state of the nation address 2014 (sona 2014)

27
Trending: K12 , Passport Renewal , #PDAF , Holidays for 2014 , Foreign Aid Transparency Hub BENIGNO S. AQUINO III, FIFTH STATE OF THE NATION ADDRESS, JULY 28, 2014 State of the Nation Address of His Excellency Benigno S. Aquino III President of the Philippines To the Congress of the Philippines [ Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City, on July 28, 2014 ] Bise Presidente Jejomar Binay; dating Pangulong Fidel Valdez Ramos; Senate President Franklin M. Drilon at mga miyembro ng Senado; Speaker Feliciano Belmonte Jr. at mga miyembro ng Kamara de Representante; Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang ating mga mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga miyembro ng Gabinete; mga opisyal ng lokal na pamahalaan; mga kasapi ng militar, pulis, at iba pang kawani mula sa ating unipormadong hanay; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga Boss, ang mga minamahal kong kababayan: Magandang hapon po sa inyong lahat. Ito po ang aking ikalimang SONA, isa na lamang ang natitira. May kasabihan po tayo: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Kaya marapat lang po siguro tayong magbalik-tanaw: GOVPH (/) MENU

Upload: john-romy-delfin

Post on 22-Nov-2015

143 views

Category:

Documents


48 download

DESCRIPTION

This speech was delivered by our President Noynoy Aquino.

TRANSCRIPT

  • Trending: K12, Passport Renewal, #PDAF, Holidays for 2014, Foreign Aid Transparency Hub

    BENIGNO S. AQUINO III, FIFTH STATE OF THENATION ADDRESS, JULY 28, 2014

    State of the Nation Address

    of

    His Excellency Benigno S. Aquino III

    President of the Philippines

    To the Congress of the Philippines

    [Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex,

    Quezon City, on July 28, 2014]

    Bise Presidente Jejomar Binay; dating Pangulong Fidel Valdez Ramos; Senate President Franklin M.

    Drilon at mga miyembro ng Senado; Speaker Feliciano Belmonte Jr. at mga miyembro ng Kamara de

    Representante; Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang ating mga mahistrado ng Korte Suprema;

    mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga miyembro ng Gabinete; mga

    opisyal ng lokal na pamahalaan; mga kasapi ng militar, pulis, at iba pang kawani mula sa ating

    unipormadong hanay; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga Boss, ang mga

    minamahal kong kababayan:

    Magandang hapon po sa inyong lahat.

    Ito po ang aking ikalimang SONA, isa na lamang ang natitira. May kasabihan po tayo: Ang hindi

    lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Kaya marapat lang po siguro tayong

    magbalik-tanaw:

    GOVPH (/) MENU

  • Noon, sa sitwasyon natin: Para bang kahibangan ang mangarap. May burukrasyang walang saysay,

    patong-patong ang tongpats, at bumubukol ang korupsyon sa sistema. Naturingan tayong Sick Man

    of Asia. Ang ekonomiya natin, matamlay; ang industriya, manipis. Walang kumpiyansang

    mamuhunan sa atin pong bansa. Ang resulta: kakarampot ang trabahong nalilikha. Dinatnan nating

    tigang sa pag-asa ang mamamayang Pilipino. Marami sa atin ang sumuko at napilitang

    makipagsapalaran sa ibang bansa. Nakayuko na lamang nating tinanggap: Talagang wala tayong

    maaasahan sa ating pamahalaan at lipunan.

    Nalugmok nga po ang Pilipinas dahil sa labis na pamumulitika. Naglaho ang pananalig natin sa isat

    isa, humina ang kumpiyansa sa atin ng mundo, at ang pinakamasakit: Nawalan tayo ng tiwala sa ating

    mga sarili.

    Sa puntong ito natin sinimulan ang pagtahak sa tuwid na daan.

    Bilang ama ng bayan, nakaatang sa aking balikat, hindi lang ang mga suliraning ating dinatnan at

    mga lumilitaw sa kasalukuyanobligasyon ko ring paghandaan ang kinabukasan. Sa bawat sandali,

    kailangan kong isaalang-alang ang interes at punto-de-bista ng lahat. Isipin na lang po ninyo: Para

    kang nanonood ng 200 channel sa telebisyon nang sabay-sabay. Kailangan, alam mo, hindi lang ang

    kasalukuyang nagaganap, kundi ang pinanggalingan at paroroonan ng nilalaman ng bawat channel.

    Bawal malito, at kailangan, may tugon ka sa anumang tanong, suhestiyon, at kritisismoat dapat

    sagutin mo ito, bago pa iharap sa iyo.Hindi po madali ang trabahong ito, at tao lang po ako, na kung

    minsan, nagkakaroon din ng agam-agam.

    Ngunit buo ang aking loob dahil malinaw ang aking pangunahing layunin: Ang ibalik ang gobyerno sa

    dapat nitong tuonang paglingkuran ang taumbayan sa lahat ng panahon. [Palakpakan]

    Di po bat may kasabihan tayo: Bigyan mo ng isda ang tao, at mapapakain mo siya ng isang araw.

    Turuan mo siyang mangisda, at habambuhay niyang mapapakain ang sarili niya. Halimbawa nito ay

    ang TESDA. Sa Training-for-Work Scholarship Program, nag-ambag ang DAP ng 1.6 billion pesos.

    Nakapagpatapos po ito ng 223,615 benepisyaryo. 66 percent po nitoo katumbas ng 146,731

    graduatesang nagtatrabaho na ngayon. Iyon naman pong 34 percent na natitira, tinutulungan na rin

    ng TESDA na makahanap ng trabaho. Tingnan po ninyo: Lahat po ng mga TESDA scholar, nakalista

    ang pangalan at iba pang datos, na puwede ninyong kumpirmahin. [Palakpakan]

    Kung hahatiin natin sa bilang ng graduates ang naipagkaloob na pondo, pumapatak ng 7,155 pesos

    ang naipuhunan ng pamahalaan para sa training ng bawat scholar. Sa BPO sector, mababa na ang

    kitang 18,000 piso kada buwan. Kada taon, kikita siya ng 234,000 pesos. Ibigay man ang maximum

    tax deduction, ang magiging income tax niya kada taon: 7,900 pesos. Ibig-sabihin, ang pinuhunan ng

    estadong 7,155 pesos, sa unang taon pa lang, nabawi na, may sobra pa. Ito, at ang lahat ng ibubuwis

  • ng ating scholar hanggang magretiro siya, ay magbibigay naman sa kanyang kababayan ng parehong

    pagkakataon. Ito po ang mabuting pamamahala [Palakpakan]: May tama pong intensyon,

    pamamaraan, at resulta. Lahat panalo.

    Pakinggan po natin ang kuwento ng dalawang TESDA graduate:

    Pag naabot mo na yong pangarap mosuccess, hindi naman stable yon e. You need to work

    hard for it.

    Ako po si Marc Joseph Escora. Ako po ay isang high school graduate. And through TESDAs

    help, I have my career in the BPO [business process outsourcing] industry right now.

    I stayed in Libertad public market for seven years. Nagba-barker po ako. Hindi kaya ng pamilya

    ko na pag-aralin kami nang sabay, so I need to find another way para makapagtapos ako.

    Most important thing na natutunan ko is yung confidence to interact with other people. Pag

    nakita ka ng tao na may kapansanan ka, hindi na nila ni-look forward yung ability mo ba.

    Kailangan lang natin ng tiwala sa sarili.

    If TESDA is not there to help out, siguro wala rin ako ngayon kung nasaan man ako ngayon.

    Yung way of living namin, masasabi kong mas okay siya compared noong dati.

    - Marc Joseph Escora, TESDA beneficiary

    Dahil sa TESDA, napabilis yung pag-aaral ko, paghahanap ko ng trabaho, at ang pagtulong

    ko sa pamilya ko.

    Ako po si Jonnalyn Navarossa, Technical Trainer ng Toyota Motor Philippines. Ako po yung

    naging overall topnotcher ng batch 1 sa automotive servicing sa TESDA Region 4-A. Napili ko

    po yung automotive servicing kasi po pangarap kong maging isang mechanical engineer. So

    para makapagtrabahot magkapag-ipon, nag-TESDA po ako.

    Nakasanayan na po natin na ang auto mechanic ay trabahong panlalaki lang. Pero

    napatunayan ko na basta masipag at determinado, magkakaroon tayo ng dekalidad na

    produkto. Dahil sa TESDA, tumatak po sa akin ang kahalagahan ng dekalidad at mahusay na

    pagtatrabaho. Mas tumaas yung tiwala ko sa aking sarili, at mas masarap nang mangarap

    nang malaki.

    - Jonnalyn Navarossa, TESDA beneficiary

  • [Palakpakan]

    Nasimulan na rin po natin ang Expanded Conditional Cash Transfer Program nitong Hunyo 2014, na

    may pondong 12.3 billion pesos. Ngayon, suportado na rin ng estado hanggang umabot ng 18 taong

    gulang ang benepisyaryo. May magtatanong, Bakit? Batay po kasi sa pag-aaral ng Philippine

    Institute for Development Studies, 40 percent ang dagdag na sinasahod ng high school graduate,

    kumpara sa grade school lang ang natapos.

    Namumuhunan po tayo sa pinakamahalagang yaman ng bansa: ang taumbayan. Pinapatunayan ito ng

    datos ng NEDA. Ayon sa kanila, ang 27.9 percent na poverty incidence natin sa unang semester ng

    2012, bumaba patungong 24.9 percent sa kaparehong panahon noong 2013. Ang three percentage

    points pong ito ay katumbas ng halos 2.5 milyon na Pilipinong nakaalpas na sa poverty line.

    [Palakpakan] Totoo namang dapat pagtuunan ng masusing pansin ang pinakamahihirap sa lipunan.

    Pero hindi tayo titigil diyan: Ngayong nadagdagan ang kakayahan natin, sinisikap nating hindi na

    manumbalik sa ilalim ng poverty line ang lahat ng nakaalpas na. [Palakpakan]

    Dumating po tayo sa lipunang parang isang sirang bahay na hindi natin malisan. Ang malala pa dito,

    halos wala tayong kagamitan at materyales para ayusin ang sira. Nitong mga nakaraang taon, sa

    pakikiambag ng bawat mapagkapwang Pilipino, nabubuo na natin ang mga kagamitan at materyales

    na itotulad po ng budget na tanging nakatuon sa pangangailangan ng mamamayan, at apat na

    sunud-sunod na taon na nating naipapasa sa tamang oras. Kasama nito ang mga batas na

    nagpapabilis ng pagdating ng pakinabang sa atin pong mga Boss.

