembre 2021
BPK 3, 4 3 – 6 oras
Modyul 1 (6 – 25 Setyembre 2021)
PANITIKANG-BAYAN 1: Tula
Bugtong, Salawikain, Tanaga, Dalit
Batayang Babasahin:
“Ilang Talâ mula sa Tagalog Poetry ni Bienvenido
Lumbera”
“Ang Katutubong Bugtong bilang Tula” ni Michael
M. Coroza
BPK 1
BPK 2
BPK 3
BPK 4
BPK 5
8 – 10 oras
Ebalwasyong Mamarkahan:
Talakayang Asingkroniko 1
Maikling Sulatin 1
Sesyong Singkroniko 3: 14 Setyembre 2021
Sesyong Singkroniko 4: 21 Setyembre 2021
Modyul 2 (27 Setyembre – 16 Oktubre 2021)
PANITIKANG-BAYAN 2: Salaysay
Epiko, Mito, Alamat
Batayang Babasahin:
Ilang Tala mula kina Damiana Eugenio, Florentino
Hornedo, Isagani Cruz, at Mellie Leandicho Lopez
Panonood ng Video:
Mula sa “Sa Kuwento Natin” ng Sentro Rizal ng
National Commission for Culture and the Arts
(NCCA)
Buod ng isang Epiko: “Labaw Donggon”
Ebalwasyong Mamarkahan:
Talakayang Asingkroniko 2
Maikling Pagsusulit (Pasanaysay) 1
Sesyong Singkroniko 5: 28 Setyembre 2021
Sesyong Singkroniko 6: 5 Oktubre 2021
Sesyong Singkroniko 7: 12 Oktubre 2021
BPK 1
BPK 2
BPK 3
BPK 4
BPK 5
8 – 10 oras
Modyul 3 (18 Oktubre – 6 Nobyembre 2021)
ENGKUWENTRO NG KOLONYAL AT KATUTUBO 1
“May Bagyo Ma’t May Rilim” ni Una Persona
Tagala at “Salamat nang Walang Hangga” ni
Fernando Bagongbanta
Sulyap sa mga bahagi ng Passiong Mahal ni
Jesucristong Panginoon natin na Tola ni Gaspar
Aquino de Belen
Balik-tanaw sa Florante at Laura at Ibong Adarna
Si Tandang Bacio Macunat
Balik-tanaw sa Noli Me Tangere at El
Filibusterismo
“Ang Ningning at Liwanag” ni Emilio Jacinto
BPK 1
BPK 2
BPK 3
BPK 4
BPK 5
8 – 10 oras
Ebalwasyong Mamarkahan:
Talakayang Asingkroniko 3
Maikling Sulatin 2
Sesyong Singkroniko 8: 19 Oktubre 2021
Sesyong Singkroniko 9: 26 Oktubre 2021
Sesyong Singkroniko 10: 4 Nobyembre 2021
Modyul 4 (8 – 27 Nobyembre 2021)
ENGKUWENTRO NG KOLONYAL AT KATUTUBO 2
“Three O’clock in the Morning” ni Cirio H.
Panganiban
“Ang Pagbabalik” ni Jose Corazon de Jesus
“Greta Garbo” ni Deogracias A. Rosario
“Ang Beterano” ni Lazaro Francisco
Ebalwasyong Mamarkahan:
Talakayang Asingkroniko 4
Maikling Pagsusulit (Pasanaysay) 2
Sesyong Singkroniko 11: 9 Nobyembre 2021
Sesyong Singkroniko 12: 23 Nobyembre 2021
8 – 10 oras
Modyul 5 (29 Nobyembre – 18 Disyembre 2021)
PAGSASARILI AT PAGGIGIIT NG SARILI
(Makapipili ang bawat pangkat ng mag-aaral ng tekstong
matalik na babasahin gamit bilang prinsipyo ang “bugtong
at salawikain” para sa Pangwakas na Pangkatang Ulat at
Papel.)
