the catalyst sona 2014 special issue

4
The Catalyst The Official Student Publication of the Polytechnic University ‘‘To Write not for the People is Nothing.’’ Pro-Students, Pro-Masses of the Philippines P U P Sapat na ang apat na taong panunungkulan ni Aquino upang kilalanin ang tunay na mukha ng rehimen. Isa na yata sa pinakamahabang tunggalian sa pagitan ng mga magsasaka at asendero ang kasalukuyang kalagayan sa Hacienda Luisita. Matatandaang ‘tambiyolo’ o raffle ang naging tugon ng kasalukuyang administrasyon sa hinaing ng mga magsasaka sa asyenda. Bago pa man ipatupad ang desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi na ang lupain nito, dali-daling pina-impeach ng Pangulo si Chief Justice Renato Corona. Ginamit din ang P6.1 mula sa kaban ng bayan para lamang suhulan ang mga senador at siguruhing matatanggal sa posisyon si Corona. At ang angkan ng Pangulo, ang mga Cojuangco, ang nakasalang na mawalan ng asyendang pagkukunan ng yaman dito. Sa hanay naman ng sektor ng mga manggagawa, patuloy ang pagbuwag sa mga unyon , kontraktwalisasyon at kahit ang pagtatanggal sa mga benepisyong dapat ibinibigay ng mga kumpanya. Tulad ng dinaranas ng mga manggagawa ng TV5 na ngayo’y pangatlo na sa malalaking midya sa bansa. Nakamintine dito ang polisiya ng kontraktuwalisasyon na sumisikil sa karapatan at benepisyo nila. Sa batayang ito, mas mababa ang sweldong ibinibigay sa kanila. Tandaan nating si Manny Pangilinan ang isa sa mga sumuporta sa pagtakbo ni Aquino kaya’t ito na marahil ang ‘payback time.’ Ang mga kababayan naman nating nakatira sa mga komunidad ay pinapalayas upang pwersahang ipatupad ang interes ng mga pribadong kumpanya. Tulad na lamang ng demolisyon sa Brgy. Roque sa Quezon City. Dinemolish ang tahanan ng mga maralitang taga-lungsod sa naturang lugar para bigyang daan ang pagtatayo ng Business District ng pamilyang Ayala, may-ari ng Bank of the Philippine Islands (BPI), Ayala Land Inc., Manila Water Company at Globe Telecom. Isa nga pala sa may kontribusyon sa pagtakbo ni Aquino ang mga Ayala noong Eleksyon 2010. Ayon sa statistika ng gubyerno, 7.3% ang economic growth rate noong 2013 dahilan umano ng pag-unlad ng bansa. Ngunit mula sa 408,000 na naitayang nalikhang trabaho noong nakaraang taon, 317,000 na lamang ito ngayong taon. Hindi na nakakapagtaka kung madaming bilang ng mga nakakapagtapos ang nakatambay lang. Nananatili ring hindi para sa lahat ang edukasyon sa ilalim ni Aquino. Kasabay ng muling pagsisimula ng klase ang pagsisimula rin ng panibagong kalbaryo ng kabataan. Nasa 287 pamantasan ang naka-ambang na magtaas ng matrikula samantalang walang tigil ang pagkaltas sa badyet ng mga state universities and colleges. Nagkakatotoo nga ang sinambit ng Pangulo, “We are gradually reducing the subsidy to SUCs to push them toward becoming self-sufficient and financially independent, given their ability to raise their income and to utilize it for their programs and projects..” Kung susuriin, sina Henry Sy at Lucio Tan ay isa sa mga nagmamay-ari ng mga unibersidad sa Maynila. Kaya naman hinahayaan ang limos na badyet sa edukasyon upang itulak sa pribatisasyon ang mga SUCs at magkamal ng kita mula sa mga estudyante. Isang taon na mula nang maisawalat ang iskandalong yumanig sa bansa. Nagsimula ito sa isang negosyante, si Janet Napoles, na gumamit ng pekeng non-government organizations (NGOs) at lumustay ng P10 billion. Ngunit sa pagkakadawit ng mga pangalan ng mga pulitikong nagmula sa magkabilang partido, nailantad ang kalakaran sa ilalim Sa bingit ng pagbagsak Sandal sa pader. Ito ang katagang maglalarawan kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino matapos ideklarang ‘unconstitutional’ ng Korte Suprema ang Disbursement Acceleration Program (DAP). Dumagdag lamang ito sa patung- patong na kaso ni Noynoy sa taumbayan dahilan upang lalong tumingkad ang panawagang pagpapatalsik sa kanya. Editoryal sundan sa p. 4 SPECIAL ISSUE VOL. XXVIII NO. 4 DAPAT MANAGOT LAHAT NG SANGKOT! SUMAMA SA SONA NG MAMAMAYAN Ι JULY 28 “Hindi matuwid na daan ang ginagawa niya. Baluktot.” Jose Alden B. Celosa, 52, Drayber