    Dito posa isang patas na sistemanagsimula ang panunumbalik ng sigla ng ating ekonomiya.

    Nakatipid tayo dahil sa maayos na pangangasiwa ng pondo. Napapalawak natin ang saklaw ng mga

    serbisyo nang hindi nagtataas ng buwis, maliban sa Sin Tax Reform na layuning ibsan ang bisyo sa

    lipunan. [Palakpakan]

    Nagtrabaho tayo para magkaroon ng kakayahang tustusan ang mga proyektong ipinatupad,

    ipinatutupad, at ipatutupad pa natin. Pinaigting natin ang pangongolekta ng buwis: mula sa

    koleksyong 1.094 trillion pesos noong 2010, naitaas na natin ito sa 1.536 trillion noong 2013.

    [Palakpakan] Inayos natin ang pamamahala ng ating mga utang. Ang resulta: Bumaba ang ating debt

    to GDP ratio; ang perang dating dapat ibabayad sa interes, napupunta na sa social services. Pati ang

    mga obligasyong karamihan ay minana lang, natugunan din natin. Halimbawa po nito: 1993 pa po o

    panahon pa ni Pangulong Ramos nang itinakda ang obligasyong i-recapitalize ang Bangko Sentral ng

    Pilipinas sa halagang 50 bilyong piso para magawa niya ang kanyang tungkulin. Ang napondohan ni

    Presidente Ramos, 10 bilyong piso, at hindi na nadagdagan pagkatapos noon. 40 bilyon ang

    kakulangang iniwan sa atin; nabayaran na po natin ito. [Palakpakan]

  • Pinaghirapan natin ang pondong mayrooon tayo ngayon, kayat hindi po natin maaatim na waldasin

    lang ito. Kung pipili nga ng tamang pinuno ang ating mga Boss, malalagpasan pa ng susunod ang

    ating mga nagawa, dahil malaki na ang naibawas natin sa problema, at mas matayog na ang kanilang

    pagmumulan.

    Bakit po mas matayog? Nitong 2013, sa unang pagkakataon, nagkamit tayo ng investment grade

    status mula sa Moodys, sa Fitch, at Standard and Poorsang tatlong pinakatanyag na credit ratings

    agency sa mundo. Sa pagsusuri nila ng ating macroenomic fundamentals at governance, nabawasan

    ang riskong itinatala, kaya tumingkad ang kumpiyansa ng mga namumuhunan. Hindi pa nga po

    nakuntento ang Standard and Poors: Nitong Mayo lang, panibagong upgrade na naman ang ibinigay

    nila sa atin. Ang hatid po nito: Dahil nga investment grade na tayo, mas murang mahihiram ng

    gobyerno ang pondo para sa mga programa at proyekto, mas maraming naaakit na mamumuhunan

    sa ating bansa, at mas mabilis na natatamasa ng Pilipino ang benepisyo. [Palakpakan]

    Kung susumahin naman po ang lahat ng puhunang pumasok sa Philippine Economic Zone Authority

    simula nang itatag ito noong 1995, makikitang 42 porsyento ang pumasok sa apat na taon ng ating

    panunungkulan. Ang natitirang 58 percent, inabot ng 15 taon ang ibang mga administrasyon para

    bunuin. Kumpiyansa po tayo: bago tayo bumaba sa puwesto, papantayan o hihigitan pa natin ang

    halagang ito. Kay Director General Lilia de Lima: Salamat sa nagawa mo na, at gagawin pa, sa

    pagkamit ng tagumpay na ito. [Palakpakan]

    Talagang pa-take-off na ang ating ekonomiya at bansa, at inaabot na natin ang mas matatayog pang

    mithiin. Minana natin ang tila grounded na aviation industry: napatawan tayo ng significant safety

    concerns ng International Civil Aviation Organization, o ICAO, nabigyan ng downgrade ng United

    States Federal Aviation Administration, at nilagyan ng restriction ng European Union ang ating mga

    local carriers.

    Nitong 2013, inalis na nga po ng ICAO ang significant safety concerns sa Pilipinas. Sa parehong

    taon, sinundan ito ng pagpayag ng European Union na muling lumipad ang Philippine Airlines

    patungong Europa, kaya direkta nang makakabiyahe ang Pilipino [Palakpakan] mula Maynila po

    hanggang London. Malamang nga po, pasunod na ang Cebu Pacific dahil nabigyan na rin sila ng

    pahintulot ng EU ngayong 2014. Ngayong taon din, in-upgrade ng United States Federal Aviation

    Administration ang Pilipinas balik sa Category 1. Dahil dito, maaari nang dumagdag ang mga ruta

    papunta sa Estados Unidos. Sa larangan ng turismo at pangangalakal, malaki ang itinulong ng

    pagdami ng flights ng ating airlines tungo sa mga bansa kasapi ng EU at Estados Unidos .

    Dumarating sa atin ang mga ulat na sa dami ng gustong bumisitang negosyante at turista sa ating

    bansa, dumarating ang mga panahong kulang na ang mga biyahe papunta rito. Magandang balita nga

    po ang mga upgrade: Dadami ang biyahe, kayat matutugunan ang suliraning ito. At sa patuloy na

  • pagtutulungan ng CAAP at ng ating mga local carrier, pihadong mas marami pa tayong maaakit na

    turista at negosyante sa mga susunod na taon. Panalo ang mga umaasa sa sektor ng turismo, panalo

    ang sambayanang Pilipino. Mabuting pamamahala po ang ugat ng mga tagumpay na ito.

    Nagpapasalamat nga tayo kina Director General William Hotchkiss, sa CAAP, at sa ating mga local

    carriers para sa inyong pagsusumikap. [Palakpakan]

    Talagang nasa sentro ng pandaigdigang entablado ang Pilipinas. Nito lang pong nakaraang Mayo,

    nagpakitang-gilas tayo sa tagumpay ng pagdaraos ng World Economic Forum on East Asia sa ating

    bansa. Ihahayag natin sa gaganaping APEC Summit dito sa susunod na taon ang kaunlarang

    nakakamit natin at ang pagkakataong hatid nito para sa lahat. Wala pong duda: More open for

    business na nga po ang Pilipinas. [Palakpakan]

    Bukod po sa maaliwalas na pagnenegosyo, isinusulong din natin ang maayos na relasyon ng ating

    mga manggagawa at mga kompanya.

    Isipin po ninyo: Mula 2010, nananatiling mababa sa sampu ang bilang ng mga strike kada taon ayon

    sa National Conciliation and Mediation Board. Isa po itong positibong bunga ng itinataguyod nating

    Single Entry Approach, o SEnA, ng DOLE, kung saan dumadaan sa 30-day conciliation-mediation

    ang mga nakahaing labor cases. Ang maganda nga po: sa 115 notices of strike and lockout noong

    2013, isa lang ang natuloy na welga. Ito ang pinakamababa sa kasaysayan ng DOLE. Maraming

    salamat po kay Secretary Linda Baldoz, sa pamilya ng DOLE [palakpakan] at siyempre po sa labor at

    management sectors. Minsan po ay nagkabiruan kami ni Secretary Baldoz, noong 2012 ho yatay

    may dalawang strike, noong 2013, isa na lang, so nangangalahati nang nangangalahati. Sabi ko:

    Linda, sa 2014, hindi tagumpay yung may kalahating strike. Baka puwede, wala nang strike?

    [Tawanan at palakpakan]

    Batid rin natin: Para magpatuloy ang pag-angat ng ekonomiya at pagbukas ng pagkakataon,

    kailangan ng imprastruktura. Ito ang aakit sa mga negosyante, magpapabilis sa daloy ng produkto at

    serbisyo, at sisigurong kaya nating makipagsabayan sa iba pang merkado sa daigdig.

    Napakalaki po talaga ng pagbabago: Lampas doble na ang budget para sa imprastruktura, mula

    200.3 billion pesos noong 2011, naging 404.3 billion pesos ngayong 2014. [Palakpakan] Paalala ko

    lang po: Hindi tayo nagdagdag ng buwis maliban sa Sin Tax Reform na nakatugon sa kalusugan,

    habang napanatili din ang ating allowable deficit, at patuloy na bumababa ang ating debt-to-GDP

    ratio. Malaki po ang epekto nito, dahil hindi lang lumaki ang pondo: binawasan pa natin ang mga

    tagas sa sistema, kaya natitiyak nating mas sulit ang bawat pisong ginagastos ng estado.

  • Sa pamumuno ni Secretary Babes Singson ng DPWH: Bawal ang tongpats, bawal ang bukol.

    Tinapalan na ang mga butas sa lumang sistema, at pinatag ang proseso sa ahensya. Isang simpleng

    halimbawa po nito ang pagtatanggal ng Letter of Intent sa bidding process. Noon po kasi, ginagamit

    ito bilang kasangkapan sa kuntsabahankapag nalaman kung sino-sino ang bidders ng proyekto,

    binibigyan ng puwang ang sabwatan. Isa pa po: Ang mga dokumentong hinihiling mula sa bidders:

    lima na lang, mula sa dating 20. Mas mabilis ang proseso, at mas kaunti ang pagkakataong

    manghingi ng pampadulas o suhol. Ang resulta: Halos 28 bilyong piso ang naisalbang pondo, at

    napapaaga ang pagpapatupad ng mga susunod na proyekto. [Palakpakan] Kaya naman kay Sec.