Tula
“Huling Biyahe” ni Rio Alma
“Nakatingin sa Bituin” ni Jose F. Lacaba
“Kundiman” ni Benilda S. Santos
“Kung Ibig Mo Akong Makilala” ni Elynia S. Mabanglo
“Ang Batang Nangarap Maging Isda” ni Ronaldo Carcamo
“Ang Kalungkutan” ni Jerry B. Gracio
Maikling Kuwento
“Ang Pinid na Pinto” ni Rosario de Guzman Lingat
“Sandaang Damit” ni Fanny A. Garcia
“Ang Lohika ng mga Bula ng Sabon” ni Luna Sicat-Cleto
“Sa Kanto ng Annapolis at Aurora” ni Rolando B. Tolentino
BPK 1
BPK 2
BPK 3
BPK 4
BPK 5
8 – 12 oras
“Paputian ng Laba” ni Allan N. Derain
“Apokalipsis” ni Alvin B. Yapan
Ebalwasyong Mamarkahan:
Pangkatang Ulat at Papel
Sesyong Singkroniko 13: 2 Disyembre 2021
Sesyong Singkroniko 14: 7 Disyembre 2021
Sesyong Singkroniko 15: 14 Disyembre 2021
E. EBALWASYON AT RUBRIKA
Paraan ng Ebalwasyon Bigat ng
Gawain
BPK
Talakayang Asingkroniko 25 1, 2, 4
Maikling Pagsusulit (Obhetibo o Pasanaysay) 25 1, 2, 4
Maikling Sulatin 25 1,2,,4,5
Pangwakas na Pangkatang Ulat at Papel 25 1,2,3,4,5
RUBRIKA:
TALAKAYANG ASINGKRONIKO (25/25)
Natupad nang lampas sa inaasahan
Natupad nang ayon sa
inaasahan
Bahagyang natupad
Halos walang natupad
Walang natupad
Tumutugon (sumasang-ayon, tumututol, nagdaragdag) sa mga kaisipang ibinahagi ng mga kamag-aaral
5
4
3
2
0
Bumubuo ng sariling idea nang may pagsangguni sa personal o hiram na karanasan upang may maiambag sa talakayan
5
4
3
2
0
Gumagamit ng mga kritikal na sanggunian sa pangangatwiran o paglilinaw ng punto
5
4
3
2
0
May kaisahang-diwa at lohikal na daloy ang pagtalakay
5
4
3
2
0
Mahusay ang gamit ng wika (gramatika, ispeling, kasangkapang panretorika)
5
4
3
2
0
MAIKLING PAGSUSULIT NA PASANAYSAY (25/25)
Natupad nang lampas sa inaasahan
Natupad nang ayon sa
inaasahan
Bahagyang natupad
Halos walang natupad
Walang natupad
Tuwirang tumutugon sa tanong
5
4
3
2
0
Nagbigay ng mga sariling mahusay na halimbawa at patunay sa pagpapaliwanag
5
4
3
2
0
Gumamit ng kritikal na sanggunian o nagpakita ng malinaw na aplikasyon ng konseptong natutuhan sa mga talakayan sa klase
5
4
3
2
0
May kaisahang-diwa at lohikal na daloy ang pagtalakay
5
4
3
2
0
Mahusay ang gamit ng wika (gramatika, ispeling, kasangkapang panretorika)
5
4
3
2
0
MAIKLING SULATIN (25/25)
Natupad nang lampas sa inaasahan
Natupad nang ayon sa
inaasahan
Bahagyang natupad
Halos walang natupad
Walang natupad
May malinaw na layunin na nagbigay ng direksiyon sa pagtalakay
5
4
3
2
0
May kaisahang-diwa at lohikal na daloy ng diskusyon
5
4
3
2
0
Gumamit ng kritikal na sanggunian o nagpakita ng malinaw na aplikasyon ng konseptong natutuhan sa mga talakayan sa klase
5
4
3
2
0
Nagbigay ng mga sariling mahusay na halimbawa at patunay sa pagpapaliwanag
5
4
3
2
0
Mahusay ang gamit ng wika (gramatika, ispeling, kasangkapang panretorika)
5
4
3
2
0