Upload: the-catalyst

Post on 01-Apr-2016

241 views

Category:

Documents

8 download

DESCRIPTION

TRANSCRIPT

Page 1: The Catalyst SONA 2014 Special Issue

TheCatalystThe Official Student Publication of the Polytechnic University

‘‘To Write not for the People is Nothing.’’Pro-Students, Pro-Masses

of the Philippines

P U P

Sapat na ang apat na taong panunungkulan ni Aquino upang kilalanin ang tunay na mukha ng rehimen.

Isa na yata sa pinakamahabang tunggalian sa pagitan ng mga magsasaka at asendero ang kasalukuyang kalagayan sa Hacienda Luisita. Matatandaang ‘tambiyolo’ o raffle ang naging tugon ng kasalukuyang administrasyon sa hinaing ng mga magsasaka sa asyenda. Bago pa man ipatupad ang desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi na ang lupain nito, dali-daling pina-impeach ng Pangulo si Chief Justice Renato Corona. Ginamit din ang P6.1 mula sa kaban ng bayan para lamang suhulan ang mga senador at siguruhing matatanggal sa posisyon si Corona.

At ang angkan ng Pangulo, ang mga Cojuangco, ang nakasalang na mawalan ng asyendang pagkukunan ng yaman dito.

Sa hanay naman ng sektor ng mga manggagawa, patuloy ang pagbuwag sa mga unyon , kontraktwalisasyon at kahit ang pagtatanggal sa mga benepisyong dapat ibinibigay ng mga kumpanya. Tulad ng dinaranas ng mga manggagawa ng TV5 na ngayo’y pangatlo na sa malalaking midya sa bansa. Nakamintine dito ang polisiya ng kontraktuwalisasyon

na sumisikil sa karapatan at benepisyo nila. Sa batayang ito, mas mababa ang sweldong ibinibigay sa kanila.

Tandaan nating si Manny Pangilinan ang isa sa mga sumuporta sa pagtakbo ni Aquino kaya’t ito na marahil ang ‘payback time.’

Ang mga kababayan naman nating nakatira sa mga komunidad ay pinapalayas upang pwersahang ipatupad ang interes ng mga pribadong kumpanya. Tulad na lamang ng demolisyon sa Brgy. Roque sa Quezon City. Dinemolish ang tahanan ng mga maralitang taga-lungsod sa naturang lugar para bigyang daan ang pagtatayo ng Business District ng pamilyang Ayala, may-ari ng Bank of the Philippine Islands (BPI), Ayala Land Inc., Manila Water Company at Globe Telecom.

Isa nga pala sa may kontribusyon sa pagtakbo ni Aquino ang mga Ayala noong Eleksyon 2010.

Ayon sa statistika ng gubyerno, 7.3% ang economic growth rate noong 2013 dahilan umano ng pag-unlad ng bansa. Ngunit mula sa 408,000 na naitayang nalikhang trabaho noong nakaraang taon, 317,000 na lamang ito ngayong taon. Hindi na nakakapagtaka kung madaming bilang ng mga nakakapagtapos ang nakatambay lang.

Nananatili ring hindi para sa lahat ang edukasyon sa ilalim ni Aquino. Kasabay ng muling pagsisimula ng klase ang pagsisimula rin ng panibagong kalbaryo ng kabataan. Nasa 287 pamantasan ang naka-ambang na magtaas ng matrikula samantalang walang tigil ang pagkaltas sa badyet ng mga state universities and colleges. Nagkakatotoo nga ang sinambit ng Pangulo, “We are gradually reducing the subsidy to SUCs to push them toward becoming self-sufficient and financially independent, given their ability to raise their income and to utilize it for their programs and projects..”

Kung susuriin, sina Henry Sy at Lucio Tan ay isa sa mga nagmamay-ari ng mga unibersidad sa Maynila. Kaya naman hinahayaan ang limos na badyet sa edukasyon upang itulak sa pribatisasyon ang mga SUCs at magkamal ng kita mula sa mga estudyante.