    Babes at sa bumubuo ng DPWH: muli, maraming salamat po sa inyong lahat. [Palakpakan]

    Hanep po talaga: Kasabay ng mga natipid ng DPWH, ang nailatag, napapaayos, napalawak, o

    naipagawa nilang kalsada mula nang maupo tayo, umabot na sa 12,184 kilometro. [Palakpakan]

    Nung nakita ko po itong numerong to, napag-isip rin ako: Paano ko ba maipapaliwanag yung

    labindalawang libo? Sabi po sa atin: katumbas ito ng apat na kalsadang nag-uugnay sa Laoag

    hanggang Zamboanga City. National roads lang po ito; wala pa rito ang mga local farm-to-market

    roads o tourism roads. [Palakpakan]

    Sa Public-Private Partnership program naman po: Mula Disyembre 2011 hanggang nitong Hunyo,

    nakapag-award at nakalagda na ng pitong PPP projects ang inyong pamahalaan; ang halaga nito:

    tinatayang 62.6 billion pesos. Sa apat na taon natin sa tuwid na daan, nalampasan na natin ang

    pinagsamang anim lamang na aprubadong solicited PPP projects mula sa nakaraang tatlong

    administrasyon. [Palakpakan]

    Ang laki na po talaga ng pinagkaiba ng noon sa ngayon. Sabi nga ni Secretary Cesar Purisima: Dati,

    hindi makaakit ang Pilipinas ng mga mamumuhunan. Noon, gobyerno pa mismo ang nag-aalay ng

    kaliwat kanang insentibo, tulad ng pagbibigay ng commercial development rights, subsidy, at iba

    pang garantiya. Ngayon, baliktad na ang sitwasyon. Matindi ang kompetisyon ng mga nag-uunahang

    kompanya; handa silang magbayad para makuha ang pribilehiyong itayo ang imprastrukturang

    kailangan natin. Halimbawa po: Sa Mactan-Cebu International Airport Passenger Terminal Building,

    may premium ang gobyerno na umaabot sa mahigit 14 bilyong piso; sa NAIA Expressway Project

    Phase 2, nakakuha ang gobyerno ng prima na 11 bilyong piso. Muli: Mabuting pamamahala ang ugat

    ng lahat ng ito. [Palakpakan]

    Tingnan naman natin ang TPLEX. Dahil sa kalsadang ito, maginhawa na ang biyaheng Tarlac

    hanggang Rosales sa Pangasinan. Ayon po sa kanila, ang bahagi hanggang Urdaneta,

    makukumpleto na bago matapos ang 2014. Sa susunod na taon, aabot na raw ang daang ito

    hanggang sa dulo sa Rosario, La Union. [Palakpakan]

  • Ang mga imprastrukturang matagal nang ipinako sa pangako, atin na rin pong isinasakongkreto. Ang

    Aluling Bridge, na 1978 pa po binuo ang konsepto, bukas na sa publiko. Ang Metro Manila Skyway

    Stage 3, na bahagi ng Metro Manila Expressway na proyekto pa noong dekada sitenta, inilunsad na

    natin noong Enero. Sa mga dumadaan ng Osmea Highway, nakikita naman po ninyo kung gaano

    kabilis itayo ang mga haligi para dito. Ang Ternate-Nasugbu Road, na noon pang 1994 sinimulang

    ilatag ang plano100 percent complete na rin ngayon. [Palakpakan] Ang Basilan Circumferential

    Road, na year 2000 pang under construction, malapit na rin pong matapos. Hindi ko na ho sasabihin

    yung eksaktong petsa baka mausog pa. Pero pag hindi ho natupad, yung ipinangako sa atin ni

    Governor Hataman, sasamahan ko siya araw-araw hanggang matapos ito.

    Ilan lang po ito sa mga imprastrukturang wala tayong planong ipamana bilang problema; sa halip,

    ngayon, nagsisimula na itong mapakinabangan ng ating mga Boss.

    Muli, dahil sa mabuting pamamahala, mas may kakayahan na tayong tugunan, maging ang mga

    problemang paparating pa lang. Halimbawa: sa tubig. Alam nating habang lumalago ang populasyon

    at umaangat ang ekonomiya, mas maraming tubig ang kakailanganin sa mga susunod na taon. Ayon

    nga po sa pag-aaral, maaaring magkaroon ng kakulangan ng tubig sa Metro Manila pagdating ng

    2021. Hindi na po natin hihintayin ang tagtuyot: Ang mga solusyong talagang pinag-aralan ng mga

    dalubhasa, inaprubahan na po natinang Kaliwa Dam Project sa Quezon, at ang pag-aayos ng mga

    linya ng Angat Dam. Magandang solusyon po ito kaysa kumuha ng tubig mula sa mga aquifer sa ilalim

    ng lupa, na mas madaling pasukin o magbibigay-daan para mas madaling pasukan ng tubig-alat. Isa

    pa, kung sa mga aquifer lang tayo nakasalalay, mas mapapabilis ang paglubog ng lupana siya

    namang nagiging dahilan ng pagbaha.

    Kasabay po ng mga dam para sa Metro Manila at mga karatig-bayan ang suporta natin sa mga

    tagalalawigan. Aprubado na rin ang Water District Development Sector Project, sa ilalim ng LWUA o

    Local Water Utilities Administration. [Palakpakan]

    Siguro po, narinig na rin ninyo ang pinakamalaki nating PPP projectang Laguna Lakeshore

    Expressway Dikebubuksan na rin ang bidding bago matapos ang 2014. [Palakpakan]

    Napakaraming benepisyong maidudulot nito. Una, mababawasan ang pagbaha. Ngayon po, pag

    pumalo ng 12.5 meters ang taas ng tubig sa lawa, tiyak, babahain na ang mga komunidad sa paligid

    nito. Ang solusyon: dikeng may taas na higit sa 15 metro. Ikalawa pong pakinabang: Malilinis ang

    tubig sa Laguna Lake. Ang ikatlo po: Bawas ang trapiko. Sa ibabaw ng dike, magkakaroon ng

    expressway, na babagtas sa Los Baos hanggang Taguig. Pag natapos ang C-6 road na kokonekta

    sa San Jose del Monte, may isa na naman tayong paraan upang makatawid ng Kamaynilaan nang

    hindi na kakailanganing dumaan sa EDSA. [Palakpakan] Sa pakikituwang ngpribadong sektor, ang

  • obligasyon natin dito ay right of way lang; porsyento ng lupang mare-reclaim ang ipapambayad sa

    mananalong bidder. Dahil dito, makukuha natin ang ating mga pangangailangan, habang

    mababawasan din ang ating gastusin.

    Ilang halimbawa lang po iyan ng mga proyektong nakapila na para magdala ng benepisyo sa ating

    mga Boss. Marami pang iba: Aprubado na rin ng NEDA Board ang Laoag City Bypass Link Road

    Project; ang Cebu Bus Rapid Transit Project; at ang LRT Line 1 South Extension and Line 2 East

    Extension. Sa mga taga-Palawan naman: Maliban sa mga proyekto sa Puerto Princesa Airport,

    abangan na rin ninyo ang Busuanga Airport. Naka-go signal na rin po ang pagpapatayo ng phase one

    ng modernong Clark Green City sa Capas, Tarlac, pihado pong magsisilbing sentro ng komersyo at

    industriya, hindi lang sa Gitnang Luzon, kundi sa kalakhang bansa. [Palakpakan] Sa dulo po, ang

    ambisyon natin sa Clark Green Citymaging di-hamak itong mas malawak na Bonifacio Global City.

    Ang dating liblib, magiging hitik sa oportunidad.

    Sa mabuting pamamahala, nanunumbalik ang tiwala ng merkado, ng mundo, at ng taumbayan sa

    ating gobyerno. Nagbubunsod ito ng isang siklo: Dahil nakikita ang resulta ng agenda ng reporma,

    nakikiambag ang bawat isa sa ating mga Boss. Talagang hindi nag-iisa ang gobyerno sa

    pagsusulong ng malawakan at makabuluhang reporma. Totoo nga po: Kayo ang aming lakas.

    [Palakpakan]

    Kaya nga po, mga Boss: Salamat sa inyong tiwala at pakikiisa, na lalong nagiging mahalaga sa mga

    panahong sinalubong tayo ng sunud-sunod na trahedya.

    Noong Setyembre 2013, sinugod ng masasamang elemento ang Zamboanga: Ginawang human

    shield ang mga kababayan nating namumuhay nang mapayapa, at sinunog pa ang kanilang mga

    tahanan. Nasubukan ang galing ng ating unipormadong hanay. Pinakamasalimuot sa larangan ng

    bakbakan ang tinatawag na urban combatngunit 195 ang nailigtas natin, sa 197 kataong naipit sa

    putukan. Saludo tayo sa ating mga kapatid sa unipormadong hanay: Nagtagumpay ang sambayanan

    dahil sa inyong sakripisyo. [Palakpakan]

    Inatasan po natin si Secretary Singson na pangasiwaan ang rehabilitasyon ng imprastrukturang nasira

    sa Zamboanga. Pangunahin sa mga pangangailangan: mabigyan ng tahanan ang mga kababayan

    nating nasunugan. Ito po mismo ang isinasagawa natin sa ilalim ng Zamboanga City Roadmap to

    Recovery and Reconstruction. Pagpasok nga po ng Agosto, magsisimula nang lumipat ang mga

    apektadong pamilya sa mga permanenteng bahay sa Martha Drive Subdivision. Kabuuang 7,176 na

    kabahayan sa ibat ibang lugar ang target nating makumpleto sa Hunyo ng susunod na taon.

    Humihingi po kami ng pang-unawa. Maraming problemang kinailangan munang lutasin ukol sa

    pagkuha ng lupang lilipatan. Tinitiyak din nating ang mga tahanang ito ay sumasang-ayon sa

  • pangangailangan ng kanilang relihiyon at kultura, kayat hindi pangkaraniwan ang mga ito. Sa 1,661

    pamilya namang gustong sila mismo ang magkumpuni ng sariling tahanan, 30,000 pisong halaga ng

    Home Materials Assistance ang ipinapamahagi na.

    3.5 billion pesos po ang nakahanda para sa pagpapaayos ng imprastruktura, pagbili ng mga lote,

    pagpapatayo ng mga permanenteng tahanan, at iba pang suporta sa Zamboanga. 2.57 billion pesos

    dito, nai-release na sa NHA at DPWH.

    Ilang linggo naman po matapos ang krisis sa Zamboanga, niyanig ng lindol ang Central Visayas;

    pinakamalaki ang pinsala sa Bohol. Dito natin nakita ang maaaring maabot ng sambayanang

    nagkakaisa sa pagresponde sa sakuna. Isang linggo matapos ang lindol, may kuryente na sa

    Tagbilaran at sa lahat ng munisipalidad ng Bohol. [Palakpakan]

    Ngayon nga po, bawat isa sa 25 na kritikal na tulay at kalsadang nasira ng lindol, nadadaanan na.

    May kabuuang 3.583 billion pesos nang nai-release para sa rehabilitasyon ng Bohol at Cebu.

    [Palakpakan] Kasama na rito ang 2.49 billion pesos na ipinagkaloob ng DILG sa lokal na gobyerno,

    para sa pagpapagawa ng mga palengke, civic center, tulay, water systems, munisipyo at ibang pang

    istrukturang pampamahalaan.

    Bago naman po matapos ang 2013, dumating naman si Yolanda ang pinakamalakas na bagyo sa

    kasaysayan. 1.47milyongpamilya ang talagang naapektuhan, at 44 sa ating 81 probinsya ang

    tinamaan. Sa Eastern Visayas, kung saan pinakamalakas ang pinsalang nadulot, napakaraming

    kinailangan na agarang lingap.