PANGWAKAS NA PANGKATANG ULAT AT PAPEL (25/25)
Natupad nang lampas sa inaasahan
Natupad nang ayon sa
Inaasahan
Bahagyang natupad
Halos walang natupad
Walang natupad
Malinaw na tesis at kuwadrong teoretiko
5
4
3
2
0
Mataas na antas ng Pagsusuri at Pangangatwiran
5
4
3
2
0
Masusi at masinop na paggamit ng mahahalaga at angkop na sanggunian at iba pang matteryales
5
4
3
2
0
May lohikal na daloy ng presentasyon ng mga datos
5
4
3
2
0
Wastong pormat, gamit ng wika, at iba pang teknikal na aspekto
5
4
3
2
0
F. PAMAMARAAN NG PAGTUTURO AT PAGKATUTO
Pamamaraan ng Pagtuturo & Pagkatuto & Gawain BPK
Talakayang Asingkroniko 1,2,4
Pagbabasa ng mga Teksto ng Tula at Tuluyan 1,2,3,4,5
Panonood ng Video 1,2,3,4,5
Maikling Pagsusulit 1,2,4
Pagsulat ng Papel 1,2,3,4,5
Pag-uulat at Papel na Pangkatan 1,2,3,4,5
G. KAHINGIANG BABASAHIN
Ibibigay ng guro ang mga link o kopyang naka-pdf ng lahat ng babasahin sa bawat modyul.
H. MGA PANUKALANG SANGGUNIAN
Almario, Virgilio S., Bakit Kailangan Natin si Pedro Bucaneg? Tungo sa Kalusugan at Kalayaan ng
Pambansang Gunita. Maynila: Aklat ng Bayan, Komisyon sa Wikang Filipino at Pambansang
Komisyon para sa Kultura at mga Sining, 2019.
Almario, Virgilio S., Balagtasismo Versus Modernismo, Panulaang Tagalog sa Ika-20 Siglo. Quezon
City: Ateneo De Manila University Press, 1984.
Almario, Virgilio S., Jacintina: Hiyas ng Panulat ni Emilio Jacinto. Quezon City: University of Santo
Tomas Publishing House, 2011.
Almario, Virgilio S., Pag-unawa sa Ating Tula: Pagsusuri at Kasaysayan ng Panulaang Filipino.
Pasig city: Anvil Publishing, Inc., 2006.
Almario, Virgilio S. Ang Maikling Kuwento sa Filipinas: 1896 – 1949, Kasaysayan at Antolohiya.
Maynila: Anvil Publishing, Inc., 2012.
Almario, Virgilio S., ed. Sansiglong Mahigit ng Makabagong Tula sa Filipinas: Mga Piling Tula sa
Bikol, Binisaya, Espanyol, Iluko, Ingles, Filipino, at Kapampangan Mulang 1900 hanggang
Kasalukuyan. Pasig City: Anvil Publshing, Inc., 2006.
Castro, Jovita Ventura; Antolina T. Antonio; Patricia Melendrez Cruz; Josefina T. Mariano; at
Makasiar-Puno, Rosella Jean., eds. Anthology of ASEAN Literatures, Philippine Metrical
Romances. Maynila: Nalandangan Inc., 1985.
Castro, Jovita Ventura; Antolina T. Antonio; Patricia Melendrez Cruz; Josefina T. Mariano; at
Makasiar-Puno, Rosella Jean., eds. Antolohiya ng mga Panitikan ASEAN: Mga Epiko ng
Pilipinas. Maynila: Nalandangan, Inc., 1985.
Devilles, Gary C., ed. Pasakalye: Isang Paglalayag sa Kasaysayan ng Panitikang Filipino. Ika-2 Ed.
Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2017.
Eugenio, Damiana L. Philippine Folk Literature Series Vol VIII The Epics. Quezon City: University of
the Philippines Press, 2001
Ileto, Reynaldo C. Pasyon and Revolution, Popular Movements in the Philippines, 1840-1910.
