talata
DESCRIPTION
TalataTRANSCRIPT
TALATA
Balikan Natin!
Ano ang talata?Ang talata ay lipon ng mga magkakaugay na
pangungusap na naglalahad ng isang kaisipan o paksa.
Ilang pangungusap ang kadalasang bumubuo sa isang talata?Kadalasan, ito ay umaabot sa tatlo
hanggang limang pangungusap bawat talata.
Balikan Natin!
Ilang ideya o paksa ang tinatalakay sa bawat talata?Iisang paksa o ideya lamang. Gagawa ng
susunod na talata kung tatalakay na ng panibagong ideya o paksa.
Pakaisipin Natin!
Sa tingin mo, may mga uri o klase kaya ang mga talata?
Pare-pareho lang ba ang mga talata? May pagkakaiba ba sa mga talata?
Mga Uri ng Talata
Talatang NagsasalaysayNaglalahad ng isang pangyayari at
nagkukuwento.Isinasaad nito ang mga kaganapan upang
mailarawan sa isip ng mambabasa ang tunay na naganap.
“Ano ang nangyari?”
Mga Uri ng Talata
Talatang NagpapaliwanagNagbibigay ng impormasyon, kaalaman at
katotohanan.Isinasaad nito ang mga katangian at
katotohanan nang walang pag-aalinlangan.“Bakit?”/”Paano?”
Pagsasanay sa Pagsulat # 1 Layunin
Nakasususulat ng isang talatang nagsasalaysay tungkol sa isang karanasang di-malilimutan.
Pagsasanay sa Pagsulat # 2 Suriin ang sumusunod na talata.
Sagutan ang mga tanong na sumusunod.
Pagsasanay sa Pagsulat # 2 Ang Pag-init ng Daigdig o Global
Warming ay tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada.
Pagsasanay sa Pagsulat # 2 Dahil sa pagtaas ng pandaigdigang
temperatura, nagdudulot ito ng malaking pagbabago kasama na rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng tubig dagat at dami ng mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay maaaring magparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tagtuyot, bugso ng init, bagyo at buhawi.
Pagsasanay sa Pagsulat # 2 Tanong:
Tungkol saan ang talata?Kumpleto na ba ang nilalaman nito? Bakit
mo nasabi?Paano mo higit na maisasaayos ang talata?Magbigay ng limang paksa na nais mong
lubos na maunawaan at masasagot ng Bakit? at Paano?