    Sa sobrang lakas ng bagyo, naparalisa ang maraming LGU dahil sila mismo ang tinamaan.Natangay

    po pati ang ating prepositioned relief goods, kayat talagang kinailangang manggaling sa ibang lugar

    ang tulong. Lalo pang naging mabigat ang pagdadala ng ayuda, dahil bagsak ang imprastruktura:

    Walang kuryente, hindi madaanan ang kalsada, at halos lahat ng truck at heavy equipment na

    kailangan ng ating first responders ay nasira sa pinakaapektadong mga lugar. Wala ring gasolina, at

    walang komunikasyon.

    Kinailangan po talaga ng pambihirang pagkakaisa para ipaabot ang tulong sa mga apektadong

    pamilya, kalingahin ang mga naulilat sugatan, siguruhing walang mangyayaring outbreak ng sakit, at

    marami pang ibang tungkulin. Halimbawa lang po: Sa pagkain, hindi lang bigas at delata ang

    kinailangang intindihin. Kailangan din ng mga repacking center, ng maraming truck, pati na ang mga

    barkong magtatawid ng ayuda sa mga apektadong probinsya. Pagdating doon ng relief goods,

    kailangang malinis na ang kalsadang dadaanan, at mapagasolinahan ang mga truck nang makabalik

    sila sa pinanggalingan, upang muling makapagkarga ng ating mga food pack.

  • Hindi nagpatumpik-tumpik sa pagresponde ang inyong gobyerno. Nagmadali tayong linisin, unang-

    una, ang airport, kaya sa loob ng 24 oras pagkatapos ng bagyo, nakapasok na ang tatlo nating C130

    na may dalang ayuda. Sa mismong araw ding iyon, nakapagtayo tayo ng communications hub para

    maging mas mabilis ang daloy ng impormasyon. Sa ikalawang araw, dumating na ang Rapid Health

    Assessment teams ng DOH; ang dagdag na sundalo, pulis, at BFP personnel mula sa ibang

    probinsya; pati na mga kawani ng DSWD na nanguna sa relief operations sa distribution centers

    man sa Eastern Visayas, o sa maraming repacking centers na agad na nagbukas sa buong bansa.

    Sa loob lang ng dalawang araw, napagana na ang Leyte water district; sa ikatlong araw naman,

    bumukas ang unang gasolinahan. Agad na nilinis ang pangunahing mga kalsada. Pagsapit ng ika-22

    ng Nobyembre o dalawang linggo matapos ang bagyo, naipamahagi na ang ikaisang milyong food

    pack sa mga nasalanta; na-clear na ang 35,162 cubic meters ng debris sa mga kalsadang

    pagdadaanan nitong mga relief; at nalinis at nadaanan na ring muli ang 3,426 kilometers ng National

    Roadskasalukuyan naman po nating kinukumpuni ang 108.8 kilometrong napinsalang daanan, tulay,

    approaches, at landslide-prone areas. Pagsapit nga po ng Pasko noong lumipas ang 2013, may

    kuryente na sa lahat ng munisipalidad na tinamaan ng sakuna. [Palakpakan]

    Kumbaga nga po sa Emergency Room, ibinuhos ng estado ang lahat ng kanyang kapangyarihan

    upang agad na mai-stabilize ang pasyente. Nagpapasalamat tayo sa mga kasapi sa ating Gabinete,

    na talaga naman pong nanguna sa pagresponde sa mga apektadong komunidad. Sina Sec. Cesar

    Purisima at Sec. Joel Villanueva ng TESDA, na namuno sa logistics at nag-organisa sa mga

    repacking center, nagmistulan po silang dalawang warehouse operator. [Palakpakan] Si Sec. Greg

    Domingo ng DTI, naging head purchasing agent ng bansa, habang si Sec. Linda Baldoz naman ng

    DOLE ay minabuting maging call center operator para sa lahat ng gusto o nag-aalok ng tulong.

    [Palakpakan] Salamat din kina Sec. Jun Abaya ng DOTC, na naging dispatcher ng ating

    transportasyon; kay Sec. Dinky Soliman na talagang pinatunayan ang pagiging punong relief worker

    ng bansa; at kina Sec. Mar Roxas ng DILG at Sec. Volts Gazmin ng DND, na nagbigay ng marching

    orders sa ating unipormadong hanay mula sa frontline ng sakuna. [Palakpakan] Muli po, salamat sa

    ating Gabinete.

    To our friends and neighbors around the world: Your outpouring of solidarity will never be forgotten by a

    grateful Filipino people. Again, on their behalf, we thank you. [Palakpakan]

    Marahil nga po, sa kahandaan nating makiambag sa abot ng ating makakaya, na siyang

    ipinapamalas ng ating OFWs, peacekeepers, at iba pang Pilipino sa labas ng bansa, nang tayo

    naman ang nangailangan, nakita ng mundong karapat-dapat din tayong tulungan. Salamat sa inyo, at

    sa lahat ng Pilipinong nag-alay ng dalangin at suporta, dito man o sa ibang panig ng mundo.

    [Palakpakan]

  • Hindi po natigil ang trabaho natin. Nagsagawa tayo ng livelihood interventions, upang maging mas

    mabilis ang pagbangon ng mga nasalanta nating kababayan. Ngayong Hulyo nga po, 221,897

    trabaho na ang nalikha matapos tayong magkaloob ng bangka, kagamitan sa pangingisda at

    pagtatanim, mga binhi, at livestock. Kasama na rin po dito ang mga sinuwelduhan nating naging

    kabahagi ng cash for work program.

    Tanggap naman po siguro ng lahat na malaki ang problemang dala ni Yolanda. Pero ayon nga po sa

    international standards, kapag nangyari ang ganitong klaseng sakuna, isang taon ang inaabot bago

    matapos ang relief at mag-umpisa ang rehabilitasyon ng isang bansa. Pero sa loob lang ng walong

    buwan, idineklara na ng United Nations mismo na nasa yugto na tayo ng rehabilitation. Si Ginoong

    Yuri Afanasiev ng United Nations Development Programme na nga po ang nagsabi: We have never

    seen a recovery happen so quickly. And many of us have been in many different disasters.

    [Palakpakan]

    Mahabang panahon ang bubunuin para tuluyang makabangon sa mabibigat na sakuna. Sa Haiti,

    dalawang taon ang nakalipas mula ng lindol, marami pa rin ang nasa evacuation centers. Ang mga

    kapatid natin sa Indonesia, inabot ng walong taon para maka-recover sa tsunami sa Aceh. Mismong

    sa Amerika nga po, sinasabing walong taon ang inabot para makabalik sa dati matapos humagupit si

    Hurricane Katrina.

    Hindi pa po tapos ang ating trabaho. Marami pang bahay na kailangang ipatayo; marami pang mga

    kababayan natin ang kailangang ibangong muli; patuloy pa rin ang pag-build back better para sa mga

    hinagupit ni Yolanda.

    Kaya nga po: Ngayong Hulyo, isinumite na sa atin, at nilagdaan na rin natin, ang LGU Rehabilitation

    and Recovery Plan para sa Cebu, Iloilo, Samar, Eastern Samar, Leyte, at Tacloban City. [Palakpakan]

    Pumasa po ito sa masusing pagsusuri ng mga cluster ng Gabinete; laman nito ang mga

    pangangailangan ng ating mga kababayan, ayon na rin sa isinasagawang malawakang post-disaster

    needs assessment. Nabuo po ang planong ito sa maigting na pagsisikap ni Secretary Ping Lacson,

    na inatasan nga nating tumutok sa mga hamong iniwan ni Yolanda. [Palakpakan] Umaasa po ako sa

    pakikiisa ng Kongreso, dahil malaking halaga ang kailangan, upang tuluyan nang maibangon ang

    ating mga kababayan.

    Alalahanin po natin: Nasa Diyos ang awa; nasa tao ang gawa. Ito rin ang parehong ideya sa likod ng

    ating mga hakbang para sa disaster preparedness. Binigyang-lakas natin ang mga LGU na siyang

    mga frontliner tuwing bagyo at iba pang sakuna, gamit ang moderno at malawakang forecasting

    system.

  • Sa DREAM-LiDAR project sa ilalim ng Project NOAH, halimbawa, napapadali ang pagtukoy kung

    saan ang mga lugar na pinakababahain. Nakamapa na po ang 19 sa target nating 20 river systems

    para matukoy kung ano ang mga lugar na agad naaapektuhan tuwing bumubuhos ang ulan.

    Dahil mas eksakto na ang pagtukoy natin kung kailan at saan tatama ang epekto ng bagyo, ngayon

    po, napapaaga ang paghahanda at pagbibigay-babala ng ating mga LGUs. Maaga na ring naililikas

    ang kanilang mamamayan. Kung ang maayos na forecasting, tatambalan pa natin ng mahusay na

    LGU, talaga naman pong maraming buhay ang maililigtas. Sa Albay na hinagupit kamakailan lang ng

    bagyong Glenda, walang naitalang pumanaw dahil sa bagyo, salamat sa mabuting pamamahala ni

    Governor Joey Salceda. [Palakpakan] At kung kaya itong gawin ng isang probinsya na siya ngang

    parang natawag na nga pong highway ng mga bagyo, bakit naman tayo magdududa na kakayanin ng

    iba pang hindi highway ng bagyo?

    Pag-usapan naman natin ang seguridad. Mulat po tayo sa mga hamon sa bansa, at alam din nating

    mahal ang kailangan nating mga kagamitan. Ngayon po, ikinalulugod kong iulat sa inyo: Tuloy-tuloy

    ang modernisasyon ng AFP. Nakuha na natin ang brand new na 8 Sokol Combat Utility Helicopters,

    tatlong AgustaWestland-109 helicopters, at ang kauna-unahang landing craft utility ship na ginawa dito

    mismo sa ating bansa, ang BRP Tagbanua. Dumating na rin po ang apat na refurbished UH-1

    helicopters at 2 navy cutters. Nito namang nakaraang Mayo, pinasinayaan na rin natin ang state-of-

    the-art Command Center ng Naval Forces West sa Palawan.

    Sa susunod na taon, lalapag na ang 2 sa 12 na FA-50 lead-in fighter trainer jets na binili natin.

    [Palakpakan] Ang natitira naman po, inaasahan nating maide-deliver bago matapos ang 2017. Target

    din nating makuha ang karagdagang brand new na 8 Bell combat utility helicopters, 2 anti-submarine

    helicopters, 10 pang AgustaWestland-109 helicopters, 2 light-lift aircraft, 3 medium-lift aircraft, mga

    radar system at iba pang kagamitang magpapaunlad sa kakayahan ng ating Sandatahang Lakas.