Quezon City: Ateneo De Manila University Press, 1979.
Javellana, Rene B., ed, Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola. Quezon City:
Ateneo De Manila University Press, 1990.
Lucero, Rosario Cruz. Ang Bayan sa Labas ng Maynila (The Nation Beyond Manila). Quezon City:
Ateneo de Manila University Press, 2007.
Lumbera, Bienvenido L. Tagalog Poetry 1570-1898, Tradition and Influences in its Development.
Quezon City: Ateneo De Manila University Press, 1986.
Meñez, Herminia. Explorations in Philippine Folklore. Quezon City: Ateneo De Manila University
Press, 1996.
Rafael, Vicente L. Contracting Colonialism: Translation and Christian Conversion in Tagalog Society
under Early Spanish Rule. Quezon City: Ateneo De Manila University Press, 1988.
Scott, William Henry. Barangay: Sixteenth Century Philippine Culture and Society. Quezon City:
Ateneo De Manila University Press, 1994.
Shumacher, John N. The Making of a Nation: Essays on Nineteenth Century Filipino Nationalism.
Quezon City: Ateneo De Manila University Press, 1991.
Tolentino, Rolando B. Sipat Kultura: Tungo sa Mapagpalayang Pagbabasa, Pag-aaral at Pagtuturo
ng Panitikan. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2007.
I. SISTEMA NG PAGMAMARKA
92 – 100 A 4.00
87 – 91 B+ 3.50
83 – 86 B 3.00
79 - 82 C+ 2.50
75 – 78 C 2.00
70 – 74 D 1.00
0 - 69 F 0
J. MGA PATAKARAN NG KLASE
1. Opisyal na Sistema ng Pangangasiwa sa Pagkatuto (SPP) at iba pang Aplikasyon
Canvas ang magiging opisyal na sistema ng pangangasiwa sa pagkatuto (SPP) ng
Pamantasang Ateneo de Manila kasama na ang klaseng ito. Siguruhing nakarehistro kayo sa
tamang kurso sa inyong profile sa SPP. Bilang isang platapormang onlayn, posibleng nasa
magkaibang timezone ang mga miyembro nito (guro at mag-aaral). Siguruhing ang inyong mga
sistema ay nakalagay sa Philippine Standard Time (+8 GMT) upang maiwasan ang mga
pagkakamali tulad ng pagkakamali sa mga oras at araw ng palugit (deadline).
Gayundin, gagamitin ng klase natin ang Zoom at iba pang app para sa mga sesyong
singkroniko, aktibidad, o gawain. Siguruhing may akses kayo sa mga software at app na ito.
Magsasagawa din ng mga singkronikong sesyon. Nakatakda ito nang regular. Ngunit sa
pangkalahatan, magiging asingkroniko ang kurso na may mga modyul ng pagkatuto, materyales, at
aktibidad na inihanda para sa sariling pag-aaral at indibidwal na konsultasyon. Sa mga rehistradong
mag-aaral lamang ibinibigay ang akses sa mga materyales, aktibidad, atbp.
Ang mga marka na nasa SPP ay hindi ang pinal na grado ng mag-aaral. Sa AISIS ipapaskil
ang opisyal na marka.
2. Akses sa mga Materyales sa Pag-aaral at mga Serbisyong Pangmag-aaral.
Para sa mga teknikal at birtuwal na pangangailangan, lalo na sa mga suliranin sa akses sa
internet, maaaring lapitan ang LS ONE (https://sites.google.com/ateneo.edu/ls-one). Maaari ding
kontakin ang Department of Information Systems and Computer Science sa [email protected]
para sa mga espesipikong suliranin sa SPP. Para sa mga mag-aaral na mahihirapan sa pag-akses
sa mga panayam, modyul, at iba pang materyales ng klase sa regular na paraan, maaaring
humiling ng low-bandwidth o bersiyong offline sa inyong guro upang magawan ito ng paraan sa
pinakamaagang paraan.