Isang taon na mula nang maisawalat ang iskandalong yumanig sa bansa. Nagsimula ito sa isang negosyante, si Janet Napoles, na gumamit ng pekeng non-government organizations (NGOs) at lumustay ng P10 billion. Ngunit sa pagkakadawit ng mga pangalan ng mga pulitikong nagmula sa magkabilang partido, nailantad ang kalakaran sa ilalim

Sa bingit ng pagbagsakSandal sa pader. Ito ang katagang maglalarawan kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino matapos ideklarang ‘unconstitutional’ ng Korte Suprema ang Disbursement Acceleration Program (DAP).Dumagdag lamang ito sa patung-patong na kaso ni Noynoy sa taumbayan dahilan upang lalong tumingkad ang panawagang pagpapatalsik sa kanya.

Editoryal

sundan sa p. 4

SPECIAL ISSUEVOL. XXVIII NO. 4

DAPAT MANAGOT LAHAT NG SANGKOT!SUMAMA SA SONA NG MAMAMAYAN Ι J U LY 2 8

“Hindi matuwid na daan ang ginagawa niya. Baluktot.”

Jose Alden B. Celosa, 52, Drayber

Page 2: The Catalyst SONA 2014 Special Issue

“Wala. Wala naman syang nagawa.”Ma. Luisa Cadalin, Black Party, LGBT Community

“Wala naman siyang nagawa para sa akin. Pinataas niya gasolina pati pamasahe. Hindi matuwid na daan ang ginagawa niya. Baluktot.”

Jose Alden B. Celosa, 52, Drayber

“Malaking katiwalian ang nagawa ng Administrasyong Aquino hindi lamang sa organisasyong ito kundi pati na rin sa mga kabataan. 177 bilyon ang budyet sa kurapsyon ngunit wala sa edukasyon. Ang EDCA ay isa na namang banta para sa mga kababaihan. Ayon nga kay General Taft ng US Army, “Prostitution: A Militar necessity.” Muling binuksan ng Administrasyong Aquino

ang ating bansa sa mga sundalong Amerikano upang siyang makinabang ng ating yaman. Bilang Gab, malaking banta iyon sa mga kababaihan. “It’s not just rape for our women, it’s rape for our motherland,” dahil pagyurak ito sa sovereignty ng Pilipinas.”

Viean Bautista, Gabriela Youth

“Ganun parin. Walang nagbago.”Lester Garcia, Construction Worker

“Parang kokonti lang. Ang naasikaso lang naman nya ‘yung mga trabahador niya sa gobyerno. Puro sa gobyerno lang, wala naman syang natutulong saming mahihirap. Mahirap pa rin kami hanggang ngayon, sila lang ang

yumayaman.”Reynaldo Sanchez, Informal Settler

“Sa apat na taong panunungkulan ni Aquino bilang pangulo ng Pilipinas, wala siyang naitulong sa mga magsasaka at manggagawang-bukid. Bagkus, lalong nahirapan ang mga magsasaka na magkaroon ng disenteng kabuhayan. Ang mga lupa na dapat sanang

ipinapamahagi sa amin, napupunta lamang sa kamay ng iilang mga panginoong maylupa. Walang silbi ang CARP na nagbagong bihis bilang CARPER dahil hindi naman nito pinagsilbihan ang mga magsasaka. Walang tunay na repormang agraryo, walang tunay na programang magsisilbi

para sa interes ng karamihan.”Anthony Diturpatur, Magsasaka

Wala! Walang naramdaman, lalong naghirap! Wala talaga! Mary Cris Pascual, Tindera

Tuluyan na kong natigil sa pag-aaral. Walang mahanap na pangmatagalang trabaho, endo palagi. Wala namang nagawa para sa’kin, e.

Raymark Capcap, Tambay

“Bilang estudyante ng EARIST, ‘di ko naramdaman ang presensya niya bilang pangulo. ‘yung pagtulong niya sa mga state colleges at mas prioritize niya ang mga state universities. Kulang kami sa tables, facilities, books, at tsaka computers. Feeling ko nga rin, yung admin namin, nangungurap na din. May binabayaran kaming energy fee na P500 tapos ‘di naman air-conditioned ‘yung room namin. Sana tumaas ‘yung mga sahod ng mga workers since ‘yung

mga parents ko ay mga workers.”Ezra Vinoya, College Student

Sa apat na taong panunungkulan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, ano na ang nagawa niya para sa iyo?