    [Palakpakan] Samantala po, sa Setyembre ng taong ito, inaasahan ang pagdating ng karagdagang

    17 refurbished UH-1 helicopters.

    Dumating na rin ang paunang mga M4 assault rifles na binili natin para sa kasundaluhan. Sa mga

    susunod na buwan, ang kabuuang bilang ng baril na mapapasakamay ng ating mga kawal: 50,629

    units ng M4. Ang bonus pa: dahil sa maayos na proseso ng procurement at tapat na pangangasiwa sa

    pondo, may savings tayo na mahigit 1.2 billion pesos; itong savings ay ipinambibili na natin ng mas

    marami pang baril. [Palakpakan]

    Ididiin ko lang po: Brand new at dekalidad ang lahat ng ripleng ito na nagmumula sa manufacturer na

    daang taon na pong gumagawa ng sandata. Di po ba noong araw: naubos na nga ang pondo, hindi

    pa alinsunod sa ispesipikasyong kailangan natin, tulad po ng biniling Kevlar Helmets. Sabi po ng

  • ispesipikasyon, dapat sa U.S. Pero noong ibinili, sa ibang bansa. May na-convict na po dahil dito.

    Pati ang isang hukom na diumanoy sangkot dito, natapos na ang imbestigasyong inutos ng Korte

    Suprema, at hinihintay natin ang kanilang pasya.

    Tuloy ang pagtugis natin sa kalaban ng estado at masasamang elemento para sa mga krimeng

    ginawa nila. Halimbawa nga po: Nahuli na ang Chairman at Secretary General ng NPA nitong Marso.

    Nanunumbalik na rin po ang normalidad at kaayusan sa 31 probinsyang dating ginambala ng NPA.

    Nagbabago na rin nga po ang mukha ng ating kapulisan. Patunay po rito ang 30 pulis, sa pangunguna

    ni Inspector Charity Galvez, na tumalo sa tinatayang 250 NPA na sumugod sa kanilang presinto noong

    2011. [Palakpakan] Nitong Marso naman po, 4 na bagitong pulis ang buong-tapang na sumagupa

    laban sa Martilyo Gang sa Mall of Asia. Mabuti nga pot naabot na ang 1:1 police to pistol ratio, kayat

    naisyuhan na rin ng bagong baril ang ating mga rookie policewomen. Dati, nakakaligtaan ang

    kapulisan; ngayon, kinakalinga na sila ng estado, at talaga namang tinutumbasan nila ito ng wagas at

    masigasig na serbisyo. [Palakpakan]

    Pakinggan po natin ang tinig magigiting nating pulis:

  • PO1 Juliet Macababbad: May narinig po kaming, ano, nagbasag ng salamin. Naging alerto

    kami ng buddy ko.

    PO1 Marcelina Bantiyag: Ah yong unang pumasok po ng isip ko yung bumunot na po ako ng

    baril kasi alam ko na ano po silana ready po silang magpaputok sa amin; nakauniporme po

    kami.

    PO1 Maricel Rueco: Sinabi po ng aking ka-buddy na si PO1 Bantiyag na Ko-cover-an kita,

    ikaw ang tumawag sa ating PCP [Police Community Precinct]!

    PO1 Marcelina Bantiyag: Meron po kaming nahuli na isang miyembro po nila.

    PO1 Delia Langpawen: Pang-apat na araw namin ditong dutydoon mismo sa post na yon.

    Tapos, biglang ganoon po ang nangyari.

    PO1 Juliet Macababbad: Kailangan po talaga may baril yung bawat pulis. Mabuti na lang po,

    may in-issue po sa amin na Glock 17 Generation 4 po.

    PO1 Marcelina Bantiyag: Malaking tulong po yung baril sa amin kasi kapag nagpapatrolya ka

    may confidence ka na kahit may mangyari puwede kang maki-engage.

    PO1 Juliet Macababbad: Masarap po sa pakiramdam yung ikaw ay makatulong sa iyong mga

    kababayan. Kung ano po yung nagagawa ng mga lalaki, nagagawa din po naming mga babae.

    [Palakpakan]

    PO1 Delia Langpawen: Kahit kinabahan po kami dahil first encounter po namin, ang inisip po

    namin ay ang kapakanan ng mga tao na nandoon.

    - PO1 Juliet Macababbad, PO1 Marcelina Bantiyag, PO1 Maricel Rueco, and PO1 Delia

    Langpawenpolicewomen who arrested members of the Martilyo Gang

    Nito naman pong Hunyo, naging sunod-sunod ang high-profile na pamamaslang. Arestado na ang

    ilangmga sangkot sa pagpatay kina Mayor Ernesto Balolong, sa negosyanteng si Richard King, at

    may sinusundan na ring magandang lead ang ating kapulisan sa pagpatay sa race car driver na si

    Ferdinand Pastor. Huwag po kayong mag-alala: hahabulin natin ang hustisya sa kabuuan, hindi ang

    bahagi lamang. Kaya bukod sa mga ginawa nating pag-aresto, patuloy tayo sa paglikom ng

    ebidensya laban sa iba pang suspect. Pananagutin natin ang lahat ng may-sala. [Palakpakan]

  • Pinapaigting pa natin ang pangangalaga sa seguridad ng taumbayan. Simula ng ika-16 ng Hunyo

    ngayong taon, ipinapatupad natin sa National Capital Region ang Operation Lambat. Matapos nating

    gawing triple ang dami ng checkpoints at magsagawa ng ibat ibang operasyon, ang resulta: 862

    sasakyan at 29 mga baril ang nakumpiska natin. Nakapag-serve tayo ng 587 warrants of arrest, na

    nagresulta sa pagkakaaresto ng 410 suspect. Ibinalik din natin ang Oplan Katok para matiyak na ang

    may tangan ng lisensyadong baril ay ang karapat-dapat lamang. 28,714 na bahay sa NCR ang

    kinatok ng mga pulis para sa operasyong ito.

    Bago natin ipatupad ang Oplan Lambat, mula Enero hanggang ikalawang linggo ng Hunyo, ang

    murder at homicide sa National Capital Region, umaabot sa 31 kaso kada linggo. Sa limang linggo

    pa lang ng operasyon, ang murder at homicide rate: Bumaba sa 22 kaso na lamang kada linggo. 29

    porsyentong pagbaba ang naitalakatumbas ng 9 na pagpatay ang napigilan natin kada linggo. At

    sa NCR pa lang po ito. Kung maisasabatas natin ang pension reform, at makakakalap nga tayo ng

    sapat na pondo para sa dagdag na pulis at para matuloy ang planong pagbili ng kagamitan, lalong

    mapapalawak ni Sec. Mar Roxas ang Operation Lambat, upang gawing mas ligtas ang buong bansa.

    [Palakpakan] Nasa ilalim nga po sana ng DAP ang pondong pangkagamitan, pero dahil hindi ito na-

    obligate bago bumaba ang desisyon ng Korte Suprema, kailangan po nating maghanap ng

    pagkukunan ng karagdagang pondo.

    Tunay nga po: Tiwala ang pundasyon ng mabuting pamamahala. Tiwalang maaasikaso ang lahat ng

    tinamaan o tatamaan ng bagyo; tiwalang sa bawat araw ng trabaho, ligtas mong mauuwian ang

    pamilya mo. Tiwala na hindi kayo lalamangan ng inyong mga pinuno; tiwalang nariyan ang inyong

    gobyerno, kakampi ninyo, lalo na kung kayo ang nadedehado. Tiwala na mananagot ang mga nang-

    abuso, at maitatama ang mga proseso at institusyong ginagamit para nakawan kayo. Tiwala na kung

    sumunod ka sa tama, makukuha mo kung ano ang dapat sa iyo. Ang pagbabalik ng tiwala ninyo: Iyan

    po ang ibig-sabihin ng reporma. [Palakpakan]

    Halimbawa po: Sa Customs, na talaga naman pong sinubok ang ating pasensya noong nakaraang

    mga taon. Naging malinaw sa atin: Reset button ang solusyon. Bumuo po tayo ng mga bagong

    tanggapan para suriin at gawing epektibo ang mga patakaran sa Customs. Nagtalaga tayo ng

    bagong commissioner, anim na bagong deputy commissioner, kasabay na rin ang 40 iba pang

    maaasahang indibidwal para ipatupad ang ating mga reporma sa Customs. Ibinalik din natin sa

    tamang posisyon ang mga empleyado. Totohanang ipinagbawal ang mga guwardiyang umaastang

    kahera, o warehouseman na ginagawang examiner.

    Marami nga po ang nagsasakripisyo para ayusin ang Customs. Kabilang dito ang mga kawani mula

    sa ibang departamento at ahensya ng gobyerno, na hiniling nating lumipat sa Customs dahil tiwala

    tayo sa kanilang integridad. Isipin po ninyo: Sino nga ba naman ang naghahanap ng sakit ng ulo, lalo

    pat walang garantiya ng tagumpay? May mga ipinagpaliban ang kanilang promotion. May mga

  • nagpahiwatig din ng agam-agam dahil sa takot na balikan sila ng mga sindikato. Pero sa huli,

    tumugon sila sa ating panawagang maglingkod. Marapat lang na personal kong pasalamatan ang

    lahat ng kawaning ito, sa pangunguna na nga ni Commissioner Sunny Sevilla. [Palakpakan]

    Pinapatunayan po natin: Sa paninindigan at pagkakaisa, kayang linisin kahit pa ang isang

    institusyong napakahabang panahon nang dinungisan ng katiwalian. Patunay po rito ang good news

    na natanggap natin: Mula Enero hanggang Abril 2014, umangat ng 22 porsyento ang cash collections

    ng Customs kumpara sa parehong panahon noong nakalipas na taon. Ang kabuuan nilang koleksyon

    sa unang apat na buwan ng taon: 117 billion pesos. [Palakpakan]

    Ang masasabi ko naman sa mga patuloy na rumaraket: Alam kong hindi na kayo tinatablan ng takot at

    kahihiyan. Nasa inyo kung makukunsensya kayoo maaawa kayo sa mga nalululong sa drogang

    pinapapasok o pinahihintulutan ninyong pumasok, o sa mga magsasakang napagkakaitan ng tamang

    kita. Ang sa akin lang: Kapag sumapat na ang nililikom na ebidensya laban sa inyo, sa Bilibid ang

    susunod ninyong destino. [Palakpakan]

    Kung pag-uusapan natin ang mga repormang nagsisimula nang magbunsod ng malawakang

    kaunlaran, marapat din pong ibalita ko sa inyo ang mga pangyayari ukol sa repormang agraryo.