Nagbibigay din ang Loyola Schools Office of Guidance and Counseling (LSOGC) ng mga
programa at serbisyo para sa mga mag-aaral upang makapagbigay ng ginhawang sikolohiko at iba
pang mga pangangailangan. Maaaring malapitan ang LSOBC sa [email protected] o sa
kanilang Facebook page na https://www.facebook.com/LSOGC.
Para sa mga madaliang pangangailangan, maaaring gamitin ang mga sumusunod na
numero:
Office for Student Services (OSS) Helpline - 0920-914-2372
Campus Security / Ambulance - 426-6001 local 4911
0999-992-5715 (SMART)
0917-562-8641 (GLOBE)
3. Pagtatalâ ng Pagdalo at mga Sesyong Singkroniko
Walang ipatutupad na opisyal na pagtatalâ ng mga pagliban o pagkahuli sa mga klaseng
onlayn alinsunod sa mga regulasyon ng Mga Paaralang Loyola. Ang mga sesyong singkroniko ay
idodokumento para sa kapakanan ng mga hindi makakadalo ngunit naghahangad na makasabay sa
mga nagaganap.
Bagaman walang pormal na pagtatalâ ng pagdalo sa klase, inaasahan pa ring dumalo nang
regular at nasa oras sa mga sesyong singkroniko ang mga mag-aaral na walang suliranin sa
aksesibilidad. Nangangahulugan ito na dadalo sila sa kabuoan ng sesyon. Inaasahan ding maging
alisto at aktibo sila sa paglahok sa klase.
4. Komunikasyon at Konsultasyon
Padadaluyin ang lahat ng opisyal na komunikasyon sa LMS o sa opisyal na email na
ibinigay ng Pamantasan. Gagamitin ng mga mag-aaral ang kanilang mga opisyal na OBF account
para sa mga opisyal na komunikasyon. Huwag lalapitan ang mga guro sa pamamagitan ng social
media o personal na mga pamamaraan tungkol sa mga gawain sa klase, maliban na lámang kung
pinahihintulutan ito ng guro. Tulad ng pagrehistro sa Canvas (o kahit na anong opisyal na LMS o
sistemang onlayn na ginagamit sa loob ng mga Paaralang Loyola), mga mag-aaral lámang na may
OBF account ang bibigyan ng akses sa lahat ng mga opisyal na plataporma. Sakaling may
problema kayo sa inyong mga OBF account at email, maaaring makipag-ugnayan sa Office of
Management Information Systems sa [email protected].
Mahalagang bahagi ng pagkatuto sa onlayn na klase ang mga discussion board sa ating
LMS (kapalit nito ang mga resitasyon at talakayang ginagawa sa klase sa loob ng silid-aralan).
Siguruhing sundin ang apat na panuntunan (4P) na Paghahanda, Pakikilahok, Pangangatwiran, at
Paggalang.
Paghahanda. Paghandaan ang iyong ipapaskil sa LMS upang makapagbigay ng isang
organisado at malinaw na sagot sa talakayan. Sundin ang bawat espesipikasyon sa forum.
Pakikilahok. Makilahok nang madalas sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga kaklase,
pagsagot sa mga komentaryo, at pakikipagpalitan ng mga kaisipan matapos na magpaskil
ng sariling sagot.
Pangangatwiran. Mangatwiran gamit ang iba’t ibang batis sa pagbabahagi ng iyong mga
kaisipan. Laging may pagsisikap dapat na maitatag ang pundasyon ng bawat argumento.
Paggalang. Igalang ang mga opinyon at damdamin ng iba sa pamamagitan ng
pagpapanatili ng sibilidad kahit nagpapahayag ka ng kontrang pananaw.
Sa isang kaligirang onlayn, higit na lumalabo ang mga hanggahan sa pagitan ng
paaralan/pag-aaral at ng personal na panahon. Upang mapanatili ang mga hanggahan, asahan na
magaganap ang mga sagot at pormal na inter-aksiyon sa mga opisyal na oras ng klase natin tuwing
Martes at Huwebes. Asahang masasagot ang mga tanong na ipinadala sa Canvas o sa iba pang
mga opisyal na plataporma sa loob ng dalawampu’t apat na oras matapos ipadala ang mensahe.