Sa buong taon ng Comprehensive Agrarian Reform Program 4,915 ektarya sa 6,000 ang naipamahagi.

Demolisyon: 54 insidente Ι 59,000 pamilya Ι 6 namatay Ι 345 hurt Ι 159 hinuli

Unemployment Rate: tumaas ng 27.5% o 12.1 milyon mula sa 21.7% (2013)

Pagtataas ng Presyo: Bigas P46-50/kilo Ι Kuryente P11.32/kwh Tubig(Maynilad) 585% Ι Manila water - 1,119%

Minimum Wage P466 at 5,000 OFW kada araw

Presyo kada Litro: P56.40 mula P49.70 sa gasolina P44.55 mula P40.80 sa Diesel

Badyet sa Edukasyon (State Universities and Colleges) : P37.1 B Bilang ng mga pamantasang magtaas ng matrikula: 287 Bilang ng mga may kaltas sa Badyet: 77 SUCs

Sa tala ng Philippine National Police (PNP), mula 15,969 kabuuang kaso ng karahasan sa kababaihan noong 2012, tumaas ito sa 23,865 nitong 2013

PPPPublic-Private

Partnershipmay 127.5 billion

na papakinabangan nina Ayala, Manny V.

Pangilinan, Danding Cojuangco,

Henry Sy

Panayam ng patnugutan ng The Catalyst sa 99% ng lipunang PilipinoDibuho ni: Cristian Henry Diche Paglalapat ni: Abigael de Leon

Page 3: The Catalyst SONA 2014 Special Issue

P1.37 TRILYON Presidential Pork

P177 BILYONDisbursement

Acceleration Program

Sa buong taon ng Comprehensive Agrarian Reform Program 4,915 ektarya sa 6,000 ang naipamahagi.

Demolisyon: 54 insidente Ι 59,000 pamilya Ι 6 namatay Ι 345 hurt Ι 159 hinuli

Unemployment Rate: tumaas ng 27.5% o 12.1 milyon mula sa 21.7% (2013)

Pagtataas ng Presyo: Bigas P46-50/kilo Ι Kuryente P11.32/kwh Tubig(Maynilad) 585% Ι Manila water - 1,119%

Minimum Wage P466 at 5,000 OFW kada araw

Presyo kada Litro: P56.40 mula P49.70 sa gasolina P44.55 mula P40.80 sa Diesel

Badyet sa Edukasyon (State Universities and Colleges) : P37.1 B Bilang ng mga pamantasang magtaas ng matrikula: 287 Bilang ng mga may kaltas sa Badyet: 77 SUCs

Sa tala ng Philippine National Police (PNP), mula 15,969 kabuuang kaso ng karahasan sa kababaihan noong 2012, tumaas ito sa 23,865 nitong 2013

PPPPublic-Private

Partnershipmay 127.5 billion

na papakinabangan nina Ayala, Manny V.

Pangilinan, Danding Cojuangco,

Henry Sy

“Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na

maiangat ang bansa mula sa kahirapan...”

Pananalisik mula sa: Social Weather Stations, Philippine National Statistical Coordinating Board, Ibon Foundation

Page 4: The Catalyst SONA 2014 Special Issue

1

ng Pork Barrel System. Naging kumplikado ang mga numero, at isa lamang ang pinupunto nitong mastermind.

Sa sinumpaang salaysay ni Napoles, binanggit niyang si Florencio ‘Butch’ Abad ang henyong nagturo ng pasikot-sikot ng pork. Si Abad din ang nagtatago sa ‘good faith’ ng Disbursement Acceleration Program (DAP) at matapat na Budget Secretary ni Aquino. Gamit ang kaalaman sa batas, inilaan ang aabot sa P1.37 trilyon para sa Presidential Pork at P177 bilyon sa DAP at inilihis ang atensyon ng publiko mula sa may pakana at nakikinabang ng ganitong iskema.

Nakulong na sina Tanda (Juan Ponce Enrile), Sexy (Jinggoy Estrada) at Pogi (Ramon ‘Bong’ Revilla), at nasa paglilitis na si Abad. Pero patuloy ang pagtatanghal ng papet na kurap at pahirap. Dahil tauhan lamang sina Abad at Napoles sa teatro ng kurapsyon kung saan si Noynoy Aquino, Pangulo ng Pilipinas, ang direktor.