    Alam naman po natin, at malinaw sa batas: kailangan munang tukuyin ang maaari at hindi maaaring

    ipamahaging lupain. Pero ang masaklap, ipinamana sa atin ang bungi-bunging datos. Bakit ka niyo?

    Taong 1913 pa sinimulan ang Cadastral Survey ng ating bansa, na tutukoy ng hangganan ng mga

    lupaing saklaw ng bawat lungsod, bayan, at lalawigan sa Pilipinas.

    Isa pang problema: Inuna ng mga nakaraang administrasyon ang distribusyon ng mga lupaing

    madaling ipamahagi tulad ng mga government-owned land, at lupaing napagkasunduan na ng may-ari

    at magsasaka. Ang naiwan sa atin ay mga lupaing maraming kumplikasyon, at ugat pa ng mahabang

    debate at demandahan.

    Dagdag din nga pong suliranin ang masalimuot na sitwasyon sa ARMM. Ang lupa ng ARMM ay

    tinatayang 1.5 milyong ektarya. Pero ang lupang nakatala na dinatnan natin, ngayon ay nasa 2.9

    million hectares na dahil sa patung-patong na pag-angkin ng lupa. Nagtataka nga po si Governor

    Mujiv Hataman ng ARMM at tinanong niya sa akin minsan, Boss, paano kaya nanganganak ang

    lupa?

    Wala po tayong balak na ipasa ang mga suliraning ito sa susunod sa atin, para pag-ugatan lang ng

    panibagong mga problema at ng lalong pagkaudlot ng repormang agraryo.

  • Sa 2015, makalipas ng 102 taon, matatapos na rin ang Cadastral Survey.[Palakpakan] Ngayong

    taon,ihahain din nating muli sa Kongreso ang panukalang batas para i-extend ang paghahain ng

    Notice of Coverage, na hindi agad natapos nang husto dahil nga sa mga problemang kinailangan

    muna nating solusyonan. [Palakpakan] Oras na maihain ang panukalang batas, umaasa tayong

    maipapasa ito sa lalong madaling panahon.

    Kung tiwala nga po ang pag-uusapan, dapat ding isama ang Bangsamoro. Matapos ang mahabang

    panahon ng hidwaan at napupurnadang negosasyon, naibalik na natin ang tiwala. Pruweba ponito:

    Noong nakaraang Marso, nilagdaan na ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

    [Palakpakan]

    Pero simula pa lang ito ng ating pag-usad sa landas ng malawakang pag-unlad sa Mindanao. Wala

    pong nakakatangging napag-iwanan ang ARMM. Gusto po nating bigyan ng pantay na pagkakataon

    ang lahat ng Pilipino, kaya nga dapat may boost up, para naman maka-catch up ang ating mga

    kababayang nasa laylayan. Halimbawa, sa budget na iminumungkahi natin para sa 2015, 5.17 billion

    pesos mula sa budget ng DPWH ay nakalaan para sa imprastraktura ng ARMM. [Palakpakan]

    Kasalukuyan na po nating pinapanday ang panukalang Bangsamoro Basic Law. Humihingi po tayo ng

    pang-unawa sa ating Kongreso ukol rito. Mahalaga pong maging masusi ang paghimay natin ng

    bawat probisyong ilalatag. Sa abot ng ating makakaya, isusulong natin ang isang panukalang batas

    na makatwiran, makatarungan, at katanggap-tanggap sa lahat. [Palakpakan]

    Kung maisasabatas nga po ang Bangsamoro Basic Law bago matapos ang taon at maisasagawa

    ang kinakailangang plebesito, mabibigyan ng isat kalahating taon ang Bangsamoro Transition

    Authority para ipakita ang positibong pagbabago. Kung maaantala naman ito, natural pong iikli rin

    ang panahon para mapatunayan na tama nga ang landas ng kapayapaang tinatahak natin.

    Napakarami na nga po nating nararating dahil sa tiwalaat wala tayong balak basagin ang tiwalang

    ito. Ang gobyerno ninyo ngayon: mayroong isang salita. Hindi ko na po iisa-isahin ang mga natupad

    nating panata sa tuwid na daan; baka masabihan lang tayong nagbubuhat ng sariling bangko. Pero

    mahirap din namang hindi tayo magbanggit, dahil malamang nag-aabang na ang mga magsasabing

    wala tayong ginawa. Kaya samahan niyo na lang akong magbigay ng ilang halimbawa: Trabahot

    pagkakataon para sa napakaraming Pilipino, nalikha at patuloy pang nililikha. Sa katunayan, mula

    Abril 2013 hanggang Abril 2014: nasa 1.65 million ang nadagdag sa bilang ng mga Pilipinong

    nagtatrabaho. [Palakpakan] Minanang kakulangan sa aklat, upuan, at silid-aralan, napuno na; habang

    ang mga panibagong pangangailangan dahil sa K to 12, pinupunuan na rin. 1:1 police-to-pistol ratio,

    meron na rin po. Modernisasyon ng Sandatahang Lakas, nangyayari na. Pangmatagalang

    kapayapaan sa Mindanao, sumusulong na. Pag-angat ng ating ekonomiya, tuloy-tuloy pa rin.

    [Palakpakan]

  • Sabay-sabay nating natutupad ang ating mga pangarap: kalusugang pangkalahatan, silid-aralan,

    trabaho, daungan, kalsada, paliparan, kaligtasan, kapayapaan. Ang nabawi nating pambansang

    dangal, sinamahan pa ng pagkilala ng mundo sa bagong anyo ng Pilipinas. Ang kaban ng bayang

    mula sa pawis ng mamamayan, ginugugol para lamang sa kanilang kapakanan.

    Pakinggan po nating muli ang isa pa sa ating mga Boss:

    Ako po si Gina Lastrado, 47 years old. Galing po ako sa Isla 1 Barangay 180, Maricaban,

    Pasay City.

    Ang trabaho ko po doon sa may pinanggalingan namin sa Pasay, ako po yong

    businesswoman. Ngayon po, pinagpatuloy ko pa rin, maam, yong pagtitinda ko. Kailangan po

    dito tiyaga. Ni-relocate po kami dahil sa aming lugar po ay nasasabing danger zone.

    Karamihan po kasi nasa tabi ng ilog.

    Yung Ondoy, grabe po talaga. Sabi ko nga hindi mo aakalain na masasabi mong mabubuhay

    pa kami.

    Kung ikukumpara yung buhay namin doon sa Pasay saka dito, umulan man, bumagyo

    kumbaga nakakatulog ka nang mahimbing. Wala kang pangamba na ayan na ang baha, hindi

    ka nakakatulog, di tulad doon sa pinanggalingan namin. Kaya nga sabi ko doon sa mga

    kasama ko, sa mga natira pa doon, lumipat na kayo kasi wala na kayong pangamba, wala na

    tayong baha.

    Pagdating namin dito binigyan po kami ng grocery, saka binigay sa amin yung susi. Hinatid po

    kami dito sa bahay namin, at iyon pong eighteen thousand, yun ang panimula ng buhay namin

    dito. Binigyan niya kami ng dignidad ang lahat ng mga taga-squatter area doon sa lugar namin.

    Napakaganda ng buhay namin dito rin, maam. Masasabi mong amin na talaga tong lugar

    nato. [Palakpakan]

    - Gina Lastrado, relocated member of an informal-settler family (ISF)

    Ngayon nga po: Ang problemang dinatnan, nasolusyonan. Ang nandiyan, tinutugunan. At ang

    problemang parating pa lang, pinaghahandaan na rin. Naniniwala ako: Kung mananatili ang inyong

    tiwala, masosolusyonan natin ang mga ito.

  • Tingnan po natin ang sitwasyon sa enerhiya. Ginagawa na po natin ang lahat para siguruhing

    natutugunan ang lumalagong pangangailangan ng bansa. Sa kabila nito, meron pong mga

    pangyayaring talagang hindi natin inaasahan, na maaaring magbunsod ng problema sa susunod na

    taon. Halimbawa po: Kailangan nating bunuin ang mga kakulangan dahil sa outages para sa

    maintenance ng mga lumang planta, ng mga biglaang paghinto ng operasyon dahil sa pagkasira, at

    ng delay sa implementation o sa pagsasatayo ng mga bagong planta.

    Huwag po nating kalimutan, may banta din ng El Nio na makakaapekto sa kapasidad ng mga hydro

    powerplants, at magpapataas pa ng demand sa kuryente. Kung sa ating mga kabahayan nga, lalakas

    ang gamit natin ng electric fan o aircon dahil sa init ng panahon, lalo naman po sa mga industriya at

    negosyo. Hindi ito kasingsimple ng pagpunta sa tindahan at pagsabing, Pabili nga po ng 600

    megawatt generator, at paki-install na rin bukas.

    Ang habol natin: kumpletong paghahanda para hindi tayo maparalisa sakaling mangyari ang worst-

    case scenario. Dapat, kahit sa susunod na taon pa uusbong ang problema, meron na tayong

    pinaplanong solusyon para dito. Kaya nga po inatasan ko si Secretary Icot Petilla ng DOE: Makipag-

    ugnayan ka na sa Joint Congressional Power Commission, sa Energy Regulatory Commission, sa

    industriya, at ang pinakaimportante, sa mga consumer, upang madagdagan ang kakayahan nating

    tugunan ang problema sa enerhiya.

    Batid ko rin po na apektado ang mga Boss natin sa pabugso-bugsong pagtaas ng presyo ng bigas.

    Mukhang totoo nga po ang mga ulat: May ilang mga halang ang bitukang hoarder na itinatago lang

    ang bigas, para kapag tumaas ang presyo, ibebenta nila ang stock para kumita nang di-makatwiran.

    Hindi puwede ito. Kung sa tingin nila wais sila, mas mahusay ang ginagawang diskarte ng inyong

    gobyerno. Ang agarang solusyon: mag-import pa ng bigas, i-supply sa merkado, pababain ang

    presyo, at panatilihin ito sa risonableng antas, para malugi ang mga nagsasamantala sa Pilipino.