Maaaring gawin ang mga konsultasyong pang-indibidwal o pangkatan sa oras ng klase kung
walang nakatakdang sesyong singkroniko o katulad na mga gawain sa oras na iyon. Maaaring
humiling ng konsultasyon ang mga mag-aaral sa mismong araw ng kanilang klase at asahan ang
isang mabilis at positibong sagot.
Dapat hilingin ang mga konsultasyon sa labas ng oras ng klase dalawang araw bago ang
takdang petsa at oras. Hintayin ang tugon ng guro kung matutuloy ang konsultasyon. Kailangang
ipadala at makumpirma sa email ang mga biglaang konsultasyon, lalo na kung gaganapin sa
Sabado at Linggo. Sakaling makansela ang hiniling na konsultasyon, muling itatakda ito sa susunod
na bakanteng oras.
5. Takdang Araw ng Pagpapása at mga Pagsusulit
Hindi tatanggapin ang mga kahingian o gawaing pangkurso kung hindi sa loob ng Canvas
ipinása. Kung sakaling magkaroon ng problema sa pagpapása sa loob ng Canvas, agad na ipabatid
sa guro.
Idinisenyo upang maging pormatibo ang mga gawain sa loob ng kurso ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga modyul. Inaasahan na maisasakatuparan ang mga gawain nang hindi
lalampas sa takdang panahon.
Itinakda ang mga araw ng pagpapása ng mga kahingian ng kurso para mabigyan ang mag-
aaral ng sapat na panahon para makompleto ang mga ito nang may pagsasaalang-alang sa
mabuting pagkatuto. Ngunit kung kakailanganin, mapag-uusapan ang mga takdang petsa para sa
kapakanan ng isang mag-aaral o ng buong klase kung may mabibigat na dahilang bunsod ng
usapin ng kaligtasan at akses sa internet. Ipabatid agad sa guro kung may ganitong mga problema.
Kung sakaling hindi matupad ng mag-aaral ang pagpapása ng isang malaking bahagi ng
mga kahingian (hindi bababa sa 20% ng kabuoang marka), kailangang magpadala sa guro at sa
tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino ng isang pormal na liham (sa pamamagitan ng email) na
nagpapaliwanag kung bakit hindi natupad o naipása ang kahingian. Kailangang ipadala ang liham
na ito nang hindi lalagpas sa dalawang araw pagkaraan ng itinakdang petsa ng pagpapása.
Upang hindi makaligtaan ang mga petsa ng pagpapása at mga kahingian ng kurso, mainam
na ayusin ang notification preferences sa Notifications tab ng Canvas account page.
6. Pribasidad at Kumpidensiyalidad, Karapatang-ari, at Karapatang Intelektuwal
Lumilikha ng mga suliranin sa pribasidad at kumpidensiyalidad ang isang kaligirang onlayn.
Mahalagang tiyakin ng lahat ang pagprotekta sa sariling mga gawain at maging ng sa kapuwa.
Dahil dito, maging matapat tayo sa tuntunin na anumang mangyari sa loob ng klase ay mananatli sa
loob ng klase. Ibig sabihin, hindi maaaring i-share o ipaskil ang mga nilalaman na nasa SPP o sa
iba pang mga espasyo't platapormang ginagamit ng klase (tulad ng Google Drive ng klase na
nilikha ng guro) sa iba pang mga plataporma nang walang nakasulat na pahintulot ng guro at ng iba
pang mga taong nag-ambag sa paggawa ng nasabing nilalaman. Hindi maaaring i-copy-paste o i-
screenshot o screen record ang nilalaman ng kurso. Kapag sinabing "nilalaman," tinutukoy nito ang
sumusunod: teksto ng mga pahina ng SPP, mga paskil ng guro at ng mga kaklase sa discussion
board, at ang mga ipinásang mga pagtatása at takdang-aralin ng mga kaklase.