Kaya naman hindi na mapipigilan ang audience ng teatro kung sila ay maniningil sa direktor. Naihain na ang tatlong impeachment case kay Noynoy kasabay ng paglawak ng kilusang pagpapatalsik. Ang mga nasa ibaba ng istruktura ng lipunan ay lalong itinutulak ng kasalukuyang krisis, sa ekonomiya man o pulitika, para baguhin ang umiiral na sistema. Ang ilusyon ng kaunlaran na pilit idinidikdik sa isipan ng bawat indibidwal sa paniniwalang mapagtatakpan nito ang realidad ay naghihingalo na at hindi na maisasalba pa ang imahe ni Noynoy at mga kasapakat niya.

Nasa bingit na ng pagbagsak ang rehimeng Aquino pati ang umiiral na sistemang uno porsyento lamang ang nakikinabang. Hinahawi ng tunay na kalagayan ng mamamayan ang retorika ng ‘tuwid na daan’ ng Pangulo. Isang hakbang na lang ang kailangan upang mapatalsik si Noynoy Aquino – ang daluyong sa mga lansangan sa paligid ng Malakanyang. Maghuhudyat ito ng pagbagsak ng rehimen kasabay ng pagluluwal ng bagong lipunang may hangaring pagkakapantay-pantay ng lahat.

mula sa Editoryal

Apri l le Joy Atadero Ι Acting Editor-In-Chief Ι Abigael de Leon Ι Acting Managing Editor Ι Stel la Marie Maragay Ι Acting Associate EditorSenior Staff Ι Shiena Mae Vi l las Ι Denise Ann Florendo Ι Jenna Zuñiga Ι Victor Van Ernest H. Vi l lena Ι Aira Jane S . Leido Ι Mary Anne Mae E . Baladjay Ι Maria Lyra D. Valdez Ι Jaazeel Espir i tu Ι Rodrigo De Asis Ι Senior Art ists Ι Jean Meagan V. Burie l Ι John Paulo Huerto Ι Leandro Vi l las is Ι Gerardo Ocampo Jr . Ι Layout Art ist Ι Abigael de Leon Ι Staff Writers Cherry Ann Gara Ι Lorenzo Kzumasa Gl iponeo Ι Eis le Coryn Daye Singson Ι P ia Cyri l Ramirez Ι Nicola Rose Jaravata Ι Baby Ann Mel inda Velonta Ι Maria Luisa Caldino Ι Mara Trixia Inciong Ι Jotam Catampatan Ι Artist Ι Patr ick Gal leto Ι Contributor Ι Cr is t ian Henry Diche

MEMBER: Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP)

College Editors Guild of the Philippines (CEGP)

EDITORIAL BOARD 2014 TheCatalyst

The Official Student Publication of the Polytechnic University

‘‘To Write not for the People is Nothing.’’Pro-Students, Pro-Masses

of the Philippines

P U P

Sa bingit ng pagbagsakKung Bakit unconstitutional Ang

DAPDisbursement Acceleration Program

Appropriate Funds for Unapproved ProjectsLahat ng “slow moving projects” sa tingin ni Butch Abad, Budget Secretary, at Noynoy Aquino ay tatanggalan ng pondo at ililipat sa Office of the President kung saan tanging si Noynoy lamang ang may kakayahang ilipat ito sa iba pang proyekto kahit hindi aprubado ng Konggreso at Senado.

Declaration of SavingsTinatanggalan ng pondo ang mga proyektong itinuturing na “slow moving projects” at idedeklarang “savings” sa ilalim ng disgresyon ng Presidente kung saan tanging si Aquino lamang ang may kakayahang gamitin ito.

Cross-Boarder AppropriationsAng mga proyektong nasa ilalim ng DAP ay inaaprubahan ng Presidente kahit hindi dumadaan sa pag-aapruba ng Konggreso o Senado. Mula sa “legislative” patungong “executive” ang tamang proseso ng paglalaan ng badyet sa isang proyekto; ngunit sa DAP, si Noynoy Aquino lang ang kailangan.

Declaration of Unprogrammed FundsMula sa pondong binawi sa mga “slow moving projects,” idedeklara itong “unprogrammed” o walang paglalaanang pondo. Ngunit may kapangyarihan ang Pangulo na gamitin ito sa dikta ng DAP. Sa kasalukuyan, P21 bilyon ng unprogrammed funds ang hindi maipaliwanag ng Malacañang kung saan napunta.

2

43

Mu

la s

a P

ixel

Off

ensi

ve