    [Palakpakan]

    Noong Nobyembre ng nakaraang taon, nagsimula na tayong mag-import ng 500,000 metriko tonelada

    para magsilbing ayuda sa supply na pinanipis ng nagdaang mga bagyo. Dumating na lahat ito nitong

    Marso. Nito ding Pebrero, inaprubahan ng NFA Council ang pag-angkat natin ng karagdagang

    800,000 metriko tonelada bilang pagpuno sa ating buffer stock requirement, at 360,750 metric tons

    na nito ang dumating ngayong Hulyo; pagdating ng Setyembre, makakarating na ang kabuuan.

    Naaprubahan na rin ngayong Hulyo ang agarang importasyon ng 500,000 metriko tonelada ng bigas

    sa pamamagitan ng open bidding. May standby authority rin ang NFA na mag-angkat ng karagdagan

    pang 500,000 metriko tonelada, bilang paghahanda sa magiging epekto ng kalamidad sa ani at sa

    presyo ng bigas.

  • Kapag dumating ang karagdagan nating inaangkat, mapupuwersa na ngayong magbenta ang mga

    hoarder ng bigas na nakatago sa kanilang mga kamalig. Sa mga hoarder na ito: Kung gusto ninyong

    makipagmatigasan, okay lang, subukan ninyo ang estado. Tandaan lang ninyo: Anim na buwan lang

    ang itatagal bago mabulok ang stock sa mga warehouse ninyo. Siguradong malulugi kayo kapag

    nalunod na ang merkado sa dagdag na bigas. Kumikilos kayo kontra sa mga Pilipino; kami naman,

    isinusulong ang interes ng bawat Pilipino. Tingnan natin kung sino ang mananalo. [Palakpakan]

    Bukod po sa pag-iimbestiga sa mga diumanoy nagtago ng NFA rice, sinisiyasat na rin natin ang lahat

    ng mga puwedeng nagkuntsabahan sa mga ahensya. Iniimbestigahan na ang mga empleyadong

    pinagdududahan upang makasuhan at mapakulong ang mga may-sala sa lalong madaling panahon.

    Sabay ng pagtugis sa mga mapang-abuso, patuloy rin ang mga proyekto natin para alagaan ang mga

    nasa sektor ng agrikultura. Ginagawa nating kaakit-akit na kabuhayan ang pagtatanim ng palay. Alam

    naman po natin na tumatanda na ang ating mga magsasaka, kaya malaki ang maitutulong sa food

    security kung mahihikayat natin ang mga kabataan na pasukin ang ganitong hanapbuhay.

    Nagkakaloob po tayo ng mga makabagong kagamitan sa pagsasaka para sa episyenteng

    pagtatanim at pag-aani. Mula 2011 hanggang Mayo ng 2014, naipamahagi na natin ang kabuuang

    4,628 production machineries, 11,362 post-production machineries, at 105 rice mills sa ibat ibang

    farmers associations. Sa tulong po nito, nabawasan ang nasasayang sa ani ng ating mga

    magsasaka. Bukod rito, pinapaunlad natin ang mga patubig, nagpapagawa tayo ng farm-to-market

    roads, at nagsusulong ng training programs upang masagad ang kanilang kita.

    Pag-usapan naman po natin ang budget. Ang Ehekutibo, nagmumungkahi ng mga proyekto at

    programa; inaaprubahan naman ito ng Kongreso. Kailangan nga lang po nating itigil ang ilan, para

    makasiguradong sumusunod tayo sa naging desisyon ng Korte Suprema ukol sa Disbursement

    Acceleration Program o DAP. Alam ko pong kaisa kayong mga nasa bulwagang ito sa paniniwalang

    hindi dapat ipagkait ang benepisyo sa ating mamamayan, at dapat nga itong makarating sa kanila sa

    lalong madaling panahon.

    Kaya nga po: Ipinapanukala namin ang pagpasa ng supplemental budget para sa 2014, upang hindi

    naman maantala ang ating mga programa at proyekto. [Palakpakan] Kasabay po nito, nananawagan

    din tayo sa pakikiisa ng Kongreso, upang maipasa ang isang Joint Resolution na maglilinaw sa mga

    depinisyon at kaisipang tila pinagtatalunan paat iba pang mga usaping kayo lang sa lehislatura,

    bilang mga nagsulat ng batas, ang makakapaglinaw. [Palakpakan]

    Sa unang araw po ng trabaho matapos ang SONA, ihahain natin sa Kongreso ang panukalang 2.606

    trillion pesos na 2015 National Budget. Gaya ng lagi, binuo ito kasama ang mamamayan, gamit ang

    istratehiyang naglalaan ng pondo kung saan lamang ito tunay na maghahatid ng benepisyo. Umaasa

  • po tayo sa pakikiisa ng ating mga mambabatas na pagtibayin ito, bilang pangunahing instrumento sa

    paglikha ng pagkakataon para sa sambayanang Pilipino.

    Pakinggan naman po natin ngayon ang isang benepisyaryo ng Alternative Learning System program

    po ng DepEd.

    Ako po si Maria Cecilla Fruelda.

    Bale nabalitaan ko po sa mga kasamahan kong taga-Zambales din po, na naririto na sa

    Rosario, na maganda daw po ang hanapbuhay dito sa Puting Kahoy kaya kami po ay napalipat

    dito.

    Prayoridad nga po naming mga tribo ang maghanap ng pagkain kaysa pong pagtuunan ng

    pansin ang pag-aaral. Sobra pong mahalaga sa akin ang pag-aaral lalo na pot noong

    nakapasa ako ng ALS [Alternative Learning System] dahil kung saan ito na po ang naging

    simula na matupad ko iyong aking pangarap na maging isang titser.

    Sa tingin ko po, gaganda ang buhay ng mga kabataang Aeta sa amin kapag nakapag-aral.

    Hindi po ako nakapasok sa ALS kung saan ay di ko po malalaman iyong mga karapatan namin

    bilang katutubo at hindi rin po namin maipapaglaban ang aming tinatawag na lupaing-ninuno na

    ngayon po sa awa ng Diyos ay nilalakad na po ng NCIP para matituluhan ang lupa at mai-award

    na sa amin.

    Pag ako po ay nakatapos ng kursong Edukasyon, gusto ko po makapagturo sa aming

    komunidad at gusto ko rin pong maipamahagi kung ano man iyong mga nalalaman ko at higit

    na kaalaman na dapat ibigay sa mga katutubong Aeta.

    Napakalaki po ng naitulong ng ALS dahil bukod po nga sa ngayon po ako poy estudyante ng

    Luansing, kung saan poy mas lalo pang nakilala iyong aming komunidad. Marami pa po ang

    tumulong lalo na po iyong mga kabataan namin, kung saan parang sinundan nila ang yapak ko,

    mas higit na pong marami ang nag-aaral ngayon kaysa dati. [Palakpakan]

    - Maria Cecilla Fruelda, Aeta tribal leader, ALS learner, and college student

    Mga kababayan, siya po, at ang marami pang benepisyaryong tulad niya, ang natatabunan sa tuwing

    umiingay ang orkestra ng negatibismo sa balita. Itong maiingay na ito, sadyang isinasara ang isip at

    namumuhay sa sariling mundo at realidad. Habang nakikita ang pagbabago sa lipunan, nangyayari na

  • nga ang ating inasahan: lalong dumadalas, lalong umiinit, at lalong tumitindi ang pag-atake nila sa

    atin. Habang lumilinaw ang benepisyo ng reporma, pahirap nang pahirap ang pag-asang

    magtagumpay ang panlilinlang nila, kayat nagtatanim sila ng duda. Desperado na po sila.

    Bakit nga po ba sila galit na galit? Tingnan po natin ang kanilang motibasyon. Para sa mga ginawa

    nang negosyo ang kanilang posisyon: kung maayos natin ang mga sistema, nawawalan sila ng

    pagkakataong mansamantala. Natural lang na kontrahin nila tayo. Ito namang mga walang ibang

    layunin kundi ibagsak ang gobyerno: Puwede lang madagdagan ang kanilang hanay kung maraming

    nagdurusa, at nawalan ng tiwala sa sistema. Ngayong nakukumpuni na ang sistema at natutugunan

    ang pagdurusa, nababawasan na ang puwede nilang i-recruit, kaya pakaunti nang pakaunti ang

    kanilang bilang. Natural lang din na kontrahin nila tayo. Ang pinakamaingay na kumokontra sa atin ay

    ang ayaw ng transpormasyon, dahil nagsamantala at nakinabang sila sa lumang kalakaran.

    Ganito ko nga po naiisip ang ating sitwasyon: Para tayong mga mamamayang matagal na naipit sa

    isang isla kung saan may nag-iisang tindahan. Dahil walang pagpipilian, nagpapataas sila ng presyo

    kung kailan nila gusto, at talaga nga naman pong inaabuso tayo. Inatasan po ninyo akong itimon ang

    bangka ng estado tungo sa kabilang isla, kung saan mas maraming tindahan, mas maraming

    pagpipilian, mas maayos ang buhay, at mas malawak ang pagkakataon. Siyempre po, ang

    nagpapatakbo ng tindahan sa ating islang nilisan, ayaw tayong pumalaot, dahil mawawalan sila ng

    inaabuso. Lahat, gagawin nila para pigilan ang ating pagtawid sa kabilang pampang. Sasabihin

    nilang: Pareho lang naman doon; wala naman talagang pagbabago doon. Itatali nila tayo sa daungan,

    bubutasan ang ating bangka, makikipagkuntsabahan para iligaw ang ating biyahe.

    Ang totoo po, hindi naman ako ang kinokontra ng mga ito, kundi ang taumbayang nakikinabang sa

    tuwid na daan. Kontra sila sa magsasaka sa Iloilo, na mahigit limampung taong nangarap ng maayos

    na irigasyon, at ngayon ay nakikita nang ginagawa ang Jalaur Multi-purpose River Project.

    [Palakpakan] Kontra sila sa napakaraming estudyanteng hindi na kailangang magsiksikan sa mga

    classroom. Kontra sila sa nagkatrabaho dahil nasanay ng TESDA; kontra sa mga maagang naililikas

    sa panahon ng bagyo dahil sa pinahusay na PAGASA; kontra sa mga informal settler na nailayo sa

    panganib dahil sa programang pabahay; kontra sa mga maralitang libre nang nakakapagpagamot sa

    pampublikong ospital; kontra sa mga sundalong may modernong kagamitan kaya mas may

    kumpiyansa nang ipagtanggol ang bansa; kontra sa mga Moro at katutubong abot-tanaw na ang

    kapayapaan. Mga Boss, kontra po sila sa inyo. [Palakpakan]

    Ang totoo po niyan, wala pa tayo sa puwesto, inaatake na tayo. Sanay na tayong sinasalubong ng

    negatibong komentarista sa almusal, pang-aalipusta sa tanghalian, insulto sa hapunan, at may intriga

    pa bilang midnight snack. [Tawanan] Ngayon nga pong Pangulo ako, tuloy pa rin ang mga kontra sa

    pagbabago. Sa tingin ko, maski sa pagbaba ko sa puwesto, hindi pa rin sila titigil.