Malaking kasalanan ang pangongopya (plagiarism) at pandaraya (cheating) sa kolehiyo
kaya F ang markang makukuha sa kurso ng sinumang magpapása ng akdang hindi nagbigay ng
karampatang pagkilala sa sanggunian. Asahan na makararating sa OADSF ang mga kaso ng
pangongopya.
7. Kilos at Asal sa Klase
Isang lugar ang silid-aralan, anuman ang anyo nito, para matuto ang mga mag-aaral at mga
guro mula sa isa't isa. Hindi katanggap-tanggap ang mga kilos o asal na maaaring makagambala sa
pagkatuto at pagtuturo sa isang offline na klase man o sa onlayn.
Kailangang magsuot ang mga mag-aaral ng katanggap-tanggap na pananamit sa mga
sesyong singkroniko. Nauunawaan natin ang kagustuhan natin na magsuot ng maginhawang damit,
ngunit tandaan na nasa isang propesyonal na kaligiran pa rin tayo kahit na isinasagawa ang klase
onlayn. Hindi naman inaasahan na magsusuot ng magagarang damit, sapat nang maging
katanggap-tanggap ang pananamit sa mga sesyong singkroniko.
Hindi dapat gumagamit ang mga mag-aaral ng mga social media site, maglaro ng mga video
game, magpadala at tumanggap ng mga mensahe o tawag, o makibahagi sa mga
nakagagambalang kilos o asal habang nasa gitna ng sesyong singkroniko. Kasama na dito ang
pag-ungkat ng mga bagay na hindi naman kaugnay o walang kinalaman sa kurso.
Para sa mga sesyong asingkroniko, isaalang-alang palagi ang mabubuting netiquette at iba
pang pangkalahatang patakaran kapag lumalahok sa mga klaseng onlayn. Iwasan ang paggamit ng
malalaking titik lahat, mga tandang padamdam, at ng mga makukulay na teksto. Huwag mag-spam
ng mga thread ng klase. Tratuhin ang thread ng klase bilang pribadong pakikipag-usap. Isaalang-
alang ang tono sa pakikipag-usap sa loob ng klaseng onlayn dahil mahirap "marinig" ang tono sa
anyong pasulat kaysa kung bibigkasin ito. Bagaman hinihikayat ang pakikipag-usap sa loob ng mga
discussion board, iwasan natin ang mga problemang laganap sa social media tulad ng pagto-troll,
pagmumura, at iba pang bastos na pag-uugali.
8. Ang Klase Bilang Ligtas na Espasyo
Itinataguyod sa silid-aralan ang makatarungan at ligtas na pag-uugnayan ng isa’t isa. Bilang
isang ligtas na espasyo, pinaiiral dito ang pagkilala sa karapatan at dangal ng bawat kalahok, ang
guro at lalong-lalo na ang mga mag-aaral. Kinikilala ng klaseng ito ang lahat ng oryentasyong
seksuwal, pangkasariang identidad at ekspresyon, estadong panlipunan, estadong pang-
ekonomiya, lahi, etnisidad, at antas ng kakayahang pisikal at mental. Sa bawat pagkakataon,
mainam na alalahaning lubos na isaalang-alang ng lahat ang pagkilalang ito na katarungan at
kaligtasan ang nilalayon.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tingnan ang Patakaran sa Kasarian ng Mga
Paaralang Loyola:
http://www.ateneo.edu/ls/ls-gender-policy
https://www.ateneo.edu/policies/code-decorum-investigation-sexual-harassment
Hindi man kasama ang iba pang aspekto ng panlipunang pagkatao, tinitiyak ng klase, lalong-lalo na
ng guro, na hindi pahihintulutan ang anumang uri ng diskriminasyon o karahasang kaugnay ng mga
ito.
K. ORAS NG KONSULTASYON
PANGALAN NG GURO SULATRONIKO ARAW ORAS
Michael M. Coroza, PhD
T-Th
1100 – 1230