  • Naalala ko po ang isang matandang babaeng nakausap ko dati sa kampanya. Ang sabi niya sa akin,

    Noy, mag-iingat ka. Marami kang makakabangga. Totoo ang kanyang babala. Pero buo ang loob

    kong kaharapin ang mga nakakabanggang ito, dahil alam ko: iilan lamang sila, at di-hamak na

    napakarami natin. [Palakpakan] Mas malakas po tayong mga handang makisagwan tungo sa

    pagbabago. Magtatagumpay tayo sa labang ito, dahil tayo ang nasa tama.Nangarap tayo, nagsimula

    tayo, nagsikap tayo, nakabuwelo tayo, at ngayon, umaarangkada na nga po ang Pilipino.

    [Palakpakan] Lalong magiging sulit ang pagod at sakripisyo natin kung itong nasimulan natin ay

    itutuloy po ninyo.

    Kayo ang haharap sa sangandaan; kayo ang magpapasya kung magtutuloy ang pagbabago. Tandaan

    lang po natin, ito ang aking ikalimang SONA; isa na lamang ang natitira. Sa 2016, pipili kayo ng

    bagong pinuno ng ating bayan. Ang sa akin lang po: Para ipagpatuloy at mas mapabilis pa ang

    pagbabagong tinatamasa na ng ating lipunan, iisa lang ang batayan sa pagpili ng papalit sa akin:

    Sino ang wala ni katiting na dudang magpapatuloy sa transpormasyong ating isinakatuparan?

    [Palakpakan]

    Kayo po ang Boss, kayo ang lakas, kayo ang gumagawa ng pagbabagokaya kayo rin ang

    magpapatuloy nito. Nasasainyo kung paanong isusulat sa kasaysayan ang mga panahong ito. Maaari

    itong maalala bilang tuktok ng ating tagumpay, bilang magandang simulaing nasayang lang. Pero mas

    maganda pong di-hamak kung maalala ang mga nagawa natin bilang simula pa lang ng ating

    mahabang paglalakbay tungo sa katuparan ng mas matatayog pang pangarap.

    Noong minungkahi po ng ilang mga grupo na akoy tumakbo, ang sabi nila sa akin, hindi namin

    inaasahan na lutasin mo lahat ng problema ng ating bansa sa loob ng anim na taon. Pero simulan mo

    na sana.Nakita naman ninyo kung saan tayo nanggaling, at nakita naman ninyong lampas-lampas pa

    sa ating mga pinangarap noong simula ang tinatamasa natin ngayon.

    Pinapanday na natin ang sistema kung saan talagang patas ang laban; kung saan ang sumusunod sa

    patakaran ay nakakarating sa nais niyang paroonan; kung saan may tunay na kumpetisyong

    nagbubukal ng pagkakataon at malawakang kaunlaran; kung saan ang lahat ay may kakahayang

    panghawakan ang sariling kapalaran. [Palakpakan]

    Abot-kamay na ang isang lipunang kayang sumalo, umaruga sa mga nasa laylayan; kung saan ang

    bawat isa ay kumikilala sa kanyang tungkulin sa kapwa at sa bayan; kung saan tuloy-tuloy at walang

    hanggan ang pakikiambag at sama-samang pag-angat ng sambayanan.

    Papalapit na po talaga tayo sa minimithi nating kinabukasan, kung saan naghahari ang katarungan, at

    tunay pong walang maiiwan.

  • Ito ang resulta ng reporma, at ito ang ipinaglalaban natin, at patuloy pang ipinaglalaban: Hindi ang

    pagpapanatili ng nakasanayan, kundi ang pagbabago ng sistema para makinabang ang lahat.

    [Palakpakan]

    Mga Boss: Binigyan ninyo ako ng pagkakataong pamunuan ang transpormasyon. Kung hinindian ko

    ang hamon na iniharap niyo sa akin, para ko na ring sinabi na tutulong akong pahabain ang inyong

    pagdurusa, at hindi maaatim ng konsensya ko iyon. Kung tinalikuran ko ang pagkakataon, parang

    tinalikuran ko na rin ang aking amat ina, at ang lahat ng inialay nila para sa atin; hindi po po

    mangyayari iyon. Sa paghakbang sa tuwid na daan, pinili ninyo ang mabuti at ang tama; tumotoo kayo

    sa akinat ako naman po ay tumototoo sa inyo. [Palakpakan]

    Ang transpormasyong tinatamasa natin ngayon, ay magagawa nating permanente sa gabay ng

    Panginoon. Hanggat buo ang ating pananalig at tiwala, at hanggat nagsisilbi tayong lakas ng isat

    isa, patuloy nating mapapatunayan na, the Filipino is worth dying for [Palakpakan], the Filipino is

    worth living for, at idadagdag ko naman po: The Filipino is definitely worth fighting for. [Palakpakan]

    Alam po ni Vice President na noong 1987 magkasama kami. May kudeta, na-ambush po tayo doon,

    at tapos noon eh pangalawang buhay ko na po ito. Hindi natin maiiwasan mag-isip sa mga

    binubunggo natin, may araw kayang pag sasampa ka sa entablado, may trabaho ring arawmay

    magtatagumpay bang maglagay ng bomba? Magtatagumpay ba yung mga maiitim na balak ng atin

    pong mga katunggaling gusto tayong ibalik sa maling kalakaran? At kung dumating nga ang

    panahong pong iyon, at natapos na po ang ating pangalawang buhay, masasabi ko ho bang, okay na

    rin? At sasabihin ko po sa inyo, mata sa mata, sa lahat po ng inabot natin, ako poy masasabing

    kontento na ako. [Palakpakan]

    Kontento na po ako dahil panatag ang kalooban ko, na kung ako poy mawala na dito, marami po ang

    magpapatuloy ng ating tinahak na. Baka iyon lang po talaga ang papel koumpisahan ito.

    Nandiyan po ang mga taong tulad ni Cardinal Chito Tagle, at Ka Eduardo Manalo, at tulad ni Brother

    Eddie Villanueva, Father Catalino Arevalo, at Father Jett Villarin, at ni Bishop Jonel Milan, at si Sister

    Agnes Guillen, and Mae Salvatierra. Sila po sa sektor relihiyoso, tuloy, itutuloy nila ang ating pong

    sinimulan. [Palakpakan]

    Meron pong Aris Alip ng CARD na magtutuloy sa kanyang ambag sa pamamagitan ng microfinance.

    Nandiyan po ang isang Alice Murphy at ang kanyang mga kasamahan sa urban poor associates na

    talagang tutuluyan ang pangangalaga sa atin pong informal settlers. [Palakpakan]

  • Nandiyan po ang ating mga sundalo at kapulisantalagang araw-araw naman pong pinipililt gawin

    ang tama, tulad ng ating bagong Chief of Staff, ating mga Service Commanders, mga sundalo ng

    Light Reaction Battalion, at ng JSOG.

    Nandiyan rin po, siyempre, hanay niyong pinanggalingan kong mga pulitiko. May duda ba na dadalhin

    tayo ni Senate President Franklin Drilon at Speaker Belmonte sa tamang landas? [Palakpakan]

    Naging pribilehiyo ko rin ho makipagtrabaho at makipag-ugnayan sa isang governor, Alfredo Maraon

    ng Negros Occidental [palakpakan]. Hindi ko kapartido, pero palagay ko naman po kasama na niya

    ako sa fans club sa tama niyang pamamalakad sa Negros.

    Mayroon rin tayong mga umaangat na bagong o mas bata sa aking pulitiko. Ayoko naman ho sabihin

    na napakaluma ko nang pulitiko sa pagtukoy sa mga mas bata.

    Mga taong tulad ni Mayor Jed Mabilog at ni Mayor Len Alonte [palakpakan].

    Meron naman sa sektor, sabihin na nating mga culture tulad nina Noel Cabangon at ni Ogie Alcasid na

    hindi pansarili lang ang iniintindi. [Palakpakan]

    Gabi-gabi po, bago ako matulog, thank you at nakalampas pa ako ng isang araw. Kung, sabi nga

    noong bata kami, finish or not finish, pass your paper eh dumating na sa akin, palagay ko naman,

    naramdaman na ninyo kung anong pagbabagong karapatan ng bawat Pilipinong mangyari. At bahala

    na kayong ituloy ito. [Palakpakan]

    Mga Boss, kayo ang gumawa ng transpormasyong ating tinatamasa. Kayo ang susi ng pagpapatuloy

    ng lahat ng positibong pagbabagong naabot natin. Buong-buo ang tiwala ko, nasa eksena man ako o

    wala, tutungo ang Pilipino sa tama niyang kalalagyan.

    Kaya, hanggang dito na lang po ako. Magandang hapon po sa lahat. Maraming salamat sa inyo.

    [Palakpakan]

    _________________________

    Read in English (http://www.gov.ph/2014/07/28/english-benigno-s-aquino-iii-fifth-state-of-the-nation-

    address-july-28-2014/)

    SHARE ON SOCIAL MEDIA

    Tweet

    669

    16

  • This entry was posted in Historical Papers & Documents (http://www.gov.ph/section/historical-papers-documents/),Speeches (http://www.gov.ph/section/historical-papers-documents/speeches/), State of the Nation Address(http://www.gov.ph/section/historical-papers-documents/speeches/state-of-the-nation-address/) and tagged Benigno S.Aquino III (http://www.gov.ph/tag/benigno-s-aquino-iii/), SONA 2014 (http://www.gov.ph/tag/sona-2014/). Bookmark thepermalink (http://www.gov.ph/2014/07/28/president-aquino-iii-fifth-sona/).

    REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

    All content is in the public domain unless otherw ise stated.

    Privacy Policy

    ABOUT GOVPH

    Learn more about the Philippine government, its structure, how government w orks and the people behind it.

    Off icial Gazette (http://w ww .gov.ph)

    Open Data Portal (http://data.gov.ph)

    Send us your feedback

    GOVERNMENT LINKS

    Office of the President (http://president.gov.ph)

    Off ice of the Vice President (http://ovp.gov.ph)

    Senate of the Philippines

    House of Representatives

    Supreme Court

    Court of Appeals

    Sandiganbayan

    1,403 people recommend

    this. Be the f irst of your

    friends.

    Recommend